Professional Documents
Culture Documents
We have different ways on how to divide profits. Basta ang importante eh yung
AGREEMENT NG PARTNERS. Dito na nagsisimula yung domino effect sa Partnership
Accounting. Kapag mali ang interpretation mo sa agreement ng partners patay na.
Equally
Arbitrary ratiorandom ratio na napagkasunduan. Ito yung mga percentages or
ratio na sasabihin the partners agree to have a 70:30 profit and loss ratio blah
blah. Later on may mga technicalities tungkol ditto.
Capital Ratios.
o Original Capital RatiosYung pinaka unang capital contribution nila.
o Beginning Capital RatiosBeginning balance ng capital accounts.
o Ending Capital RatiosMalamang yung end balance.
o Average Capital RatiosIto yung nakakaleche kapag capital ratios
ginamit. Icoconsider mo pa yung pag-galaw ng capital accounts sa bawat
buwan.
Tapos, sabi ni Satanas, hindi pa yan sapat para pahirapan tayo. Sabi niya, parang
kulang sa pagkagahaman ang ibang tao, kaya may i-co-consider pa tayong mga bagay:
Yung supporting compution kung paano tayo naka-arrive sa amounts na ilalagay diyan
will be shouldered by our Notes to the Financial Statements.
YHRS XLS
Like I said, lagging masususnod ang agreement ng partners regarding sa hatian ng
profit and loss. Minsan nga lang, may mga bagay na ayaw pag-usapan. Sensitive topic.
Lets not discuss it. Kaya naman tayo andito kasi sa journey hindi sa end, right?
Kung saan ka masaya, supported kita, bhe. At kung anu-ano pang kabalbalan sa
isang relasyon maisawasan lang ang usaping pera. Pero syempre. Accountant tayo. Di
pwedeng basta-basta at kung saan masaya si 1, susunod na lang si 2. HUSTISYA
PARA SA TANGA!
Kapag wala BOTH PROFIT and LOSS RATIOS (Iba kulay para emphasis na plural yan
meaning yung dalawang ratio yung nawawala), gamitin niyo yung ORIGINAL CAPITAL
CONTRIBUTION. Past is past mga mukha niyo! WALANG KALIMUTAN! MAKALIMUT,
TANGA!
Kapag wala lang eh yung LOSS RATIO, gamitin niyo yung PROFIT RATIO on both
profit and loss.
Kapag wala lang eh yung PROFIT RATIO, HUWAG GUMAMIT NG LOSS RATIO!
Gamitin niyo yung ORIGINAL CAPITAL CONTRIBUTION!
Bakit? Anong rationale, bakit ito yung mga piniling ratios kapag wala ang isa? Kapag
nawawala ang profit ratio, you cant just say na equally yung pag-divide ng profit or loss.
1) Masakit yun para sa tangang sobrang daming kinontribute; 2) Pwedeng umabuso
yung isa at sabihin niyang, walang pinagusapan, pantay lang kami sa hatian, hindi ako
mag-eeffort. Bahala siya. Di ba? Ang sakit! #HustisyaParaSaTANGA! So we use the
original capital contribution ng mga partner. Mas may hustisya, i-co-consider natin yung
na-contribute ng bawat isa para matayo yung partnership natin.
Eh bakit kapag nawawala ang loss ratio, pwede na ang profit ratio while pag nawawala
yung profit ratio, bawal basta-bastang gamitin yung loss ratio? Eh kasi, we always think
about the positives. Kapag loss ratio yung ginamit mo, inaanticipate mo na
magkakaloss ka. Di ba masakit? Again, hustisya lang. And, again, gagamitin natin yung
Original Capital Contribution.
Kuya, is it possible na magka-iba yung dalawa? Bakit sila magiging iba? Di ba pwedeng
isang usapan, tapos?
In most accounting problems, yes, oo, iisa lang yang dalawang yan. PERO may mga
instances kasi na sobrang detalyado ng pag-uusap ng partners at magkaiba sila ng
profit and loss sharing. Pwedeng sa isang partner, sobrang taas ng profit ratio niya,
pero pagdating ng loss, sobrang baba. This is why, we dont use yung loss ratio.
Pwedeng may sugapaang nangyayari.
YHRS XLS
Eh bakit pag nawawala yung loss ratio, okay na yung profit ratio, di ba madupang pa rin
yun?
Technically, yes. Pero kasi yung profit ratio, mabigat yung timbang niya eh. It
encompasses kung ano yung magiging outcome ng operations for the year. You dont
always have a loss naman, so ito na lang gagamitin.
Kuya, what if may bagong partner. Syempre we cannot use na yung original capital, so
anon a gagamitin?
Ang advance ng iniisip mo. Next lesson pa ya. Partnership Dissolution. Pero to
answer, gagamitin mong ratio, will be the new original capital contribution. Dissolution
means, may nabago sa Partnership natin at may matatayong bago. Remember
Pearson whatever sa Suits? Almost every episodes nagpapalit sila ng pangalan right
Pearson Spectre, Pearson Darby, etc. The change of name is synonymous to the
change of legal entity. Kaya ayun. May bago tayong original capital contribution.
Mamaya ko yan sasagutin. Last portion nito pramis. Kung excited ka na, pwede ka
naming magskip. Hanapin mo dito. Pramis. Madidiscuss to.
Siguro naman, understandable naman na yung mga ratio, right? When it comes to
capital, mapa-beginning, original, or ending man, madali lang. Kunin mo lang yun from
both partners from there, gawa ka nan g fraction.
Pero what if ang gusto nila eh Average Capital, since sa tingin nila mas may hustisya ito
kesa sa kung ano mang ratio-ratio. Kasi, dito ma-tre-trace, kung anong changes
nangyayari sa capital account.
YHRS XLS
shall be divided according to their average capital balances. The salaries are withdrawn
every month. Below are pertinent information of the partners capital accounts.
Months stayed.
Months unchanged.
In either method, dapat iisa lang sagot niyo. (BTW, gawa-gawa ko lang yan kasi wala
talaga silang formal names. HAHA!)
Months Stayed
YHRS XLS
withdrawals. Hindi mo naman masasabi na yung pagbabalik niya ng pera after ilang
months niya winidraw eh pagbabalik nung winidraw niya, right? Papasok pa rin yun sa
additional investment. So how come yung salary will be considered temporary
withdrawal at bakit tayo nagkakaroon ng temporary withdrawal?
Nagkakaroon tayo ng temporary withdrawal kapag, duh, bumalik yung winidraw. In what
way, isang way eh yung salary natin. Pwede kasing usapan eh monthly withdrawal of
salary for the partners in such case pwede siyang mag form part ng Salaries Expense,
Drawings account, or direct debit sa Capital Account natin. Now yung salary kasi natin,
nakapaloob dapat yan sa net income natin for the year at sa end pa natin siya
gagalawin. Ito yung mga instances na gusto ka talagang pahirapan ni Satanas. Kasi
hindi moa lam kung iadd mo pa ba yung salaries sa net income para maka-aarrive ka
sa tamang hatian or what. Ill discuss later yung technicalities regarding salaries ng
partners.
Months Unchanged
YHRS XLS
Mamaya. Discuss muna natin yung concept ng Salaries, Interest, at Bonuses ng
partners.
Salaries are your, well, syempre, yung sweldo ng partners. Minsan, napapag-agreehan
ng mga partners na since yung iba nagtratrabaho talaga sa partnership as industrial-
capitalist partners, pinapasweldo sila. Your salaries may be in annual or monthly form.
So ingat. Basahin mabuti yung problem. As in the situation kanina, pwedeng maging
temporary withdrawal ang salary. Dito ma-iillustrate yung reasoning kung bakit
temporary withdrawal siya.
Nope. May mga pagkakataon lang na sasabihin ng problem na winiwidraw yung salary.
Pero as long as walang sinasabi, hindi niya winiwidraw yung salary niya at deretso yun
sa capital.
Interest naman, since basically investment to ng partners di ba? The mere fact na
nagkaroon ng partnership, means may investment na nangyari. So ito yung kumbaga
inaabangang payback ng partners sa kanilang capital balances. Same with your capital
ratios, pwedeng gamitin yung:
Original Capital
Beginning capital
Ending Capital
Average Capital
Same thing with salaries, your interests may also be in annual form or monthly form.
Kung pwedeng i-withdraw every month like salaries, yes. Pwede, depende sa given. So
watch out na lang.
As you can probably notice now, parang kambal yung Salaries and Interests na same
properties sila, pwedeng ma-withdraw, pwedeng annual, pwedeng monthly. Pinagkaiba
lang nila, yung isa fixed, yung isa to be determined pa.
With that being said, your salaries and interests, in almost all situations, will always be
provided to your partners whether kulang yung profit or may net loss ang partnership.
Kuya, you said in almost all situations, so may possibility na pwedeng pag-usapan nila
na kapag kinulang pwedeng wala? Like for example yung pinag-add yung annual
salaries nila sakto lang tapos kulang na for interest then napag-usapan nila na kapag
kulang hanggang dun lang sa makakaya. Sino po mas matimbang si salaries or si
interests?
YHRS XLS
Depende sa usapan ng partners, in our case, yung pagkakasunod-sunod sa problem,
kapag mas naunang banggitin si interest, si interest muna, kapag nauna si salaries,
salaries muna.
What if naman po kung sa salaries mismo kulang na as in P500,000 yung total salaries
ng partners tapos ang profit eh P300,000 lang then same po yung usapan hanggang
dun lang?
Your bonuses naman eh yung bonus mo para sa managing partner for having a job well
done ng partnership, job well done sa pagmamanage, etc. Basta reward sa partner.
Now, unlike your salaries and interests, dedepende pa kung iproprovide mo to. Kasi
minsan, may mga indicator na hindi naman talaga well done yung performance ng
partnership/partner. Pwedeng bonus based on:
Profit alone
Profit after deducting salaries
Profit after deducting interests
Profit after deducting salaries and interests
Profit after deducting salaries and bonuses
Profit after deducting interests and bonuses
Profit after deducting salaries, interests, and bonuses
Now kung ang profit mo eh sufficient according sa condition ng bonus, meaning positive
number yung lalabas after lahat ng deduction, then may bonus ka. Ke sufficient si profit
to shoulder all of your Salaries, Interests, and Bonuses.
YHRS XLS
Tanga, Inutil, and Martir are partners in a merchandising business. The partnership
earned a profit of P2,500,000. The partners ending capital are P230,000; P300,000;
and P420,000 respectively. The partners have agreed for the following profit sharing:
Solution:
Para ka lang nag-su-sudoku. Pero mas madali kesa sa Sudoku. Ang Sudoku
sinusunog! SINUSUNOG!
What if yung bonus is profit after salaries, interests, and bonuses? Mag-iiba ba yung
sagot natin? Lets see.
Nung inafter bonus natin siya, nag-algebra tayo, kumbaga yung basis ng bonus natin,
nakabawas na yung mismong bonus natin.
YHRS XLS
What if naman P250,000 lang yung profit, same conditions
What if naman P250,000 pa rin yung profit. Pero this time yung bonus eh after interest
lang?
YHRS XLS
SPECIAL CASE: INDUSTRIAL PARTNER
Things to remember:
Hindi nagkakaroon ng loss si industrial partner. Kung ano mang loss ma-incur ng
partnership, hindi siya affected.
Kung walang binanggit na profit and loss sharing, syempre assume na original
capital, since walang capital contribution si industrial partner, yung share niya sa
profit will be decided by the partners among themselves. Kung ano man mapag-
usapan nila, yun na yung kay industrial partner. Dito pumapasok yung concept
ng salaries as to partner.
1 in 1000 mong mararanasan ang isang problem na may industrial partner. So
makakahinga ka na ng mabuti. Pero hindi ganun kabuti kasi isang tinik lang yan.
So there, basically, diyan lang naman umiikot partnership operation. Kaya maraming
daldal sa libro kasi inisa-isa yung bawat situation. Pinag-isa ko na kasi, parang
redundant na siya. I mean, sa what ifs palang natin, parang umay na sa paulit-ulit di ba?
Anyway, kung may parang feel niyong, nalaktawan ko, message niyo ako sa FB. ^_^
YHRS XLS