You are on page 1of 3

RULES OF DEBIT AND CREDIT: RECORDING TRANSACTIONS IN T-ACCOUNTS

🖋🖋After natin mapag-aralan how to analyze transactions and its effect to the accounting equation ang
susunod naman natin na pag-aaralan ay ang rules of debits and credits using T-accounts. Yung T-accounts
ay isang malaking T (oh ano na naman ang nasa isip mo haha) used to analyze transactions.

Sa mga case problems na mayroon ang mga books, karaniwan ay nakalagay na ang mga accounts na
gagamitin, kaya ang una mong gagawin ay gumawa ng T-accounts ayon sa bilang ng accounts na given sa
case problem. Sa case problem natin ay may fourteen na accounts. (Tip lang, lakihan mo at lagyan mo ng
enough space ang T-account ng cash kasi yan ang pinakagamitin) After mo magdrawing lagyan mo na ito
ng account mga account title sa ibabaw.

Ang debit side ay ang nasa kaliwa ng T-account at ang credit side ay ang nasa kanan.

📍RULES OF DEBIT AND CREDIT- para sa mga wala pang background sa accounting, hetong sasabihin ko
lang muna sa iyo ang tatandaan mo hanggang makaratting tayo sa trial balance ha.

📌ASSETS= Ang asset kapag nadadagdagan ay dine-debit, kapag nabawasan sa credit mo ilalagay ang
amount.

📌LIABILITIES= kapag nadagdagan i-CREDIT, kapag nabawasan ay idedebit.

📌OWNER’S EQUITY= kapag nadagdagan i-CREDIT, kapag nabawasan, DEBIT. (Dito, wag mo muna
intindihin ang part na mababawasan sya, karaniwan kasi sa mga case problems natin ay magagalaw lang
ito pag may investment o additional investment, ibig sabihin, wala ka pa dapat Makita na debit entry sa
account na ito. Okay?)

📌OWNER’S WITHDRAWAL= kapag nadagdagan DEBIT, kapag nabawasan, CREDIT. (Wag mo muna din
intindihin yung kapag nabawasan, ang focus mo lang kapag nag-withdraw ang may-ari ilagay mo lang sa
debit okay? Dapat wala ka pa entry sa credit side ng account na ito)

📌INCOME= kapag nadagdagan, CREDIT, kapag nabawasan, DEBIT (Wag mo din muna intindihin yung part
na nabawasan, basta nag earn ng income, CREDIT. Wala ka pa dapat Makita sa side ng debit para sa
account na ito.)

📌EXPENSES= Kapag nadagdagan,DEBIT, kapag nabawasan naman ay CREDIT. (Wag mom una din
intindihin yung part na nabawasan, basta to record increase in expense DEBIT, wala ka dapat entry sa
credit ha)

Kung mapapansin mo nung nagsimula tayong mag-discuss in analyzing transactions, we are only using
owner’s equity account, ngayon yung mga components ng owner’s equity ay present. Ang nakakadagdag
sa owner’s equity tulad ng pag may investment at income ay nasa credit to record the increase in equity
account. Yung mga nakakabawas naman ay nirerecord sa DEBIT sa mga separate accounts ng
withdrawals at expenses.
To summarize, DEBIT= ASSETS, WITHDRAWALS, EXPENSES; CREDIT= LIABILITIES, EQUITY, INCOME

🖊Gusto ko lang din ulit ipagdiinan na ang entry na dapat Makita lang sa EQUITY ay CREDIT (investment);
sa WITHDRAWALS ay DEBIT (kapag nag-withdraw); sa INCOME ay CREDIT (kapag may income) at sa
EXPENSES ay DEBIT (kapag may expense).

Heto yung transactions involving a company. Click mo lang bawat isa ang picture at nasa ilalim ang
explanation.

Account Titles to be used are: Cash, Accounts Receivable, Computer Supplies, Computer, Prepaid Rent,
Accounts Payable, Notes Payable, Unearned Revenue, Matulungin, Capital; Matulungin,Withdrawals;
Service Revenues; Salaries Expense; Advertising Expense; and Utilities Expense.

📍📍Bago magismula kilalanin ang mga accounts at magdrawing na ng T-accounts. Isa pang tip para ma-
ensure mo na at least tama ang ginagawa mo ay, KUNG MAY ENTRY KA SA DEBIT, DAPAT MAY ENTRY KA
DIN SA CREDIT. KUNG MAGKANO INIRECORD MO SA DEBIT, DAPAT GANUN DIN ANG AMOUNT NA NI-
RECORD MO SA CREDIT.

I-CLIICK ANG PICTURE PARA SA EXPLANATION

April 1 Matulungin deposited P350,000 to start her new business.

April 2 Computer amounting to P50,000 was bought by issuing a note payable to Ardiente Computer
Store.

April 3 Matulungin paid P15,000 to SB Spaces for rent covering the months of April, May and June.

April 4: Ralph Polo gave P18, 000 as an advanced payment for services on the next three months.

April 5: She bought computer equipment on cash basis, P145,000.

April 9 Purchased computer supplies in the amount of P25,000 on account.

April 11 The business collected P88,000 in cash for services rendered.

April 16 Matulungin paid P18, 000 cash for utilities.

April 17 Matulungin billed clients for services rendered during the month, P35,000.

April 19 She partially paid April 9 purchase of computer supplies at a cost of P17,000.

April 20 Collected P25,000 cash from clients for billings dated April 17.

April 21 Matulungin withdrew cash from the business for personal use, P20,000.

April 27 Received advertising bill, P8,000.

April 30 Matulungin paid salaries of her assistant, P15,000.

You might also like