You are on page 1of 2

HAKBANG SA PAGSISIMULA NG NEGOSYO

Ang pagiging isang negosyante ay hindi madali at kailangan ng masusing pagpili ng negosyong
magtatagal na tatangkilikin ng mga tao. Bukod dito, maraming mga papeles ang dapat kumpletuhin para
sa maayos na daloy ng negosyo. Ang pagtatag ng isang single proprietorship business ay higit na madali
kaysa sa partnership at corporation. Ang single proprietorship ay uri ng negosyo na pagmamay-ari ng
isang indibiduwal na kung saan siya ang may kontrol sa mga pag-aari at may responsibilidad sa mga
pagkaakautang. Ito ang pinakamadali sa lahat ng uri ng negosyo at dito rin mauuri ang negosyong
itatayo ninyo. Pero bago ang lahat, kailangan ang iyong edad ay hindi baba ng 18 taong gulang at isang
lehitimong Pilipino. Kung nasunod ang mga kinakailangan sa taas, maaari ng tumungo sap ag-aayos ng
mga papeles. Narito ang mga hakbang:

STEP 1: Department of Trade and Industry Registration
Ito ang pinakaimportante sa lahat ng dokumentong kailangan upang makapagsimula ng isang
negosyo. Kinakailangan mong pumunta sa DTI office ng inyong siyudad at mag-apply ng business
registration. Kinakailangan ito upang ang pangalan ng inyong negosyo ay makita sa talaan ng DTI
Businesss Name Registration System. Siguraduhing walang kaparehas na pangalan ang iyong naisip na
negosyo. Sa oras na marehistro, makakatanggap kayo ng isang Certificate of Business Name Registration
na ipapakita sa iba pang mga ahensya upang makompleto ang mga papeles. Makakatanggap din ng
Transaction Reference Number Acknowledgement na galing sa DTI BNRS na pwedeng magamit kapag
humiling ng city permits at bank accounts sa hinaharap.
Ang mga kinakailangan sa pagbisita sa pinakamalapit na DTI Office:
Orihinal at photocopy na valid ID ng may ari
Dalawang kopya ng application forms na may pirma ng may-ari
Pambayad sa pagrehistro at documentary tax stamp
Narito ang talaan ng mga dapat bayaran depende sa sakop ng iyong negosyo:
Barangay: PHP200.00
City/Municipality: PHP500.00
Regional: PHP1000.00
National: PHP2000.00
Documentary Tax Stamp: PHP15.00
Tinatayang oras ng pagproseso: 1 oras

STEP 2: Baranggay Clearance
Kinakailangan na marehistro ang iyong negosyo sa particular na barangay upang mabigyan ng barangay
clearance. Isa rin ito sa mga hinihingi ng ibang ahensya para sa pagkumpleto ng mga dokumento.
Ang mga kinakailangan ay:
Kopya ng Certificate of Business Name Registration mula sa DTI
Dalawang valid IDs
Katibayan ng lokasyon ng iyong negosyo ( titulo ng lupa, renta)
Bayad sa pagproseso

You might also like