You are on page 1of 13

Transkripsyon:

Ang mga sumusunod ay transkripsiyon mula sa isinagawang pakikipanayam ng mananalliksik.


Iminungkahi ng ibang respondante na huwag nanag ilagay ang kainilang pangalan, dahil dito
mas minabuti nalang ng mananalisksik na gumamit ng coding.
NEGOSYO: EMMA’S STORE
Negosyante A
TAGAPANAYAM: Ano ang nauunawaan ukol sa tax avoidance? Salik sa pagpaparehistro ng
negosyo?
RESPONDANTE: Ito ay isang legal na gawain kaya dapat nakarehistro muna ang negosyo mo
sa BIR. Hindi ko na maalala yung mga pinahandang requirements samin nung nagparehistro ako.
TAGAPANAYAM: Salik sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: Wala ako masyadong alam sa pagbabayad ng buwis kasi anak ko ang nag
aasikaso noon para sakin, tagabigay lang ako ng pambayad.
TAGAPANAYAM: Salik sa pagpaparusa?
RESPONDANTE: Siguro wala kasi legal naman yung paggawa ng tax avoidance
TAGAPANAYAM: Legalisasyon?
RESPONDANTE: Legal
TAGAPANAYAM: Ano ang nauunawaan ukol sa tax evasion? Salik sa pagpaparehistro ng
negosyo?
RESPONDANTE: (walang sagot kahit binahagian ng mananaliksik nang kahulugan ng tax
evasion)
TAGAPANAYAM: Salik sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: (walang sagot kahit binahagian ng mananaliksik nang kahulugan ng tax
evasion)
TAGAPANAYAM: Salik sa pagpaparusa?
RESPONDANTE: (walang sagot kahit binahagian ng mananaliksik nang kahulugan ng tax
evasion)
TAGAPANAYAM: Legalisasyon?
RESPONDANTE: (walang sagot kahit binahagian ng mananaliksik nang kahulugan ng tax
evasion)
TAGAPANAYAM: Ano-ano ang mga maaaring maging dahilan sa pagbabayad ng mas mataas
na buwis ng mga negosyante?
RESPONDANTE: Siguro depende sa kinikita, kasi minsan pag mataas yung kita namin, mataas
din yung binabayaran namin. Kapag mababa naman, medyo mababa din binabayaran naming
buwis.
TAGAPANAYAM: Ano ang mga kinakaharap na suliranin ng mga nagbabayad ng buwis dulot
ng limitadong kaalaman sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: Para sa akin, yung ipambabayad mismo. Kasi minsan diba pag matumal
naman yung bentahan, magbabayad ka pa din ng buwis, namomroblema ako san kukuha ng
pambayadkasi hindi lang naman yun yung mhga binabayaran ko.
TAGAPANAYAM: Ano-ano ang kalimitang nabubuong tanong na nais bigyang linaw ukol sa
sistema ng pagbubuwis?
RESPONDANTE: Kapag nagbabayad ng buwis, sabi nila napupunta din sa taong bayan, ano
yung pamamaraan nila, kasi may mga pagkakataon na parang wala naman?

NEGOSYO: LIN’S
Negosyante B:
TAGAPANAYAM: Ano ang nauunawaan ukol sa tax avoidance? Salik sa pagpaparehistro ng
negosyo?
RESPONDANTE: Kagaya lang din kapag nagpaparehistro ka sa BIR. May mga papel na
pinapapasa tapos syempre may mga binabayaran.
TAGAPANAYAM: Salik sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: Wala ako masyado alam dyan e, basta kada taon nagbabayad kami ng buwis,
sabi sakin nakadepende daw sa kinikita naming kaya ayon pag kailangan magbayad, nagbabayad
nalang kami.
TAGAPANAYAM: Salik sa pagpaparusa?
RESPONDANTE: Kapag di ka nakapagbayad ng buwis siguro may madadagdag na babayaran,
penalty kumbaga.
TAGAPANAYAM: Legalisasyon?
RESPONDANTE: Legal siguro.
TAGAPANAYAM: Ano ang nauunawaan ukol sa tax evasion? Salik sa pagpaparehistro ng
negosyo?
RESPONDANTE: Diba pag tax evasion, illegal na gawain, yung sadyang di ka magbabayad ng
buwis. Ayan ata yung mga hindi nagpaparehistro ng negosyo nila para makaiwas sa pagbabayad
ng buwis.
TAGAPANAYAM: Salik sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: Hindi ka na magbabayad buwis kasi hindi ka naman rehistrado. Swerte nung
mga gumagawa ng ganyan kasi di na nababawasan yung pinakakita nila.
TAGAPANAYAM: Salik sa pagpaparusa?
RESPONDANTE: Sabi sa balita pag nag evasion daw pwedeng makulong. Kaya yun siguro
yung pinakaparusa.
TAGAPANAYAM: Legalisasyon?
RESPONDANTE: Illegal.
TAGAPANAYAM: Ano-ano ang mga maaaring maging dahilan sa pagbabayad ng mas mataas
na buwis ng mga negosyante?
RESPONDANTE: Tumataas yan dahil sa penalty, o kaya pag di mo alam na kailangan na
magbayad, edi ang resulta malelate sa pagbayad, dun ka na magkakaroon ng penalty fee.
TAGAPANAYAM: Ano ang mga kinakaharap na suliranin ng mga nagbabayad ng buwis dulot
ng limitadong kaalaman sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: Syempre kagaya ko, di ako masyado maalam pano patakaran sa pagbubuwis,
parang maski pagpaparehistro palang nangangapa na ko kung ano dapat gawin. Tapos kung ano
ba yung mga dapat at hindi dapat pagkatapos magparehistro.
TAGAPANAYAM: Ano-ano ang kalimitang nabubuong tanong na nais bigyang linaw ukol sa
sistema ng pagbubuwis?
RESPONDANTE: Saan napupunta ang binabayad naming na buwis? Bakit minsan mataas yung
binabayaran? Talaga bang nagagamit sa tama yung binabayad namin na buwis?

NEGOSYO: FLORD RICE DEALER


Negosyante C:
TAGAPANAYAM: Ano ang nauunawaan ukol sa tax avoidance? Salik sa pagpaparehistro ng
negosyo?
RESPONDANTE: Nung nagparehistro ako nun sa BIR, may inaabot silang form dun tapos
nahirapan pa nga ko non kasi di ko alam kung alin lang yung sasagutan at alin yung hindi.
TAGAPANAYAM: Salik sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: Meron kaming form din na ilalagay kung magkano yung kinikita tapos tsaka
palang naming nalalaman kung magkano yung buwis na babayaran namin.
TAGAPANAYAM: Salik sa pagpaparusa?
RESPONDANTE: Pinakaparusa dyan ay kulong kung di ka talaga magbabayad ng buwis.
TAGAPANAYAM: Legalisasyon?
RESPONDANTE: Legal
TAGAPANAYAM: Ano ang nauunawaan ukol sa tax evasion? Salik sa pagpaparehistro ng
negosyo?
RESPONDANTE: (walang sagot kahit binahagian ng mananaliksik nang kahulugan ng tax
evasion)
TAGAPANAYAM: Salik sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: (walang sagot kahit binahagian ng mananaliksik nang kahulugan ng tax
evasion)
TAGAPANAYAM: Salik sa pagpaparusa?
RESPONDANTE: (walang sagot kahit binahagian ng mananaliksik nang kahulugan ng tax
evasion)
TAGAPANAYAM: Legalisasyon?
RESPONDANTE: (walang sagot kahit binahagian ng mananaliksik nang kahulugan ng tax
evasion)
TAGAPANAYAM: Ano-ano ang mga maaaring maging dahilan sa pagbabayad ng mas mataas
na buwis ng mga negosyante?
RESPONDANTE: Kapag kasi di ka marunong, kagaya nun dati, nalate daw ako magbayad ng
buwis, kasi di ko naman alam na meron palang date yun kung hanggang kelan lang pwede. Sabi
sakin don may penalty fee na daw. Di ko na maalala yung eksaktong amount pero mahigit libo
din yon.
TAGAPANAYAM: Ano ang mga kinakaharap na suliranin ng mga nagbabayad ng buwis dulot
ng limitadong kaalaman sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: Kagaya nung sinabi ko kanina, kapag di mo talaga alam yung due date ng
pagbabayad ng buwis, lalaki talaga yung dapat bayaran.
TAGAPANAYAM: Ano-ano ang kalimitang nabubuong tanong na nais bigyang linaw ukol sa
sistema ng pagbubuwis?
RESPONDANTE: Kelan ba yung pinaka araw ng pagbabayad ng buwis? Lahat ba ng may
negosyo ay nagbabayad ng buwis?

NEGOSYO: MJ’S SARI SARI


Negosyante D:
TAGAPANAYAM: Ano ang nauunawaan ukol sa tax avoidance? Salik sa pagpaparehistro ng
negosyo?
RESPONDANTE: Sa aking pagkakaalam at karanasan, mahaba at matagal na proseso ang
pagrerehistro ng negosyo. Pero isa sa pinaka-kailangan sa pagrerehistro ay ang pagiging
rehistrado sa BIR
TAGAPANAYAM: Salik sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: Dapat na nagbabayad ng tama at sa tamang oras din na nakasaad sa pagffile.
TAGAPANAYAM: Salik sa pagpaparusa?
RESPONDANTE: Wala akong masyadong alam sa mga kaparusahan pero ang alam ko ay
kapag nahuhuli o hindi nakakapag-file ng tax return sa tamang araw, nagkakaroon ng penalty.
TAGAPANAYAM: Legalisasyon?
RESPONDANTE: Legal
TAGAPANAYAM: Ano ang nauunawaan ukol sa tax evasion? Salik sa pagpaparehistro ng
negosyo?
RESPONDANTE: Sa aking pagkakaalam at karanasan, mahaba at matagal na proseso ang
pagrerehistro ng negosyo. Pero isa sa pinaka-kailangan sa pagrerehistro ay ang pagiging
rehistrado sa BIR
TAGAPANAYAM: Salik sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: Dapat na nagbabayad ng tama at sa tamang oras din na nakasaad sa pagffile
TAGAPANAYAM: Salik sa pagpaparusa?
RESPONDANTE: Sa pagkakaalam ko ay pinagbabawal ang tax evasion kaya siguro mas
malala ang parusa dito. Mas mataas na penalty o puwede nang makulong.
TAGAPANAYAM: Legalisasyon?
RESPONDANTE: Sa aking pagkakaalam ay ito ay hindi legal na gawain sa pagbabayad ng
buwis.
TAGAPANAYAM: Ano-ano ang mga maaaring maging dahilan sa pagbabayad ng mas mataas
na buwis ng mga negosyante?
RESPONDANTE: Sa aking karanasan, kaya minsan ay tumataas ang buwis na binabayaran ko
ay dahil sa pagiging late or huli sa pag-file ng tax return. Minsan ay hindi ako nakakapag-file sa
tamang araw kaya nadadagdagan ang aking binabayaran dahil sa penalties.
TAGAPANAYAM: Ano ang mga kinakaharap na suliranin ng mga nagbabayad ng buwis dulot
ng limitadong kaalaman sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: Gaya ng sa akin, madalas ay nalilimutan ko ang mga imporanteng araw ng
pagffile kaya lalo lang mas bumibigat ang aking binabayaran na kaugnay sa buwis.
TAGAPANAYAM: Ano-ano ang kalimitang nabubuong tanong na nais bigyang linaw ukol sa
sistema ng pagbubuwis?
RESPONDANTE: Walang katanungan

NEGOSYO: SARI-SARI
Negosyante E:
TAGAPANAYAM: Ano ang nauunawaan ukol sa tax avoidance? Salik sa pagpaparehistro ng
negosyo?
RESPONDANTE: Yung avoidance kasi eto yung pinapaliit lang yung amount mg money na
babayaran sa tax.
TAGAPANAYAM: Salik sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: Dapat na nagbabayad ng tama at sa tamang oras kasi yung mga tax na
binabayad ay ginagamit para matustusan yung mga pangangailangan ng mga tao like
pagpapatayo ng mga paaralan, hospital, mga daanan ganun kumbaga dun lang sila kumukuha ng
money
TAGAPANAYAM: Salik sa pagpaparusa?
RESPONDANTE: Siguro pwedeng ipasara yung company mo or kasuhan ka kasi hindi ka
nagbabayad or nag rereport ng exact money na neearned mo tas dapat na binabayad mo.
TAGAPANAYAM: Legalisasyon?
RESPONDANTE: Legal
TAGAPANAYAM: Ano ang nauunawaan ukol sa tax evasion? Salik sa pagpaparehistro ng
negosyo?
RESPONDANTE: (walang kasagutan).
TAGAPANAYAM: Salik sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: Yung evasion naman yung hindi talaga sya nag babayad ng buwis.
TAGAPANAYAM: Salik sa pagpaparusa?
RESPONDANTE: Siguro pwedeng ipasara yung company mo or kasuhan ka kasi hindi ka
nagbabayad or nagrereport ng exact money na naeearned mo tas dapat na binabayad mo.
TAGAPANAYAM: Legalisasyon?
RESPONDANTE: ito ay ilegal na gawain sa pagbabayad ng buwis.
TAGAPANAYAM: Ano-ano ang mga maaaring maging dahilan sa pagbabayad ng mas mataas
na buwis ng mga negosyante?
RESPONDANTE: Yung maaring dahilan mg pagtaas ng tax NG negosyo ay tumataas na Rin
Yung na e earn bilang profit Kaya tinataasan na din sila ng tax.
TAGAPANAYAM: Ano ang mga kinakaharap na suliranin ng mga nagbabayad ng buwis dulot
ng limitadong kaalaman sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: Yun nga imbis na kanilanlang Yung Kita na ma eearned nila magbayad pa
sila ng tax.
TAGAPANAYAM: Ano-ano ang kalimitang nabubuong tanong na nais bigyang linaw ukol sa
sistema ng pagbubuwis?
RESPONDANTE: Walang katanungan

NEGOSYO: KD PERFUME
Negosyante F:
TAGAPANAYAM: Ano ang nauunawaan ukol sa tax avoidance? Salik sa pagpaparehistro ng
negosyo?
RESPONDANTE: (walang sagot kahit binahagian ng mananaliksik ng kahuluagan ng tax
avoidance)
TAGAPANAYAM: Salik sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: May form sa BIR tapos yun yung ififill up namin tsaka babayaran
TAGAPANAYAM: Salik sa pagpaparusa?
RESPONDANTE: Hindi ko alam
TAGAPANAYAM: Legalisasyon?
RESPONDANTE: Legal na paraan para mapababa yung tax na binabayaran
TAGAPANAYAM: Ano ang nauunawaan ukol sa tax evasion? Salik sa pagpaparehistro ng
negosyo?
RESPONDANTE: (walang sagot kahit binahagian ng mananaliksik nang kahulugan ng tax
evasion)
TAGAPANAYAM: Salik sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: Ito ata yung illegal na paraan para mapaliit yung tax na binabayaran , ewan
napanood ko lang to sa tv.
TAGAPANAYAM: Salik sa pagpaparusa?
RESPONDANTE: Siguro makukulong kung sino man ang mag eevade.
TAGAPANAYAM: Legalisasyon?
RESPONDANTE: kahit kalian ay di siya magiging legal, kasi ilegal nga.
TAGAPANAYAM: Ano-ano ang mga maaaring maging dahilan sa pagbabayad ng mas mataas
na buwis ng mga negosyante?
RESPONDANTE: Siguro dahil naiipon yung mga babayaran mo para sa taunang pagbabayad
ng buwis.
TAGAPANAYAM: Ano ang mga kinakaharap na suliranin ng mga nagbabayad ng buwis dulot
ng limitadong kaalaman sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: Sa tingin ko, yun ng adahil nga kulang sa kaalaman tungkol sa pagbubuwis,
hindi alam yung mga do’s and don’t’s.
TAGAPANAYAM: Ano-ano ang kalimitang nabubuong tanong na nais bigyang linaw ukol sa
sistema ng pagbubuwis?
RESPONDANTE: Ano ang basehan sa pagtatax ng isang negosyo?

NEGOSYO: COFFEE AND TEA SHOP


Negosyante G:
TAGAPANAYAM: Ano ang nauunawaan ukol sa tax avoidance? Salik sa pagpaparehistro ng
negosyo?
RESPONDANTE: Kumuha muna ko nun ng Business Permit sa Munisipyo e, tapos tsaka ata
kami nagparehistro sa BIR.
TAGAPANAYAM: Salik sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: Hindi ko alam.
TAGAPANAYAM: Salik sa pagpaparusa?
RESPONDANTE: Halos lahat naman kapag may hindi nasunod na batas ay makukulong.
TAGAPANAYAM: Legalisasyon?
RESPONDANTE: Legal
TAGAPANAYAM: Ano ang nauunawaan ukol sa tax evasion? Salik sa pagpaparehistro ng
negosyo?
RESPONDANTE: (walang sagot kahit binahagian ng mananaliksik nang kahulugan ng tax
evasion)
TAGAPANAYAM: Salik sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: (walang sagot kahit binahagian ng mananaliksik nang kahulugan ng tax
evasion)
TAGAPANAYAM: Salik sa pagpaparusa?
RESPONDANTE: (walang sagot kahit binahagian ng mananaliksik nang kahulugan ng tax
evasion)
TAGAPANAYAM: Legalisasyon?
RESPONDANTE: (walang sagot kahit binahagian ng mananaliksik nang kahulugan ng tax
evasion)
TAGAPANAYAM: Ano-ano ang mga maaaring maging dahilan sa pagbabayad ng mas mataas
na buwis ng mga negosyante?
RESPONDANTE: Kapag hindi nagbabayad ng tamang buwis na nakaatang sa kanila, kaya
siguro nadadagdan ng nadadagdagan.
TAGAPANAYAM: Ano ang mga kinakaharap na suliranin ng mga nagbabayad ng buwis dulot
ng limitadong kaalaman sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: Kagaya ko, siguro yung kaalaman ko sa mga tinanong niyo, wala ako
maisagot kasi wala talaga ako alam masyado sa mga ganyang bagay.
TAGAPANAYAM: Ano-ano ang kalimitang nabubuong tanong na nais bigyang linaw ukol sa
sistema ng pagbubuwis?
RESPONDANTE: Kailangan pa rin ba magbayad ng tax ng mga sari sari store?

NEGOSYO: HERRERA RICE DEALER


Negosyante H:
TAGAPANAYAM: Ano ang nauunawaan ukol sa tax avoidance? Salik sa pagpaparehistro ng
negosyo?
RESPONDANTE: Parang di ko nga alam yung tax avoidance e
TAGAPANAYAM: Salik sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: Yung kapag di ka nagbayad ng tax siguro?
TAGAPANAYAM: Salik sa pagpaparusa?
RESPONDANTE: Halimbawa, sa mga annual registration fee, may penalty nasa isang libo ata.
Basta ang alam ko lang may penalty kapag na delay ka ng bayad, mali ang declare mo may
penalty din.
TAGAPANAYAM: Legalisasyon?
RESPONDANTE: Legal
TAGAPANAYAM: Ano ang nauunawaan ukol sa tax evasion? Salik sa pagpaparehistro ng
negosyo?
RESPONDANTE: Hindi ko alam yun.
TAGAPANAYAM: Salik sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: Pareho lang ata nung nauna.
TAGAPANAYAM: Salik sa pagpaparusa?
RESPONDANTE: Parang wala pa akong ideya kung pwede ba makulong o penalty pa din. Sa
news kasi parang naaayos naman nila. Parang pera pera yung dahilan. Parang wala pa akong
nakitang nakulong kahit na millionaire. Bali yung mga artista kasi yug karanasang nakikita ko
dun.
TAGAPANAYAM: Legalisasyon?
RESPONDANTE: Hindi ko rin alam.
TAGAPANAYAM: Ano-ano ang mga maaaring maging dahilan sa pagbabayad ng mas mataas
na buwis ng mga negosyante?
RESPONDANTE: Ang alam ko depende sa kita ng company eh. Kapag mas malaki ang kita
mas malaki ang babayarang tax. Sa penalties tapos yung sa accountant. Dagdag din yun sa
binabayaran ko ang laki ng tipid ko sana kung ako na mismo ang gumagawa kaso di ko alam
kung paano gawin e. Bale nagkikita lang kami every month para ibigay yung resibo.
TAGAPANAYAM: Ano ang mga kinakaharap na suliranin ng mga nagbabayad ng buwis dulot
ng limitadong kaalaman sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: Dati nga nung time na ako pa lang yung gumagawa puro mali mali ang mga
nangyayari. Yun lang magastos. Dagdag expenses sa amin.
TAGAPANAYAM: Ano-ano ang kalimitang nabubuong tanong na nais bigyang linaw ukol sa
sistema ng pagbubuwis?
RESPONDANTE: Oo, dati nung luma pa yung palengke kasi annual registration fee lang ako
wala yung ganon. Ngayon nung nagawa tong bagong palengke, nadagdagan ng rental fee. Tapos
yung rental fee, kinukuhanan pa yun ng 5% na tax. Yun, lalong lumaki. Ang alam ko nga dati
dapat ibawas pa iyon kasi expenses yun e. Ngayon di ganon yung ginagawa, yung upa naming
bukod pa sa sales naming may tax pa. Dun lang ako naguguluhan e. Kami na nagbabayad,
kukuhanan pa ng tax yung binabayaran namin. Bakit mas lalong lumaki ang binabayaran naming
tax kung kelan umuupa na kami ng pwesto?
NEGOSYO: EATERY
Negosyante I:
TAGAPANAYAM: Ano ang nauunawaan ukol sa tax avoidance? Salik sa pagpaparehistro ng
negosyo?
RESPONDANTE: Alam ko kung paano magparehistro
TAGAPANAYAM: Salik sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: Tax avoidance kapag kinaligtaan mong magbayad ng buwis
TAGAPANAYAM: Salik sa pagpaparusa?
RESPONDANTE: Makukulong ka, tanggalan ka ng lisensya, blacklisted ka na.
TAGAPANAYAM: Legalisasyon?
RESPONDANTE: Kapag di mo sinasadya.
TAGAPANAYAM: Ano ang nauunawaan ukol sa tax evasion? Salik sa pagpaparehistro ng
negosyo?
RESPONDANTE: Yun nga, kapag hindi ka nagparehistro.
TAGAPANAYAM: Salik sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: Kapag sinadya mong hindi magbayad.
TAGAPANAYAM: Salik sa pagpaparusa?
RESPONDANTE: Pareho lang din sa tax avoidance
TAGAPANAYAM: Legalisasyon?
RESPONDANTE: Hindi ko rin alam.
TAGAPANAYAM: Ano-ano ang mga maaaring maging dahilan sa pagbabayad ng mas mataas
na buwis ng mga negosyante?
RESPONDANTE: Depende sa sales. Kapag mas malaki ang kita mas malaki ang babayarang
tax. Kapag mas maliit yung sales mas maliit din yung babayaran.
TAGAPANAYAM: Ano ang mga kinakaharap na suliranin ng mga nagbabayad ng buwis dulot
ng limitadong kaalaman sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: Mahihirapan magbayad. Pero kami naman, nagtatanong naman kami sa mga
taong nandun kung pano yung mga steps
TAGAPANAYAM: Ano-ano ang kalimitang nabubuong tanong na nais bigyang linaw ukol sa
sistema ng pagbubuwis?
RESPONDANTE: So far naman pinapaliwanag naman samin kapag may tanong kami kung
bakit ganon yung mga binabayaran namin.

NEGOSYO: 4B’S SARI SARI


Negosyante J:
TAGAPANAYAM: Ano ang nauunawaan ukol sa tax avoidance? Salik sa pagpaparehistro ng
negosyo?
RESPONDANTE: Ang alam ko lang, dapat makasunod na nakarehistro yung business, dapat
magbayad kami ng tax yearly. Dapat nag iissue kami ng resibo sa bawat customer. Tapos kapag
di kami nakasunod don, ang alam ko, meron siyang penalty.
TAGAPANAYAM: Salik sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: Kapag di kami nagbayad ng buwis.
TAGAPANAYAM: Salik sa pagpaparusa?
RESPONDANTE: Kapag di kami nakasunod don, ang alam ko, meron siyang penalty.
TAGAPANAYAM: Legalisasyon?
RESPONDANTE: Hindi ko alam e.
TAGAPANAYAM: Ano ang nauunawaan ukol sa tax evasion? Salik sa pagpaparehistro ng
negosyo?
RESPONDANTE: Yung kapag di kami nag parehistro, magparehistro at nagbayad ng tax.
TAGAPANAYAM: Salik sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: Pareho lang ata nung nauna.
TAGAPANAYAM: Salik sa pagpaparusa?
RESPONDANTE: Penalty rin siguro.
TAGAPANAYAM: Legalisasyon?
RESPONDANTE: Hindi ko rin alam.
TAGAPANAYAM: Ano-ano ang mga maaaring maging dahilan sa pagbabayad ng mas mataas
na buwis ng mga negosyante?
RESPONDANTE: Ang alam ko depende sa kita ng company eh. Kapag mas malaki ang kita
mas malaki ang babayarang tax.
TAGAPANAYAM: Ano ang mga kinakaharap na suliranin ng mga nagbabayad ng buwis dulot
ng limitadong kaalaman sa pagbabayad ng buwis?
RESPONDANTE: Maaari kayong mapenalty kasi hindi niyo alam. Halimbawa kapag di kami
mag issue ng resibo maaari kaming mapenalty.
TAGAPANAYAM: Ano-ano ang kalimitang nabubuong tanong na nais bigyang linaw ukol sa
sistema ng pagbubuwis?
RESPONDANTE: Wala naman.

You might also like