You are on page 1of 7

PLEBISITO DE OBRERO: POSISYON AT PANGHINAHARAP NA

KALAGAYAN SA PAMAHALAANG PEDERALISMO


NG MGA MANGGAGAWANG
VALENZUELANO

AMANICALAO, Luis K.
BANAL, Juan U.
MANUGUIT, Agustin Y.
PANGA, Martin O.
SALAMAT, Magat P.

Public Administration 1-1


Plebisito De Obrero: Posisyon at Panghinaharap na Kalagayan sa Pamahalaang
Pederalismo ng mga Manggagawang Valenzuelano

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pederalismo na inaasahang rekonstruksyon sa pamahalaan ay mangangailangan


ng mas malaking gastos upang matugunan ang sentral at rehiyunal na hati sa pamamahala, at
bilang panuporta sa gastusin sa pamamalakad na ito inaasahang ang mga mamamayang
Pilipino rin ang aako ng responsibilidad sa panustos nito. Kung kaya sa pag-aaral, bubusisiin
ang posisyon at panghinaharap na kalagayan ng mga mangagawang Valenzuelano sa ilalim ng
pamamahalang pederalismo.
Plebisito De Obrero: Posisyon at Panghinaharap na Kalagayan sa Pamahalaang
Pederalismo ng mga Manggagawang Valenzuelano

LAYUNIN

a. Matuklasan ang lugod ng mga manggagawang mamamayan sa pamamahala sa lungsod ng


Valenzuela sa nakalipas na pamamalakad ng mga Gatchalian (2004-2019).

b. Malaman ang panghinaharap na kalagayan ng mga manggagawa sa kabibilangang


estado/rehiyon sa pamunuang pederalismo.

c. Magmungkahi ng panukalang programa sa pagpapabuti ng mga manggagawang


Valenzuelano sa ilalim ng pamumunong pederalismo.
Plebisito De Obrero: Posisyon at Panghinaharap na Kalagayan sa Pamahalaang
Pederalismo ng mga Manggagawang Valenzuelano

KONSEPTUWAL /
TEORETIKAL NA
BALANGKAS
Plebisito De Obrero: Posisyon at Panghinaharap na Kalagayan sa Pamahalaang
Pederalismo ng mga Manggagawang Valenzuelano

METODOLOHIYA

Kwantitatibo at kuwalitatibong pamamaraan ang gagamitin ng pananaliksik ito.


Gagamitin ang kuwalitatibong pamamaraan sapagkat nangangailangan ang pag-aaral ng
pagsusuri sa disenyo ng panukalang pederalismo at panghinaharap na kalagayan ng mga mga
manggagawang Valenzuelano.. Ito ay magkakaroon ng apat na bahagi: (1) pagsusuri ng
mungkahing pederalismo ayon sa konstitusyonal na kumbensiyon, (2) pagsasagawa ng
pangkatang pakikipanayam: (a) pagtuklas sa lugod ng pamamahala sa Valenzuela (b)
pagtalakay sa adbentahe at dis-adbentahe ng pederalismo bilang manggagawa ng lokal, at (k)
pagkuha ng posisyon at panig sa pamamahala, (3) pagbibigay interpretasyon sa nakalap na
datos at posisyon, at (4) pagbibigay ng mungkahing programa tungo sa kanilang ikabubuti sa
ilalim ng sistemang pederal.
Plebisito De Obrero: Posisyon at Panghinaharap na Kalagayan sa Pamahalaang
Pederalismo ng mga Manggagawang Valenzuelano

SAKLAW AT DELIMITASYON

Saklaw ng pananaliksik na ito ang panukalang disensyo ng draft federal charter 2018
na ipinanukala ng tagapagsalitang dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo kasama ang 21
mambabatas. Pinili ang burador na itong batayan ng pagsusuri sapagkat ito ang
pinakasariwang mungkahing balangkas buhat sa kumbensiyon ng konsitusyon. Saklaw nito
ang maliiit at malawakang pagbabago sa tanging mga nakatala.
Bilang paglilimita sa respondente, saklaw lamang ng pagtuklas sa posisyon ang mga
manggagawa sa lungsod ng Valenzuela na kabilang sa ikalawang distrito: Bagbaguin, Gen. T.
De Leon, Karuhatan, Mapulang Lupa, Marulas, Maysan, Parada, Paso de Blas at Ugong.
Nilimitahan din ang mga manggagawa sa ilalim ng inihatag ng klasipikasyon.
PLEBISITO DE OBRERO: POSISYON AT PANGHINAHARAP NA
KALAGAYAN SA PAMAHALAANG PEDERALISMO
NG MGA MANGGAGAWANG
VALENZUELANO

AMANICALAO, Luis K.
BANAL, Juan U.
MANUGUIT, Agustin Y.
PANGA, Martin O.
SALAMAT, Magat P.

Public Administration 1-1

You might also like