You are on page 1of 4

Learning Area Araling Panlipunan Grade Level 4

W8 Quarter 3 Date

I. LESSON TITLE Pagtutulungan ng Pamahalaang Lokal at Iba pang Tagapaglingkod ng


Pamayanan
II. MOST ESSENTIAL LEARNING Napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan
COMPETENCIES (MELCs)
III. CONTENT/CORE CONTENT Nasusuri ang iba’t ibang paraan ng pagtutulungan ng pamahalaang
pambayan, pamahalaang panlalawigan at iba pang tagapaglingkod ng
pamayanan.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction 30 minuto Alam mo ba kung paano naipatutupad nang maayos ang mga
Panimula programa o proyekto sa inyong lugar? Ano sa palagay mo ang mangyayari
kung ang inyong alkalde ay hindi makikipagtulungan sa inyong gobernador?
Alam mo ba na magkaiba man ang antas ng kanilang kapangyarihan, lugar
na kinalalagyan ng kanilang mga tanggapan, at iba’t iba ang uri o paraan
ng kanilang pamamahala ay maaari naman silang magtulungan para sa
ikabubuti ng lahat? Paano kaya nila magagawa iyon?
Sa araling ito ay iyong matutunan ang konsepto ng kabihasnan at mga
katangian nito.
Kaya bilang mag- aaral ikaw ay inaasahang:
1. Nasusuri ang iba’t ibang paraan ng pagtutulungan ng
pamahalaang, pambayan, pamahalaang panlalawigan at iba
pang tagapaglingkod ng bayan
2. Nasusuri ang paraan ng pagtutulungan ng dalawang magkaibang
antas ng pamahalaan
3. Nakapagbigay ng mga halimbawa o sitwasyong nagpapakita ng
pagtutulungan ng pamahalaang panglalawigan at pambayan
4. Napahahalagahan ang mga pagtutulungang ito sa pamamagitan
ng mabuting saloobin
Maaari mong basahin ang teksto kalakip ng LeaP na ibinigay ng guro. Maaari
mo ring mabasa ito sa Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral Ikaapat
na Baitang pahina 321-326 Unang Edisyon 2015.

Sa loob ng mahabang panahon ng pamahalaang kolonyal, ang


kapangyarihan ng pamahalaan ay hawak lamang ng sentral o pambansang
pamahalaan. Dahil dito, may mga paglilingkod na hindi agarang naibibigay
sa mga mamamayan lalo na iyong mga nakatira sa malalayong lugar ng
bansa. Nagbunga ito ng mabagal na pag-unlad sa mga bahagi ng bansa
na malayo sa 322 kinalalagyan ng pambansang pamahalaan kaya
nagkaroon ng delegasyon ng kapangyarihan sa maliliit na yunit ng
pamahalaan na kung tawagin ay pamahalaang lokal. Sa pagkakatatag ng
mga pamahalaang ito, nabuo ang pamahalaang panlalawigan at
pamahalaang pambayan. Dahil dito napadadali ang pagsasakatuparan ng
iba pang uri ng ugnayan bukod sa ugnayang politikal. Ilan sa mga ito ang
ugnayang pang-edukasyon, panlipunan, at pangkabuhayan.
Tungkulin ng pamahalaang panlalawigan na kumilos para sa kaunlaran at
pamamahala ng mga yunit na kaniyang nasasakupan. Tinatawag na
Sangguniang Panlalawigan ang sangay ehekutibo nito. Gobernador ang
namamahala sa kanila. Sa mga bayan at lungsod naman ay tinatawag itong
Sangguniang Pambayan at Sangguniang Panlungsod. Katuwang sila ng
alkalde sa pagpapatupad ng mga programa. Nag-uugnayan ang mga
alkalde ng bayan sa loob ng isang lalawigan sa pamumuno ng kanilang
gobernador. Tinitiyak ng gobernador na bawat bayang kaniyang
nasasakupan ay nakatatanggap ng pantay na serbisyo. Bigyang-pansin natin
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
ang isang halimbawang pagtutulungan ng pamahalaang panglalawigan at
pamahalaang bayan sa Oriental Mindoro na lumabas sa isang lathalain.

Balita: Pagpapaunlad ng mga barangay patuloy na itinataguyod sa


Oriental Mindoro”
Calapan City (6 August)—Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng
mga barangay sa pag-unlad ng lalawigan kung kaya’t pinag-iibayo ng
pamunuan ni Gobernador Arnan ang pagsusulong ng kagalingan ng mga
mamamayan sa ibat ibang barangay sa lalawigan.
Noong Hulyo 22, naging panauhing pandangal si Gobernador Arnan
sa barangay assembly ng Brgy. Balete sa bayan ng Gloria.
Naging tampok na gawain sa pagpupulong ang pagkakaloob ng
gobernador ng Php500,000 counterpart fund para sa elektripikasyon ng Sitio
Corehousing sa barangay. Ang pagpapailaw sa nabanggit na sitio ay
napakalaking tulong ayon kay Mayor Romeo Alvarez ng Gloria.
Ayon sa gobernador, ito ay naipaabot sa kaniyang kaalaman
noong nakaraang taon, kaya siya bumisita sa barangay ay bilang pagtupad
sa kaniyang pangako. Ayon sa kaniya, mapabibilis ang pagpapatupad ng
magagandang proyekto at programa sa mga barangay kung matibay ang
pagkakaisa at pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan, Pamahalaang
Bayan at ng Pamahalaang Barangay. Kongkretong halimbawa ang
nabanggit na programa kung saan nagkaloob din ng Php400,000 si Mayor
Alvarez samantalang Php100,000 naman ang kay Kapitan Mosquera para
mabuo ang halos Php1M gugugulin sa proyekto, ayon pa sa gobernador.
Tinanggap din ni Kapitan Mosquera mula sa gobernador ang Philhealth ID
cards ng mga pamilyang benepisyaryo sa kanilang barangay.
Buong suporta at pagkilala sa mahusay na pagtutulungan ng
Sangguniang Barangay at ng mamamayan ang pahatid ng kanilang Vice
Mayor at Board Members.
Samantala, pinuntahan din ng gobernador ang ilang barangay sa
bayan ng Naujan upang personal na maghatid ng programa ng
Pamahalaang Panlalawigan at alamin ang kalagayan ng mga mamamayan
dito. Nagkaloob siya ng ID cards para sa kanilang 238 pamilyang
benepisyaryo ng libreng health insurance at dalawang yunit ng computer
para sa Sangguniang Barangay.
Tinugon din ng gobernador ang kahilingan ng paaralang
elementarya na magkaroon ng dagdag na guro sa ilalim ng programang
PPSKA, mga sports equipment at computer set. Ipinangako rin niya na
dudugtungan ang naipatapos nang road concreting project sa barangay.
Pasasalamat ang paabot ng mga kapitan na kahit malawak ang
responsibilidad ng kanilang gobernador ay hindi kailanman tumanggi sa mga
kahilingan ng kanilang barangay. (PIA)
news.pia.gov.ph/index.php?article=741400467474

Mga tanong:
1. Ano ang Sangguniang Panlalawigan? Sino-sino ang bumubuo rito?

2. Ano ang Sangguniang Pambayan? Sino-sino ang bumubuo rito?

3. Ano ang pagkakaiba sa antas ng kapangyarihan ng dalawang


pamahalaan? Ipaliwanag.

4. Ano ang isang bahagi ng lathalain na pinakagusto mo sa mga


ginawa ng Gobernador? Bakit?

5. Maliban sa mga nabanggit, ano pa ang mga paraan ng


pagtutulungan ng mga pamahalaang lokal at iba pang
tagapaglingkod ng pamayanan?
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
B. Development 60 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Pagpapaunlad Panuto: Punan ang hinihinging detalye sa tsart.

Paraan ng
Sangguniang Panlalawigan Sangguniang Pambayan
pagtutulunga
__________________________ n sa bayan _________________________
__________________________ _________________________
__________________________ _________________________
__________________________ _________________________
__________________________ _________________________
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Panuto: Magtanong sa kasapi sa pamilya kung paano nagtutulungan ang
Sangguniang Bayan at Sangguniang Barangay sa inyong lugar. Banggitin
kung may mga proyekto o programang ipinatupad dahil sa kanilang
mabuting ugnayan. Alamin kung kailan ito ginawa o ipinatupad. Nakabuti ba
ito para sa lahat? Isulat ang inyong talakayan sa sagutang papel.

C. Engagement 30 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


Pakikipagpalihan Panuto: Basahin ang sitwasyon at ibigay ang iyong opinyon tungkol dito.
Humingi ng opinion sa kasapi sa pamilya. Isulat sa malinis na papel ang sagot.
Maraming lugar ang nasalanta ng bagyo. May mga bayan na halos
mawalan ang buong barangay ng bahay dahil sa lakas ng hangin na dala
ng bagyo. Sa paglilibot ng gobernador ay nakita niya ang mga pangyayari
ngunit, nang magpahatid ng tulong pinansiyal at relief goods ay mayroong
mga hindi nabigyan lalo na ang mga nasa malalayong lugar. Ito ay dahil
kulang sa pakikipagugnayan ang mga kinauukulan upang agarang maihatid
ang mga produkto sa mamamayan.
Mga tanong:
1. Sa palagay mo, maiiwasan ba ang ganitong pangyayari?
2. Ano sana ang dapat ginawa ng magkabilang panig?
3. Paano ito maiiwasan?
4. Ano ang mga dapat isaalang-alang?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Panuto: Sumulat ng sanaysay kung paano mo mapahahalagahan ang mga
bahaging ginagampanan ng pamahalaan para sa ating bansa. Gamitin ang
rubrik sa ibaba sa pagtataya ng natapos na gawain.
Nangangailangan
Napakahusay Mahusay Katamtaman
Pamantayan pa ng Kasanayan
4 3 2
1
Nilalaman Napakahusay ng Mahusay ang May kahusayan Maligoy ang talata.
pagkabuo ng pagkabuo sa ang pagkakabuo Nakalilito at hindi
talata. Malawak talata. Malinaw ng talata. Tiyak tiyak ang mga
at marami ang at tiyak ang ang mga impormasyon.
impormasyon at impormasyon at impormasyon at
elaborasyon. paliwanag. paliwanag.
Pagtalakay Masusi ang May ilang tiyak May Hindi natalakay ang
pagkatalakay ng na pagtalakay pagtatangkang paksa.
mga paksa. sa paksa. talakayin ang
paksa.
Organisasyon May mahusay na May Hindi gaanong Malabo ang
organisasyon at organisasyon malinaw ang organisasyon kung
pokus sa paksa. organisasyon. mayroon man.
Paglalahad Angkop ang Karamihan sa Hindi gaanong Hindi gumamit ng
mga salita at mga salita at angkop ang mga tiyak na salitang
pangungusap sa pangungusap salita at angkop sa mga
paksa at ay angkop sa pangungusap sa pangungusap,
mambabasa. paksa at paksa at paksa, at
mambabasa. mambabasa. mambabasa.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Assimilation 30 minuto •Napag-alaman ko na ang pamahalaang lokal ay binuo upang direktang
Paglalapat magpatupad ng mga batas, programa, at serbisyo sa mga mamamayan.

• Higit na mapabibilis ang pagtugon sa pangangailangan kung


magtutulungan ang mga pamahalaang pambayan, pamahalaang
panlalawigan at iba pang tagapaglingkod ng pamayanan.

V. ASSESSMENT 15 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 5


(Learning Activity Sheets for Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagbibigay ng
Enrichment, Remediation or
Assessment to be given on Weeks
pagpapahalaga sa mga papel na ginagampanan ng pamahalaan at MALI
3 and 6) naman kung hindi.
_____1. Tinugunan ng gobernador ang kahilingan ng paaralang na
magkaroon ng dagdag na kaguruan.
_____2. Nabibigyan proteksyon ang bawat namamahala sa pamahalaan.
_____3. Nagkaroon ng programang pangkalusugan para sa mga batang
limang taon pababa.
_____4. Nagbabayad ng tamang buwis ang mamamayang may mga
negosyo sa ating barangay o bayan.
_____5. Nagpupulong ang mga kasapi ng barangay para sa
pakikipagtulungan sa mga nangyayari sa ating bayan.

VI. REFLECTION Matapos mo mapagdaanan ang maraming pagsubok na humamon sa


kakayahan upang maging ganap ang pagkakatuto at kabatiran tungkol sa
tinalakay na aralin, ngayon ay magagawa mo ng ihayag ng buong
pagmamalaki;
• Ang aking natutuhan sa __________________.
• Mga bagay na ayaw mong makalimutan sa ______________
• Gusto mong subukan mula sa iyong natutuhan ay ___________

Prepared by: Edna J. Cachuela Checked by:

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng
mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay
sa iyong pagpili.

- Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa paggawa nito. Higit na nakatulong ang
gawain upang matutunan ko ang aralin.
 - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito.
Nakatulong ang gawain upang matutunan ko ang aralin.
- Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan
ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang
magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain sa LP Gawain sa LP Gawain sa LP


Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5
Bilang 2 Bilang 4

You might also like