You are on page 1of 2

St.

Adelaide School-Philippines
Don Matias, Burgos, Pangasinan

GABAY SA PAG-AARAL 2 SA ARALING PANLIPUNAN 4

ANTAS/BAITANG 4
PAKSA/PAMAGAT Aralin 12: Ang Pamahalaang Lokal
WEEK/S: Ikatlong Markahan
Week 3-4
December 13-17/January 3-7, 2021

I. PANIMULA
Bilang mamamayang Pilipino, dapat nating makilala ang ating pamahalaan. Ito ay para tayo ay makalahok sa
pamamahala ng ating bansang Pilipinas. Sa mga aralin sa yunit na ito, mapag-aaralan ng mga mag-aaral ang mga tungkulin at
gawain ng mga sangay at ahensya ng pamahalaang pamabansa at local. Mapahahalagahan nila ang mga paglilingkod na
inilalaan sa atin ng ating pamahalaan bilang mamamayang Pilipino. Dahil dito, magaganyak silang makiisa sa mabuting
pamamahala ng ating bansa.

II. SAKLAW NG GABAY SA PAG-AARAL


Sa pag-aaral ng Araling Panlipunan 4 sa ikatlong markahan, kailangang mong malaman ang mga sumusunod:
Pamantayang Pangnilalaman:
 Naipamamalas ang pangunawa sa bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa lipunan, mga pinuno at iba pang
naglilingkod sa pagkakaisa, kaayusan at kaunlaran ng bansa
Pamantayan sa Pagganap:
 Nakapagpapakita ng aktibong pakikilahok at pakikiisa sa mga proyekto at gawain ng pamahalaan at mga pinuno nito
tungo sa kabutihan ng lahat (common good).
Learning Competencies:
 Nasusuri ang mga gampanin ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng bawat mamamayan.
 Natutukoy ang mga namumuno sa pamahalaang local.
 Natatalakay ang paraan ng pagpili at ang kaakibat na kapangyarihan ng mga namumuno ng pamahalaang lokal.

III. PAGTALAKAY SA ARALIN AT SELF-CHECK


(WEEK 3-4)
Aralin 12: Ang Pamahalaang Lokal

Desentralisado ang pamahalaan ng Pilipinas. Sa desentralisadong pamahalaan, ang mga pamahalaang local ay binibigyan
ng kapangyarihan o awtonormiya ng isang sentral o pambansang yunit ng pamahalaan. Ang sentral ng pamahalaan ay
nagtatalaga ng mga tungkulin sa mga local na yunit ng pamahalaan.

1|Page
Ang Pamahalaang lokal ay nilikha upang mabigyan ng mabilis at tuwirang serbisyo ang mga mamamayan sa iba’t-
ibang panig ng ating bansa. Ang pagkakabuo nito ay itinadhana ng ating saligang batas.
Binubuo ito ng mga lalawigan, mga lungsod, mga bayan, at mga barangay at rehiyong awtonomus.

Nasasakupan Katungkulan
Probinsiya/Lalawigan Gobernador
Munisipalidad/Bayan Alkalde
Siyudad/Lungsod Alkalde
Barangay Punong Barangay/Kapitan ng Barangay

(Para sa iba pang impormasyon, buksan ang aklat sa pahina 263-274.)

IV. PAGTATAYA/EBALWASYON
 Sagutin ang Linangin A sa pahina 275.

V. SANGGUNIAN
Books
Antonio, Eleanor D. Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan, Textbook Rex Book Store, Inc., 2017
Antonio, Eleanor D. Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan, Wrap Around Edition Rex Book Store, Inc.,
2017

PUPIL/STUDENT’S ACTIVITY TRACKER

Activities to be submitted by: (DATE)


Week no: 3-4
Subject Activity Title/ No. Mark check if done (for student’s use)
APan 4 Linangin A sa pahina 275

2|Page

You might also like