You are on page 1of 6

Learning Area Edukasyon sa Pagpapakatao Grade Level IV

Quarter 3 Weeks No. 1-2


Date Learning Time Lunes-Biyernes

I. LESSON TITLE Pagpapakita ng Kawilihan sa Kulturang Materyal at Di-materyal


II. MOST ESSENTIAL LEARNING Nakapagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng mga
COMPETENCIES (MELCs) pamanang kulturang materyal (hal. kuwentong bayan, alamat, mga
epiko) at di-materyal (hal. mga magagandang kaugalian,
pagpapahalaga sa nakatatanda at iba pa) EsP4PPP- IIIa-b–19
III. CONTENT/CORE CONTENT Naipamamalas ang pag-unawa sa pagmamahal sa bansa sa
pamamagitan ng pagpapahalaga sa kultura
IV. LEARNING Suggested
Learning Activities
PHASES Timeframe
A. Introduction 70 minuto Binabati kita sa mahusay na pagtapos ng ikalawang markahan.
Panimula Naipakita mo ang pagiging mahinahon, mapagkumbaba, bukas palad,
at paggalang sa kapwa.

Handa ka na para sa mga aralin ng ikatlong markahan. Sa unang linggo


ng araling ito ikaw ay inaasahang mapahalagahan ang kultura sa
pamamagitan ng pagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o pagbabasa
ng mga pamanang kulturang materyal tulad ng kuwentong bayan,
alamat, mga epiko at di-materyal gaya ng mga magagandang
kaugalian, pagpapahalaga sa nakatatanda at iba pa.

Alamat ng
B ulkang
M ayon

Suriin ang mga larawan sa itaas. Ano ang pinahahayag ng mga


larawan? Ginagawa mo rin ba ang mga kaugaliang ito?

Kultura ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng mga tao. Ito ang


nagibibigay sa isang bansa ng kaniyang sariling pagkakakilanlan.
Nakikilala tayo bilang isang lahi sa pamamagitan ng ating pagkain,
pananamit, mga laro, kuwento, mga pambansang sagisag, kaugalian o
IV. LEARNING Suggested
Learning Activities
PHASES Timeframe
mga awit. Paano mo maipapakita ang iyong pagiging maka-bansa sa
pamamagitan ng pagpapahalaga sa sariling kultura?

Basahin ang talaan ng dalawang uri ng kultura sa Pilipnas.

Dalawang Uri ng Kultura sa Pilipinas


Materyal Di-Materyal
Kuwentong Bayan Mga magagalang na
kaugalian
Alamat (tungkol sa pinagmulan Paniniwala
ng bagay o lugar)
Mga Epiko (tungkol sa Pananalita
kabayanihan ng isang tao)
Relihiyon

B. Development 100 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 1. Suriin ang mga halimbawa ng kulturang
Pagpapau Pilipino. Isulat ang M kung ito ay sa materyal at DM naman kung sa di-
nlad materyal na kultura. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

______ 1. Paniwala ng mga Kristiyano na may langit sa kabilang buhay.

______ 2. Mano po Inay.

______ 3. Si Lam-Ang

______ 4. Si Juan at ang Alimango

______ 5. Ang Alamat ng Lanzones

Nakakita ka na ba ng gumugulong na palay? Tunghayan at basahin ang


alamat tungkol sa palay.

Ang Alamat ng Palay


Isinakuwento ni Nida C. Santos

Noon, hinihintay lamang ng mga tao ang pagdating ng palay sa


kanilang bahay. Malalaki at dilaw ang mga butil ng palay noon. Kusang
gumugulong ito patungo sa bahay-bahay.

“Magpapagawa ako ng malaking bahay,” Ito ang naisip ni


Tandang Olay. “Lalong bubuti ang buhay ko kaysa sa
aking mga kapitbahay kung higit na marami akong
palay.” Ngunit hindi pa natatapos ang bahay ni
Tandang Olay, nakita niyang dumarating na ang
malalaking butil ng palay. Tuloy-tuloy ang mga ito sa
kanyang bahay.

“Huwag muna kayong tumuloy!” sigaw ni Tandang Olay. “Hindi pa


tapos ang aking bahay!”

Ngunit patuloy na gumugulong ang mga butil ng palay sa bahay ni


Tandang Olay. Nagalit ang matanda. Kumuha siya ng kaputol na kahoy.
Pinaghahampas niya ang malaking butil ng palay. Nagka durog-durog
ang mga ito.
IV. LEARNING Suggested
Learning Activities
PHASES Timeframe

“Olay, bakit mo sisaktan ang palay na kaloob ko sa iyo?” ang wika


ng isang tinig. “Dahil dito sa ginagawa mong ito ay di na muling gugulong
ang palay sa inyong bahay. Mula ngayon, magpapatulo muna ng pawis
ang tao bago mag-ani ng palay.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2. Iguhit ang palay ( )kung wasto ang


impormasyon tungkol sa alamat at dahon () naman kung hindi ito
wasto. Iguhit ang sagot sa sagutang papel.

____1. Sagana noon ng palay ang mga tao.


____2. Kusang gumuhulong ang palay patungo sa bahay ng mga tao.
____3. Mahal ang presyo ng palay noon.
____4. Malaki at dilaw na dilaw ang butil ng mga palay.
____5. Magpapatulo muna ng pawis ang tao bago mag-ani ng palay.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3. Masdan ang mga larawan. Piliin ang mga
nagpapakita ng pagpapahalaga sa kulturang Pilipino. Kulayan ng pula
ang puso ( ) kung ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga at asul
naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. 4.

2. 5.

3.
IV. LEARNING Suggested
Learning Activities
PHASES Timeframe
C. Engagement 100 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 4. Buuin ang bahagi ng bahay na nagpapakita
Pakikipag ng pagpapahalaga o pagmamahal sa kultura. Gawin ito sa iyong sagutang
palihan papel.

Basahin ang maikling kuwento sa harap ng iyong kasama sa bahay.

Alamat Ni Maria Makiling

Si Mariang Makiling ay isang diwata na mayroong magandang mukha,


mahabang buhok, at mabuting kalooban. Kahit isa siyang makapangyarihang
diwata ay nakikihalubilo pa rin siya sa mga mortal.

Madalas siya nagtutungo sa palengke upang mamili ng pagkain. Dito ay


nakilala niya ang isang magsasakang mortal. Naging kaibigan niya ito at
kalaunan ay nagkapalagayan sila ng loob at nag-ibigan.

Lagi siyang dinadalaw ng lalaki sa kabundukan at doon sila namamasyal.


Habang abala si Maria sa kaniyang minamahal ay panay naman ang kuha ng
ilang mortal ng kaniyang mga prutas at gulay na nagiging ginto. Batid ni Maria
ang ginagawa ng mga tao ngunit pinalampas niya ito dahil sa kaniyang
minamahal.

Isang araw, isang opisyal ang dumating sa bayan at sinabing gagawing


sundalo ang lahat ng kalalakihang wala pang asawa at ipadadala sa digmaan.

Upang makaiwas sa responsibilidad, ninais ng lalaki na ikasal sa isang mortal


na babae.

Sinabi niya ito kay Maria na labis namang nagdamdam. Natuloy ang kasal
ng lalaki ngunit kinagabihan ay umulan nang malakas na sinundan pa ng isang
lindol. Nayanig ang lupa at nawala ang mahihiwagang puno ni Maria.

Hindi na rin nakita pa si Maria ng mga mortal at hindi na rin maakyat ang
kaniyang kabundukan. Nawala na ang biyayang hatid sa kanila ni Maria.
IV. LEARNING Suggested
Learning Activities
PHASES Timeframe
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5. Punan ang mga patlang ayon sa binasang
kuwento. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Pamagat ng kuwentong bayan na binasa: ____________________

2. Naramdaman habang at pagkatapos mag-basa:_____________

3. Bahagi ng kuwento na tumatak sa isipan: _____________________

4. Mensahe ng kuwento: _______________________________________

5. Uri ng pamanang kultura:


______________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6. Iguhit ang watawat ng Pilipinas sa sagutang


papel. Kulayan ito. Kumpletuhin ang, “Pangako Ko, Tutuparin Ko”. Pumili sa loob
ng kahon ng wastong sagot sa patlang

Diyos pahahalagahan

kulturang

Pangako Ko, Tutuparin ko

Ako si __________________________
bilang isang maka-bansa ay
nangangakong _________________ ang
_______________ Pilipino. Naniniwala
ako na gagabayan ako ng ___________.

_____________________
Lagda

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7. Gumawa ng pakikipanayam sa inyong


mga lolo at lola. Tanungin sila ukol sa kulltura noong unang panahon.
Maaari silang tanungin ukol sa mga awitin, sayaw at libangan noong
kanilang panahon. Ipalarawan ang mga Pilipino noon ayon sa kanilang
gawi, kaugalian at mga pagpapahalaga. Pagkatapos ay ihambing ito
sa kasalukuyan.
IV. LEARNING Suggested
Learning Activities
PHASES Timeframe

D. Assimilation 30 minuto Sa iyong sagutang papel, buoin ang mahalagang kaisipang ito. Maaring
Paglalapat pumili ng sagot sa loob ng kahon.

materyal kaugalian kuwentong

di-materyal kultura

Bilang bata marapat na mapahalagahan ang (1.) __________ sa


pamamagitan ng pagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o pagbabasa
ng mga pamanang kulturang (2.) ______________ tulad ng (3.)
________________ bayan, alamat, mga epiko at (4.)______________ gaya
ng mga magagandang (5.)_______________, pagpapahalaga sa
nakatatanda at iba pa.

VI. REFLECTION Sumulat ka sa iyong kuwaderno o journal ng iyong nararamdaman o


realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na________________________________________.
Nabatid ko na ____________________________________________.
Naisasagawa ko na_______________________________________.

Prepared by: Marie Grace E. Casintahan Checked by: Noel S. Ortega


Teacher III EPS-LRMDS
Mabuhay Elementary School Josephine P. Monzaga
Municipality of Carmona EPS-EsP
SDO Cavite Province SDO Cavite Province

Alija B. Orfanel Edita Olan


Teacher I EPS-EsP
SDO Lipa City SDO Lipa City
Reviewed by: Philips T. Monterola LeaPEsPG6-Wk1-2 For Release
EsP Regional Coordinator 20210224-IV01
Sanggunian Edukasyon sa Pagpapakatao 4, p.166
Mother Tounge Based 2, p. 227-228

You might also like