You are on page 1of 4

Daily Lesson Log SCHOOL: LAMESA ES Grade: THREE

TEACHER: Learning ARALING


MARLANE P. RODELAS
Areas: PANLIPUNAN
DATE: June 9, 2023 Quarter: 4
Week 6
I.LAYUNIN
Ang mag-aaral ay…

naipamamalas ang pang-unawa sa mga gawaing pangkabuhayan at bahaging


A .Pamantayang Pangnilalaman
ginagampanan ng pamahalaan at ang mga kasapi nito, mga pinuno at iba pang
naglilingkod tungo sa pagkakaisa, kaayusan at kaunlaran ng mga lalawigan sa
kinabibilangang rehiyon
Ang mag-aaral ay…
B.Pamantayan sa Pagganap
nakapagpapakita ng aktibong pakikilahok sa mga gawaing panlalawigan tungo sa
ikauunlad ng mga lalawigan sa kinabibilangang rehiyon
Naipapaliwang ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pamahalaan sa bawat
lalawigan sa kinabibilangang rehiyon AP3EAP-IVg-13

C.Mga Kasanayan sa Pagkatuto - Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagkakaroon ng pamahalaan sa


( Isulat ang code sa bawat
kasanayan) bawat lalawigan sa kinabibilangang rehiyon

- Nakapagsusulat ng maikling sanaysay tungkol sa kahalagahan ng


pagkakaroon ng pamahalaan sa bawat lalawigan sa kinabibilangang rehiyon
Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Pamahalaan sa Bawat Lalawigan sa
II. Content Kinabibilangang Rehiyon

III.KAGAMITANG
PANTURO
Sanggunian
1.Mga pahina sa Gabay sa CG, p.83
Pagtuturo
2.Mga pahina sa Kagamitang KM, pp.505-512
Pang Mag-Aaral
3.Mga pahina sa Teksbuk
4.Karagdagang kagamitan mula
sa portal ng Learning Resource
Iba pang Kagamitang Panturo powerpoint presentation, television, laptop, larawan
IV.PAMAMARAAN
Balik –Aral sa nakaraang Aralin o Sino ang nasa larawan? Ano ang kaniyang katungkulan?
pasimula sa bagong aralin
( Drill/Review/ Unlocking of
Difficulties)

Paghahabi sa layunin ng aralin Bakit mahalaga ang pamahalaan sa bawat lalawigan o lungsod?
(Motivation) Ano-ano ang nagagawa ng pamahalaan sa taong bayan o mamamayan?
Marami ba itong naitutulong sa atin?
Pag- uugnay ng mga halimbawa Tuklasin Mo
sa bagong aralin ( Presentation) Ang mga lalawigan ay may pamahalaan na tumutugon sa mga pangangailangan
ng mga kasapi nito. Ang mga tao ang nagpapasiya kung sino sa mga kasapi nito ang
mamumuno sa kanila sa pamamagitan ng isang halalan. Ang pamahalaan sa
pamamagitan ng mga nahalal na pinuno ang nagpapatupad ng mga batas upang
magkaroon ng kaayusan sa pamayanan.

Ang kahalagahan ng pamahalaan ay nakikita sa araw-araw na pamumuhay ng


mga nasasakupan ng lalawigan. Ang pagtamasa ng sariling kalayaan ay isang
pagpapakita ng kahalagahan ng pamahalaan sa mga tao. Ang bawat kasapi ng
lalawigan ay malayang nakakagalaw sa nais nito puntahan, makapamili ng mga nais
nitong mga kagamitan, at makakapagsabi ng sariling saloobin sa mga namumuno ng
lalawigan.

Ang pamahalaan ng lalawigan ay mahalaga sa pagtugon sa mga karapatan


ng bawat kasapi nito. Iba’t ibang uri ng karapatan ang tinatamasa ng bawat isang
kasapi. Pangunahin na dito ang karapatan na magkaroon ng proteksyon sa sariling
buhay at ari-arian.

Tungkulin ng pamahalaan ang makapagbigay ng serbisyong panlipunan sa


mga nasasakupan nito. Bilang pagtugon sa karapatan ng mga kasapi na magkaroon
ng malusog na pamumuhay at ligtas sa panganib, ang pamahalaan ay nagbibigay ng
sapat na serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
pampublikong health center at ospital. Ang lalawigan ay nangangailangan ng sapat
na hukbo ng pulisya upang bigyang proteksyon ang buhay at ari-arian ng mga tao.
Sa mga panahon ng sakuna, ang pamahalaan ang unang takbuhan ng mga
tao kung kaya’t napakahalaga na may sapat na paghahanda ito upang masiguro na
ligtas ang mga nasasakupan nito sa mga ganitong pagkakataon.

Isa pang kahalagahan ng pamahalaan ay ang maproteksyunan ang


kapaligirang nasasakop nito. Tungkulin ng pamahalaan hindi lamang ang
pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran ng lalawigan kundi ang masiguro na ang
kalikasan ay mapangangalagaan. Mahalaga na mapanatili ang mga likas na yaman ng
lalawigan para sa wastong paggamit at pangangalaga nito. Ang karamihan ng
kabuhayan ng mga tao sa lalawigan ay nakadepende sa pagkakaroon ng sapat na
pinagkukunang yaman ng lalawigan. Kung kaya napakahalaga na ipatupad ang mga
batas ng tamang paggamit ng mga pinagkukunang yaman.
Pagtatalakay ng bagong konsepto Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
at paglalahad ng bagong 1. Sino ang nagpapatupad ng mga batas upang magkaroon ng kaayusan sa
kasanayan No I (Modeling) pamayanan?
2. Ano-ano ang kahalagahan ng pamahalaan?
3. Ano ang epekto ng pagtamasa ng sariling kalayaan ng mga tao?
4. Ano-ano ang mga natutugunan ng pamahalaan tungkol sa karapatan ng mga
mamamayan?
5. Ano ang mangyayari kapag hindi natugunan ng pamahalaan ang mga
karapatan na ito ng kaniyang mga nasasakupan?
6. Bakit mahalaga ang pamahalaan sa bawat lalawigan sa kinabibilangang
rehiyon?
Pagtatalakay ng bagong konsepto Pangkatin ang mga mag-aaral sa 3.
at paglalahad ng bagong Gawin ng bawat pangkat ang Gawain sa pp. 509-510.
kasanayan No. 2. (Guided
Practice)
Paglilinang sa Kabihasan (Tungo Piliin ang mga parirala o kaisipan na nagsasabi ng kahalagahan ng pagkakaroon ng
sa Formative Assessment ) pamahalaan sa bawat lalawigan. Isulat ang sagot sa papel.
( Independent Practice
A. Pinapanatili ang kaayusan at katahimikan
B. Nagpapatupad ng mga batas para sa pansariling interes ng opisyales
C. Itinataguyod ang mga karapatang pantao
D. Pinipigilan ang kagustuhan ng mga tao
E. Ninanakaw ang kaban ng bayan
F. Pinauunlad ang kabuhayan ng mga mamamayan
G. Pinapahalagahan ang edukasyon at kalusugan
Paglalapat ng aralin sa pang araw Ipaliwanag Mo
araw na buhay Madalas kang makabalita ng mga pag-aaklas at welga laban sa pamahalaan.
(Application/Valuing) Kung ikaw ay magiging tagapagsalita para sa pamahalaan at ipapaliwanag mo sa
mga nag-aaklas ang kahalagahan ng pamahalaan, ano ang sasabihin mo sa kanila?
Isulat sa papel ang isang maikling sanaysay na kinapapalooban ng limang
pangungusap tungkol sa kahalagahan ng pamahalaan sa sariling lalawigan.
Paglalahat ng Aralin Ano ang natutuhan ninyo sa aralin?
( Generalization)
Pagtataya ng Aralin Isulat ang tsek ( √ ) kung tama ang ipinahahayag ng bawat pangungusap at isulat
naman ang ekis ( X ) kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.
1. Ang pamahalaan ang nagbibigay ng mga serbisyo para sa ikabubuti ng mga
mamamayan.
2. Mabilis ang pag-asenso ng lalawigan kung walang pamahalaan.
3. Hindi na kinakailangan ng mga namumuno sa bayan dahil
4. Mahalaga rin ang suporta ng taumbayan sa pamahalaan para sa ng mga programa
nito.
5. Ang pagkakaroon ng lokal na pamahalaan ay nakatutulong para sa pambansang
kaunlaran.
Karagdagang gawain para sa Alamin ang dahilan ng paglilingkod ng pamahalaan ng mga lalawigan sa mga kasapi
takdang aralin nito.
(Assignment)

V.MGA TALA
PAGNINILAY
A.Bilang ng mag-aaral na nakakuhang
80% sa pagtataya (No.of learners who
earned 80% in the evaluation)
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain para
sa remediation (No.of learners who
requires additional acts.for remediation
who scored below 80%)
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang
ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?
(Did the remedial lessons work? No.of
learners who caught up with the lessons)
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpatuloy sa remediation? (No.of
learners who continue to require
remediation)
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan
na solusyunan sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
naidibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

You might also like