You are on page 1of 1

Magandang araw!

Kami ang mga mag-aaral mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela na kasalukuyang kumukuha
ng kursong Bachelor of Science in Accountancy 2-1 ay nagsasagawa ng pananaliksik ukol sa
Pagbubuwis: Kaalaman ng may mga Maliliit na Negosyo sa Baranggay Marulas ng Lungsod
ng Valenzuela ukol sa Tax Avoidance at Tax Evasion. Nilalayon ng tanong pakikipanayam na ito
na malaman ang hangganan ng kakulangan ng kaalaman ng mga negosyante na may malilit na negosyo
sa Baranggay Marulas tungkol sa tax avoidance at tax evasion at ang mga kinahaharap na suliranin ng
mga negosyante dulot ng kakulangan sa kaalaman sa pagbabayad nito. Ang resultang makakalap ay
gagamitin sa pagbuo ng polyetong makapagbabahagi ng kaalaman ukol sa tax avoidance at tax evasion
at iba pang dagdag kaalaman na dapat na malaman sa pagbubuwis.

Maraming salamat sa inyong katugunan.

TALATANUNGAN SA PAKIKIPANAYAM
Pangalan (opsiyonal): ____________________ Lugar ng Negosyo:
Pangalan ng Negosyo:___________ Tagal ng Negosyo (taon): ______

Panuto: Bigyang tugon ang mga tanong base sa inyong kaalaman at karanasan sa negosyo.

1. Ano ang mga nauunawaan ukol sa tax avoidance?


1.1. Salik sa pagpaparehistro ng negosyo
1.2. Salik sa pagbabayad ng buwis
1.3. Salik sa pagpaparusa
1.4. Legalisasyon

2. Ano ang mga nauunawaan ukol sa tax evasion?


2.1. Salik sa pagpaparehistro ng negosyo
2.2. Salik sa pagbabayad ng buwis
2.3. Salik sa pagpaparusa
2.4. Legalisasyon

3. Ano-ano ang mga maaaring maging dahilan sa pagbabayad ng mas mataas na buwis ng
mga negosyante?

4. Ano ang mga kinakaharap na suliranin ng mga nagbabayad ng buwis dulot ng


limitadong kaalaman sa pagbabayad ng buwis?

5. Ano-ano ang mga kalimitang nabubuong tanong na nais bigyang-linaw ukol sa sistema
ng pagbabayad ng buwis?

You might also like