You are on page 1of 16

Paikot na Daloy ng

Ekonomiya
Layunin sa Pagkatuto
MELC: Naipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa
paikot na daloy ng ekonomiya.

1 2 3
Naiisa-isa Nasusundan Natitimbang
ang mga ang daloy ng ang iba’t
produkto, ibang paraan
sektor na
serbisyo at ng
bahagi ng pera sa pakikinaban
ekonomiya. ekonomiya. g sa pera.
Pagganyak
1. Saan nagmula ang pera ng tao?
2. Ano ang pinakamagandang paraan
para kumita ng pera?
3. Ano ang pinakamagandang paraan
upang lubos na mapakinabangan
ang iyong pera?
TALASALITAAN
Makroekon Sambaha Bahay-
omiks
Sangay ng yan
Binubuo ng mga Kalakal
Binubuo ng
ekonomiks kung konsyumer na mga negosyo
saan inaaral ang bumibili ng na gumagawa
mga desisyon at produkto at
polisiya ng serbisyo at
at nagbebenta
pamahalaan pinagmumulan ng produkto o
tungkol sa ng salik ng serbisyo.
paghahati ng produksyon.
yaman at
kaunlaran ng
bansa.
Pagtatalakay
(PaikotnaDaloyngEkonomiya)
Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay
isang payak na modelo na naglalarawan
ng ekonomiya at inaaral sa
makroekonomiks. Makikita sa modelong
ito kung paano umiikot ang produkto,
serbisyo at pera sa ekonomiya. Nagmula
ang ideya ng paikot na daloy ng
Ekonomiya mula sa Tableau
Economique na ginawa ni Francis
Quesnay noong 1758.
Ugnayan ng Sambahayan at
Bahay-Kalakal
1. Paikot na daloy ng kita
• Ang sambahayan ay binubuo ng mga
konsyumer na bumibili ng mga produkto at
serbisyo sa pamilihan ng kalakal at
paglilingkod. Ang pera o kita na kapalit ng
mga produkto at serbisyo na ito ay
mapupunta sa bahay-kalakal. Mula sa kita na
matatanggap ng bahay-kalakal ay kukunin
ang pasahod para sa mga manggagawa, upa
para sa lupa na kinatatayuan ng negosyo at
interes sa inutang na kapital. Ang sahod, upa
at interes ay ang pera na kikitain ng
sambahayan kapalit naman ng mga salik ng
Ugnayan ng Sambahayan at
Bahay-Kalakal
2. Paikot na daloy ng produkto at
serbisyo
• Ang bahay-kalakal ay kumukuha ng
salik ng produksyon tulad ng lupa,
paggawa at kapital mula sa
sambahayan upang makagawa ng
produkto at serbisyo. Ang
magagawang produkto at serbisyo ng
bahay-kalakal ay ibebenta naman sa
sambahayan.
Pamilihang Pampinansyal
Ang pamilihang pampinansyal ay
pinaglalagyan ng pera ng sambahayan na
hindi nagamit sa pamimili ng produkto o
serbisyo.
Ang tawag sa pagtatabi ng pera ng
sambahayan sa mga pamilihang
pampinansiyal ay pag-iimpok. Ang pera
namang ito na iniimpok ng sambahayan
ay maaaring ipautang sa mga bahay-
kalakal na tinatawag namang
pamumuhunan. Kumikita ang
sambahayan sa pagpapautang ng puhunan
sa bahay-kalakal dahil kapag binayaran
na ito ng bahay-kalakal ay dagdag na
Halimbawa ng Pamilihang
Pampinansiyal
1. Bangko
2. Kooperatiba
3. Insurance Company
4. Pawnshop
5. Stock Market
Pamahalaan
Maliban sa pagbili ng produkto o
serbisyo at pag-iimpok,
napupunta rin ang bahagi ng kita
ng sambahayan sa pamahalaan sa
pamamagitan ng buwis.
Ang bahay-kalakal ay
nagbabayad rin ng buwis sa
pamahalaan batay sa kitang
natatanggap nito. Ang mga buwis
na naiipon ay ginagamit sa mga
proyekto ng pamahalaan tulad ng
Pamahalaan
Ang buwis na nakokolekta ng
pamahalaan ay dumadaloy
pabalik sa bahay-kalakal
dahil maaari din silang
magsilbing konsyumer. Ang
buwis naman ay dumadaloy
pabalik sa sambahayan sa
pamamagitan ng sahod sa mga
nagtatrabaho sa gobyerno at
Panlabas na Sektor
Hindi lahat ng produkto at
serbisyo ay kayang gawin at
ibenta ng mga bahay-kalakal
sa bansa. Ang panlabas na
sektor ay nagsisilbing
pamilihan ng mga produkto at
serbisyo na ginagawa o
makikita lamang sa ibang
bansa.
Panlabas na Sektor
Ang tawag sa pag-aangkat ng
produkto at serbisyo ng
sambahayan sa ibang bansa
ay tinatawag na import. Sa
kabilang banda, ang tawag
naman sa pagbili ng panlabas
na sektor sa produkto at
serbisyo ng bahay-kalakal ay
export.
TANDAAN!
• Ang paikot na daloy ng
ekonomiya ay isang payak na
modelo na nagpapakita kung
paano umiikot o dumadaloy ang
produkto, serbisyo at pera sa mga
sektor ng ekonomiya.
• Ang mga sektor ng ekonomiya na
makikita sa paikot na daloy ng
ekonomiya ay ang sambahayan,
bahay-kalakal, pamilihang
pampinansiyal, pamahalaan at
Maraming Salamat sa
Pakikinig

You might also like