You are on page 1of 8

Ang Paikot na Daloy ng Ekonomiya

Presented by:
Ahmadjan,Saida,Owaida

224-230
Ang macroeconomics ay ang pag-aaral kung paano gumagalaw ang buong ekonomiya. Kasama dito ang mga konsepto tulad ng
GNP/GNI, GDP, implasyon, patakarang pisikal, at pananalapi ng bansa.

Paikot na Daloy ng Produkto at Serbisyo

Tableau Économique
ay isang simpleng mapa o larawan na
nagpapakita ng pag-ikot ng yaman sa
ekonomiya. Pwedeng itong isipin na parang
isang malaking flowchart na nagpapakita
kung paano umaandar ang ekonomiya mula
sa sambahayan, bahay-kalakal, at
pamahalaan patungo sa iba't ibang
pamilihan.
Ang tatlong sektor ng Ekonomiya

Sambahayan Bahay-Kalakal Pamahalaan

ay kinakatawan ng ay binubuo ng mga ay nagbibigay-buhay sa


kumpanya, prodyuser, at ugnayan ng sambahayan at
mga taong may-ari ng
negosyante na gumagamit bahay-kalakal. Tumutok ito sa
lupa, pera, at may
ng mga salik ng pagkokolekta ng buwis mula
kakayahan sa paglikha produksiyon para makabuo sa sambahayan at bahay-
ng produkto. ng mga produkto at kalakal at nagbibigay din ng
serbisyong kinakailangan serbisyong panlipunan
ng ekonomiya.
Ugnayan ng Sambahayan at Bahay-kalakal

Ang ugnayan ng sambahayan at bahay- Sa simpleng pagsanib ng pwersa ng


kalakal ay makikita sa pagbuo at dalawang sektor, nagiging balanse ang
pamamahagi ng produkto. Ang ekonomiya. Ang dalawang sektor ay
sambahayan ang nagbibigay ng mga nagtutulungan sa pamamagitan ng
salik tulad ng lupa, trabaho, pera, at paggamit at pagbibigay ng mga salik ng
ideya para sa produksiyon. Ang bahay- produksiyon at produkto, nagiging tugma
kalakal naman ay gumagamit ng mga ito ang supply at demand, at nagiging maayos
upang makabuo ng produkto na ang daloy ng ekonomiya.
konsumo ng sambahayan.
Daloy ng Salapi bilang Kabayaran sa Dalawang Sektor
Ang ugnayan ng sambahayan at bahay-kalakal ay mahalaga sa ekonomiya dahil ito'y nagpapakita
kung paano gumagalaw ang pera. Sa loob ng ekonomiya, ang sambahayan at bahay-kalakal ay
nagtutulungan.

Halimbawa
Sa bahay-kalakal, nagbibigay sila ng kabayaran na umabot ng P40 milyon para sa mga bagay na ginamit sa paggawa
ng produkto. Ito ay ibinabayad sa mga manggagawa, may-ari ng kapital, entreprenyur, at may-ari ng lupa. Ang perang
ito na tinatanggap ng sambahayan, umaabot ng P40 milyon, ay ginagamit nila sa pagbili ng produkto mula sa bahay-
kalakal. Ito ay nagiging kita naman ng bahay-kalakal. Para maging maayos ang ekonomiya, kailangang gastusin ng
sambahayan ang buong kita na P40 milyon sa pagbili ng produkto mula sa bahay-kalakal. Sa ganitong paraan,
nagkakaroon ng balanse sa ekonomiya, at patuloy ang pagganap ng mga gawain tulad ng paggawa at pamamahagi ng
produkto
Daloy ng Pag-iimpok at Pamumuhunan
Ang pag-iimpok ay mahalaga para sa sambahayan at ekonomiya. Ito ay nangangahulugang pagtatabi
ng bahagi ng kita para sa hinaharap. Subalit, maaaring magkaruon ng problema kung sobra-sobra
ang pag-iimpok.

a
Halimbaw
Kung ang sambahayan ay nag-iimpok ng malaki at Para maibalik ang ekilibriyo, kailangan ng bahay-kalakal na gawing
hindi nagagamit ang pera sa pagbili ng produkto at hakbang tulad ng pagdagdag ng pondo sa produksiyon. Ang salaping
serbisyo mula sa bahay-kalakal, maaaring magkaruon ito, kasama ang kita ng sambahayan na inimpok, ay maaaring gamitin
ng kakulangan sa demand. sa pamumuhunan tulad ng pagbili ng makinarya o paglalaan ng pondo
Kapag may kakulangan sa demand, ang bahay- para sa iba't ibang pangangailangan ng negosyo.
kalakal ay tatanggap lamang ng bahagyang kita, at Sa pangkalahatan, ang tamang pag-iimpok ay mahalaga sa
ang iba't ibang produkto ay maaaring hindi mabili. pagpapanatili ng balanse sa ekonomiya. Dapat itong maging
Ang mga produktong ito ay madaragdag sa stock o kapakinabangan at mailagak sa mga institusyong pampinansiyal tulad
imbentaryo ng bahay-kalakal, na nagiging senyales ng bangko o pamilihan ng kapital upang maging basehan ng
ng hindi balanseng ekonomiya. pamumuhunan at pagpapalawak ng produksiyon.
Ang Tungkulin ng Pamahalaan at Panlabas na Sektor sa Paikot na
Daloy ng Produkto at Serbisyo
pump priming
Ito ay isang hakbang na ginagawa ng Ang pamahalaan ay gumagawa ng trabaho, nagpapautang sa maliliit na
pamahalaan upang pasiglahin ang negosyo, at nag-iinvest sa mga sektor na makakatulong sa ekonomiya.
ekonomiya. Ginagamit ang perang ito, nakukuha sa buwis ng sambahayan at bahay-
kalakal, para sa subsidiya at tulong-pinansiyal sa mamamayan at
negosyo. Sa pamamagitan ng pagkolekta ng buwis, ang pamahalaan ay
nakakatulong na mapanatili ang ekonomiyang maayos at umuunlad.

Sa pangkalahatan, ang ekonomiya ay umaandar ng maayos dahil sa pagsasama-sama ng sambahayan, bahay-kalakal, at


pamahalaan. Ang kanilang kooperasyon ay naglalayong magtagumpay at umunlad ang buong bansa.
Thank you for your
time.

You might also like