You are on page 1of 9

ARALING

PANLIPUNAN 9
Ikatlong Markahan
Unang Linggo

Development and Quality Assurance Team


Developer: Lucelie Rabina Bendoy
Evaluator: Aileen Glorina B. Abunda, Mark Twine Buliyat,
Fatima D. Notarte, Ariel A. Paler, Franklin P. Oranza
Illustrator:
Learning Area Supervisor:
Illustration Credits:
Title Page:
Visual Cues:

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides
released by DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use
and constitutes fair use. All Rights Reserved.
Pamantayan sa Pagkatuto: Nailalarawan ang paikot na daloy ng ekonomiya (AP9
MAK-IIIa-1)

Layunin:
Sa pagtatapos ng linggo, ikaw ay inaasahang:
▪ natutukoy ang ibat-ibang sektor ng paikot na daloy ng ekonomiya;
▪ nailalarawan ang paikot na daloy ng ekonomiya sa pamamagitan ng
pagguhit o paggawa ng diagram; at
▪ napahahalagahan ang gawi ng pambansang ekonomiya na
nagpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan tungo sa pagtamo ng
kaunlaran.

Gawain ng mag-aaral

Paikot na Daloy ng Ekonomiya

MAKROEKONOMIKS
Ang makroekonomiks ay tumutukoy sa pag-aaral at pagsusuri sa ekonomiya sa
kabuuang pananaw. Pinag-aaralan sa makroekonomiks ang tungkol sa produksiyon,
empleyo, implasyon, pananalapi, kalakalang panlabas at pag-unlad ng kabuhayan.

PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA


Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay naglalarawan ng ugnayan at pangunahing
gawain ng bawat sektor ng ekonomiya.

Mga Sektor ng Ekonomiya:


1. Sambahayan - Ito ay tumutukoy sa mga tao o mamamayan ng isang bansa.
Dito nagmumula ang mga manggagawang tagalikha ng produkto at nagbibigay ng
serbisyo at ang bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyong nilikha ng
bahay-kalakal.
2. Bahay-kalakal – Ito ay tumutukoy sa tagapangasiwa ng negosyo na siyang
lumilikha ng produkto at nagbibigay serbisyo.
3. Pamahalaan – Ito ay may tungkuling magbigay ng serbisyong panlipunan sa
mga mamamayan sa pamamagitan ng paniningil ng buwis, paggastos at pagbuo ng
mga batas.

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by
DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use.
All Rights Reserved.
1
UNANG MODELO Ang unang modelo ng pambansang
ekonomiya ay naglalarawan ng simpleng
ekonomiya. Ang sambahayan at bahay-
kalakal ay iisa. Ang lumilikha ng produkto ay siya
ring konsyumer. Ang suplay ng bahay-kalakal
ay demand nito kapag kabilang na ito sa
sambahayan.
Ang kita sa simpleng ekonomiya ay ang
halaga ng produksiyon sa isang takdang
panahon. Inaasahan na ang halaga ng
produksiyon ay siya ring halaga ng
pagkonsumo sa produkto. Upang lumago ang
ekonomiya, kinakailangang maitaas ng
kaukulang aktor ang kanyang produksiyon at
pagkonsumo.

Ang pag-iral ng sistema ng


pamilihan sa pambansang ekonomiya
ang tuon sa ikalawang modelo. Ang
sambahayan at bahay-kalakal ang mga
pangunahing sektor dito.

Sa ikalawang modelo, ang


paglago ng ekonomiya ay nakabatay sa
pagtaas ng produksiyon.

Ang sambahayan ay may


demand sa produkto ngunit wala itong
kakayahang lumikha ng produkto. Ang
bahay-kalakal ang tanging may lumikha
nito. Subalit bago makalikha ng
produkto, kailangan ng bahay-kalakal
na bumili o umupa ng mga salik ng
produksiyon.

Ang paglago ng ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng produksiyon. Upang


maitaas ang produkisyon, kailangang marami ang magagamit na salik ng produksiyon.

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by
DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use.
All Rights Reserved.
2
Ang ikatlong modelo ay
IKATLONG MODELO
nagpapakita ng dalawang pangunahing
sector - ang sambahayan at bahay-
kalakal. Hindi ginagamit ng sambahayan
ang lahat ng kita para sa pamimili. Hindi
lang pangkasalukuyang produksiyon ang
iniisip ng bahay-kalakal. Ang pag-iimpok
at pamumuhunan ay nagiging
mahalagang gawaing pang-ekonomiya.
Upang maging matatag ang ekonomiya,
kailangang may sapat na ipon ang
sambahayan. Inaasahan na sa
pamumuhunan ng bahay-kalakal, tataas
ang produksiyon ng mga kapital na
produkto. Inaasahan na darami rin ang
mabubuksang trabaho para sa paggawa.
Sa ganitong modelo ng ekonomiya,
mahalagang balanse ang pag-iimpok at
ang pamumuhunan.

Ito ang modelo ng ekonomiya kung


saan ang pamahalaan ay lumalahok sa
sistema ng pamilihan. Bukod sa pag-iimpok
at pamumuhunan, ang pagbabayad ng
buwis ay nagiging karagdagang gawain.
Sumisingil ng buwis ang pamahalaan
upang kumita. Ang kita ng pambansang
ekonomiya ay maitatakda ng kabuuang
gastusin ng sambayanan, bahay-kalakal at
pamahalaan.

Upang maging matatag ang


ekonomiya, mahalagang makalikha ng
positibong motibasyon ang mga gawain
ng pamahalaan. Sa pagsingil ng buwis,
mahalagang hindi mabawasan ang
produktibidad ng bawat sektor. Hindi
dapat palaasa ang mga tao sa tulong na
binibigay ng pamahalaan. Hindi rin dapat
makipagkompetensiya ang pamahalaan
sa pamumuhunan ng pribadong bahay- Marami ang mawawalan ng trabaho at
kalakal. Sa oras na maganap ito, marami kita. Ang buong ekonomiya ay aaasa na
ang magtatanggal ng puhunan sa bansa. lamang sa gawain ng pamahalaan.

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by
DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use.
All Rights Reserved.
3
Sa naunang apat na modelo, ang
pambansang ekonomiya ay sarado. Ang
saradong ekonomiya ay hindi nakikipag-
ugnayan sa mga dayuhang ekonomiya.
Ang tuon lamang ng mga naunang
talakayan ay ang panloob na takbo ng
ekonomiya.

May kalakalang panlabas ang bukas


na ekonomiya. Ang kalakalang panlabas ay
ang pakikipagpalitan ng produkto at salik ng
pambansang ekonomiya sa mga dayuhang
ekonomiya.

Ang bahay-kalakal ay nagluluwas


(export) ng mga produkto sa panlabas na
sektor samantalang ang sambahayan ay
nag-aangkat (import) mula rito.

Gawain 1: HULA-LETRA
Panuto: Tukuyin ang mga terminolohiya. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Gawing
gabay ang mga letra sa loob ng lobo upang mabuo ang salita.

1. Dibisyon ng ekonomiks na nakatuon sa kabuuang ekonomiya.


M K S

2. Salaping kinokolektang pamahalaan upang makalikom ng pundo.

3. Pinagmumulan ng mga saik ng produksiyon.


B Y

4. Bumubuo ng mga produkto at serbisyong panlipunan


P H A

5. Pagbebenta ng mga produkto sa ibang bansa.

X T

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by
DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use.
All Rights Reserved.
4
Gawain 2: MAG-IMBENTO KA!
Panuto: Lumikha o gumuhit ng isang simpleng diyagram ng paikot na daloy ng ekonomiya na
sa iyong palagay ay higit na makatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Isulat ang
sagot sa sagutang papel. Gawing gabay ang rubrik sa pagbibigay ng marka. Tingnan ang
halimbawa sa ibaba.

Rubrik sa Paggawa ng Diagram


PAMANTAYAN Magaling (15) Katamtaman (10) Nangangailangan ng Nakuhang
Pagsisiskap(5) Puntos
Nilalaman Naipakita ang lahat ng Naipakita ang ilang Hindi naipakita ang mga
sektor at maayos na sektor ng ekonomiya sektor ng ekonomiya at
nailalarawan ang takbo at Hindi gaanong hindi nailarawan ang
ng ekonomiya ng bansa nailalarawan ang takbo ng ekonomiya ng
takbo ng ekonomiya bansa
Kaangkupan ng Lubhang angkop ang Angkop ang Hindi angkop ang
Konsepto konsepto konsepto konsepto
Gumamit ng tamang Gumamit ng Hindi gumamit ng tamang
Pagkamalikhain kombinasyon ng mga bahagyang kombinasyon ng kulay
kulay kombinasyon ng mga
kulay
Maliwanag at Organisado Bahagyang Hindi maliwanag at hindi
Kabuuang at may kabuluuhan sa maliwanag at organisado at walang
Presentasyon buhay ng isang Pilipino organisado at may kabuluhan sa buhay ng
bahagyang isang Pilipino
kabuluhan sa buhay
ng isang Pilipino
KABUUANG PUNTOS

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by
DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use.
All Rights Reserved.
5
Gawain 3: IPAHAYAG MO!
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Iguhit sa sagutang papel ang ( )
nakangiting mukha kung ito’y nagpapahayag ng kahalagahan ng gawi ng
ekonomiya ng bansa na nagpapabuti sa mamamayan tungo sa kaunlaran ng bansa.
Kung hindi naman, iguhit ang ( ) hindi nakangiting mukha.

________ 1. Pinagtutuunan ng pansin ang pagtaas ng kabuuang presyo ng mga


pangunahing bilihin sa pamilihan.
________ 2. Pagpapalawig ng health protocols ng DOH laban sa Covid 19 virus sa
buong bansa.
________ 3. Binibigyang pansin ng pamahalaan ang kawalan ng hanapbuhay ng
karamihan sa mamamayang Pilipino dulot ng pandemya.
________ 4. Tinitingnan ang kabuuang produksiyon ng face mask at alcohol sa bansa.
________ 5. Pagpasa ng panukala sa kongreso tungkol sa anti-terrorism law.

Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Paano inilalarawan ang unang modelo ng pambansang ekonomiya?


A. Ang pambansang ekonomiya ay bukas.
B. Ang bahay-kalakal at sambahayan ay iisa.
C. Ang pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng pamilihan.
D. May dalawang aktor sa isang ekonomiya - ang sambahayan at bahay-
kalakal.

2. Nasusuri ang buong gawi ng lipunan sa pamamagitan ng pag-aaral tungkol sa


_______________.
A. ekonomiya C. makroekonomiks
B. maykroekonomiks D. pamahalaan

3. Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay mailalarawan sa pamamagitan ng


____________.
A. kita at gastusin ng pamahalaan
B. ugnayan ng sektor ng ekonomiya
C. kalakalan sa loob at labas ng bansa
D. transaksiyon ng mga institusyong pinansiyal

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by
DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use.
All Rights Reserved.
6
4. Mahalagang mapataas ang produksiyon at pagkonsumo ng isang bansa upang
_________.
A. hindi na mangutang
B. lumago ang ekonomiya ng bansa
C. maging kasapi ng mayayamang bansa
D. makasama sa pandaigdigang pamilihan

5. Pagpapaliban ng paggastos ng sambahayan para sa kanilang


pangangailangan.
A. allowance B. insentibo C. pag-iimpok D. sahod

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by
DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use.
All Rights Reserved.
7
SUSI SA PAGWAWASTO

Kalakalang Panlabas
5. Ang Pambansang Ekonomiya sa
5. Paglilingkod
4. Pinansiyal, Salik ng Produksiyon at
3. 4. Ang Pamahalaan at Pamilihan ng
2. 5. At Pamumuhunan
1. 3. Pamilihang Pinansiyal: Pag-iimpok
HULING PAGTATAYA 4. ng Produksiyon
ng tapos na Produkto at salik
2. Ang bahay-kalakal sa Pamilihan
Gawain 3B: Magkakaiba ang sagot ng mag-aaral 3. 1. Simpleng Ekonomiya
Gawain 1B:

2. 5. Export
4. Pamahalaan
1. 3. Sambahayan
Gawain 3A: 2. Buwis
1. Makroekonomiks
Gawain 2: Magkakaiba ang sagot ng mag-aaral Gawain 1A:

SANGGUNIAN

Edgardo M. Cruz, Ferdinand A. Fontillo, Genoveva C. Labrador, Marivic I.


Lera, Jose Bilasano (Editor), EKONOMIKS Araling Panlipunan (K-12), pp.
108-113. Educational Resources Corporation (2015).
Bernard R. Balitao, Martiniano D. Buising, Edward D. J. Garcia, Alex P. Mateo,
at Irene J. Mondejar. 2015. EKONOMIKS, Araling panlipunan (Modyul
para sa mag-aaral) , pp. 228-241.

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by
DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use.
All Rights Reserved.
8

You might also like