You are on page 1of 8

ARALING PANLIPUNAN 9

Ikalawang Markahan
Unang Linggo

Development and Quality Assurance Team

Developer: Lucelie R. Bendoy


Evaluator: Wella Rhea Q. Peroz
Illustrator:
Learning Area Supervisor: Dr. Analiza G. Doloricon

Illustration Credits:
Title Page: Marieto Cleben V. Lozada
Visual Cues: Ivin Mae M. Ambos

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides
released by DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use
and constitutes fair use. All Rights Reserved.
Pamantayan: Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto sa
demand sa pang araw-araw na pamumuhay. (NO CG
CODE)

Layunin: Sa pagtatapos ng linggo, ikaw ay inaasahang:


1. natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto sa demand;
2. nakasusuri ng mga salik na nakakaapekto sa demand; at
3. napapahalagahan ang matalinong pagpapasya sa pagtugon sa
mga salik na nakakaapekto sa demand.

Suriin

Ang araling ito ay nakatuon sa pag-aaral ng demand bilang isa sa


mga batayang kaisipan sa ekonomiks.

Tinalakay sa araling ito ang konsepto ng demand, ang ugnayana


ng demand sa presyo at ang mga salik na nakaaapekto dito. Mahalaga ang
masususing pagsusuri ng demand. Ito ang nagiging batayan ng isang konsyumer
sa pagkakaroon ng matalinong desisyon sa pagkonsumo ng produkto at serbisyo
at maaaring makatulong upang sumigla ang ekonomiya tungo sa pagtamo ng
pambansang kaunlaran.

Demand – ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na gusto at kayang bilhin


ng mamimili sa iba’t-ibang halaga o presyo sa isang takdang panahon.

Kagustuhan ng mamimili + kakayahang bumili = Demand

Halimbawa:

• 10 milyong katao ang gustong bumili ng kotseng nagkakahalaga ng


P8,000,000.00 ngunit 2 milyong katao lang ang may kakayahang bumili, kaya
ang demand sa kotse ay 2 milyon lang.

• Ikaw, kung sakaling gusto mong bumili ng Nike na sapatos at wala ka namang
pambili, walang demand na magmumula sa iyo. Sa kabilang banda, kung
may kakayahan ka namang bumili ng Nike at hindi mo naman gusto, wala pa
ring demand.

Mga Paraan ng Paglalarawan ng Relasyon ng Presyo at Demand

A. Demand Function- ay naipapahayag sa pamamagitan ng isang


mathematical equation ng 2 variable, ang Quantiity Demand (QD) na
dependent variable at Presyo (P) bilang independent variable.

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides
released by DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use
and constitutes fair use. All Rights Reserved.
Halimbawa: Qd = 200 -10P
= 200 – 10(20)
=`200 – 200
=0

Kapag ang presyo (P) naman ang hahanapin, kung sakaling ang Qd ay
inihayag na 20, sundan ang pormula ng subsitusyn:
Qd = 200 – 10P
10P = 200 - Qd
10P = 200 – 20
10P = 180
P = 180
10
P= 10
B. Iskedyul ng Demand – ay tumutukoy sa talahanayan na nagpapakita ng di-
tuwirang ugnayan ng presyo at dami ng demand sa iba’t-ibang sitwasyon.

C. Kurba ng Demand – isang grapikong paglalarawan ng di-tuwirang relasyon


ng presyo at dami ng produktong nais bilhin ng mamimili.

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides
released by DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use
and constitutes fair use. All Rights Reserved.
Batas ng Demand

Kapag ang presyo ng produkto ay mataas, ang demand ay mababa.


Subalit, kapag ang presyo naman ng produkto ay mababa, ang demand ay
mataas.

P D Ang relasyon ng presyo


at demand ay
di-direkta (inverse) o
magkasalungat.
P D
Dahil sa krisis na nararanasan natin ngayon, naging mas maingat tayo sa
ating mga desisyon kung ano ang dapat nating bilhin. Napahalagahan ang tamang
paggasta at pagkonsumo upang maging matatag ang presyo sa pamilihan. Maliban
sa presyo, mahalagang matutunan natin ang iba pang salik ng demand upang
maging matalinong mamimili.
Pansinin ang tsart na nasa ibaba na nagpapakita ng iba’t – ibang mga
salik na nakaka-apekto sa demand.

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides
released by DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use
and constitutes fair use. All Rights Reserved.
Gawain 1: COMPLETE IT!
Kompletuhin ang mga katawagan at konseptong tinutukoy ng sumusunod na
pangungusap. Isulat ang mga tamang letra sa patlang upang mabuo ang salita.

1. __ __ __ A __ __ tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong gusto at kakayang


bilhin ng mamimili.

2. __ __ __ A __ __ __ __ __ __ A __ nagsasaad na mayroong magkataliwas na


ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demanded.

3. __ __ __ __ A __ __ D __ __ __ __ __ grapikong paglalarawan ng presyo at


quantity demanded.

4. __ N __ __ __ __ __ ang relasyon ng presyo at nang quantity demand.

5. __ R __ __ __ __ ang independent variables sa demand function .


Gawain 2: Panuto: Tukuyin kung anong salik na nakakaapekto sa demand ang
isinasaad ng mga pahayag.

1. Napromote sa trabaho si Hector kaya may karagdagan sa kaniyang magiging


sweldo.

2. Ibinalita sa TV na may isang aktibong kaso na ng COVID-19 sa syudad kaya agad


na namili ng alcohol mask at bigas si Mario.

3. Tumaas ang demand ng mga bulaklak dahil sa nalalapit na araw ng mga puso.

4. Maraming kabataan ngayon ang nahuhumaling sa mga pagkaing Koreano dahil sa


pagsubaybay ng mga KDrama.

5. Tumaas ang presyo ng tinapay dahil sa pagtaas ng presyo ng arina.

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides
released by DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use
and constitutes fair use. All Rights Reserved.
Gawain 3: T-SHIRT DESIGNING

Sa isang short bond paper, Gumuhit at Magdisenyo ng t-shirt na may temang


“Ang Matalinong Mamimili: Susi sa Pagtamo ng Pambansan kaunlaran” Isulat ang
paliwanag tungkol sa mabubuong disenyo. Maging gabay sa paggawa ng disenyo ang
rubrik.

PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS: T-SHIRT DESIGNING


Nakuhang
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Puntos
Binigyang-pansin ang
Kaangkupan sa pagpapahalaga sa pagiging matalino
25
Tema at mapanagutang mamimili na susi sa
pagtamo ng pambansang kaunlaran.
Akma sa tema ang mga aspekto ng
disenyo ukol sa ugnayan ng pagiging
Detalye ng disenyo 25
matalinong mamimili sa pagtamo ng
pambansang kaunlaran.
Nagpakita ito ng natatanging disenyo
Orihinalidad at
gamit ang pagiging malikhain at 25
Pagkamalikhain
angkop na mga kagamitan
Mahusay na naipaliwanag ang bawat
Pagpapaliwanag aspekto ng disenyo na angkop sa tema 25
ng gawain
Kabuuang Puntos 100

Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong gusto at kakayang bilhin ng


mamimili.
A. demand B. kita C. Suplay D. presyo
2. Isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin ng mamimili sa
iba’t – ibang presyo.

A. Demand quotient B. Demand function


C. Demand curve D. Demand schedule
Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides
released by DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use
and constitutes fair use. All Rights Reserved.
3. Isa sa mga salik ng demand ay ang dami ng mamimili. Kung kayo ay may
negosyong milktea, ano ang gagawin mo para dumami ang benta ninyo?
A. Tataasan ko ang presyo ng milktea
B. Kumbinsihin ko ang mga kaklase na bumili
C. Mamimigay ako ng libreng sample
D. Iimbetahan ko ang aking mga kaibigan at kaklase sa aming tindahan

4. Sa panahon ngayon ng pandemic, nangangamba ang mga tao na maubusan


ng produkto para sa kaligtasang pangkalusugan. Ano ang mangyayari sa demand
ng face mask?
A. Mananatili ang pangangailangan ng face mask.
B. Bababa ang pangangailangan ng face mask.
C. Tataas ang pangangailangan ng face mask.
D. Regular ang pangangailangan ng face mask.

5. Bumaba ang benta ng tindahan ni Cesar simula ng Quarantine. Bakit naapektuhan


ang kanyang benta?

A. Dahil marami na ang nagsulputang bagong tindahan


B. Dahil marami ang nawalan ng trabaho
C. Dahil bawal na lumabas
D. Dahil lumipat ang kanyang mga suki sa ibang tindahan

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides
released by DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use
and constitutes fair use. All Rights Reserved.
SUSI SA PAGWAWASTO

SANGGUNIAN

Edgardo M. Cruz, Ferdinand A. Fontillo, Genoveva C. Labrador, Marivic I.


Lera, Jose Bilasano (Editor), EKONOMIKS Araling Panlipunan (K-
12), pp. 108-113. Educational Resources Corporation (2015).
Bernard R. Balitao, Martiniano D. Buising, Edward D. J. Garcia, Alex P. Mateo,
at Irene J. Mondejar. 2015. EKONOMIKS, Araling panlipunan
(Modyul para sa mag-aaral) , pp. 228-241.
RMN Network – Reaching Millions Nationwide, Radyo Manila, May 22, 2020.
Araling Panlipunan 9: Modyul para sa Mag-aaral: Aralin 1, pp.
13-25: Kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks, pahina Gabay
ng Guro sa Pagtuturo ng Ekonomiks, pp. 11-17

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides
released by DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use
and constitutes fair use. All Rights Reserved.

You might also like