You are on page 1of 10

Department of

9 Education National
Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
MARIKINA CITY

Araling Panlipunan
Ekonomiks
Ikaapat na Markahan – Modyul 7
Impormal na Sektor

Manunulat: Lea Resurreccion Dado


Aralin
1 Impormal na Sektor

Alamin
Ang modyul na ito ay laan upang magsilbing gabay na makatutulong sa
iyong pag-unawa sa konsepto at pagtuklas ng mga kaalaman ukol sa Impormal na
sektor.

Matapos ang aralin, ang mag-aaral ay inaasahan na:


nabibigyang halaga ang mga gampanin ng impormal na sektor at
mga patakarang pang-ekonomiya na nakatutulong dito;

natatalakay ang kahalagahan ng impormal na sektor sa


ekonomiya.

Subukin
Pag-isipan mo.
Suriin ang sitwasyon at sagutin ang mga gabay na tanong.

Ngayong panahon ng pandemya, lahat halos ng tao ay apektado hindi


lamang sa usaping pang kalusugan lalong higit ang aspetong pang
ekonomiya. Marami ang nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng mga
malalaking kumpanya at establisimyento. Ipagpalagay na isa sa iyong
kapamilya ang nawalan ng trabaho. Kung halimbawa na ang iyong pamilya
ay isa sa mga kwalipikado na makatanggap ng ayuda o tulong pinansyal
mula sa ating pamahalaan, anong maliit na negosyo ang maari mong
simulan upang makatulong sa inyong mga panggastos sa araw-araw? Pumili
ng isa sa ibaba:

a. Magtinda ng halo-halo at palamig sa tapat ng bahay.


b. Magpaparenta ng computer at murang pa print.
c. Magtinda ng lutong ulam at meryenda.
d. Mag-online selling ng mga damit, sapatos, beauty products at iba pa.

1
Mga Gabay na Tanong
1. Bakit ito ang iyong napili?
2. Sa iyong palagay, makatutulong ba ito sa iyong pamilya sa pangmatagalang
panahon?

3. Magiging matagumpay kaya at uunlad ang buhay mo sa ganitong negosyo?


___ _ ___

Balikan

Sa bahaging ito babalikan natin ang mga may kaugnayan sa kahalagahan


ng Sektor ng Paglilingkod sa ekonomiya ng ating bansa.

Tukuyin sa loob ng kahon ang wastong salita na naglalarawan sa mga sumusunod


na bilang. Piliin ang letra ng tamang sagot.

a. pananalapi
b. kalakalan
c. paglilingkod pampubliko
d. paglilingkod pampribado
e. transportasyon at komunikasyon

1. Binubuo ito ng mga paglilingkod na nagmumula sa pagbibigay


ng pampublikong sakayan at paglilingkod sa telepono.

2. Paglilingkod na binibigay ng iba’t ibang institusyong pinansyal tulad


ng mga bangko, remittance agency, bahay-sanglaan foreign exchange
dealers at iba pa.

3. Mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba’t ibang


produkto at paglilingkod.

4. Nagmula ang paglilingkod na ito sa pribadong sektor.

5. Lahat ng paglilingkod na ipinagkakaloob ng pamahalaan.

2
Tuklasin
Salita-suri.
Bigyang pansin ang mga salita na nasa kahon at isa-isang sagutin ang mga gabay
na tanong.

Fishball Vendor Sari-sari Store Balut Vendor

Online Selling Pasa buy Pedicab driver

Mga Gabay na Tanong

1. Madalas ka bang bumili o tumangkilik sa mga nagtitinda o mga naglilingkod na hindi


rehistrado o legal?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Kung ikaw ay magkakaroon ng negosyo alin sa mga nakapaloob sa kahon ang iyong
pipiliin? Bakit?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, mahalaga ba talaga na iparehistro ang negosyo tulad ng pagtitinda
ng produkto o di kaya mga nagbibigay serbisyo? Bigyang paliwanag.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Suriin
Basahin at unawain.

Impormal na Sektor
Ang Impormal na sektor ng ekonomiya ay salat o walang pormal na
dokumentong kailangan sa pagsasagawa ng gawaing pang-ekonomiya. Maari ring
maibilang sa impormal na sektor ang mga gawaing nasa labas ng pormal na industriya o
itinakda ng batas.
Ang mga kita mula sa impormal na sektor ay HINDI naisasama sa kabuoang Gross
Domestic Product o GDP dahil HINDI ito nakatala.
Tinatayang 30% ng kita ay nagmumula sa impormal na sektor. Kilala rin ito sa
tawag na Underground Economy, Invisible Economy at Hidden Economy.

3
Mga Anyo ng Impormal na Sektor

1. Hindi nakarehistro sa pamahalaan – walang permiso at dokumento gaya ng


business permit, rehistro sa Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau
of Internal Revenue (BIR). Halimbawa, pagbenta ng taho sa kalsada, pagpwesto
ng tindang lutong ulam sa harap ng bahay, online selling.

2. Hindi nakatala – legal na negosyo ngunit hindi tapat na nagbabayad ng buwis


dahil hindi nagdedeklara ng kita, Halimbawa ang isang department store ay
hindi nagbibigay ng resibo sa kanilang mga transaksyon.

3. Ilegal – mga gawaing ipinagbabawal ng batas, halimbawa nito ay piracy o


pangongopya at pagbebenta ng mga pelikula nasa cd at vcd, pagsusugal,
prostitusyon, pagnanakaw at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Dahilan ng Impormal na Sektor

▪ Makapaghanapbuhay ng hindi nangangailangan ng malaking kapital o


puhunan.
▪ Pansamantalang makatugon sa pangangailangan.
▪ Malabanan ang matinding kahirapan.
▪ Makaligtas sa pagbabayad ng buwis.
▪ Makaiwas sa komplikado at mahabang ng proseso ng transaksyon sa
pamahalaan (bureaucratic red tape).
▪ Kawalan ng malinaw na pamantayan o regulasyon mula sa gobyerno kung
saan ang mga batas at programa ay hindi maayos na naipatutupad.

4
Kahalagahan ng Impormal na Sektor

 Sinasalo nito ang mga mamamayan na hindi makapasok bilang mga


regular na empleyado sa isang kompanya.

 Nagbibigay ng pagkakataon sa maraming Pilipino na


makapag-hanapbuhay.

 Nagsisilbi itong tagasalo ng mga mamamayang may mahigpit na


pangangailangan.

 Malaki ang naiututulong sa mga konsyumer ang mga kalakal at mga


serbisyong mula sa impormal na sektor dahil sa mura nitong halaga.

Pagyamanin

Isulat ang LETRANG P kung ito ay naglalarawan ng Pormal na Sektor ng


ekonomiya at IMP nman kung ito ay Impormal na Sektor.

_______1. Pagkopya at pagbenta ng mga pelikula na nasa cd at vcd ng walang


pahintulot.
_______ 2. Pagbibigay ng resibo ng mga grocery stores sa bawat customer na bumili ng
kanilang produktong paninda.
________3. Pagbebenta ng iba’t ibang produkto sa facebook at iba pang social networking
sites.
________4. Pagtaya sa online sabong o pagsusugal.
________5. Pagdedeklara ng taunang kita ng isang maliit na negosyo sa BIR.
________6. Pagkuha ng business permit at pagpaparehistro ng sari-sari store sa
DTI o Department of Trade and Industry.
________7. Pagpaparehistro sa Grab ng nabiling kotse upang pagkakitaan.
________8. Pagbebenta ng goto at lugaw sa tapat ng bahay tuwing umaga.
________9. Pagpapatupad ng mga kumpanya ng tinatawag na “quality control” bilang
proteksyon sa depektibong produkto o serbisyo.
________10. Pamamasada ng isang jeep na walang prangkisa o franchise.

Isaisip

TANDAAN
Ngayong panahon ng pandemya, maraming maaring maging pagkakitaan ang mga tao sa
malinis at legal na paraan, kinakailangan lamang ng tao ang pananalig at panatilihing may
takot sa Diyos, may positibong pananaw at huwag mawawalan ng pag-asa upang maitaguyod
at maitawid ang pamilya sa pang-araw-araw na mga pangangailangan. Maaring magsimula ng
maliit na negosyo tulad ng pagbenta ng lutong ulam sa tapat ng bahay o mag online selling at
upang ito ay magtagal, at lumago, kumuha ng business permit, iparehistro magbayad ng
buwis sa ating pamahalaang lungsod para hindi ito maipasara.

5
Isagawa

Graphic Organizer
Punan ng impormasyon ang diagram batay sa mga impormasyong nabasa sa bahaging
suriin.

Kahulugan 2pts. Iba pang Katawagan

1.
2.
3.

Mga Halimbawa ng
Gawain o Hanapbuhay

1.
2.
3.
4.
5.

Tayahin

TAMA O MALI.

Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay wasto


at MALI kung hindi wasto.

__________1. Lahat ng negosyong kabilang sa impormal na sektor ay HINDI


nagbabayad ng buwis.

__________2. Lahat ng mga gawaing kabilang sa impormal na sektor ay


maituturing na labag sa batas.

__________3. Ang impormal na sektor ay nagaganap lamang sa Pilipinas.

__________4. Tumataas ang nalilikom na buwis ng pamahalaan dahil sa


impormal na sektor.

__________5. Ang kita mula sa impormal na sektor ay kabilang sa Gross


National Product (GNP).

6
Karagdagang Gawain

Gumawa ng sanaysay tungkol sa mga mahahalagang natutunan mula sa


impormal na sektor kung saan maaaring magbigay ng suhestiyon o
rekomendasyon na negosyo o gawaing pang-ekonomiya na naaayon sa itinakda ng
batas upang makatulong sa pandagdag kita sa inyong pamilya o komunidad
ngayong panahon ng pandemya.

Rubrik sa Pagmamarka

Kaakmaan /Mensahe ……….….….. 10 puntos


Pagkamalikhain ………..…...……… 10 puntos
Kabuoang Puntos …………………… 20 puntos

Sanggunian

Balitao, B., Garcia, E.,at Marcos L, at 2006. Gabay ng Guro sa Pagtuturo ng


Araling Panlipunan IV (Ekonomiks), Pilipinas. Department of Education (DepED)
Philipppine Deposit Insurance Corporation (PDIC).

Balitao B., Buising M., Garcia L., et al.2015 Ekonomiks, Araling Panlipunan,
Modyul para sa mag-aaral. Pilipinas. DepEd-IMCS. Vibal Group Inc.

www.ibon.org.com

Susi ng Pagwawasto

10. IMP 5. P 5. MALI 5. C


9. P 4. IMP 4. MALI 4. D
8. IMP 3. IMP 3. MALI 3. B
7. P 2. P 2. TAMA ipoproseso ng guro 2. A
6. P 1. IMP 1. TAMA ng modyul ay 1. E
Pagyamanin Tayahin Ang ibang bahagi Balikan

7
Maikling Pagsusulit
Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang. Hanapin ang sagot sa kahon.

a. Bureaucratic Red Tape f. ilegal


b. Buwis g. Department of Trade and Industry
c. Quality Control h. Bureau of Internal Revenue
d. Software Piracy o Piracy i. TESDA
e. Impormal na Sektor j. Gross Domestic Product

________1. Sangay ng pamahalaan na ang layunin ay mangolekta ng buwis.


________2. Ang tawag sa mahaba at masalimuot na proseso ng pakikipagtransaksiyon sa
pamahalaan.
________3. Pinagmumulan o nagsisilbing badyet o pondo ng pamahalaan upang maisagawa ang mga
program at proyektong panlipunan.
________4. Ito ay ipinatutupad ng mga kompanya bilang proteksiyon sa mamimili laban sa mga
depektibong kalakal o serbisyo na maaaring magresulta sa kanilang kapahamakan.
________5. Tumutukoy sa ilegal o walang permisong pangongopya ng mga pelikula, musika, at iba pa
sa anyong CD, VCD, o DVD.
________6. Ang bahagi ng ekonomiya na gumagamit ng mababang antas ng produksiyon at halos
wala ang mga kondisyong legal na kinakailangan sa pagpapatakbo ng negosyo.
________7. Mga gawaing ipinagbabawal ng batas.
________8. Sangay ng pamahalaan na nangangalaga sa kapakanan ng mga konsyumer at
prodyuser.
________9. Sumusukat sa kabuoang kita ng pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto sa
loob ng isang bansa.
________10. Institusyong teknikal at bokasyonal na layuning sanayin at paunlarin ang kasanayan ng
mga manggagawa.

8
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

May akda: Lea Resurreccion Dado


Tagasuri – Panloob: Aaron S. Enano
Tagaguhit ng Kober: Gwendelene J. Corañez
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihal

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipuna
Ivy Coney A. Gamatero
Superbisor sa Learning Resource Management System

Catherine Paningbatan
Learning Resource Librarian

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office – Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472/682- 3989

12

You might also like