You are on page 1of 15

MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W2-01

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 9


Ikatlong Markahan/ Ikalawang Linggo/ Unang Araw

A. 1. MELC: Naipaliliwanag ang bahaging ginampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy


ng ekonomiya
2. Layunin: Nasususuri ang mga bahaging ginagampanan sa pambansang ekonomiya
(Ikaapat na modelo ng ekonomiya)

B. HALINA’T SIMULAN

Ang Batas Pambansa 7581 na mas kilala sa pangalan na “Price Act of the Philippines” ay
nagbibigay ng probisyon na tinatawag na Price Ceiling o maximum price policy. Ito ay ang
pagtatakda ng pinakamataas na presyo na maaaring ipagbili ng isang prodyuser ang
kaniyang produkto. Ang patakaran na ito ay isang pamamaraan upang mapanatiling abot
kaya para sa mga mamamayan ang presyo ng mga prime commodities.

BASAHIN ANG KWENTO NG PAMILYA OIKOS

Kabanata 16

Sa pagbabalik ng pamilya Oikos sa Pasay ay agad na kinausap ng kanilang Puno ng Baranggay


si Mia. Upang magkaroon ng karagdagang pagkakakitaan ang kanilang pamilya kinuha ng barangay si
Mia bilang tagapagwalis. Kinuha din siya tagapagluto at caretaker ng kanilang barangay hall. Ayon sa
kanilang Punong baranggay ang pampasweldo kay Mia ay magmumula sa pondo ng barangay mula sa
mga bayad sa kanila sa pagpapaggawa ng ilang mga kinakailangan na requirements.

C. HALINA’T ALAMIN
Batay sa karanasan ng pamilya Oikos pinapakita nito ang ika-apat na modelo ng ekonomiya, ang
Pamahalaan. Ang pamahalaan, bagamat kabilang sa pampulitika na sektor, ay lumalahok sa Sistema ng
pamilihan. Ano ang pangekonomiyang gawain ng pamahalaan sa pamilihan?

1. Pangngolekta ng Buwis

Page 1 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W2-01

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

2. Pagbibigay ng Serbisyong Panlipunan


➢ Mula sa nakuhang Public Revenue ang pamahalaan ay
magkakaloob ng mga iba’t – ibang serbisyong panlipunan
➢ Ilan sa mga serbisyong panlipunan ay libreng edukasyon at
serbisyong pangkalusugan, pagpapatayo ng mga
imprastraktura at pagpapanatili ng panlipunang kaayusan

Pinagbabatayan ng paglago ng pambansang ekonomiya


1. Pagtaas ng produksyon
2. Produktibidad ng pamumuhunan
3. Produktibidad ng mga gawain ng pamahalaan
4. Pag-ikot ng pera at produkto/serbisyo

AKTOR KATANGIAN/GAWAIN

Sambahayan • Namimili sa GOODS MARKET ng mga produkto at serbisyo


• Pinagmumulan ng mga salik ng produksyon na binebenta sa COMMODITY
MARKET
• Mag-impok sa Pamilihang Pinansyal
• Magbayad ng Buwis na bubuo sa Public Revenue
Bahay-Kalakal • Nagbebenta ng produkto at serbiyo sa GOODS MARKET kapalit ng kita
• Bumibili ng mga INPUT para sa produksyon sa COMMODITY MARKET kapalit
ng sahod, upa at tubo
• Mangutang ng karadagang puhunan sa Pamilihang Pinansyal
• Magbayad ng buwis na bubuo sa Public Revenue
Goods Market • Nagbebenta sa Sambahayan ng mga produkto at serbisyo
• Bumibili sa mga Bahay-Kalakal ng mga tapos na produkto at serbisyo

Factors Market • Nagbebenta sa Bahay-Kalakal ng mga Salik ng Produksyon


• Pinagmumulan ng Kita ng Sambahayan sa pamamagitan ng sahod, upa at tubo

Pamilihang • Maaring mag-impok ang Sambahayan


Pinansyal • Maaaring mangutang ang Sambahayan
• Mahihiraman ng pera para sa pandagdag ng puhunan ng Bahay-Kalakal
Pamahalaan • Magpasweldo at magbayad ng tubo sa Sambahayan
• Bumili ng Kalakal at Serbisyo sa Bahay-Kalakal
• Mula sa Public Revenue makapagbigay ng pampublikong paglilingkod tulad ng
edukasyon, kalusugan at pampublikong sasakyan at mga daanann

Page 2 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W2-01

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

D. HALINA’T GAWIN

Gawain 1: Punan ang concept web ng mga tungkulin ng pamahalaan.

Gawain 2: Punan ang talahanayan. Isulat kung paano nakakatulong sa pag-ikot ng pera at produkto/serbisyo
ang bawat programa ng pamahalaan

Programa ng Paano nakakatulong sa pag-ikot ng produkto/serbisyo


Pamahalaan o paglago ng Pambansang Ekonomiya?
4 P’s (Pantawid Pamilyang
Pilipino Program)
BUILD BUILD
BUILD
Distance
Learning
Libreng Bakuna
Laban sa Covid 19
Usapang Pangkapayapaan sa
mga Kilusang Komunista (NPA)
Pagtatanim ng puno ng bawat
mag-aaral na magtatapos
Modernisasyon ng Armed Forces
of the Philippines (AFP)
Social Amelioration
Program (SAP)
Pagpapatupad ng Price Ceiling
sa presyo ng baboy at manok
Programang K to 12 sa
Edukasyon

Page 3 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W2-01

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Gawain 3: Sumulat ng outline ng isang action plan. Mag-isip ng isang plano para sa iyong barangay na
magagamit ngayong panahon ng pandemya. Punan ang inihandang form.
A. Layunin:
1.
2.
3.
B. Mga Makikinabang:
1. Target na makikinabang:
2. Bilang ng makikinabang:
C. Suliranin na nais matugunan:

D. Badyet:
Mga gagamitin Halaga
1.
2.
3.
4.
5.
Kabuuang Halaga:
E. Pamamaraan:
1. Logistics:
a. Petsa:
b. Lugar na Pagdarausan:
c. Mga tagapangisawa na tauhan ng barangay:
2. Mga gawain


• Ang Pamahalaan ay maaaring maging tulay ng sambahayan at bahay – kalakal sa


paikot na daloy ng pera at produkto/serbisyo
• Gawain ng pamahalaan ang mangolekta ng buwis at magbigay ng mga programang
panlipunan upang manatili ang mataas na produksyon ng bahay – kalakal at paggastos ng
sambahayan

Karagdagang Babasahin:
➢ Ekonomiks Learners Module, pahina 236
➢ www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/aralin-14-pambansang-ekonomiya
➢ Republic Act 7581 Price Act
Page 4 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W2-01

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

E. PAGTATAYA: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1) Ano ang papel ng pamahalaan sa pambansang ekonomiya?


A. Magpataw ng mabigat na parusa sa mga lumalabag sa karapatang pantao ng mga kapwa nila
kawani ng pamahalaan
B. Papasukin ang mga dayuhan na mangangalakal upang tumaas ang kanilang pondo na maaaring
magamit sa susunod na eleksyon
C. Mapanatili ang paikot na daloy ng pera at produkto/serbisyo sa pamamagitan ng pangongolekta
ng buwis at pagbibigay ng mga programang panlipunan
D. Makialam sa mga isyu na may kinalaman sa pagpasok ng mga luxury items mula sa ibang bansa
sa pamamagitan ng pagkontrol sa produksyon ng mga ito
2) Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng ika-apat na modelo ng ekonomiya?
A. Kumuha si Maui ng Business permit sa City Hall
B. Nagtanim si Rosa ng mga ampalaya sa kanyang bakuran
C. Pinag-aral ni Alma ang kanyang mga anak sa Private school
D. Si Mina ay nagsimulang magtinda gamit ang mga shopping applications
3) Paano nakakatulong ang programang 4 P’s sa ekonomiya?
A. Nababawasan nito ang kriminalidad sa mga kalungsuran
B. Mas napapalapit ang loob ng mga mahihirap sa mga pulitiko
C. Binibigyan nito ng kakayahan na makilahok ang mga mahihirap sa paggastos
D. Umaasa na lamang ang mga kasapi nito sa mga darating na tulong mula sa pamahalaan
4) Alin sa mga sumusunod ang HINDI batayan sa paglago ng pambansang ekonomiya?
A. Pagtaas ng produksyon
B. Produktibidad ng pamumuhunan
C. Produktibidad ng mga gawain ng pamahalaan
D. Pagtaas ng Approval rating ng pangulo ng Pilipinas
5) Bilang isang mag-aaral, paano makakatulong sa ekonomiya ng bansa ang pagtatapos mo sa
programang K to 12 ng pamahalaan?
A. Magsisilbing modelo ng pagiging mahusay na mag-aaral
B. Magiging handa bilang isang epektibong teknikal o bokasyunal na manggagawa
C. Magiging kasapi ng mga pangkat na mangunguna sa pagaaklas sa pamahalaan
D. Maghihintay at patuloy na aasa sa mga libreng serbisyo na ipagkakaloob ng pamahalaan

Inihanda ni:

CARLITO B. ABALOS JR.


PCNHS

Page 5 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W2-02

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 9


Ikatlong Markahan/ Ikalawang Linggo/ Ikalawang Araw

A. 1. MELC: Naipaliliwanag ang bahaging ginampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy


ng ekonomiya
2. Layunin: Naibibigay ang papel na ginagampanan ng kalakalang panlabas sa ikalimang
modelo ng Ekonomiya

B. HALINA’T SIMULAN

Batay sa Batas Pambansa 7581 o Price Act ang pamahalaan ay maaaring magtakda ng Price floor.
Ito ay kilala rin bilang price support at minimum price policy na tumutukoy sa pinakamababang
presyo na itinakda ng batas sa mga produkto at serbisyo. Isinagawa ito ng pamahalaan upang
matulungan ang prodyuser. Upang ganahan pa din magtinda ang mga prodyuser sa kabila ng
mababang presyo maaaring bilihin ng pamahalaan ang kanilang mga produkto.

BASAHIN ANG KWENTO NG PAMILYA OIKOS

Kabanata 17
Upang makakuha ng dagdag pagkakakitaan ang ama ng pamilya Oikos na si Nono ay pumasok
siya na karpintero sa isang pagawwan ng mga muwebles. Kumuha ng karagdagang trabahador ang
pagawaan ng muwebles dahil mayroon foreigner ang bumili ng maraming piraso ng upuan at lamesa sa
kanila. Mula sa kinitang pera ni Nono siya ay bumili ng bagong flat screen TV para sa kanyang pamilya.
Nang makarating ang TV napansin ni Tony ang tatak na “Made in Japan”. (sagutan ang Gawain 1)

C. HALINA’T ALAMIN
Sa unang apat na modelo, ang ekonomiya ay sarado. Ang Saradong ekonomiya ay hindi
nakikipag-ugnayan sa mga dayuhang ekonomiya. Sa ikalimang modelo ay ekonomiya ay
nakikipagkalakalan sa ibang bansa. May mga sambahayan at bahay kalakal ang dayuhang ekonomiya
na maaaring makipagkalakalan sa atin bansa, ito ay ang tinatawag na Bukas na ekonomiya
Tulad ng karanasan ng pamilya Oikos, si Nono ay naging bahagi ng bahay – kalakal na
gumagawa ng muwebles na ibebenta sa ibang bansa o pagluluwas (export). Sa kanilang pagbili ng TV
napansin ni Tony na nagmula pa ang TV mula sa ibang bansa isa itong halimba ng pag-aangkat (import).

EXPORT
• Ang paglukuwas(export) ay ang paglabas ng mga produkto mula sa bansa
at pagbenta ng mga ito sa iba pang kalapit na bansa
• Ilan sa mga kilalang export products ng bansa ay nagmumula sa sektor ng
agrikultura tulad ng mga mangga at saging
• Kabilang na din dito ang ating lakas paggawa (OFW)

Page 6 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W2-02

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

IMPORT
• Ang pag-aangkat(import) ay ang pagpasok ng mga produkto
mula sa ibang bansa
• Ilan sa mga kilalang import products sa bansa ay nagmumula
sa sektor ng industriya tulad ng mga appliances, makina,
gadgets, etc.
• Bunga ng may shortage sa bigas, ang Pilipinas ay nagaangkat
pa ng bigas sa ibang bansa tulad ng Thailand

AKTOR KATANGIAN/GAWAIN

Sambahayan • Namimili sa GOODS MARKET ng mga produkto at serbisyo


• Pinagmumulan ng mga salik ng produksyon na binebenta sa
COMMODITY MARKET
• Mag-impok sa Pamilihang Pinansyal
• Magbayad ng Buwis na bubuo sa Public Revenue
• Nag-aangkat ng produkto sa Panlabas na Sektor (Import)
Bahay-Kalakal • Nagbebenta ng produkto at serbiyo sa GOODS MARKET kapalit ng kita
• Bumibili ng mga INPUT para sa produksyon sa COMMODITY MARKET
kapalit ng sahod, upa at tubo
• Mangutang ng karadagang puhunan sa Pamilihang Pinansyal
• Magbayad ng buwis na bubuo sa Public Revenue
• Nagluluwas ng produkto sa Panlabas na Sektor (Export)
Goods Market • Nagbebenta sa Sambahayan ng mga produkto at serbisyo
• Bumibili sa mga Bahay-Kalakal ng mga tapos na produkto at serbisyo

Factors Market • Nagbebenta sa Bahay-Kalakal ng mga Salik ng Produksyon


• Pinagmumulan ng Kita ng Sambahayan sa pamamagitan ng sahod, upa
at tubo
Pamilihang Pinansyal • Maaring mag-impok ang Sambahayan
• Maaaring mangutang ang Sambahayan
• Mahihiraman ng pera para sa pandagdag ng puhunan ng Bahay-Kalakal
Pamahalaan • Magpasweldo at magbayad ng tubo sa Sambahayan
• Bumili ng Kalakal at Serbisyo sa Bahay-Kalakal
• Mula sa Public Revenue makapagbigay ng pampublikong paglilingkod
tulad ng edukasyon, kalusugan at pampublikong sasakyan at mga
daanann
Panlabas na Sektor • Nagbebenta ng produkto mula sa ibang bansa sa Sambahayan
• Bumibili ng produkto na gawa ng mga Bahay-Kalakal sa ating bansa

Page 7 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W2-02

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

D. HALINA’T GAWIN
Gawain 1:
A. Magsaliksik sa iyong tahanan ng mga halimbawa ng mga produkto mula sa ibang bansa o Imported goods

B. Magsaliksik sa internet, dyaryo at magasin ng mga halimbawa ng mga export goods ng Pilipinas

Gawain 2: Isulat ang ☺ kung tumutukoy sa kabutihang dulot ng kalakalang panlabas ay  kung timutukoy sa di-

kabutihang ng kalakalang panlabas

1. Nakapagbibigay ng trabaho sa mga Overseas Filipino Workers


2. Nagkakaroon ng karagdagang kumpetisyon mula sa mga produkto sa ibang bansa
3. Nagkakaroon ng mas malawak na mapagbebentahan ng mga kalakal at serbisyo
4. Higit na nabibigyan ng pansin ang mga binibigay na serbisyo na nagmula sa ibang bansa
5. Colonial Mentality
6. Kumikita ang mga multinational corporations

Page 8 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W2-02

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

7. Nakakasabay tayo sa teknolohiya ng ibang bansa


8. Mas mabenta ang mga imported goods
9. Nakukuha natin ang mga surplus goods at second hand goods ng ibang bansa
10. Nagkakaroon ng mas malawak na interaksyon sa pamamagitan ng mga websites

Gawain 3: Mas malaki an gating kinikita sa pagbebenta natin ng mga Export goods. Mag-isip ng isang
produkto na maaari natin ibenta sa ibang bansa, iguhit ito at lagyan ng pagpapaliwnag.

Paliwanag:
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

• Ang Ikalimang Modelo ng Ekonomiya ay tumutukoy sa kalakalang Panlabas


• Ang gawain ng Kalakalang Panlabas ay pagluluwas (export) at pag-aangkat (import)
• Mayroon mabuti at di-mabuting epekto ang Kalakalang Panlabas sa ating bansa

Karagdagang Babasahin:
➢ Ekonomiks Learners Module, pahina 237111
➢ www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/aralin-14-pambansang-ekonomiya
➢ Republic Act 7581 Price Act

D. PAGTATAYA: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1) Ano ang pangunahing layunin nga pag-aangkat?


A. Makakuha ng mga produkto at serbisyo mula sa ibang bansa na di binebenta sa sariling bansa
B. Kumita ng Malaki ang ibang bansa at maging bahagi ng kanilang ekonomiya
C. Ipagbigay alam ang mga bagong polisiya ng bawat bansa
D. Magkaroon ng malaking pagkakautang sa ibang bansa
Page 9 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W2-02

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

2) Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mabuting dulot ng pagluluwas?


A. Naipapakilala natin ang ating mga natatanging produkto sa ibang bansa
B. Nababawasan an gating lakas paggawa o mas kilalang brain drain
C. Nagkakaroon ng mas mataas na kumpetisyon sa pagitan n gating mga produkto
D. Napupunan ang mga kakulangan natin sa ating mga pangangailanagn sa bansa

3) Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng bukas na ekonomiya?


A. Higit na tumataas ang koleksyon ng buwis
B. Nakakapagpadala tayo ng ating mga eksperto sa ibang bansa
C. Nagbibigay ito ng karagdagang dadaluyan ng pera at produkto n gating pambansang ekonomiya
D. Nabibigyan ng oportunidad na makapasok ang mga foreign investors upang magamit nila ang
ating mga likas na yaman

4) Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng halimbawa ng pag-aangkat?


A. Panonood ng Netflix at iba pang streaming webistes
B. Pagbabasa ng mga balita sa mga local news websites
C. Pagbili ng mga pangunahing pangangailangan sa mga lokal na tindahan
D. Pagbebenta ng mga sariling gawang produkto gamit ang mga shopping apps

5) Bilang mag-aaral, paano ka makakatulong sa paglakas ng pambansang ekonomiya?


A. Tangkilikin ang mga lokal na produkto
B. Palaging pagbili ng mga produkto mula sa ibang bansa
C. Mag-aral ng mabuti upang makapagtrabaho sa ibang bansa
D. Pageendorso ng mga imported goods sa iyong mga social media accounts

Inihanda ni:

CARLITO B. ABALOS JR.


PCNHS

Page 10 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W2-03

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 9


Ikatlong Markahan/ Ikalawang Linggo/ Ikatlong Araw

A. 1. MELC: Naipaliliwanag ang bahaging ginampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy


ng ekonomiya
2. Layunin: Nabibigay ang kahalagahan ng mga pangekonomikong gawain ng bawat aktor ng
mga modelo ng ekonomiya

B. HALINA’T SIMULAN

Batay sa Batas Pambansa 7581 o Price Act ay nagsasaad na maaaring magpatupad ang
pamahalaan ng price freeze. Ang price freeze ay isang pamamaraan ng pagpepresyo.
Kung saan ang presyong itinakda ay hindi pwedeng baguhin o taasan. Nagaganap ito kung
sa tingin ng gobyerno at ng mga konsyumer na mataas ang presyo ng produkto. Madalas
ginagawa ang price freeze sa kasagsagan o pagkatapos ng kalamidad upang masigurado
na hindi mananantala ang mga negosyante at kayanin na bilihin ng mga mamimili ang
produktong kailangan.

BASAHIN ANG KWENTO NG PAMILYA OIKOS

Kabanata 18

Nanonood ng balita ang Pamilya Oikos. Isa sa kanilang napanood ay ang pagtanggi ng mga
nagtitinda ng baboy at manok ng pagbebenta sa itinakdang presyo ng pamahalaan. Ayon sa mga
nakapanayam ay magreresulta daw ito ng pagkalugi. Upang higit na maintindihan ng pamilya ang
nagaganap, ipinaliwanag ni Tony sa kanyang mga magulang ang papel na ginagampanan ng iba’t –
ibang actor ng ekonomiya upang mapanatili ang patuloy na daloy ng pera at produkto/serbisyo. Tulungan
si Tony at sagutan ang Gawain 1

C. HALINA’T ALAMIN
Kahalagahan ng Pagsusuri ng mga Modelo ng Ekonomiya

• Ang modelo ay representasyon ng isang konsepto o kaganapan. Ito ay nagbibigay ng konteksto sa


pagsusuri ng pambansang ekonomiya sa makroekonomiks.
• Ang modelo ng pambansang ekonomiya ay naglalarawan ng interdependence ng lahat ng aktor sa isang
ekonomiya.
• Natutukoy ang mga pangekonomikong gawain ng bawat aktor ng ekonomiya
• Nakapagbibigay ng malinaw na focus ang mga kinakailangan ng bawat sektor ng ekonomiya upang
mapanatili ang paikot na daloy ng pera at produkto/serbisyo
• Sa pamamagitan ng modelo, naipapakita nang simple ang realidad.

Page 11 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W2-03

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

D. HALINA’T GAWIN
Gawain 1: Punan ang talahanayan. Ibigay ang bahaging ginampanan ng mga actor at pamilihan sa paikot na
daloy ng ekonomiya

MGA AKTOR BAHAGING GINAGAMPANAN

SAMBAHAYAN

BAHAY – KALAKAL

PAMAHALAAN

PANLABAS NA SEKTOR

MGA PAMILIHAN BAHAGING GINAGAMPANAN

GOODS MARKET

FACTORS MARKET

PAMILIHANG PINANSIYAL

PAMILIHANG PANLABAS

Gawain 2: Tukuyin at Isulat sa loob ng kahon kung anong sektor ang ipinapakita sa dayagram

Page 12 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W2-03

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Gawain 3: Tukuyin kung anong uri ng pamilihan ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.

A. Goods Market
B. Commodities Market
C. Pamilihang Pinansyal
D. Pamahalaan
E. Pamilihang Panlabas
1. Nangongolekta ng buwis

2. Nagbebenta ng mga salik ng produksyon

3. Maari dito mag-impok ang Sambahayan

4. Binabayaran ng bahay kalakal ng sahod, upa at tubo

5. Nagpapautang ng puhunan sa bahay kalakal

6. Halimbawa nito ay mga palengke at supermarkets

7. Maaring magluwas o magbenta ng produkto

8. Nagbebenta sa Sambahayan ng kanyang mga pangangailangan at kagustuhan

9. Binibilhan ng mga Imported Goods

10. Nagsasagawa ng mga proyektong panlipunan

Gawain 4: Tukuyin kung anong uri ng pamilihan ang mga sumusunod na halimbawa. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

A. Goods Market
B. Commodities Market
C. Pamilihang Pinansyal
D. Pamahalaan
E. Pamilihang Panlabas

__________ 1. Bank of the Philippine Islands

__________ 2. Job Fair ni Mayor Emi Calixto

__________ 3. Taniman ng gulay sa Tagaytay

__________ 4. Mall of Asia

__________ 5. Mga poultry farm sa Pateros

__________ 6. Call Centers sa Makati

__________ 7. Mga nagbebenta ng Insurance

__________ 8. Social Security System

__________ 9. Mga Recruitment Agency na nagpapadala ng OFW sa Riyadh

__________ 10. Real Estate agency sa Pilipinas

Page 13 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W2-03

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

• Ang mga modelo ng ekonomiya ay nagpapakita ng kalagayan ng pambansang


ekonomiya
• Nagpapakita ito ng mga tungkulin at gawaing ekonomiko ng bawat aktor ng ekonomiya
• Nabibigyang pansin ang mga kinakailangan ng bawat sektor sa pamamagitan ng pag-
alam ng kanilang mga gawain

Karagdagang Babasahin:
➢ Ekonomiks Learners Module, pahina 238 - 240
➢ www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/aralin-14-pambansang-ekonomiya
➢ Republic Act 7581 Price Act

E. PAGTATAYA: Bilugan ang letra ng tamang sagot.


1. Ano ang inilalarawan ng ikalimang modelo ng ekonomiya?
A. Kita at gastusin ng pamahalaan
B. Kalakalan sa loob at labas ng bansa
C. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
D. Transaksyon ng mga institusyong pampinansyal

2. Sa paikot na daloy ng ekponomiya, ano ang relasyon ng Sambahayan at Bahay-Kalakal?


A. Ang salapi na ginagamit ng Sambahayan upang ipautang sa mga Bahay-Kalakal
B. Sa Sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksyon na sumasailalim sa pagpoproseso ng
Bahay-Kalakal
C. Ginagamit ng Sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin
ng mga Bahay-Kalakal
D. Nagbubukas ng bagong pabrika ang Sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho
para sa mga Bahay-Kalakal

3. Alin sa mga sumusunod ang aktor ng Ikalawang Modelo ng ekonomiya?


A. Sambahayan at Bahay – Kalakal
B. Sambahayan at Pamilihang Pinansyal
C. Pamilihang pinansyal at Pamilihang Panlabas
D. Sambahayan at Pamahalaan

4. Ano ang pinagmumulan ng public revenue ng Pamahalaan na ginagamit sa iba’t-ibang serbisyong


panlipunan?
A. Buwis
B. Pag-iimpok
C. Salik ng produksyon
D. Sweldo

Page 14 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W2-03

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

5. Ano ang naitutulong ng Pamilihang Pinansyal sa Sambahayan?


A. Nagbabayad ng buwis
B. Nag-iimpok
C. Namumuhunan
D. Nagpapasweldo

6. Ano ang gawain ng Pamilihang Panlabas para sa Pambansang Ekonomiya?


A. Import at Export
B. Buwis at Serbisyong Panlipunan
C. Mga Salik ng Produksyon
D. Pag-iimpok at Pamumuhunan

7. Ano ang dapat mapanitili na umiikot at gumagalaw sa ekonomiya?


A. Pera at produkto/serbisyo
B. Buwis at sweldo
C. Bahay kalakal at sambahayan
D. Kita at paggasta

8. Sino ang kumakatawan sa mga bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo?


A. Sambahayan
B. Bahay-Kalakal
C. Pamilihang Pinansyal
D. Pamahalaan

9. Bakit kinakailangan mapanatili ang paikot na daloy ng ekonomiya


A. Nagkakaroon ng alokasyon ng yaman ng bansa
B. Sa pamamagitan nito maipagpapatuloy ang kaunlarang pangekonomiko ng bansa
C. Napupunan nito ang mga pangangailngan at kagustuhan ng mga mamamamayan ng bansa
D. Nakapagbibigay ito ng opurtunidad sa mga foreign investors na magamit an gating mga likas na
yaman

10. Bilang mamamayang Pilipino, paano makakatulong sa paikot na daloy ng ekonomiya?


A. Makapagtapos ng pag-aaral at maghanap ng trabaho upang maging bahagi ng lakas paggawa
B. Maging bahagi ng pagpoprotesta sa pamahalaan kaugnay sa mataas na presyo ng bilihin
C. Magtrabaho sa ibang bansa upang magamit nila ang iyong husay at galing
D. Palaging tangkilikin ang mga imported goods

Inihanda ni:

CARLITO B. ABALOS JR.


PCNHS

Page 15 of 15

You might also like