You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III- Sentral Luzon

PURA ACADEMY, INC.


Pura, Tarlac

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 9


Pangalan:__________________________________ Baitang :_______________ Petsa: _________________ Iskor:_______

Test I.MULTIPLE CHOICE: Panuto: Bilugan ang titik ng wastong sagot. (2 Puntos sa bawat aytem)
(K) 1. Ano ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng iba’t ibang yunit pang-ekonomiya upang makatugon sa suliraning
pangkabuhayan ng isang lipunan?
A. Alokasyon B. Distribusyon C. Produksiyon D. Sistemang Pang-
ekonomiya
(U) 2. Aling karapatan ang makatitiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isinasaalang-alang sa paggawa at
pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan?
A. Karapatang dinggin B. Karapatang pumili C. Karapatan sa kaligtasan D. Karapatan sa patalastasan
(K) 3. Ang tawag sa kakayahan ng isang tao na makapagsimula ng negosyo sa nabuong produkto o serbisyo.
A. Lupa B. Lakas Paggawa C. Entrepreneurship D. Kapital
(K) 4. Ito ay tumutukoy sa anumang gawaing pang-ekonomiya na may layuning kumita o tumubo.
A. Capital B. Pamimili C. Negosyo D. produksyon
(U) 5.Ito ang pinakamasalimoot na organisasyon sa negosyo.
A. Cooperative B. Corporation C. Partnership D. Sole Proprietorship
(K) TEST II. IBIGAY ANG KAHULUGAN NG MGA SUMUSUNOD NA PGDADAGLAT (10 Puntos)
1.BFAD ____________________________________________________________
2. DTI _______________________________________________________________
3. ERC _______________________________________________________________
4. EMB ______________________________________________________________
5. FPA __________________________________________________________
6. PRC ______________________________________________________________
7. SEC ______________________________________________________________
8. POEA _____________________________________________________________
9. DENR ____________________________________________________________
10. HLURB ___________________________________________________________
(K) Test III. IDENTIFICATION:Isulat sa patlang ang salitang tinitukoy sa bawat aytem.(20 puntos)
________________1. Ang salik na ito ang nagdidikta sa paraan ng pagkonsumo ng isang tao.
________________2. Isinusulong din ng batas na ito ang kagalingang dapat makamit ng lahat ng mamimili.
________________3. Ito ang ahensiyang nangangalaga sa mga bumibili ng bahay at lupa pati na rin ang mga subdibisyon.
________________4. Sa desisyong ito nakasalalay kung anong produkto at serbisyo ang lilikhain sa ilalim ng mixed economy.
________________5. Ito ay sistemang pang-ekonomiya na nakabatay sa kagustuhan ng mga mamimili ang paggawa ng mga
produkto at serbisyo.
________________6. Ito ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng iba’t ibang yunit pang-ekonomiya upang makatugon sa suliraning
pangkabuhayan ng isang lipunan
________________7. Ito ay tumutukoy sa tungkuling magtatag ng samahan upang magkaroon ng lakas at kapangyarihang
maitaguyod at mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamimili.
________________8. Ipinaliliwanag ng salik na ito, na malaki ang impluwensiya ng nakikita, naririnig at napapanood ng tao sa iba’t
ibang media sa kanyang pagkonsumo.
________________ 9. Ito ang dumidinig ng reklamo laban sa pagbebenta ng di- wastong sukat o timbang ng mga gasolinahan .
_______________ _10.Sa ilalim ng sistemang ito ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong control at regulasyon ng
pamahalaan .
(U)TEST IV.Tama o Mali. Panuto: Isulat an DEMAND kung ang sinasabi sa pangungusap ay tama at SUPPLY kung ito ay mali.
____1.Ang pagkonsumo ay bahagi ng buhay ng tao simula nang kaniyang pagsilang sa mundo.
_____2. Ang napakaraming pangangailangan at kagustuhan ng tao ang dahilan kung bakit may pagkonsumo.
____ 3. Habang lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki rin ang kaniyang kakayahan na kumonsumo ng mga produkto at serbisyo.
____4. Mas mataas ang pagkonsumo kung mataas ang presyo samantalang mababa ang pagkonsumo kapag mababa ang ang
presyo.
____5. Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin karami ang
malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.
(U)TEST V. Short Response: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:(Isulat sa likod ng papel ang iyong sagot)
1.Anu-ano ang mga katangian ng isang matalinong mamimili? (5 na puntos)
2.Sinasabing ang lahat ng tao ay konsyumer. Sang-ayon ka ba o hindi? Ipaliwanag ang sagot. (5 na puntos)

Inihanda Ni:

Gng. Bernadette B. Reyes


Guro sa AP 9 Pinagtibay Ni:
Engr. Teodora Robino
Punong Guro

You might also like