You are on page 1of 2

Department of Education

Division of Oriental Mindoro


DAYHAGAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Edukasyon sa Pagpapakatao 9 - Ikaapat na Markahan


Modyul 1 & 2 – Una at Ikalawang Linggo

Pangalan: ____________________________________ Iskor: _________________


Baitang at Pangkat: 9 – SSC Uranus Guro: LYNNEL F. YAP

Gawain 1A: Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa
nakalaang patlang.

_____1. “Hindi puwede ang puwede na.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
A. Mahalaga ang mahigpit na pamamalakad.
B. Bawal ang pagsasabi ng “puwede na.”
C. Nararapat na laging mahusay ang Gawain.
D. May patakarang dapat sundin sa isang kompanya o pabrika.

_____2. Ano ang maaaring epekto ng isang gawaing hindi pinagbuti?


A. Bababa ang sweldo ng gumawa
B. Mawawala ang tiwala ng kapwa
C. Bababa ang bilang ng produktong maaaring ibenta
D. Hihina ang gross domestic product

_____3. Ang maling paghawak ng pondo para sa mga pamproyektong-bayan ay kadalsang nagbubunga ng
mga gawaing hindi pinagbuti. Ano ang sanhi nito?
A. Kulang na ang pondo para sa materyales na gagamitin
B. Gumamganti ang mga kontraktor sa pamahalaan
C. Nais mapabilis ang pagtapos sa mga pagawaing-bayan
D. Nais nilang makapag simula na kaagad ng iba pang Gawain

_____4. Ang pagkakaroon ng quality control sa mga pabrika at iba pang pagawaan ay naglalayong matiyak ang
_______________.
A. Maraming produktong matatapos
B. Pagsunod sa tamang pamantayan ng bawat produkto
C. Pagbabayad ng buwis ng bawat nagawang produkto
D. Pagtalima ng mga kompanya sa itinatadhana ng Anti-Piracy Law

_____5. Siya ang may akda sa pagpapangkat ng mga hilig/interest o Multiple Interest.
A. Howard Gardner B. John Holland C. St. Pope John Paul II D. Lea Salonga

_____6. Mahalagang isabuhay ang pagpapahalagang ito para sa pagpapabuti ng Gawain


A. Pagnanais na hangaan ng iba
B. Makamit ang pagkilala ng lipunan
C. Paninindigan na makatapos ng gawain nang maayos
D. Paghahangad na kumita ng malaking pera

_____7. Maganda ang pagkakagawa ni Joyce sa mga bag na yari sa tetra pack ng juice. Mabili ang mga ito lalo
na iyong may iba’t ibang kulay at disenyo. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o nagpapakita
sa kagalingan ng tao sa paggawa?
A. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kaniyang mga kakayahan
B. Nakagagawa ng pera ang tao upang iangat ang kaniyang pamumuhay
C. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sama sa mithiin ng lipunan
D. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay

_____8. Inilunsad ng isang kilalang kumpanya ng tagapaggawa ng mga delatang ulam ang proyektong “Ang
latang naitabi mo, panibagong pamatid uhaw ang dala nito sa iyo” upang makaipon ng maraming lata na
ibibigay sa Tahanang Walang Hagdan. Ang programang ito ay tumutugon sa mga pagpapahalagang mayroon
ang pagawaan o ang kumpanya sa paglikha ng isang produktong may kalidad at may pakinabang sa lipunan,
1
lalo na sa mga may kapansanan. Kung ikaw ang lilikha ng produkto alin sa sumusunod ang dapat mong
isaalnag-alang?
A. Gumawa ng produktong kikita ang tao
B. Gumawa ng produktong makatutulong sa tao
C. Gumawa ng produktong magpapabago sa buhay ng tao
D. Gumawa ng produktong ayon sa kalooban ng Diyos

______9. Malaki ang naitulong ng mga manggagawang ito sa pagpasok ng dolyar sa bayan
A. Mga doctor at nars C. Mga artista at mang-aawit
B. Mga lokal na namumuhunan D. Overseas Filipino workers

_____10. Ito ay maihahalintulad sa isang balangkas na susundan upang mabuo ang pinapangarap na buhay.
A. Personal na Pahayag ng Misyon sa buhay B. Mithiin C. Plano D. Kaalaman

Gawain 1B. Panuto: Basahing mabuti at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang titik A kung ang
pangungusap ay nagpapahayag ng tama at titik B naman kung ang pangungusap ay nagsasaad ng mali.

_______ 1. Ang pagpili ng kurso at hanapbuhay ay isang malaking desisyon na nangangailangan ng


matalinong pag-iisip.

_______ 2. Madali at kasiya-siyang gawin ang isang bagay kapag ito ay ginusto mo.

_______ 3. Sa pagpili ng kurso kailangan ding magmasid tayo kung ano ang pangangailangan ng industriya.

_______ 4. Mas madaling tapusin ang isang gawain kapag ang isang tao ay may interes sa kanyang ginagawa.

_______ 5. Mas masisiyahan ang isang tao kapag mataas ang kanyang kinikita o sahod kahit hindi siya
nasisiyahan sa kanyang trabaho.

Gawain 2: Ang pagpili ng kurso at hanapbuhay ay isang malaking desisyon na nangangailangan ng


matalinong pag-iisip.Upang matiyak na tama ang magiging pagpili, kailangang isaalang-alang ang mga bagay
na nakakaapekto sa magiging kalagayan at kasiyahan ng isang tao sa kanyang magiging propesyon. Ang
pagkilala sa sarili at sa pangarap na propesyon ay nakatutulong upang maging maayos ang desisyong
gagawin.

Panuto: Gumawa ng isang slogan tungkol sa mga batayan sa pagpili ng kurso o hanapbuhay sa kahon. Kayo
ay bibigyan ng puntos sa pamamagitan ng rubrik na nasa ibaba:

Pamantayan Puntos
Kaugnayan sa paksa 4
Pagkamalikhain / Kakaiba 3
May dating at malinis ang pagkakagawa 3
Kabuuan 10

__________________________________________________
Lagda ng Magulang / Tagapangalaga
Petsa: _______________________________
2

You might also like