You are on page 1of 2

---- INTRODUCTION ----

THALIA:

Ang akawntansi ay isa sa mga prominenteng kurso ngayon sa bansa. Ito ay ang
pag-aaral ng mga konseptong nagpapatungkol sa mga impormasyong pinansyal ng
mga iba’t ibang identidad tulad ng mga malalaking kumpanya at maging ng mga
maliliit na negosyo.

Ang isa sa mga hamon ng pagiging isang tunay na akawntant ay ang wasto at tapat
na paggawa ng mga dokumentong pangpinasyal; ang “financial statements”.

Ang financial statements ang siyang nagpapakita ng mga aktibidad na isinagawa ng


mga negosyo sa isang partikular na panahon. Dito makikita ang paggalaw ng halaga
ng kanilang kapital, utang at kita o pagkalugi ng negosyo.

JAECEL:

Bago magsimula ang isang negosyo, nararapat lamang na ito ay sumailalim sa iba’t
ibang proseso tulad ng pagsunod at pagpasa ng mga kinakailangan dokumento sa
pagpapatakbo ng isang negosyo tulad ng business permit, business license at iba pa
sapagkat ito ang nagsisilbing patunay na rehistrado nga ang isang negosyo.

THALIA:

Kaakibat ng pagiging rehistrado ng isang negosyo ay ang wastong pagbayad ng


buwis. Ang pagbayad ng buwis ay nakadepende sa liit o laki ng halagang kinikita ng
isang negosyo. Subalit, hindi maikakaila na may iilang negosyo ang pilit o patuloy na
lumalabag sa wastong pagbabayad ng buwis.

At dito na nga pumapasok ang isa sa mga suliraning hinaharap ng isang akawntant,
ang kalbaryo ng wasto at tapat na pagreport ng financial statements.

----- VIDEO OF UNETHICAL ACTIONS OF COMPANIES -----

JAECEL:

Ngunit ating tandaan na mayroong ilang mga indibidwal ang nagsasagawa ng


ganitong uri ng propesyon kahit na hindi siya isang lisensyadong akawntant. Sa mga
maliliit na negosyo, nagkakaroon ng posibilidad na kumuha na lamang kahit hindi ito
isang BSA holder o nagtapos ng kursong may relasyon sa pagnenegosyo.

THALIA:

Kaya ang tanong, paano nga ba nila nauunawaan ang mga konseptong
pangakawntant? Isa pa, ano ba ang mga paraan upang mas maintindihan ang
konsepto ng Akawntansi sa wikang Filipino?
Ang mapapanood na bidyu ay siyang magtatalakay at sasagot sa ating mga
katanungan.

---- INTERVIEW -----

Matapos ang mga napanood na mga bidyu, ilan sa ating mga mahihinuha ay:

JAECEL:

1. Tunay nga ng nagkaroon ng hindi wasto at hindi tapat na pagpapakita at


paggawa ng mga financial statements sa industriya ng negosyo upang
magkaroon ng mas kakaunting taxable income. Ito ay dahil na rin sa dami ng
maliit na negosyo at pagkakaroon ng mahinang implementasyon ng batas. Sa
katunayan, nilalabag nito ang Article 6 - Chapter 32 na nagsasaad ng tapat na
pagsagot ng BIR Form 1701.

AIRON:

2. Para sa mga indibidwal na hindi BSA Holder, ang paraan nila upang
maunawaan ang mga terminolihiyo sa akawntansi ay nakadepende sa
konsepto ng wikang Filipino. Halimbawa ditto ay ang Accounts Receivable sa
Ingles na ang ibig-sabihin ay ang halagang makukuha ng negosyo mula sa
kanilang mga customer. Kung ito ay ihahalintulad sa wikang Filipino, ito ay
simpleng ‘utang’ lamang ng customer sa negosyo. Ilan pa ay ang Accounts
Payable o ‘utang’ naman ng mismong negosyo, Gross Profit o ang kinita ng
negosyo, Net Income o pangkabuuang kita, Owner’s Equity o ang kapital,
Assets o ang mga ari-arian, at Liabilities o ang mga utang.

THALIA:

3. Sa kabuuan, maaaring ang pagtuturo ng Akawntansi ay nasa wikang Ingles


subalit bilang mga Pilipino, ating mas naiintindihan ang konsepto kung ito ay
may katumbas na kahulugan sa ating wika kahit na walang eksaktong salita
ang katumbas ng konsepto sa ibang wika na nagpapatunay lamang na tunay
ngang mayaman at malalim ang konsepto ng wikang Filipino.

You might also like