You are on page 1of 4

Panukala sa Saliksik-Wika

Aboc, Trisha Mae O.


Babasa, Alshir Feliz L.
Daliuag, Ronan Manuel G.
Lamoste, Trisha Ellaine F.
Santos, Lucille Joan Q.
1A4

Ang mga sumusunod na termino ay galing sa larangan ng ​Akawntansi at Negosyo na


isinalin sa ating sariling wika. Ang mga terminong ito, ayon sa isinagawang pananaliksik ni
Castillo (n.d.), ay ang ilan sa mga kinolekta ng ​Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na dapat
sanang gagamitin at ituturo sa larang ng Akawntansi ngunit hindi ito natuloy sa hindi nasabing
dahilan. Ang mga terminong ito bagaman ay parte na ng ating Diksyunaryo ay hindi lingat sa
kaalaman ng nakararami at hindi rin naman ito nagagamit ng mga taong nasa propesyong ito
dahil Ingles ang opisyal at tinanggap na wika sa larang ng Akawntansi at Negosyo.

1) Pagtutuos (​pandiwa) [​Sinaunang Tagalog - ​Tuos​]

​Ayon sa UP Diksyonaryong Filipino (2010), ang ​Pagtutuos ​ay ang pagsasaayos,


pagkukuwenta, at pagkakalkula ng mga gastusin sa pamamagitan nang pagtatala ng mga
ito. Napili ng aming pangkat ang salitang ito dahil ito mismo ang aming propesyon -
Accounting​. Ito ang aming pinanghahawakan upang maging isang matagumpay na
akawntant. Dito iikot ang apat na taon naming pag-aaral sa kolehiyo, bago tahakin ang
kanya-kanya naming mga landas. Napakalaking parte ito, hindi lamang sa aming
pag-aaral, kundi pati na rin sa aming buhay sa kasalukuyan at sa hinaharap. Ito ang
nagbibigay kahulugan sa lahat nang tiyaga na inilalaan namin sa pag-aaral ng iba't ibang
mga kurso na may kinalaman sa akawntansi o pagtutuos. Binibigyang saysay ng salitang
ito lahat ng oras na inilalaan sa pag-aaral upang maging isang propesyunal sa nasabing
larang. Mahalagang parte ng ekonomiya ang pagtutuos dahil ito ang lenggwahe ng
pagnenegosyo. Dahil dito, nababantayan at nakikita ng mga negosyante kung paano
umuunlad at kung paano pa pauunlarin ang kanilang negosyo. Sa pamamagitan ng

1
Panukala sa Saliksik-Wika

pagtutuos ay inaayos ang tamang alokasyon ng perang pumapasok sa bawat negosyo,


nakikita kung saan dapat at hindi dapat gumastos.

Ang pagsasaliksik-wika namin sa salitang ito ay makatutulong sa mas malalim na


pag-unawa sa ibang maaring kahulugan ng salitang ito sa lipunan. Lalo na’t ang isa pang
kahulugan nito ay ang paglalaban bilang wakas ng alitan. Maari ring ang ibig sabihin ay
ang lubos na pagbatid sa mga bagay na maiiugnay sa isang sangay ng Akawnting na
Awdit (​Audit). Kung saan ang pag-awdit ay matatawag na lubos na pagsuri sa mga datos
na inihanda ng Akawntant upang matiyak na walang pandaraya na nangyari.

2) Talaarawan (​pangngalan) [Filipino - ​Tala; Araw​]

Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino (2010) ang Talaarawan, na hango sa


salitang ugat na Tala na ang ibig sabihin ay mga rekord o sulat ng katibayan, ay ang
aklat para sa pagtatala sa mga darating na pakipagtipan, karaniwang nakalimbag na may
kasamang kalendaryo at ibang pang impormasyon.

Isa ito sa aming pinili na termino na karaniwang pamilyar sa wikang Ingles na


Journal. ​Ang terminong ito ay mahalagang pagtuunan ng pansin sapagkat ito ay isa sa
mga nagsisilbing pamantungan sa propesyong akawnting. Ang Talaarawan o ​Accounting
Journal ang opisyal na libro ng isang kumpanya kung saan ang mga transaksyon ay
naitala sa magkakasunod-sunod na araw. Sa librong ito nakabatay ang paggawa ng
Ledger o Libro Mayor at ito rin ang unang sinusuri kung sakali mang magkaroon ng
kaibhan sa mga lumabas na datos. Ito ay naghahain bilang pundasyon sa paggawa ng ulat
sa pananalapi (​Financial Statements)​ .

Mahalaga itong bigyan ng pagkilala sa mga Pilipino upang mapalawak ang


kanilang kaunawaan pagdating sa larang ng pangangalakal. Ang pagsasaliksik-wika sa
termino ito ay maaaring magdulot ng malalim na pagunawa sa mga salitang pinagsama
sama upang makabuo ng mga panibagong salita tulad nito - Tala-araw-an.

2
Panukala sa Saliksik-Wika

3) Libro Mayor (​pangngalan​) [​Espanyol​]

Ayon sa ​UP Diksiyonaryong Filipino (2010) ​ang salitang ​Libro Mayor ay galing
sa wikang Espanyol na ang ibig sabihin ay ​General Ledger​. Kung susuriin, Panghihiram
sa Espanyol ang paraan ng leksikal na elaborasyon ng salitang ito, at saka natin hinalaw
sa ating wika. Ang mas malalim naman na pakahulugan ng Libro Mayor o ​General
Ledger ay isang libro ng mga ​account ​o rekord ng mga account na ginagamit sa larang ng
Akawntansi upang pag-uri-uriin, iimbak at ibuod ang mga transaksyon ng isang
kumpanya. Ang Libro Mayor ay isang “​master accounting document​” na nagbibigay ng
isang kumpletong tala ng lahat ng mga transaksyong pampinansyal ng isang negosyo.
Tinutulungan ng librong ito ang isang akawntant na makita ang pangkalahatang balanse
ng mga iba’t ibang account.

Isa ang terminong ito na napili ng aming pangkat sa kadahilanang ito ay ang isa sa
mga opisyal na termino na naisalin mula sa Ingles, at tuluyan nang nakasama sa
Filipinong Diksyunaryo. Ito rin naman ay isa sa mga mahahalagang libro sa aming
tatahaking propesyon. Nais ng aming pangkat na mapagaralan ito at suriin ang maaaring
epekto kung tuluyan mang gamitin ang terminong ito sa larang ng Akawntansi. Isa
lamang ang terminong ito sa nagpapatunay na may kakayahan ang ating wika na
makasabay sa anumang larang. Nais ding higit pang magsaliksik ng aming pangkat ng
mga maaari pang termino na galing naman sa mga katutubong wika na katumbas ng
General Ledger sa ating wika.

4) Paglalabas (​pandiwa) [Filipino]

Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino (2010), ang salitang ​paglalabas ay


nangangahulugan na paglalathala. Ngunit sa larang ng akawntansi, ito ay
nangangahulugan na ​withdrawal. ​Ang salitang ito ay madalas na maririnig sa pagkuha ng
pera lalo na sa banko. ​Bukod pa rito, ang salitang ito ay mahalagang parte sa larangan ng
akawntansi dahil kasama ito sa kinukwenta ng mga tagatuos o akawntant. Ang
withdrawal ay itinatala mula sa ​journal entry a​ t ​maging sa pinakadulo na proseso ng

3
Panukala sa Saliksik-Wika

akawntansi, ang ulat ng pananalapi ​(financial statements) ​na karaniwan na ginagawa ng


mga akawntant. Sa propesyon ng akawntansi, isang transaksiyon na hindi maitala ay
makapagdudulot ng kamalian sa magiging ulat ng pananalapi. Ang mga may-ari at
shareholders ​ng negosyo ay nagbabase ng desisyon sa magiging datos sa ulat ng
pananalapi. Kung kaya ay nararapat na ang bawat transaksiyon ay maitala. Isa ang
salitang paglalabas sa mga pinili ng aming grupo sa kadahilanang nakikita namin ang
potensyal nito na patuloy na magamit sa larang ng akwantansi at negosyo.

5) Pilyego sa Paggawa (​pangngalan) [Espanyol at Kapampangan Tagalog]

Ang salitang Pilyego o pliyego ay nanggaling sa salitang Espanyol na ​pliego, na


nangangahulugang piraso ng papel. Ang salitang Paggawa ay isang Tagalog na salita na
nangangahulugang kilos o paraan ng pagtapos sa isang gawain (UP Disksyunaryong
Filipino, 2010). Ang Pilyego sa Paggawa o ​Worksheet ​sa Ingles, ay isang kagamitan na
nakakatulong sa paghahanda ng ulat sa pananalapi. Ang salitang ito ay pinili ng aming
pangkat dahil isa itong importanteng parte sa proseso ng paghahanda ng ulat sa
pananalapi at makakatulong ito upang maiwasan ang pagkakamali. Napakalaking tulong
nito sa larangan ng akawntansi dahil ang isang pagkakamali lamang ang kailangan para
magkaroon ng mga hindi kanais-nais na epekto sa isang negosyo.

Mga Sanggunian:

● Almario (2010), ​UP Diskyunaryong Filipino, Binagong Edisyon. ​Pasig City, Philippines:
ANVIL Publishing, Inc​.
● Castillo, M. (n.d.). FILIPINO TERMINOLOGIES FOR ACCOUNTANCY AND
BUSINESS: IMPLICATIONS TO NATIONAL LANGUAGE DEVELOPMENT.
Retrieved September 19, 2020, from
https://www.academia.edu/33063649/FILIPINO_TERMINOLOGIES_FOR_ACCOUNTA
NCY_AND_BUSINESS_IMPLICATIONS_TO_NATIONAL_LANGUAGE_DEVELOPM
ENT

You might also like