You are on page 1of 17

Aralin VI:

Sitwasyong Pangwika sa
Edukasyon, Kalakalan, at
Pamahalaan
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTRANG PILIPINO
Natutukoy ang sitwasyong pangwika sa
Layunin: 1.
edukasyon, kalakalan at pamahalaan;
2. Nakasasagot sa mga tanong na may
kaugnayan sa paksa;
3. Nakasusulat ng pagsusuri tungkol sa
kalagayang pangwika.
Isulat sa bawat bilog ang sitwasyong pangwika sa
edukasyon, kalakalan, at pamahalaan

Sitwasyong
Pangwika

Edukasyon Pamahalaan

Kalakalan
Sitwasyong Pangwika: Pamahalaan

Mga sitwasyong pangwika sa pamahalaan:


 Ginagamit ang wika sa mga usaping pulitika sa pamamagitan ng
pangangampanya tuwing sasapit ang halalan o eleksyon.
 Ginagamit ang wika ng mga namumuno lalo na ang Pangulo ng
Pilipinas sa mga mahahalagang okasyon.
Sitwasyong Pangwika: Pamahalaan

 Nang dahil sa wikang gamit ng mga namumuno, nagkakaroon


ng kamalayan ang mga mamamayan sa mga nagaganap at
nangyayari sa pamahalaan o gobyerno.
 Nakatutulong ang wika sa mamamayan upang lubos na makilala
ang tamang mamumuno na kanilang ihahalal upang
mamamahala at mamumuno sa bansa at sa bayan.
Sitwasyong Pangwika: Pamahalaan

 Naririnig sa iba't ibang panig ng bansa ang mga mahahalagang isyu


tungkol sa pamahalaan gayundin sa mga namumuno, sa radyo at
telebisyon na may kinalaman sa pulitika.
 Wika ang ginagamit ng mga namumuno upang mahusay na makipag-
ugnayan sa isa't isa tungo sa maayos na pamamahala at pagpapaunlad
ng bansa.
 Wika rin ang ginagamit ng mga tao upang maipabatid ang mga
opinyon, saloobin at hinaing ukol sa pamahalaan.
Sitwasyong Pangwika: Pamahalaan

Pag-isipan mo…

Kung ikaw ay susulat ng batas bilang pagsuporta sa wikang


Filipino, anong batas ito?
Sitwasyong Pangwika: Edukasyon

 Ang wikang panturo naman ang opisyal sa wikang ginagamit sa


pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at
pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga
aklat at kagamitang panturo sa mga silid-aralan.
Sitwasyong Pangwika: Edukasyon

 Sa pangkalahatan nga ay Filipino at Ingles ang mga opisyal na


wika at wikang panturo sa mga paaralan. Sa pagpasok ng K to
12 Curriculum, ang Mother Tongue o unang wika ng mga mag-
aaral ay naging opisyal na wika mula Kindergarten hanggang
Grade 3 sa mga paaralang pampubliko at pribado man. Tinawag
itong Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education (MTB-
MLE).
Sitwasyong Pangwika: Edukasyon
 Ayon sa dating Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, Bro. Armin
Luistro, FCS, “ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa
mga unang baitang ng pag- aaral ay makatutulong na mapaunlad ang
wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa
kanilang kamalayang sosyo- kultural.” May 19 na wika at dayalekto
na itinadhana ng DepEd: 1. Tagalog 2. Kapampangan 3.
Pangasinense 4. Chavacano 5. Ilokano 6. Bikol 7. Cebuano 8.
Hiligaynon 9. Waray 10. Tausug 11. Maguindanaoan 12. Meranao 13.
Ivatan 14. Sambal 15. Aklanon 16. Kinaray-a 17. Yakan 18.
Surigainon 19. Ybanag
Sitwasyong Pangwika: Edukasyon

 Ang wikang Filipino at Ingles ay gagamitin at ituturo pa rin sa


paaralan. Ang magiging pokus ng Kindergarten at unang baitang
ay katatasan sa pasalitang pagpapahayag. Sa Grade 2 hanggang
Grade 6 ay bibigyang diin ang iba’t iba pang komponent ng
wika tulad ng pagpapakinig, pagsasalita, pagbabasa, at
pagsusulat. Sa mataas na baitang ay Filipino at Ingles pa rin ang
pangunahing wikang panturo o medium of instruction.
Sitwasyong Pangwika: Kalakalan

 Ang wikang Ingles ang ginagamit na wika sa mga boardroom ng


malalaking kompanya at korporasyon lalo na sa mga pag-aari o
pinamuhunan ng mga dayuhan at tinatawag na multinational
companies. Ito rin ang wika sa mga Business Process
Outsourcing (BPO) o mga call center lalo na iyong mga
kompanyang nakabase sa Pilipinas subalit ang sineserbisyuhan
ay mga dayuhang customer.
Sitwasyong Pangwika: Kalakalan

 Ang mga dokumentong nakasulat tulad ng memo, kautusan,


kontrata, at iba pa ay gumagamit din ng wikang Ingles. Ang mga
website ng malalaking mangangalakal na ito ay sa Ingles din
nakasulat gayundin ang kanilang mga press release lalo na kung
ito ay sa mga broadsheet o magazine nalalathala.
Sitwasyong Pangwika: Kalakalan
 Gayunpaman, nananatiling Filipino at iba’t ibang barayti nito ang
wika sa mga pagawaan o production line, mga mall, mga restoran,
mga pamilihan, mga palengke, at maging sa direct selling. Ito rin ang
wikang ginagamit sa mga komersiyal o patalastas pantelebisyon o
panradyo na umaakit sa mga mamimili upang bilhin ang mga
produkto o tangkilikin ang mga serbisyo ng mga mangangalakal.
Mas malawak at mas maraming mamimili kasi ang naaabot ng mga
impormasyong ito kung wikang nauunawaan ng nakararami ang
gagamit.
GAWAIN 1
PANUTO: Magbigay ng tigatlong kalamangan at di-kalamangan
ng paggamit ng wikang Filipino sa larangan ng edukayon,
pamahalaan at kalakalan.

KALAMANGAN DI-KALAMANGAN
1. EDUKASYON 1. 1.
2. 2.
3. 3.
2. PAMAHALAAN 1. 1.
2. 2.
3. 3.
3. KALAKALAN 1. 1.
2. 2.
3. 3.
GAWAIN 2
PANUTO: Pagsusuri sa kalagayan ng wika sa edukasyon, pamahalaan at
kalakalan.
PAGSUSURI
1. EDUKASYON- Mag-obserba sa isang klase ninyo. (Suriin (Sa bahaging ito itatala ang
ang gamit ng wika ng guro sa pagtalakay, gamit ng wika ng pagsusuri)
mga kamag-aral sa pagsagot)

2. PAMAHALAAN- Manood ng isang meeting o hearing na (Sa bahaging ito itatala ang
mayroong recorded video saka suriin ang gamit ng wika ng mga pagsusuri)
taong nandoon.

3. KALAKALAN- Pumunta sa isang pamilihan o palengke (Sa bahaging ito itatala ang
saka obserbahan ang gamit ng wika ng mga nagtatrabaho roon, pagsusuri)
mga tindera, mamimili at iba pa.
EDUKASYON Pagsusuri:
Asignatura: _____________ (Ang bilang ng pagsusuri ay kung ilan ang
Oras: _________ bilang ng miyembro sa bawat grupo; maaaring
magdagdag)

PAMAHALAAN Pagsusuri:
Pamagat/ Tungkol saan ang pinanood na video?
__________
Petsa: __________
Oras: _________

KALAKALAN Pagsusuri:
Lugar: ________
Petsa: ________

You might also like