You are on page 1of 11

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika

at Kulturang Pilipino
Aralin 2: Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino
(1. Kakayahang Gramatikal/Linggwistika)
Aralin 3: Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino
(2. Kakayahang Sosyolinggwistiko)

1
Republic of the Philippines
Department of Education
Regional Office VIII (Eastern Visayas)
DIVISION OF LEYTE
PALOMPON NATIONAL HIGH SCHOOL
Senior High School Department
Central II, Palompon, Leyte
I.
WEEKLY HOME LEARNING PLAN
LEARNING LEARNING LEARNING MODE OF
AREA TASK COMPETENCY/IES DELIVERY
• Nakasusulat ng • Nakasusulat ng mga
mga tekstong tekstong nagpapakita
nagpapakita ng ng mga kalagayang
mga kalagayang pangwika sa kulturang
pangwika sa Pilipino (F11PU – IIc
kulturang Pilipino – 87)

• Natutukoy ang • Natutukoy ang iba’t


iba’t ibang ibang register at
register at barayti ng wika na
barayti ng wika ginagamit sa iba’t
sa pamamagitan ibang sitwasyon
ng pagtatala ng (Halimbawa: Medisina,
Komunikasyon mga terminong Abogasya, Media,
at Pananaliksik ginamit sa mga Social Media, Modular
sa Wika at larangang ito Enhinyerya, Negosyo, Learning
Kulturang at iba pa) sa
Pilipino • Natutukoy ang pamamagitan ng
mga angkop na pagtatala ng mga
salita, terminong ginamit sa
pangungusap mga larangang ito
ayon sa (F11WG – IIc – 87)
konteksto ng • Natutukoy ang mga
paksang angkop na salita,
napakinggan sa pangungusap ayon sa
mga balita sa konteksto ng paksang
radyo at napakinggan sa mga
telebisyon balita sa radyo at
telebisyon (F11PN –
IId – 89)
LEARNING ACTIVITY SHEETS
II. Paunang Impormasyon para sa mga Mag-aaral:
ARALIN 2: KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO
(1. Kakayahang Gramatikal/Linggwistika)
2
Alam niyo ba?
Si Dell Hathaway Hymes ay isang mahusay, kilala, at maimpluwensiyang
lingguwista at anthropolist at maituturing na “higante” sa dalawang nabanggit
na laranagan. Siya ay inilalarawan bilang sociolinguist, anthropological, linguist,
at linguistic anthropologist.
-Ipinakilala niya ang konsepto ng kakayahang pangkomuniktibo o
communicative competence na nakaaapekto nang malaki sa mundo ng
linggwistika.
Noam Chomsky= interesado sa pag-aaral ng abstrakto o makadiwang paraan
ng pagkatuto ng gramatika at iba pang kakayahang pangwika subalit si Hymes
ay interesado sa simpleng tanong na “Paano ba nakikipagtalastasan ang isang
tao?”
Bahagi ng gustong malaman ni Hymes ay kung paano nagkakaiba-iba ang wika
ng mga tao sa iba’t ibang kultura.
Ano ba ang kakayahang pangkomunikatibo?
Kakayahang Pangkomunikatibo= Nagmula kay Dell Hymes (1966) na
isang linguist, sociolinguist, anthropologist, at folklorist sa Portland Oregon.
Nilinang nila ni John J. Gumperz ang konseptong ito bilang tugon sa
kakayahang lingguwistika. Bilang reaksyon sa kakayahang lingguwistika
(linguistic competence) ni Noam Chomsky noong 1965.
Kakayahang Komunikatibo o Communicative Competence
Ayon kay Hymes sa nagsasalita ay hindi sapat ang magkaroon ng
kakayahang lingguwistika upang epektibong makipagtalastasan gamit ang wika.
Nararapat din niyang malaman ang paraan ng paggamit nito.
Higgs at Clifford (1992)- Sa pagtamo ng kakayahang komunikatibo,
kailangang pantay na isaalang-alang ang pagtalakay sa mensaheng nakapaloob
sa teksto at sa porma o kayarian (gramatika) ng wikang ginamit sa teksto.
Dr. Fe Otanes (2002)- ang paglinang ng wika ay nakapokus sa
kapakinabangang idudulot nito sa mag-aaral, na matutuhan ang wika upang sila
ay makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kanilang kapwa, at mapahalagahan
nang lubusan ang kagandahan ng buhay na kanilang ginagalawan.
Shuy (2009)- ang kakayahang pangkomunikatibo ay sumsakop sa mas
malawak na konteksto ng lipunan at kultura—ito’y ang wika kung paanong
ginagamit at hindi lang basta ang wika at mga tuntunin nito.
❑ Komponent ng Kakayahang Pangkomunikatibo
Canale at Swain (1980-1981)= sa naunang framework o modelo ay may
tatlong komponent: kaalaman at kakayahang gramatikal, sosyolinggwistiko, at
istratejik, sa sumunod na bersyon ay naidagdag, ang kakayahang diskorsal.
Kakayahang Gramatikal/Linggwistika
Ayon kina Canale at Swain, ito ay ang pag-unawa at paggamit sa
kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga
tuntuning pang-ortograpiya. Ang komponent na ito ay magbibigay kakayahan sa

3
taong nagsasalita upang magamit ang kaalaman at kasanayan sa pag-unawa at
pagpapahayag sa literal na kahulugan ng mga salita.
Mungkahing Komponent ng Kakayahang Lingguwistiko o Kakayahang
Gramatikal (Celce-Murcia, Dornyei, at Thurell – 1995)
1. Sintaks= pagsasama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na
may kahulugan.
- estraktura ng pangungusap
- tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita
- uri ng pangungusap ayon sa gamit (pasalaysay, patanong, pautos, etc.)
- uri ng pangungusap ayon sa kayarian (payak, tambalan, hugnayan,
langkapan)
- pagpapalawak ng pangungusap.
2. Morpolohiya= ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at
nagpagsasama-sama ng mga ito upang makabuo ng salita.
- iba’t ibang bahagi ng pananalita
- prosesong derivational at infleksyunal
- pagbubuo ng salita
3. Leksiko (mga salita o bokabularyo)
- pagkilala sa mga content words (pangalan, pandiwa, pang-uri), function
words (panghalip, mga pang-ugnay tulad ng pangatnig, pang-ukol, pang-
angkop)
- konotasyon at denotasyon
- kolokasyon (pagtatambal ng salita at isa pang subordinate na salita)
4. Ponolohiya o Palatunugan (ang tawag sa maagham na pag-aaral ng
makabuluhang tunog.)
- segmental= katinig, patinig, tunog
- suprasegmental= diin, intonasyon, hinto
5. Ortograpiya
- mga grafema (pasulat na simbolo sa praktikal na ortograpiya ng wikang
pambansa ay binubuo ng letra at di letra) = titik at di titik
- pantig at palapatnigan
- tuntunin sa pagbabaybay
- tuldik
- mga bantas
------------------------------------------------------------------------------------------------
III. Mga Pagsasanay/Gawain
A. Formative
Panuto: Basahin ang pahayag ni Tiongson sa ibaba at gawin ang mga hinihingi
sa bilang 1 at 2. Isulat ang mga tamang sagot sa sagutang papel. Bawal ang
may parehong mga sagot/word for word na kopya sa kaklase.
“Bagama’t laganap na sa mass media, mapapansin pa rin na ang wikang
Filipino ay madalas na ginagamit sa mga programa sa radio at telebisyon,
sa tabloid, at sa pelikula kung saan ang nananaig na tono ay impormal,
at waring hindi gaanong istrikto ang pamantayan ng propesyonalismo. Sa
4
maraming babasahin at palabas sa Filipino, ang tila nangingibabaw na
layunin ay mang-aliw; manlibang, lumikha ng ugong at ingay ng
kasayahan.” (Tiongson, 2012:8)
Sumasang-ayon o sumasalungat ka ba sa obserbasyong ito na ang nananaig
na tono ng wika sa mass media ay impormal at hindi gaanong istrikto ang
pamantayan ng propesyonalismo? Patunayan ang sagot mo sa pamamagitan
ng paglalahad ng mga obserbasyon mo sa kalagayan ng wika sa sumusunod:
1. Sa isang noontime show o pantanghaling variety show
_________________________________________
Pamagat ng Noontime Show

Obserbasyon mo sa paggamit ng wika sa programang ito.


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
2. Sa isang teleserye o telenovela
_________________________________________
Pamagat ng teleserye o telenovela
Obserbasyon mo sa paggamit ng wika sa programang ito.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
Batay sa mga obserbasyong isinulat mo, maglahad ka ng dalawang paraan kung
paano pa maaaaring itaas ang antas ng ating wika sa pamamagitan ng
telebisyon, radyo, diyaryo, at pelikula.
1.______________________________________________________________
2.______________________________________________________________
Pamantayan sa Pagmamarka
Puntos sa bawat Deskripsiyon
bilang
5 Kompleto at higit sa inaasahan ang sagot
4 Sapat at tugma ang sagot sa tanong
3 Nakapaglahad ng mga ideya subalit hindi sapat
2 Hindi gaanong nasagot ang tanong at kailangan pang paunlarin
1 Hindi tugma ang sagot pero may taglay na ideya

Panuto: Punan ng angkop na mga wika/terminong ginagamit sa larangan


(jargon) ang sumusunod na propesyon. Kopyahin ang tabula ( table) at isulat
ang mga tamang sagot sa sagutang papel. Bawal ang may parehong mga
sagot/word for word na kopya sa kaklase. 2 pts. bawat bilang.
Propesyon Wika/ Terminong ginagamit sa larangan
Media Halimbawa: Magandang gabi bayan!
Medisina
Guro
Magsasaka
Abogasya
Enhinyerya (engineering)

5
B. Evaluative
Pagtataya sa Aralin 2
Panuto: Basahing mabuti ang usapan o pahayag na hango mula sa radyo at
telebsiyon. Palitan ng mas angkop na salita o pangungusap ang nakikita mong
pagkakamaling panggramatikal sa mga ito. Isulat ang mga tamang sagot sa
Yellow Paper. Bawal ang may parehong mga sagot/word for word na kopya
sa kaklase.
Halimbawa:
Host: Balita ko wall-to-wall daw ang carpenting ng bagong bahay mo.
Bisita: Naku hindi naman, sa sahig lang!
Ano ang pwedeng gawin o paano mo babaguhin ang tanong ng host para mas
maintindihan ito ng bisita at nang masagot niya ito nang maayos?
Sagot: Host: Balita ko door-to-door daw ang carpeting ng bagong bahay mo.
1. Host: Isa kang tunay na bayani! Biro mo, na-save mo lahat ng taong
‘yan sa sunog. Ano’ng ginawa mo?
Bisita: Presence of mind lang. Nung nakita ko ang sunog, kinuha ko
agad ang fly extinguisher.
Ano ang aayusin mo sa sagot ng bisita para umangkop ang sagot sa tanong?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Reporter: Nakita mo ba ang iniluwal niya kaya nabagabag ang mga tao
sa paligid?
Bisita: Ano iyon? Hindi kita maintindihan.
Ano-anong salita sa tanong ng reporter ang papalitan mo nang mas simple at
mas angkop para maintindihan siya ng kausap at masagot nang tama?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Pamantayan sa Pagmamarka
Puntos sa bawat bilang Deskripsiyon
5 Kompleto at higit sa inaasahan ang sagot
4 Sapat at tugma ang sagot sa tanong
3 Nakapaglahad ng mga ideya subalit hindi sapat
2 Hindi gaanong nasagot ang tanong at kailangan pang paunlarin
1 Hindi tugma ang sagot pero may taglay na ideya

IV. Pangwakas: Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.


Masasabi bang ikaw ay nagtataglay na ng kakayahang komunikatibo sa
kasalukuyang antas mo ng pag-aaral? Magbigay ng patunay.

V. Sanggunian:
Dayag, A.M. at del Rosario,M.G. 2016. Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc.

VI. Mga Tamang Sagot:

6
Republic of the Philippines
Department of Education
Regional Office VIII (Eastern Visayas)
DIVISION OF LEYTE
PALOMPON NATIONAL HIGH SCHOOL
Senior High School Department
Central II, Palompon, Leyte
I.
WEEKLY HOME LEARNING PLAN
LEARNING LEARNING MODE OF
LEARNING AREA
TASK COMPETENCY/IES DELIVERY
• Nabibigyang • Nabibigyang
kahulugan ang kahulugan ang mga
mga salitang salitang ginamit sa
ginamit sa talakayan (F11PT –
talakayan IIe – 87)
• Napipili ang • Napipili ang angkop
angkop na mga na mga salita at
salita at paraan paraan ng paggamit
ng paggamit nito nito sa mga usapan o
sa mga usapan o talakayan batay sa
talakayan batay
kausap, pinag-
sa kausap, pinag-
uusapan, lugar,
uusapan, lugar,
panahon, layunin, at
panahon, layunin,
Komunikasyon at at grupong grupong
Pananaliksik sa kinabibilangan
kinabibilangan Modular
Wika at (F11PS –IIe – 90)
• Nahihinuha ang Learning
Kulturang • Nahihinuha ang
layunin ng isang
Pilipino layunin ng isang
kausap batay sa
paggamit ng mga kausap batay sa
salita at paraan paggamit ng mga
ng pagsasalita salita at paraan ng
pagsasalita
• Nakabubuo ng (F11WG- IIf – 88)
mga kritikal na
sanaysay ukol sa • Nakabubuo ng mga
iba’t ibang paraan kritikal na sanaysay
ng paggamit ng ukol sa iba’t ibang
wika ng iba’t paraan ng paggamit
ibang grupong ng wika ng iba’t
sosyal at kultural ibang grupong sosyal
sa Palompon, at kultural sa Pilipinas
Leyte (F11EP – IIf – 34)
LEARNING ACTIVITY SHEETS
II. Paunang Impormasyon para sa mga Mag-aaral:
ARALIN 3: KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO
Kakayahang Sosyolinggwistiko
7
Sapir (1949)-Ang wika ay maituturing na gamit o kasangkapan sa
sosyalisasyon.
Hymes (1967)- Ukol sa kakayahang komunikatibo, mahalagang
malaman kung kailan tayo magsasalita at hindi magsasalita, ano ang
pag-uusapan, sino ang kakausapin, saan at sa paanong paraan.
Ang mga panlipunang salik:
panahon, kontekstong pangkultura, lunan, layunin, at paraan ng
usapan maging ang edad, kasarian, propesyon at pangkat ng mga
sangkot-- ay naisasaalang-alang upang maiayon ang antas o uri ng
wikang angkop gamitin para sa espesipikong konteksto ng usapan.

SPEAKING
Ang Etnograpiya ng Komunikasyon (Hymes)
S-etting at scene- lugar o oras ng usapan; naglalarawan sa
kalikasan ng sitwasyon ng pag-uusap.
P-articipants- mga taong kasangkot sa usapan
E-nds- layunin at mithiin ng usapan gayundin ang maaaring bunga
ng pag-uusap.
A-ct sequence- takbo ng usapan.
K-eys- pangalahatang tono o paraan ng pagsasalita. (pormal o di
pormal)
I-nstrumentalities- anyo o istilo ginamit sa pag-uusap. (pasalita at
pasulat)
N-orms- paksa ng usapan. (Usapang pangmatanda, usapang
pambabae lamang, usapang panlalaki)
G-enre- diskursong ginamit. (Nagsasalaysay,
nakikipagtalo/nangangatwiran, naglalarawan)

Kakayahang Sosyolinggwistiko
Pinapakita ang ugnayan ng wika at lipunan ang kaangkupan ng
gamit ng isang wika batay sa iba't ibang konteksto.
---------------------------------------------------------------------------------
III. Pagsasanay/Gawain
A. Formative
a. Sagutin Natin.
Panuto: Subukin ang iyong kakayahang bigyang-kahulugan ang ilang
mahahalagang salitang naging bahagi ng talakayan gamit ang SARILI mong
pananalita base sa iyong pagkaunawa sa bawat isa. Isulat ang mga tamang
sagot sa Yellow Paper. 2 pts. Bawat bilang.
1. kakayahang komunikatibo_________________________________________
2. kakayahang linggwistika __________________________________________
8
3. kakayahang sosyolingwistika_______________________________________
4. ortograpiya ____________________________________________________
5. gramatika______________________________________________________

b. Panuto: Gamit ang mga kakayahang komunikatibong iyong natutuhan,


maghinuha kung ano ang layunin ng kausap batay sa pagggamit ng mga salita
at paraan ng pagsasalita. Isulat ang mga tamang sagot sa sagutang papel.
Bawal ang may parehong mga sagot/word for word na kopya sa kaklase.
Halimbawa:
“Sige, pumunta ka sa bahay namin para magkita tayo. Para makita mo kung
ano ang hinahanap mo at nang matahimik ka na.”
Layunin ng nagsasalita: Ang layunin ng nagsasalita ay nais niyang ipahiwatig na
mali ang iniisip ng kanyang kausap at kung hindi man ito maniwala ay pumunta
siya sa bahay nila nang mapatunayan niya ang kanyang panig.
1. “Haluin mo lang nang maigi, tapos kung sa tingin mong okay na, kumuha ka
ng isang kutsara dun sa hinalo mo tapos bilugin mo. Bola-bolahin mo. Gaya ng
ginawa mo sa akin. Paikot-ikutin mo sa mga palad mo. Ipagulong mo sa asukal.
Paglaruan mo kung gusto mo total dyan ka naman magaling eh.”- Isang netizen
Layunin ng nagsasalita:_____________________________________________
2. “Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito
multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na
sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base
kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga
naisulat o wala. Allowed ang erasures.” –Bob Ong sa ABNKKBSNPLAko?
Layunin ng nagsasalita:_____________________________________________

Puntos sa Deskripsiyon
bawat bilang
5 Kompleto at higit sa inaasahan ang sagot
4 Sapat at tugma ang sagot sa tanong
3 Nakapaglahad ng mga ideya subalit hindi sapat
2 Hindi gaanong nasagot ang tanong at kailangan pang paunlarin
1 Hindi tugma ang sagot pero may taglay na ideya

B. Evaluative
INAASAHANG PAGGANAP BLG. 2
Pagtataya sa Aralin 3.
a. Panuto: Narito ang mga sitwasyong pangkomunikatibo. Ngayon ay sumulat
ng diyalogo batay sa mga sitwasyon. Piliin ang angkop na salita at paraan ng
paggamit nito batay sa sitwasyon. Isulat ang mga tamang sagot sa sagutang
papel. Bawal ang may parehong mga sagot/word for word na kopya sa kaklase.

9
1. Sa isang pamilihan sa Palompon, Leyte sa kalagitnaan ng Lawig Festival may
grupong naliligaw na mula pa sa kabilang lungsod. Magalang na nagtanong ang
grupo sa isang nagtitinda ng prutas kung saan mapupuntahan ang pagdarausan
ng Lawig Presentation.
Isulat ang kanilang usapan:
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. May magkasintahang nagbabalak na magpakasal at nais nilang malaman ang
mga dapat nilang ihanda kung saka-sakaling sila ay lalagay na sa tahimik,
Nagpunta sila sa isang wedding planner na nakilala nila sa isang online site ng
mga event organizer. Napagkasunduan nilang magkita sa isang restoran.
Isulat ang kanilang usapan:
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Puntos sa bawat Deskripsiyon
bilang
5 Kompleto at higit sa inaasahan ang sagot
4 Sapat at tugma ang sagot sa tanong
3 Nakapaglahad ng mga ideya subalit hindi sapat
2 Hindi gaanong nasagot ang tanong at kailangan pang paunlarin
1 Hindi tugma ang sagot pero may taglay na ideya

Magagawa Natin
b. Panuto: Bilang mamamayang Pilipino, kailangang suriin at harapin natin
ang mga isyung ito. Ang sumusunod ay ilan sa maraming isyung itinuturing
nating malaking hamon sa pagtataguyod ng wikang Pambansa. Ating suriin
at tuklasin kung paano na nga ba magiging madali sa atin ang pakikipag-
ugnayan kung patuloy na dumarami ang wikang ginagamit sa ating bayan.

Ang paglaganap ng paggamit ng Beki Language


Ang sagot ni dating Kalihim Luistro nang tanungin hinggil sa
paggamit ng beki language:
“Ang paggamit ng mga bagong nabubuong kolokyal na kagaya ng
“beki” ay kasama sa pagbabago ng mga wika at hindi natin mapipigilan.
Kapag ang ganitong salita ay naging katanggap-tanggap na sa lipunan
at ginagamit na ng mayoridad, saka pa lang ito naisali sa opisyal na
komunikasyon.”

Ang pagkabihasa ng maraming mag-aaral sa wikang Ingles


kaysa sa wikang Filipino
Ang sagot ni dating Kalihim Luistro nang tanungin hinggil sa
maraming mag-aaral na bihasa sa paggamit ng wikang Ingles:
“Ang naumpisahan na nating reporma sa bagong K-to-12
curriculum ay nagnanais na tumugon sa hamon na mahasa ang ating
kabataan na gamitin at palawagin ang
10 wikang ating kinagisanan pati na

rin ang ating Pambansang Wika. Kasama na rito ang paggamit ng


kanilang uang wika.”
Ang pagkakaroon ng Mother Tongue Based-Multilungual Education
Ayon ka dating DepEd Secretary Brother Armin Luistro, FSC, “ang
paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng
pag-aarl ay makatutulong upang mapaunlad ang wika at kaisipan ng
mga mag-aaral at makapagpatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-
kultural.”

Base sa mga nabanggit ng napapanahong isyu, bumuo ng isang kritikal na


sanaysay ukol sa paraan ng paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at
kultural sa Pilipinas. Maaaring pumili ng isang grupong sosyal o kultural at doon
ituon ang iyong sanaysay.
Ang iyong sanaysay ay tatayain gamit ang rubrik sa ibaba.
Puntos Pamantayan
4 x 5 Nakabuo ng kritikal na sanaysay ukol sa paraan ng paggamit ng wika ng
iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas. Naipapahayag nang
malinaw ang sariling opinyon at pagsusuri sa mga nabanggit ng isyu ukol
sa paggamit ng wika. Nakapagsaliksik din ng iba pang opinyon ng ilang
kilalang tao hinggil sa mga nabanggit ng isyu.
3 x 5 Nakabuo ng kritikal na sanaysay ukol sa paraan ng paggamit ng wika ng
iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas. Naipapahayag nang
malinaw ang sariling opinyon at pagsusuri sa mga nabanggit ng isyu ukol
sa paggamit ng wika.
2 x 5 Nakabuo ng kritikal na sanaysay ukol sa paraan ng paggamit ng wika ng
iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas, ngunit hindi malinaw
na naipahayag ang sariling opinyon at Pagsusuri hinggil sa mga isyung
nabanggit.
1 x 5 Nakabuo ng kritikal na sanaysay ukol sa paraan ng paggamit ng wika ng
iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas, ngunit hindi naging ang
layunin at nilalaman ng sanaysay.
------------------------------------------------------------------------------------------------
IV. Pangwakas: Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
Bakit mahalagang magkaroon ng kakayahang sosyolinggwistik?
V. Sanggunian:
Dayag, A.M. at del Rosario, M.G. 2016. Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing House,
Inc.
VI. Mga Tamang Sagot:
Guro: Seksyon
Christy Jean I. Ruiz Grade 11- MOROCCO Grade 11- MAURITIUS
Cellphone #: 09562443155 Grade 11- RWANDA Grade 11- SEYCHELLES
E-mail add.: ruizchristyjean@gmail.com Grade 11- SENEGAL Grade 11- TUNISIA
Donna M. Carno
Cellphone #: 09058256950 Grade 11- LIBYA
E-mail add.: donna.megabon@deped.gov.ph
Wilcris J. Sanico
Cellphone #: 09057604033 Grade 11- ALGERIA
E-mail add.: wilcris.sanico@deped.gov.ph
Charlyn D. Sabandon
Cellphone #: Grade 11- ANGOLA
E-mail add.: charlyn.demeterio@deped.gov.ph

11

You might also like