You are on page 1of 39

SENIOR HIGH SCHOOL

11
Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
REGISTER AT BARAYTI NG WIKA

TANDAAN:
Ang modyul na ito ay hindi na muna ibabalik sa guro hanggat hindi natatapos ang Modyul 8.
Tanging inihandang sagutang papel lamang ang ibabalik sa guro.
Ilagay sa isa long folder at lagyan ng fastener ang modyul na ito upang maiwasan ang pagkasira
at magamit pa sa susunod na mga araw.
Huwag magsusulat ng kahit ano sa modyul tanging sa sagutang papel lamang.
ALAMIN

DAHILAN, ANYO AT PAMAMARAAN NG PAGGAMIT NG


WIKA SA IBA’T IBANG SITWASYON

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


1. Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga kalagayang pangwika sa kulturang
Pilipino(F11PU-IIc-87)
2. Natutukoy ang iba’ibang register at barayti ng wika na ginagamit sa iba’t ibang
sitwasyon sa pamamagitan ng pagtatala ng mga terminong ginamit sa mga larangang
ito (F11WG – IIc – 87)
SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Basahin ang mga salitang nakatala sa loob ng kahon. Tiyak na pamilyar ka nito dahil
ginagamit mo ang mga ito kapag nagkokompyuter. Isulat ang gawaing ito sa sariling
kuwaderno.

1. May mga salita ba sa loob ng kahon na ginagamit mo rin kapag wala ka sa harap ng
kompyuter o kapag hindi ka nagkokompyuter? Ano –ano ang mga ito?
2. Saang gawain mo ginagamit ang mga salitang ito maliban sa pagkokompyuter?
3. Alin- alin naman sa mga salita ang tanging sa pagkokompyuter mo lang
ginagamit? Itala ito sa sariling kuwaderno.

PAGLALAHAD

Register at Barayti ng Wika

Ang tao ay siyang pangunahig nagpapaunlad at nagpapayaman sa wika. Sa


pagdebelop ng tao sa lipunan at sa kanyang kultura batay sa pagkakaiba-iba sa mga gawi,
kaisipan, paniniwala, at maging kamalayan o kaalaman sa wika, nagkakaroon din ng iba’t
ibang barayti ng wika na inihayag ni Zosky. Ayon din sa kanya, may walong uri ang barayti
ng wika ito ay ang mga sumusunod: Idyolek, Dayalek, Sosyolek, Etnolek, Ekolek, Pidgin, at
Creole.

A. Idyolek- ito ay ang personal na paggamit ng salita ng isang indibiduwal. Bawat


indibiduwal ay may estilo sa pamamahayag at pananalita.

Hal. “Magandang Gabi Bayan”- Noli De Castro


“Hoy Gising”- Ted Failon “Ayon di Umano”- Jessica Soho
“Excuse me po”- Mike Enriquez
Dayalek- ito ay nalilikha nang dahil sa heograpikong kinaroroonan. Ang barayti na ito ay
ginagamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigang tinitirahan.
Hal. Tagalog- “Mahal Kita” Hiligaynon- “Langga ta gud ka” Bikolano – “Namumutan ta ka”
Cebuano- “Dili ko kasabot”
Sosyolek- uri ng barayti na pansamantala lang at ginagamit sa isang partikular na grupo.
Hal. Te meg, shat ta? (Pare, mag-inuman tayo)
Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)
Wag kang snobber (Huwag kang maging suplado)
Etnolek- ginawa ito mula sa salita ng mga etnolinggwistikong grupo. Nagkaroon ng iba’t
ibang etnolek dahil sa maraming mga pangkat na etniko. Hal. Palangga- sinisinta, minamahal
Kalipay- saya, tuwa, kasiya
Ekolek- ito ay kadalasang ginagamit sa ating tirahan. Ito ay kadalasang nagmumula sa mga
bibig ng bata at matanda.
Hal. Palikuran- banyo o kubeta Papa- ama/ tatay
Mama- nanay/ ina
Pidgin- wala itong pormal na estruktura at tinatawag ding “lengwahe na walang ninuman”.
Ginagamit ito sa mga tao na nasa ibang lugar o bansa. Hal. Ako punta banyo (Pupunta muna
ako sa banyo.)
Hindi ikaw galing kanta (Hindi ka magaling kumanta.)
Sali ako laro ulan (Sasali akong maglaro sa ulan.)
Creole- ito ay pinaghalo-halong salita ng indibiduwal, mula sa magkaibang lugar hanggang
sa naging personal na wika.
Hal. Mi nombre- Ang pangalan ko
Yu ting yu wan, a? - Akala mo espesyal ka o ano? Onde ka anda?-Saan ka pupunta?
B. Register/ Rehistro- tumutukoy sa isang espesyalisadong wika na ang mga salita ay
nagagamit sa isang partikular na larangan, disiplina, o propesyon(Bernardino,et al.,pp.22-33).
Iniulat ni Constantino (2002) ang pahayag ni Eastman (1971) na mayroong dalawang
dimensyon na humahati sa barayti ng wika. Tinawag ito na heograpiko na tumutukoy naman
sa pagkakaiba-iba ng wika batay sa hiwa-hiwalay o kalat-kalat na lokasyong heograpikal.
Dito napapabilang ang dayalekto. Ang ikalawa ay ang tinatawag na sosyo-ekonomiko na
nakatuon naman sa pagkakaiba-iba ng wika ayon sa iba’t ibang katayuang panlipunan. Ang
sosyolek ay nasa ilalim ng dimensyong ito.

Si Catford na nabanggit sa sulatin ni Alonzo, ay inilahad naman na mayroong


dalawang malaking uri ang barayti ng wika. Ito ay ang permanente at pansamantalang
barayti. Ang idyolek at dayalek ay nabibilang sa permanenteng uri. Ang idyolek ay
tumutukoy sa gamit ng wika na natatangi sa isang indibiduwal. Ang dayalek naman ay ang
paggamit ng wika o ang paraan ng pagsasalita na nakabatay sa lokasyon, panahon, o estadong
kinabibilangan ng nagsasalita. Samantala, ang rehistro naman ay nabibilang sa
pansamantalang uri (filipinovarayti. weebly. com).

Bawat propesyon ay may register o mga espesyalisadong salitang ginamit iba ang
register ng wika ng guro sa abogado. Iba rin ang inhinyero, computer programmer, game
designer, negosyante, at iba pa. samantala, ang doctor at nars ay pareho ang register ng wika
sapagkat iisa ang kanilang propesyon o larangan- ang medisina.

Isang tiyak na halimbawa ng register ng wika ang magkaibang tawag sa binibigyan ng


serbisyo ng bawat propesyon o larangan
Tinatawag na register ang mga espesyalisadong salitang ginagamit. Hindi lamang
ginagamit ang register sa isang partikular o tiyak na larangan kundi sa iba’t ibang larangan o
disiplina rin. Espesyal na katangian ng mga register ang pagbabago ng kahulugang taglay
kapag ginamit na sa iba’t ibang disiplina o larangan. Dahil iba-iba ang register ng wika ng
bawat propesyon at nababago ang kahulugang taglay ng register kapag naiba ang larangang
pinaggagamitan nito, itinuturing ang register bilang salik sa barayti ng wika ang sosyolek
(Bernales, et al.,pp.8-12).

GAWAIN
A. Panuto: Basahin ang grupo ng mga sumusunod na termino. Isulat sa inihandang
kuwaderno ang larangang kinabibilangan ng mga ito.

B. Panuto: Suriin at kunin ang register ng wika sa bawat pangungusap. Isulat kung saang
larangan ito ginagamit. Isulat din ang kahulugan ng register ayon sa gamit nito sa
larangan. Maaaring magbigay ng mahigit sa isang larangan.

1. Nasira ang binili kong mouse dahil hinampas ito ng kaklase ko.
2. Gawa sa kawayan ang organo na ginagamit ng choir namin sa simbahan.
3. Nahawaan ng virus ang aking kapatid na galing sa Maynila.
4. Maraming buwaya ang nakita nila sa paligid.
5. Isa sa mga paborito kong kainin na prutas ay ang balimbing.
6. Ako ay bumili ng bola sa mall kahapon.
7. Binigyan ako ng allowance ng aking ina para loob ng isang linggo.
8. Unti-unting kinakasuhan ang mga kurap na opisyal sa ating bayan.
9. Malaki na ang interes sa perang inilagak ko sa bangko.
10. Binigyan ko ng kapital ang aking ina para sa kanyang itatayong negosyo.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
KAKAYAHANG SOSYOLINGGWISTIKO

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


1. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan (F11PT-
IIe-87)
2. Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga
usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-usapan, lugar, panahon layunin
at grupong kinabibilangan. (F11PS-IIe-90)
SUBUKIN (PANIMULANG PAGTATAYA)
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin lamang ang tamang sagot
mula sa kahon na makikita sa ibaba. Isulat sa inihandang sagutang papel.
1. Ito ay tumutukoy sa diskursong ginagamit.
2. Tumutukoy sa lugar na ginaganap
3. Nagsasaad ng pakay o layunin ng pag-uusap
4. Tumutukoy sa takbo ng usapan
5. Isang kakayahang ginagamit ang angkop na wika depende sa sitwasyon
6. Ang umiiral na panuntunan sa pagtatalakay ng paksa
7. Nagsasabi ng tsanel na ginagamit, pasalita man o pasulat.
8. Nagsasaad sa tono ng pag-uusap pormal o di-Pormal.
9. Ang kalahok sa pag-uusap o sa pakikipagtalastasan
Genre Setting Participants Act Sequence Keys Norms
Instrumentalities Kakayahang Sosyolinggwistik Ends Speaking

PAGLALAHAD
KAKAYAHANG SOSYOLINGGWISTIK
Ito ay kaalaman kung kailan angkop gamitin at tumugon nang naaayon sa wika na
isinasaalang-alang ang tagpuan, ang paksa at ang ugnayayan ng mga taong sangkot. Ang
taong may mataas na kakayahang sosyolingguwistik ay magtatanong (Teaching Goals and
Methods,2004).
Sa pagpapaliwanag ni Savignon (1997), sinabi niyang ang kakayahang
sosyolinggwistik ay isang kakayahan na gumamit ng wika na nangangailangan ng pag-unawa
sa konteksto ng lipunan kung saan niya ito ginagamit. Kabilang sa pag- unawang ito ang
kaalaman sa gampanin ng mga sangkot sa komunikasyon, ang mga ibinahagi nilang
kaalaman, ang ang tunguhin ng pag-uugnayang nagaganap. Sinasabi rin niyang sa sapat
lamang na kaalaman sa mga bagay na ito masasabing angkop ang isang pahayag
(Bernales, et al.,2016).

Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon ni Dell Hymes 1974


1. Setting -Saan ang pook ng pag-uusap o ugnayan ng mga tao?
2. Participants- Sino-sino ang mga kalahok sa pag-uusap o pakikipagtalastasan?
3. Ends – Ano ang pakay o layunin ng pag-uusap o pakikipagtalastasan?
4. Act sequence- Paano ang takbo ng usapan?
5. Keys- Ano ang tono ng pag-uusap Pormal o di pormal?
6. Instrumentalities- Anong tsanel ang ginagamit? Pasalita ba o pasulat?
7. Norms- Ano ang paksa ng usapan? Ano ang umiiral na panuntunan sa pagtatalakay sa
nasabing paksa?
8. Genre- ano ang diskursong ginamit? Nagsasalaysay ba, nangangatuwiran o nakikipagtalo?
Ano ang espesipikong sitwasyong ginamit?

Mahalagang pag-ibayuhin ang kakayahang unawain ang mga ekspektasyon sa lipunan


at kung kailan ang akmang panahon ng pagpapahayag. Kaakibat nito, lagi ring isaisip kung
ano ang dapat sabihin at kung paano ito sasabihin. Umaayon ito sa pahayag nina Jocson, et
al., (2014) na upang mas maging epektibo sa pakikipag- ugnayan sa lipunang ginagalawan.
Dapat na pahalagahan ang lugar ng usapan, igalang ang kausap, maging konsistent sa
paksang pinag-usapan, isaalang-alang ang genre ng usapan gayon din ang layunin ng pag-
uusap, at higit sa lahat, pasalita man o pasulat ang komunikasyon, linawing mabuti ang
mga mensaheng pinag-uusapan kapag mabisang konsiderasyong ito na ipinapahayag ay
masusunod at magagawa ng isang indibiduwal, hindi magiging mahirap ang ganap na pag-
unawa. Buong -layang magkakaroon ng palitan ng mga kaalaman, komprehensibong
impormasyon tungkol sa kaganapan sa paligid at paggalang sa damdamin ng kausap
(Bernales, et al.,2016).

ISAISIP
Laging tandaan! Ang sosyolingwistik ay kakayahan ng isang tao na makipag-usap o
makipagtalastasan na kung saan ang alam niya kung paano at ano ang nararapat sabihin
upang maging angkop sa sitwsyon kausap, panahon, lugar at grupong kinabibilangan. At para
na rin hindi magiging iba ang maging dulot ng mga sinasabi mo sa iyong kinakausap.

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKA, ESTRUKTURAL AT
GRAMATIKAL

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


1. Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga
salita at paraan ng pagsasalita. (F11WG-IIf-88)
2. Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng
paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas.
(F11EP-IIF-34)
SUBUKIN (PANIMULANG PAGTATAYA)
A. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay may katotohanan at
MALI kung hindi. Isulat and sagot sa inihandang sagutang papel.
1. Ang lingguwista ay maagham na paraan ng pag-aaral ng wika.
2. Tinatawag na linguistika ang taong nagsasagawa ng maagham na pag-
aaral ng wika.
3. Ang isang lingguwistika ay hindi laging nangangahulugang maraming
alam sa wika.
4. Maaring matawag na lingguwista ang isang tao kahit isa, dalawa o tatlong
wika lamang ang kanyang alam.
5. Ang polyglot ay isang taong maalam o nakapagsasalita ng iba’t ibang
wika.
6. Sadyang napakahirap isiping maging tao nang walang
wika at komunikasyon.
7. Ang prosesong pagtatanong ay pagtitipon ay pagtitipon ng obhetibo at
walang kinikilingang mga datos at ng mga obserbasyong hindi nakukulayan
ng emosyon.
8. Ang proseso ng pagklasipika ay laging tinatangka ng isang lingguwista na
maisasaayos ang bunga ng kanyang pananaliksik o pagsusuri sa isang
sistematikong paraan.
9. Ang proseso ng pagmamasid ay tumutukoy sa pagtitipon ng obhetibo at
walang kinikilingang mga datos at mga obserbasyong hindi nakukulayan ng
emosyon.
10. Ang kakayahang lingguwistika/istruktural/gramatikal ay natutungkol
sa kaalaman ng ispeker sa wastong gramatika ng isang wika upang siya ay
makapagpahayag at makaunawa sa isang wika.
B. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang
papel.
11. Kung mapilitan ay isang linguista na gumamit ng iba o bagong
terminolohiya na inisip niyang higit na angkop at tiyak sa simula ng
kanyang paggamit ay ipinaliliwanag niya kung ano ang ibig sabihin nito.
A. Proseso ng pagtatanong C. Proseso ng paglalahat
B. Proseso ng pagmamasid D. Proseso ng pagklasipika

12. Ang tinatangka lamang itanong ng isang lingguwista ay ang mga tanong
na masasagot niya sa pamamagitan ng maagham na paraan.
A. Proseso ng pagtatanong C. Proseso ng paglalahat
B. Proseso ng pagmamasid D. Proseso ng pagklasipika

13. Ang isang kalipunan ng mga datos, kung walang sinusunod na


sistemang pagkakaayos ay tulad ng isang direktoryo ng telepono na hindi
inayos ng paabakada ang pangalan ng mga tao, kaya’t hindi
mapakinabangan nang maayos
A. Proseso ng pagtatanong C. Proseso ng paglalahat
B. Proseso ng pagmamasid D. Proseso ng pangklasipika

14. Dapat humahantong sa pagbuo ng nasabing mga abstraksyon ayon sa


nagging resulta o kinalabasan ng obserbasyon at pagsusuring isinagawa sa
mga datos.
A. Proseso ng pagtatanong C. Proseso ng paglalahat
B. Proseso ng pagmamasid D. Proseso ng pagklasipika

15. Ang pinakasanligan ng lahat ng maagham na pagsusuri.


A. Proseso ng pagtatanong C. Proseso ng paglalahat
B. Proseso ng pagmamasid D. Proseso ng pagklasipika
PAGLALAHAD
Kakayahang Lingguwistika, Estruktural at Gramatikal
Natutuhan mo ang isang wika buhat sa pakikinig at pakikisalamuha sa komunidad na
iyong kinabibilangan. Ito ang dahilan kung bakit kahit hindi inaaral ng pormal ng isang tao
ang wika ng kanyang komunidad ay nagagamit niya ito nang tama ayon sa gramatika ng
wikang ito. Bagaman tao ito, napaiigting ang kaalaman sa wika, lalo na sa gramatikanito,
kung mayroong kaalaman ang nagsasalita nito sa mga pormal na tuntunin sa gramatika ng
wikang kanyang ginagamit. Ito ang dahilan kung bakit habang tumataas ang antas ng pag-
aaral ng isang estudyante. Tumataas din ang kanyang kakayahang lingguwistiko sapagkat
kabilang ang mga asignatura sa wika sa mga asignaturang kanyang kinukuha. Sa kaso ng
isang estudyanteng Pilipino, ito ang mga kurso sa wikang Filipino. Sa pagkuha niya sa mga
asignaturang may kinalaman sa wikang Filipino tuwiran at di tuwirang tinatalakay ang
gramatika nito. Dahil dito, humuhusay rin niya sa gramatika ng Filipino at mas nagiging
epektibo siya sa paggamit ng wikang Filipino sa mga komunikatibong sitwasyong ito ang
pangunahing midyum ng talakayan.
Ano nga ba ang kakayahang lingguwistik sa Filipino?
Sa pagpapaliwanag ni Savignon(1997), ang kakayahang gramatikal, sa kanyang
pinakarestriktibong kahulugan ayon sa paggamit ni Chomsky (1965) at iba pang
estrukturalistang lingguwista, ay tinatawag ding kakayahang lingguwistik. Tumutukoy ito,
kung gayon sa anyong gramatikal ng wika sa lebel ng pangungusap. Nahahanay rito ang
kakayahang umunawa sa mga marpolohikal, ponolohikal at sintaktik na katangian ng wika at
kakayahangmagamit ang mga ito sa pagbuto ng mga salita, parirala, sugnay at mga
pangungusap, at gayon din sa pagbibigay interpretasyon o kahulugan sa mga ito.
Ang kaalamang ponolohikal ay tumutukoy sa pamilyaridad sa tunog ng wika na
makatutulong din sa pagkilala sa mga salita na bumubuo sa isang wika. Samantala,
nabibilang ang kaalamang morpolohikal sa kakayahan sa pagbuo ng mga salita sa
pamamagitan ng mga iba’t ibang proseso na ipinahihintulot sa isang particular na wika.
Sa kaso ng Filipino, halimbawa ay ang paglalapi na maaaring pag-uunlapi,
paggigitlapi, paghuhulapi, paglalaping kabilaan at paglalaping laguhan.
Mapabibilang din dito ang mga itinatakdang tuntunin sa pagbaybay na ipinatutupad sa isang
wika. Sa kabilang banda, tumutukoy ang kaalamang sintaktika sa kakayahan ng isang
indibidwal na makabuo ng mga makabuluhang pahayag mula sa pag-uugnay sa mga salita na
makabubuo ng mga parirala, mga sugnay at mga pangungusap. May dalawang mahalagang
uri ng ponema sa Filipino. Ito ang ponemang segmental at ponemang suprasegmental.
Ang ponemang segmental ay tumutukoy sa mga indibidwal na tunog ng wikang
Filipino. Ang mga tunog na ito ay nirerepresenta ng mga simbolong ponemiko na halos
katulad din ng mga titik. Kabilang sa mga ponemang segmental ang mga patinig, katinig,
diptonggo, klaster, digrapo, at pares minimal.

Mga Patinig sa Pilipino


May limang titik na patinig sa Filipino na nirerepresenta ng mga grapemang a, e, i, o, u.
Narito ang ilang halimbawa ng mga salitang Filipino na may mga tunog na patinig.
a – aliw
e – eroplano i – ilog
o – orihinal u – ulap
Mga Katinig sa Filipino
May dalawampu’t tatlo (23) na katinig sa Filipino. Kinabibilangan ito ng mga
ponemang b, c, d, f, g, h, k, l, m, n, enye (ñ), ng, p, q, r, s, t, v, w, x, y, z.
Mga Diptonggo sa Filipino
May mga tunog na nabubuo sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga patinig at
malapatinig na w at y. Ang mga sikwens ng mga tunog na ito ay tinatawag na diptonggo. Sa
wikang Filipino, kabilang ang mga ponemang - aw, iw, ay, ey, iy, oy at uy sa mga
diptonggong ito.
aw – awtor iw – baliw ay – aybol ey – eywan oy – langoy uy – kasoy

Mga Digrapo sa Filipino


Ang mga digrapo ay sikwens ng dalawang katinig ngunit may iisang tunog lamang.
Sa Filipino, kadalasang maririnig ang mga digrapo sa mga hiram na salita, ngunit maging sa
mga taal na salita ay maririnig mo ito dahil sa proseso ng simplipikasyon.
ts – tsismis sh – short ts – tseke

Mga Klaster sa Filipino


Ang mga klaster ay magkasunod na katinig sa isang pantig at naririnig pa rin ang
indibidwal na ponemang katinig. Kadalasang may klaster ang mga salitang hiniram sa
banyagang wika, pw , py, pr, bw, bl, hw at iba pa.

Halimbawa: pwede prito


braso troso
drama tsart
globo nars
krus element
keyk

Mga Pares minimal sa Filipino


Ang mga pares-minimal ay mga pares ng mga salita na magkaiba ng kahulugan
ngunit magkapareho ang kapaligiran maliban sa isang ponema.
p at b - paso : braso
t at d - tayo : dayo
k at g - kuro : guro
m at n - mama : nana
l at r - ilog : irog

Ponemang Suprasegmental
Binigyang-kahulugan ni Resuma (2002). Ang ponemang suprasegmental bilang
makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinumtumbasang titik o letra sa pagsulat.
Bagkus, inihuhudyat o sinisimbolo ito ng mga notasyong ponemik upang matukoy ang
paraan ng pagbigkas ng isang salita o isang pahayag.

Ang Diin
Tumutukoy sa emphasis ng salita o pahayag aso - dog
pito - whistle
pitó - seven
balat - birthmark
balať - skin

Ang Hinto
Maaaring mahaba o bahagyang paghinto sa mga pahayag. Mahalaga ang mga
paghinto sapagkat nabibigyang pagkakataon ang nakikinig o nagbabasa na mas maunawaan
ang pahayag, samantalang mas nabibigyang oras naman ang nagsasalita na pag-isipan ang
kanyang mga sinasabi kung may mga bahagyang paghinto sa proseso ng komunikasyon.
Maliban dito, nakapagpapabago rin ng kahulugan ang mga paghinto kung kaya’t dapat
maging maingat sa pagsasagawa nito.
Halimbawa:
Hindi ako ang pumatay! (pahayag ito ng pagtanggi)
Hindi, ako ang pumatay! (pahayag itong nangangahulugang pag-amin)

Samantala, ang tono ay tumutukoy sa damdamin ng pahayag. Napasasama sa tono ang


iba pang paktor gaya ng lakas o hina ng boses, gaspang o kinis nito at iba pa. Mahalaga
angtono sa pagpapahayag sapagkat may mga mas malalim pang kahulugan na maaaring nais
ipahiwatig depende sa tono ng pananalita.
Ang totoo, mas madaling makuha ang mensahe sa pamamagitan ng tono sa mga
pasalitang komunikasyon at lubhang mahirap naman sa mga pasulat na anyo.

Halimbawa:
1. Dumating na ang pangulo.
2. Dumating na ang pangulo? (Bernales et. al.,pp. 139 – 144)
ISAISIP

Ang lingguwistika ay maagham na paraan ng pag-aaral ng wika. Ang isang taong


nagsasagawa ng maagham na paraan ng pag-aaral ng wika ay tinatawag na lingguwista. Ang
isang lingguwista ay hindi lagging nangangahulugang maraming alam sa wika. Maaring
matawag na lingguwista ang isang tao kahit isa, dalawa o tatlong wika lamang ang kanyang
alam.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat ito sa inihandang sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa taong maalam at makapagsasalita ng iba’t ibang wika


A. extralinguistic B. lingguwista C. polyglot
2. Ano ang tawag sa taong nagsasagawa ng maagham na paraan sa pag-aaral ng wika?
A. polyglot B. Lingguwista C. extralinguistic
3. Maituturing ng isang maagham na gawi ng isang lingguwista ang magbago ng paniniwala
kung kailangan.
A. proseso ng pagtatanong
B. proseso ng pagberipika at pagrebisa
C. proseso ng paglalahat
4. Kailangang humantong sa pagbuo ng mga hipotesis, ng mga teorya at prinsipyo ng mga
tuntunin o batas.
A. proseso ng paglalahat B. proseso ng pagtatanong C. proseso ng pagmamasid
5. Ang mga salitang giliw, halaw at galaw ay .
A. digrapo B. diptonggo C. klaster
6. Ang salitang tsokolate ay isang .
A. klaster B. diptonggo C. digrapo
7. Ang mga salitang krayola, blusa at troso ay .
A. klaster B. digrapo C. diptonggo
8. Kung paso : baso; ang baka ay
A. buko B. baga C. biko
9. Kung ang pantay : panday; ang sabaw ay .
A. sabay B. sabon C. sipon
10. Ang salitang keyk ay isang .
A. klaster B. diptonggo C. Digrapo

B. Panuto: Suriin ang salita o parirala na hindi matatanggap sa pormal na pagkakasulat sa


Filipino. Isulat ang titik katumbas ng tamang sagot sa inihandang sagutang papel

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
MGA HAKBANG SA PAGBUO NG ISANG MAKABULUHANG
PANANALIKSIK

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


1. Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino (F11PB – IIg
– 97)
2. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik (F11PU – IIg
– 88)
SUBUKIN (PANIMULANG PAGTATAYA)
A. Panuto: Suriing mabuti ang mga tinutukoy sa sumusunod na tanong at pahayag. Piliin ang
titik ng tamang sagot at isulat ito sa inihandang sagutang papel.
1. Ito ay paraan ng paghahanap ng teorya, pagsubok o paglutas sa mga teorya na gamit sa
komprehensibong pag-aaral (Jocson 2016).
A. Pagbabalita B. Pakikipanayam C. Pananaliksik D. Lahat ay tama
2. Ang mga sumusunod ay mga katangiang dapat isaalang-alang sa pagpili at pagpapasya ng
tiyak at limitadong paksa, maliban sa?
A. Tiyaking ang paksa ay malayo sa interes ng mananaliksik
B. Makapagtitiyak ng sapat na materyales o sanggunian;
C. Makabubuo ng mga tiyak na suliranin at haypotesis
D. May katangiang napapanahon at nakapag-aambag sa kasalukuyang kalagayan
3. Sa pagsasagawa ng pananaliksik, binanggit ni Jocson (2016), ang ilan sa mga layunin na
dapat mong mabatid sa gawaing ito, maliban sa?
A. Makatuklas ng mga bagong impormasyon, ideya at konsepto
B. Makapagbigay ng lumang pagpapakahulugan o interpretasyon sa dati nang ideya
C. Mabigyang-linaw ang isang mahalagang isyu o paksa
D. Makapagbigay ng mungkahing solusyon sa suliranin
4. Binibigyang linaw sa bahaging ito ang mga terminolohiyang makailang ginamit sa
pananaliksik.
A. Paglalahad ng Suliranin C. Katuturan ng mga katawagan
B. Haypotesis D. Saklaw at Delimitasyon
5. Sa bahaging ito makikita ang pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik.
A. Panimula B. Layunin C. Saklaw at Limitasyon D. Kahalagahan
6. Sa pamamagitan nito, mas makikita ang pagkakaugnay-ugnay ng mga datos sa
pamamagitan ng isang pasulat na paliwanag.
A. Tabular na Presentasyon C. Sarbey
B. Tekstwal na paliwanag D. Interbyu
7. Ito ang pamamaraan ng presentasyon ng mga datos na madalas katatagpuan ng iba’t ibang
pamamaraan, tulad ng paggamit ng talahanayan, grap, at iba pa.
A. Tabular na Presentasyon C. Sarbey
B. Tekstwal na paliwanang D. Interbyu
8. Ito ang bahagi na nagpapakita ng isang representasyon sa pasulat o biswal na pamamaraan
sa pinag-aaralan sa pananaliksik tulad ng mga pangunahing salik, konsepto at baryabol.
A. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
B. Balangkas Konseptwal ng Pag-aaral
C. Batayang Teoretikal ng Pag-aaral
D. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
9. Tinitiyak sa bahaging ito ng pananaliksik ang magiging tunguhin ng pag-aaral at ang
pangunahing pokus ng paksa.
A. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
B. Balangkas Konseptwal ng Pag-aaral
C. Batayang Teoretikal ng Pag-aaral
D. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
10. Anong bahagi ng pananaliksik ang nagtataglay ng mga praktikal na mga suhestiyon?
A. Lagom B. Kongklusyon C. Rekomendasyon D. Wala sa nabanggit
11. Anong bahagi ng pananaliksik ang naglalahad ng buod ng pananaliksik na kung saan
ginagamitan ng aspekto ng pandiwa na pangnakaraan o natapos na?
A. Lagom B. Kongklusyon C. Rekomendasyon D. Wala sa nabanggit
12. Ito ay isang makatotohanang tuklas sa pananaliksik at dapat na nakaayon sa mga
katanungan sa layunin ng isinagawang pag-aaral. Anong bahagi ng pananaliksik ang
tinutukoy sa pahayag?
A. Lagom B. Kongklusyon C. Rekomendasyon D. Wala sa nabanggit
13. Ang pagpapasya sa kritikal na isyu o gap ng pananaliksik ang pangunahing isaisip ng
mananaliksik sa pormulasyon ng pipiliing paksa. Anong hakbang ng panaliksik ang tinutukoy
rito?
A. Pagsusulat ng pamagat pampananaliksik
B. Pagbubuo ng tesis na pahayag
C. Pagpipili at paglilimita ng paksa
D. Pagtitiyak sa mga layunin ng pag-aaral
14. Pagtatala ng pinakalohikal o pinakamaktawirang mga palagay ukol sa isyu nang sa huli
ay mapatunayan, mapatibay, masusugan o mapasubalian. Anong hakbang ba ito ng pagsulat
ng makabuluhang pananaliksik?
A. Paglalatag ng mga haypotesis ng pag-aaral
B. Pagbubuo ng Teoretikal at Konseptwal na Balangkas
C. Pagtitiyak kung ano nga ba ang kahalagahan ng isasagawang pag-aaral
D. Pagbubuo ng tesis na pahayag
15. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagsulat ng pananaliksik?
1. Pagsusulat ng pamagat pampananaliksik
2. Pagbubuo ng tesis na pahayag
3. Pagpipili at paglilimita ng paksa
4. Pagtitiyak sa mga layunin ng pag-aaral
A. 4-3-2-1 B. 3-2-1-4 C. 1-3-2-4 D. 3-1-2-4

PAGLALAHAD

Ang pananaliksik ay isang komprehensibo at kawili-wiling gawain. Nabibigyan ang


bawat mag-aaral o indibidwal ng pambihirang pagkakataon na makatuklas at makasuri ng
mga hindi batid na kaalaman na makatutulong sa pagpapalawak ng mga karanasan,
karunungan, at pati na rin sa kanyang sariling paglago.
Mga Kahulugan at Katuturan ng Pananaliksik
Ang pananaliksik ay isang sistematikong proseso ng imbestigasyon o pangangalap ng
mga datos sa layuning magbigay kasagutan sa mga tanong at solusyon sa suliranin ng isang
mananaliksik. Mayroong iba't ibang mga kahulugang inilahad ang iba’t ibang dalubhasa at
awtor sa pananaliksik. Pansinin natin ang ilan sa mga sumusunod:
 Ayon kay Pacay III (2016, 53), ang pananaliksik ay masistemang gawain ng pagsusuri at
pag-aaral ng mga materyal at paksa at ang pinagmulan nito upang makabalangkas ng mga
makatotohanang pagpapaliwanag at makapagtamo ng mga bagong pagdulog at kongklusyon
ukol sa isa o higit pang larangan.
 Dagdag pa ni Jocson (2016, 276), ang pananaliksik ay isang sining. Ito ay paraan ng
paghahanap ng teorya, pagsubok o paglutas sa mga teorya na gamit sa komprehensibong pag-
aaral.
 Ano’t ano pa man, iisa ang tinutumbok ng lahat ng depinisyon, ang pananaliksik ay isang
proseso ng pangangalap ng datos o impormasyon ukol sa isang bagay upang lubusang
maunawaan ito. Sa pamamagitan ng sistematikong pananaliksik, nagkakaroon ng resolusyon,
predikasyon at paliwanag ang mga usapin at suliranin (Bernardino, et al., 2016, 124).
 Bilang paglalagom sa mga naunang depinisyon, maaari nating magamit ang kasunod na
salin ng sipi mula kina Calderon at Gonzales (1993, sa Bernales 2016, 223), bumalangkas sa
isang mas komprehensibong anyo, ang pananaliksik ay maaaring tukuyin bilang isang sadya,
sistematiko at makaagham na proseso ng pagtitipon, pagsusuri, pag-uuri, pag-aayos,
paglalahad, at pagpapakahulugan ng mga datos para malutas ang isang suliranin, masagot ang
mga hula o haka, matuklasan ang katotohanan, o para mapalawak o mapatunayan ang umiiral
na kaalaman, lahat ay para mapapanatili at mapapabuti ang kalidad ng buhay ng tao.
LAYUNIN NG PANANALIKSIK
Sa pagsasagawa ng pananaliksik, binanggit ni Jocson (2016, 277), ang ilan sa mga
layunin na dapat mong mabatid sa gawaing ito. Dapat na:
A. Makatuklas ng mga bagong impormasyon, ideya at konsepto;
B. Makapagbigay ng bagong pagpapakahulugan o interpretasyon sa dati nang ideya;
C. Mabigyang-linaw ang isang mahalagang isyu o paksa;
D. Makapagbigay ng mungkahing solusyon sa suliranin;
E. Makapagpatotoo o makapangatuwiran sa tulong ng mga mapananaligan na dokumento
tungkol sa mga paksang nangangailangan ng paglilinaw; at
F. Makapagbibigay ng mga ideya o mungkahi batay sa pangkasaysayang perspektibo para sa
isang pangyayari o senaryo.
MGA HAKBANG SA PAGBUO NG MAKABULUHANG PANANALIKSIK
Narito ang mga hakbang sa paggawa ng makabuluhang pananaliksik na hinango mula
sa iba’t ibang awtor na eksperto sa ganitong larangan.
1. Pumili ng tiyak na paksa at pagkatapos limitahan ang paksang napili.
Ayon kina Taylan, Petras, Geronimo (2016, 150), ang mabisang pananaliksik ay
nakabatay sa makabuluhang suliranin na tinatawag na gap. Ang pagpapasya sa kritikal
na isyu o gap ng pananaliksik ang pangunahing isaisip ng mananaliksik sa
pormulasyon ng pipiliing paksa. Simulan ang panimulang gawaing ito sa pagpili at
pagpapasya ng tiyak at limitadong paksa batay sa mga kasunod na katangian ng
mahusay na paksa sa larangan ng wika at kultura:
A. Tiyaking ang paksa ay malapit sa interes ng mananaliksik at pagkokonsidera sa kapakanan
ng paksa;
B. Makapagtitiyak ng sapat na materyales o sanggunian;
C. Makabubuo ng mga tiyak na suliranin at haypotesis;
D. May katangiang napapanahon at nakapag-aambag sa kasalukuyang kalagayan o
phenomena sa larangan ng wika at kultura;
E. May matibay na ugnayan at kabuluhang mapaglalapatan ng angkop at malayang metodo o
pamamaraan;
F. Paksang nakapagpapayaman sa pag-unawa, pagdalumat, at pagpapahalaga sa anomang
isyu o usapin sa larangan ng kultura at wika.
Sa pagsisimula ng pagpili ng paksang pampananalikisk, nakabubuo ang mga
mananaliksik ng malawak na paksa na kinakailangang limitahan at itakda ang saklaw upang
higit na malinaw ang tiyak na pokus ng pananaliksik. May ilang tiyak na pokus sa paglilimita
ng paksang pampananaliksik na nakatuon sa uri, panahon, grupong kinabibilangan,
perspektiba, edad, kasarian at lugar.
2. Sumulat ng pamagat pampananaliksik pagkatapos pumili ng paksa.
Ang paggawa ng pamagat pampananaliksik ay hindi madaling buuhin lalo na
sa mga baguhang mananaliksik, ngunit may mga paraan ito kung paano gawin.
Una. Madalas ang paksang pampananaliksik ay binubuo ng tatlong bahagi (Sojor,
Sitoy at Olis, 2004):
a. Pokus sa Pag-aaral (Object of the Study)
b. Populasyon o Respondente (Sample Population)
c. Lugar (Setting or Research Site)
Halimbawa:
“Mga Piling Telenobela sa Pilipinas: Bilang Awtentikong Materyal Sa Pagtuturo ng
Kultura sa mga Mag-aaral Sa Piling Kolehiyo sa Metro Manila”
Pokus sa Pag-aaral: Mga Piling Telenobela sa Pilipinas Populasyon o Respondente: mga
Mag-aaral Sa Piling Kolehiyo Lugar: Piling Kolehiyo sa Metro Manila
Pangalawa: Mula sa nilimitahang paksa ay pwede nang gumawa ng pamagat sa
gagawing pananaliksik sa pagpapatuloy nito. Makatutulong ang paggawa ng T-chart sa
paggawa ng Pamagat mula sa paksang napili.

3. Isunod ang pagbuo ng tesis na pahayag. Ito ay makatutulong upang mabigyang- diin ang
perspektiba ng binalak na pag-aaral. Ang tesis na pahayag ay isang pangungusap na
kinapalooban ng tiyak na paninindigan o pananaw ng isang mananaliksik, at upang makabuo
nito, kailangang ilahad ng mananaliksik ang kanyang nilimitahang paksa at dagdagan ng
komento. May kasabihan na “Kung walang pahayag na tesis ang isang akademikong papel
kawangis ito sa isang sasakyan na walang tsuper”. Samakatwid, napakahalaga ng tesis na
pahayag anuman ang anyo ng pananaliksik upang makapagbuo ng matatag na tunguhin o
direksyon ang papel-pampananaliksik at hindi kung saan-saan nakapaling ang pagtalakay.
Halimbawa ng tesis na pahayag:
Ang Telenobela ay awtentikong materyal na ginagamit sa pagtuturo ng kultura sa mga
Mag-aaral.
Ang tesis na pahayag ay isinusulat sa bahagi ng introduksiyon madalas matatagpuan
ito sa hulihang bahagi ng talata. Mas makabubuti na ang iyong pahayag ay may kalakip o
pinagbatayang kaugnay na literatura o pag-aaral.
Halimbawa: Ayon sa pag-aaral nina Manije (2014), ipinapakita ng mga telenobela ang
kulturang ating iniingatan…
4. Mangalap ng datos sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga kaugnay na literatura at
kaugnay na pag-aaral. Mas mainam kung sa unang bahagi pa lamang ng pananaliksik ay
may sapat nang pag-unawa ang mananaliksik sa paksang napili nang sa gayon ay magiging
madali para sa kaniya ang iba pang mga kasunod na bahagi. Mabibigayan ng karagdagang
ideya ang mananaliksik sa kaniyang pagbabasa ng mga kauganay na literatura at pag-aaral,
at malalaman niya rin kung ang binabalak na paksa ay may kahalintulad na o di kaya naman
ay wala pang bastanteng batis o sanggunian.
Mga uri ng Hanguan ng mga Impormasyon (Bernardino, et.al. 2016, 141)
A. Haguang Praymarya – kung saan ang datos o ideyang kinalap ay nanggaling mismo
sa direktang hanguan o indibidwal, awtoridad o organisasyon. Halimbawa nito ay
pakikipanayam o interbyu sa kinauukulan.
Halimbawa:
Ayon kay Gng. Cadorna, Guro sa Filipino sa kanyang panayam hinggil sa
kahalagahan ng pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino, sinabi niya na mahalaga ang papel
na ginagampanan ng pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino sapagkat sa pamamagitan ng
gawaing ito, natutulungan tayong tuklasin ang pinagmulan ng yaman ng wika at kultura
natin. Samakatuwid, napag-iibayo pa natin ang paglilinang at pagtatangkilik sa sariling atin.
B. Sekondaryang Hanguan – kung saan ay tinutukoy ang mga hanguang limbag na
dokumento tulad ng aklat, journal, magasin, pahayagan, artikulo, mga naunang pag-
aaral na tesis, disetasyon, pananaliksik, mga manwal at iba pa. Halimbawa:
Sa pamamagitan ng sistematikong pananaliksik, nagkakaroon ng resolusyon,
predikasyon at paliwanag ang mga usapin at suliranin (Bernardino, et al., 2016).
Tandaan: Ang mga hanguang primarya at sekondarya ay maaaring makuha sa
pamamagitan ng online o print. May ilang hanguan na makikita lamang online subalit may
ilang print na makikita na sa Web. Makakakita na ng maraming hanguang nakalimbag sa
silid-aklatan subalit ilan sa mga ito ay online na rin.

C. Hanguang Elektroniko o Internet – ang mga datos o impormasyon ay mababasa at


makukuha online, ngunit laging isaisip na hindi lahat ng impormasyong naririto ay
mapagkakatiwalaan sa dahilang ang ilang website ay hindi gaanong mahigpit sa mga
impormasyon lalo na kung walang aministrador ang site kaya nararapat lamang na
suriin ang mga datos na makukuha rito at siguraduhing may angking kredibilidad ang
mga ito. May ilang paalala sa pagkuha ng impormasyon: Dapat ang impormasyong
makukuha ay naipaliwanag nang maigi at nasuportahan ng mga ideya; Ang mga
impormasyon sa website ay hindi naaaksis at nababago ng kung sino-sino lamang;
Isaalang- alang ang kredensyal ng sumulat at website at kung wala bang pagkiling sa
ideya.
Halimbawa:
Ang bawat tao ay may kinabibilangang kultura na siyang kinalakhan niya at nagtuturo
sa kanya sa mga papel na dapat niyang gampanan sa lipunan at kung paano niya ito
maisagawa sa pamamaraang maituring na kanais-nais. Higit sa lahat ang kulturang ito ang
kanyang sandigan at gabay sa kanyang paglalakbay tungo sa makabulohang buhay at
nabibigyang anyo, naipahayag, at naipasa sa ilang henerasyon sa pamamagitan ng wika
(Robrico, 2009).
5. Bumuo ng mga layunin sa pag-aaral upang mailahad ang suliraning
pampananaliksik. Sa pagbuo o pagsulat ng layunin ng pag-aaral dapat matatagpuan
dito ang mga tiyak na dahilan kung bakit kailangang isagawa ang pag- aaral at mga
tiyak na suliranin na nakasulat sa anyong patanong. Pansinin ang kasunod na
halimbawang hinalaw at isinalin sa pananaliksik na “Level of Confidence of
Manjuyod Secondary Schools Athletes as Influenced by Their Coaches’ Coaching
Styles: A Basis for Effective and Efficient Coaching Strategies” - Cadorna (2018)
Paglalahad ng Suliranin:
Ang pag-aaral na ito ay tumutukoy sa antas ng tiwala sa sarili ng mga atleta sa mga
paaralang sekundarya ng Manjuyod habang may kompetisyon at istilo ng pagsasanay ng mga
tagasanay batay sa pananaw ng mga atleta habang isinasagawa ang pagsasanay at paligsahan.
Layunin ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na tiyak na
katanungan:
1. Ano ang antas ng tiwala sa sarili ng mga atleta habang may kompetisyon tulad ng
Negros Oriental Athletic Association (NORAA) na palaro?
2. May kaugnayan ba sa pagitan ng antas ng tiwala sa sarili at propayl ng mga atleta?
6. Isulat o ilatag ang mga haypotesis ng pag-aaral. Bilang mananaliksik kailangan
mong maitala ang pinakalohikal o pinakamaktawirang mga palagay ukol sa isyu nang
sa huli ay mapatunayan, mapatibay, masusugan o mapasubalian. Sinasagot nito ang
tanong na: Ano-ano ang mga makatwirang pagpapalagay o haka ng mananaliksik ukol
sa kanyang paksa?
Mga uri ng Haypotesis (Pacay III 2016, 66)
1. Haypotesis na Deklaratibo – Kilala rin sa tawag na direksyunal na haypotesis at
nakatuon sa paglalahad ng positibong ugnayan ng dalawang salik sa pananaliksik. Ang unang
salik o bahagi bilang siyang sanhi at ang pangalawa bilang siyang bunga.
2. Haypotesis na Prediktibo – isa itong uri ng haypotesis na kaugnay ng pagbibigay
ng isang kondisyonal na sitwasyon sa paksa. Ang kahalagahan ng prediksyon ay matutukoy
at masusuri matapos isakatuparan ang panukala o rekomendasyon ng pananaliksik.
3. Haypotesis na patanong – maaari ding magsilbing haypotesis ang mga lohikal na
tanong na nailalahad sa isang pananaliksik. Masusuri ang kahalagahan at ang mga sagot sa
mga patanong na haypotesis na ito pagkatapos ng pananaliksik.
4. Haypotesis na Null – tinutukoy ang walang direktang ugnayang umiiral sa mga
saliksik na naitala kaugnay ng problemang pinapaksa ng pananaliksik. Madalas ginagamit
ang ganitong uri sa mga pananaliksik na kwantitatibo o gumagamit ng isang tiyak na
estadistikal na pagsusuri sa pananaliksik.
Sa apat na uri ng haypotesis na binanggit sa itaas ang pinakamadalas na ginagamit sa
pananaliksik ay ang haypotesis na null.
Halimbawa:
Ho1: Walang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng antas ng tiwala sa sarili at propayl
ng mga atleta.
7. Gumawa ng sarbey-kwestyuner mula sa nabuong layunin ng pag-aaral. Ang isang
sarbey ay isang tiyak na mga katanungan na maaaring maisagawa sa pamamagitan ng isang
papel at panulat at ito’y iyong ibabahagi at sasagutan ng mga respondente o kalahok sa iyong
pag-aaral pagkatapos itong maipakita sa iyong guro. Dahil mag-uumpisa ka pa lamang sa
iyong pananaliksik mas mainam gamitin ang talatanungan na binubuo ng closed-ended na
mga katanungang may tiyak na sagot na pagpipiliian. Dapat mong tandaan na kailangang
magkaugnay ang layunin ng iyong pag-aaral at ang nilalamang mga katanungan ng iyong
kwestyuner. Huwag gumawa ng tanong na hindi naman hiningi sa layunin ng iyong pag-
aaral. Halimbawa:
1. Ano ang antas ng tiwala sa sarili ng mga atleta habang may kompetisyon? Lubos na
may tiwala sa sarili Mababa ang tiwala sa sarili
May tiwala sa sarili Walang tiwala sa sarili Katamtaman ang tiwala sa sarili
8. Tiyakin kung ano nga ba ang kahalagahan ng isasagawang pag-aaral. Bilang
mananaliksik dapat batid mo mismo ang kahalagahan ng iyong pananaliksik at
naisa-isa mo na kung sino-sino ang makikinabang sa iyong isasagawang pag-
aaral.
Halimbawa:
Mga Atleta sa mga Paaralang Sekondarya ng Manjuyod. Ang resulta ng pag- aaral na
ito ay magagamit bilang batayan sa pagsasagawa ng programa na makalilinang at
makauunlad sa antas ng tiwala sa sarili ng mga atleta sa mga paaralang sekondarya ng
Manjuyod sa gayon makakamit nila ang pinakamahusay na pagganap sa mga panahon ng
kompetisyon.
Mga susunod na mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga susunod
na mananaliksik na magsasagawa ng kaugnay na pag-aaral sapagkat ang resulta nito ay
maaari nilang gamiting batayan o sanggunian sa isasagawang pananaliksik.
9. Bumuo ng Teoretikal at Konseptwal na Balangkas. Makakabuo ka ng guhit ng
isang balangkas kung malawak na ang iyong kaalaman sa paksang napili bunga na
rin ng iyong pagbabasa ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral. Sa
pamamagitan ng pagbuo ng teoretikal at konseptwal na balangkas, nagkakaroon
ng mas malinaw na paglalahad ang isang suliranin ng isang pananaliksik kung
ano-ano at papaano nagkakaugnay-ugnay ang bawat baryabol sa isa’t isa. Batay
kina Graciano at Raulin (2013), na binaggit naman nina Bernardino, et.al. (2016,
129), sa mamagitan ng paggamit ng isang teoretikal na presentasyon, mas
nabibigyang-diin at linaw ang kaugnayan ng mga baryabol na pinag-aaralan sa
isa’t isa. Ayon nga kina Miles at Hubberman (1994), na muling binanggit nina
Bernardino, et.al. (2016, 129), ang konseptwal na balangkas ay isang
representasyon sa pasulat o biswal na pamamaraan ng iyong pinag-aaralan sa
pananaliksik tulad ng mga pangunahing salik, konsepto at baryabol. Sa
pamamagitan ng isang konseptwal na balangkas ay nakikita ang hinihinalang
relasyon o kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa. Kailangan ang sapat na kaalaman at
kahusayan ng mananaliksik sa kanyang pagbabatayang konsepto, kaisipan at
teorya.

Halimbawa:
Salin mula sa pananaliksik na “Level of Confidence of Manjuyod Secondary Schools
Athletes as Influenced by Their Coaches’ Coaching
Styles: A Basis for Effective and Efficient Coaching Strategies” Cadorna (2018)
10. Ilahad ang saklaw at limitasyon ng iyong pag-aaral. Bilang mananaliksik
nararapat lamang na alam mo kung hanggang saan ang iikutan ng iyong
isasagawang pag-aaral, kung saan magsisimula at kung ano-ano ang sakop ng
naturang pag-aaral.
Halimbawa:
Saklaw ng pag-aaral na ito ang napiling 34 na atleta sa mga paaralang sekondarya ng
Manjuyod na lumahok sa Negros Oriental Athletic Association (NORAA) na palaro noong
Nobyembre 14-18, 2016. Ang mga atleta na ito ay napili sa ginanap na palarong pandistrito
noong Oktubre 20-21, 2016, sa liwasan ng mataas na paaralan ng Manjuyod National High
School kung saan sinalihan ng sa iba't ibang mga sekundaryong paaralan ng Manjuyod tulad
ng Kauswagan High School, Pancio High School, Sampiniton Community High School,
Manjuyod Science High School, at Manjuyod National High School.
Limitado rin ang pag-aaral na ito sa mga kaganapan o isport na nilahukan ng mga
atleta sa NORAA na kompetisyon, tulad ng Table Tennis, Athletics, Lawn Tennis, Chess, at
Volleyball. Ang pag-aaral ay limitado lamang sa paghahanap ng antas ng kumpiyansa sa
sarili ng mga atleta sa mga paligsahan sa palakasan na naimpluwensiyahan sa mga istilo ng
tagasanay sa kanyang pagsasanay.

Halaw sa pananaliksik na “Level of Confidence of Manjuyod Secondary Schools


Athletes as Influenced by Their Coaches’ Coaching Styles: A Basis for Effective and
Efficient Coaching Strategues” Cadorna (2018)

11. Bigyang katuturan o kahulugan ang mga salita o terminong makailang


gamitin sa pananaliksik. Bigyan ng depinisyon o kahulugan ang mga katawagan,
salita, o pariralang may espesyal na gamit o natatanging kahulugan sa iyong pag-
aaral.
Dalawang Paraan ng Pagbibigay ng Kahulugan
Operasyonal na Pagpapakahulugan – kung saan bibigyang linaw ang mga
katawagan sa paraan kung paano ito gagamitin sa iyong pag-aaral.
Konseptwal na Pagpapakahulugan – tumutukoy naman ito sa istandard na
kahulugang matatagpuan sa diksyunaryo.
Halimbawa:
Ang ilang termino na ginagamit sa pag-aaral na ito ay binigyang kahulugan ng
mananaliksik batay sa gamit para maunawaan ng mga mambabasa ang mga konseptong
inilahad dito.
Antas ng Kahusayan. Sa pag-aaral na ito, ito ay tumutukoy sa damdamin at
paniniwala ng mga atleta tungo sa kanilang kahusayan sa pagganap tuwing may paligsahan.
12. Balikang muli ang mga nabasang kaugnay na pag-aaral at literatura at isa-
isahing isulat at banggitin ang pinaghanguan ng ideya o impormasyon.
Mahalagang mabanggit ng mananaliksik kung kani-kanino hinango ang ideya o
impormasyong binanggit dahil ito ang isa sa magiging sukatan ng iyong katapatan
bilang mananaliksik at magbibigay rin ito ng kredibilidad sa iyong papel
pampananaliksik. Mapatutunayan mo sa mga mambabasa na hindi gawa-gawa
lamang ang mga ideyang binanggit sapagkat sila mismo ay nabibigyan ng
pagkakataon na maaksis ang tunay na pinaghanguan ng mga kaugnay na pag-aaral
at literatura. Mahalagang kasanayang nararapat matutuhan sa pananaliksik ang
karampatang pagkilala sa sanggunian. Ang hindi pagtukoy sa mga sangguniang
libro, artikulo, at iba pa ay malinaw na anyo ng plagyarismo o plagiarism na
lumalabag sa pagiging matapat ng isang mananaliksik.
Iba’t Ibang Estilong Ginagamit sa Paghahanda ng Sanggunian
(Evasco et al. 2011, na binanggit nina Taylan et al. 2016, 173-175)
A. Estilong MLA (Modern Language Association)
Ang estilong MLA ang pinakapopular na estilo ng dokumentasyon sa larangan ng
malayang sining (liberal arts) at humanidades gaya ng wika, literatura, kasaysayan, at
pilosopiya. Sa estilong ito, ipinapaloob sa panaklong o parenthesis ang pagkilala sa may-akda
at inilalagay sa loob mismo ng teksto matapos ang salita o ideyang hinalaw.
Halimbawa:
Ang patakaran sa wika ng edukasyon sa Pilipinas ang pinakakompilkado kung
ikukumpara sa mga nabuong palisi sa Malaysia at Indonesia (127).
Ito ay nararapat tumugma sa sangguniang nasa likod ng saliksik. Halimbawa:
Constantino, Pamela C. Pagpaplanong Pangwika Tungo sa Modenisasyon: Karanasan
ng Malaysia, Indonesia at Pilipinas. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino, 1991.
Print.
B. Estilong APA (American Psychological Association)
Ang estilong APA ang pinakaginagamit na paraan ng dokumentasyon sa larangan ng
agham panlipunan (social sciences) gaya ng sikolohiya, sosyolohiya, antropolohiya,
kasayasayan, agham pampolitika, heograpiya, aralin at komunikasyon (communication
studies), at ekonomiks. Dito, ipinapaloob sa panaklong ang apelyido ng may-akda at taon ng
pagkakalathala; ipinaghihiwalay ang impormasyon ng isang kuwit.
Halimbawa:
Ang patakaran sa wika ng edukasyon sa Pilipinas ang pinakakomplikado kung
ikukumpara sa mga nabuong palisi sa Malaysia at Indonesia (Constantino, 1991).
Maaari ding isama ang pangalan ng may-akda sa daloy ng pahayag at ipaloob na
lamang sa panaklong ang taon ng pagkakalathala ng libro o artikulo.
Halimbawa:
Ayon kay Constantino, ang patakaran sa wika ng edukasyon sa Pilipinas ang ang
pinakakomplikado kung ikukumpara sa mga nabuong palisi sa Malaysia at Indonesia (1991).
Samantala, kung ang binaggit na pangungusap ay direktang sipi (direct citation),
nararapat itong ipaloob sa panipi at maisama rin ang numero ng pahina sa panaklong.
Halimbawa:
“Kagaya ng pagpili sa wikang pambansa, ang Palisi sa Wika ng Edukasyon sa
Pilipinas ang pinakakomplikado kung ikukumpara sa palisi ng Malaysia at Indonesia.”
(Constantino, 1991, p.127).
Nararapat na tumugma ang pagsangguniang ito sa talaan ng mga sangguni sa dulo ng
sulating pananaliksik.
Halimbawa:
Constantino, P.C. (1991). Pagpaplanong pangwika tungo sa modernisasyon:
Karanasan ng Malaysia, Indonesia at Pilipinas. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino.
C. Estilong CMS (Chicago Manual of Style) at Estilong Turabian
Ang estilong CMS ang pinakamatandang nangungunang pamantayan ng
dokumentasyon na unang inilabas ng University of Chicago Press (UCP) noong 1906 at sa
kasalukuyan ay nasa ikalabing-anim nitong edisyon. Hango sa estilong ito ang estilong
Turabian na inilalathala rin ng UCP. Si Kate Larimore Turabian (1893-1987), Graduate
School Dissertation Secretary ng University of Chicago, ang orihinal na may-akda ng A
Manual for Writers of Research Papers, Theses, and Dissertations na pangunahing ginagamit
na gabay sa pagsusulat ng mga papel pananaliksik, tesis, at sisertasyon ng mga institusyong
akademiko sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Dalawa ang batayang pormat ng dokumentasyon sa estilong CMS-Turabian -
ang sistemang tala-bibliograpiya at sistemang parentetikal-talasanggunian.
1. Tala-bibliograpiya
Ang patakaran sa wika ng edukasyon sa Pilipinas ang pinakakomplikado kung
Ikokompara sa mga nabuong palisi sa
Malaysia at Indonesia. 44 Pamela C. Constantino, Pagpaplanong Pangwika Tungo sa
Modernisasyon: Karanasan ng Malaysia, Indonesia at Pilipinas (Lungsod Quezon: Sentro ng
Wikang Filipino, 1991), 127.
Bibliograpiya:
Constantino, Pamela C. Pagpaplanong Pangwika Tungo sa Modernisasyon:
Karanasan ng Malaysia, Indonesia at Pilipinas. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino,
1991.
2. Parentetikal-talasanggunian:
Ang patakaran sa wika ng edukasyon sa Pilipinas ang
pinakakomplikado kung
Ikokompara sa mga nabuong palisi sa Malaysia at Indonesia (Constantino 1991, 127).
Talasanggunian:
Constantino, Pamela C. 1991. Pagpaplanong pangwika tungo sa modernisasyon: Karanasan
ng Malaysia, Indonesia at Pilipinas. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino.

13. Itakda ang metodolohiya ng pananaliksik. Isa-isahin ang kalipunan ng mga


sistematikong pamamaraan ng pagtuklas at proseso ng imbestegasyon na
gagamitin sa pangangalap ng datos sa isasagawang pananaliksik. Kabilang dito
ang disenyo at pamamaraan, hakbang-hakbang na pangangalap ng datos,
pagsusuri ng datos, paglalarawan ng lunan ng pananaliksik at populasyon o
magiging tagasagot, at plano para sa presentasyon ng datos. Nahahati sa limang
mahahalagang bahagi ang nilalaman ng metodolohiya ng pananaliksik (De laza
2016, 150-153).
A. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
Ang disenyo sa pananaliksik ay ang pangkalahatang estratehiya na pinipili ng
mananaliksik upang pagsama-samahin ang lahat ng bahagi at proseso ng pananaliksik sa
maayos at lohikal na paraan. Ito ang nagtitiyak na masagot ng pananaliksik ang suliranin at
matupad ang layunin na itinakda nito. Madalas na ginagamit bilang pangkalahatang
distinksyon ng disenyo ang pagiging kuwantitatibo (quantitative) o kuwalitatibo (qualitative)
ng pananaliksik.
Ang Kuwantitatibong pananaliksik ay tumutukoy sa sistematiko at empirikal na
imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at penomenong panlipunan sa pamamagitan ng
matematikal, estadistikal, at mga teknik na pamamaraan na gumagamit ng kompyutasyon.
Kadalasang ginagamitan din ito ng mga nasusukat at nakabalangkas na pamamaraan sa
pananaliksik gaya ng sarbey, eksperimentasyon, at pagsusuring estadistikal. Kadalasang
tiyak, mapanlahat, at deskriptibo ang konklusyon ng mga pananaliksik na nasa ganitong
disenyo. Ang kuwalitatibong pananaliksik naman ay kinapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat
na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan
na gumagabay rito. Ang kagamitang ginagamit sa pangangalap ng datos sa ganitong uri ay
walang tiyak na estruktura o kakikitaan lamang ng bahagyang estruktura at hindi ginagamitan
ng pagsusuring estadistikal ang datos na nakakalap. Ito ay nag-uusisa at ekploratori. Hindi ito
makapagbibigay ng tiyak at mapanlahat na kongklusyon, bagkus ay layunin lamang nitong
magpaliwanag at magbigay ng inisyal na pagkaunawa tungo sa pagbuo ng desisyon.
Kung ang disenyo ay tumutukoy sa kabuuang balangkas at pagkaayos ng panaliksik,
ang pamamaraan naman ay kung paanong mabibigyang-katuparan ang disenyo. Iba’t ibang
pamamaraan ang maaaring isagawa ng isang mananaliksik batay sa itinakdang suliranin ng
pananaliksik. Narito ang ilang batayang pamamaraan:
a. Sarbey. Isang metodo na ginagamit upang mangalap ng datos sa sistematikong
pamamaraan sa isang tiyak na populasyon o sampol ng pananaliksik.
b. Pakikipanayam o Interbyu. Ito ay pagkuha ng impormasyon sa isang kalahok na
may awtoridad o di kaya ay may personal na pagkaunawa sa paksa ng pananaliksik.
Naglalayon ito na kumuha ng malalim at malawak na impormasyon mula sa taong
kakapanayamin.
c. Dokumentaryong pagsusuri. Isang pamamaraan sa pananaliksik na ginagamit
upang kumalap ng impomasyon na susuporta at magpapatibay sa mga datos ng pananaliksik
sa pamamagitan ng analitikal na pagbasa sa mga nasusulat na komunikasyon at dokumento
upang malutas ang mga suliranin.
d. Nakabalangkas na Obserbasyon at Pakikisalamuhang Obserbasyon. Ang
nakabalangkas na obserbasyon ay pagmamasid ng mananaliksik sa mga kalahok na ang
pokus ng pag-aaral habang sistematikong itinatala ang kanilang pagkilos, interaksiyon, at
pag-uugali sa pamamagitan ng gabay sa obserbasyon. Maaring maging bahagi ng tala ang
lahat ng pangyayaring namamasid. Ang palisalamuhang obserbasyon naman ay pag-aaral sa
kilos, pag-uugali, at interaksiyon ng mga kalahok sa isang likas na kapaligiran. Kasabay ng
sistematikong obserbasyon, ang mananaliksik ay nakikisalamuha at nakikisali sa karaniwang
mga proseso o pamumuhay ng mga tao sa isang komunidad.
B. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik
Nakasaad dito ang mga batayang impormasyon tungkol sa kalahok ng pananaliksik.
Kabilang sa mga ito ay kung sino, tagasaan, o kaya ay kung sa anong institusyon o
oraganisasyon may kaugnayan ang kalahok. Ibinibigay ang mga batayang impormasyon gaya
ng propesyon, edad, at kasarian depende sa pangangailangan ng pananaliksik. Ipinapaliwanag
din dito kung saan gagawin ang pananaliksik at ang proseso ng sampling na pinagdaanan at
kung ano ang dahilan o pinagbatayan ng pamimili ng kalahok.
C. Kasangkapan sa Paglikom ng datos
Nakabatay sa disenyo at pamamaraan ang instrumento. Halimbawa, kung
magsasagawa ng pakikipanayam, kailangan ang gabay sa panayam o talaan ng mga tanong.
Kung obserbasyon, kailangan din ang talaan o checklist na magsisilbing gabay sa mga dapat
bigyang-pansin sa obserbasyon, o kung sarbey naman ay questionnaire o talatanungan.
Kailangang lagging nasa isip ng mananaliksik kung masasagot ng instrument ang mga
suliranin ng pananaliksik.

D. Paraan sa Paglikom ng Datos


Ito ay ang hakbang-hakbang na plano at proseso sa pagkuha ng datos. Maaaring
gumawa ang mananaliksik ng dayagram upang maipakita ang mga hakbang sa pangangalap
ng datos o kaya ay ilahad lamang ang mga ito. Halimbawa: Isasagawa ng mananaliksik ang
reability test ng mga instrumentong ginamit sa pananaliksik. Susulat ng liham at humingi ng
pahintulot upang makapamahagi ng mga talatanungan, at iba pa.
E. Paraan ng Pagsusuri ng Datos
Itatala rito kung paano gagawing sistematiko ang presentasyon ng datos para sa mas
madaling interpretasyon at pagsusuri. Kung kuwantitatibo ang pananaliksik, nakapaloob dito
ang iba’t ibang estadistikal na pamamaraan para sa kompyutasyon at pagsusuri ng datos.
Kung kuwalitatibo naman, madalas na tinutukoy rito kung paanong isasaayos at bubuuin ang
mga kategorya o maliliit na paksa na magpapaliwanag sa mga datos na nakalap.
14. Mamahagi ng talatanungan sa mga respondente. Pagkatapos maitakda ang
metodolohiya sa pananaliksik, gumawa ng liham na humihingi ng pahintulot
upang makapamahagi ng mga talatanungan sa mga respodente. Kung aprobado na
sa mga kinaukulan ang liham ay pwede nang umpisahan ang pangangalap ng
datos sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga sarbey- kwestyuner.

15. Kolektahin at tipuning muli ang mga nasagutang talatanungan ng mga


respondente. Balikan ang lunan ng mga respondente ayon sa naitalang iskedyul
ng pangungulekta ng mga ibinigay na talatanungan. Tiyaking lahat ng mga
katanungan ay nasagutan ng mga respondente at mapagpakumbabang
magpasalamat sa mga ito bago umalis.
16. I-tally ang mga impormasyon o sagot ng mga respondente. Tingnan isa-isa ang
mga talatanungan at i-tally ang bawat sagot ng mga respondente. Kailangang
walang makakaligtaang impormasyon sa pagtatally nang sa gayon magiging akma
ang bilang ng sagot sa bilang ng iyong kabuuang populasyon o bilang ng mga
respondente.
17. Ilahad ang presentasyon at interpretasyon ng mga datos mula sa nalikom na
impormasyon. Sa kabuuan, mayroong dalawang pamamaraan ang paglalarawan
at pagbibigay ng interpretasyon sa mga datos na nakalap mula sa sarbey; ang
tabular na presentasyon at ang tekstwal na paliwanag. Sa pagpili ng tabular na
presentasyon, mahalagang maisaalang-alang kung anong presentasyon ang angkop
sa datos na ilalarawan o ihaharap. Ilan sa mga halimbawa rito ay ang talahanayan
(table), bar na grap, line graph o talangguhit, pie grap, mapa, ilustrasyon, tsart ng
proseso, pikto grap at iba pa. Pagkatapos ng tabular na presentasyon ay susundan
kaagad ito ng tekstwal na interpretasyon o pasulat na paliwanang upang mas
makikita ang pagkakaugnay-ugnay ng mga datos. Sa tekstwal na paliwanag,
sikaping nasa iisang talata lamang ang paliwanag at dapat walang kongklusyon na
naipahayag ang mananaliksik ukol sa datos na binibigyan nito ng interpretasyon
(Bernardino, et al. 2016, 147).
18. Bumuo ng Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon. Ilalahad sa lagom ang
buod ng ginawang pananaliksik samantalang sa kongklusyon ay natutungkol sa
mga natuklasan sa pananaliksik at dapat tumugma sa layunin ng pag-aaral. Ang
rekomendasyon naman ay dapat magtaglay ng mga praktikal na mga suhestyon na
kung papaanong mas mapabubuti pa o mareresolba ang kasalukuyang
iniimbestigahan sa pananaliksik na isinagawa.
Mula sa ating tinalakay na hakbang sa pagbuo ng makabuluhang pananaliksik ay
pwede na nating isa-isahin ang mga bahagi ng pananaliksik (Elnar at Decipolo 2017, 250-
252). Ito ay ang sumusunod:
MGA BAHAGI NG SULATING PANANALIKSIK
A. Mga Paunang Pahina
1. Pamagat - Sa pahinang ito nakasulat ang pamagat ng pananaliksik, pangalan ng
mananaliksik, pangalan ng guro, asignatura, at petsa ng pagpapasa.
2. Talaan ng Nilalaman - Nakapaloob dito ang balangkas, bilang ng pahina, at
pagkakasunod-sunod ng magiging nilalaman ng pananaliksik. Magsisilbing gabay ito sa
mabilis at sistematikong pagbasa sa nabuong pag-aaral.
3. Talaan ng Talahanayan at Graf - Nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at
graf na nasa loob ng papel pananaliksik at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang
bawat isa.
4. Dahon ng Pagpapatibay - Ang pahinang ito ang magpapatunay ng pagtanggap ng
mga kinauukulan sa pananaliksik na ipinasa. Marapat na makita rito ang lagda ng guro o
tagapayo na maaaring bumasbas sa pagkakapasa ng pananaliksik.
5. Pag-aalay at Pasasalamat - Inilalagay ng mananaliksik sa pahina ng pag-aalay
kung para kanino isinulat ang pananaliksik o sino ang naging inspirasyon sa pagsulat nito.
Kinikilala naman sa pasasalamat ang lahat ng mga nag-ambag at naging bahagi sa
isinagawang pananaliksik kung gayo’y nararapat pasalamatan o kilalanin.
6. Abstrak - Nakatala sa abstrak ang pangkalahatang pagtingin sa naging pag- aaral.
Marapat na nakalagay rito ang buod ng layunin, metodolohiya, lagom, kongklusyon, at
rekomendasyon ng pananaliksik.
B. KABANATA I - ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW NITO
1. Panimula o Introduksyon – ito ang taguri sa makatuwiran, siyentipiko at malinaw
na paglalahad ng batayang sanligan kung bakit kailangang pag-aralan ang nasabing paksa.
Sinasagot nito ang tanong na: Ano ang saysay ng pag-aaral at pagsasaliksik ng partikular na
paksang ito sa panahon ngayon?
2. Layunin ng Pag-aaral/Paglalahad ng Suliranin – Dito inilalahad ang
pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral. Ang nasabing
layunin ay ipinapahayag sa isang tiyak na surinanin sa anyong patanong. Nilalaman din ng
bahaging ito ang mga batayang suliranin, isyu, mga pangyayari, haka-haka at kasalukuyang
kalagayan ng paksa na siyang nagbibigay saysay upang ito ay bigyan ng pansin at paglaanan
ng pananaliksik. Sinagot nito ang tanong na: Ano-ano ang mga isyu at suliraning lulutasin ng
pananaliksik na ito?
3. Ipotesis o Haypotesis – ito ang pinakalohikal o pinakamakatuwirang mga palagay
ukol sa isyu na inilalagay sa unang bahagi ng pananaliksik nang sa huli ay mapatunayan,
mapatibay, masusugan o mapasubalian. Sinasagot nito ang tanong na: Ano-ano ang mga
makatwirang pagpapalagay ng mananaliksik ukol sa kanyang paksa?
4. Kahalagahan ng Pag-aaral – inilalagay sa bahaging ito ng pananaliksik ang mga
tiyak na kahalagahan ng pananaliksik sa iba’t ibang mambabasa ng pag-aaral. Maaaring ito
ay mahalaga sa: mag-aaral, magulang, guro, paaralan, mananaliksik, susunod na
mananaliksik, at iba pa. Sinasagot nito ang tanong na: Ano ang saysay ng pananaliksik na ito
sa atin sa kasalukuyan at hinaharap?
5. Depinisyon ng mga Terminolohiya/Katuturan ng mga Katawagang Ginamit –
bahagi ng pananaliksik na nagsisilbing kalipunan ng mga terminong ginamit sa isang
pananaliksik. Binibigyang-kahulugan ang mga termino batay sa kung paano ito ginamit sa
pananaliksik. Nakaayos sa normal na pagkakasunod-sunod ng alpabeto ng mga termino.
6. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral – tinitiyak sa bahaging ito ng pananaliksik
ang magiging tunguhin ng pag-aaral at ang pangunahing pokus ng paksa. Malinaw na
inilalahad dito kung sino-sino at ano-ano ang kabahagi ng pananaliksik, mula at hanggang
kalian ito gagawin maging ang lugar kung saan ito isasagawa at kung ano-ano pa ang mga
bagay na tatalakayin at hindi na tatalakayin sa pananaliksik. Sinasagot nito ang tanong na:
Mula saan, hanggang kalian, at sino-sino ang kabahagi ng pananaliksik na ito?
7. Batayang Teyoretikal ng Pag-aaral – ay mga teoryang nabuo na; ito ang
magsisilbing gabay o batayan upang mapatibay ang isang pananaliksik. Mahalagang
maglahad ng mga teorya bilang suporta sa pagsasagawa ng isang pananaliksik. Ang mga
teoryang ito ang magpapatunay kung bakit napapanahon ang isang pag-aaral.
8. Balangkas Konseptwal ng Pag-aaral - ito ang bahagi na nagpapakita ng isang
representasyon sa pagsulat o biswal na pamamaraan sa pinag-aaralan sa pananaliksik tulad ng
mga pangunahing salik, konsepto at baryabol. Sa papagitan ng balangkas na ito ay nakikita
ang hinihinalang kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa. Binubuo ito ng Paghahanda(input),
Proseso (process) at Kinalabasan (Output).
9. Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral – tatalakayin sa bahaging ito ang mga
literatura na may kaugnayan sa tinalakay na paksa. Nararapat na sikapin ng mga
mananaliksik na ang mga nasabing literatura ay may local, nasyunal at internasyunal na
literatura at di pa nagtatagal ng sampung taon mula nang maisulat ang mga ito. Ang nasabing
ideya ay iaaplay rin sa kasunod na mga naunang pag-aaral ukol o kaugnay sa paksang
tinalakay sa pananaliksik.
10. Metodolohiya ng Pananaliksik
a. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik – ito ang bahagi na kung saan pinipili
ng mananaliksik ang pangkalahatang estratehiya upang pagsama- samahin ang lahat ng
bahagi at proseso ng pananaliksik sa maayos at lohikal na paraan. Ito ang nagtitiyak na
masasagot ng pananaliksik ang suliranin at matutupad ang layunin na itinakda nito. Kung ang
disenyo ay tumutukoy sa kabuuang balangkas at pagkakaayos ng pananaliksik, ang
pamamaraan naman ay kung paanong mabibigyang-katuparan ang disenyo.
b. Respondente/ Lokal at Populasyon ng Pananaliksik - Sa bahaging ito ng
metodolohiya, nakasaad ang mga batayang impormasyon tungkol sa kalahok ng pananaliksik.
Kabilang sa mga ito ay kung sino, tagasaan, o kaya ay kung sa anong institusyon o
organisasyon may kaugnayan ang kalahok. Ibinibigay ang batayang impormasyon gaya ng
propesyon, edad, at kasarian depende sa pangangailangan ng pananaliksik. Ipinapaliwanag sa
bahaging ito ang proseso ng sampling na pinagdaanan para matukoy kung ilan ang
respondente at kung ano ang dahilan o pinagbatayan ng pamimili ng pamimili sa mga ito.
Ilalagay rin sa bahaging ito kung saan gagawin ang pananaliksik.
c. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos / Instrumento ng Pananaliksik – ilalahad
dito ang uri ng kasangkapan o instrumenting gagamitin upang maisagawa ang pamamaraan
ng pananaliksik. Nakabatay sa disenyo at pamamaraan ang instrument. Halimbawa, kung
magsasagawa ng pakikipanayam, kailangan ang gabay ng panayam o talaan ng mga tanong.
Kung obserbasyon naman, kailangan din ang isang talaan o listahan na magsisilbing gabay sa
mga dapat bigyang-pansin sa obserbasyon, o kung sarbey naman ay kwestyuner o
talatanungan. Kailangan laging nasa isip ng mananaliksik kung masasagot ng instrument ang
mga suliran ng pananaliksik.
d. Paraan ng Paglikom ng mga Datos – Nilalaman ng bahaging ito ang hakbang-
hakbang na plano at proseso sa pagkuha ng datos.
e. Pagsusuring Estadistika/Paraan sa Pagsusuri ng Datos – Kung kuwantitatibo
ang pananaliksik, nakapaloob sa sa bahaging ito ang iba’t ibang estadistikal na pamamaraan
para sa kompyutasyon at pagsusuri ng datos. Kung kwalitatibo naman, madalas na tinutukoy
rito kung paanong isasaayos at bubuuin ang mga kategorya o maliit na paksa na
mapapaliwanag sa mga datos na nakalap. Ilalagay rin sa bahaging ito kung paano gagawing
sistematiko ang presentasyon ng datos para sa mas madaling interpretasyon at pagsusuri.
C. Kabanata II - Paglalahad, Pagsusuri, at Pagpapakahulugan sa mga Datos Makikita sa
bahaging ito ang kinalabasan ng pag-aaral, sistematikong pagsusuri, at interpretasyon nito. Ito
ang nagpapakita ng kontribusyon ng mananaliksik sa pag- unlad ng kaalaman sapagkat
binibigyan niya ng panibagong pagsusuri ang mga orihinal na datos na nalikom sa
pananaliksik. Bahagi rin ng diskusyon ang iba’t ibang pamamaraan ng presntasyon ng datos
gaya ng tsart, talahanayan, at dayagram.
D. Kabanata III – Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
1. Lagom – Sa lagom inilalahad ang buod ng pananaliksik na kung saan ginagamitan
ng aspekto ng pandiwa na pangnakaraan o natapos na. Mahalagang maibuod ang layunin ng
pananaliksik, kahalagahan, saklaw at limitasyon, disenyo at pamamaraang ginamit,
respondente at tritment ng mga datos. Sa pagbuo ng lagom, mahalagang maisaulo ng mga
mananaliksik na walang deduksiyon o karagdagang opinyon hinggil sa paksang tinalakay
sapagkat mahigpit na ipinagbabawal ang pagdaragdag ng bagong datos na natuklasan.
2. Kongklusyon – Ito ay isang makatotohanang tuklas sa pananaliksik at dapat na
nakaayon sa mga katanungan sa layunin ng isinagawang pag-aaral.
3. Rekomendasyon – Taglay ng bahaging ito ang mga praktikal na mga suhestiyon sa
kung papaanong mas mapabubuti pa o mareresolba ang kasalukuyang iniimbestigahan sa
isinagawang pananaliksik.
E. Listahan ng mga Sanggunian
Ang bahaging ito ay isang kompletong tala ng lahat ng mga hanguan o sorses na
ginamit ng mga mananaliksik sa kanayang isinagawang pag-aaral.
F. Karagdagang Pahina/Apendiks
Nakapaloob dito ang ilang karagdagang dokumento na ginamit sa pananaliksik
halimbawa: aprobadong liham, transkripsyon ng interbyu, sampol ng sarbey- kwesyoneyr,
bio-data, ng mananaliksik, mga larawan, kliping at kung anu-ano pa.

ISAISIP
Ang pag-aaral sa mga hakbang sa pagsulat ng makabuluhang pananaliksik ay
makapagbibigay sa bawat mananaliksik ng sapat na kakayahan sa pagtuklas sa mga kaalaman
o impormasyon at mga kasanayan sa pagsusuri sa pagkakabuo ng isang makabuluhang
pananaliksik hinggil sa wika at kulturang Pilipino. Tandaang, mananatiling matatag at
nakatindig ang wika at kultura ng ating bansa kung patuloy natin itong nililinang,
tinatangkilik at pinahahalagahan.

GAWAIN (PAGSASANAY PARA SA SUSUNOD NA GAWAIN) Ito’y sagutan mo sa


iyong sanayang papel para sa paghahanda sa pangwakas na gawain.
Narito ang dalawang sipi ng pananaliksik. Bigyang-pansin ang mga datos na
nakapaloob dito at pagkatapos mabigay ng pangkalahatang reaksyon mo sa pagbabasa nito.
Isulat mo ito sa iyong kwaderno.
A. Unang Sipi: (Mula sa artikulong “Kapamilya ko sa Filipino, Kaibigan ko si Ingles:
Metapora at Tema ng Pakikitungo sa Filipino at Ingles at Pagtingin sa
Bilinggwalismo ng Kabataang Filipino” ni Krupskaya M. Añonuevo, nina Taylan,
et al. 2016, 180)
Narito ang dalawang sipi ng pananaliksik. Bigyang-pansin ang mga datos na nakapaloob dito
at pagkatapos mabigay ng pangkalahatang reaksyon mo sa pagbabasa nito. Isulat mo ito sa
iyong kwaderno.

A. Unang Sipi: (Mula sa artikulong “Kapamilya ko sa Filipino, Kaibigan ko si Ingles:


Metapora at Tema ng Pakikitungo sa Filipino at Ingles at Pagtingin sa Bilinggwalismo ng
Kabataang Filipino” ni Krupskaya M. Añonuevo, nina Taylan, et al. 2016, 180)
Ang Pilipinong Bilingguwal at ang Kanyang Pangwikang Motibasyon at Saloobin
Noong dekada 70, nagpahiwatig ang mga pananaliksik na ang pag-aaral ng Ingles ay
may “instrumental” na motibasyon. Ang mga pangunahing layunin noon ng mga Pilipino sa
pag-aaral ng Ingles ay para mas maiging maihayag ang kanilang nais sabihin, maipakita na
sila ay edukado, at makamtan ang panlipunan at pangkabuhayang tagumpay. Isa sa mga
bagay na binigyang-pansin ay ang pag-identify ng mga Pilipino (Pascasio 2005; Llamzon
1984, na nabanggit sa Viado 2007).
Sa kabilang banda, integratibo ang layunin para sa pag-aaral ng Filipino (Otanes at
Sabayan 1996, na nabanggit sa Pascasio 2005). Ang ibig sabihin nito, kung ang pagkatuto ng
Ingles ay para sa potensyal na pagkamit ng mga benepisyo katulad ng magandang trabaho,
ang pagkatuto naman ng Filipino ay may kinalaman sa interes sa mga tao at kulturang
kinatawan ng wikang ito (Lambert 1974).
Pagkatapos isakatuparan ang polisiyang bilingguwal, napagtantong nagkaroon ng
pagkakaiba sa motibasyon para sa dalawang lengguwahe (Pascasio 2005). Maaaring dahil
ang Filipino ay nakitang midyum ng pakikipagtalastasan sa loob ng klasrum, nakitang
kailangang maging magaling sa lengguwaheng ito.
Sa isang pag-aaral naman ni Emy Pascasio, natuklasan na bukod sa simboliko at
sentimental na kahalagahan ng Filipino sa pagpapatuloy ng mga kultural na tradisyon at
pagiging mahusay na pinuno, may mga instrumental ding attachment o pagkakaugnay rito
ang mga kalahok bilang paraan para magkaisaang bayan, wikang panturo, at komunikasyon
para magawa ang mga bagay-bagay. Ang mga kalahok ay mayroon ding parehong
sentimental at instrumental na pagkakaugnay sa Ingles; ang abilidad na pahangain ang iba,
magpahiwatig ng reputasyon, at magpataw ng control ay mga
sentimental na pagkakaugnay, habang ang pagpapabilis ng pinansyal na tagumpay,
modernisasyon, at pagiging kawing nito sa ibang parte ng mundo naman ang instrumental
(Pascasio 1990).
Sa mga mas bagong pananaliksik nina Gloria Fuentes at Leonisa Mojica at Yoshihiro
Kobari (1999, na nabanggit sa Pascasio 2005), nakitang positibo ang pagtingin ng mga
kalahok sa Filipino – sa paggamit at pag-aaral nito. Mukhang naimpluwensiyahan ng
pagkakaroon ng kamalayang makabayan at kagustuhang mapangalagaan ang
pagkakakilanlang Pilipino ang kanilang kagustuhang matuto ng Filipino.
Dapat sigurong bigyang-diing bagama’t positibo ang pagtingin sa Filipino ang mga
kalahok sa pag-aaral nina Fuentes at Mojica (1999, na nabanggit sa Pascasio 2005), mas
positibo ang pagtingin sa Ingles.
Mahigit isang dekada na rin ang dumaan nang malathala ang mga pag-aaral na ito.
Anon a kaya ang profile ng mga Pilipinong bilingguwal pagdating sa kanyang motibasyon at
saloobing pangwika? Sa kabila ng polisiyang papalit-palit pagdating sa wikang panturo at
pagkiling sa Ingles ng maraming larangan, paano niya tinitingnan ang Filipino? Ang Ingles?
Ano ang kanyang relasyon sa dalawang wikang ito? Ano ang kanyang opinion at damdamin
sa kanayang pagiging bilingguwal?

Pamantayan sa Paglalagom

Nilalaman 5 4 3 2 1

Mahusay na Naipakilala ang Kailangang linawin Hindi malinaw ang Lubos na hindi
Pamagat naipakilala ang pananaliksik sa ang ilang bahagi pamagat at hindi malinaw ang
pananaliksik sa malinaw at ng pamagat upang naipakilala ang pamagat at hindi
malinaw at malikhaing paraan maunawaan ang paksa naipakilala ang
malikhaing paraan mula sa ibinigay paksa paksa
mula sa na pamagat
ibinigay na
pamagat
Malinaw na Nailalatag ang Hindi gaanong Hindi malinaw Lalong hindi
Hinangong nailalatag ang mga hinangong nailalatag ang ang malinaw ang
Pahayag mga hinangong ideya at kinikilala mga hinangong pagkalalatag ng pagkalalatag ng
ideya at ang ideya at di mga ideya mga ideya
mahusay na pinanggagaling gaanong at di at lubhang di
kinikilala ang an ng mga kinikilala ang nabibigyang nabibigyang
pinanggagaling pahayag pinanggagaling pansin ang pansin ang
an ng mga an ng mga pagkilala sa pagkilala sa
pahayag pahayag pinanggagaling pinanggagaling
an ng mga an ng mga
pahayag pahayag
Mahusay na Naitatala ang Hindi gaanong Walang Hindi
Layunin at naitatala ang mga layunin at naitatala ang katiyakan ang maunawaan ang
Paghahaka magkakaugnay nakabubuo ng magkakaugnay mga layunin at mga layunin at
na mga layunin paghahaka na layunin at di hindi hindi
at malinaw na mula rito. gaanong nakabubuo ng nakabubuo ng
nakabubuo ng nakabubuo ng paghahaka paghahaka
paghahaka paghahaka kaugnay rito kaugnay rito
mula rito. mula rito
Mahusay at Naibabahagi ang Hindi gaanong Kulang sa Kulang na
Kahalagaha lohikal na mga ideya at naibabahagi ang katiyakan at kulang sa
n, Saklaw at naibabahagi ang nakapaghahati d mga ideya at malabo ang katiyakan at
Limitasyon, mga ideya at ng kaalamang hindi gaanong ibinahaging lubhang
nakapaghahati d madaling nakapaghahati d ideya malabo ang
at
ng kaalamang maunawaan ng ng kaalamang ibinahaging
Katuturan ng ideya
mga madaling mambabasa medaling
Kataga maunawaan ng maunawaan ng
mambabasa mambabasa
Maayos na Nailalatag ang May ilang Maraming Hindi sumunod
Sanggunian paglalatag ng mga pagwawastong pagwawastong sa estilo ng
sanggunian at sanggunian nararapat nararapat pagsangguni
nasusunod ang batay sa gawin sa mga gawin batay sa
tamang estilo tamang estilo sanggunian itinakdang
ng batay sa estilo ng
pagsangguni itinakdang pagsangguni
estilo

Kabuuan: /25 puntos

Pagpapakahulugan:
24 - 25 – Napakahusay
21 – 23 - Mahusay
18 – 20 – Mahusay-husay
15 – 17 – Kailangan ng husay
5 – 14 – Pag-aralan pa sana ang pagsulat

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan – Modyul 8:
PAGSULAT NG PANIMULANG PANANALIKSIK

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


1. Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan
sa bansa. (F11EP-IIij-35)

PAGLALAHAD
Ang pananaliksik ay isang pakikipagtipan sa hindi-batid na kaalaman.
-Nilo Rosas

Ayon kay Bernales (2009), ang sulating pananaliksik ay kadalasang nagsisilbing


kulminasyon ng mga pasulat gawain kaugnay ng pag-aaral ng isang paksa. Isa sa sukatan nito ay ang
presentasyon at pagkakaayos ng mga bahagi at nilalaman. Kung gayon, marapat lang na maging
pamilyar ang isang mananaliksik sa mga bahagi at nilalaman ng isang sulating pananaliksik. Kaya’t sa
araling ito ay sabay-sabay nating alamin ang mga bahagi ng sulating pananaliksik.

Bahagi ng Sulating Pananaliksik


Kabanata I: Ang Suliranin at Sanligan ng Pag-aaral
A. Panimula o Introduksyon
Ito ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng
pananaliksik.
B. Paglalahad ng Suliranin
Inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral. Tinutukoy rin
dito ang mga ispesipik na suliranin na nasa anyong patanong.
C. Kahalagahan ng Pag-aaral
Inilahad ang signipikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag- aaral. Tinutukoy rito ang
maaaring maging kapakinabangan o halaga ng pag- aaral sa iba’t ibang indibidUwal, pangkat,
tanggapan, institusyon, propesyon, disiplina o larangan.
D. Balangkas Konseptwal ng Pag-aaral
Tumutukoy sa konsepto ng mananaliksik o ang daloy ng isang pag-aaral.
E. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
Tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik. Dito itinatakda ang parameter ng pananaliksik
dahil tinutukoy rito kung ano-ano ang baryabol na sakop at hindi sakop ng pag-aaral.
F. Depinisyon ng mga Terminolohiya
Itinala ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa’y binigyan ng
kahulugan. Ang pagpapakahulugan ay maaaring konseptwal (ibinibigay ang istandard na depinisyon
ng mga katawagan) o
operasyunal (kung paano iyon ginamit sa isang pananaliksik).
G. Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
Ayon kay Riley (2016), ipinaliliwanag sa bahaging ito ang detalye kung paano isinagawa ang
pag-aaral tulad ng paglalarawan sa disenyong ginamit sa pananaliksik, mga kalahok, lugar na
pinagdausan ng pananaliksik, instrumentong ginamit at kung paano ito ginamitan ng istatistikal na
paglalapat.

1. Disenyo ng Pananaliksik
Nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral. Iminungkahi nina Bernales
(2009) na gawing pinasimple, ang deskriptib- analitik na isang disenyo ng pangangalap ng mga datos
at impormasyon hinggil sa mga salik o factors na kaugnay ng paksa ng pananaliksik.
Mga Pangunahing Disenyo ng Pananaliksik
a. Palarawang pananaliksik o deskritibo
Ang mga kaganapan sa pag- aaral na ginagamitan ng palarawang pananaliksik ay
kinapapalooban ng pagtatala, paglalarawan, pagpapakahulugan, pagsusuri at paghahambing.
Layunin ng ganitong disenyo na sisitematikong mailarawan ang sitwasyon at kundisyon nang
makatotohanan at buong katiyakan. Ito ay binubuo ng obserbasyon, pagsasagawa ng sarbey,
panayam, standardized tests at case studies.
b. Pangkasaysayang pananaliksik o historikal
Ang pokus sa ganitong disenyo ay sa pag-aaral sa mga nakaraang pangyayari na
iniuugnay sa pangkasalukuyan at panghinaharap na panahon. Layunin nitong maitama o maiayos
ang mga pangyayari mula sa nakaraan patungo sa kasalukuyan at sa hinaharap.
c. Pananaliksik eksperimental
Ang disenyong ito ay tumutukoy sa kaugnayan ng sanhi at bunga ng isang baryabol.
2. Respondente
Tinutukoy kung ilan, paano at bakit sila napili sa sarbey.
Paraan ng Pagpili ng Kalahok
a. Random Sampling – pagkakapantay-pantay ng oportunidad upang gumawa ng mga sampol
b. Cluster Sampling- hahatiin ang populasyon sa cluster at mamimili ang mananaliksik kung ilang
cluster ang kukunin batay sa research
c. Stratified Sampling- hinahati ng mananaliksik ang populasyon sa mga subgroups
d. Multi-stage Sampling-binabatay ang sampling na nahahati
3. Instrumento ng Pananaliksik
Inilalarawan ang paraang ginamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga
datos at impormasyon. Iniisa-isa rito ang mga hakbang na kanyang ginawa at kung maaari, kung
paano at bakit niya ginawa ang bawat hakbang.
Pamamaraan ng Pangongolekta ng Datos
May limang pangunahing pamamaraan ng paglikom ng mga datos; ang pagpapasya sa kung
anong pamamaraan ang gagamitin o pipiliin ay nararapat na ibatay sa suliranin at sa pagnanais ng
mananaliksik na maging katiwa-tiwala at balido ang mga datos.
a. Pagmamasid o obserbasyon.
Ang mga mananaliksik ay nagmamasid sa lugar ng kanyang pananaliksik. Ang
pamamaraang ito ay maaaring gamitin sa mga imbestigasyong palarawan o eksperimental, ngunit
hindi sa pag-aaral na pangkasaysayan.
b. Pakikipanayam o interbyu.
Kawili-wili at kapanapanabik na gawain ng pagkuha ng mga impormasyon sa tulong
pagtatanong sa mga tao o awtoridad na may kinalaman o may malaking maitutulong sa
ginagawang pananaliksik.
c. Silid-aklatan o laybrari.
Ang lahat ng mga kabatirang kailangan: mga aklat, babasahin, peryodiko, magasin at
iba pang sanggunian ay maaaring magamit sa isang pananaliksik.
d. Internet.
Pinakamalaki at pinakamalawak na gamitin ng kompyuter network; pinag-uugnay
nito ang milyon-milyong mga kompyuter sa buong mundo. Ilang paraan ng pagkuha ng
impormasyon mula sa internet.
•Email. Ito ay pagpapalitan ng sulat na hindi na ngangailangan ng selyo at hindi na kailangan pang
maghintay ng ilang lingo para sa kasagutan nito.
•Riserts at Balita. Mga website o search engines sa pagkuha ng mga impormasyon o datos. Lipon ng
mga nakasulat na tanong ukol sa isang paksa, inihanda at ipinasagot sa layuning makakuha ng mga
sagot at opinyon mula sa mga taong kalahok sa pananaliksik. Napakahalagang instrumento sa
pangangalap ng impormasyon.
e. Talatanungan o Sarbey Kwestyuneyr.
Metodo sa isang pananaliksik na ginagamit ng mananaliksik kung saan sinusulat ang
mga tanong at pinapasagutan sa mga respondente nito. Ito ang pinakamadaling paraan ng
pangangalap ng datos. Ito ay isang paraan ng pangangalap ng mga impormasyon upang makabuo
ang mananaliksik ng konklusyon batay sa pinag-aaralan. Ito ay makatutulong upang maging valid
at reliable ang pananaliksik (https://bit.ly/306Ggk4). Ang bawat talatanungan ay kinakailangang
may kalakip na sulat, na magalang na humihingi ng kooperasyon mula sa respondente na
magbigay ng tamang impormasyon.
Dalawang uri ng Talatanungan
1. Bukas na talatanungan binubuo lamang ng mga tiyak na katanungan.
2. Saradong talatanungan kadalasang ginagamit dahil ang bawat tanong na nakasulat dito ay may
kalakip na mga sagot na pagpipilian ng mga kalahok.
Ang isang talatanungan ay kinakailangang:
•Maikli hangga’t maaari
•Malinis at presentable
•Naglalaman ng mahalagang paksa
•Simple, at hindi maligoy at abot sa pang-unawa ng respondente
4. Tritment ng datos
Inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga numerikal na datos ay
mailarawan.
H. Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa ng pananaliksik ay
nakapaloob sa bahaging ito.
Ang mga pag-aaral at literaturang tutukuyin at tatalakayin dito ay iyong mga bago o nalimbag
sa loob ng huling sampung taon. Siguraduhing ang mga materyal na gagamitin ay obhetibo o walang
pagkiling, nauugnay o relevant sa pag-aaral, at sapat ang dami o hindi napakakaunti o napakarami
Halimbawa ng isang panimulang pananaliksik.
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW NITO

Panimula
Isa sa mga pangunahing itinaguyod ng Departamento ng Edukasyon (DepEd) sa Filipinas ay
ang tuntunin sa pagpapatupad sa paggamit ng wikang Filipino at English sa lahat ng antas na paaralan
na napapaloob sa Konstitusyon ng 1987. Ang pagiging kompetent ng mga guro at estudyante sa
larangan ng Ingles at Filipino gayundin sa katutubong wika ay binibigyang pansin ng DepEd.
Ang pagiging kompetent ng mga guro at estudyante sa larangan ng English at Filipino
gayundin sa katutubong wika ay binibigyang pansin ng DepEd. Pinaniniwalaan na ang pagtatamo ng
functional na kaalaman sa wika ay nakatutulong sa paglinang at pag-unlad ng bansa.
Sa kasalukuyang makabagong panahon ma tinatawag ng marami na panahon ng Information
Technology, kapansin-pansin ang malaganap na interes sa penomena ng komunikasyon (Bernales
et.al 2013).
Ayon kay Lado (2017), ang kakayahan sa pagsasalita Speaking skills ay ang kakayahang
ipahayag ang sarili sa mga sitwasyon sa buhay o ang kakayahang magpahayag ng ideya.
Ayon sa resulta sa sarbey ng Philippine Government na ang mga mag-aaral sa kanayunan at
lunsod ay may mababang antas ng karunungang bumasa't sumulat. Ibig sabihin, ang mga Pilipinong
estudyante ay may mababang kakayahan sa pagbabasa na nauugnay sa mababang kasanayan sa wika
ng mga guro ng pampublikong paaralan, maging Ingles man o Filipino (Wilson, 2009).
Nahikayat ang mananaliksik na pag-aralan ang kompetensi sa pagsasalita sa kasalukuyang
sitwasyon sa klase upang malaman kung gaano ka kompetent sa pagsasalita ng wikang Filipino ang
estudyante sa klase. Nilalayon din nitong pag- aralan ang sosyolingguwistik komoetens sa silid-aralan
ng sekundarya upang mabatid ang epekto nito sa pagkatuto sa pagsasalita gamit ang wikang Filipino.
Paglalahad ng Suliranin
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay malaman at pag-aralan ang kompetensi
sa pagsasalita gamit ang wikang Filipino ng Baitang 7 ng Ajong National High School.
Ang sumusunod na tiyak na katanungan ay sasagutin sa pananaliksik na
1. Ano ang demograpikong kaanyuan ng mga estudyante ayon sa:
1.1 edad
1.2 kasarian
1.3 pinakamataas na edukasyunal na kwalipiskasyon ng magulang
1.4 lengguwaheng ginagamit sa bahay
2. Ano ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga estudyante ng Ajong National High
School?
3. Ano ang demograpikong kaanyuan ng mga estudyante batay sa kanilang saloobin sa Filipino?
4. May makabuluhang kaugnayan ba sa pagitan ng demograpikong kasanayan ng mga
estudyante sa kanilang kasanayan sa pagsasalita?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang mga sumusunod na pangkat ng mga tao ay tiyak na makikinabang sa pag- aaral na ito.
Mga estudyante. Makikinabang ang mga estudyante sa gagawing pag-aaral sapagkat ito ang
magbibigay-daan upang mas lalong mapataas ang performans lalo na sa kakayahan o komepetensi sa
pagsasalita tungo sa mabisang komunikasyon at hakbang sa pagsasanay sa pagpapaunlad ng kanilang
kasanayang pangwika at kakayahang pangkomunikatibo.
Mga guro sa Filipino. Makikilala ng mga guro ang kasalukuyang kompetensi sa pagsasalita ng mga
estudyante sa Ajong Natiomal High School na gagabay upang malinang ang kanilang paraan at
pamamaraan ng pagtuturo ng Filipino sa larangan ng pagsasalita tuloy makilahok sa interbensyong
kailangang isakatuparan.
Ajong National High School at Administrador. Mabibigyan ng pagkakataon ang paaralan na
makagawa ng hakbang upang mapataas ang performans hindi lang ng mga estudyante gayundin ang
mismong paaralan. Magiging gabay ang pag-aaral na ito sa mga administrador ng paaralan na
suportahan ang interbensyon na mabubuo batay sa kalalabasan ng pag-aaral sa pagpapataas ng antas
sa pagsasalita ng mga estudyante sa Filipino.
Departamento ng Edukasyon. Ang pananaliksik na ito ay makapagbibigay ideya sa mga
tagapangasiwa ng DepEd kung anong programa ang ipapatupad na makapagpapataas at
makapagpapalawak ng kalidad sa pagtuturo at gayon din sa pagkatuto ng mga estudyante sa
asignaturang Filipino. Makatutulong din ito upang patuloy na pahalagahan at pagdevelop nito ng bago
na may kinalaman sa komunikasyon.
Linggguwista. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay magiging kawili-wiling paksa sa mga lingguwista
dahil ito ay magsisilbing karagdagang sanggunian sa kanilang sayantifikong pag-aaral.
Mga susunod na mananaliksik. Magsisilbing sangggunian at kagamitan ito para sa susunod na
mananaliksik sa larangan ng lingguwistiks na gagawa ng mga kaugnay na pag-aaral tungkol sa
kompetensi sa pagsasalita gamit ang wikang Filipino.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang kasalukuyang pag-aaral na ito ay isasagawa sa ikalawang markahan ng taong


panuruan 2020-2021.
Ang pag-aaral ay nakatuon sa pagtatasa ng kasanayan ng pagsasalita ng mga
estudyante ng Ajong National High School sa pasalita ng wikang Filipino kasama ang mga
aspeto tulad ng mga gawaing pangkomunikasyon.
Ang pag-aaral sa pananaliksik na ito ay limitado sa lahat ng mga mag-aaral ng baitang
7 Ajong National High School.
Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang lubusang masubaybayan at maging madali ang pag-unawa sa mga paglalahad


at pagtatalakay sa pag-aaral na ito, binigyan ng katuturan ang mga sumusunod na katawagan:
Dayalek o Diyalekto. Varayti ng wikang nalilikha ng dimesyong heograpiko. Ito ang
wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit.
Tinatawag din itong wikain (Bernales et.al., 2016).
Diskurso. Ayon kay Webster (1974 sa Berales et al, 2013), ito ay tumutukoy sa berbal na
komunikasyon tulad ng kumbersasyon.
Filipino. Batay sa konstitusyon 1987, ito ay pambansang wika ng Pilipinas. Tawag din ito sa
mga mamamayan ng bansa. At bilang bahagi ng kurikulum, tumutukoy rin ito sa
asignaturang pinag-aaralan mula elementarya hanggang kolehiyo.
Pakikipagkomunikasyon. Ito ay pagpapahayag, pagpapabatid o pagbibigay ng impormasyon
sa mabisang paraan, isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagay o pakikipag-unawaan
(Arceo et al, 2013).
Komunikasyon. Ang komunikasyon ay ang akto sa pagpapahayag ng ideya sa
pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan.
Komunikatib kompitens. Ayon kay Noam Chomsky (1965), ito’y bilang pragmatic
kompitens o kahusayang pragmatiko na nag-iinbolb sa abilidad ng isang ispiker upang piliin
ang angkop na barayti ng wika para sa isang tiyak na sitwasyong sosyal.
Sosyolingguwistik. Larangan ng pag-aaral na sumisiyasat sa mga wika na ginagamit ng
lipunan: sino ang gumagamit ng wika, paano ito ginagamit, kailan ito ginagamit, saan at
kailan ito ginagamit, ano ang pinag-usapan, ano ang layunin, at kung kanino ito ginagamit
(http://library.binus.ac.id/eColls/eThesisdoc/Bab2/2008- 1001241G%202.pdf.)

Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik


Saklaw sa seksyong ito ang disenyo ng pananaliksik, respondente, instrumento,
paglikom ng datos at istatistikal tritment.
Ang pag-aaral na ito ay mag-iimbestiga sa klase ng Filipino ng Baitang 10 sa Negros
Oriental High School sa buwan ng Nobyembre sa taong panuruan 2020- 2021. Upang
makakuha ng sapat na impormasyon, ang mananaliksik ay gagamit ng Methological
Triangulation kung saan kabilang ang: Obserbasyon, Kwestyuner at Interbyu. Maisasagawa
ito pagkatapos makahingi ng pahintulot mula kay Gng. Wilfreda Bongalos, tagapangasiwa ng
Dibisyon ng Negros Oriental.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng qualitative at quantitative na disenyo. ginawa ang


Focus group discussion sa bandang huli upang maging maayos at malinaw ang mga ideyang
nagmula sa resulta ng sarbey.

Respondente

Pagtuunang pansin lamang sa pag-aaral na ito ang mga estudyante ng Baitang 7 na


may kabuuang 30 ng Ajong National High School sa taong panuruan 2020-2021.
Instrumento ng Pananaliksik

Paglikom ng mga Datos

Gagamit ng audio recorder ang mananaliksik upang makuha ang mga talakayang
magaganap sa loob ng Baitang 10 sa kalse ng Filipino (Fil). Limang sesyon ang oobserbahan
na may kabuuang sampung (10) oras na komunikasyong pasalita sa loob lamang ng isang
lingo. Ang oobserbahan ay ang klaseng Filipino ng Negros Oriental High School.

Ang obserbasyon ay gagawin sa tatlong klase na may tigdadalawang oras sa bawat


sesyon ang gagamitin. Ang Filipino ay itinuturo ng apat na oras sa isang linggo. Habang nag-
oobserba, ang gagampanan lamang ay ang pagiging taga- obserba upang maiwasan ang
tungkulin ng pagiging isang guro at makakuha ng ibang pananaw sa sitwasyon (Hatch, 2002
sa Quitevis, 2008). Sa pag-oobserba, sisikapin na magbigay lamang ng tuon sa mga punto na
magagamit sa pag-aaral.

Bago isasagawa ang obserbasyon, pakikipanayam at pagpapasagot sa mga sarbey-


kwestyuner ay hihingi muna ang mga mananaliksik ng permiso mula kay Gng. Wilfreda
Bongalos, tagapangasiwa ng Dibisyon at kay G. Arnold Jungco, ang punong-guro ng Negros
Oriental High School. Kung maaaprobahan ang hiling ng mga mananaliksik, saka hihingi ng
pahintulot sa guro at iba pang mga taong masasangkot sa gawaing ito.

Isasagawa ang audio-recording testing upang malaman kung maayos at malinaw ba


ang nairecord na mga kumbersasyon. Ang actuwal na audio-recording sa klase ng Filipino ay
magaganap pagkatapos ng testing. Magsasagawa din ang mga mananaliksik ng pilot testing
sa tatlumpong estudyante upang masiguro na madaling maunawaan at hindi nakalilito ang
sarbey-kwestyuner. Kung walang katanungan, ay nangangahulugang maaari nang isagawa
ang sarbey.
Tritment ng Datos
Ang mga datos na makakalap ng mga mananaliksik mula sa mga respondente na
tumugon sa talatanungan ay ipagsasama o itatally. Ang mga datos na ito ay magsisilbing
kasagutan sa mga katanungang inilahad ng pag-aaral. Ang mga resulta ay ikukumpara ayon
sa pagkakaiba ng mga kasagutan. Ang mga datos na makakalap ay isasalarawan gamit ang
bar grap upang maayos at organisadong mailahad ang resulta. Ang pormularyong gagamitin
sa pagkuha ng porsyento ng tugon sa bawat tanong ay
Porsyento =
Bilang ng Tugon x 100
Kabuuang Bilang ng Respondente

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral


Kaugnay na Literatura
Sa bahaging ito, ang pangunahing tungkulin ng pag-aaral ay maipakita sa mga
mambabasa ang mga kaugnay na literatura at kaugnay na pag-aaral na magsisilbing
impormasyon at gabay rin sa mananaliksik.
Ang mga sumusunod na paksa ay: Communicative language teaching approach, Teaching
‘speaking; the CLT way, Mga mabisang pangangailangan sa mabisang pagsasalita, mga
kasangkapan sa pagsasalita, at Mga konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon.

Communicative language teaching approach


Communicative language teaching (CLT) ang nagsisilbing pamantayan sa pagtuturo
ng wika sa ngayon. Ito ay nailalarawan sa pamamagitan ng tunay na paggamit ng wika,
interactive real-word simulation, at makabuluhang mga aktibidad. Ayon kina Lee at
VanPattern (1995) ang tungkulin ng mga guro sa loob ng silid- aralan ng CLT bilang isang
tagapagdaloy, conversational partner, resource person, at arkitekto. Ang mga guro ay
nagbibigay ng mga pagkakataon sa mga mag-aaral na makipag-usap, at gumamit ng wika
upang bigyang kahulugan at ipahayag ang mga mensahe sa totoong buhay. Samakatuwid,
inilarawan naman nina Richards at Rodgers (2001) ang tungkulin ng mga mag-aaral bilang
negosador sa pagitan ng sarili, proseso ng pag-aaral, at bagay ng pagkatuto.

Ang mga mag-aaral sa silid-aralan ng CLT ay mas aktibo at marunong


makipagkapwa. Inilarawan sila bilang mga tagabuo, tagatipon, at negosador ng wika. Ang
tungkulin ng mga guro ay ang tagapamahala, taga-analisa, tagapayo, at tagapamahala ng
proseso ng pangkat.

Iniisa-isa ni (Brown,2001) ang katangian ng CLT sa anim na magkakaugnay na


pahayag. Una, ang mga layunin sa silid-aralan ay nakatuon sa kakayahang komunikatibo.
Pangalawa, ang pamamaran ng wika ang nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na makisali sa
tunay na layunin sa buhay. Pangatlo, ang katatasan at kawastuhan ay pantay ang layunin.
Pang-apat, ang mga mag-aaral ay dapat sanay na makipag-usap sa mga hindi pa natukoy na
mga sitwasyon sa labas ng silid- aralan. Panglima, ang mga mag-aaral ay binigyan ng
pagkakataon na tutukan ang kanilang mga istilo sa pagkatuto. Bilang huli, ang tungkulin ng
isang guro ay sa tagapamahala at tagagabay.

Ayon kay Richards at Rodgers (2001), ang uri ng mga materyales sa isang kurikulum
sa CLT ay batay sa teksto, batay sa gawain, at gumagamit ng relia. Kasama sa mga
materyales na nakabatay sa teksto ang iba't ibang mga laro, dula, at simulation. Naglalaman
ang mga ito ng mga aytem tulad ng mga handbook ng ehersisyo, cue card, acitivity card, at
mga materyales sa pagsasanay sa pares- komunikasyon. Panghuli, ang realia na ginamit sa
mga silid-aralan ng CLT ay "tunay," "form-life" na materyales tulad ng mga palatandaan,
magasin, patalastas, pahayagan, at graphic at biswal na mapagkukunan tulad ng mga mapa,
larawan, simbolo, grap, at tsart.

Ang isa sa mga layunin ng dulog ng CLT ay ang pagkamit ng kakayahang


pangkomunikasyon. Ang layunin na ito ay maaaring makamit sa pamamagitan ng pagsasama
ng iba't ibang mga kasanayan sa wika. Binibigyang diin ni (Brown, 2001) na ang pagsasama
ng mga kasanayan ay nagdaragdag ng kayamanan sa isang kurso: nagbibigay ito ng higit na
pagganyak sa mga mag-aaral, at tinutulungan silang mapanatili ang mga prinsipyong itinuro.
Ang integratibong dulog na pagtuturo ay batay sa buong dulog ng wika na nagpapakita ng "sa
totoong mundo ng paggamit ng wika, ang karamihan sa aming likas na pagganap ay hindi
lamang pagsasama ng isa o higit pang mga kasanayan, ngunit ang koneksyon sa pagitan ng
wika at ang paraan ng tingin namin at pakiramdam at kumilos. "

Ang pinagsama na kasanayan na nakatuon sa pagtuturo ay maaaring maituro nang


makabuluhan sa pamamagitan ng limang mga modelo: pagtuturo batay sa nilalaman,
pagtuturo na nakabase sa tema, pag-aaral ng eksperimentong, hypothesis ng episode, at
pagtuturo batay sa gawain (Brown, 2001).

Sa CLT, ang mga kasanayan at iba pang mga sangkap ng wika ay itinuro nang sabay-
sabay. Sina Anderson at Lynch (1998) ay tumawag ng pansin sa relasyon ng pakikinig at
pagsasalita. Ang L2 na mga mag-aaral; ay kailangang maging bihasa sa iba't ibang mga
aspeto upang maging marunong na mga kasosyo sa pakikipag- usap. Ang mabisang
pagsasalita ay maaari lamang mangyari kapag naganap ang matagumpay na pakikinig.

Ang pakikinig ay isang aktibong proseso na sumasaklaw ang "pagtatangka upang


maisama ang papasok na impormasyon at naghahanap ng paglilinaw kapag ang proseso ng
pagbuo ng interpretasyon ay nakakatugon at balakid."

Kung ang pakikinig at pagsasalita ay itinuro nang hiwalay, ang mga tagapakinig ay
hindi maaaring makipag-ugnay sa pag-input kung mangyayari ang pagkasira ng
komunikasyon.

Teaching ‘speaking; the CLT way


Sa isang silid-aralan ng CLT, ang pagtuturo ng pagsasalita ay tiyak na interaktibo
kumpara sa isang tradisyonal na klase gaya ng monologo at talumpati. Ayon kay Celce-
Murcia at Olshtain (2000), ang pagsasalita ay ang pinakamahirap na kasanayan dahil
kapwa’y nangangailangan ng pakikinig at komprehensiyon at produksyon ng talumpati sa
mga hindi planado at hindi inaasahang mga sitwasyon.

Minsan, ang pagtatalumpati ay maaaring hindi maunawaan dahil sa maraming mga


kadahilanan. Ang pagsasalita ay karaniwang "hindi gaanong pinaghandaan kaysa sa pagsulat,
mas konteksto, at mas impormal." Nahaharap din sa mga mag-aaral ang hamon ng pagpili ng
wastong porma ng mga salita, pagkakasunud-sunod ng salita, at pagbigkas upang mas lalong
maunawaan. Bukod dito, ang mga mag-aaral ay dapat na obserbahan ang mga tuntunin
habang pinapanatili ang pagiging magalang. Binanggit ni Bailey (2003) na pakiramdam ng
maraming tao na ang pagsasalita sa isang bagong wika ay mas mahirap kaysa sa iba pang
mga kasanayan na dahil kadalasan ang isang tao ay nakikipag-usap ay naghihintay ng
agarang tugon. Ang pag-uusap ay hindi mai-edit at baguhin. Dahil dito, ang mga pagkakamali
ay madaling mailantad at marinig.

Ayon kay Brown (2001), may anim na uri ng performans sa pagsasalita sa silid-
aralan. Imitative speech ay kapag tinutularan ng mga mag-aaral ang recorded na talumpati
upang mag-focus sa ilang partikular na elemento ng wika mula intonasyon o mga tiyak na
tunog na patinig. Intensive speaking ay ginagamit upang magsagawa ng ponolohiya o
gramatika sa mas mahigpit na pagsasanay. Maaari itong simulan sa sarili o sa pamamagitan
ng pagtatrabaho ng may pares.

Responsive speaking ay kapag ang mga mag-aaral ay tumugon sa mga tanong ng guro
o komento ng ibang mag-aaral.

Transactional language ay ginagamit habang nakikipag-usap, sa pormang diyalogo,


kung saan nangangahulugan ang pakikipag-usap sa mga komunikasyon. Interpersonal
dialogue ay isasagawa na ang layuning pagpapanatili ng mga ugnayang panlipunan. Ito ay
nagsasangkot ng paggamit ng sociologuistic at pragmatikong kakayahan. Ang malawak na
pagsasalita ay ginagamit ng mga mag- aaral ng intermediate at advanced na antas upang
magbigay ng mga ulat sa bibig, buod, talumpati sa isang anyo ng isang monologue.

Ayon kay Bailey (2003), mayroong pitong pangunahing prinsipyo para sa pagtuturo
ng pagsasalita. Una, ang mga guro ay dapat magkaroon ng kamalayan ng mga pagkakaiba sa
pagitan ng pangalawang wika at konteksto ng pag-aaral ng wikang banyaga. kasunod, dapat
bigyan ng guro ang mga mag-aaral ng kasanayan sa parehong katatasan at kawastuhan. Ang
guro ay dapat magbigay ng mga pagkakataon upang makipag-usap sa pamamagitan ng
paggamit ng gawain sa pangkat at trabaho ng pares, at paglilimita sa guro ng guro. Dapat
ding planuhin ng guro ang mga gawain sa pagsasalita na may kasamang pag-uusap para sa
kahulugan. Ang guro ay dapat magdisenyo ng mga aktibidad sa silid-aralan na nagsasangkot
ng gabay at kasanayan sa parehong transactional at pakikipag-ugnay na pagsasalita.

Tinatalakay pa ni Brown (2001) ang ilang mga prinsipyo para sa pagdidisenyo ng


mga pamamaraan sa pagsasalita. Una, ang mga pamamaraan na ginamit ay dapat harapin ang
iba't ibang mga pangangailangan ng mga nag-aaral: "mula sa nakatuon sa wika na nakatuon
sa kawastuhan hanggang sa nakabatay sa nakatuon na pokus sa pakikipag-ugnay, kahulugan,
at pagiging mahusay." Pangalawa, ang mga pamamaraan ay dapat magbigay ng intrinsically
motivation na mag-tap sa mga layunin at interes ng mga mag-aaral. Pangatlo, ang tunay na
shoul ng wika ay gagamitin sa mga makabuluhang konteksto. Pang-apat, kapaki- pakinabang
na magbigay ng feedback ng corrective na naaangkop sa sandali. pang- lima, ang mga
kasanayan sa pakikinig at pagsasalita ay dapat isama dahil natural na umapaw sila sa
pakikipag-ugnay. pang-anim, bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na magsimula ng
komunikasyon sa bibig sa pamamagitan ng pagsisimula ng mga pag-uusap, paghirang ng mga
paksa, pagtatanong ng mga katanungan at marahil baguhin ang paksa. Ito ay bahagi ng
pagkamit ng kakayahang makipagtalastasan sa bibig. Panghuli, hikayatin ang pagbuo ng mga
diskarte sa pagsasalita. Dapat malaman ng mga guro ang mga mag-aaral ng maraming mga
diskarte na magagamit nila kapag nagsasalita (Brown, 2001).

Ayon kay Celce-Murcia at Olshtain (2000) ang mga guro ay maaaring magbigay ng
maraming pagkakataon para sa mga mag-aaral na makisali sa tunay na palitan ng langauge.
Ang ilang mga ideya para sa mga aktibidad ay binibilang.

Ang paglalaro ng tungkulin ay isang napakatalino na pamamaraan upang gayahin ang


tunay na komunikasyon na maaaring mailapat sa labas ng mga konteksto. Maaari itong
maging isang epektibong diskarte kung ang mga mag-aaral ay may sapat na kaalaman sa
paggamit ng language. dapat na maging makabuluhan at mapaghamong ang mga dula sa
papel.

Bilang karagdagan, binibigyang diin ng Bailey (2003) na ang papel na ginagampanan


ay mahusay na mga aktibidad para sa pagsasalita sa medyo ligtas na kapaligiran ng silid-
aralan. Ang bigyan ng mga mag-aaral ay magsanay sa pagsasalita ng target na wika bago nila
ito dapat gawin sa totoong kapaligiran.

Ang mga simulation ay mas detalyado kaysa sa mga pag-play ng papel.


Kinakailangan ang mga props at dokumento upang magbigay ng medyo makatotohanang
kapaligiran para sa kasanayan sa wika. Ang talakayan ng grupo ay isa pang aktibidad sa
pagsasalita na inilarawan nina Celce-Murcia at Ohlshain (2000).

Mahalaga ito sa malalaking silid-aralan sa pamamagitan ng paggawa ng


brainstorming. Ang lahat ng mga miyembro ng pangkat ay dapat bibigyan ng isang
pagkakataon upang lumahok.

Ang mga mag-aaral ay dapat ding bibigyan ng mga pagkakataon upang mapalawak
ang paggamit ng wika sa labas ng silid-aralan. Tinatawag ni Bailey (2003) ang mga takdang-
ugnay sa pakikipag-ugnay sa aktibidad na ito sapagkat pinapayagan ang mga mag-aaral na
lumabas sa silid-aralan at makipag-usap sa mga tao sa target na wika. ang mga guro ay
maaaring magbigay ng mga takdang aralin na nangangailangan ng mga mag-aaral na
mangolekta ng impormasyon at ibabahagi ito sa klase. Ang pagtuturo na nakabase sa
diskurso, hindi katulad ng ibang komunikasyon na pamamaraan ng pagtuturo, ay nakatuon sa
higit na kasanayang pragmatiko.

Kaugnay na Pag-aaral

Ang mga sumusunod na kaugnay na pag-aaral ng kasalukuyang pananaliksik ay ang


ginawa rito sa Filipinas at sa labas ng bansa, ang mga pag- aaral may kinalaman sa
kompetensi sa pagsasalita.
Mga Kaugnay na Pag-aaral sa Filipinas

Ang pag-aaral ni Lasala (2013) “Communicative competence of secondary senior


students: Language instructional pocket”, ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng kwantiteytib
at kwaliteytib na pananaliksik kung saan ginamit din ang Focus group discussion at
pakikipanayam at talatanungan. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa sosyolingguwistik
kompitens, ito ay isang case study na nangangahulugang pagtatasa at isang malalim na pag-
aaral.

Ito ay kaugnay sa kasalukuyang pananaliksik sapakat gagamitin din ang kwaleyteytib


at kwantiteytib na pangangalap ng datos tulad ng pakikipanayam at talatanungan.
Pangunahing layunin ng pag-aaral ay malaman ang kompitens ng mga mag-aaral sa
pagsasalita ng wikang Filipino.

Sa pag-aaral nina Racca at Lasaten (2016) “English Language proficiency and


academic performance of Philippine Science High School Students”. Ay naglalayong tukuyin
ang ugnayan sa pagitan ng kasanayan sa wikang Ingles at akademikong perpormance sa
Siyensa, Matematika at Ingles ng Baitang 8 na may bilang 216 ng Philippine Science High
School sa Northern Luzon. Gayundin, ang pag-aaral ay nagsisikap na tukuyin at ilarawan ang
antas ng kakayahan sa wikang Ingles at akademikong perpormance sa Agham, Matematika at
Ingles ng mga mag- aaral sa Baitang 8 ng Philippine Science High School. Ito ay gumamit ng
deskriptib- koresyunal na pag-aaral dahil inilalarawan dito ang mga kasanayan ng mga mag-
aaral sa wika at ang kanilang akademikong perpormance. Natuklasan sa pag-aaral na may
makabuluhang relasyon sa pagitan ng kasanayan ng wikang Ingles ng mga estudyante at sa
kanilang akademikong perpormance sa bawat paksa.

Mga Kaugnay na Banyagang Pag-aaral

Ang pag-aaral ni Vu Van Tuan (2017) “The communicative competence of the fourth
year students: Basis for proposed English Language Teaching”, ay gumamit ng deskriptib na
pag-aaral dahil inilalarawan dito ang istatus ng antas ng “Communicative Competence” ng
mga estudyante ng baitang 10 sa limang Unibersidad ng Vietnam. Layunin ng pag-aaral ay
bumuo ng isang ipinanukalang programa sa wikang Ingles para sa 5 pangunahing unibersidad
sa Vitenam. Natuklasan na ang pangkalahatang layunin ng pag-aaral ay nagpapakita na ang
antas ng pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral ay isang salik ng pang- akademikong
impluwensya ng kanilang mga magulang.

Ang pag-aaral nina Tuan & Mai (2013) “Factors affecting students’ speaking
performance at Le Thanh high School”, ay pinag-aralan ang mga problema sa pagsasalita ng
mga mag-aaral sa Le Thanh Hien High School at ang mga kadahilanan na nakakaapekto sa
kanilang pagganap sa pagsasalita Kwestyuner

ang pangunahing instrumento sa paglikom ng datos at classroom observation. Ang


pag-aaral na ito ay may kaugnayan sa kasalukuyang pananaliksik sapagkat isasagawa rin ang
obserbasyon at pakikipanayam bukod dito ay gagamit din ng surbey-kwestyuner upang
malikom ang kwantityetib na datos na may kinalaman sa saloobin ng mga guro at estudyante
sa kompitens ng pagsasalita gamit ang wikang Filipino sa klase.

Tandaan:
Isaalang-alang ang mga sumusunod na hakbang sa pagsulat ng isang panimulang
sulating pananaliksik:
1. Pagpili ng paksa
2. Pagbasa ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral
3. Pagbuo ng layunin ng pag-aaral sa pamamagitan ng paglalahad ng suliranin
4. Paglalahad ng kahalagahan ng pag-aaral
5. Pagbuo ng balangkas teoretikal at konseptuwal
6. Paglalahad ng saklaw at limitasyon ng pag-aaral
7. Pagbibigay depinisyon ng mga termino
8. Pagbuo ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral
9. Pagbuo ng desinyo at paraan ng pananaliksik
10. Pagsulat ng talasanggunian
ISAISIP
Ang panimulang pananaliksik ay ubang hakbang para sa isang matagumpay na
sulating pananaliksik. Mahalaga ito upang magabayan tayo kung ano ang isusulat sa ating
pananalksik, bakit tayo gumawa ng isang pananaliksik at para kanino ang gagawing
pananaliksik.

You might also like