You are on page 1of 11

ARALIN 1: MGA BATAYANG KAALAMAN SA WIKA

ABOT-TANAW

Matapos ang aralin,inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumsusunod:

a. Naiibigay ang kahulugan, kahalagahan, at kalikasan ng wika,


b. Nakikilala ang dalawang opisyal na wika ng Pilipinas
c. Nakakapagbahagi ng ng sariling sitwasyon o karanasan gamit ang wika

BALIK-TANAW

A. Isulat sa bilohaba kung ano ang wika para sa iyo.

WIKA

B. Mayroon tayong iba’t-ibang karanasan sa paggamit ng wika, Ingles man ito o Filipino. May mga
gumagamit ng Filipino para masabing makabayan sila. Ang iba naman gumagamit ng Ingles para
magpasikat sa kausap nila. Ano ang karanasang hindi mo malilimutan sa paggamit ng Wika?
Ikuwento ito.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

GAOD-KAISIPAN

Ano nga ba ang WIKA?

Mayaman ang wika at isa itong malawak na larangan. Hindi nauubos ang mga kaalamang
natututuhan at natutuklasan tungkol sa wika. Maraming pakahulugan ang wika na ibinigay ng mga
sumusunod na mga dalubhasa.

Ayon sa Lingguwistang si Henry Gleason, ang WIKA ay masistemang balangkas ng sinasalitang


tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa
isang kultura.
Ayon sa aklat nina Bernales et al. (2002), ang WIKA ay isang proseso ng pagpapadala at
pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.

Ayon sa aklat nina Mangahis et al. (2005), ang WIKA ay may mahalagang papel na
ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at
pagtanggap ng mensahi na susi sa pagkakaunawaan.

Ayon sa mga edukador na sina Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra (2000), ang WIKA ay
isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama- sama ng mga ito para
magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao.

Ayon kay Bienvenido Lumbera (2007), ang WIKA ay parang hininga. Gumagamit tayo ng wika
upang kamtin ang bawat pangangailangan natin.

Ayon sa lingguwistang si Alfonso O. Santiago (2003), WIKA ang sumasalamin sa mga mithiin,
lunggati, pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan,
moralidad, paniniwala, at mga kaugalian ng tao sa lipunan.

Ayon sa Diksyunaryo, ang WIKA ay sistema ng komunikasyon ng mga tao sa pamamagitan ng mga
pasulat o pasalitang simbolo.

Ayon sa UP Diksyunaryong Filipino (2001), ang WIKA ay lawas ng mga salita at sistema ng
paggamit ng mga ito na laganap sa isang sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura at pook
na tinatahanan.

Sa pangkalahatan, batay sa mga kahulugan ng wika, masasabi na ang wika ay kabuuan ng mga
sagisag na binubuo ng mga tunog na binibigkas o sinasalita at ng mga simbolong isinusulat. Sa
pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan, nagkakaugnay, at nagkakaisa ang mga tao. Kasangkapan
ang wika upang maipahayag ng tao ang kanyang iniisip, maibahagi ang kanyang mga karanasan, at
maipadama ang kanyang nararamdaman. Ang bawat bansa ay may sariling wika na nagbibigkis sa
damdamin at kaisipan ng mga mamamayan nito. Sa wika nasasalamin ang kultura at pinagdaanang
kasaysayan ng isang bansa.

Ano kaya sa tingin mo ang mangyayari kun magkakaibang wika ang ginagamit ng
mga tao sa pakikipag-usap sa kanilang lugar?

__________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
______________________________________________

1. Ito ay isang instrumento sa komunikasyon. Mahihirapang magtagumpay ang komunikasyon kapag


walang wikang ginagamit.
2. Ito ay mahalaga sa pagpapanatili, pagpapayabong, at pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo ng
tao.
3. Kapag may wikang ginagamit ang isang bansa, nangangahulugang ito ay malaya at may soberanya.
Malaki ang papel na ginagampanan ng wika bilang tagapagpanatili ng pambansang kamulatan at
pagkakakilanlan.
4. Ito ang nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga karunungan at kaalaman.
Halimbawa, lumaganap ang Bibliya nang maisalin sa iba’t-ibang wika. Naging instrument ang wika
para maunawaan ng daigdig ang nilalaman ng Bibliya at maipakalat ang Kristiyanismo sa mundo.
Ang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal ay naisalin sa iba’t-ibang
wika ng daigdig, gayundin ang mga akda ni F. Sionil Jose, isang Pilipinong nagsusulat sa wikang
Ingles, at ang awit na “Anak” ni Freddie Aguilar.
5. Mahalaga ang wika bilang Lingua Franca o bilang tulay para magkausap at magkaunawaan ang
iba’t-ibang grupo ng taong may kanya-kaniyang wikang ginagamit.

MGA KALIKASAN NG WIKA

1. Ang wika ay may masistemang balangkas. Binubuo ng mga makabuluhang tunog o ponema ang
wika na nakalilikha ng mga yunit ng salita na kapag pinagsama-sama sa isang maayos at
makabuluhang pagkakasunod-sunod ay nakabubuo ng mga parirala, pangungusap at talata.
2. Ang wika ay arbitraryo. Pinagkakasunduan ang anomang wikang gagamitin ng mga grupo ng tao
para sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.
3. Ginagamit ang wika ng pangkat ng mga taong kabilang sa isang kultura. Ang kultura ang
nagpapayaman sa wika samantalang ang wika naman ang nagbibigay ngalan o salita sa lahat ng
mga gawaing nakapaloob sa kultura.

 Kasama rin sa mga katangian ng wika ang pagiging buhay o dinamiko nito. Ibig sabihin,
sumasabay sa pagbabago ng panahon ang wika at Malaya itong tumatanggap ng mga pagbabago
upang patuloy na yumaman at yumabong.
 Namamatay ang wika kapag hindi nakasabay sa pagbabago ng panahon o kapag hindi tumanggap
ng mga pagbabago. Nagbabago ang anyo, gamit at kahulugan ng mga salita ayon sa takbo ng
panahon at sa mga taong gumagamit nito. Dahil nagbabago ang wika, may mga salitang
namamatay o hindi na ginagamit sa paglipas ng panahon, at may nadaragdag o naisisilang
namang mga bagong salita sa bokabularyo.

Halimabawa: Ang salitang “HATAW” na nangangahulugang “Pagpalo”. Ngunit sa pangungusap na


“Humataw sa takilya ang pelikula ng bagong tambalan” ay may dagdag na itong kahulugan ng
pagiging “mabili” o nagustuhan ng marami kaya kumita nang malaki.

Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salitang may salungguhit.

1. Ang pelikulang pinagbidahan ni Coco Martin ang siyang tumabo sa sinehan noong nakaraang
MMFF.
Kahulugan:____________________________________________________________________
2. Ang mga manggagawa ay dumaing sa baba ng sahod na kanilang natatanggap.
Kahulugan:_____________________________________________________________________
3. Upang maging matagumpay, kailangan lang natin sumabay sa agos ng buhay.
Kahulugan:_____________________________________________________________________
4. Si Ana ay mahilig magsuot ng mga sayal lalo na kung aalis ng bahay.
Kahulugan:_____________________________________________________________________
5. Upang makabawas gastusin sa kanyang magulang, bumukod na ng bahay sina Mario at Maria.
Kahulugan:_____________________________________________________________________

IBA PANG KAALAAMAN HINGGIL SA WIKA

Ayon sa mga lingguwista, may mahigit 5,000 wika na sinasalita sa buong mundo. Ang Pilipinas ay
isa sa mga bansang biniyayaan ng maraming wika: di kukulangin sa 180 ang wikang sinasalita sa
Pilipinas.

HETEROGENOUS HOMOGENOUS

Ang sitwasyong pang wika sa Pilipinas VS Ang sitwasyong pangwika sa isang


dahil maraming wika ang umiiral dito at may bansa kung iisa ang wikang sinasalita ng
mga diyalekto o varayti ang mga wikang ito. mga mamamayan dito.
WIKA

Ang wika ay ang kalahatang kagamitan ng mga tao


upang magpahayag, maging ito ay sinasabi o
ginagawa. Ang Tagalog, Sinugbuanong Binisaya, Ilokano,
Hiligaynon, Samar-Leyte, Pangasinan, Bikol, at iba pa
ay mga wika.

DIYALEKTO

Ito ay varayti ng isang wika, hindi hiwalay na wika.


Halimbawa ay ang mga nagsasalita ng isang wika, batay sa lugar
na pinanggalingan, ay maaaring magkaroon ng bahagyang
pagkakaiba sa bigkas, paggamit ng panlapi o ayos ng
pangungusap. Dahil ditto, may tinatawag na Tagalog- Bulacan,
Tagalog –Cavite, Tagalog- Manila, atbpa.

BERNAKULAR

Ito ang tawag sa wikang katutubo sa isang pook.


Hindi ito varayt ng isang wika tulad ng diyalekto, kundi
isang hiwalay na wika na ginagamit sa isang lugar na hindi
sentro ng gobyerno o ng kalakal. Tinatawag din itong
Wikang Panrehiyon.

A. Gamit ang iyong sariling wika (Bikol), Ano ang masasabi mo sa larawang ito?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
B. Magbigay ng Limang (5) Bikol na Salita na magkaiba ang tawag sa magkaibang
lugar.

Halimbawa:
Bikol na Salita: ITLOG
Bikol Naga: Sogok
Bikol Legazpi: Bunay

1. Salita:___________________
:___________________
:___________________
2. Salita:___________________
:___________________
:___________________
3. Salita:___________________
:___________________
:___________________
4. Salita:___________________
:___________________
:___________________
5. Salita:___________________
:___________________
:___________________

Ang BILINGGUWALISMO ay tumutukoy


Sa dalawang wika. Ito ay tumutukoy kun saan ang
isang tao ay nakakapagsalita ng dalawang wika nang
may pantay na kahusayan.Nangangahulugan ito ng
kakayahang paggamit ng Ingles at Filipino.

Ang MULTILINGGUWALISMO ay
tumutukoy sa kakayahang gumamit ng
maraming wika. Sa ngayon
multiligguwalismo na ang pagtuturo
dahil sa pagpapatupad ng Mother tongue
–Based Education na kung saan
gumagamit ng unang wika ang mga
estudyante sa isang particular na lugar.
Ang UNANG WIKA ay tinatawag ding

“Wikang Sinuso Sa Ina” o “Inang WIka”


dahil ito ang unang wikang natutunan ng
bata.

Ang PANGALAWANG
WIKA ang tawag
sa
iba pang mga wikang
matututuhan ng
isang tao
pagkaraang matutuhan ang

kanyang unang wika.

GAWAIN:

Anong Wika/Diyalekto ang una mong natutunan?

GAWAIN:

Sa iyong opinyon, alin ang mas dapat bigyang pansin ng mga Pilipino, ang pag-aaral ng
Wikang Tagalog o ang pag-aaral ng Wikang Ingles? Bakit?
Ang Wikang Pambansa

 FILIPINO ang pambansang wika ng Pilipinas at may Konstitusyunal na batayan ang


pagiging pambansang wika ng Filipino.
 Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng 1987 Konstitusyon ay nakasaad na “ Ang WIkang
pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
payamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika”.
 Filipino ang sumisimbolo sa ating pambansang pagkakakilanlan. Sinasalamin nito an
gating kalinangan at kultura, gayundin an gating damdamin bilang mga Pilipino. Lalo
pang mapapayaman ang leksikon ng Filipino sa pamamagitan ng paglalahok ng mga
salitang mula sa iba pang katutubong wika sa Pilipinas.
 Halimbawa, GAHUM mula sa Binisaya sa halip ng hiram sa Espanyol na
Ang Wikang Panturo
“Hegemoniya”. Marami na rin gumagamit ng “BANA” na nangangahulugang
“Asawang Lalaki”.

 Iniaatas din ng Konstitusyon ang paggamit sa Filipino bilang wikang panturo.


 Artikulo XIV, Seksiyon 6 nakasaad na “Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa
nararapat na maaaring ipasiya ng kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.”

Ang Opisyal na Wika

 Tinatawag na Opisyal na wika ang isang wika na binigyan ng natatanging pagkilala sa


konstitusyon bilang wikang gagamitin sa mga opisyal na transaksiyon ng pamahalaan.
May dalawang (2) opisyal na wika ang Pilipinas- ang FILIPINO at INGLES.
 Artikulo IV, Seksiyon 7, ang mga wikang opisyal ng Pilipas ay Filipino, at hanggang
walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
 Bilang mga opisyal na wika, may tiyak at magkahiwalay na gamit ang Filipino at
Ingles.
 Gagamitin ang Filipino bilang opisyal na wika sa pag-akda ng mga batas at mga
dokumento ng pamahalaan. Ito rin ang gagamitin sa mga talakay at diskurso sa loob ng
bansa.
 Gagamitin namn ang Ingles bilang isa pang opisyal na wika ng Pilipinas sa pakikipag-
usap sa mga banyagang nasa Pilipinas at sa pakikipagkomunikasyonsa iba’t-ibang
bansa sa daigdig.
 INGLES ang itinuturing na lingua franca ng daigdig. Ito ang ginagamit ng mga tao
mula sa iba’t-ibang bansa upang magkaunawaan at mag-usap.
MANUEL L. QUEZON
AMA NG WIKANG PAMBANSA

Si Manuel Luis Quezon y Molina ay


ipinanganak noong August 19, 1878 sa El
Principe, Tayabas province (ngayon ay Baler, Aurora).

Ang kanyang mga magulang ay sina Lucio Quezon, isang guro mula sa Paco, Manila at
retired Sergeant of the Spanish Civil Guard. Habang ang kanyang ina na si María Dolores
Molina ay isa namang guro sa kanilang bayan. Nagsilbi bilang presidente ng
Commonwealth of the Philippines mula 1935 hanggang 1944 si Quezon. Edad 9 nang
dalhin si Quezon sa Maynila para mag-aral hanggang sa siya ay sumapit na sa kolehiyo.
Sumuporta siya sa mga Espanyol laban sa mga nasyonalistang Pilipino ngunit noong 1899
ay umanib siya kay General Aguinaldo sa guerrilla war laban sa mga Amerikano. Taong
1906 nang mahalal bilang gobernador ng Tayabas si Quezon matapos itong magsilbing
prosecutor sa Mindoro.

Taong 1907 naman nang maitalaga siya bilang majority floor leader at chairman of the
committee on appropriations sa kauna-unahang Philippine Assembly na kinalaunan ay
tinawag na House of Representatives.
1916 nang bumalik si Quezon sa Maynila at nahalal bilang senador at kinalaunan ay
naging Senate President kung saan siya nagsilbi ng 19 taon hanggang 1935.
Taong 1922 nang maging lider ng Nacionalista Party si Quezon.
Taong 1935 nang mahalal bilang presidente si Quezon sa kauna-unahang national
presidential election sa ilalim ng Nacionalista Party. Nakakuha ito ng boto na halos 68%
laban sa mga katunggali na sina Emilio Aguinaldo at Gregorio Aglipay.

Noong Disyembre 1938, si Quezon ay naglabas ng proklamasyon na nagpapatibay sa


konsitusyong ginawa ng Surian at naghahayag na mangyayari ang pag-tanggap ng
pambansang wika sa loob ng dalawang taon mula dito.
Matapos ang pananakop ng mga Hapon sa bansa noong World War II, lumipat si Quezon
sa Corregidor at pagkatapos ay sa Visayas at Mindanao. Sa imbitasyon ng gobyerno ng
Amerika, nag-evacuate sa Australia si Quezon at pagkatapos ay lumipat sa US.

Pumanaw ito noong August 1, 1944 sa sakit na tuberculosis sa Saranac Lake, New York.
Siya ay inilibing sa Arlington National Cemetery sa Estados Unidos.
Kalaunan ay muling inilibing sa Sementeryong Norte sa Maynila noong July 17, 1946
bago inilipat sa Quezon Memorial Circle noong August 19, 1979.

Ipaliwanag:

Ayon kay Dr. Jose Rizal, “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa
sa hayop at malansang isda.”

_______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
LAYAG-DIWA

1. Bukod sa nabanggit sa itaas, Sa iyong palagay, sa ano-ano pang gawain at


sitwasyon dapat gamitin ang Filipino bilang opisyal na wika? Sa ano-anong
Gawain naman dapat gamitin ang Ingles bilang opisyal na wika?

2. Sa hindi lalampas sa sampung (10) pangungusap, ipaliwanag ang mga


nakatalang katangian ng wika. Patibayin ang paliwanag sa pamamagitan ng
pagbibigay ng halimbawa gamit ang mga sitwasyong pangkomunikasyon sa
mga napapanood na mga programa sa telebisyon.

a. MAKAPANGYARIHAN ANG WIKA

b. MALIKHAIN ANG WIKA


Sa isang short coupon bond , gumawa ng isang POSTER kung
ano ang pakahulugan mo sa wika. Maging malikhain sa paggawa ng
iyong poster at pagkatapos ay idikit dito ang iyong pinal na awtput.

You might also like