You are on page 1of 2

Isa sa pinakamahirap na kurso sa kolehiyo na hindi natin maikakaila ay ang kursong Bachelor of

Science in Accountancy. Ang Accounting ay tinaguriang "wika ng negosyo" na itinatag ng italyanong


matematiko na si Luca Pacioli. Ayon sa CHED Memorandum Order (CHO) No. 03 series of 2007, ang
Accountancy ay isang propesyon na mayroong mahalagang bahagi sa ating lipunan dahil sa mabilis na
pagusad ng Global Market Economy, kinakailangan ng ating mga unibersidad na makapagproduce ng
mga Accountants na kayang sumabay sa mabilis at modernisadong galaw ng pinansyal na aspeto ng
lipunan. Layunin ng kursong ito ay pag aralan ng husto ang mga Financial Statements ng isang tao, grupo
o kumpanya. Sa bigat ng responsibilidad ng isang Accountant ay dapat siya'y maging bihasa sa
intelektwal na aspeto at pati narin sa pagbibigay kahulugan ng pampinansyal na impormasyon at
paikipag-ugnayan ng mga resulta sa mga gumagawa ng desisyon sa pamamahala.
Isa sa epektibong sangkap sa pagkatuto ng isang tao ay ang wika na ginagamit panturo. Ngunit
hindi ito napapansin ng karamihan na lubhang nakakaapekto ito sa pag unuwa at pagkatuto ng ilang
konsepto ng kanilang pinagaaralan. Tulad sa kursong Accountancy. Mula pa nang pasimulan ni Luca
Pacioli ang Accounting noong taong 1494 sa kanyang akda na “Suma de Arithmetica, Geometria,
Proportioni et Proportionalita” o Everything about Arithmetic, Geometry and Proportion sa wikang Ingles
ay itinuro na ang mga sabdyek na Accounting sa wikang Ingles. Dito na nagmula ang Sistema ng
pagtuturo nito sa wikang Ingles. Ayon sa isinulat naman ni Kan Kwok Leong sa pahayagan nito
sinasabing sampung taon ang lumipas mula ng gumawa ng panibagong anyo ng katayuan ng akawnting
ang International Accounting Standards Board (IASB) kasama ang United States Financial Accounting na
naglalayong magkaroon ng pagkakakilanlan ang mga terminolohiyang nakapaloob sa akawnting. Sa
layuning nais magkaroon ng pagkakaisa ang mga gumagamit nito at upang maiwasan ang pagkakalito at
pagtatalo. Ginamit dito ang lengguwaheng Ingles dahil ito ang wikang pang-uniberso. Ayon sa
pananalikisik ni Terrenal, na may 1st year BS Accountancy na respondante sa Our lady of Fatima
University. Ayon sa resulta ng kaniyang pananaliksik mas gustong gamiting lengwahe bilang midyum sa
pagtuturo ng akawnting ay ingles. Mas mainam na gamitin ang wikang Ingles sa mga terminolohiyang
pang akwanting dahil ang ilan dito kapag sinalin sa wikang filipino ay mag iiba ang kanyang ibig sabihin
na magtutungo ng pagkalito ng mga estudyante. Dagdag pa niya, ang mga kaparaanan na dapat gawin ng
mga propesor upang mas maunawaan ng mag-aaral ang asignaturang accounting ay panatilihin nito ang
pagtuturo sa wika o midyum na ingles.

Bagaman, sa panayam ni Prop. James Christopher D. Domingo mula sa Unibersidad ng Santo


Tomas, kung procedures ang itinuturo dapat maipaliwanag sa pinakamadaling unawain para sa mga bata.
Kasi kung papipiliin na gumamit ng Ingles versus sa Filipino para matututo talaga ang bata through good
scores; doon ako sa mas matututo sila. At least kung sa Filipino, nagkakaroon ng pagkakataon para sa
ibang paliwanag. At kapag ganito, magkakaroon sila ng tiwala sa sarili. Dahil sa Accountancy, pag
nagkamali sa isang proseso, mali na ang lahat. Kaya kapag hindi naintindihan at nagkamali sa simula pa
lang, mawawalan na sila ng gana para sa mga susunod pang lesson. Kailangan rin kasing kunin ang
kanilang interes at magkaroon sila ng tiwala sa sarili. Kasi kapag nawala ang interes nila sa paksa, ang
propesor din ang mamomroblema. Ngunit paggamit ng wikang Filipino sa kursong akwanting ay
nakatutulong lamang upang maipaliwanag ng mabuti ang mga konsepto na hindi naintindihan sa wikang
Ingles na tinuturo ng guro. Makatutulong ito sa mga local na Negosyo dito sa pilipinas dahil wikang
Filipino ang gamit sa pagtuturo, madaling matututo ang mga estudyante sa paggawa ng kanilang listahan
at pagbabadyet ng kanilang puhunan sa kinabukasan (Castro at Manalo, 2015).
Bilang isang estudyante sa kursong Accountancy, sang ayon din ako na dapat din gamitin ang
wikang filipino sa pagtuturo.

Castro at Manalo, 2015. Filipino para sa Pilipino: Pagtuturo ng Basic Accounting. http://filipino3bsit3-
2.blogspot.com/2015/08/filipino-para-sa-pilipino-pagtuturo-ng.html

You might also like