You are on page 1of 7

University of Santo Tomas

Faculty of Engineering
Industrial Engineering Department

Ang Operation bilang Konseptong Filipino:


Isang Pagmamapa sa mga Kahulugan ng isang Terminong Pang-Inhenyeriya

nina Troy Gabriel B. Dagdagan, Ethan Corey M. Escobar, Kyle Matthew B. Espiritu,
Allyssa Joy T. Idio, Meldrick M. Pesigan, at Keith Nathan L. Tiulentino

C. Mga Diskurso ng Iba’t ibang Komunidad Pangwika

Sa bahaging ito tinatalakay ang iba’t ibang kahulugan at kabuluhan ng salitang


operation sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga kahulugan ng salita bilang isang
sagisag na nalikha ng mga partikular na komunidad pangwika na kinakatawan ng iba’t
ibang larang ng karunungan.

Batay sa mga denotasyon at etimolohiya, may apat na pangunahing komunidad


pangwika na nag-aambag sa pagpapakahulugan ng terminong operation: medisina,
matematika, negosiyo, at agham ng kompyuter. Ang mga larang na ito ang naging daan
para mapalawak ang mga kahulugan ng operation sa dalawang antas: elaborasyon ng
gamit at elaborasyon ng anyo.

1. Elaborasyon ng gamit

Komunidad Pangwika 1: Medisina

Sa larang ng Medisina, ang operation ay isang proseso na kung saan isnisagawa


sa katawan ng tao kung ito ay may malubhang sakit o kaya naman may gusto itong
ayusin o baguhin. Halimbawa, kung ang isang pasyente ay may sakit sa puso, sabihan
na natin na barado ang arterya at hindi dumadaloy ang dugo ng maayos ( CAD o
Coronary Artery Disease), kailangan itong sumabak sa operation (CABG o Coronary
Artery Bypass Surgery) upang gumaling at maging ligtas ang pasyente (Diodato, M., &
Chedrawy, E. G., 2014). Isa pang halimbawa na kung saan gusto ng isang tao na may
baguhin sa kanyang katawan ay ang rhinoplasty, ito ay isang operation na kung saan
binabago ang hulma o hugis ng ilong upang gumanda ang kanyang itsura (Mayo
Foundation for Medical Education and Research, 2021).
Komunidad Pangwika 2: Sipnayan o Matematika

Sa larang naman ng Sipnayan o Matematika, ginagamit ang salitang operation


bilang pagtukoy sa simbolo o operasyon na gagamitin sa paglutas ng problema sa
matematika (Merriam Webster). Nakapaloob dito ang iba’t ibang operasyon gaya na
lamang ng pagdadagdag (addition), pagbabawas (subtraction), multiplikasyon
(multiplication), at dibisyon (division) (Lexico Dictionary). Masasabing sa kahit anong
problema sa larang ng matematika ay gagamitan pa rin ito ng operation. Halimbawa ng
paggamit ng operation sa larang ng Sipnayan ay ang pagresolba sa katanungang
matematikal gaya na lamang sa simpleng 1+1, hindi makikita ang salitang operation
dito, gayunpaman, makikita rito ang simbolo na “+” na tumutukoy sa operation ng
pagdadagdag.

Komunidad Pangwika 3: Hukbong Militar

Sa larang ng Hukbong Militar, ang salitang operation ay nangangahulugang


sistematikong pagsasagawa sa isang aksiyon o misyon na kinasasangkutan ng
maraming tao, lalo na ang mga miyembro ng sandatahang lakas o pulis. Ito ay
mabusising pagpaplano ng mga gagawing hakbang upang makamit ang pinakamainam
na solusyon sa isang suliranin ng walang sayang o pinsala (Oxford Essential Dictionary
of the U.S Military, 2002). Ang salitang ito ay orihinal na nagsimula bilang isang disiplina
na gumagamit ng siyensya para sa mas epektibong pag-organisa at paggamit ng mga
materyales noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig o mas kilala bilang
taktikang pandigma (Britannica, n.d.).

2. Elaborasyon ng anyo at kahulugan

Komunidad Pangwika 3: Negosyo

Sa larang ng Negosyo, ang operation ay ang gawain ng pamamahala sa panloob


na gawain ng isang negosyo upang ito ay tumakbo nang mahusay hangga’t maaari.
Gumagawa ka man ng mga produkto, nagbebenta ng mga produkto, o hindi kaya’y
nagbibigay ng mga serbisyo, kailangang pangasiwaan ng may-ari ng negosyo ang
disenyo at pamamahala ng mga operation na nagaganap sa trabaho (Ty, 2019). Ang
partikular na kahuluguhan ng mga pagpapatakbo ay nakasalalay sa klase ng industriya
at sa mga yugto (stages) ng negosyo. Minsan, ang pagpapabuti ng mga operation ay
nangangahulugan ng madiskarteng pag-iisip tungkol sa mga sistema at proseso.

Komunidad Pangwika 5: Agham ng Kompyuter


Sa larang ng Agham ng Kompyuter, ang terminolohiyang operation ay tumutukoy
sa paglalapat ng mga analitikal na pamamaraan o metodo upang makamit ang isang
mahusay at makabuluhang desisyon. Samakatuwid, ginagamit ang operation pagdating
sa Agham ng Kompyuter sa pag-input, pagproseso, pag-awtput, pag-iimbak, at
pagkontrol ng kompyuter at sa kabuoang sistema nito. Sa kabilang banda, gumagamit
din ng matematika sa pagmodelo, pag-analisa, at pagbuo ng isang holistikong diskarte
na nadagdag sa pag-unlad ng lupon ng mga ideya o karunungan at maging sa
pagdisenyo ng mga makasaysayang sistema (Wigmore, 2017). Sinasabing ang Agham
ng Kompyuter ay isang pag-aaral ng kompyuter na kinakailangan ng praktikal na
aplikasyon. Kaugnay nito sinasabing ang Agham ng Kompyuter ay may malalim na
kaugnayan sa mga prinsipyo at ideolohiya pagdating sa matematika, pag-inhenyeriya,
at mga artipisyal na katalinuhan.

III. Kongklusyon

Sa kabuuan ay masasabing napakahalaga ng gamapanin ng terminolohiyang


operation sa larangan ng inhenyeriya at maging sa mga kaugnay na sangay nito.
Maihahalintulad ang terminolohiyang operation sa isang puno sapagkat habang
tumatagal ay yumayabong ito at patuloy na nagagamit ng mga tao sa pagpapayaman
ng kanilang kaalaman at paghahasa ng kanilang mga natatanging kakayahan. Ang mga
larang na naipahayag at tahasang inilahad sa akademikong papel na ito kagaya ng
medisina, sipnayan o matematika, hukbong militar, negosyo at agham ng kompyuter ay
ilan lamang sa mga bahagi ng pinagtutuunan ng pansin sa papel na ito bilang suporta
sa halaga at gamit ng salitang operation. Sa katunayan ay binigyang
pagpapakahulugan ang salitang operation sa bawat bahagi na siyang naging daan
upang mas lubos na maunawaan at maisa-isip ng mga mambabasa at susunod pang
mananaliksik ang tamang gamit at aplikasyon ng terminilohiyang ito.

Alinsunod sa kayarian ng akademikong pananaliksik na ito ay hindi lamang


nabigyang-linaw ang salitang operation maging ang kaligiran nito ay tahasang nailahad
ng mga nagsaliksik. Dahil dito, ito ay nagbigay-daan ito upang makamit ang tunay na
layunin ng papel na ito at ito ay ang masuri, malaman, at maunawaan ang gamit at
mahalagang gampanin ng salitang operation sa inhenyeriya bilang isang uri ng pag-
aaral at panghinahanarap na propesyon. Masasabing naging matagumpay ang mga
mananaliksik sa kadahilanang nakapagbigay sila ng tamang impormasyon o datos.

Sa huli, nawa nagampanan ng papel na ito ang isang saliksik-wikang nag-


aambag sa elaborasyon ng Filipino sa larangan ng Inhenyeriya. Inaasahang may
ambag ang aming mga nasaliksik tungkol sa salitang operation upang mas
mapahalagahan ng mga mag-aaral lalo na sa larang ng Inhenyeriya ang mga iba’t
ibang depenisyon ng salitang ito sa wika ng mundo at ang wika ng bansang Pilipinas.
Inaasahan din sa tulong ng papel na ito at sa mahabang proseso na pinagdaanan
naming mga nagsasaliksik na magamit ng buo ang iba’t ibang paraan ng paggamit ng
salitang operation sa tamang sitwasyon. Naniniwala ang mga mananaliksik na
maaaring sa tulong ng ganitong mga gawain, magkaroon nang mas mataas o malalim
na antas na rin ng pag-iisip ang mga propesyonal na Inhenyero sa hinaharap tungo rin
sa mas makataong pagganap sa mga tawag ng kanilang propesyon.

IV. Dokumentasyon ng Proyekto


A. Mga pinaka nagustuhan na konsepto ng grupo sa salitang sinaliksik

Ang konsepto ng operation sa larang ng hukbong militar ang isa sa pinaka


nagustuhan ng grupo. Ang konseptong ito ay nakabatay sa masusing pagpaplano ng
mga hakbangin na gagawin upang mas maging epektibo ang kilos at gawa para walang
masayang, mapa-tao, bagay, o enerhiya man yan. Ito na marahil ang may pinaka
malapit na kahulugan sa operations research sa larang ng Industriyal na Pag-
Inhenyeriya. At lingid sa kaalaman ng nakararami, ang konsepto ng operations
research ay nagsimula noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na
pinangunahan ng mga opisyales ng hukbong Briton.

B. Mga hamon sa paggawa ng saliksik-wika ayon sa karanasan ng grupo

Sa paggawa ng saliksik-wika ay hindi isang madali na gawain. Dumaan ito sa


isang organisadong proseso, ngunit hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng hamon sa
paggawa nito. Ilan sa mga hamon na naranasan ng grupo namin ay ang paghanap ng
mga maaasahang pinagkuhanan na impormasyon upang sigurado na ang papel ay
malaman at may direksiyon. Kailangan din bigyan ng panahon ng grupo ang
pagsasaliksik, pagbabasa, pamimili at pagsasalin ng mga ilalahok sa saliksik-wika para
ang magawang papel ay tiyak na magagamit ang termino sa pang-Inhenyeriya. Upang
matamo ang mga layunin ng papel, mahalaga ang pag-uusap at pagdidiskurso ng
grupo. Isa pang kailangan din gawin upang magkaroon ng organisado at may
direksiyong saliksik-papel ay gawin ito nang maaga at magtulungan ang mga miyembro
ng grupo. Sa pagtutulungan mas mapapabilis ang paggawa ng saliksik-wika.

C. Mga kasanayang natutunan at nalinang

Habang ginagawa ng aming pangkat ang saliksik-wika na ito ay marami kaming


natutunan gaya na lamang ng pagkakaroon ng maraming kahulugan sa iba’t ibang
larang ng iisang salita. Ang saliksik-wika na ito ay nagbigay kalinawan sa aming
kaisipan na hindi sapat na iisang kahulugan lamang ang alam natin para sa isang salita
sapagkat maaari itong maging dahilan ng di-pagkakaunawaan sa isang usapan.
Dagdag pa rito, nilinang din ng gawaing ito ang aming kakayahan sa paggamit ng
wikang Filipino at gayundin naman ang pakikipagtalastasan sa aming mga kapwa mag-
aaral. Pinaghusay nito, hindi lamang ang aming kaisipan bagkus pati na rin ang aming
pagkatao bilang isang Pilipino. Para sa aming lahat na halos gumagalaw na sa
makabagong mundo, dala ng teknolohiya at pag-unlad, ang araling ito ay nagbukas ng
pinto upang isabuhay muli ang pagiging makata ng mga mag-aaral. Ang saliksik-wika
na ito ay isang paalala sa aming lahat na hindi kailanman mabubuwag o mapapatay ng
anumang makabagong teknolohiya at mga umuusbong na makabagong salita ang Wika
at Asignaturang Filipino. Ito ay isang paalala na sa pagtapak natin sa entablado ng
globalisasyon, wikang Filipino pa rin ang sandigan ng komunikasyon.

D. Mga rekomendasyon para sa susunod na pag-aaral

Ang saliksik wika ay isang maprosesong proyekto na nangangailangan ng oras


at tiyaga sa paggawa nito. Hindi dapat ito madaliin upang hindi bumaba ang kalidad ng
gawa. Mas mainam na sanayin ang sarili na gawin ito nang unti-unti habang mahaba pa
ang oras kaysa gawin ito nang madalian sa maikling oras. Mainam din na palaging mag
konsulta sa guro o adviser upang maka siguradong tama ang ginagawa at maganda
ang kalidad. Laging tandaan na ang saliksik ay hindi lamang para sa grado, ito rin ay
makakatulong para sa pagpapaunlad at pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa isang
bagay. Siguraduhin din na magbasa ng maraming sanggunian na mapagkakatiwalaan
upang mapag kumpara ang mga nakasaad dito at makatiyak na tama ang nilalaman ng
inyong saliksik.

Sa pagtatapos ng pananaliksik na ito ay narito ang ilang rekomendasiyong


nabuo ng mga mananaliksik buhat sa naging resulta at kongklusyon ng saliksik wikang
ito:

1. Ang mga mag-aaral na may kaugnayan o kumukuha ng kurasong inhenyeriya


ay nararapat lamang na malaman ang tamang gamit at kahulugan ng salitang operation
sa kanilang napiling larangan.

2. Ang mga mananliksik sa hinaharap ay maaaring gawing batayan ang saliksik


wikang papel na ito upang mas lalong malinang ang paggamit ng salitang operation sa
larangan ng inhenyeriya at mga kaugnay na aplikasyon nito.

3. Ang mga mambabasa ng saliksik wikang ito ay malayang makapag-bibigay ng


kanilang saloobin o pananaw hinggil sa kabuuang anyo ng papel na ito.

4. Ang mga guro ay maaaring gawing batayan ito sa kanilang mga susunod na
aralin o magsilbing gabay sa mga araling may kaugnayan sa terminolohiyang operation.
5. Ang paaralan ay maaaring gawing batayan ito upang mas mapaunlad pa ang
lupon ng kaalaman sa larangan ng inhenyeriya.
SANGGUNIAN

Britannica. (n.d.). Operations Research. Retrieved from


https://www.britannica.com/topic/operations-research/Replacement-and-
maintenance

Diodato, M., & Chedrawy, E. G. (2014). Coronary artery bypass graft surgery: The past,
present, and future of myocardial revascularisation. Surgery research and
practice. Retrieved December 4, 2021, from
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4208586/.

Lexico Dictionaries. (n.d.). Operation: Meaning & definition for UK English. Lexico
Dictionaries | English. Retrieved October 29, 2021, from
https://www.lexico.com/definition/operation.

Merriam-Webster. (n.d.). Operation. Merriam-Webster. Retrieved November 18, 2021,


From https://www.merriam-webster.com/dictionary/operation.

Mayo Foundation for Medical Education and Research. (2021, March 2). Rhinoplasty.
Mayo Clinic. Retrieved December 4, 2021, from
https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/rhinoplasty/about/pac-20384532.

The Oxford Essential Dictionary of the U.S. Military. (2002). Operation. Retrieved

October 29, 2021, from https://tinyurl.com/nztdt9wp

Ty, K. (2019, April 30). What is operations?: Small Business Operations. OnDeck.
Retrieved December 3, 2021, from https://www.ondeck.com/resources/what-is-
operations.

Wigmore, I. (2017, October 25). What is operation? - definition from whatis.com.


WhatIs.com. Retrieved December 4, 2021, from
https://whatis.techtarget.com/definition/operation?
fbclid=IwAR2CzBcp0lD6RivWmqJmatAz-
DR51IuFgG_0eA6kt4AWqP9kyfC9iIS4StU.

You might also like