You are on page 1of 7

GAWAING PANANALIKSIK

ARALIN 10

Malayo na rin ang nararating ng ating wikang pambansa. Mula sa pagkakatuklas ng sinaunang alpabeto (ang baybayin o
Alibata) na ginamit kaya naitala ang mga kaalaman hingil sa mga ugaliin, Gawain, at mga gawaing kultural ng mga
sinaunang Filipino ay lalo itong naging gamitin sa higit na modernong paraan ng pagtuklas ng mga kaalaman. Ito ay
naisakatuparan gamit ang modernong teknolohiya at sa tulong ng iba’t ibang platform. Katunayan, ang ating wikang
pambansa ay nakakasabay na sa pandaigdigang paggamit ng internet kung kalian ang pagtuklas ng mga kaalaman ay
sinasabing nasa dulo na lamang ng daliri dahil sa mabilis na paghahatid at paghahalaw ng mahahalagang impormasyon
sa pamamagitan lamang ng pag-click sa mga icon ng iba’t ibang aplikasyong pangmedia.

Intelektuwal, modernisado at napakayaman na ang Filipino. Bilang katunayan, sa larangan ng pananaliksik ay hindi na
lamang Ingles ang gamitin. Malawakan na ring ginamit ang Filipino sa larangan ito.

Inaasahan na sa bahaging ito ay mayroon nang kaalaman at kasanayan ang mga mag-aaral sa gawaing pananaliksik. Kaya
sa araling ito, layunin ng pag-aaral ang sumunod:

Pangkaalaman

1. Matukoy ang mga bahagi ng pananaliksik at ang IMRAD format nito.

2. Maipaliwanag ang pagkakaiba ng pananaliksik sa IMRAD format.

Pangkasanayan

1. Magamit ang wikang Filipino sa pagsulat ng pananaliiksik sa IMRAD format.

2. Makabuo ng pananaliksik sa IMRAD format gamit ang mga paksa sa wika at panitikan.

Kahalagahan

1. Mapahalagahan ang wikang Filipino bilang midyum sa pagtuklas ng mga kaalaman tulad ng pananaliksik.

2. Maisaalang-alang ang mga isapaing pangwika at pampanitikan sa pananalikssik gamit ang IMRAD format.

Kalamang pampananaliksik at pagsulat ng IMRAD

Ang isang mahusay na mananaliksik ay hindi lamang may kaalaman hinggil sa usaping pampananaliksik kundi higit sa
pagbuo nito. Masasabing ganap na natutunan ng mag-aaral ang pananaliksik kapag may kakayahan ito na maipaliwanag
ang iba’t ibang bahagi ng pananaliksik at mailapat ang mga kaalamang ito sa aktuwal na pagbuo o pagsasagawa nito.

Panimulang gawain

I. Wika Rambulan. Ang gawaing ito ay isang pagbabalik-aral sa mga paksa pananaliksik. Isa itong pagtatasa na
susukat sa iyong kahusayang pampananaliksik. Ayusin ang ginulong mg aletra sa bawat aytem upang mabuo ang
hinhinging konsepto. Isulat sa patlang ang sagot.

_____1. ang pananaliksik na nagbibigay halaga sa dekriptibong katangian o paglalarawan sa paksang pinag-aaralan kaysa
sa mga datos na statistical tulad ng frequency at mean. (TOKALIWITAB)

____2. tumutukoy ito sa mga tanggap na kaalaman at karagdagang impormasyon hinggil sa isang paksa na ginagamit o
ipinapanukala bilang pangkalakatang batayan ng konsepto ng pananaliksik. (YORETA)

____3. sa pananaliksik ito sa mga pahayag na nais bigyan ng paliwanag o nais patotohanan. (NASILRUNI)

Panimulang gawain

____4. Tumutukoy ito sa mga construct o mga katangiang nais imbetigahan at patunayan na maaaring magtaglay ng
mga katangiang ekslusibo o higit pang halaga. (ROLYABOB)

____5. ito ay pagbibigay kahulugan sa mga katawagan ayon sa pagkakagamit ng mga tao. (RANEPOLASOY)

____6. ito ay isang proseso ng paghahanap at pangangalap ng mga totoong impormasyon na ang hangarin ay makabuo
ng mga bagong kaalaman. (KALAAPINIKNS)
____7. tinatawag in itong haka o prediksyon. Ito ang pangkalahatang palagay kaugnay ng mga nais sagutin o bigyang
linaw sa pagsasaliksik. ( SITEYOHAPS)

____8. Tinutukoy nito ang lugar kung saan isinasagawa ang pananaliksik kaya nakalap ang mahahalgang datos.
( NALIGARIKA)

Panimulang gawain

____9. bahagi ito pananaliksik ay ipinapahayag kung saan ang kalahatan ng mga natuklasan sa pag-aaral ay inilalahad sa
pamamagitan ng ng maikli ngunit tiyak na pahayag. (NIKOSOLKGUYN)

____10. sa bahaging ito ng pananaliksik ay ipinahahayag ng mananaliksik ang mga panukalang gawain o kaya ay ang mga
nais pang isakatuparan kaugnay ng mga kinalabasan ng pag-aaral. (YODIMERSOKEMAN)

____11. isang akademikong pagsulat na tumatalakay sa paksa ng pag-aaral sa pamamagitan ng masusing pagpili ng mga
makabuluhang artikulo. ( TELARITARU)

____12. sa pamamagitan ng binalangkas na figure ay inilalarawan nito ang mga hakbang maging ang mga konsepto kung
paano maaring maisakatuparn ang pananaliksik. (DAPIRAM)

____13. pagatatalakay sa kinalabasan ng pagsasaliksik na karaniwang nilalakipan ng koroborasyon ng mga pili at


nauugnay na kaisipan ng mga dalubhasa. ( TOPTINARSERIYEN)

____14. bahagi ng pananaliksik na naglalahad ng uri ng pananaliksik na ginamit sa pag-aaral. Ang disenyo ng pag-aaral
ay inilalahad sa bahaging ito.

____15. ito ay tumutukoy sa mga nakalap na impormasyon, ideya at kalaman mula sa mga tagtugon. (YODAS)

Panimulang gawain

INTERPRETASYON NG MGA ISKOR:

13-15- napakataas ng kaalaman sa pananaliksik, makapagpapatuloy nang walang gabay

10-12- mataas ang kaalaman sa pananaliksik, makapagpapatuloy nang walang gabay

7-9- may kaalaman sa pananaliksik, maaaring magpatulo

y kung may gabay

4-6- nangangailangan ng paggabay sa pananaliksik, hindi

Alamin

Paagbalik-aralan natin ang ilang mahahalagang kaalaman hinggil sa pananaliksik bilang paghahanda sa pagsulat ng
IMRAD format. Ang mga konseptong ito ay napakahalagang matutuhan nang sa gayon ay makapagpatuloy nang
mahusay.

MAHALAGANG KAALAMAN SA PANANALIKSIK

Kahulugan

Katulad ng nabanggit na, ang pananaliksik ay isang proseso ng paghanap at pangangalap sng mga totoong impormasyon
naang hangarin ay makabuo ng mga kaalaman. Ang mga kaalamang ito ay makabuluhan sapagkat naipapaliwanag ang
mga suliraning nais bigyan ng kasagutan o kaya ay tumutugon sa mga suliraning agarang nangangailangan ng kalutasan.
Naaayon ito sa pahayag ni Bbbie (1998;salin)na ang pananaliksik ay isang sistematikong pagtatanong na naglalayong
maglarawan, magpaliwanag, magbigay ng sapat at detalyadong kasagutan sa mga haka o prediksyon hinggil sa mga
bagay-bagay na kinasasangkutan ng tao. Samantala, ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal at
disiplinadong pagahahanap ng mga sagot sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at
kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at resolusyon nito.

Apat na Uri ng Layunin

Bakit tayo nagsasagawa ng pananaliksik? May apat na dahilan na binabanggit si Patton (1990) kung bakit angsasagawa
nito. Ipinapaliwanag niya ang apat na uri ng pananaliksik ayon sa mga layunin. Ang Basic Research ay isang pananaliksik
na ang pinakalayunin ay unawain ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng maingat na pagpapaliwanag sa mga ito. Ang
ganitong uri ay nauugnay sa mga teorya na nagpapaliwanag sa mga penomeno. Karaniwan itong deskriptibo at nauukol
sa pagpapaliwanag sa mga tanong na ano ang nangyari, bakit ito nangyari at kung paano ito nangyari. Ang applied
Research naman ay naglalayong magpaunawa at tumugon sa mga kalikasan ng mga suliraning pantao. Higit nitong
nalilinaw at pinagtutuonan ang mga tanong na ukol sa kung paano maaaring mabigyan ng solusyon ang mga suliraning
kinahaharap ng mga tao sa lipunan. Ang Evaluation research ay nakatuon sa ebalwasyon ng mga naisagawang proseso at
naging bunga ng mga gawain. Maaari itong formative kung ang layunin ay alamin at pataasin pa ang antas ng
pakikibahagi o pakikisangkot ng tao sa iba’t ibang kondisyon tulad ng mga gawain ng mga tao. Maaari din itong
summative kung ang layunin ay magsasagawa ng ebalwasyon ukol sa pagkaepektibo ng isinasagawang programa o kaya
interbensyon. Samantala, ang Action Research naman ay naglalayon na makapagbigay ng solusyon sa mga naging
suliranin ng isang programa I gawain ng isang pangkat.

DISENYO

Iba-iba ang disenyo na maaring gamitin ayon sa kung ano ang layunin ng pananaliksik. Kung ang nais isakatuparan ay
isang pananaliksik na may layuning malaman at mapatunayan ang mga dahilan kung bakit nangyari ang mga pagbabago
kaugnay ng mga baryabol, naaangkop gamitin ang disenyong eksperimental; kung ang layunin naman ay tuklasin kung
paano nauugnay ang mga baryabol sa bawat isa, gamitin ang disenyong korelasyon. Ang eksperimental at korelasyon ay
napapaloob sa disenyong kwantitatibo. Samantala, kung nais mailarawan at maintindihan ang isang partikular na
kondisyong panlipunan at ang iba’t ibang karanasang sosyal ng mga tao, gamitin ang disenyong kwalitatilo; sa mga
paksang may layuning maglahad ng mga abryabol at maglarawan ng m,ga pangyayari, kaisipan at kondisyon, gamitin
ang disenyong mixed.

MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK AT ANG IMRAD FORMAT

Ang isang buong pananaliksik ay karaniwang naglalaman ng limang mahahalagang bahagi na nahahati sa limang
kabanata. Ang mga kabanatang ito ay may mga seksyon na naglalaman ng mahahalagang impormasyong nakakatulong
upang maunawaan ang isang pag-aaral

Sa IMRAD format ay pinaikli ang karaniwang limang kabanata ng pananaliksik. Ayon kay Abderisak (2013), ang IMRAD ay
isang modelo ng pananalliksik ba kumakatawan sa Introduksuon-Metodolohiya-Resulta at Diskusyon. Halos walang
pagkakaiba sa nilalaman ng Imrad format sa karaniwang limang kabanatang pananaliksik. Ang IMRAD, inuullit, ay
pinaikling bersyon; inilipat sa ilang bahagi nito ang ibang bahagi ng kabanata ng pananaliksik.

Ang mga pananaliksik na social at technical ay maaaring lapatan ng IMRAD format. Ang Social Research ay nauukol sa
mga pananaliksik na may kaugnayan sa lahat ng disiplinang pang-akademiko. Nakatuon ito sa mga paksa hinggil sa
kaugnayan ng mga tao sa lipunang ginagawalawan nito- antropolohiya, ekonomiks, batas at kasaysayan, lipunan at
heograpiya, linggwistik, politika, sikolohiya at sosyolohiya. Ang Technical Research naman ay nauukol sa lahat ng mga
sangay ng agham at teknolohiya kung saan isinasagawa ang mga prosesong eksperimental. Nabibilang sa larangang ito
ang mga sangay ng agrikultur, medisina at iba pang sangay. Samakatuwid, ang mga pananaliksik sa alin mang larangan
ay maaaring magkaroon ng bagong anyo sa pamamagitan ng Imrad.

Tunghayan sa presentasyon ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mg abahaging kabanata ng pananaliksik at ng


IMRAD format.

Buong pananaliksik IMRAD format

Kabanata 1: Suliranin at ang Saligan Nito

Introduksyon/Panimula

Paglalahad ng suliranin

Kahalagahan ng Pag-aaral

Saklaw at limitasyon

Balangkas konseptuwal INTRODUKSYON

Balangkas teoritikal Hinggil sa paksa, saligan,

Haypotesis suliranin, layunin, rasyunal

Kahulugan ng mga termino at kahalagahan.

Kabanata 2
Literatura

Kaugnay na pag-aaral

Kabanata 3 metodolohiya ng pag-aaral METODOLOHIYA

Disenyo Disenyo

Kaligiran ng pag-aaral Instrumento

Tagatugon/kalahok Tagatugon

Instrumento sa pag-aaaral kaligiran

Hakabang sa pagkalap ng datos Hakabang at Pamaraan

Paraan ng Pagsusuri ng datos/treatment

Kabanata 4: Paglalahad at interpretasyon ng datos

Paglalahad ng datos

Interpretasyon

Kabanata 5: buod, kongklusyon at rekomendasyon

Buod Diskusyon o Talakay

Kongklusyon Kongklusyon

Rekomedasyon Rekomendasyon

Paano sinulat ang IMRAD format?

Introdukayon (ano ang paksang sasaliksikin at bakit?)

Ang introdukayon ay naglalahad ng paksa at mga suliranin ng pananaliksik at mahalagang tanong na nais linawin,
naglalaman ito ng maikling pagpapahayag ng saligan pag-aaral at kung bakit ito mahalagang saliksikin. Inilalakip din sa
introduksyon ang paglalahad ng limitasyon at iba apng mahahalagang paksa na dapat talakayin sa larangan (rsearch gap)
at ang layuning nais itugon dito. Ang mahalagang pagtatalakay sa paksa ay inilalakip din sa introduksyon upang
maunawaan ang larangang nais maipakilala. Nililiwanag sa pagtalakay ang mga “alam” at “di-alam” tungkol sa paksa at
kung ano pa ang maaaering malaman hinggil dito. Ang mga haka o prediksyon na maaring maging resulta ay pahapyaw
na nililiwanag sa bahaging ito.

Simulan ang pagsulat nito sa pamamagitan ng paglalahad ng paksa at ng suliraning nais bigyang linaw. Ihayag sa
pamamagitan ng mapanghikayat na pananalita at mga kaisipan na ang paksa ay napapanahon, mahalaga at dapat
bigyang pansin. Ipaliwanag ang kasalukuyang kalagayan ng napiling paksa at tukuyin ang mga bahagi na hindi pa
gaanong natatalakay (gap( at ipaliwanag. Isama rin ang paglalahad ng mga layunin at kabuluhan (rationale) ng
isinasagawang pananaliksik.

Sa pagsulat nito, ilapat ang mga kaukulang citations. Gamitin ang mga pandiwang pangkasalukuyan at gumamit ng mga
tiak, maikli at di-maliligoy na pangungusap. Iwasan ang mahabang introduksyon. Ang paglalahad ng mga detalye ng
resulta ay hindi angkop sa bahaging ito.

Paano sinulat ang IMRAD format?

Metodolohiya ( ano ang ginawa at paano ito ginagawa?)

Anim na mahalagang tanong ang dapat masagot sa paglalahad ng bahaging ito. Ano? Sino? Saan? Bakit? Kailan? At
Paano?

Ang Ano? Ay tumutukoy sa disendyo at pamaraang ginamit sa pag-aaral. Ang Sino? At Saan? Ay tumutukoy sa mga
tagatugon at sa kaligiran ng pag-aaral. Abf bakit? Ay para sa mga konsiderasyong etikal sa pagsasagawa ng pananaliksik
at ang Kailan? Naman ay sa saklaw na panahong ginamit hanggang samabuo ang pananaliksik, samantalang ang paano?
Ay tumutukoy sa mga hakbang at paraan ng pagtatalakay sa mga datos gayundin sa pagpili ng tagatugon.
Sa pagsulat ng metodolohiya ay gumagamit ng mga pandiwang perperktibo (past tense). Liwanagin sa bahaging ito ang
mahahal;agang kaisipang ukol sa ano, sino, saan, bakit, kailan, at paano nang sa gayon ay maunawaan ang kabuoang
pamaraan o prsoseo kung paano nakuha ang detalye ng mga datos. Maging detalyado sa paglalahad ng metodolohiya at
sa mga prosesong kaugnay nito. Halimbawa, kung nagsagawa ng panayam, kaliangang mailahad kung paano napili ang
kakapanayamin o mga kakapanayamin, saan isinagawa ang panayam, kung mayroon bang katangiang isinasaalangg-
alang sa pagpili ng mga tagatugon at ano ang kagamitiang ginagamit para sa panayam.

RESULTA (Ano ang natuklasan)

Sa bahagi namang ito inilahad ang naging resulta at natuklasan sa isinagawang pag-aaral. Ang mga resulta ay inilahad
ayon sa pagkakasunod sunod ng mga suliranin. Mainam kung sa paglalahad ay gagamit ng mga seksyon at sub-seksyon
upang higit na maging maayos at naliwanag ang isasagawang pagtalakay. Dalawang bagay ang mahalaga sa bahaging
ito- maglahad ng resulta at ,agbigay ng kuro-kuro sa mga natuklasan sa isinagawang pananaliksik.

halimbawa, maaaring talakayin ang resulta ng ganito:

Sa kalahatang ebalwasyon ng mga mag-aaral ipinakikita ng talahanayan na..kaya masasabing makatotohanan ang
resulta ay sapagkat binanggit sa pag-aaral ni Cruz (2018) na..

O kaya ganito”

Mayroong kaibahan ang resultang ipinakikita ng talahanayan # ukol sa…mahihinuha sa ag-aaral na isinagawa ni
Mendoza(2017) na..dahil dito, masasabing…

Gayunpaman, sikaping matuwid at hindi maligoy ang paglalahad at pagpapaliwanag ng mga kaisipan. Hanggat maari,
ilagay sa resulta ang mga tanging impormasyong kailangan at tiyak na sumasagot sa mga suliranin (highlights, key
findings and primary outcomes).

*Tandaan na may ilang iinstitusyong pang-akademya na pinipiling ilapat sa bahaging ito (resulta) ang buod ng pag-aaral,
nasa tuntunin ng naturang mga institusyon na gamitin ang kanilang sariling format.

DISKUSYON O TALAKAY (Ano ang ibig sabihin ng resulata)

Laman ng bahaging ito ang buod ng pag-aaral, gayundin ang maaring kalahatang pagkakatulad at pagkakaiba ng resulta
sa iba pang mga pag-aaral. Kaya ang pinakatunguhin ng bahaging ito ay ang paglalahad ng mga kongklusyon at mga
rekomendasyon batay sa lumalabas na mga resulta. Ang iba pang mahalagang maaaring matalakay sa diskusyon ay ang
mga implikasyon mula sa ibang naisagawang pananaliksik na nauugnay sa paksa ng pag-aaral. Ginagawa ito upang
mapalawak at mapalalim pa ang pagtalakay sa resulta ng pananaliksik.

Naaangkop gamitin ang ang IMRAD sa mga pananaliksik na may layuning sumasagot sa mga tiyak na suliranin. Ito ay higt
na mabuting gamitin sa mga pananaliksik na mayroong prsoseo ng pag-eeksperemento, panayam, obserbasyon, at iba
pa. Maaari din itong gamitin kapag nagsagawa ng pananaliksik na seocndary na ginagamitan lamang ng pagkuha ng
impormason ukol sa isang tiyak na paksa mula sa mga aklat, magasin, mga artikulo at maraming iba pang hanguan. Sa
nahaging ito ng pag-aaral ay magkaroon ng pagsasanay sapabguo at presentasyon ng pananaliksik gamit ang IMRAD.
Ang mga pananaliksik na inilalathala ay karaniwang ginagamitan ng IMRAD format.

Alamin

Ilang maungkahing dapat tandaan sa Pagsulat mng IMRAD

Pamagat na karaniwang nasa Gwaing itas ng Papel, centered Alignment at sinusulat nang tagilo (inverted pyramid), lahat
ng mgasalitang pangnilalaman ay sisimulan sa malalaking titik, ito ay opsyonal ayon sa mg apamantayan ng institusyon.

Maaring ang pamagat ay isulat sa malalking titik

Buong pangalan ng mananaliksik

Iba pang mahalagang impormasyon tulad ng uri ng pananaliksik, email atbp.

Abstrak

Ang abstrak ay isinusulat na isang talataan lamang at hangga’t maari ay hanggang isangdaang salita lamang. Laman nito
ang pinakamahalgang impormasyon ng pag-aaral. Dalawampu’t limang porsyento (25%) nito ay paglalahad ng pag-aaral
o introdukasyon, 25% para sa metodolohiya, 35% ang sa paglalahad ng resulta at ang 15% ay laan para sa mga
implikasyon, kongklusyon at rekomendasyon na siyang kumakatawan sa diskusyon. Ilagay sa ibaba nito ang mga susing
salita o keywords.

Susing salita: ang susing salita ay mga salitang nauugnay sa pag-aaral. Maaari ding ito ay m,ga salita na nagsasaad kung
sa anong kategorya o larangan nabibilang ang pag-aaral. Sa pamamagitan ng mga susing salita ay amapapabilis ang
paghahanap ng pananaliksik lalo na kung aito ay inihanda para sa publikasyon.

INTRODUKSYON

Isulat ang introduksyon. Binibigayang-diin na 25% bahagi ng IMRAD ang introdukasyon. Simulan ang pagsulat sa
pamamagitan ng p[agpapaliwanag sa paksa at suliranin at kung napakahalagang saliksikin ang paksa o rayunal. Gawing
makatotohanan at mapanghikayat ang tono ng pananalita upang ipagpatuloy ng mga mambabasa ang pagbasa sa
nilalaman ng pag-aaral. Talakayin nang tiyak at di-maligoy ang kaalukuyang estado ng paksa at ilahad din ang mga
research gap o mga suliranin sa larangang tinatalakay gayundin ang maaaring maging solusyon dito. Tapusin ang
introduksyon sa pamamagitan ng himig na nagpapaniwala upang magkaroon ng interes ang mga mambabasa na alamin
ang sumusunod na bahagi.

METODOLOHIYA

Ang metodolohiya ay 25% ng bahagi ng IMRAD. Ito ay sinusulat gamit ang mga pandiwang perpektibo. Maaaring may
heading at subheading ang bahagig ito. Ipokus sa talakay ng metodolohiya ang kahalagahan ng uri at disenyo ng pag-
aaral. Ilahad nang mahusay ang kaligiran ng naisagawang pananaliksik at kung bakit ito ang napiling lokasyon. Bangitin
din kung sino ang mga tagatugon ng pananaliksik, kung paano pinili ang mga tagatugon at liwanagin kng bakit sila ang
napiling tagatugon. Ang instrumento ng pag-aaral ay ilahad gayundin ang mahahalagang katangian nito. Bigyang pansin
sa bahaging ito ang mga paraan ng pag-analisa ng datos at mga hakbang na isinagawa sa pagkuha ng datos upang
maunawaan ang kalahatan ng mga prosesong isinagawa.

RESULTA

Matapos mailahad ang metodolohiya, isulat ang naging resulta ng pag-aaral. Ang resulta ay kumakatawan ng 35%
bahagib ng IMRAD. Dalawang mahalagang bahagi ang dapat maisaalang-alang dito-maglahad ng resulta at magbigay ng
kuro-kuro. Ituon sa paglalahad ng resulat ang naging sagot sa mga suliranin ayon sa pagkaksunod-sunod ng mga ito.
Ilagay ang mahalagang talahanayan at angkop na label o interpretasyon ng mga resulta. Sikaping ang mga kuro-kuro ay
mapalitan ng mga pagpapatibay na naaayon sa mga sa mga nailahad na resulta ng pag-aaral.

DISKUSYON

Labinlimang porsyento (15%) ng IMRAD ang diskusyon. Ang mga implikasyon, kongklusyon at rekomendasyon ay
binibigyang halaga sa bahaging ito ng IMRAD, maaari din namang isama rito ang pangkalahatang buod ng pag-aaral
upang magkaroon ng idea ang mga mambabasa kung ano ang kabuoang kinalabasan ng pananaliksik. Maglagay ng
pangwakas na kaisipan na nauukol sa kalahatang resulta ng pag-aaral sa bahaging ito.

Tapusin ang IMRAD sa pamamagitan ng paglalagay ng mga sanggunian.

Iba pang mahahalagang maungkahi sa pagsulat ng IMRAD:

1. Gumamit ng papel na ang sukat ay 8.5”x 13” (long size bond paper) na may 1.5” sa bahaging binding edge o
kaliwang bahagi at 1” sa ibang bahagi ng papel

2. Gumamit ng 12 font size, Times New Roman o kaya at Arial

3. Ang espasyo sa pagitan ng mga linya ay maaaring 1.5 o 2 espasyo. Samatala, 2.5 espasyo sa pagitan ng headings
at sub-headings

4. Limitahan ang papel ng hangang 20-25 pahina lamangb, kasam,a na ang mga talahanayan, figures at
sanggunian.

Gumawa ng isang maikling pananaliksik gamit ang IMRAD. Tungkol sa COVID 19.

Gamitin ang Diskreptibong pananaliksik bilang disenyo

You might also like