You are on page 1of 26

GAWAING

PANANALIKSIK
ARALIN 10
Malayo na rin ang nararating ng ating wikang pambansa. Mula sa
pagkakatuklas ng sinaunang alpabeto (ang baybayin o Alibata) na ginamit kaya
naitala ang mga kaalaman hingil sa mga ugaliin, Gawain, at mga gawaing
kultural ng mga sinaunang Filipino ay lalo itong naging gamitin sa higit na
modernong paraan ng pagtuklas ng mga kaalaman. Ito ay naisakatuparan
gamit ang modernong teknolohiya at sa tulong ng iba’t ibang platform.
Katunayan, ang ating wikang pambansa ay nakakasabay na sa pandaigdigang
paggamit ng internet kung kalian ang pagtuklas ng mga kaalaman ay
sinasabing nasa dulo na lamang ng daliri dahil sa mabilis na paghahatid at
paghahalaw ng mahahalagang impormasyon sa pamamagitan lamang ng pag-
click sa mga icon ng iba’t ibang aplikasyong pangmedia.
Intelektuwal, modernisado at napakayaman na ang Filipino. Bilang katunayan,
sa larangan ng pananaliksik ay hindi na lamang Ingles ang gamitin. Malawakan
na ring ginamit ang Filipino sa larangan ito.
Inaasahan na sa bahaging ito ay mayroon nang kaalaman at kasanayan ang mga mag-
aaral sa gawaing pananaliksik. Kaya sa araling ito, layunin ng pag-aaral ang sumunod:
Pangkaalaman
1. Matukoy ang mga bahagi ng pananaliksik at ang IMRAD format nito.
2. Maipaliwanag ang pagkakaiba ng pananaliksik sa IMRAD format.
Pangkasanayan
3. Magamit ang wikang Filipino sa pagsulat ng pananaliiksik sa IMRAD format.
4. Makabuo ng pananaliksik sa IMRAD format gamit ang mga paksa sa wika at
panitikan.
Kahalagahan
5. Mapahalagahan ang wikang Filipino bilang midyum sa pagtuklas ng mga kaalaman
tulad ng pananaliksik.
6. Maisaalang-alang ang mga isapaing pangwika at pampanitikan sa pananalikssik
gamit ang IMRAD format.
Kalamang pampananaliksik at pagsulat ng
IMRAD
Ang isang mahusay na mananaliksik ay hindi
lamang may kaalaman hinggil sa usaping
pampananaliksik kundi higit sa pagbuo nito.
Masasabing ganap na natutunan ng mag-aaral ang
pananaliksik kapag may kakayahan ito na
maipaliwanag ang iba’t ibang bahagi ng
pananaliksik at mailapat ang mga kaalamang ito sa
aktuwal na pagbuo o pagsasagawa nito.
Panimulang gawain
I. Wika Rambulan. Ang gawaing ito ay isang pagbabalik-aral sa mga paksa
pananaliksik. Isa itong pagtatasa na susukat sa iyong kahusayang
pampananaliksik. Ayusin ang ginulong mg aletra sa bawat aytem upang
mabuo ang hinhinging konsepto. Isulat sa patlang ang sagot.
_____1. ang pananaliksik na nagbibigay halaga sa dekriptibong katangian o
paglalarawan sa paksang pinag-aaralan kaysa sa mga datos na statistical tulad
ng frequency at mean. (TOKALIWITAB)
____2. tumutukoy ito sa mga tanggap na kaalaman at karagdagang
impormasyon hinggil sa isang paksa na ginagamit o ipinapanukala bilang
pangkalakatang batayan ng konsepto ng pananaliksik. (YORETA)
____3. sa pananaliksik ito sa mga pahayag na nais bigyan ng paliwanag o nais
patotohanan. (NASILRUNI)
Panimulang gawain
____4. Tumutukoy ito sa mga construct o mga katangiang nais imbetigahan at
patunayan na maaaring magtaglay ng mga katangiang ekslusibo o higit pang
halaga. (ROLYABOB)
____5. ito ay pagbibigay kahulugan sa mga katawagan ayon sa pagkakagamit ng
mga tao. (RANEPOLASOY)
____6. ito ay isang proseso ng paghahanap at pangangalap ng mga totoong
impormasyon na ang hangarin ay makabuo ng mga bagong kaalaman.
(KALAAPINIKNS)
____7. tinatawag in itong haka o prediksyon. Ito ang pangkalahatang palagay
kaugnay ng mga nais sagutin o bigyang linaw sa pagsasaliksik. ( SITEYOHAPS)
____8. Tinutukoy nito ang lugar kung saan isinasagawa ang pananaliksik kaya
nakalap ang mahahalgang datos. ( NALIGARIKA)
Panimulang gawain
____9. bahagi ito pananaliksik ay ipinapahayag kung saan ang kalahatan ng mga natuklasan sa
pag-aaral ay inilalahad sa pamamagitan ng ng maikli ngunit tiyak na pahayag. (NIKOSOLKGUYN)
____10. sa bahaging ito ng pananaliksik ay ipinahahayag ng mananaliksik ang mga panukalang
gawain o kaya ay ang mga nais pang isakatuparan kaugnay ng mga kinalabasan ng pag-aaral.
(YODIMERSOKEMAN)
____11. isang akademikong pagsulat na tumatalakay sa paksa ng pag-aaral sa pamamagitan ng
masusing pagpili ng mga makabuluhang artikulo. ( TELARITARU)
____12. sa pamamagitan ng binalangkas na figure ay inilalarawan nito ang mga hakbang maging
ang mga konsepto kung paano maaring maisakatuparn ang pananaliksik. (DAPIRAM)
____13. pagatatalakay sa kinalabasan ng pagsasaliksik na karaniwang nilalakipan ng
koroborasyon ng mga pili at nauugnay na kaisipan ng mga dalubhasa. ( TOPTINARSERIYEN)
____14. bahagi ng pananaliksik na naglalahad ng uri ng pananaliksik na ginamit sa pag-aaral. Ang
disenyo ng pag-aaral ay inilalahad sa bahaging ito.
____15. ito ay tumutukoy sa mga nakalap na impormasyon, ideya at kalaman mula sa mga
tagtugon. (YODAS)
Panimulang gawain
INTERPRETASYON NG MGA ISKOR:
13-15- napakataas ng kaalaman sa pananaliksik, makapagpapatuloy nang
walang gabay
10-12- mataas ang kaalaman sa pananaliksik, makapagpapatuloy nang walang
gabay
7-9- may kaalaman sa pananaliksik, maaaring magpatulo
y kung may gabay
4-6- nangangailangan ng paggabay sa pananaliksik, hindi
Alamin
Paagbalik-aralan natin ang ilang mahahalagang kaalaman hinggil sa pananaliksik bilang
paghahanda sa pagsulat ng IMRAD format. Ang mga konseptong ito ay napakahalagang
matutuhan nang sa gayon ay makapagpatuloy nang mahusay.
MAHALAGANG KAALAMAN SA PANANALIKSIK
Kahulugan
Katulad ng nabanggit na, ang pananaliksik ay isang proseso ng paghanap at pangangalap sng
mga totoong impormasyon naang hangarin ay makabuo ng mga kaalaman. Ang mga
kaalamang ito ay makabuluhan sapagkat naipapaliwanag ang mga suliraning nais bigyan ng
kasagutan o kaya ay tumutugon sa mga suliraning agarang nangangailangan ng kalutasan.
Naaayon ito sa pahayag ni Bbbie (1998;salin)na ang pananaliksik ay isang sistematikong
pagtatanong na naglalayong maglarawan, magpaliwanag, magbigay ng sapat at detalyadong
kasagutan sa mga haka o prediksyon hinggil sa mga bagay-bagay na kinasasangkutan ng tao.
Samantala, ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal at disiplinadong
pagahahanap ng mga sagot sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa
kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at resolusyon nito.
Apat na Uri ng Layunin
Bakit tayo nagsasagawa ng pananaliksik? May apat na dahilan na binabanggit si Patton
(1990) kung bakit angsasagawa nito. Ipinapaliwanag niya ang apat na uri ng pananaliksik
ayon sa mga layunin. Ang Basic Research ay isang pananaliksik na ang pinakalayunin ay
unawain ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng maingat na pagpapaliwanag sa mga
ito. Ang ganitong uri ay nauugnay sa mga teorya na nagpapaliwanag sa mga penomeno.
Karaniwan itong deskriptibo at nauukol sa pagpapaliwanag sa mga tanong na ano ang
nangyari, bakit ito nangyari at kung paano ito nangyari. Ang applied Research naman ay
naglalayong magpaunawa at tumugon sa mga kalikasan ng mga suliraning pantao. Higit
nitong nalilinaw at pinagtutuonan ang mga tanong na ukol sa kung paano maaaring
mabigyan ng solusyon ang mga suliraning kinahaharap ng mga tao sa lipunan. Ang
Evaluation research ay nakatuon sa ebalwasyon ng mga naisagawang proseso at naging
bunga ng mga gawain. Maaari itong formative kung ang layunin ay alamin at pataasin pa
ang antas ng pakikibahagi o pakikisangkot ng tao sa iba’t ibang kondisyon tulad ng mga
gawain ng mga tao. Maaari din itong summative kung ang layunin ay magsasagawa ng
ebalwasyon ukol sa pagkaepektibo ng isinasagawang programa o kaya interbensyon.
Samantala, ang Action Research naman ay naglalayon na makapagbigay ng solusyon sa
mga naging suliranin ng isang programa I gawain ng isang pangkat.
DISENYO
Iba-iba ang disenyo na maaring gamitin ayon sa kung ano ang layunin
ng pananaliksik. Kung ang nais isakatuparan ay isang pananaliksik na
may layuning malaman at mapatunayan ang mga dahilan kung bakit
nangyari ang mga pagbabago kaugnay ng mga baryabol, naaangkop
gamitin ang disenyong eksperimental; kung ang layunin naman ay
tuklasin kung paano nauugnay ang mga baryabol sa bawat isa,
gamitin ang disenyong korelasyon. Ang eksperimental at korelasyon
ay napapaloob sa disenyong kwantitatibo. Samantala, kung nais
mailarawan at maintindihan ang isang partikular na kondisyong
panlipunan at ang iba’t ibang karanasang sosyal ng mga tao, gamitin
ang disenyong kwalitatilo; sa mga paksang may layuning maglahad ng
mga abryabol at maglarawan ng m,ga pangyayari, kaisipan at
kondisyon, gamitin ang disenyong mixed.
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK AT ANG IMRAD
FORMAT
Ang isang buong pananaliksik ay karaniwang naglalaman ng limang mahahalagang bahagi na
nahahati sa limang kabanata. Ang mga kabanatang ito ay may mga seksyon na naglalaman ng
mahahalagang impormasyong nakakatulong upang maunawaan ang isang pag-aaral
Sa IMRAD format ay pinaikli ang karaniwang limang kabanata ng pananaliksik. Ayon kay
Abderisak (2013), ang IMRAD ay isang modelo ng pananalliksik ba kumakatawan sa
Introduksuon-Metodolohiya-Resulta at Diskusyon. Halos walang pagkakaiba sa nilalaman ng
Imrad format sa karaniwang limang kabanatang pananaliksik. Ang IMRAD, inuullit, ay pinaikling
bersyon; inilipat sa ilang bahagi nito ang ibang bahagi ng kabanata ng pananaliksik.
Ang mga pananaliksik na social at technical ay maaaring lapatan ng IMRAD format. Ang Social
Research ay nauukol sa mga pananaliksik na may kaugnayan sa lahat ng disiplinang pang-
akademiko. Nakatuon ito sa mga paksa hinggil sa kaugnayan ng mga tao sa lipunang
ginagawalawan nito- antropolohiya, ekonomiks, batas at kasaysayan, lipunan at heograpiya,
linggwistik, politika, sikolohiya at sosyolohiya. Ang Technical Research naman ay nauukol sa lahat
ng mga sangay ng agham at teknolohiya kung saan isinasagawa ang mga prosesong
eksperimental. Nabibilang sa larangang ito ang mga sangay ng agrikultur, medisina at iba pang
sangay. Samakatuwid, ang mga pananaliksik sa alin mang larangan ay maaaring magkaroon ng
bagong anyo sa pamamagitan ng Imrad.
• Tunghayan sa presentasyon ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mg abahaging kabanata ng
pananaliksik at ng IMRAD format.

• Buong pananaliksik IMRAD format


• Kabanata 1: Suliranin at ang Saligan Nito
• Introduksyon/Panimula
• Paglalahad ng suliranin
• Kahalagahan ng Pag-aaral
• Saklaw at limitasyon
• Balangkas konseptuwal INTRODUKSYON
• Balangkas teoritikal Hinggil sa paksa, saligan,
• Haypotesis suliranin, layunin, rasyunal
• Kahulugan ng mga termino at kahalagahan.
• Kabanata 2
• Literatura
• Kaugnay na pag-aaral
• Kabanata 3 metodolohiya ng pag-aaral METODOLOHIYA
• Disenyo Disenyo
• Kaligiran ng pag-aaral Instrumento
• Tagatugon/kalahokTagatugon
• Instrumento sa pag-aaaral kaligiran
• Hakbang sa pagkalap ng datos Hakabang at Pamaraan
• Paraan ng Pagsusuri ng datos/treatment Resulta
Paglalahad ng resulta ayon sa inilhad
• Kabanata 4: Paglalahad at interpretasyon ng datos na suliranin, interpretasyon at
• Paglalahad ng datos koroborasyon o pagpapatibay.
* May mga institusyong pang-
• Interpretasyon akademya na naglalapat ng buod sa
bahagi ng resulta. Ito ay opsyonal.
• Kabanata 5: buod, kongklusyon at rekomendasyon
• Buod Diskusyon o Talakay
• KongklusyonKongklusyon
• Rekomedasyon Rekomendasyon
Paano sinulat ang IMRAD format?
Introdukayon (ano ang paksang sasaliksikin at bakit?)
Ang introdukayon ay naglalahad ng paksa at mga suliranin ng pananaliksik at mahalagang tanong na
nais linawin, naglalaman ito ng maikling pagpapahayag ng saligan pag-aaral at kung bakit ito
mahalagang saliksikin. Inilalakip din sa introduksyon ang paglalahad ng limitasyon at iba apng
mahahalagang paksa na dapat talakayin sa larangan (rsearch gap) at ang layuning nais itugon dito.
Ang mahalagang pagtatalakay sa paksa ay inilalakip din sa introduksyon upang maunawaan ang
larangang nais maipakilala. Nililiwanag sa pagtalakay ang mga “alam” at “di-alam” tungkol sa paksa
at kung ano pa ang maaaering malaman hinggil dito. Ang mga haka o prediksyon na maaring
maging resulta ay pahapyaw na nililiwanag sa bahaging ito.
Simulan ang pagsulat nito sa pamamagitan ng paglalahad ng paksa at ng suliraning nais bigyang
linaw. Ihayag sa pamamagitan ng mapanghikayat na pananalita at mga kaisipan na ang paksa ay
napapanahon, mahalaga at dapat bigyang pansin. Ipaliwanag ang kasalukuyang kalagayan ng
napiling paksa at tukuyin ang mga bahagi na hindi pa gaanong natatalakay (gap( at ipaliwanag.
Isama rin ang paglalahad ng mga layunin at kabuluhan (rationale) ng isinasagawang pananaliksik.
Sa pagsulat nito, ilapat ang mga kaukulang citations. Gamitin ang mga pandiwang pangkasalukuyan
at gumamit ng mga tiak, maikli at di-maliligoy na pangungusap. Iwasan ang mahabang
introduksyon. Ang paglalahad ng mga detalye ng resulta ay hindi angkop sa bahaging ito.
Paano sinulat ang IMRAD format?
Metodolohiya ( ano ang ginawa at paano ito ginagawa?)
Anim na mahalagang tanong ang dapat masagot sa paglalahad ng bahaging ito. Ano? Sino?
Saan? Bakit? Kailan? At Paano?
Ang Ano? Ay tumutukoy sa disendyo at pamaraang ginamit sa pag-aaral. Ang Sino? At Saan? Ay
tumutukoy sa mga tagatugon at sa kaligiran ng pag-aaral. Abf bakit? Ay para sa mga
konsiderasyong etikal sa pagsasagawa ng pananaliksik at ang Kailan? Naman ay sa saklaw na
panahong ginamit hanggang samabuo ang pananaliksik, samantalang ang paano? Ay tumutukoy
sa mga hakbang at paraan ng pagtatalakay sa mga datos gayundin sa pagpili ng tagatugon.
Sa pagsulat ng metodolohiya ay gumagamit ng mga pandiwang perperktibo (past tense).
Liwanagin sa bahaging ito ang mahahal;agang kaisipang ukol sa ano, sino, saan, bakit, kailan, at
paano nang sa gayon ay maunawaan ang kabuoang pamaraan o prsoseo kung paano nakuha
ang detalye ng mga datos. Maging detalyado sa paglalahad ng metodolohiya at sa mga
prosesong kaugnay nito. Halimbawa, kung nagsagawa ng panayam, kaliangang mailahad kung
paano napili ang kakapanayamin o mga kakapanayamin, saan isinagawa ang panayam, kung
mayroon bang katangiang isinasaalangg-alang sa pagpili ng mga tagatugon at ano ang
kagamitiang ginagamit para sa panayam.
RESULTA (Ano ang natuklasan)
Sa bahagi namang ito inilahad ang naging resulta at natuklasan sa isinagawang pag-
aaral. Ang mga resulta ay inilahad ayon sa pagkakasunod sunod ng mga suliranin.
Mainam kung sa paglalahad ay gagamit ng mga seksyon at sub-seksyon upang higit
na maging maayos at naliwanag ang isasagawang pagtalakay. Dalawang bagay ang
mahalaga sa bahaging ito- maglahad ng resulta at ,agbigay ng kuro-kuro sa mga
natuklasan sa isinagawang pananaliksik.
halimbawa, maaaring talakayin ang resulta ng ganito:
Sa kalahatang ebalwasyon ng mga mag-aaral ipinakikita ng talahanayan na..kaya
masasabing makatotohanan ang resulta ay sapagkat binanggit sa pag-aaral ni Cruz
(2018) na..
O kaya ganito”
Mayroong kaibahan ang resultang ipinakikita ng talahanayan # ukol sa…mahihinuha
sa ag-aaral na isinagawa ni Mendoza(2017) na..dahil dito, masasabing…
Gayunpaman, sikaping matuwid at hindi maligoy ang paglalahad at
pagpapaliwanag ng mga kaisipan. Hanggat maari, ilagay sa resulta ang mga
tanging impormasyong kailangan at tiyak na sumasagot sa mga suliranin
(highlights, key findings and primary outcomes).
*Tandaan na may ilang iinstitusyong pang-akademya na pinipiling ilapat sa
bahaging ito (resulta) ang buod ng pag-aaral, nasa tuntunin ng naturang mga
institusyon na gamitin ang kanilang sariling format.
DISKUSYON O TALAKAY (Ano ang ibig sabihin ng resulata)
Laman ng bahaging ito ang buod ng pag-aaral, gayundin ang maaring kalahatang
pagkakatulad at pagkakaiba ng resulta sa iba pang mga pag-aaral. Kaya ang
pinakatunguhin ng bahaging ito ay ang paglalahad ng mga kongklusyon at mga
rekomendasyon batay sa lumalabas na mga resulta. Ang iba pang mahalagang
maaaring matalakay sa diskusyon ay ang mga implikasyon mula sa ibang
naisagawang pananaliksik na nauugnay sa paksa ng pag-aaral. Ginagawa ito
upang mapalawak at mapalalim pa ang pagtalakay sa resulta ng pananaliksik.
• Naaangkop gamitin ang ang IMRAD sa mga pananaliksik na
may layuning sumasagot sa mga tiyak na suliranin. Ito ay
higt na mabuting gamitin sa mga pananaliksik na mayroong
prsoseo ng pag-eeksperemento, panayam, obserbasyon, at
iba pa. Maaari din itong gamitin kapag nagsagawa ng
pananaliksik na seocndary na ginagamitan lamang ng
pagkuha ng impormason ukol sa isang tiyak na paksa mula
sa mga aklat, magasin, mga artikulo at maraming iba pang
hanguan. Sa nahaging ito ng pag-aaral ay magkaroon ng
pagsasanay sapabguo at presentasyon ng pananaliksik gamit
ang IMRAD. Ang mga pananaliksik na inilalathala ay
karaniwang ginagamitan ng IMRAD format.
Alamin
Ilang maungkahing dapat tandaan sa Pagsulat mng IMRAD

Pamagat na karaniwang nasa Gwaing itas ng Papel, centered Alignment at


sinusulat nang tagilo (inverted pyramid), lahat ng mgasalitang pangnilalaman
ay sisimulan sa malalaking titik, ito ay opsyonal ayon sa mg apamantayan ng
institusyon.
Maaring ang pamagat ay isulat sa malalking titik

Buong pangalan ng mananaliksik


Iba pang mahalagang impormasyon tulad ng uri ng pananaliksik, email atbp.
• Abstrak
Ang abstrak ay isinusulat na isang talataan lamang at hangga’t maari ay
hanggang isangdaang salita lamang. Laman nito ang pinakamahalgang
impormasyon ng pag-aaral. Dalawampu’t limang porsyento (25%) nito ay
paglalahad ng pag-aaral o introdukasyon, 25% para sa metodolohiya, 35% ang
sa paglalahad ng resulta at ang 15% ay laan para sa mga implikasyon,
kongklusyon at rekomendasyon na siyang kumakatawan sa diskusyon. Ilagay sa
ibaba nito ang mga susing salita o keywords.

Susing salita: ang susing salita ay mga salitang nauugnay sa pag-aaral. Maaari
ding ito ay m,ga salita na nagsasaad kung sa anong kategorya o larangan
nabibilang ang pag-aaral. Sa pamamagitan ng mga susing salita ay
amapapabilis ang paghahanap ng pananaliksik lalo na kung aito ay inihanda
para sa publikasyon.
INTRODUKSYON
Isulat ang introduksyon. Binibigayang-diin na 25% bahagi ng IMRAD
ang introdukasyon. Simulan ang pagsulat sa pamamagitan ng
p[agpapaliwanag sa paksa at suliranin at kung napakahalagang
saliksikin ang paksa o rayunal. Gawing makatotohanan at
mapanghikayat ang tono ng pananalita upang ipagpatuloy ng mga
mambabasa ang pagbasa sa nilalaman ng pag-aaral. Talakayin nang
tiyak at di-maligoy ang kaalukuyang estado ng paksa at ilahad din ang
mga research gap o mga suliranin sa larangang tinatalakay gayundin
ang maaaring maging solusyon dito. Tapusin ang introduksyon sa
pamamagitan ng himig na nagpapaniwala upang magkaroon ng
interes ang mga mambabasa na alamin ang sumusunod na bahagi.
METODOLOHIYA
Ang metodolohiya ay 25% ng bahagi ng IMRAD. Ito ay sinusulat gamit
ang mga pandiwang perpektibo. Maaaring may heading at
subheading ang bahagig ito. Ipokus sa talakay ng metodolohiya ang
kahalagahan ng uri at disenyo ng pag-aaral. Ilahad nang mahusay ang
kaligiran ng naisagawang pananaliksik at kung bakit ito ang napiling
lokasyon. Bangitin din kung sino ang mga tagatugon ng pananaliksik,
kung paano pinili ang mga tagatugon at liwanagin kng bakit sila ang
napiling tagatugon. Ang instrumento ng pag-aaral ay ilahad gayundin
ang mahahalagang katangian nito. Bigyang pansin sa bahaging ito ang
mga paraan ng pag-analisa ng datos at mga hakbang na isinagawa sa
pagkuha ng datos upang maunawaan ang kalahatan ng mga
prosesong isinagawa.
RESULTA
Matapos mailahad ang metodolohiya, isulat ang naging
resulta ng pag-aaral. Ang resulta ay kumakatawan ng 35%
bahagib ng IMRAD. Dalawang mahalagang bahagi ang dapat
maisaalang-alang dito-maglahad ng resulta at magbigay ng
kuro-kuro. Ituon sa paglalahad ng resulat ang naging sagot sa
mga suliranin ayon sa pagkaksunod-sunod ng mga ito. Ilagay
ang mahalagang talahanayan at angkop na label o
interpretasyon ng mga resulta. Sikaping ang mga kuro-kuro ay
mapalitan ng mga pagpapatibay na naaayon sa mga sa mga
nailahad na resulta ng pag-aaral.
DISKUSYON
Labinlimang porsyento (15%) ng IMRAD ang diskusyon.
Ang mga implikasyon, kongklusyon at rekomendasyon
ay binibigyang halaga sa bahaging ito ng IMRAD, maaari
din namang isama rito ang pangkalahatang buod ng
pag-aaral upang magkaroon ng idea ang mga
mambabasa kung ano ang kabuoang kinalabasan ng
pananaliksik. Maglagay ng pangwakas na kaisipan na
nauukol sa kalahatang resulta ng pag-aaral sa bahaging
ito.
Tapusin ang IMRAD sa pamamagitan ng paglalagay ng mga
sanggunian.
Iba pang mahahalagang maungkahi sa pagsulat ng IMRAD:
1. Gumamit ng papel na ang sukat ay 8.5”x 13” (long size bond
paper) na may 1.5” sa bahaging binding edge o kaliwang bahagi at
1” sa ibang bahagi ng papel
2. Gumamit ng 12 font size, Times New Roman o kaya at Arial
3. Ang espasyo sa pagitan ng mga linya ay maaaring 1.5 o 2 espasyo.
Samatala, 2.5 espasyo sa pagitan ng headings at sub-headings
4. Limitahan ang papel ng hangang 20-25 pahina lamangb, kasam,a
na ang mga talahanayan, figures at sanggunian.

You might also like