You are on page 1of 10

Erotisismo

Paano makikita ang pagnanais o


pagnanasa ni rizal "erotisismo" sa
kanyang mga akda.
Erotisismo –
(mula sa Griyegong ἔρως, eros—"pagnanais" o
"pagnanasa") ay pangakalahatang nauunawaan bilang isang
kalagayan ng pagkaantig na seksuwal o pag-asam nito - isang
mapilit na bugso o impulso, kagustuhan, o nakagawiang mga
kaisipan, pati na bilang isang pagmumuni-muning
pampilosopiya na nakatuon sa estetika ng kanaisang
pangpagtatalik at maromansang pagmamahal.
Erotisismo -
Sa kanyang pagpapakilala sa kanyang aklat na Totally
Heterotica, ang alagad ng sining na pang-erotisismo at
teoristang lesbiyana na si Susie Bright ay nagsaad ng ganito: 'ang
pinaka salitang erotic ay nagpapahiwatig ng nakatataas na
halaga, pinong sining, isang estetiko na nagpapataas sa isipan at
nagkataong kinahahantungan ng pag-antig ng katawan’.

Bilang pagdiriin ng nobelistang Pranses na si Honore de Balzac,


ang erotisismo ay nakadepende hindi lamang sa moralidad na
pangseks ng isang indibiduwal subalit pati na rin sa kultura at
kapanahunan na kinapapalooban o kinapapamahayan ng
indibiduwal na iyon.
Noli Me Tángere -
ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at
inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang
pamagat nito na may kahulugang "huwag mo akong
salingin (o hawakan)". Sinipi ito mula sa San Juan
20:17 kung saan sinabi ni Hesus kay Maria Magdalena
na "Huwag mo akong salingin sapagkat hindi pa ako
nakaaakyat sa aking ama.". Mas madalas itong
tinatawag na Noli; at ang salin nito sa Ingles ay Social
Cancer. Sinundan ito ng El Filibusterismo.
Kasaysayan –
Unang nobela ni Rizal ang Noli Me tangere. Inilathala
ito noong 26 taóng gulang siya. Makasaysayan ang aklat na ito at
naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng
pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang paraan,
nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal
mismo ay isang nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang
tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila. Sinulat sa
wikang Kastila ang Noli, ang wika ng mga edukado noong
panahong yaon.
Sinimulan ni Rizal ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay
natapos bago siya umalis ng Paris, at natapos ito sa Berlin,
Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibáñez, isang bantog na
manunulat, ang kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa.

Ang nobela ni Rizal ay tumatalakay sa mga kinagisnang kultura ng


Pilipinas sa pagiging kolonya nito ng Espanya. Binabatikos din ng
nobela ang mga bisyo na nakasanayan ng mga Pilipino at ang
kapangyarihang taglay ng Simbahang Katoliko na nahihigit pa ang
kapangyarihan ng mga lokal na alkalde.
Bumuo ng kontrobersiya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng
ilang araw na pagbalik ni Rizal sa Pilipinas, tinanggap ni Gobernador-Heneral
Terrero sa Malacañang at inabisuhang puno ng subersibong ideya ang Noli.
Pagkatapos ng usapan, napayapa ang liberal ng Gobernador Heneral ngunit
nabanggit niya na wala siyang magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na
gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal. Mahihinuha ang persekusyon sa
kaniya sa liham ni Rizal sa Leitmeritz:

“ Gumawa ng maraming ingay ang libro ko; kahit saan, tinatanong ako ukol
rito. Gusto nila akong gawing excommunicado dahil doon... pinagbibintangan
akong espiya ng mga Aleman, ahente ni Bismarck, sinasabi nila na Protestante
ako, isang Mason, isang salamangkero, isang abang kaluluwa. May mga bulong
na gusto ko raw gumawa ng plano, na mayroon akong dayuhang pasaporte at
gumagala ako sa kalye pagkagat ng dilim ...
" ... Ang karunungan ay para sa tao, ngunit huwag mong lilimuting iya'y natatamo ng mga may
puso lamang." - Gurong Pari (kab. 8)

"May mga lalong dakilang bagay na dapat mong isipin- ang hinaharap ay mabubuksan pa lamang
para sa iyo, sa akin ay ipipinid na;... ang dugo ng kabataan na kumukulo sa iyong mga ugat ay
sing-init ng araw, sa akin nama'y halos sinlamig ng hukay." -Don  Rafael (kab. 7)

"Ginto ang sinadya ng mga banyaga sa iyong bayan kaya't ikaw ay pumunta rin sa kanilang bayan
upang tumuklas din ng ginto. GAyon man, unawain mong hindi lahat ng kumikinang ay ginto." -
Gurong Pari (Kab. 8)

"Sadyang kailangan tayong kalabanin at gisingin upang malantad ang ating mga kasamaan at
kahinaan, sa ganito'y lalo tayong mapapabuti." - Matandang Pari (Kab. 9)

"Dapat bigyang dangal ang isang mabuting tao habang buhay pa kaysa kung patay na." Pilosopo
Tasyo (Kab. 14)
"Walang mapapala ang anak ng mga magbubukid sa paaralan, kung bumabasa, sumusulat at
nagsasaulo sila ng mga bagay sa wikang Kastila na hindi naman nila nauunawaan." - Guro (kab.
19)

"Ang bayan po'y di dumaraing dahil siya'y pipi, di tumitinang dahil natutulog. Subali't darating ang
panahong malalantad ito sa inyo atmapapakinggan ang kanyang mga panaghoy. Pagsapit ng araw
na ito,... sasambulat sa lahat ng dako ang mga naipongluha; himutok at buntong-hiningang matagal
na panahong kinimkim sa puso ng bayan." - Pilosopo Tasyo (kab. 25)

"Tingnan mo ang mahinang tangkay na iyan. Siya'y yumuyuko kapag umiihip ang hangin na parang
ikinakanlong ang sarili. Sapagkat kung siya'y magpapakatigas sa tayo, mababakli siya at malalagas
ang kanyang mga talulot.  Kaya pararaanin  niya ang hangin sika siya muling tutuwid na taglay ang
kanyang mga talulot. " - Pilosopo Tasyo (Kab. 25)
"Lahat po tayo ay may kalaban, mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa taong may muwang,
mula sa pinakahamak hanggang sa pinakamariwasa at pinkamakapangyarihan. Ang pakikipaglaban
ay siyang batas ng buhay. " - Elias (lab. 33)

"Mahal ko ang aking bayan pagkat utang ko rito at magiging utang pa ang aking kaligayahan." -
Ibarra (kab. 49)

"Tunay  pong hindi ako maaaring umibig ni lumigaya sa sariling bayan ngunit nakahanda akong
magtiis at mamatay rito. Hangad ko na ang lahat ng Inang Bayan ay maging kasawian ko rin." -
Elias (kab. 61)

"Ako'y mamamatay na hindi man lamang nakita ang maningning na pagbubukang liwayway sa
aking bayan. Kayong makakakita, batiin ninyo siya at huwag kalilimutan ang mga nalugmok sa
dilim ng gabi." - Elias (kab. 

You might also like