You are on page 1of 4

I.

Paksa

Ang Pananaliksik ay tungkol sa pagkuha ng mga lisenya upang makapag tinda sa

bangke bangketa ng bangkal. dahil karamihan sa mga nagtitinda sa aming barangay ay

illegal sa kadahilanang hindi sila kumukuha ng lisensya sa munisipyo. kaya naman ang

karamihan ay nahuhuli at hinahanapan at nang sa ganon ay hindi sila mapaalis at kung

saka sakali na mayroong naipakita na lisensya, o rehistrado silang nagtitinda ay hindi sila

mahuhuli at tuloy ang kanilang negosyo.

II. Rasyunal/Layunin

Mahalaga ang paksang ito sapagkat dito sa aming barangay ay limitado

lamang ang pagtitinda dahil isa sa lungsod ng Makati ang Bangkal at pinapanatiling

malinis ang kalye at at kailangan na legal ang kanilang pagtitinda upang hindi na sila

mamroblema kung may dadating mang MMDA at mahalaga ang mayroong silang

maipakita na rehistrado ang kanilang kinatatayuang pwesto. Layunin namin ay malakap

ang kaibahan pang impormasyon tungkol sa pag baban ng ibang vendor sa kadahilanang

wala silang maipakita na lisensya na nagmula sa munisipyo.

Layunin ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na

katanungan:

a. Bakit kailangan ng mga Street vendors ng permit para makapag tinda?

b. Nakakaapekto ba sa kabuhayan ng mga street vendors polisiyang ito? Sa paanong

paraan?
c. Ano ang kahalagahan ng mga street vendors sa kanilang siyudad?

III. Pamaraan

Isinasagawa ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng aming pag

iinterbyu sa barangay namin upang makalakap ng mga impormasyon. Nagsagawa kami

ng ilang katanungan para sa aming iinterbyuhin na nakatoka sa pagkuha ng lisensya

upang makapagtinda. At iba pang pamamaraan ay ang pagtatanong kung bakit nga ba

mahalaga ang pagkuha ng lisensya sa aming barangay.

IV. Panimula

Ang aming paksa ay tumutukoy sa pagkalap ng impormasyon sa aming barangay

upang alamin na kung bakit marami ang walang lisensya upang makapagtinda. Subalit

ang karamihan sa ating kapwa pinoy ay walang sapat na halagang pera upang makakuha

ng lisensya ng sa ganon ay maging legal ang kanilang pagtitinda sa bangketa. Ngunit

alam naman natin na ang paghahanap buhay kinakailangan ng mga papeles para ito ang

magsilbing katibayan sa kanilang pag nenegosyo. Marami ang kapwa nating pinoy na

ninanais lamang ay makapag hanapbuhay upang maitawid ang kanilang pang araw-araw

at hindi likas sa karamihan ang pagkuha ng lisenya ngunit sa aming pag aaral ay nalaman

namin na mayroong sapat na katibayan ang pag nenegosyo upang hindi na makaapekto

ang paninita o paglalagay sa ibang mas nakakataas na minsan ay ganon ang nangyayari sa

ating realidad.

V. Pagtalakay
Ayon sa aming nakapanayam sa aming barangay ay kinakailangan ng mga vendor

ang pagkuha ng mga ‘Vendor License’ upang may katibayan silang maipakita kung saka

sakaling sila ay masita ng MMDA at patunay rin ito na sila ay legal na naghahanap buhay

sa Barangay ng Bangkal. Likas sa ating mga pinoy ang makapagtrabaho kahit na ito’y

pagtitinda lamang sa bangketa dahil sa hirap ng buhay ngayon para maitawid lang ang

kanilang pang araw araw ay kailangan na magtrabaho para sa kanilang pamilya. Ayon

kay Joselito Lazarte isa sa mga ininterbyu naming vendor ay “ Wala namang masama

ang pagkuha ng vendor license dahil ito’y makakatulong rin sa akin upang hindi na ako

sitahin at hindi na ako kabahan pa kung magkakaroon man ng isang pang che-check up,

dito sa aming barangay” batay sa kanyang mga sagot ay makakatulong naman ang

pagkuha ng “Vendor License” at wala dapat na pagsisihan dahil ito’y katibayan sa mga

nanghuhuli at hindi na kailangan pang takbuhan ang mga ganitong banta.

VI. Lagom

Bilang pagbubuod sa aming paksa ay napakaraming nagnenegosyo sa

aming barangay ang iba ay wala parin talagang vendor license. Ngunit ang karamihan

naman ay mayroon na at maganda naman ito para sa kanilang negosyo upang wala ng

makaperwisyo sa kanila at kami’y may natutunan sa aming pag aaral na ito kung sakali

man na kami ay magtayo ng negosyo ay kinakailangan namin na kumuha ng lisensya sa

munisipyo upang sa ganon ay legal kami na makapag hanapbuhay sa aming barangay.

Lingid sa inyong kaalaman na ang pagkuha ng lisensya ay ganun lamang kadali ito ay

may mga prosesong sinusunod at kailangan sundin sa kung papaano ito nakahanay at

nakabatay.
VII. Konklusyon

Natuklasan sa pananaliksik na ito ang mga sumusunod:

a.

b.

c.

VII.Rekomendasyon

Buong pag papakumbabang iminumungkahi ng mga mananaliksik ang

mga sumusunod:

a. Kinakailangan ng sapat na oras sa pagkuha ng lisensya at kailangan na maging

matiyaga.

b.

Makatotohanan ang isyu na kinalap ng mga mananaliksik sapagkat parami ng parami ang

mga street vendors at kahit saan ka tumingin ay nagkalat sila karamihan sa kanila ay

walang sapat na permit dahil sa ganon sila ay nakakaabala sa mga sasakyan sa mga taong

nadaan sa bangketa kaya importante talaga sa mga street vendors ng permit nang sa

ganon ay hindi sila mapaalis at para din sa ikakabuti nila.

You might also like