You are on page 1of 12

PAANO MAGING FRANCHISEE?

ISANG GABAY PARA SA MALILIIT AT DI KALAKIHANG NEGOSYANTE


(A GUIDEBOOK FOR SMALL AND MEDIUM ENTERPRISE)

MGA NILALAMAN

Panimula
I. Ano ang Business Franchising?
II. Ano ang mga Kailangang Hanapin sa
Isang Responsableng Franchise Business?
III. Ano ang mga Kaibahan ng Isang
Independent na Negosyo sa Franchising?
IV. Ano ang mga Paghahanda Para Maging
Franchisee?
V. Ano ang Qualification Process sa Pagbili ng
Isang Franchise Business?
VI. Ano ang mga Karaniwang Problema sa
Franchise Business?
VII. Ano ang mga Dapat Iwasan sa Pagkuha ng Franchise?
VIII. Mga Franchise Associations at mga
Sangay ng Pamahalaan na Maaaring Makatulong
sa Franchise Business
PANIMULA

Ang Booklet na ito ay isang gabay sa mga nagnanais mamuhunan sa negosyong FRANCHISING. Ang
mga Overseas Filipino Workers (OFWs), maging ang mga maliliit at di kalakihang negosyante, ay
nakararanas ng di-pangkaraniwang hirap para makaipon at makapangalap ng puhunan para
magkaroon ng sariling negosyo. Kaya mahalaga na mabahanginan sila ng kaalaman upang
mapangalagaan ang puhunang ito, mapalakad nang wasto, at mapaunlad ang negosyo.

Nag-umpisa ang franchising industry sa Pilipinas noong Dekada 80 at karamihan ng franchisors ay


mga banyagang kompanya. Naging matatag ang pag-unlad ng industriya at nitong nakaraang dekada
ay nakita ang pag usbong ng matagumpay na homegrown o mga Pilipinong franchisor at
napatunayan din na ang franchising ay isang makabuluhan at kumikitang pamamaraan ng
pagnenegosyo. Dahil ditto, naglipana ngayon ang mga mapagsamantalang gumagamit ng konsepto
ng franchising sa panloloko.

Ang booklet na ito ay naglalayong ipaalam ang mga pangkalahatan at lehitimong polisiya at
pamamaraan ng franchising business. Ang mga impormasyon na napakaloob sa booklet na ito ay
galing sa mga dokumentong legal at reference books na ginagamit at aktuwal na ekspiryensiya ng
mga lehitimong organisasyon sa pagpapalakad ng industriya ng franchising at pagpapatupad ng mga
sariling polisiya.

Naisakatuparan ang booklet na ito sa pagtutulungan ng pribadong sector, partikular na ang mga
kilalang organisasyon ng franchising:

Association of Filipino Franchisers, Inc. (AFFI)


Filipino International Franchise Association (FIFA)
Food Cart Association of the Philippines (FOCAPHIL)
Philippine Franchise Association (PFA)

at ng mga sangay ng pamahalaan na may kinalaman sa pagpapaunlad ng kabuhayan at kalakalan at


pagprotekta sa mga mamimili:

Department of Trade and Industry


Consumer Protection and Advocacy Bureau (CPAB)
Bureau of Domestic Trade Promotion (BDTP)
Bureau of Small and Medium Enterprise Development (BSMED)
Philippine Trade Training Center (PTTC)
Regional Operations Group (ROG)
Department of the Interior and Local Government (DILG)
Securities and Exchange Commission (SEC)
Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
Bahagi rin ng booklet na ito ang mga mahahalagang contact information ng mga tanggapang may
kinalaman at makatutulong sa franchising. Matatagpuan sa lahat ng probinsiya ang mga DTI
Provincial Offices at SME Centers na maaaring lapitan para sa business advisory services.

I. ANO ANG BUSINESS FRANCHISING?

Ang Business Franchising ay isang paraan ng pagpapalawak ng pagnenegosyo na kung saan bumibili
ng franchise ang Franchisee mula sa Franchisor para sa karapatang gumawa at magbenta ng
produkto o serbisyo ng Franchisor ang Franchisee.

Ang dalawang pangunahing tauhan sa franchising ay ang Franchisor at Franchisee. Ang Franchisor
ay ang may ari ng franchising business na siyang unang sumubok at nakipagsapalaran sa pagtatayo
ng isang matagumpay na negosyo. Siya ang may ari ng trademark ng negosyong ito.

Ang Franchisee naman ay ang indibidwal o grupo na pagkatapos ng masusing pag-aaral at pag-
iimbestiga sa konsepto ng negosyo ng Franchisor ay mamumuhunan sa pagbili o pagtayo ng branch
ng franchise business ng napiling Franchisor.

Bukod sa pagbibigay ng Franchisor sa Franchisee ng karapatan na magamit ang trademark o trade


name at ang business format, tinuturuan din ang Franchisee ng mga praktikal na detalye tungkol sa
negosyo. Kasama na rito ang tamang paggamit ng trade secrets, mga paraan ng pagpapatakbo ng
negosyo, pagseserbisyo sa customer, pagtuturo sa mga empleyado, at national advertising. Ang
Franchisee ay inaalalayan ding mag-umpisa, magpatakbo, at mag-monitor ng lahat ng assets at
operations ng negosyo.

II. ANO ANG MGA KINAKAILANGANG HANAPIN SA ISANG RESPONSABLENG FRANCHISE BUSINESS?

May mga bagay na dapat isaalang-alang o bigyang pansin bago pumili ng isang franchise business
ang Franchisee. Dapat na kilalanin at suriing mabuti ang Franchisor at ang Franchise business na
inaalok dito para malaman kung ito nga ay lehitimo.

A. Pag-aari ng trademark ng Franchisor


Ang Franchisor ay may mga dokumento na galing sa Intellectual Property Office of the
Philippines (IP Philippines) na nagpapatunay na ang trademark na ginagamit ng franchise
business ay pag-aari nito.

B. Subok na matatag at matagumpay ang negosyo ng Franchisor


1. Ang Franchisor ay may sariling sangay (branches) na operational at kumikita.
2. Ang franchise business ng Franchisor ay mahigit na sa isang taong tumatakbo o operational.
3. Maliban sa sariling branches, may mga Franchisees na rin ang Franchisor.

C. May Malinaw sa sistema sa pagpapatakbo ng negosyo


1. Ang pagpapatakbo ng negosyo ay detalyadong nakasulat sa isang Operations Manual.
2. Ang parehong sistema ay ginagamit na ng lahat ng franchise branches.

D. May Kontrata o Franchise Agreement


1. Nakasaad ang mga responsibilidad ng Franchisor at Franchisee sa kontrata.
2. Binibigyan ng sapat na panahon upang basahin, mapag-aralan at intindihin ng Franchisee
ang kasulatan.
3. May term o takdang panahon ang Agreement.
4. Binibigyan ng pagkakataon upang ikonsulta sa abogado ang kontrata.Nakapasa sa pagsusuri
ng isang abogado at naipaliwanag nang mabuti anglaman nito.

E. Lehitimo ang Franchisor kung makikita ang mga sumusunod:


1. Nakarehistro ang kompanya ng Franchisor sa:
a. Securities and Exchange Commission (SEC), kung korporasyon
b. Department of Trade and Industry (DTI), kung single proprietorship
c. Bureau of Internal Revenue (BIR), para sa VAT at iba pang buwis
d. Social Security System (SSS), para sa seguridad ng mga empleyado
e. Local Government Unit, at may:
 Mayor’s Permit
 Sanitary Permit
 Building Permit
 At iba pang permit na pinapatupad ng munisipyo o siyudad

2. Nakarehistro ang trademark sa pangalan ng Franchisor sa IP Philippines.

3. May ibang mga natatanging franchise business na kailangan ding nakarehistro sa iba’t-ibang
sangay ng pamahalaan tulad ng mga sumusunod:
a. Bureau of Food and Drugs (BFAD) para sa negosyo ng pagkain, spa, salon, janitorial
service, botika
b. Department of Transportation and Communications (DOTC) para sa internet café,
telecom business
c. Department of Education (DepEd) para sa education at review centers
d. Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa service at repair
shops
e. Bangko Sentral ng PIlipinas (BSP) para sa remittance centers at sanglaan.

4. Totoong may opisina ang Franchisor


a. Ang franchise business ay may sariling opisina na pwedeng puntahan o bisitahin.
b. Ito ay mayroon ding mga sariling tauhan at mga taong tutulong at mag-aasikaso sa mga
Franchisee sa pagpapatakbo ng negosyo.

F. Miyembro ang Franchisor ng isang kinikilalang Franchise Association, gaya ng:


1. Association of Filipino Franchisers, Inc. (AFFI)
2. Filipino International Franchise Association (FIFA)
3. Food Cart Association of the Philippines (FOCAPHIL)
4. Philippine Franchise Association (PFA)

III. ANO ANG MGA KABAIHAN NG ISANG INDEPENDENT NA NEGOSYO SA FRANCHISING?

Ito ay pagkukumpara ng isang independent na negosyo at franchise business ayon sa mga


sumusunod na aspeto:
Aspeto Isang Independent na Franchising
Negosyo?
A. Konsepto Paglalaanan ng mahabang May subok na konsepto na
panahon upang mapag-aralan maaari nang gamitin
B. Paraan sa Pamamalakad ng Magastos at matagal ang May standardized, subok,
Negosyo paraan sa pamamalakad dahil maayos, at napag-isipang
sa trial and error paraan sa pamamalakad ng
negosyo na nakasaad sa
Operations Manual
C. Ikaw ang sarili mong BOSS Ikaw ang may-ari sa iyo Ikaw ang may-ari ng franchise
nakasalalay ang lahat. ngunit may sinusunod kang
pamantayan galing sa
Franchisor. Kabahagi mo ang
Franchisor sa iyong mga
responsibilidad.
D. May instant customers ka Mahabang panahon at capital May datihang customers dahil
na ang kailangan para magkaroon kilala na ang franchise brand.
ng palagiang customer. Kabisado na ng mga customer
ang mga produkto o serbisyo.
Numuhunan na ang Franchisor
sa marketing at promotion.
E. Tulong sa pagpatakbo ng Sarili mo lang ang aasahan. Makatutulong ang Franchisor sa
negosyo mga Franchisee sa lahat ng
aspeto ng negosyo. May mga
tauhan ang Franchsior na
nagsisilbing business
consultants. Importante sa
Franchisor na maging
matagumpay ka dahil
pinangangalagaan niya ang
reputasyon ng franchise
system.
F. National Advertising Magastos at kakaunti ang may Lahat ng branches ay nag-
kakayahan na gumawa nito. aambag para sa national
advertising program. Ang
pinagsama-samang pondo ay
ginagamit ng Franchisor upang
tumaas ang benta ng lahat na
franchise branches.
G. Palagiang may supplies Mataas ang presyo at lagi kang Mababa ang presyo dahil
huli sa prayoridad ng mga bumibili ng maramihan (bulk).
suppliers kung kaunti lang ang Nag-iimbak ang Franchisor ng
bibilhin. mga supplies kaya may
palagiang supply ang franchise
system.
H. Katiyakang tagumpay ng 18% lamang ng negosyo ang 90% ng na-franchise na
negosyo sa loob ng 10 operational na. business ay bukas pa.
taon.

IV. ANO ANG MGA PAGHAHANDA PARA MAGING FRANCHISEE?


A. Pagsusuri sa sarili
Ayon sa pagsasaliksik at pag-aaral ukol sa franchise business, ang mga matagumpay na
Franchisee ay nagtataglay ng mga sumusunod na personal na katangian:

1. Laging gustong matuto


Ang isang matagumpay na negosyante ay laging gusto o handang matuto ng ano mang
bagay ukol sa kanyang negosyo. Humahanap siya ng pagkakataong matuto sa Franchisor at
ibang Franchisees. Lagi siyang humihingi ng payo sa mga matagaumpay na Franchisee at
sinusunod din niya ang mga payo nito. Ipinapaalam din niya sa Franchisor ang kanyang
problema para matulungan siya nito. Inaamin niya sa sarili na hindi niya alam ang lahat ng
bagay o solusyon sa problema at humihingi siya ng tulong sa ibang may alam, kung
kinakailangan.

2. Masipag at handing magtrabaho ng mahabang oras


Ang naghahangad na maging isang matagumpay na Franchisee ay dapat na handing maglaan
ng karamihan o lahat ng kanyang oras sa kanyang negosyo. Nararapat din na siya ay may
mahabanng pasensya, matiyaga, masipag, handing suungin ang pag-akyat o pagsabak man
ng negosyo, at lagging may positibong pananaw sa mga haharaping pagsubok. Kung minsan
ay kinakailanganing isakripisyo ang oras sa pamilya o personal na interes para sa negosyo.

3. Kakayahang makibagay sa mga tao


Ang matagumpay na Franchisee ay marunong makisama sa lahat ng klase ng tao. Dapat kang
magkaroon ng mahusay na interpersonal skills at kakayahang makapag-interact sa inyong
mga tauhan at customer kakailanganin mo ito para pagkatiwalaan, magkaroon ng loyalty, at
pahalagahan ka ng mga ito.

4. Marunong sa Marketing/Sales
Dapat ay may tiwala ka sa sariling kakayanan na kausapin ang mga customers tungkol sa
produkto o serbisyo. Kakailanganin mo ring maintindihan ang responsibilidada sa “local
branch marketing” o pagbebenta ng produkto/serbisyo sa lugar na kinasasakupan ng iyong
franchise branch. Importante ring maging ang Franchisee sa feedback ng mga customers at
ipinapaalam niya ito sa Franchisor para masiguro na may tiyak na benta ang negosyo.

5. Kakayanan laban sa stress


Mahaharap ka sa sari-saring problema sa pagnenegosyo. Makabubuting ang isang
negosyante ay maging matatag sa pagganap sa kanyang tungkulin sa pagpapatakbo ng
negosyo sa panahon ng suliranin at balakid para makahanap siya ng malinaw na solusyon sa
mga problemang ito.

6. Sumusunod sa sistema ng Franchisor


Likas sa isang franchise business ang magkaroon ng mga sistemang pinatutupad. Dapat
tanggapin ng isang Franchisee na napatunayang tama ang sistemang pinatutupad ng isang
Franchisor. Makatutulong kung susunod ang Franchisee at magiging responsible sa
pagpapatupad ng mga patakarang ito.
7. May sapat na capital at may nakalaang sobrang pondo para sa ibang pangangailangan.
Ang Franchisee ay dapat na may nakahandang capital para sa buong franchise investment.
Dapat ay mayroon din siyang hiwalay o nakatabing pondo para sa mga pangangailangan ng
kanyang pamilya.

8. Hindi takot makipagsapalaran


Ang isang matagumpay na Franchisee ay hindi nangingiming makipagsapalaran at sumubok
ng mga bagong bagay at ideya para sa negosyo. Sumasabay siya sa Franchisor sa pagsubok
ng mga programa upang tumaas ang benta. Bukas din ang kanyang isipan at kalooban na
magbigay ng ideya para lalong lumakas ang benta ng brand o produkto.

B. Pag-aralan ang aspetong pinansiyal ng franchise business


Bago magdesisyon na bumili ng isang franchise business, nararapat na malaman ng isang
Franchisee ang kakailanganing pondo sa pagsisimula ng negosyo, mga buwanang gastusin, at
kung magkano ang kikitain.

1. Franchise Investment. Ang franchise investment ay ang mga pondo o capital na kailangan
para makapagsimula ng isang franchise. Ito ay binubuo ng:
a. Paunang Bayad (Initial Fee)
Ito ang paunang bayad sa Franchisor sa paggamit ng trademark, business system, at sa
mga serbisyong ibibigay para ihanda sa pagbubukas ng Franchisee. Ito ay minsanan
lamang ibinabayad sa Franchisor na nagkakahalaga ng mula P50,000 hanggang 3M
depende sa Franchisor at termino ng kontrata.

b. Build-out
Pondong kailangan para sa konstruksyon o pagpapatayo ng gusali ng franchise branch;

c. Equipment
Mga makina at kagamitang kailangan kagaya ng computers, cash registers, freezers,
oven, sewing machines, at iba pa;

d. Furniture and Fixtures


Mga mesa, silya, cabinetsm at iba pa;

e. Mga Karatula (signages)


Mga karatula ng pangalan ng negosyo o trademark na gagamitin;

f. Permits and Licenses


Ibabayad sa mga tanggapan ng gobyerno para sa mga kaukulang lisensya at iba pang
dokumento;

g. Pre-operating Expenses
Mga gagastusin ng Franchisee bago magsimula, mga halimbawa ay ang suweldo ng mga
tauhan habang nasa training, upa ng lugar, tubig, kuryente, at iba pa;

h. Operating Capital
Pondo na nakalaan para sa mga gastusin ng franchise branch mula sa unang araw ng
operasyon ng negosyo hanggang sa mga ikatlong buwan.
i. Mga Deposito
Karaniwang humihingi ng deposito para sa renta ng lugar, sa tubog, elektrisidad,
telepono, at iba pa.

2. Mga Buwanang Babayarin

a. Royalty
Ang Franchisee ay magbabayad ng 5-10% ng benta ng branch para sa patuloy na
paggamit ng trademark at sistema at sa mga kaukulang suporta sa mga franchisees.

b. Marketing Support Fund


Ang Franchisee ay magbabayad ng 2-5% ng kanyang benta para sa national advertising
upang palagiang makilala ng publiko at potensyal na customers ang brand.

c. Mga Regular na Gastos


 Cost of goods/sales kagaya ng materyales, mga sangkap ng lulutuin, at iba pa
 Suweldo ng mga tauhan
 Utilities kagaya ng tubig, ilaw, telepono
 Upa sa lugar ng negosyo
 At iba pa

3. Ang Tubo o Pakinabang


Hindi “automatic” ang tagumpay ng Franchisee. Ang tubo o pakinabang ay nakasalalay sa
personal na pamamahala ng Franchisee at sa oras na nilalaan sa franchise business. Dapat
pahalagahan ng Franchisee ang kakayanan ng Franchisor na tumulong mapalago ang
negosyo nito.

Ang karaniwang pay-back period o kung gaano katagal papaandarin ang negosyo bago
maibalik ang puhunan o investment ay mga isa hanggang tatlong taon.

4. Maghanap at pag-aralan ang mga franchise businesses.


Ang mga Franchise Association ay may listahan ng mga Franchsiors na miyembro nila. Ang
contact numbers ng mga association ay matatagpuan sa pahina ___. Dalawin at magsaliksik
sa gusto mong franchise business. Makabubuti ring mag-attend ng mga seminars, training
courses o expositions tungkol sa franchising. Pag aralan mong mabuti ang kanilang franchise
offerings at pumili muna ng 3 hanggang 5 franchise na gusto mo at kaya ng iyong capital.

5. Masusing pag-aralan ang mga piniling franchise business


Kapag nakapili ka na ng 3-5 franchise business ay tawagan mo ito at bisitahin. Humingi ka sa
kanila ng mga detalye ng kanilang franchise offering, capital na kailangan , at mga proseso
para sa mga franchise applicants. Kunin mo rin ang listahan ng mga kasalukuyan nilang
Franchisees at dalawin ang mga ito. Alamin din ang mga sumusunod mula sa Franchisor:

a. Suportang ibibigay ng Franchisor sa mga Franchisee


b. Buwanang ibabayad sa mga Franchisor tulad ng Royalty Fee at Marketing Support Fund
c. Mga iba pang katanungan tungkol sa pamamalakad ng franchise business.
Kausapin mo rin ang mga Franchisees at kumuha ng impormasyon tungkol sa kanilang
negosyo. Pagkatapos ng masusing pag-aaral ay pumili na ng franchise na iyong kukunin.

6. Maghanap ng lugar na angkop para sa iyong franchise branch


Kapag nakapili ka na ng franchise business na iyong kukunin, maaari ka nang maghanap ng
lugar na angkop sa iyong negosyo. Ang lugar na hahanapin mo ay dapat na tumutugon sa
mga sumusunod:

a. Lugar na maraming mamimili


b. Madaling puntahan ng mga mamimili
c. Angkop sa pangangailangan ng mamimili
d. Reasonable ang upa

V. ANO ANG QUALIFICATION PROCESS SA PAGBILI NG ISANG FRANCHISE BUSINESS?

Kapag nakapili ka na ng gusto mong franchise, maaari nang gawin ang mga sumusunod na hakbang:
A. Magpadala ng Letter of Intent sa Franchisor. Ito ang sulat na nagpapahiwatig na gusto mong
magtayo ng franchise sa lugar na napili mo.
B. Sagutin ang pre-qualification form, at isumite ito sa Franchisor.
C. Hintayin ang approval ng Franchisor para sa lugar o lakasyon na pinili mo.
D. Sundin ang proseso at ihanda ang mga documentong kailangan ng Franchisor kagaya ng
market study, panel interview, site inspection, background checking, at iba pa.
E. Pag-aralang mabuti ang Franchise Investment Package at mga pinansyal na aspeto. Mas
makabubuting kumonsulta sa isang accountant na makatutulong sa iyo sa pag-aanalisa ng
nasabing aspeto.
F. Basahin mabuti at pag-aralan ang Franchise Agreement
1. Makabubuti at kailangang basahin ang buong franchise agreement.
2. Maglista ng mga tanong at mga bahagi na kailangang maintindihan.
3. Kumunsulta sa isang abogado na higit na nakakaalam sa franchising. Mapapaliwanagan ka
nito sa mga probisyon ng agreement na hindi mo naiintidihan

VI. ANO ANG MGA KARANIWANG PROBLEMA SA FRANCHISE BUSINESS?


A. Labis na pagdepende o pagsandal sa Franchisor
Hindi makabubuti sa Franchisee kung masyado na siyang nakadepende sa Franchisor sa
pagpapatakbo ng negosyo, crisis management, pagbabago sa market conditions, at istratehiya
sa pagpipresyo o promosyon. Kadalasan ay nababawasan na ang sariling kusa ng Franchisee
dahil may sistema na nga ang isang franchising business.

B. May limitasyon sa Franchise Agreement


Kung ikaw ay pumasok na sa isang franchise business at pumirma na ng isang franchise
agreement, obligado kang sumunod sa mga nilalaman ng kasunduang ito.

Ang ilan sa mga probisyon ng agreement na kailangan mong tuparin ay ang mga sumusunod:
1. May nakatakdang panahon sa pagtatapos, pagpapalit, o pagbabago ng kasunduan
2. Pagbebenta lamang ng mga authorized na produkto o serbisyo
3. Tamang paggamit ng trademark
4. Pagsunod sa authorized selling price
5. Masusing pagsunod sa Operations Manual.
C. Maaaring i-terminate ang isang kontrata o kasunduan.
Ang Franchisor ay may karapatang i-terminate o tapusin ang kontrata o kasunduan sa ilalim ng
mga sumusunod na kondisyon:

1. Lalabag ang Franchise sa kasunduan (Breach of Contract)


2. Pagkalugi o pagsara ng negosyo o bankruptcy ng franchise branch
3. Abandonment of business premises (507 araw) ng Franchisee
4. Nahatulan ng isang krimen (conviction of a crime) ang Franchisee
5. Ang Franchisee ay namatay o naging disabled
6. Pagbenta ng Franchisee ng franchise business na walang pahintulot ng Franchisor.

VII. ANO ANG MGA DAPAT IWASAN SA PAGKUHA NG FRANCHISE?

May mga gumagamit ng konsepto ng franchising business sa ilehitimong paraan. Mag-ingat at


maging alerto sa mga sumusunod:

A. Mga Franchisor na walang sariling branches


Hanggat maaari, ang Franchisor ay dapat may 3-5 company-owned branches. Kung walang
experience sa pagpapatakbo ng negosyo, wala siyang maituturo sa Franchisee.

B. Mga pangakong mahirap paniwalaan


1. 100% tagumpay sa negosyo
2. Automatic ang kita at tubo
3. Malaking kita habang ikaw ay nasa bahay lamang at hindi full-time sa negosyo
4. Pagbalik agad ng puhunan sa loob ng napakaiksing panahon

C. Ipipilit ang agarang pirmahan ng kontrata


Ipipilit niya ang agarang pagpirma at hindi ka na nito bibigyan ng panahong pag-aralan ang mga
dokumento at kontrata. Mamadaliin ka rin niyang magbayad ng initial fees.

D. Hindi sumusunod sa proseso sa pag-apply ng franchise na nakasaad sa pahina ___


E. Kakaibang promosyon
Gumagamit ng promosyon tulad ng “Buy One Take One” at pagbibigay ng maraming libreng
produkto at serbisyo.

F. Kakulangan ng impormasyon tungkol sa total franchise investment


Wala siyang maibigay na imporasyon kung anu-ano ang breakdown o bumubuo ng franchise
investment, o ano mang impormasyon sa kabuuang franchise investment.

G. Walang pagkakataong makilala ang Franchisor at Makita ang kanyang opisina


Magtaka ka rin kung hindi ka na binigyan ng pagkakataon na makilala mo ang Franchisor ng
negosyo at ang kanilang opisina. Kailangan mo ring makilala ang mga empleyadong tutulong sa
iyo bilang franchisee.

Makabubuti na bisitahin mo muna ang opisina ng Franchisor para makasiguro kung lehitimo at
totoo ang franchise.
H. Ayaw ipakausap sa iyo ang iba pa niyang Franchisees
Ang matagumpya na franchise business ay may mga tagasunod o franchise branches o sariling
mga franchisor operated branches.

VIII. MGA FRANCHISE ASSOCIATIONS AT MGA SANGAY NG PAMAHALAAN NA MAAARING


MAKATULONG TUNGKOL SA FRANCHISE BUSINESS

1. Association of Filipino Franchisers, Inc. (AFFI)


Tradecon, Inc.
Unit 206 Web-Jet Acropolis
88 Rodriguez Jr. Avenue, LIbis, Quezon City
Tel. No.: 633.8547
Fax No.:638.4330
E-mail: info@filfranchisers.com

2. Filipino International Franchise Association (FIFA)


The FIFA Center
Ground Floor, Minnesota Mansion
267 Ermin Garcia Street, Cubao, Quezon City
Telefax Nos.: 912.2973; 912.2946

3. Philippine Franchise Association(PFA)


Unit 701 OMM-Citra Building
San Miguel Avenue, Ortigas Center, Pasig City
Tel. Nos.: 687.0365 to 67
Fax No.: 687.0635
Email: pfa@fibercity.com.ph

4. Consumer Protection and Advocacy Bureau (CPAB)


2F Trade & Industry Building
361 Sen. Gil J. Puyat Ave.,
Makati City
Tel. No.: 751.3233
Fax No.: 890.4949
Email: CPAB@dti.gov.ph

5. Bureau of Domestic Trade Promotion (BDTP)


GF Trade & Industry Building
361 Sen. Gil J. Puyat Ave.,
Makati City
Tel. No.: 751.3223/751.3228
Fax No.: 751.3224
Email: BDTP@dti.gov.ph

6. Bureau of Small & Medium Enterprise Development (BSMED)


6F Trade & Industry Building
361 Sen. Gil J. Puyat Ave.,
Makati City
Tel. No.: 896.7916
Fax No.: 896.7916
Email: BSMED@dti.gov.ph

7. Philippine Trade Training Center (PTTC)


International Trade Center Complex
Roxas Blvd. cor. Sen. Gil J. Puyat Ave.,
1300 Pasay City
Tel. Nos.: 832.2397; 834.1341
Email: info@pttc.gov.ph

8. SEC Building,
EDSA, Greenhills, Mandaluyong City
Tel. No.: 584-0923
Fax No.: 584-5293
Email Add.: inquiry@sec.gov.ph

9. Department of Interior and Local Government (DILG)


Francisco Gold Condominium II,
EDSA cor. Mapagmahal Street,
Quezon City
Tel. No.: 925.0330
Fax No.: 925.0332
Email: rvpuno@dilg.gov.ph

10. Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)


OWWA Center Building,
7th Street, corner F.B. Harrison Street
Pasay City
Tel. No.: 891.7601 to 24
Fax No.: 833.0244

You might also like