You are on page 1of 21

Business 101: Mayor’s Permit o Business Permit for New Small Business http://hoshilandia.com/2017/01/business-101-mayors-permit-o-city-busin...

Feature. Life. Diverse. Value. Interests.

Home » business » Negosyo 101: Mayor’s Permit o City Business Permit for New Small Business

80

Ang Mayor’s Permit o City Business Permit ay ang sunod na aasikasuhin pagkatapos ng DTI
Search
Business Registration at bago ang BIR Certification of Registration. Requirement sa huli ang
dalawang naunang dokumento. Anu-anong hakbang at magkano ang kailangan para magkaroon ng
Mayor’s Permit?

Note: Ang tips ko ay mas bagay sa mga small-business like carinderia at sari-sari store.

Invitation! please SUBSCRIBE to my YOUTUBE Channel for more business tips and stories.
Salamat and Mabuhay

for inquiries, send your


message at
mj_hoshi@yahoo.com or
facebook/hitokirihoshi

1 of 21 4/4/2018, 8:01 PM
Business 101: Mayor’s Permit o Business Permit for New Small Business http://hoshilandia.com/2017/01/business-101-mayors-permit-o-city-busin...

Kung gaano kadali iyong DTI Business Registration, medyo matrabaho at mapapagastos ka sa
Mayor’s Permit. Tandaan na hindi lang pagkakaroon ng certification at registration plate ang
gagastusan mo rito, kasama na d’yan ng ilang beses na pagpa-photo copy at pagpapa-notario
Select Month
(notary public). Pero mapapadali ang process kung sa
Feature. iyo mismo
Life. ang iyong
Diverse. puwesto,
Value. may titulo
Interests.
ang inyong lupa, at mayroon ka ng iba pa nilang papel na kanilang kailangan. Anu-ano iyon? Blo

• Barangay Business Clearance – Okay din na may Baranggay Business Permit ka pero mas trip
nila ang business clearance.
• Photocopy of DTI Business Registration
• Photocopy Land Title o Lease of Contract ( dapat naka-notario)
• Ihanda na rin ang iba pang papel kung sakaling special ang klase ng iyong negosyo.
• Photocopy of your valid government IDs. Ako para tipid, lahat naka-scan para print at pa-
photocopy na lang pa-photocopy

Additional tips: Before ka pumunta sa City hall:

• Maganda kung alam mo ang sukat ng floor area and if applicable, lot area ng business location
mo.
• May photos ka ng loob at labas ng store/ office mo
• Computed mo na ang capital at asset na gagamitin mo sa business – Halimbawa Php 25k ang
perang ilalaan mo sa sari-sari store mo pero kung may ref ka idagdag nila ‘yon. Possible na
maging Php 50K depende sa assessment.
• Kung umuupa ka, ang halaga ng iyong upa ay makakaapekto rin sa iyong assessment.

Dala ang mga kailangang papel, punta ka na sa inyong city/municipal hall at hanapin ang office na
namamahala sa pag-i-isyu ng business permit. Bibigyan ka nila ng form para sa detalye ng iyong
negosyo. Kasama na roon iyong sketch ng store/office mo, floor area, at capital. Pagka-pass mo
ng form i-attach mo na roon ang mga requirements gaya ng business clearance, photocopy of land
title or lease of contract kung rumerenta ka, at (kung) may iba pa silang hihingin.

*Sa Quezon City, ang BPLO ( Business Permits and Licensing Office) ay matatagpuan sa
Mayaman Street at mas malapit ito sa parte ng East Avenue kaysa sa side ng Kalayaan.

Paano kung wala pa kayong tititulo o rights lang ang meron kayo?
Dito na yung extra effort at expenses. Possible na ang ipagawa sa inyo ay magpasa ng Neighbors
Consent Certification. Ang laman nito ay pagpapatunay na bilang negosyante ay hindi ka bahagi

2 of 21 4/4/2018, 8:01 PM
Business 101: Mayor’s Permit o Business Permit for New Small Business http://hoshilandia.com/2017/01/business-101-mayors-permit-o-city-busin...

ng anumang home owner’s association sa inyong baranggay at hindi nakakaistorbo ang iyong
negosyo sa inyong magkakapitbahay. Kasama rin dito ang pagpapapirma sa may 10 kapit-bahay
mo para patunayan na ‘no objection’ sila sa business operation mo.
Feature. Life. Diverse. Value. Interests.

‘Pag tapos ka na sa pagpapapirma sa iyong mga kapit-bahay ay ipa-notario mo ang iyong


Neighbors’ Consent bago mo i-submit. Paano kung ‘di ka marunong gumawa nito? Actually,
nagbibigay sila (City Planning and Development Office -10th floor Main Office in QC City Hall)
ng form o copy nito na iyong susundan o ipi-fill in.
Kung okay na ang iyong assessment ay ihanda na ang iyong sarili at lalo na iyong bulsa sa
pagbabayad.
Additional Tip: Kung rumerenta ka, makakaapekto sa bill mo ang halaga ng upa

Kung okay ka na sa assessment stage ay gagawan ka na ng Business Tax Bill ng staff na ang ilan
ay kinabibilangan ng
• Mayors permit
• City tax ( kaya no need na magbayad agad o ng separate ng Cedula)
• Fire inspection fee (LGU) – Kaya nagtataka ako bakit, nagbayad pa ako ng extra at separate Php
178.7 at 100 for inspection fee (nasa underground ito ng QC- BPLO)
• Zoning fee

=
Anyway, better na i-check mo kung tama ang info especially yung detail ng name mo at store mo,
at declaration of assets kasi baka may wrong spelling or what. Dito mo na rin s’yempre makikita
kung magkano ang babayaran mong MAIN. Bakit may “main?” Kasi labas d’yan ang
miscellaneous fee, inspection fees (hiwalay yung P178.7 + Php 100), locational clearance fee, at
fire extinguisher.

Additional tips: Pa-photo copy mo ang mga receipts hanggang maaari (3-5 copies) lalo na yung
Official receipt. Mainam din siyempre na huwag mong wawalain ang original copies ng mga ‘yan.

Pagtapos ka ng bayad at halos makumpleto mo na ang iyong papel, maaari na i-apply at ma-
release sa iyo ang iyong precious Mayor’s Permit and New Registration Plate/ Sticker. Sa totoo
lang dahil sa ilang beses kong pabalik-balik at pangangapa noong unang nag-apply ako parang

3 of 21 4/4/2018, 8:01 PM
Business 101: Mayor’s Permit o Business Permit for New Small Business http://hoshilandia.com/2017/01/business-101-mayors-permit-o-city-busin...

plaque of recognition yung plaka ng business permit. Hehehe!

=
PERO hindi ibig sabihin na nakuha mo na yung Business Permit mo ay yun na ‘yon. Mare-revoke
Feature.
ang validation nito kung hindi mo maipasa Life.
within 30 daysDiverse. Value.
ang Locational Interests.
Clearance (LC) at
Fire Safety Inspection Certificate (FSIC).

the awesome map to maginhawa street

Sa LC, punta ka sa tanggapan for Locational clearance for business permit. Sa QC ay sa City
Planning and Development Office -10th floor Main Office in QC City Hall) ito. Madali naman
ang process kung gaya ng sinabi ko ay may photos ka na ng loob at labas ng tindahan mo,
barangay clearance for business, alam mo na sukat ng tindahan/ office mo, ma-i-sketch mo kung
saan ito located, at may photocopy ka ng land title/ Lease of Contract and Neighbors’ Consent.
‘Pag napasa mo na ang requirements ay bibigyan ka ng form o papel para bayaran mo na ang fee
for your locational clearance. Kung tama ako ay Php 150 ang halaga lang nito at ang maganda sa
LC ay 3 years itong valid.

=
Sa FSIC, punta ka sa Fire Department. Kung sa QC, nasa tabi-tabi ito ng kuhaan ng NBI at
Police Clearance. Nasa Mayaman Street din ito pero this time mas malapit sa Kalayaan Ave.
area.

=
Kapag naipasa mo yung photocopy ng mga pinagbayaran mo about sa Fire Inspection, valid id at
iba pa ( na malamang photocopy din ng ibang papel na nagamit mo na sa pagpa-process) ay
sasabihin sa iyo na within a week ay i-inspect ang iyong store/ office).

=
Sa inspection time ay malamang ire-require na sa iyo na magkaroon ng fire extinguisher (kung
wala ka pa). Kung mayroon ka na better, kasi ang initial na sinabi sa akin noon ay Php 3000 ang
fee. Pero dahil ang mayroon kami kailangan na lang i-refill kasi expired na which cost Php 700.
Kapag okay na ay saka ka na bibigyan ng FSIC.

4 of 21 4/4/2018, 8:01 PM
Business 101: Mayor’s Permit o Business Permit for New Small Business http://hoshilandia.com/2017/01/business-101-mayors-permit-o-city-busin...

Feature. Life. Diverse. Value. Interests.


Ipasa ang iyong Locational Clearance at Fire Safety Inspection Certificate sa BPLO o tanggapan
kung saan ka nagsimulang mag-process ng iyong business permit.
Ang Mayors Permit ay valid for one year from January to December. Kaya better na i-apply mo na
itong January para sulit at ideally after siguro ng Jan. 20 para hindi ka makasabay sa daluyong ng
mga nagre-renew ng business permit at nagbabayad ng business tax.

Congrats!
Ang susunod na post ay may kinalaman sa BIR Certificate of Registration. Ito ang Final step
para makapag-open ka na ng Store/Office legally.

(Visited 11,601 times, 65 visits today)

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go


Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural
Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or
Yuccie?

View all posts by Hitokirihoshi →

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Comment

5 of 21 4/4/2018, 8:01 PM
Business 101: Mayor’s Permit o Business Permit for New Small Business http://hoshilandia.com/2017/01/business-101-mayors-permit-o-city-busin...

Name *

Feature. Life. Diverse. Value. Interests.


Email *

Website

Post Comment

Reply ↓

April 2, 2018 at 4:51 pm


Pano Kung Ang business ko ay pang cake decor. Bibilhin ko sa divisoria at
ibebenta. Buy and sell.
Ang kailangan ko Lang talaga ay OR resibo dahil ibang customer ay ayaw
mag order Kung walang resibo.

Reply ↓

March 27, 2018 at 12:07 pm


Hi po gud afternoon.. Hingi lang po sana ako ng advice regarding closure po
ng business, nakapag renew po kmi ngaung 2018 which is quarterly po
pinacompute namain para di gnun kabgat bbyaran yung tax sa municpyo..
We close our business nung Feb 28, tas ngaun nung lumapit po kmi sa
municpyo sabi nila need pa raw pong babbyaran ung natititang quarter,tama
po b?

6 of 21 4/4/2018, 8:01 PM
Business 101: Mayor’s Permit o Business Permit for New Small Business http://hoshilandia.com/2017/01/business-101-mayors-permit-o-city-busin...

Reply ↓

March 23, 2018 at 7:28 pm


Ano po requirements namin mga urban poor na may isang maliit na sari sari
Feature. Life. Diverse. Value. Interests.
store sa bahay at mahigit.10 to 20 k lang ang maaring istart na puhonan ?

Reply ↓

March 23, 2018 at 6:33 pm


Paano po kung mallit lang ang tindahan namin na sari sari store sa bahay
mahigit 20 to 10k lang at wla kami titulo kay hindi pa tapos kami mgbayad
sa lupa na tinitirikan ngaun ng bahay namin.

Reply ↓

March 22, 2018 at 4:04 am


Good day!

Ang tanong ko po sana ay magkano kaya po aabutin pag yung business ko ay


isang internet cafe. Ipalagay nalang natin nasa 10 yung computer. Lahat ba
ng papel o documents dapat meron ako? Please advice. Thanks

Reply ↓

March 20, 2018 at 11:10 pm


Hi, ask ko lang breakdown ng gagastusin for baranggay permit and mayor’s
permit for a store and general merchandise. Thank you!

Post author Reply ↓

March 22, 2018 at 1:11 pm


email you already

Reply ↓

March 20, 2018 at 12:38 am


Hi! Ask ko lang po if need pa ng land title or certificate of lease if ang type
ng business is trading ng goods. Gust ko po kasi mag buy and sell ng mga
prutas at gulay. Small business lang. How long po kaya ang pagprocess ng
BIR? Also, if gagawin kong online ang business ko. Since di ko naman need
ng pwesto, pwede ko pa din ba sya iapply for business permit. Need ko kasi

7 of 21 4/4/2018, 8:01 PM
Business 101: Mayor’s Permit o Business Permit for New Small Business http://hoshilandia.com/2017/01/business-101-mayors-permit-o-city-busin...

ng resibo para sa mga susupplyan ko.

Feature. Life. Diverse. Value. Interests.


Reply ↓

March 18, 2018 at 7:55 am


Hi i have question.. nakapag apply ako ng BiR pero DTI lang ang ipinasa ko.
Di q kasi alam na kelangan ng Mayors permit and brgy cert. naka1 year na
ako ang updated ako sa pagbabayad ng tax.. balak ko na sya iclose..
magkaron ba ako ng problem sa closing?

Post author Reply ↓

March 18, 2018 at 11:10 am


I answered you thru email po

Reply ↓

March 13, 2018 at 9:09 pm


Hi asked ko lang po, ,,,kung àng sari sari store at karindirya, ,,ay ipagsama
lang po sa isang puwisto,,,kailangan po ba dalawang permits ang kunin
ko,,,para sa sari sari store permit at karindirya, ,,,thanks po, ,,,

Post author Reply ↓

March 15, 2018 at 12:15 pm


answer thru email kaso nag-bounce back

Reply ↓

March 13, 2018 at 9:05 pm


Hi p.o. ask ko lang p.o. kung ang business ko p.o. ay ipagsama sa isang
puwisto,tulad ng sari sari stores at karedirya,,,kailangan po ba dalawa permit
ang kunin ko,,sari sari store permit at karendiryapermit ,,,thanks po, ,,

Reply ↓

March 13, 2018 at 4:06 pm


Can we talk through email?

8 of 21 4/4/2018, 8:01 PM
Business 101: Mayor’s Permit o Business Permit for New Small Business http://hoshilandia.com/2017/01/business-101-mayors-permit-o-city-busin...

Post author Reply ↓

March 15, 2018 at 12:21 pm


Yes po
Feature. Life. Diverse. Value. Interests.

Reply ↓

March 9, 2018 at 1:30 pm


Hinge lng po ng idea.kng ang itatayo kng businesss ay bigas itlog mantika
mga gulay anu po dapat ga
mitin

Post author Reply ↓

March 15, 2018 at 12:37 pm


I answered you thru email po

Reply ↓

March 6, 2018 at 12:44 pm


Tanong ko lang po, maytao kasing Basta nalang nagtayo ng tindahan para sa
kanyang barbeque business, dito sa tapat ng aming gate, maykarapatan ba
kaming ipatigil ang kanyang pagtitinda,kasi nahihirapan po kami sa pag
atras, dahil sa kanilangtinda, tapos Wala naman po silang permit at Hindi
sila ang may aring lupa, na tinatayoan nila. Please advice

Post author Reply ↓

March 8, 2018 at 11:37 am


I answered you thru email kaso invalid po ang ibinigay ninyo.

Reply ↓

March 5, 2018 at 10:30 pm


Hello! May sample ka ba for the capital and assets? And sample assessment?
Di ko kasi sure kung magkano inaabot ng ganyan. Thank you!

Post author Reply ↓

March 8, 2018 at 11:04 am

9 of 21 4/4/2018, 8:01 PM
Business 101: Mayor’s Permit o Business Permit for New Small Business http://hoshilandia.com/2017/01/business-101-mayors-permit-o-city-busin...

na-email ko na po kayo.

Feature. Life. Diverse. Value. Interests.


Reply ↓

March 4, 2018 at 7:56 pm


Hi poh ask q lng po pnu f ung tatayuan q po ng small sarix2 store is d2 lng s
haus nmin den wla nman po kmi titulo nito dhil libreng patira lng po kmi d2
plus 15k lng po plan q n startingn puhunan..plan q lng kmuha ng bus. Permit
pra legal ang pgooperate q lalo s pgbbenta ng alak.tnk u po s mbbigay mo
info..more power

Post author Reply ↓

March 8, 2018 at 11:03 am


na-email ko na po kayo.

Reply ↓

February 23, 2018 at 4:28 pm


Hi! Paano po ba pag renewal ng permit pero ng change kme ng name of
owner at business name sa dti..ngayon hinahanapan kme ng gross income
doon sa una nameng business name kase ngoperatr kme ng kulang
1year..pero wala po kmeng bir last year sa old name..kase iniscam kme ng
dating owner

Post author Reply ↓

March 15, 2018 at 12:49 pm


na-email ko na po kayo.

Reply ↓

February 23, 2018 at 2:10 pm


hi, ask ko lang po if printing services (shirts, invites, mugs etc.) kami and sa
bahay lang, online lang kami tumatanggap ng clients then shipping lang or
pick up ang mangyayari kasi private subdivision po itong lugar namin, need
pa po ba ng mga fire and locational clerances? and pano po ba magcompute
ng fees na babayaran if nasa 75k po ang capital namin, para alam po namin
ang dadalhin naming amount once mag register kami. And last po yung
homeowner’s certficate na may nakalagay po na wala sila objection na mag

10 of 21 4/4/2018, 8:01 PM
Business 101: Mayor’s Permit o Business Permit for New Small Business http://hoshilandia.com/2017/01/business-101-mayors-permit-o-city-busin...

operate kami sa subdivision namin need pa ba ipa notaryo? Thanks

Feature.Post
Life. Diverse. Value. Interests.
author Reply ↓

February 23, 2018 at 6:47 pm


answers through email po. Thank you!

Reply ↓

February 22, 2018 at 1:17 pm


Hi, kindly delete kung inappropriate po ang post ko na to, I just want to
share my experience sa pagkuha ng Mayor’s permit. Una- pabalik balikin ka,
pangalawa hindi nila ibibigay sa yo ang total na babayaran mo, apparently
kada punta mo may isa permit fee na dapat na lilitaw na dapat kang bayaran.
Pangatlo- binigyan ako ng temporary sanitary permit na nasa sang crosswise
coupon bond ( xerox copy) at pagbabayarin ka ng 300.00 pero hindi sila
magbibigay ng O.R for that, iba pa yung Php2010.00 sanitary permit na
kasama sa O.R. Pang-apat ng binabasa ko ang mayor’s permit may nakalagay
na REFUSE FEE na kasama amounting PHP4020.00 na tinatanong ko
kung ano ang REFUSE FEE PERO hindi nila maipaliwanag. Ang total ng
nagastos ko para lang makakuha ng mayor’s business permit sa caloocan
umabot ng PHP15,000.00. Ang starting capital ko is Php20,000.00 lang at
ang nature ng business ko ay homebased online retail shop at ang space for
my stock ay nasa 4 -6 sqm pero hihingan ka ng lahat ng klaseng fee na
pwede nilang ilagay sa O.R nila pati building insurance fee at meron pang
isang non-existing insurance fee na ewan kung anong insurance fee
amounting Php800.00 na wala ding O.R.

Natapos ko naman ang paglalakad na ng Mayor’s Business permit ko at nag-


aantay na lang ako na marelease ang plate nya, pero napaisip ako dapat pala
hindi na lang ako kumuha ng mga permit na to since nag uumpisa pa lang
naman ako , dahil kung eto nga gobyerno na pero manininingil ng maliliit na
amount lang naman sana pero hindi magbibigay ng O.R. ( 300 +800 ay
malaking bagay actually ) . Yung mga ganitong klase ng patakaran ng
gobyerno natin actually ang nakakawalang gana na magparehistro kung
maliit ka lang na negosyante.

Reply ↓

February 22, 2018 at 12:01 am


Hi po tanong q lng po natural lng po ba na ung mga tao po sa cityhall
pabalikbalikin ka kahit completo na po ung requiremnts n kylangan pra sa

11 of 21 4/4/2018, 8:01 PM
Business 101: Mayor’s Permit o Business Permit for New Small Business http://hoshilandia.com/2017/01/business-101-mayors-permit-o-city-busin...

business permit kc po ung mga nag inspection po dto sa pwesto namin sbi
ok na daw po marelese na dw po ung permit pro po pg punta nami dun sbi
nun pinaka mag iisyu twagan nlng dw nya km at ang higpit nya po tas nag
punta din po cya dto mg isa sa pwesto namin atLife.
Feature. nag sbi ng maling Value.
Diverse. sukat sa Interests.
pwesto pro ung mga ksama nya nun sinukat to iba din sbi nla… to think po
na my ibang kahulugan ung isa prang humihingi ng lagay ayw nya pa po
release permit namin. Thank you po

Post author Reply ↓

March 15, 2018 at 12:49 pm


na-email ko na po kayo.

Reply ↓

February 20, 2018 at 7:04 pm


Hi, nagpaprocess ako ng mayors permit ngayon for my online shop, ang
problema ang hinahanap nila is for a business with a physical shop.
Nakadeclare naman sa papeles na pinakita ko sa kanila and meron din photo
ng stocks at photo ng mga damit na binebenta ko. Ano po kaya ang dapat
kung gawin kasi pinabalik balik na kami nila sa mayo’s office.

Post author Reply ↓

March 15, 2018 at 12:49 pm


na-email ko na po kayo.

Reply ↓

February 16, 2018 at 9:35 pm


Paano po kapag gusto mo magkaroon ng isang company . Pero ang business
mo ay thru online shop lang ?

Post author Reply ↓

February 17, 2018 at 10:01 am


I replied po sa inyong email

Reply ↓

12 of 21 4/4/2018, 8:01 PM
Business 101: Mayor’s Permit o Business Permit for New Small Business http://hoshilandia.com/2017/01/business-101-mayors-permit-o-city-busin...

April 1, 2018 at 7:45 pm


Could you please email me the info about the requirements for
online business? Kailangan pa ba ng inspection? Please help
Feature. Life. Diverse. Value. Interests.

Reply ↓

February 16, 2018 at 5:36 pm


Mam pag retailer lng nman anu requirement s pagkuha ng mga permit

Post author Reply ↓

February 17, 2018 at 10:03 am


I replied sa iyong email add, but it bounces back.

Reply ↓

February 14, 2018 at 11:35 am


Magkano po aabutin sa pagkuha ng Mayors permit caloocan po

Reply ↓

February 12, 2018 at 2:58 pm


my tnong po ako, pnu po ang process kung gradually ko po iincrease ang
tndhan ko, ndi ko po kc kya ng malakihang bgsak. so sbhin nntin 15k po
capital ko and then s susunod mg.aad ako ng liquior,cigarette etc. mgaad lng
po b ako ng permit o uulitin ko po ang proceso? slmt

Reply ↓

February 9, 2018 at 2:08 am


Ask ko lang po magkano ang gagastusin ko sa permit ko pag ukay ukay
business po?

Post author Reply ↓

February 9, 2018 at 12:06 pm


Sasagutin po kita sa email. salamat!

13 of 21 4/4/2018, 8:01 PM
Business 101: Mayor’s Permit o Business Permit for New Small Business http://hoshilandia.com/2017/01/business-101-mayors-permit-o-city-busin...

Reply ↓

February 8, 2018 at 5:21 am


Ask ko lang bakit po nag apply po ako bussiness permit sila po ng lalagay ng
Feature.
capital ko tapos an laKi Life.
un nilalagY nilaDiverse.
Like 60k Value. Interests.

Post author Reply ↓

February 9, 2018 at 12:05 pm


Sasagutin po kita sa email. salamat!

Reply ↓

February 7, 2018 at 5:59 pm


hello po, ask ko lang po, kadalasan kasi school ang client ko, maintenace po
ako ng computer, minsan po kasi humihingi sila ng resibo, papaano po ang
procedure ng pagkuha ng business permit wala naman po akong pwesto at sa
bahay lang din ako gumagawa minsan…
thanks…

Reply ↓

February 10, 2018 at 2:53 pm


gusto ko lang po magkaroon ng info maraming salamat po…

Post author Reply ↓

February 10, 2018 at 9:39 pm


hi cesar na-overlook ko ang comment mo. email na lang kita
mabuhay!

Reply ↓

February 7, 2018 at 2:31 pm


Sir, magkano po permit mag maliit na kainan?
Tapos, pag meron po 3 pwesto ng cart business 3 din po ba ang business
permit na aaplyan ko?

Post author Reply ↓

February 10, 2018 at 10:07 pm

14 of 21 4/4/2018, 8:01 PM
Business 101: Mayor’s Permit o Business Permit for New Small Business http://hoshilandia.com/2017/01/business-101-mayors-permit-o-city-busin...

will email you po.

Feature. Life. Diverse. Value. Interests.


Reply ↓

February 5, 2018 at 10:49 am


Hi Sir, ask ko lnag po, for rent a car business, ano po idedeclare ko na
amount paid capital and subscribed?

Reply ↓

January 25, 2018 at 9:30 pm


sir ask lang po ,magkano kaya gagastusin sa pagkuha ng business permit ?
para lang po sa mallit na negosyo. thank you.

Post author Reply ↓

January 29, 2018 at 11:55 am


depende kung anong klaseng biz, idi-declare mo na kapital, at
assessment ng cityhall.

Reply ↓

January 12, 2018 at 11:40 pm


Sir, kung malelate ako sa pgrerenew, ano po ang mga disadvantages/effect
nito sa amin bilang nagpapaupa ng pwesto at dun po sa storeowner?

Post author Reply ↓

January 13, 2018 at 12:03 pm


according sa permit nabasa ko — 25% surcharge of the permit fee.

Reply ↓

January 11, 2018 at 11:52 am


good day , ask ko lang kung pano magrenew ng mga permit ? ngayon ko
lang kasi maeexpirience magrenew ng bussiness, tnx

Post author Reply ↓

15 of 21 4/4/2018, 8:01 PM
Business 101: Mayor’s Permit o Business Permit for New Small Business http://hoshilandia.com/2017/01/business-101-mayors-permit-o-city-busin...

January 11, 2018 at 12:08 pm


same lang din halos ng pag-apply ng new business. Kung ngayon ka na
nagre-renew I believe mas madali kasi bawat step ay ituturo na ng mga
signage sa city hall ninyo dahil panahonLife.
Feature. talaga Diverse.
ng renewal ngayon
Value.atInterests.
may deadline. Mabuhay!

Reply ↓

January 11, 2018 at 2:28 pm


sge po salamat!

Reply ↓

January 4, 2018 at 9:55 pm


Hello po …tanung ko lang po kakasimula ko lang po ng small business for
5 computer at need ko po ng mayor’s permit para sa internet ano po ba ang
kailangan..thanks

Post author Reply ↓

January 4, 2018 at 10:04 pm


basically kung ano po yung nasa steps sa itaas. may assessment naman
po agad sa first step pa lang nyo sa city hall. mabuhay!

Reply ↓

November 25, 2017 at 1:13 pm


Hello po. Same lang ba ng mga requirements pag sa bahay ko lang ginawa
ang business? Kasi momshie na ako at gusto ko magkaron ng business at
mas madali para sa akin kung sa bahay ko lang gagawin para bantay ko din
mga anak ko. Please help me po. Salamat

Post author Reply ↓

November 25, 2017 at 3:02 pm


I think same procedure pa rin naman. Nagkakatalo na lang siguro sa
requirements depende na sa klase ng business na itatayo mo. Kung di
naman yan risky sa health ( ex. food resto / vulcanizing) at maliit pa
lang, di ka naman na siguro ( hopefully) ire-require ng fire certificate
at iba pa.

16 of 21 4/4/2018, 8:01 PM
Business 101: Mayor’s Permit o Business Permit for New Small Business http://hoshilandia.com/2017/01/business-101-mayors-permit-o-city-busin...

I suggest mag-test drive ka muna bago mag-register. Kapag sunod-


sunod na, malakihan na or may sure/regular clients ka na saka ka mag-
register. Iba ang challenge kapag nagre-register, naka-register na, at
kung maisip mong ipa-revoke yung licences
Feature. Life.mo. Mas mahirap
Diverse. daw
Value. Interests.
ang magpa-cancel ayon sa mga nababasa ko at sa accountant na
nakausap ko it takes time. So be sure muna sa business concept mo at
determinasyon sa negosyo. Kapag may gritty ka naman, kahit ano pang
requirements go go go lang sa buhay ‘di ba ٜ
ٛ
Mabuhay!

Reply ↓

November 9, 2017 at 1:30 pm


Hello po!!gud day,,tanung ko lang po kung anu ang daoat gawin pag ayaw na
parenewhin ngmayors business permit,?

Post author Reply ↓

November 9, 2017 at 7:30 pm


Hi Ler!

marami na rin akong na-encounter na similar question gaya sa iyo


pero mas klaro pa ang mga hakbang kung sa BIR ka magpa-file. Wala
pa rin ang klarong napagkunan ng impormasyon at marami akong
kakilala na basta na lang huminto. So i think the smart move pa rin ay
pumunta ka kung saan ka nagpa-register. gawin mo na agad bago pa
mag-January. Mabuhay!

Reply ↓

October 24, 2017 at 8:10 pm


hi good day,paano po ang online business ko,ano po ang requiremts sa
pagkuha ng business or mayors permit,wala naman kasi akong office/store
kasi online lang naman,diba need nila ng sketch/picture ng business
location,Salamat po,God Bless

Post author Reply ↓

October 25, 2017 at 10:52 am


Hmm oo nga no, napaisip ako sa question mo. Pero in my opinion
lang po, que online lang ( na kung saan-saan ka) or may physical store
ka pa– ang lalabas na pwesto nyo po ay ang bahay n’yo kaya dyan

17 of 21 4/4/2018, 8:01 PM
Business 101: Mayor’s Permit o Business Permit for New Small Business http://hoshilandia.com/2017/01/business-101-mayors-permit-o-city-busin...

babagsak ang sketch mo. Need mo lang klaruhin na online ka, ano
lang paninda mo, at saan lang scope mo. Para hindi ka na masyado
bigyan ng requirements especially sa location clearance at fire
(hopefully ha). Ipagdiinan mo na small Life.
Feature. time kaDiverse.
lang. Value. Interests.

Reply ↓

October 10, 2017 at 4:35 am


Hi po
Sa tulad kong inupahan ko lng yong sarisari store.kailangan pa rin po bang
business permit or mayor permit?

Post author Reply ↓

October 10, 2017 at 9:58 am


Kung usapang legal oo.

Reply ↓

September 27, 2017 at 5:05 pm


Kung sakali bang online business, kasama sa capital ‘yung laptop for
example? Iaaccount kaya ‘yung depreciation, kunwari, nabili mo ng 30k,
20k na lang after some years?

Ibig sabihin ba ng kung mag-apply ako ngayong September, sa January


kailangan ko ulit mag-apply??

Nakakaulol naman mag-business permit, nagpapakalegal ka na nga

Post author Reply ↓

September 27, 2017 at 5:43 pm


hi Jeri!
Hindi ko alam kung may say ang city hall sa ganyan para sa iyong
mayor’s permit. basta ang tanong lang sa akin noon ay kung may ref
akong gagamitin for business. Tanong ka rin sa inyo, minsan kanya-
kanya rin kalakaran yan ng LGU. pero I think pasok yan sa concern mo
sa laptop mo kung usapang accounting side/ BIR.

– Sadly, yes mag-a-apply ka ulit sa January at I sincerely feel your


sentiment. Hirap yung, gusto mo lang naman kumita. Naramdaman ko
yan at nararamdaman pa rin minsan. Pero siguro para mabigyan ka
naman ng positive vibe. Kapag legal ka hindi lang maliliit ang

18 of 21 4/4/2018, 8:01 PM
Business 101: Mayor’s Permit o Business Permit for New Small Business http://hoshilandia.com/2017/01/business-101-mayors-permit-o-city-busin...

madadale mong customers (B2C), kundi kompanya rin (B2B) kasi


need nila rin na bumili sa legal. Mabuhay!

Feature. Life. Diverse. Value. Interests.


Reply ↓

September 27, 2017 at 10:57 pm


Wow! Salamat sa agarang reply!

Oo ang alam ko kinoconsider ‘yung depreciation for taxes eh.


Pero tingin ko di nga rin iaaccount sa Mayor’s. Mukang anglaki
ng lalabas ng assessment ko, tapos di pa sulit sa first year

Anyway, salamat sa consolation at sa posts mo about this! Very


informative at naappreciate kong naka-Filipino sya

Reply ↓

September 26, 2017 at 1:01 am


Hi,

Sa tingin mo…kung ang capital ko ay nasa 30k…magkano ang lahat ng


gagastusin ko sa lahat ng permit at clearance or mga papeles na sinabi mo…
aabutin ba ng 10k…

Post author Reply ↓

September 26, 2017 at 11:00 am


Mabuhay!

I think below 5K kung mag-i-stick tayo sa 30K capital. Pero lalaki o


baba pa yan depende sa laki ng puwesto mo, laman ng tindahan mo (
may ref ba?), at kung ano eksakto ititinda mo pa ( magtitinda ka rin ba
ng alak? iba usapan sa liquor permit).

Reply ↓

September 13, 2017 at 9:00 pm


hi gud eve gusto ko lang po sana malaman kung pwede naba kumuha ng
business permit ang vulcanising shop na wala pang 20sqm.? thanks po in
advance

Post author Reply ↓

19 of 21 4/4/2018, 8:01 PM
Business 101: Mayor’s Permit o Business Permit for New Small Business http://hoshilandia.com/2017/01/business-101-mayors-permit-o-city-busin...

September 17, 2017 at 12:16 pm


Hi! Sa palagay ko oo.

Feature. Life. Diverse. Value. Interests.

Reply ↓

August 29, 2017 at 11:51 pm


hi ask ko po sana if magpaparenta ako ng bahay kailangna pa ba ang business
permit? isang unit lamg man din kasi.thanks inadvance

Post author Reply ↓

August 30, 2017 at 12:20 am


dapat kung usaping legal at kung hihingi ng resibo yung
nangungupahan sa iyo. pero mostly ang naggaganyan ay yung
mangungupahan na gagamitin din for commercial yung puwesto.

Reply ↓

August 30, 2017 at 11:09 pm


Hi!gud evening !ask lng po same p rin po b ang babayaran sa business
pwrmit even if nag start lng ng september ang opening ng sari sari
store..tnx

Post author Reply ↓

August 31, 2017 at 12:06 am


Opo. Ako nga nag-start ng December eh he-he-he pero ganun pa
rin binayaran ko. Kaya tama yunh sinabi na ideal ay sa January
(May post ako about dito) mag-apply. ٛ
ٜGood evening

Reply ↓

July 18, 2017 at 6:13 am


Hi po si mhie mhie po ito,
Papaano po kung sanglang tira lang po ako sa tinutuluyan ko? Ibig sabihin
ko po 1 year contract lang kami sa bahy na tinitirhan ko. Pero nagtayo ako
ng small sari sari store sa bahay , tindahan para may panggastos ako sa araw
araw . at makalibri na kami ng kakainin. Dahil yun lang ang income na
pinagkukuhanan namin.. Kailangan ko po bang kumuha ng mayors permit??

20 of 21 4/4/2018, 8:01 PM
Business 101: Mayor’s Permit o Business Permit for New Small Business http://hoshilandia.com/2017/01/business-101-mayors-permit-o-city-busin...

Post author Reply ↓

July 18, 2017 at 11:20 am


Hi Mhie Mhie!
Feature. Life. Diverse. Value. Interests.
sa usapang batas- dapat. Pero ang sa case mo kasi aalis ka lang din at
complicated ang set up. nag-email ako sa iyo for further details.

Reply ↓

February 15, 2018 at 9:41 pm


Hi..ask ko lang po pwede na bang mag operate ng business
habang on process ang mayors permit may DTI and Barangay
Clearance nadin po..And how much po kya ang fee sa mayors
permit pag bolts n nuts gen.merchandise po ang business..thank
u po

← Business 101: Paano magpa- DTI Business Registration

Business 101: BIR Certificate of Registration (Small Business Sole Proprietor) →

› Log in php
b
› Entries RSS
Aspectos de hitokiriHoshi by Hitokirihoshi
› Comments RSS
is licensed under a Creative Commons
› WordPress.org
Attribution-Noncommercial-No Derivative Works

3.0 Philippines License .

Based on a work at hoshilandia.com.

· © 2018 aspectos de hitokiriHOSHI · Powered by ·

Designed with the Customizr theme ·

21 of 21 4/4/2018, 8:01 PM

You might also like