You are on page 1of 11

ISANG PAGAARAL UKOL SA MGA NEGATIBONG DULOT NG

PAGKAKAROON NG SAKIT SA ATAY NG MGA PILIPINO

Isang Pananaliksik na Isinumite kay Propesor Jannette P. Dela Cruz,

Guro sa Filipino, Departamento ng Wika, Jose Rizal University

Bilang Pagtupad sa isa sa mga Pangangailangan ng

Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat

Tungo sa Pananaliksik

ni: Almira A. Cinco

Marso 9, 2011
INTRODUKSYON

Sa Pilipinas, isa sa may pinakamalaking porsyento ng sanhi ng pagkamatay ng isang tao

ang Sakit sa Atay. Ang ating Atay ay isa sa itinuturing na vital organ ng ating katawan. Tulad

ng ating puso at utak na isa ring itinuturing na vital organs ng ating katawan, ito ay mayroong

mahahalagang gampanin sa metabolismo ng ating katawan. Ilan sa pinakamahalagang tungkulin

nito ay ang detoksipikasyon at ang produksyon ng mga kemikal na esensyal sa pagtunaw ng mga

pagkain. Ang Atay ay kailangan para mabuhay. Sa kasalukuyan, wala pang paraan o

panandaliang solusyon na natutuklasan para humaligi sa Atay. Dahil sa malawak na sakop ng

tungkulin o gampanin nito, ang ating atay ay may malaking posibilidad sa pagkakaroon ng ibat

ibang uri ng sakit. Pinakakaraniwan ay ang Hepatitis A, B, C, E , Cirrhosis, at Cancer sa

matatanda at Billiary Atresia naman para sa mga bagong silang na sanggol. Ang liver diseases o

sakit sa atay ay kalimitang dumadapo sa mga kalalakihan. Ayon sa pag-aaral, ito ay sanhi ng

sobra at walang kontrol na pagkonsumo ng alak. Ang Hepatitis ang pinaka pang-karaniwang

sakit sa atay ng tao, kung hindi ito maiiwasan ito ay maaaring humantong sa kanser. Ang sakit

na Hepatitis ay maaaring malunasan kung itoy’ maaagang matuklasan sa isang tao. Sa nakalipas

na dekada, ang liver transplant ang natatanging alternatibo upang malunasan ang ganitong uri

ng karamdaman. Ang liver transplantation o hepatic transplantation ay isang prosesong medikal

na kung saan pinapalitan ang kontaminadong atay ng malusog na liver allograft na maaring

magmula sa sinumang donor na tumutugma sa atay ng pasyente. Mahalagang katugma ng

pasyente ang i-dodonate ng ibang tao sapagkat panganib at delikado ang pagsasagawa ng liver

transplant. Bagamat ito ang nakikitang lunas sa ganitong klaseng karamdaman, walang

katiyakan ang buhay ng taong isasailalim sa prosesong ito. Ayon World Health Organization
(WHO) , hindi aabot sa 50 porsyento ang survival rate ng sasailalim sa liver transplant. Ang

Sakit sa Atay ay isa sa pinaka kinatatakutang sakit hindi lamang sa ating bansa kung hindi pati sa

mga karatig bayan natin. Ang pagkakaroon ng ganitong klaseng karamdaman ay nagsisilbing

wake up call para sa ilang kalalakihan na inaabuso ang kanilang sarili sa pagkonsumo sa alak;

ang alak na para sa ilan ay nakapagkubli ng problema at kalungkutan sa buhay o sa iba nama’y

pampalipas ng oras lamang. Sa pagdaan pa ng mga taon, sana ay isaisip natin at bigyang halaga

ang buhay na handog sa atin ng Poong Maykapal.


Ang Liver Diseases ay tumutukoy sa ibat’ ibang uri ng sakit o karamdaman na

nagdudulot sa ating atay upang magsagawa ng maling proseso o huminto sa pag proproseso.

Pananakit ng kanang bahagi ng tiyan, Paninilaw ng balat at mata o jaundice sa salitang Ingles

ang ilan lamang sa mga pangunahing sintomas ng pagkakaroon ng sakit na ito.

Ayon sa World Health Organization (WHO), Sa kabuuang populasyon ng Pilipinas

noong taong 2009, may 6,139 o nasa 1.44 % ang namatay sa Sakit sa Atay. Dahil sa mapanganib

na dulot ng sakit sa atay hindi natin maikukubli na malaki ang posibilidad na ang simpleng

karamdamang ito ay maaaring humantong sa nakakamatay na sakit na Kanser. Hindi man laman

ng mga pahayagan, telebisyon o radyo ang realidad tungkol sa sakit na ito, Ako mismo’y saksi sa

mga delikado at sensitibong sakit sakit na ito. Mahigit dalawang (2) taon na ang nakakalipas ng

maging biktima ang aking ama ng Liver Cirrhosis isang uri ng sakit sa atay. Sa mura kong edad

na labing-anim na taon, Hindi ko akalain na ang sakit na ito lamang ang makapaghihiwalay sa

amin ng aking ama. Ayon sa mga datos ng WHO, ang liver diseases partikular ang Kanser sa

Atay ay pumapangatlo sa buong mundo bilang nakamamatay na sakit. Pitong-daang libo

(700,000) ang naitala ng nasabing Institusyon noong taong 2008.

Sa mga nakalipas na panahon, ang Philippine Cancer Control Program na naitatag noong

1988, na isang programa na nagpapatupad ng ilang hakbangin ukol sa pagpapalawak ng

kaalaman sa paglunas sa nakamamatay na sakit na Kanser ang kasalukuyang programa ng ating

pamahalaan. Ang progmang ito ng Kagawaran ng Kalusugan ay sa pakikiisa ng ilang ahensya ng

pamahalaan ay kumakalap ng mga alternatibong paraan sa pagkalap ng lunas sa sakit na Kanser

sa ibat’ ibang rehiyon ng bansa , Ospital at komunidad. Anim na pangunahing kanser (baga,

suso, atay, kwelyo ng matres, atay, oral cavity, kolon, rektum) ang tinatalakay dito; at mga sanhi
at karampatang lunas ng mga ito. Isang bagong konsiderasyon ang isinapubliko kamakailan sa

Cancer Control Program. Inihain din sa nasabing programa ang mahahalagang rekomendasyon

upang supilin ang epidemya ng kanser.

Bagamat mayroong mga programa ang ating pamahalaan na nangangalaga sa kalusugan

ng mga liver cancer patients, hindi pa siguro sapat ang ganitong klaseng hakbang upang

tuluyang masugpo ang nakamamatay na sakit na Kanser.

Maraming maaaring pagmulan ng sakit sa atay. Ang Hepatitis na isa sa mga

pangkaraniwang sakit sa atay; ay maaaring dumapo kaninuman. Ito ay kondisyon ng ating atay

kung saan nagkakaroon ng pagka-maga. Ito ay nauuri sa limang klase ang Hepa A, B, C, D, at E.

Lahat ng uri ng Hepatitis ay maaaring maisalin sa sinumang magkakaroon ng personal na kontak

sa taong lulan ng sakit na ito sa pamamagitan ng pagkonsumo sa kontaminadong tubig o

pagkain, pakikipagtalik, o maaari din na sa pamamagitan ng paggamit sa inheksyon o sa

karayom na ginamit sa taong may Hepatitis. Ang Hepatitis ay maaaring panandalian lamang. Ito

ay pinaniniwalaang tumagal sa metabolismo ng isang tao sa loob ng anim (6) na buwan na

tinatawag na Acute Hepatitis at kung ito nama’y hihigit pa sa anim na buwan ito ay tinatawag na

Chronic Hepatitis na kung saan ito’y maaaring magdala sa atin sa kamatayan. Dahil dito, marami

pang maaaring ma-debelop na sakit ang ating atay. Ang Liver Cancer o Kanser sa Atay ang

maaaring kahantungan kapag hindi sapat ang atensyong medikal ang ilalaan natin dito. Isang

batikang mamamahayag at senador na si Compañero Rene Cayetano ay isa lamang sa milyong-

milyong biktima ng sakit na ito. Ang dating Senador ay na-diagnosed sa pagkakaroon ng

abdominal cancer na dulot ng kanyang napinsalang atay dahil sa pagkakaroon ng Chronic

Hepatitis B. Nagtungo si Cayetano sa amerika upang isagawa ang liver transplant. Tumayong
liver donor ni Cayetano ang kanyang anak na si Direk Lino Cayetano. Subalit matapos ang

operasyon, noong ika-23 ng Hunyo 2003 pumanaw din ang dating senador.

Karaniwan namang tinatamaan ng Cirrhosis of the liver ang mga kalalakihan. Ang

Cirrhosis of the liver ay resulta ng chronic hepatitis na kung saan ay napapalitan ang tisyu ng

ating atay sa pagkakabuo ng isang fibrosis. Ang mga Lalaki ang madalas na tinatamaan ng sakit

na ito. Dahil sa madalas o palagiang pagkonsumo ng isang tao sa alak, maaari syang magkaroon

ng ganitong uri ng sakit. Ang ethanol na pangunahing kemikal na bumubuo sa alcoholic

beverages na pinaniniwalaang nakalalasing ay ang sangkap na nakapagdudulot sa ating atay

upang magkaroon ng cirrhosis o scar tissue ng ating atay. Ang sakit na ito ay maaaring malaman

sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ilang laboratory test na tutukoy sa tunay na lagay ng

kalusugan ng ating atay. Ang ultrasound ay ang unang ebalwasyon na isinasagawa sa taong

pinaghihinalaang may ganitong uri ng karamdaman. Isa pang siyentipikong pagsusuri para sa

may Cirrhosis of the liver ay ang Endoscopy. Ang Endoscopy ay ang pagsusuri sa katawan ng

pasyente gamit ang endoscope. Ang Endoscope na isang instrumento na ipinapasok sa lalamunan

ng tao upang masuri ang lagay ng internal na organ ng isang tao. Hindi tulad ng ibang medical

imaging device, ang endoscope ay direktang ipinapasok sa apektadong organ ng tao.

Hindi lamang ang mga may edad ang dinadapuan ng sakit sa atay. Noong taong 2002,

natunghayan natin sa programang The Correspondents ang kalbaryo ni Baby Nicolai Magtibay.

Si Baby Nicolai ay isa lamang sa bawat labinlimang bata sa bansa na mayroong Billiary Atresia.

Ang Billiary Atresia ay isang seryosong at mapanganib na sakit na karaniwang dumadapo sa

mga bagong silang na sanggol. Ito ay sakit sa atay kung saan ang bile ducts ay depektibo o di

kaya’y ito ay nagkakaroon ng pagka-maga. Ang Bile ducts ay isang tubong istraktura na

nagdadala sa bile. Ang Bile ay esensyal sa pagtunaw ng pagkain. Ito inilalabas ng ating atay sa
mga daluyan na upang ihatid ang mga ito sa hepatic duct, na nagbubuklod sa isang cystic duct

(naghahatid sa bile papunta at pabalik sa galdbladder) upang makabuo ng common bile duct na

bumubukas sa bituka ng tao. Kapag nabuo ang bile, ito ay maaaring sumisira sa atay sa

pamamagitan ng pagkasugat o pagkawala ng tisyu. Sa pangyayaring ito, ang atay ay mabubulok

kapag hindi naalis o napalitan. Ang liver transplant ay kinakailangan maisagawa sa unang

dalawang taon ng buhay. Sa dokumentaryo ni Karen Davila ng The Correspondents,

sinubaybayan ng mamamahayag ang pagsubok na iyon sa buhay ng mga magulang ni Baby

Nicolai. Karaniwang isinasagawa ang liver transplant sa bansang Taiwan. Sa pagsasagawa ng

liver transplant, 2 hanggang 3 Milyon ang kinakailangan samantalang 5 hanggang 7 Milyon

naman ang halaga ng operasyon sa Hong Kong at 10 hanggang 15 Milyon naman ang

kakailanganin sa Estados Unidos. Dahil sa pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak, ginawa

ni Malvin Magtibay; ama ni Baby Nicolai Magtibay ang lahat upang maisalba ang buhay ng

kanyang nanganganib na anak. Naging mahirap ang sitwasyon para sa mga mgaulang ni Baby

Nicolai. Humingi ng tulong ang ama ng bata kay Karen Davila. Sa pamamagitan ng DZMM,

isang istasyon ng radyong kinabibilangan ni Davila, isinahimpapawid ang istorya ni Baby

Nicolai. Ang programa ay nakalikom ng 3 Milyon; ang halagang kakailanganin sa operasyon. Sa

kasalukuyan, ang batang si Nicolai ay malusog at agresibo na. Malayo sa sitwasyon nya noon

kung saan nabingit ang kanyang buhay sa kamatayan dahil sa nakakamatay na sakit sa atay ang

Billiary Atresia.

Sa mga nakalipas na dekada, Hindi na nagiging possible ang pagsasagawa ng Liver Transplant

isang operasyon na kinakailangan ng mga taong lulan ang sakit sa atay sa ating bansa. Subalit ang mga

Liver Diseases patient bilang isa sa sampung sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas ay tila nagkaroon ng pag-

asa. Kamakailan lang ay naihayag ng The Medical City at Philippine Charity Sweepstakes Office ang
kauna-unahang matagumpay na liver transplant sa bansa. Ang kauna-unahang liver transplant beneficiary

ay si Erica Buenaventura, 3 taong gulang. Nagpapagaling na lamang ito sa The Medical City. Ang

nagsagawa ng operasyon dito na pawang mga Filipino doctors sa pangunguna ni Dr. Ma. Vanessa de

Villa noong Enero 7. Lubos naman ang pasasalamat ng magulang ni Erica kay Dra. de Villa, TMC

president Dr. Alfredo Bengzon at PCSO chairperson Margarita Juico dahil sa tulong upang maoperahan

ang kanyang anak. Walang siningil na professional fee ang mga doctor ng TMC habang tumulong naman

ang PCSO sa gastusin ni Erica habang ang ibang gastusin ay mula sa mga donasyon. Walang siningil na

professional fee ang mga doctor ng TMC habang tumulong naman ang PCSO sa gastusin ni Erica habang

ang ibang gastusin ay mula sa mga donasyon.

Ang Liver Disease o Sakit sa Atay ay lubhang nakakaalarma sa Kalusugan ng bawat

Pilipino. Kapag ang isang tao ay apektado ng liver disease, ang una at pinakamagaling na bagay

na gawin ng isang tao ay itigil ang lubos na pagkonsumo ng alak.

Isa pa sa dapat maiwasan ang pagbibigay ng masyadong maraming pasanin sa atay. Sa

ibang salita, pagkaing mataba, pagkain na maaaring mas matagal na oras upang tunawin dapat

na iwasan hangga't maaari.

Isa sa mga iba pang mga dahilan para sa disorder sa atay ay maaaring paggawa ng

malabnaw ng buto dahil sa kakulangan ng bitamina D. Ito bitamina D ay tumutulong sa lubhang

kawili-wili kaltsyum sa katawan at pag-ubos ng ito mahalaga sa buhay na mapagkukunan ay

maaaring magresulta sa kaltsyum sa pagiging hindi epektibo na ginagamit para sa pagpapalakas

ng mga buto . Ito ay marapat na bitamina D ay natutunaw bilang bahagi ng mga pagkain at hindi

hiwalay bilang supplements.


Kabilang ang higit na halaga ng protina pati na rin ang carbohydrates sa iyong araw-araw

na paggamit ng pagkain ay lubhang napakahalaga upang magtagumpay ang mga problema ng

mga sakit sa atay. Ito ay marapat upang maiwasan ang mga problema sa atay sa unang

pagkakataon sa pamamagitan ng tamang ehersisyo mas mahusay na kontrol sa aming mga gawi

sa pagkain tulad ng pagkain ng isang kumpletong pagkain mayaman sa carbohydrates, protina,

bitamina, at mineral at din sa pagpapanatili ng mabuting pangangalaga sa kalinisan.


Talasanggunian

© Ergasa NV. Approach to the patient with liver disease. In: Goldman L, Ausiello D, eds. Cecil

Medicine. 23rd ed. Philadelphia, Pa: Saunders Elsevier;2007:chap 149.

©Department of Medicine, University of the Phil-Phil General Hospital and Jose R. Reyes

Memorial Medical Center, Department of Health and 2Cancer Institute, Philippine General

Hospital and Department of Orthopaedics, University of the Phil-Phil General Hospital, Manila,

Philippines.

©Ryder S, Beckingham I (2001). "ABC of diseases of liver, pancreas, and biliary system: Acute

hepatitis". BMJ 322 (7279): 151–153. doi:10.1136/bmj.322.7279.151. PMID 11159575.

©2001 - 2011 by American Association for Clinical Chemistry  website “Lab Tests Online”

©Senate of the Philippines website. www.senate.gov.ph. (Accessed Nov. 3, 2010)

©Renato "Compañero" Cayetano. http://chapelnet.tripod.com/cayetano.html. (Accessed Nov. 3,

2010)
©Krusada: Biliary Atresia ; By Nathalie Blanco, Multimedia producer, Krusada,ABS-CBN

News and Current Affairs

©Unang liver transplant sa PH, tagumpay Ni Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon)

Updated Ika-25 ng Enero 12:00 AM

©Paano pagtagumpayan o matanggal ang mga sakit sa atay, stumblerz.com › Health, Ika-3

ng Nobyembre Taong 2009.

You might also like