You are on page 1of 2

Food poisoning

Sintomas ng Food Poisoning


Ang sintomas at lala ng food poisoning ay iba-iba, depende sa kung
ano ang nagdulot nito at kung gaano kalakas ang immune system ng
katawan. Ang pinakaraniwang sintomas ng pagkalason sa pagkain ay
ang pagsusuka, pagtatae at pagkahilo. Maaaring lumabas ang mga
sintomas na ito isang oras hanggang sampung araw pagkatapos
kumain.

Diarrhea
Sintomas ng diarrhea
 bloated na tyan
 maninipis o matubig na dumi
 pakiramdam na nadudumit
 pagsusuka
 pagkahilo
 dugo sa dumi
 Kapag ang dumi ay matubig at hindi umiinom ng madaming tubig
ang pasyente, maaari itong ma-dehydrate.

Typhoid fever
Sintomas ng Typhoid Fever
 Mataas na lagnat sa loob ng ilang araw
 Pananakit ng tyan
 Pagsusuka
 Constipation
 Bloated na tyan
 Malambot na dumi
 Paghihina
 Walang gana kumain
Dysentery – isang diarrhea na may kasamang
dugo dahil nagkakaroon ng sugat o pamamaga
ang mga intestines ng isang tao. Isang uri rin ng
bacteria ang nagdudulot nito.
Sintomas:
Makararamdam ng mataas na lagnat at
matinding sakit ng tiyan ang taong may
ganitong sakit.

Cholera – nakahahawang sakit na naipapasa sa


pamamagitan ng kontaminadong dumi ng tao, pagkain, o
tubig. Kung hindi maaagapan, maaaring agad na mamatay
ang taong may ganitong sakit.
Sintomas:
Karaniwang hindi nakikita ang mga sintomas ng sakit na ito.
Maaaring magkaroon ng diarrhea na magdudulot ng pagkau
bos ng tubig sa katawan.

You might also like