You are on page 1of 3

Sipon o Common Colds

Ang sipon o karaniwang


sipon ay ang karaniwang dulot
ng iba't ibang mga uri
ng birus, alerhiya, pagbabago ng
panahon, at pagiging malamig
ng panahon.
Nakukuha natin ang birus na ito
kapag naubuhan o nahatsingan
tayo ng tao na meron ng sipon o
kapag nahawakan o ginamit
natin ang mga bagay na
nakontamihan ng may sipon.
Mga sintomas:
Ang senyales ng pagkakaroon ng
sipon ay nagsisimula sa pagkakaroon
ng uhog at paninikip ng ilong.
Sinusundan ito ng pag-ubo nang
tatlong araw o mahigit pa, kaya
posibleng kumirot ang lalamunan.
Maaari din ang pagbahing, at
pagkairita ng mga mata, bukod sa
pagkakaroon ng masamang
pakiramdam. Makararanas din ng
pananakit ng kalamnan at kasukasuan ang sinumang mahawa.
Makalipas ang tatlong araw ay
humuhupa ang mga sintomas, ngunit
hindi agad nawawala ang sipon
hanggang sa susunod na sampung
araw.

Isa pang senyales ng pagkakaroon ng


sipon ang malabis na pagkauhaw.
Resulta ito ng mataas na bilang ng
kaloriya na sinusunog ng katawan
upang labanan ang impeksiyon..
Mga Komplikasyon
Mangangailangan na ang pag-aalaga
ng isang doktor kapag lumubha ang
karaniwang sipon, lalo na kapag may
dating sakit na ang pasyente na gaya
ng hika, emphysema, cystic
fibrosis o diabetes na maaaring
lumala kapag nagkaroon ng sipon.
Ang pinakakaraniwang komplikasyon
ng sipon ay ang ikalawang
impeksiyon sa bakterya sa tainga,
lalamunan, sinuses at baga. Kapag
lumitaw ang ganitong komplikasyon,
kinakailangan na ang paggamit ng
antibiyotiko at ang pagkonsulta sa
doktor kapag hindi bumuti ang
pakiramdam mula pito hanggang
sampung araw. Huwag itong
ipagpaliban lalo na kapag may paulitulit na paglalagnat, pagsakit ng
tainga, matinding pagsakit ng ulo o
kaya ay ang paglaki ng lymph nodes
sa leeg o ng iba pang kakaibang
sintomas.
Paano makakaiwas sa sipon?

Dahil ang sipon ay dala ng mga virus


na mas madaling makapagdulot sa
sakit kapag mababa ang immune
system ng katawan, ang tanging
paraan para maiwasan ang
pagkakaron ng sipon ay ang
pagpapalakas ng immune system.
Kabilang na dito ang mga
sumusunod:

Ugaliing maghugas ng kamay.


Kapag may pangingirot,
panlalamig, at lagnat, humiga
at magpahinga sa isang lugar
na may maayos na
bentilasyon. Kapag
nagkalagnat dahil sa
matinding sipon, ipinapayong
magpunas ng bimpo na gamit
ay malamig na tubig sa buong
katawan na sisimulan sa
mukha pababa sa paa.
Uminom ng maraming tubig
upang mapalitan ang
nawalang mineral sa katawan.
Magkaroon nang sapat na
tulog at pahinga.
Kumain ng kahel, kamatis, at
iba pang prutas na sagana
sa Bitamina C.
Kapag hindi pa rin bumubuti
ang pakiramdam makalipas

ang tatlo hanggang apat na


araw, kinakailangan nang
kumonsulta sa doktor. Ilan sa
maaaring maging resulta ng
pagkakaroon ng sipon
ang trangkaso ,brongkitis ,
pulmonya, mononucleosis,
at allergies.
Sa kabuuan, kapag nagamot
na ang mga sintomas at
natiyak ng doktor na may
impeksiyon ang pasyente ay
saka lamang siya
makapagrerekomenda ng
antibiyotiko. Kapag ang mga
sintomas ay naging malubha,
maaaring magsagawa ng x-ray
at iba pang eksaminasyon
upang makatiyak ang doktor
sa pagsusuri nito

mga daliri. Mag-ingat sa


paglapit sa mga sanggol.
Ipinapayo din ang pagtatakip
ng ilong at bibig kapag
bumabahing o inuubo.
Umiwas sa sigarilyo at sa usok
ng sigarilyo dahil
makasasagabal ito sa paghupa
ng sipon.
Umiwas din sa mauusok at
mataong lugar.
Maraming salamat po.

Batch 2016

TAYONG ALAMIN KUNG PAANO


MAIIWASAN ANG SIPON AT IBANG
KOMPLIKASYON NITO!!!!

Upang makaiwas na makahawa ng


sipon sa iba, ang maysakit ay dapat:
ibukod muna ang pagkain at
pagtulog ng tao na may sipon.
Umiwas din sa direktang
kontak sa iba, gaya ng
paghawak sa kamay sapagkat
ang mikrobyo ay nanunulay sa

School of Nursing

Para sa karagdagang impormasyon,


maari kayong sumangguni sa malapit
na Barangay Center.

Paano makakaiwas na
makahawa?

Emilio Aguinaldo College-Cavite

Paalala mula sa:

Solas Residence
Barangay Antipolo Sampaloc 2
Dasmarias, Cavite
December 7, 2015 at 2:00pm

You might also like