You are on page 1of 6

Amyenda sa Maharlika Fund aprub na

sa House panel
Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
December 13, 2022 | 12:00am

MANILA, Philippines — Nakalusot na sa panel ng Kamara ang ilan sa amyenda sa


isinusulong na Maharlika Investment Fund (MIF) ng Pilipinas.

Sa isinagawang executive session, inaprubahan ng House Committee on Banks and


Financial Intermediaries na pinamumunuan ni 5th District Manila Rep. Irwin Tieng ang
mga amyenda sa House Bill (HB) 6398 o ang sovereign wealth fund na una nang
tinawag na Maharlika Wealth Fund (MWF).

Gayunman sa amyenda, mula sa MWF ay ibinalik ang pangalan nito sa orihinal na


bersiyon ng MIF.

Kinumpirma ni Tieng na tuluyan nang tinanggal ang Social Security System (SSS),
Government Service Insurance System (GSIS) at national budget bilang funding source
ng MWF.

Sa halip, ang matitira na lamang ay ang Land Bank of the Philippines (LBP),
Development Bank of the Philippines (DBP) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Tianggal din ang 7 taong fixed term ng Chairman of the Board of Directors ng Maharlika
Investment Corporation. Bukod sa pinuno ng LBP, DBP, BSP na uupo bilang Director
ng Board ay may apat ding Independent Directors na posibleng magmula sa pribadong
sektor.

Sinumang miyembro ng MIC na lalabag sa investment policy o magkakaroon ng gross


negligence sa management ay mahaharap sa 1-5 taong kulong at multang P50,000
hanggang P2 milyon.

Ipinasok naman ang probisyon kung saan 20% ng net profit ng MIF ay ilalaan sa social
welfare.
Pangulong Marcos: Pinas
makikinabang sa Maharlika Wealth
Fund
Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
December 13, 2022 | 12:00am
Sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza sa kanilang departure sa Villamor Air Base,
Pasay City. Dadalo ang Pangulo sa ASEAN-EU Summit sa Belgium.
KJ Rosales
MANILA, Philippines — Sa kauna-unahang pagkakataon nagsalita na si
Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa isyu ng Maharlika Wealth fund
(MWF).

Sa pahayag ni Marcos, naniniwala siya na pakikinabangan ng bansa ang


isinusulong na MWF sa gitna ng pagtutol ng ilang grupo dito.

“For sure. I wouldn’t have brought it up otherwise,” sagot ng Pangulo nang


tanungin ng mga mamamahayag kung sa palagay niya ay makakatulong ang
MWF sa bansa.

“It’s very clear that we need added investment. This is another way to get
that,” dagdag pa ng Pangulo.

Ang panukalang House Bill 6398 na isinusulong sa Kamara ay naglalayong


magtatag ng MWF at payagan ang gobyerno na mag-invest ng surplus
reserves sa real estate at financial assets.

Sa tanong kung naniniwala siya na tamang hakbang ang pag-aalis ng GSIS at


SSS na pagkukunan ng pondo ng WFP, ito umano ay regular na proseso lang
sa pagbuo ng panukala para maging perpekto ito.

“Well, we’re just doing the regular process of looking at the bill. Well, not we.
It’s the legislature. So let them do their jobs. Tama ‘yan. Para gawin nilang
perfect,” ayon pa sa Pangulo.

Umapela naman ang Pangulo sa publiko na ipagpaliban muna ang mga


debate tungkol sa panukala hanggang hindi pa ito pinal.
Matatandaan na kabilang sa pangunahing may akda ng panukala ang pinsan
ng Pangulo na si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at anak na si
Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos III.
IRR sa SIM Registration, inilabas na
ng NTC
Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

December 13, 2022 | 12:00am

A vendor sells sim cards along the sidewalk of Balintawak Public Market in Quezon City on September 15,
2022.

STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Inilabas na kahapon ng National Telecommunications


Commission (NTC) ang implementing rules and regulations (IRR) para sa SIM Card
Registration Act, na may kaakibat na mabigat na parusa para sa mga telephone
companies (telcos) at subscribers na mabibigong tumalima sa batas.

Alinsunod sa IRR ng NTC, ang mga telco subscribers na tatanggi o mabibigong


magrehistro ay mahaharap sa deactivation ng kanilang SIM card.

Ang mga telco operators o public telecommunications entities (PTE) naman na


tatangging irehistro ang SIM ng subscriber ng walang balidong dahilan, ay mahaharap
sa multang hanggang P1 milyon.

Kailangan din ng subscribers na magprisinta ng larawan, at ng alinmang valid


government-issued ID sa pagrerehistro ng kanilang SIM.

Nakasaad sa IRR na ang lahat ng SIMs ay dapat na rehistrado, kabilang na ang eSIMs,
at maging ang mga SIM na para lamang sa data, gaya ng mga ginagamit para sa
wireless broadband modems, machine-to-machine communications at IoT (internet of
things) devices.

Mayroong 180 araw ang subscribers para irehistro ang kanilang SIM, simula sa
pagiging epektibo ng batas. Ang mga SIM na hindi mairerehistro ay hindi na magagamit
o made-deactivate.

Maaari naman i-reactivate ang mga SIM matapos irehistro ang mga ito, ngunit hindi
dapat na mas matagal sa limang araw matapos ang deactivation.
Ang mga individual registrants ay kailangang magbigay ng full name, birth date, sex,
official address, uri ng ID na iprinisinta at kanilang ID number.

Ang mga negosyo na magrerehistro ng SIM ay kailangang ibigay ang kanilang business
name, address at buong pangalan ng authorized signatory nito.

Ang mga dayuhan na magrerehistro ng SIM ay dapat magpakita ng passport at address


sa Pilipinas.

Anang NTC, ang mga subscribers na magbibigay ng pekeng pangalan o impormasyon


sa pagrerehistro ay maaaring makulong ng hanggang 2 taon na may multang hanggang
P300,000.

Kailangan ng mga telcos na i-deactivate ang mga SIMs na ginagamit sa fraudulent texts
o calls matapos ang imbestigasyon.

Mahaharap sa multang hanggang P300,000 o pagkabilanggo ng hanggang anim na


taon ang mga taong magbebenta o magta-transfer ng isang rehistradong SIM, nang
hindi tumatalima sa kaukulang registration.

Anang NTC, ang naturang parusa ay ia-aplay din sa mga magbebenta ng nakaw na
SIM.

Bill vs no exam sa mga estudyante


na‘di bayad tuition, pasado na sa
Kamara
Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
December 13, 2022 | 12:00am
Sa botong 237 pabor ay ganap na napagtibay ang House Bill (HB) 6483 o ang “An Act Allowing
College Students with Unpaid Tuition and Other School Fees to Take the Periodic and Final
Examinations on Good Cause and Justifiable Grounds.”
STAR / File
MANILA, Philippines — Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang
panukalang nagbabawal sa mga paaralan na payagan ang mga estudyante
sa pampubliko at pribadong Higher Education Institutions (HEIs) na kumuha
ng pagsusulit kahit hindi pa bayad ang tuition fees o matrikula.

Sa botong 237 pabor ay ganap na napagtibay ang House Bill (HB) 6483 o ang
“An Act Allowing College Students with Unpaid Tuition and Other School Fees
to Take the Periodic and Final Examinations on Good Cause and Justifiable
Grounds.”

Ipinunto sa panukala na dapat i-accomodate o intindihin ang kalagayan ng


mga mag-aaral na posibleng nahaharap sa emergencies at iba pang
sitwasyon kaya hindi nakabayad ng matrikula gayundin ng iba pang mga
school fees.

Dahil dito, walang sinuman sa mga estudyante sa pampubliko at pribadong


HEIs ang pagbabawalan na makakuha ng periodical o final examinations dahil
lamang sa hindi bayad na tuition at iba pang bayarin.

Alinsunod sa HB 6483, bibigyan naman ng karapatan ang eskuwelahan na


huwag ibigay ang clearance o transfer credential ng estudyante hanggang sa
mabayaran ng mga ito ang kanilang pagkakautang.

You might also like