You are on page 1of 67

EPEKTO NG PANDEMYA SA INDUSTRIYA NG

KONSTRUKYON SA PROBINSYA
NG NUEVA ECIJA

DEL ROSARIO, KRISTINE VALERIE M.


BADUA, AARON JAY B.
MATEO, LAIRA MARIEZ B.
NIEGOS, ROLAND JR. M.
PAGUIBITAN, SALLY P.
RAYO, JOHNDEL S.
REYES, JUSTIN ALIEZANDRE
SUNCUACO, JOHN MATTHEW V.
TINTERO, KEN YREL B.
VENDIVIL, JOSHUA L.
BACHELOR OF SCIENCE IN CIVIL ENGINEERING

Isang Di-Gradwadong Pananaliksik na Ipinasa sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino,


Kolehiyo ng mga Sining at Agham, Central Luzon State University,
Lungsod Agham ng Muñoz, Nueva Ecija, Pilipinas
bilang Katugunan sa Pangangailangan
para sa Kursong BSCE

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

MAYO 2021
PAGPAPATIBAY

Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Epekto ng Pandemya sa Industriya

ng Konstruksyon sa Probinsya ng Nueva Ecija”, inihanda at isinumite nina Del Rosario,

Kristine Valerie M., Badua, Aaron Jay B., Mateo, Laira Mariez B., Niegos, Roland Jr. M.,

Paguibitan, Sally P., Rayo, Johndel S., Reyes, Justin Aliezandre, Suncuaco, John Matthew

V., Tintero, Ken Yrel B., at Vendivil, Joshua L., ng BSCE 2-1 bilang katugunan sa

pangangailangan sa asignaturang FILDIS 1110 – Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina ay

sinaliksik at ngayon ay tinagubilin na tanggapin para sa isang pasalitang pagsusulit na

sinuri at tinagubilin ngayon na tanggapin at pagtibayin.

Tinanggap at pinagtibay bilang katugunan sa pangangailangan sa asignaturang

FILDIS 1110 – Filipino sa Iba’tIbang Disiplina.

Kinuha at ipinasa ang pasalitang pagsusulit noong Mayo 24, 2021.

JUDITH R. ANGELES, Ph.D.


Guro sa FILDIS 1110

__________________________
Petsa

ii
PERSONAL NA TALA

Si Kristine Valerie M. Del Rosario ay ipinanganak noong ika-14 ng Pebrero taong

2001. Siya ay ikalawang anak at naninirahan sa lungsod ng San Jose, lalawigan ng Nueva

Ecija. Sa kasalukuyan, siya ay isang mag-aaral sa Central Luzon State University na nasa

ikalawang taon na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Civil Engineering.

Nakapagtapos siya ng Senior at Junior High School sa St. Joseph School Of San Jose City,

Nueva Ecija, Inc. kung saan nagkamit siya ng pagkilala sa pagiging pinakamahusay na

mag-aaral sa larangan ng pananaliksik dahil sa naipanalo ng grupo niyang Research

Capstone na inilaban sa ACES (Apo Jose Catholic Educational System) Congress, tawag

sa samahan ng mga katolikong paaralan sa buong lalawigan ng Nueva Ecija, na

pinamagatang “Relationship and Correlates of Environmental Values, Locus of Control

and Environmental Decision Making Among Senior High School Students” noong taong

2018. Ang mga kasama niyang mananaliksik sa nasabing capstone ay sina Aguilar, John

Carlo V., Dela Cruz, Jhim Brethren, Marcos, Mayo Rafael Theseus V., at Yuson, Alyssa

Janina E., na lahat ay mula sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics o

STEM Strand ng kapareho niyang paaralan. Bilang sila ang kampeon sa kauna-unahang

kumpetisyon sa pananaliksik na isinagawa ng ACES Congress, nagbigay ito ng karangalan

at nagsilbing pride ng kanilang paaralan.

Si Aaron Jay Badua ay ipinanganak noong ika-16 ng Setyembre taong 2000. Siya

ay panganay na anak at naninirahan sa Umingan, Pangasinan. Siya ay kasalukuyang nasa

ikalawang taon ng kursong Bachelor of Science in Civil Engineering sa CLSU. Nagtapos

siya ng Senior at Junior High School sa Umingan Central National High School.

iii
Si Laira Mariez B. Mateo ay ipinanganak noong ika-23 ng Pebrero taong 2001,

bunso sa tatlong magkakapatid at naninirahan sa Abar 1st, San Jose City, Nueva Ecija. Siya

ay kasalukuyang mag-aaral ng Central Luzon State University na nasa ikalawang taon ng

kursong Bachelor of Science in Civil Engineering. Nagtapos siya ng Senior at Junior High

School sa St. Joseph School of San Jose City, Nueva Ecija, Inc.

Si Roland M. Niegos Jr. ay ika-apat na anak na ipinanganak noong ika-17 ng

Setyembre taong 2000. Siya ay naninirahan sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija at

kasalukuyang nag-aaral sa CLSU na nasa ikalawang taon ng kursong Bachelor of Science

in Civil Engineering. Nagtapos siya ng Senior High School sa Muñoz National Senior High

School at Junior High School sa Muñoz National Junior High School-Main..

Si Sally P. Paguibitan ay panganay na anak, ipinanganak noong ika-3 ng Enero

taong 2001, at naninirahan sa Lupao, Nueva Ecija. Sa kasalukuyan, siya ay nag-aaral sa

Central Luzon State University at nasa ikalawang taon ng kursong Bachelor of Science in

Civil Engineering. Nagtapos siya ng Senior High School sa St. Joseph School of San Jose

City, Nueva Ecija, Inc. at ng Junior High School sa Mount Carmel Montessori Center sa

lungsod ng San Jose.

Si Johndel S. Rayo ay nag-iisang anak na ipinanganak noong ika-10 ng Nobyembre

taong 2000. Siya ay naninirahan sa Aliaga, Nueva Ecija at kasalukuyang nasa ikalawang

taon ng kursong Bachelor of Science in Civil Engineering sa Central Luzon State

iv
University. Nagtapos siya ng Senior at Junior High School sa Honorato C. Perez, Sr.

Memorial Science High School.

Si Justin Aliezandre Reyes ay ipinanganak noong ika-4 ng Disyembre taong 2000

at naninirahan sa Bayombong, Nueva Vizcaya. Sa kasalukuyan, siya ay isang mag-aaral

ng Central Luzon State University na nasa ikalawang taon ng kursong Bachelor of Science

in Civil Engineering. Nagtapos siya ng Senior High School sa Saint Mary's University at

ng Junior High School sa United Methodist Christian School.

Si John Matthew V. Suncuaco ay ipinanganak noong ika-8 ng Nobyembre taong

2000, ikatlong anak at nakatira sa San Jose City, Nueva Ecija. Siya ay kasalukuyang nasa

ikalawang taon ng kursong Bachelor of Science in Civil Engineering sa CLSU. Nagtapos

siya ng Senior High School sa St. Joseph School of San Jose City, Nueva Ecija, Inc. at ng

Junior High School sa Mount Carmel Montessori Center sa kaparehong lungsod.

Si Ken Yrel B. Tintero ay ipinanganak noong ika-2 ng Disyembre taong 1999,

ikalawang anak at naninirahan sa Sto. Tomas, San Jose City, Nueva Ecija. Sa kasalukuyan,

siya ay nag-aaral sa Central Luzon State University at nasa ikalawang taon ng kursong

Bachelor of Science in Civil Engineering. Nagtapos siya ng Senior High School sa San

Jose City National High School at Junior High School sa Mount Carmel Montessori Center.

Si Joshua L. Vendivil ay ikatlong anak at ipinanganak noong ika-30 ng Hulyo taong

2000. Siya ay naninirahan sa Lupao, Nueva Ecija na kasalukuyang nasa unang taon ng

v
kursong Bachelor of Science in Information and Technology sa Central Luzon State

Univertiry. Nagtapos siya ng Senior at Junior High School sa Doña Juana Chioco National

High School.

vi
PASASALAMAT

Una sa lahat, nagpapasalamat kami sa pagkakatong ibinigay upang makagawa ng

ganitong pananaliksik tungkol sa epekto ng pandemya sa industriya ng konstruksyon sa

probinsya ng Nueva Ecija. Taos-puso rin naming ipinaaabot ang aming pasasalamat sa mga

sumusunod na indibidwal, tanggapan, at sa iba pang mga naging bahagi ng aming pag-

aaral:

Kay Dr. Edgar Orden, pangulo ng buong paaralan ng Pamantasang Pampamahalaan

ng Gitnang Luzon, at kay Dr. Theody Sayco, dalubpuno ng Kolehiyo ng Inhinyerya, sa

pagbibigay ng kanilang basbas at permiso na isagawa ang pananaliksik na ito kahit pa hindi

na umabot sa pangangalap ng datos at pagkumpleto sa buong pag-aaral;

Kay Gng. Judith Angeles, ang aming iginagalang na guro sa asignaturang Filipino

at Iba’t Ibang Disiplina, lubos po ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang

pagsuporta, pagtulong, at paggabay mula simula hanggang sa matapos namin ang tatlong

kabanata ng aming pananaliksik. Onlayn man ang naging klase natin ay hindi pa rin

nagkulang ang iyong mga paalala at ikaw ay buong galak na tumutugon sa anumang

katanungan na ipinapadala namin sa E-mail man o sa Messenger. Nakakapanghinayang

lamang at hindi na matatapos ng buo ang aming pananaliksik gayunpaman,

nagpapasalamat pa rin kami sa mga kaalamang iyong ibinahagi sa amin na tiyak na

magagamit pa namin sa mga susunod pang pananaliksik na aming gagawin sa hinaharap;

Sa mga respondente na binubuo ng iba’t ibang mga propesyonal na inhinyero,

kontraktor, may-ari ng mga kumpanyang pang-konstruksyon, suplayer ng mga materyales,

at iba pang mga taong nagbibigay ng kontribusyon sa industriya ng konstruksyon sa ating

vii
lalawigan, na handang maglaan ng oras at masigasig na partisipasyon sa pagsasagot ng

aming mga katanungan at sarbey, maraming salamat po at tunay kayong mga bayani ng

industriya ng konstruksyon;

Sa aming mga magulang na tumulong, umunawa, at nagbigay konsiderasyon sa

amin sa panahong abala kami sa paggawa ng pag-aaral na ito at sa pagbibigay ng moral at

pinansyal na suporta, walang hanggan ang aming pasasalamat sa inyo; at

Sa Poong Maykapal, sa pagkakaloob sa aming pangkat ng mananaliksik ng

kaligtasan, lakas, kaalaman, at determinasyon upang matapos ang tatlong kabanata ng

aming pag-aaral. Nagpapasalamat din kami sa Kanyang pagdinig sa aming mga panalangin

lalo sa mga panahong napanghihinaan kami ng loob.

Muli, lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong lahat!

Mga Mananaliksik

viii
TALAAN NG NILALAMAN

PAHINA

TALAAN NG MGA TALAHANAYAN xi


TALAAN NG PIGURA xii

TALAAN NG MGA APENDISE xiii

ABSTRAK xiv

PANIMULA........................................................................................................................1

Ang Kaligiran ng Pag-aaral ..............................................................................................1


Paglalahad ng Suliranin/Layunin ng Pag-aaral ................................................................4
Kahalagahan ng Pag-aaral ................................................................................................6
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral...............................................................................7
Depinisyon ng mga Termino ............................................................................................7
REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL ....................11
Kaugnay na Literatura ....................................................................................................11
Sektor ng Industriya sa Ekonomiya ng Bansa
Industriya ng Konstruksyon
Suplay ng Materyales Pang-konstruksyon
Lagay ng Industriya ng Konstruksyon sa Gitna ng Pandemya
Lagay ng Suplay ng Materyales Pang-konstruksyon sa Gitna ng Pandemya
Kaugnay na Pag-aaral.....................................................................................................23
Banyaga
Lokal
PAMAMARAAN AT METODOLOHIYA NG PAG-AARAL ...................................30

Disenyo ng Pag-aaral .....................................................................................................30


Lokasyon ng Pag-aaral ...................................................................................................31
Mga Respondente ..........................................................................................................31
Instrumento ng Pag-aaral................................................................................................32
Pamamaraang Gagamitin sa Pag-aaral ...........................................................................33
Paraan ng Pag-aanalisa ng Datos....................................................................................34

ix
Teoretikal na Balangkas .................................................................................................35
Konseptwal na Balangkas/Paradigma ng Pag-aaral .......................................................42
SANGGUNIAN ................................................................................................................44

APENDISE .......................................................................................................................47

x
TALAAN NG MGA TEYBOL/TALAHANAYAN

TEYBOL/TALAHANAYAN PAHINA

1 Year-on-Year Growth Rates of the CMRPI in NCR,


All Items in Percent 20

2 Growth Rates of the CMRPI in NCR, All Items in Percent


(March 2020 - March 2021) 20

xi
TALAAN NG MGA PIGURA

PIGURA PAHINA

1 Mapa ng Lalawigan ng Nueva Ecija 31

2 Structure-Conduct-Performance Paradigm 36

3 Extended Structure-Conduct-Performance Model 38

4 Transaction Cost Theory Model 40

5 Paradigma ng Pag-aaral 42

xii
TALAAN NG MGA APENDISE

APENDISE PAHINA

1 Liham ng Pahintulot (Consent Form) 47

2 Talatanungan (Survey Questionnaire) 49

xiii
ABSTRAK

Del Rosario, Kristine Valerie M., Badua, Aaron Jay B., Mateo, Laira Mariez
B., Niegos, Roland Jr. M., Paguibitan, Sally P., Rayo, Johndel S., Reyes, Justin
Aliezandre, Suncuaco, John Matthew V., Tintero, Ken Yrel B., at Vendivil, Joshua
L., Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan, Central
Luzon State University, Lungsod Agham ng Muňoz, Nueva Ecija, Pilipinas, Mayo 2021,
EPEKTO NG PANDEMYA SA INDUSTRIYA NG KONSTRUKYON SA
PROBINSYA NG NUEVA ECIJA.

Guro: JUDITH R. ANGELES, Ph.D.

Bilang ang sektor ng industriya ang pangunahing tumutustos sa mga

pangangailangan ng isang bansa, lubos na naapektuhan ang ekonomiya ng Pilipinas nang

maantala ang paggawa sa kabuuang industriya dulot ng mga pamantayang ipinatupad na

siyang pansamantalang solusyon sa pandemyang tumama sa buong bansa. Hindi nakaligtas

dito ang sektor ng konstruksyon kung kaya’t tatalakayin sa pananaliksik na ito ang mga

naging epekto ng pandemya sa industriya ng konstruksyon, partikular sa suplay ng mga

materyales, sa lalawigan ng Nueva Ecija gayundin ang kahalagahan ng pagbibigay-pansin

sa suplay ng materyales at ang naging epekto ng mga panlalawigang panuntunan na dulot

ng pandemya sa kabuuang produksyon ng mga materyales pang-konstruksyon sa

lalawigan. Naglalayon din ang pag-aaral na makapagbigay ng mga halimbawa ng

konkretong solusyon na isinagawa o naobserbahan ng mga nasa industriya sa mga

kinaharap na suliraning kaakibat ng pandemya sa pamamagitan ng kwalitatibong

pamamaraan ng pagkalap ng impormasyon bilang suporta sa kwantitatibong metodolohiya

ng pananaliksik na pangunahing isasagawa sa pag-aaral gamit ang survey questionnaire na

ilalagay sa onlayn na plataporma na Google forms upang maipakalat sa mga Inhinyero,

kontratista, trabahador, nagmamay-ari ng mga kumpanyang pang-konstruksyon,

xiv
nagbebenta ng mga materyales pang-konstruksyon, at iba pang taong may kinalaman at

kamalayan sa konstruksyon at suplay ng materyales na siyang magsisilbing tagatugon ng

pag-aaral. Nakaangkla ang pananaliksik sa Industrial Organization Theory, kung saan

ginamit din ang Extended Structure-Conduct-Performance (SCP) Model nina Carlton at

Perloff (2000), at Transaction Cost Theory na sumuporta at nagbigay tibay sa pag-aaral.

Bilang limitado ang oras ng pagsasaliksik, hindi na naisagawa ng mga mananaliksik ang

pangangalap ng datos kung kaya’t walang resulta at konklusyon na mailalahad sa pag-

aaral.

Susing Salita: industriya, konstruksyon, ekonomiya, pandemya, suplay ng materyales,

industrial organization theory, transaction cost theory, extended scp paradigm

xv
(Ang pahinang ito ay sinadyang iwan na blangko)
1

PANIMULA

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang kasalukuyang pandemyang dulot ng Corona Virus 2019 (COVID-19) ay isa

sa pinakamalaking krisis na hinaharap ng buong mundo ngayong ika-21 siglo. Maliban sa

tumataas na bilang ng namamatay at idinadala sa ospital, ang pandemyang ito ay dahilan

din ng pagsasara ng mga negosyo, malawakang paghina ng ekonomiya, at ang

nararanasang paghihirap ng bawat Pilipino. Simula ng ianunsyo ng World Health

Organization (WHO) ang mabilisang pagkalat ng bayrus, maraming bansa ang nagdeklara

ng complete national lockdown bilang pansamantalang solusyon sa biglaang pagtaas ng

bilang ng nahahawa sa COVID-19. Dahil dito, ang industriya ng konstruksyon ay hindi rin

nakaligtas sa epekto ng pandemya at karamihan, kung hindi lahat, sa mga kumpanyang

nangangasiwa sa mga proyektong pang-konstruksyon ay naantala ang paggawa at ang iba

pa ay tuluyang nagsara.

Ang Pilipinas, bilang isang patuloy na umuunlad na bansa na mayroong mababang

pamumuhunan sa imprastraktura kumpara sa ibang bansa na kabilang sa ASEAN

(Association of Southeast Asian Nations), ay patuloy na humaharap sa malaking hamon ng

pagpapanatili at pagpapaunlad ng imprastraktura nito dahil ito ang nagsisilbing buhay ng

kalakalan sa bansa na siya ring nagbibigay serbisyo sa mga mamamayan nito gayundin ang

ugat ng patuloy na paglago at pag-unlad ng ekonomiya ng bansa (MacLean, 2017). Sa

artikulong inilathala nina Dela Cruz, K.C., Pesigan, S., at Rosela, M. (2017) ay kanilang

binigyang diin ang malaking papel na ginagampanan ng sektor ng industriya sa pag-unlad

ng ekonomiya ng isang bansa dahil dito nagsisimula ang produksyon maging


2

ang paglilingkod na sya namang tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan pati na

rin ang buwis na ginagamit pantustos ng pamahalaan sa mga gastusin, programa, at

proyekto na makapagpapaunlad sa bansa. Kabilang sa apat na sektor ng industriya ang

konstruksyon kung saan nabanggit din sa kanilang artikulo na 46 na porsyento ang naging

bahagi ng konstruksyon sa bansang Pilipinas dahil sa mga naitayong gusali, planta, at

pabrika na nagbigay oportunidad sa mga mamamayan na magkaroon ng trabaho sa loob ng

bansa (Dela Cruz, atbp., 2017). Ang dami o laki ng mga gusali o konstruksyon sa isang

bansa ay implikasyon ng estado at pag-unlad nito kung kaya’t hindi na nakapagtataka na

unti-unting nanamlay ang kabuuang ekonomiya ng bansa dahil sa pangkalahatang epekto

ng pandemyang kasalukuyang kinakaharap nito.

Ilan sa mga naging mabigat na epekto ng pandemya sa industriya ng konstruksyon

ay ang suspensyon o pagkatigil ng mga proyekto at paggawa kabilang na rin ang mga

umusbong na suliranin ng mga manggagawa dulot ng biglang pagbaba at pagkawala ng

mga oportunidad sa trabaho na isa ring dahilan ng pagkahirap sa pinansyal na aspeto. Ayon

sa Department of Labor and Employment (DOLE), umabot na sa limang (5) milyong

Pilipino ang nawalan ng trabaho kung saan 17, 329 dito ay mga construction workers na

natanggal dahil sa retrenchment o permamnent closure ng ilang kumpanya at patuloy pa

itong nadaragdagan. Ilan pa sa mga problemang nababanggit sa mga balitang lokal tungkol

sa industriya ng konstruksyon sa bansa ay ang pagkaantala ng mga isinasagawang

proyekto, mga suliranin na humahadlang sa tuloy-tuloy na pagdating ng mga materyales

pang-konstruksyon sa itinalagang oras o panahon, mataas na presyo ng mga materyales,

patuloy na bumababang porsyento ng pagiging produktibo sa industriya, at iba pa. Sa

katunayan, bumaba ng 22.4 porsyento ang mga proyektong


3

pang-konstruksyon na naging 30,838 na lamang mula sa 39,762 proyekto ng taong 2019

ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na base sa mga naaprubahan na

permiso sa pagtatayo ng mga gusali mula Enero hanggang Marso ng nasabing taon. Pati

ang halaga ng mga proyektong pang-konstruksyon na ito ay bumaba ng 20.1 porsyento

mula sa 107.7 bilyong piso ng taong 2019 sa 86.1 bilyong piso ng nakaraang taon (de Vera,

2020). Ito ang patunay na lubos ding maaapektuhan ang kabuuang ekonomiya ng isang

bansa kung apektado ang sektor ng industriya ng konstruksyon nito.

Kasama sa naging apektado ng nasabing pandemya ang ilan sa proyektong

nakaplano para sa probinsya ng Nueva Ecija gaya na lamang ng mga kasalukuyang

ginagawang mga kalsada na magkokonekta sa mga bayang nasa bandang timog ng

probinsya na nagambala at nahinto dahil sa mga hakbang at protokol na ibinaba ng

awtoridad para mapigil ang tuluyang pagkalat ng bayrus sa lugar. Ang Nueva Ecija ay

mayroong 27 na munisipalidad at limang (5) lungsod na tinaguriang “Rice Bowl of the

Philippines” dahil ito ang pangunahing pinagmumulan ng pinakamalaking suplay ng palay

o bigas sa buong rehiyon ng Gitnang Luzon kung kaya’t malaki ang gampanin ng

industriya ng konstruksyon sa pagpapalakas ng kalakalan at paggalaw ng mga kalakal mula

rito tungo sa ibang lugar sa bansa (DBP, 2018). Ang ilan sa mga hakbang at protokol na

ibinaba at sapilitang ipinatupad para sa proteksyon ng lahat, partikular ng mga

manggagawa sa industriya sa lalawigan, ay ang patuloy na pagsusuot ng face mask, face

shield, at Personal Protective Equipment (PPE) sa buong oras ng kanilang pagtatrabaho sa

labas ng mga tahanan nila. Hinikayat rin ang lahat na ugaliin ang mas madalas na

paghuhugas ng kamay at paggamit ng hand sanitizers sa tuwing makikisalamuha sa iba.

Ilan lamang ito sa mga naging tugon ng awtoridad bilang pansamantalang panlaban sa
4

bayrus na sya namang sinusunod ng mga kumpanya at contractors sa lalawigan ng Nueva

Ecija upang maipagpatuloy at maibalik ang sigla ng industriya ng konstruksyon ng hindi

inilalagay sa panganib ang kalusugan at kaligtasan ng bawat empleyado na nagbibigay ng

malaking kontribusyon sa pag-unlad ng ekonomiya ng probinsya at ng bansa, sa

pangkalahatan.

Gayon na lamang ang importansya ng industriya ng konstruksyon sa lalawigan

kaya’t ang mga mananaliksik ay naglalayong saliksikin ang mga epekto ng pandemya sa

industriya ng konstruksyon maging sa mga empleyado o trabahador, negosyante,

kontratista, kumpanya, atbp. sa lalawigan ng Nueva Ecija. Ang mga mananaliksik ay

naglalayong makapagbigay ng naturang impormasyon at konkretong gabay upang unti-

unting makabangon ang industriya ng konstruksyon sa probinsya, na maaari ring maging

batayan ng kabuuang bansa, sa kabila ng mga hamon na dulot ng krisis pangkalusugan

gaya ng pandemya. Ang ilan pang layunin ng pag-aaral ay ilalahad sa susunod na parte,

ang paglalahad ng suliranin.

Paglalahad ng Suliranin/Layunin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik ay naglalayong matukoy ang mga epekto ng pandemya sa

industriya ng konstruksyon sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Sa kabuuan, ito ay nagnanais na masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anu-ano ang mga demograpikong datos ng mga respondente batay sa mga

sumusunod:
5

a. Pangalan (Opsyonal);

b. Uri ng Organisasyong kinabibilangan;

c. Kategorya ng Organisasyon;

d. Papel ng respondente sa Organisasyong kinabibilangan;

e. Pinakamataas na lebel ng edukasyon; at

f. Taon ng karanasan.

2. Anu-ano ang mga naging epekto ng pandemya sa suplay ng mga materyales pang-

konstruksyon sa lalawigan ng Nueva Ecija?

3. Bakit mahalagang pagtuunan ng pansin ang suplay ng materyales sa industriya ng

konstruksyon ngayong pandemya?

4. Paano nakaapekto ang mga panlalawigang panuntunan na dulot ng pandemya sa

kabuuang produksiyon ng mga materyales sa lalawigan ng Nueva Ecija?

5. Ano ang mga naging solusyon ng mga nasa industriya ng konstruksyon sa mga

naging suliraning kaakibat ng pandemya?


6

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga Inhinyeryong Sibil at mga Kontratista, na sa pamamagitan ng pananaliksik

na ito ay matuklasan ang mga suliraning kasalukuyan nilang hinaharap sa sektor ng

industriya ng konstruksyon sa gitna ng pandemya at mabigyan sila ng rekomendasyon at

karagdagang diskarte na magbibigay ng panibagong oportunidad na muling makabangon

at maipagpatuloy ang kani-kanilang mga trabaho habang patuloy ang hamon ng pandemya;

Sa Sektor ng Industriya ng Konstruksyon, na sa pamamagitan ng pag-aaral na ito

ay mabigyang pansin ang kanilang mga kinakaharap na suliranin sa gitna ng pandemya at

nang sa gayon ay mabigyan ito ng nararapat na aksyon gaya ng pagpapatupad ng mas

akmang prosesong nakaayon sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa upang mas mapalakas

ang kabuuang sektor ng industriya ng konstruksyon pati na rin ang ekonomiya ng lalawigan

sa kabila ng pakikibaka sa gitna ng pandemya;

Sa Ekonomiya ng bansa, na ang pag-aaral na ito ay maging gatilyo upang mas

bigyang pansin at palakasin pa ang sektor ng industriya ng konstruksyon upang maibangon

at maibalik sa dating estado ang ekonomiya ng bansa nang sa gayon ay mapanatili itong

matatag kahit pa magpatuloy ang pagkakasailalim ng bansa sa pandemya; at

Sa mga Mananaliksik sa hinaharap, na magsilbing inspirasyon ang mga datos at

impormasyong makukuha mula sa pag-aaral na ito upang mas mapalawig pa ang kani-

kanilang sariling pag-aaral na kalinya ng mga paksang napag-usapan sa saliksik na ito na

makapagbibigay ng mga kaugnay na ideyang bubuo sa kanilang mapipiling talakaying

paksa.
7

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa pagkalap ng datos tungkol sa: (a) mga

demograpikong datos ng mga respondente batay sa pangalan (opsyonal), uri ng

organisasyong kinabibilangan, kategorya ng organisasyon, papel ng respondente sa

organisasyong kinabibilangan, pinakamataas na lebel ng edukasyon, at taon ng karanasan;

(b) mga naging epekto ng pandemya sa suplay ng mga materyales pang-konstruksyon sa

lalawigan ng Nueva Ecija; (c) kahalagahan ng pagtutuon ng pansin sa suplay ng materyales

sa industriya ng konstruksyon ngayong pandemya; (d) epekto ng mga panlalawigang

panuntunan na dulot ng pandemya sa kabuuang produksyon ng mga materyales sa

lalawigan ng Nueva Ecija; at (e) mga naging solusyon ng mga nasa industriya ng

konstruksyon sa mga suliraning kaakibat ng pandemya. Bukod dito, ang saklaw ng pag-

aaral na ito ay limitado lamang sa lugar, panahon, mga tagatugon, at pamamaraang

gagamitin sa pag-aaral.

Depinisyon ng mga Termino

• “Build! Build! Build!” (BBB) Program – programa ng administrasyong Duterte na

naglalayong pagtuunan ng pansin at malaking pondo ang pagpapatayo ng mga

imprastraktura sa bansa.

• Arkitekto o Taga-disenyo – nagdidisenyo at gumagawa ng plano ng isang

establisyemento.
8

• Baryabol – bagay na may kapasidad na maging dahilan upang magbago ang resulta ng

isang bagay o konseptong sinusukat sa pananaliksik.

• Construction Materials Retail Price Index – ahensyang nagsusukat sa presyo ng mga

materyales pang-konstruksyon.

• Construction sites – lugar kung saan isinasagawa ang konstruksyon.

• Consultant – nagbibigay payo sa mga tao na mayroong kinakaharap na mga suliranin sa

isang partikular na lugar ng kadalubhasaan.

• Contractors – nagtutustos ng materyales at nagbibigay ng serbisyo na kailangan sa

paggawa sa industriya ng konstruksyon.

• Demand – ang kagustuhan o pangangailangan ng mga tao sa isang produkto o serbisyo.

• Direktor ng Kumpanya – taong mayroong mataas na posisyon sa isang kumpanya na

kung saan siya ang namamahala at gumagawa ng mga desisyon.

• Ekonomiya – mga aktibidad ng produksyon at pagkonsumo na nagpapasya kung gaano

kakulang ang mga mapagkukunan sa isang lugar kung saan kabilang ang lahat ng bagay

na may kinalaman sa produksyon at pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo; tumutukoy

din sa sukat ng estado ng isang bansa sa antas pang-pinansyal.

• Estraktura – tumutukoy sa pag-aayos at pamamahagi ng mga parte ng isang buo, na ang

pagkakasunud-sunod at relasyon sa bawat isa ay nagpapahintulot sa pagpapatakbo ng

isang tiyak na sistema; isang bagay (gaya ng gusali) na ginawa o binuo sa pamamaraan

ng konstruksyon.

• Golden age of infrastructure – panahon kung saan ang paggawa ng mga imprastraktura

ay lubos na pinahalagahan at isinakatuparan.


9

• Google Forms – isang plataporma na iniaalok ng Google na maaaring gamitin sa

pagpapasagot ng mga pagsusulit o kaya naman ay pagsisiyasat gaya ng sarbey.

• High-End Residential Developments – mga imprastraktura na may kamahalan ang

halaga kumpara sa iba.

• Hilaw (raw) na materyales – mga materyales na ginagamit upang makagawa o makabuo

ng iba pang mga produkto

• Imprastraktura – tawag sa ng mga gusali, kalsada, pabrika, at iba pang istraktura na

kinakailangan ng lipunan.

• Industriya ng semento – industriya na namamahala sa paggawa at pag-suplay ng

semento.

• Inhinyero ng Proyekto – nangangasiwa sa isang proyektong pang-konstruksyon at

naninigurong matibay ang isang establisyemento.

• Komersyal na mga pag-aari – mga pag-aari na maaaring magamit ng publiko.

• Konstruksyon – isang prosesong binubuo ng paggawa, pagtatayo, o pagbubuo ng mga

imprastraktura.

• Kumpanya – isang institusyon na nilikha upang magsagawa ng negosyo.

• Lokal na materyales – mga materyales na karaniwang nahahanap o nabibili sa loob ng

bansa.

• Materyales pang-konstruksyon – mga materyales na ginagamit sa paggawa o pagbuo ng

mga imprastraktura.

• Merkado – ang mundo ng komersyal na aktibidad kung saan ang mga kalakal at serbisyo

ay binibili at ibinebenta.

• Oportunista (opportunism) – agad na pagkuha sa mga oportunidad na lumilitaw.


10

• Organisasyon - tumutukoy sa grupo o pangkat ng mga tao o bansa na nagkasundo-sundo

at may iisang layunin o adhikain.

• Pandemya - isang malawakang epidemya ng nakakahawang sakit na kumakalat sa

malaking rehiyon o parte ng mundo.

• Presyo – halagang ipinapataw sa mga produkto o serbisyo sa pagbili o paggamit ng mga

ito na nakabase sa suplay at pangangailangan para sa isang partikular na produkto o

serbisyo.

• Produksyon – ang pag proseso sa mga hilaw na materyales upang gawing panibagong

produkto na mas mapakikinabangan.

• Real estate – pagmamay-aring lupa o gusali.

• Residensyal na mga pag-aari – pagmamay-ari o bahay na maaaring gamitin na tirahan

ng isang tao o pamilya.

• Retail price index – presyo o halaga ng pagbili sa isang produkto o materyales

• Retrenchment o Permamnent closure – isang sitwasyon kung saan nagtitipid at

nagbabawas ng gastos ang isang kumpanya.

• Sektor ng konstruksyon- sektor na namamahala sa mga paggawa o pagbuo ng mga

imprastraktura.

• Tagapagtustos (suppliers) – tagapamahagi o tagapagbigay ng isang produkto o serbisyo

sa nakararami.
11

REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura

Sektor ng Industriya sa Ekonomiya ng Bansa

Ayon sa TakdangAralin.ph, isang website na gumagabay sa mga mag-aaral, ang

sektor ng Industriya ay tumutukoy sa mga pagawaan, paggawa at mga manggagawa para

sa produksyon ng mga kalakal. Ipinaliwanag rin dito kung paanong ang mga hilaw na

materyales mula sa sektor ng agrikultura ay diretsong idinadala sa sektor ng industriya

upang iproseso at makabuo ng bagong anyo o bihis ang isang payak na produkto na

magiging dahilan ng pagtaas ng bentahe nito sa merkado. Nakasaad din sa artikulo ang

mga nakukuha ng isang bansa o ng Pilipinas, sa partikular, sa sektor ng industriya nito at

ito ay ang: (1) pagbubukas ng maraming trabaho para sa mga tao; (2) pagtaas ng pananalapi

ng gobyerno; (3) pagdami ng mga namumuhunang lokal at dayuhan; (4) paghikayat ng

turismo sa bansa; at (5) pagtaas ng antas ng lipunan (Anonymous, n.d.).

Sa artikulong inilathala naman nina Dela Cruz, K.C., Pesigan, S., at Rosela, M.

(2017) ay kanilang binigyang diin ang malaking papel na ginagampanan ng sektor ng

industriya sa pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa dahil dito nagsisimula ang

produksyon maging ang paglilingkod na sya namang tumutugon sa pangangailangan ng

mamamayan pati na rin ang buwis na ginagamit pantustos ng pamahalaan sa mga gastusin,

programa, at proyekto na makapagpapaunlad sa bansa. Kabilang sa apat na sektor ng

industriya ang konstruksyon kung saan nabanggit din sa kanilang artikulo na 46 na

porsyento ang naging bahagi ng konstruksyon sa bansang Pilipinas dahil sa mga naitayong
12

gusali, planta, at pabrika na nagbigay oportunidad sa mga mamamayan na magkaroon ng

trabaho sa loob ng bansa (Dela Cruz, Pesigan, atbp., 2017).

Ayon sa artikulo ng isang hindi kilalang may-akda (Anonymous, 2019), malaki ang

epekto ng sektor ng idustriya sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa dahil ito ang

pangunahing nakapagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan na siya namang

pinagmumulan ng mga paggawang kinakailangan upang makagawa ng mga produkto at

makapagbigay ng serbisyo na pinanggagalingan ng kita ng isang bansa. Dagdag pa niya,

malaking bagay din ang pagtanggap at pagbili ng mga dayuhan sa mga produkto na mula

sa Pilipinas kung kaya’t nagkakaroon ng pondo na siyang ginagamit naman sa pagbibigay

buhay sa mga programa at proyekto ng pamahalaan gaya ng pagpapatayo ng mga

imprastraktura sa bansa.

Industriya ng Konstruksyon

Ayon sa Oxford Business Group, ang sektor ng konstruksyon at real estate ang isa

sa pinakamatibay o matatag na sektor na makapagbibigay daan tungo sa pagbangon at

pagbawi ng isang bansa subalit ang industriya ng konstruksyon sa Pilipinas ay patuloy na

nahihirapan dahil sa pagkaantala ng mga proyektong pang-konstruksyon na dulot ng

lockdown noong pangalawang kwarter ng 2020 kung kaya’t maging ang pangangailangan

para sa mga opisina at High-End Residential Developments ay humina dahil sa paghihigpit

at paglilimita sa paggawa ngayong ang buong mundo, partikular ang Pilipinas, ay apektado

ng pandemya.
13

Ipinaliwanag nina Bailey, J., Bouchardie, N., & Madalena, I. (2020) sa kanilang

artikulo ang mga dahilan kung bakit hindi pokus ang industriya ng konstruksyon sa ipinag-

utos ng mga gobyerno sa iba-ibang bansa na pagpapatigil o tuluyang pagpapahinto ng mga

negosyo at ito ay dahil importante ang pagtuloy sa paggawa ng mga imprastraktura at

proyektong pang-konstruksyon at dahil na rin sa katunayang mas malaki ang probabilidad

na hindi makompromiso at mailagay sa panganib ang kalusugan at kaligtasan ng mga

manggagawa gayong sila ay nagtatrabaho sa labas or open space at hindi pisikal na

magkakalapit kahit pa nasa gitna ng kanilang paggawa.

Mula sa humigit-kumulang 900 na nagmamay-ari ng mga negosyong pang-

konstruksyon na natanong ng CHAS (The Contractors Health and Safety Assessment

Scheme) tungkol sa mga suliraning kinaharap ng industriya sa mga nakaraang buwan,

napag-alaman na habang ang iba ay lumago, ang ilan naman ay nagdusa sa paghihigpit sa

kalakalan, pagbaba ng mga pangangailangan (demands), at biglang pagbaba ng

availabiltity ng mga materyales, paggawa, at mga trabahador. Ipinapakita rito na hindi

nakaligtas ang industriya ng konstruksyon sa pagtama ng pandemya at malaking porsyento

ng kabuuang populasyon ng mga negosyong pang-konstruksyon ang lubhang tinamaan ng

COVID-19 kung saan inilahad na ang mga paghihigpit sa kalakalan at paglalakbay o

pagbyahe, pagtaas ng presyo ng operasyon, at makabuluhang pagbaba ng pangangailangan

(demand) ang mga naging pangunahing rason, kasama na rin ang pagkaantala at pagkansela

ng ilang mga proyekto, sa biglang pagbaba ng kita at pagkalugi ng mga negosyo sa

industriya.
14

Suplay ng Materyales Pang-konstruksyon

Ayon kay Fritsch D. (2016), ang isang pangunahing lugar ng pamamahagi ng

pakyawan ay ang Industriya ng Mga Materyal sa Konstruksyon (Construction Materials

Industry) na may kasamang mga tagatustos (suppliers) ng mga hilaw (raw) na materyales

na ginagamit sa mga konstruksyon kapag nagtatayo ng mga komersyal at residensyal na

mga pag-aari. Nangangahulugan ito na ang mga pangunahing materyales tulad ng ladrilyo,

bato, kongkreto at semento bilang karagdagan sa kahoy, tabla, mga paneling ng kahoy at

iba pa na produkto ay nasa kategoryang ito. Sa rami ng mga materyales pang-konstruksyon

ay napaikaimportante para sa mga pakyawang tagakalat (wholesale distributors) na

magkaroon ng tamang pagkontrol sa stock upang mapanatili ang pagkita ng kanilang

kabuhayan. Habang ang hinaharap ng merkado ay lumilitaw na maliwanag, ang industriya

ay lubos na mapagkumpitensya at mayroong hanay ng mga hamon na nagbabanta sa mga

namamahagi sa sektor na ito at ito ay ang paikot-ikot na pangangailangan (cyclical

demand) at pagbabago sa pangangailangan sa bawat uri ng produkto o materyales (Fritsch,

2016).

Ayon sa ulat ni Pena, J. (2020) ng Philippine Information Agency, tulad ng

itinadhana sa pinirmahan na Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2, ang Pioneer

Float Glass Manufacturing Incorporated (PFGMI), kasama ang Puyat Steel Corporation

(PSC) at Sonic Steel Industries Incorporated (SSII), ay sumali sa Cement Manufacturers

Association of the Philippines (CeMAP) at Philippine Iron and Steel Institute (PISI) bilang

isang paraan upang maipahayag ang kanilang buong suporta sa pagbibigay prayoridad ng

gobyerno sa mga lokal na produkto gaya ng mga materyales sa konstruksyon para sa mga
15

proyekto sa imprastraktura at mga gawaing pampubliko. Pinapanatili ang CeMAP upang

maisakatuparan ang misyon nitong pagtipon ng mga mapagkukunan ng industriya ng

semento upang masiguro ang paglago ng industriya at pagbibigay ng tulong sa pag-unlad

ng ekonomiya ng Pilipinas. Matatandaang mula nang magsimula ang krisis sa COVID-19,

ang CeMAP at PISI, na ang mga miyembro ay kinabibilangan ng PSC at SSII, at PFGMI

ay nanatiling nakikiisa sa mga pinuno ng gobyerno at pangunahing mga stakeholder ng

industriya sa pagtamo ng isang maselan na balanse sa pagitan ng paglalayag ng krisis sa

kalusugan at pagpapanatili ng nakalutang na ekonomiya (Pena, 2020). Dagdag pa niya, sa

pamamagitan ng pagsisikap na pakikipagsosyo at walang tigil na pangakong ito, maraming

mga trabaho para sa mga Pilipino ang napanatili at inilagay nito ang bansa sa daan patungo

sa paggaling ng ekonomiya. Ang mga industriyang ito ay ganap na makatutulong na

suportahan ang pagbawi ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng patuloy na pagbuo ng

trabaho na siyang pangunahing nag-aambag sa pambansang kita na nakukuha sa mga

buwis, at pagtiyak na ang epekto ng pagsuporta sa mga lokal na negosyo ay ganap na

napakinabangan sa pamamagitan ng paggamit ng mga lokal na materyales sa gusali, tulad

ng semento, bakal, at baso para sa patuloy na programa ng Build Build Build (BBB)

Program ng kasalukuyang administrasyon.

Ayon sa Congressional Policy and Budget Research Department (2019), ang

“Build! Build! Build!” (BBB) Program ay ang pangunahing programa na naging sentro ng

administrasyong Duterte na naglalayong ipasok ang "Golden age of infrastructure" sa

Pilipinas upang mas mabigyang pansin at aksyon ang kakulangan sa imprastraktura, na

tinaguriang kahinaan ng Pilipinas, at madagdagan ang badyet na nakalaan para sa mga ito.

Hangad ng nasabing programa na mapabilis ang paggasta ng publiko sa imprastraktura


16

mula sa average na 2.9 porsyento ng Gross Domestic Product (GDP) sa panahon ng

rehimeng Aquino hanggang sa 7.3 porsyento sa pagtatapos ng administrasyong Duterte na

nagkakahalaga ng halos P8 trilyon hanggang P9 trilyon mula taong 2016 hanggang 2022

upang matugunan ang malaking kakulangan ng imprastraktura sa bansa (CPBRD, 2019).

Lagay ng Industriya ng Konstruksyon sa Gitna ng Pandemya

Ayon sa ulat ni de Vera, B. (2020) ng Philippine Daily Inquirer, ang bilang at

halaga ng mga proyekto sa konstruksyon sa unang kwarter ng 2020 ay umurong ng halos

one-fifth sa bilang sa katapusan ng Marso ng nasabing taon. Ito ay dulot ng pagkatigil sa

mga kasalukuyang isinasagawang konstruksyon sa parte ng Luzon, maging sa maraming

parte ng bansa, dahil sa pagkakasailalim nito sa COVID-19 lockdown (de Vera, 2020).

Ipinakita din ng estadistika ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang estado ng

konstruksyon batay sa bilang ng mga permit na naaprubahan mula Enero hanggang Marso

ng nakaraang taon na 22.4 porsyento ang ibinaba nito mula sa 39,762 sa taong 2019 na

naging 30,838 na lamang. Pati ang halaga ng mga proyektong pang-konstruksyon na ito ay

bumaba ng 20.1 porsyento mula sa 107.7 bilyong piso ng taong 2019 sa 86.1 bilyong piso

ng nakaraang taon (de Vera, 2020).

Mula naman sa ulat ng Manila Standard (8 Mayo 2021), ang sektor ng

konstruksyon ay bumaba ang mga kontrata ng 9.8 porsyento dahil sa panukalang lockdown

na ipinatupad upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Mula sa datos ng PSA na

nagpapakita na 4.2 milyong Pilipino ang kasalukuyang nagtatrabaho sa industriya ng

konstruksyon, mula sa 3.7 milyon noong 2020, ay nakikita na makakabangong muli


17

ngayong taon ang industriya. Tinantiya ng Analytics firm Fitch Solutions na ang industriya

ay inaasahang lalago ng 9.5 na poryento ngayong taong 2021 kung mahusay na mapipigilan

ng bansa ang pagkalat ng bayrus. Ang panukalang lockdown at mga paghihigpit sa

paggawa ay pinapatunayang mahirap para sa industriya ng konstruksyon dahil karamihan

sa mga taong nagtatrabaho sa industriya ay inaasahang nasa site. Ang mga operasyonal na

pag-aayos ay ipinakilala upang panatilihin ang tumatakbong pagbabago ng sektor ng

industriya na inaasahang mananatili kahit na pagkatapos ng pandemya (Manila Standard,

2021).

Ibinalita ng BusinessMirror Editorial (2020) na bago ang pandemyang COVID-19,

ang industriya ng konstruksyon ng Pilipinas ay inaasahang lalaki ng labinwalong (18)

porsyento sa taong 2020 ngunit imbes na lumago ay nagbawas pa ng sampong (10)

porsyento ang industriya sa nasabing taon. Gayunpaman, ang industriya ay sinasabing

muling makakaahon ngayong taong 2021 kung ang gobyerno ay malalagpasan ang hamon

ng pandemyang kasalukuyan pang hinaharap ng bansa. Isang yunit ng Fitch Group, ang

Fitch Solutions, ang nagsabing nakagawa na sila ng pataas na pagbabago (upward

adjustments) sa paglago para sa ikabubuti ng industriya ng konstruksyon ng Pilipinas sa

taong 2021 at ito ay inaasahang lalaki ng 9.5 porsyento kada-taon kung maipagpapalagay

na mabisang makokontrol ang pagkalat ng bayrus at kung maibabalik na ang normal na

paggawa sa konstruksyon sa bansa (BusinessMirror Editorial, 2020).

Lagay ng Suplay ng Materyales Pang-konstruksyon sa Gitna ng Pandemya

Tanyag ang rehiyon ng Gitnang Luzon bilang isa sa mga pangunahing

tagapagtustos sa industriya ng agrikultura sa buong Pilipinas. Gayunpaman, hindi lang


18

limitado sa sektor ng agrikultura ang kabuuang pangkabuhayan ng probinsya dahil umiikot

ang ekonomiya nito sa iba’t-ibang sektor pang-industriya na naglalayong magbigay-buhay

sa estado o lagay ng trabaho at pinagkakakitaan sa lalawigan. Isang halimbawa ang

industriya ng konstruksyon na maituturing na isa sa mga sektor na may pinakamalaking

ambag sa paglago ng ekonomiya ng bansa, partikular na sa Gitnang Luzon kung saan

nakabilang ang Nueva Ecija.

Ayon sa ulat ni Valencia, C. (2021) ng The Philippine Star, isang online platform

para sa mga balita, sinabi ng PSA na tumaas ang presyo ng mga materyales pang-

konstruksyon sa National Capital Region (NCR) sa loob ng apat na diretsong buwan noong

Nobyembre ng nakaraang taon na siya ring nangangahulugan ng mataas na

pangangailangan (demand) para sa mga materyales pang-konstruksyon sa bansa.

Nabanggit rin ang ilang detalye na ayon sa resultang nakalap ng Construction Materials

Retail Price Index o CMRPI (isang ahensya na sumusukat sa pagbabago sa average retail

prices ng mga materyales pang-konstruksyon) na mula sa taunang rate na 1.4 noong

Oktubre 2020 ay naging 1.7 noong Nobyembre ng kaparehong taon kung kaya’t naging 1.2

ang average para sa nasabing taon hanggang sa kasalukuyan. Malinaw na naipakita sa

nasabing balita na malaki ang naging epekto ng pandemya sa presyo ng mga materyales

pang-konstruksyon na direktang proporsyonal naman sa demand o bilang ng

pangangailangan sa mga ito na marahil ay dulot ng limitadong bilang ng manggagawa at

oras ng paggawa bilang pagsunod sa mga payong pang-kaligtasan sa bansa.

Bilang karagdagan, nagsasaad ito na patuloy pa rin ang paggawa at paglakad ng

industriya ng konstruksyon sa gitna ng pandemya kung kaya’t tumaas ang demand o

pangangailangan sa mga materyales pang-konstruksyon dahil na rin mga lokal na produkto


19

o materyales lamang ang inirekomendang gamitin ng gobyerno bilang pagsunod na rin sa

mahigpit na mga protokol ng nangyaring lockdown sa bansa. Gayunpaman, sinisigurado

naman na kahit pa mga lokal na materyales lamang ang maaaring gamitin upang

maipagpatuloy ang mga naudlot o nahintong proyekto ay pasok pa rin ang mga ito sa

standard. Dagdag pa niya, ang mas mabilis na paglaki ay nakita sa mga indeks ng mga

materyales sa karpinterya, mga materyales sa tinsmithry, at sari-saring mga materyales

pang-konstruksyon.

Binigyang-kahulugan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang Construction

Materials Retail Price Index (CMRPI) bilang isang ulat ng pagbabago sa pamantayang

tingiang presyo ng mga materyales pang-konstruksyon sa isang partikular na lugar sa

bansa. Ang datos na ito ay ibinase sa humigit-kumulang isang daang uri ng materyales at

kalakal, kung saan ay ipinangkat ang mga ito sa pitong mga pangunahing grupo na binubuo

ng (1) Carpentry Materials, (2) Electrical Materials, (3) Masonry Materials, (4) Painting

Materials and Related Compounds, (5) Plumbing Materials, (6) Tinsmithry Materials, at

(7) Miscellaneous Construction Materials. Ang mga materyales na ito ay ang mga

pangunahing naging basehan sa pagkalkula ng buwanang pagbabago sa porsyento ng

tingiang presyo ng mga nasabing materyales. Nabanggit din ng PSA na ang pagtatala ng

mga pagbabagong ito sa porsyento ay nakabatay sa pagkuha ng presyo ng mga materyales

sa magkakaibang tingiang merkado sa pambansang rehiyong kapital.

Ayon sa kanilang ulat, ang taunang pagbabago sa CMRPI sa pambansang rehiyong

kapital ay tumaas ng halos 1.2 porsyento noong buwan ng Marso sa taong 2021 mula sa

1.1 na porsyento noong buwan ng Pebrero sa kaparehong taon. Matapos maipatupad ang

Enhanced Community Quarantiine (ECQ) sa buong bansa noong Marso sa taong 2020 ay
20

nakapagtala ang PSA ng 0.9 porsyento sa nasabing buwan kung saan kasunod nito ang

pabago-bagong porsyento sa retail price index ng mga materyales pang-konstruksyon sa

loob ng isang taon. Inihahayag sa mga pigura sa ibaba ang taunang pagbabago sa CMRPI

ng mga materyales pang-konstruksyon sa bansa. Ipinakita rito na sa loob ng isang taon ay

nakapagtala ng pagtaas sa tingiang presyo ang mga materyales sa ilalim ng nagaganap na

global na pandemya. Mula Marso sa taong 2020 hanggang sa kaparehong buwan sa taong

2021 ay nakapagkalkula ng 0.3 porsyentong pagkakaiba sa naitalang retail price index ng

mga materyales pang-konstruksyon.

March 2020 February 2021 March 2021 Year-to-Date

0.9 1.1 1.2 1.2

Teybol 1: Year-on-Year Growth Rates of the CMRPI in NCR, All Items in Percent

Teybol 2: Growth Rates of the CMRPI in NCR, All Items in Percent


March 2020 - March 2021
Napag-aralan sa mga sinaunang talakay pang-ekonomiya ang pagkakaugnay ng

presyo, demand, at suplay ng mga produkto sa iba’t-ibang merkado. Inilalahad sa batas ng

demand at suplay ang mga kaukulang salik na nakaaapekto sa maaaring pagtaas o pagbaba

ng ekonomiya ng isang lipunan. Isang manunulat ng artikulong pang-ekonomiya ang

naglahad na ang batas ng suplay at demand ay may kaugnayan sa pagbabago ng presyo ng


21

mga produkto. Sa ilalim ng batas ng demand, inaasahang mas kaunti ang mga nais bumili

sa mga produktong mas mataas ang presyo, habang sa batas naman ng suplay ay mas

inaasahang mag-aangkat ng mga produkto ang mga mangangalakal kapag ang presyo ng

mga ito ay may kamahalan. Gayunpaman, kung ang isang produkto ay may mas mataas na

presyo, mas mababa rin ang demand ng mga mamimiling bilhin ito. Dahil dito,

naaapektuhan ang pananaw ng mga mamimili sapagkat sila ay napipilitang talikuran ang

kanilang pagkonsumo sa isang produktong sa kanila ay may kahalagahan (personal

essential goods) (Fernando, 2021).

Makukuha sa naunang talakay na ang pagtaas ng porsyento ng tingiang presyo ng

mga materyales pang-konstruksyon sa mga partikular na pook sa bansa ay may kaugnayan

sa bilang ng mga suplay na umiikot sa kalakalan ng iba’t-ibang merkado. Ang nagaganap

na pandemya sa bansa ay maaari ring maging salik sa pagtaas ng porsyento ng tingiang

presyo ng mga produktong pang-konstruksyon. Sa mga regulasyong naidulot ng Enhanced

Community Quarantine (ECQ) dahil sa pandemya, nakikitang marami ang mga gusali at

negosyo ang pansamantalang isinara at halos lahat ng mga mamamayan ay pinagbawalang

lumabas ng kani-kanilang mga tahanan. Dahil dito, inasahang mas bumaba ang benta ng

mga mangangalakal at mas naging limitado ang sektor ng kalakalan sa bansa. Sa

kadahilanang mas nabawasan ang bilang ng mga mamimili at mas bumaba ang bilang ng

mga produktong umiikot sa merkado, naitala ng PSA ang pagtaas ng porsyento sa talaan

ng Construction Materials Retail Price Index. Sa pagbaba ng suplay ng mga materyales

dahil sa limitasyon sa pagbyahe at paglabas dulot ng ECQ na nagsimula noong Marso sa

taong 2020, tumaas ang presyo ng mga produktong pang-konstruksyon alinsunod na rin sa

batas ng suplay at demand sa Ekonomiks.


22

Kaugnay na Pag-aaral

Banyaga

Ayon sa pag-aaral ni Gamil, Y. (2020) na pinamagatang “The Impact of Pandemic

Crisis on the Survival of Construction Industry: A Case of COVID-19” kung saan

nagsagawa siya ng sarbey at panayam sa construction experts at practitioners, ang mga

naging epekto ng pandemya sa industriya ng paggawa ay ang mga sumusunod: pagkahinto

ng maraming proyekto, pagkawala ng ilang oportunidad at trabaho, mas tumagal na

paggawa ng ibang proyekto, at epektong pang-pinansyal kung saan mas nadagdagan ang

pondo na kinailangan sa pagpapatuloy at pagtapos ng bawat proyektong naudlot. Kaugnay

ng kanyang pag-aaral, ang pananaliksik na ito ay naglalayon ding magbigay ng linaw sa

kinahinatnan ng hindi inaasahang pandemya na dapat ay hindi ipagsawalang-bahala at sa

halip ay nararapat na bigyang pansin din ng mga tagapamahala ng mga proyekto o ng mga

Inhinyero bilang paghahanda sa pinakamasamang senaryo na maaaring harapin gaya

nitong kasalukuyang pandemya.

Napag-alaman naman na tunay ngang malaki ang naging epekto ng pandemya sa

industriya ng konstruksyon hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa,

partikular sa United Kingdom (UK), at ito ay inilahad sa pag-aaral nina Hassan, D., Shakir,

N. at Shinabi, A. (2020) na may pamagat na “The Effect of Pandemic on Construction

Industry in the UK”. Ang pag-aaral nila ay isinagawa sa pamamagitan ng pagkalap ng

impormasyon mula sa 30 na kalahok (participant) sa ilalim ng kategorya ng site engineers,

project managers, construction teams, subcontractors at contractors kung saan ang naging

resulta ng pag-aaral ay nagpakita ng malaking epekto ng pandemya sa mga kumpanya


23

partikular sa larangan ng residential at commercial developments na maiuugat sa

pagkakaroon ng lockdown at mga ipinatupad na protokol gaya ng social distancing sa mga

construction sites. Dagdag pa rito, ang naging pangunahing solusyon na nakatulong sa mga

kumpanya sa nasabing bansa ay ang pagpapanatili nito ng magandang relasyon sa mga

suppliers at pagbibigay prayoridad sa kaligtasan ng mga manggagawa sa gitna ng patuloy

na pagtatrabaho sa ilalim ng krisis pangkalusugang dulot ng pandemya.

Makikita sa resulta ng pag-aaral na “Early Impacts of the COVID-19 Pandemic on

the United States Construction Industry” na isinagawa nina Albert, A., Alsharef, A. et al.

(2021) ang lagay ng industriya ng konstruksyon sa United States (US). Gumamit sila ng

pamamaraan na pag-iinterbyu kung saan ang mga lumabas na resulta ng kanilang pag-aaral

ay ang pagkakaroon ng delay o pagkaantala sa mga proyekto, pagbagal ng paggawa,

pahirapan sa pagkalap ng kinakailangang mga materyales, pagtaas ng mga presyo ng

materyales, at iba pa. Bukod sa mga ito, kanila ring binanggit na mayroon din namang

naidulot na maganda ang pandemya at ito ay nagbigay ng oportunidad sa industriya ng

konstruksyon dahil sa pangangailangan ng mga mabilisang paggawa ng mga medical

facilities, mga residensyal na gusali, at dagdag na oportunidad para sa mga trabahador sa

industriya. Kasama rin sa naging resulta ng pag-aaral ang ilan sa mga naging solusyon at

paraan ng pag-iingat ng ilang mga kumpanya upang maituloy ang takbo ng paggawa ay

ang regular na pagcheck-up sa mga trabahador at pagbibigay ng kaalaman sa mga

manggagawa tungkol sa COVID-19 upang masiguro na hindi makokompromiso ang

kaligtasan ng bawat isa.

Sa pag-aaral na “The Impact of COVID-19 Pandemic on Jordanian Civil Engineers

and Construction Industry” ni Bsisu, K.A. Dr., (2020) ay ipinakita ang mga naging epekto
24

ng pandemya sa bansa ng Jordan kung saan nakasaad sa resulta ng pag-aaral na ang

naganap na lockdown dahil sa pandemya ay nagdulot ng pagka-udlot ng mga kasalukuyang

ginagawang mga proyekto ng lahat ng Inhinyero sa bansa. Ayon sa resulta ng pag-aaral,

ang naging solusyon ng ilang mga Inhinyero (Design Civil Engineers) ay ang pagtatrabaho

sa kanya-kanya nilang tahanan, na kung tawagin ay work-from-home, ng walang

pagbabago sa kanilang kahusayan habang ang mga on-site construction workers at

Engineers (Construction Site Civil Engineers) naman ay nagkaroon ng mahigpit na health

protocols gaya ng social distancing upang hindi magkaroon ng pagkalat ng bayrus sa lugar

ng kanilang trabaho.

Base sa pananaliksik mula sa bansang Malaysia nina Ogunnusi, M., Hamma-

Adama, M., et.al. (2020) na may pamagat na “COVID-19 pandemic: the effects and

prospects in the construction industry”, kanilang inilahad ang pagkakaroon ng malaking

epekto ng pandemya sa mga negosyo sa buong mundo, partikular sa sektor ng

konstruksyon kung saan ito ay nagdulot ng mga negatibo at positibong impak gaya na

lamang ng pagbabago ng paggamit ng teknolohiya na sinasabing mananaliti kahit pa man

matapos na ang naturang pandemya. Nagsagawa sila ng sarbey at nakakalap ng 71 na tugon

mula sa mga Arkitekto, Building Engineers, Civil / Structural Engineers, Electrical

Engineers, Mechanical Engineers, Construction / Project Managers and Quantity

Surveyors na sakop ng kanilang pag-aaral. Ang resulta ng kanilang pag-aaral ay nagpakita

ng ilang mga suliraning lumitaw sa daloy ng pagtratrabaho, pagkaantala ng suplay, mga

bagong polisiya, pangamba ng mga trabahador, at mga pamantayan ng COVID-19 na

naging balakid sa pagkumpleto ng mga kontratang pang-konstruksyon. Gayunpaman, ang


25

mga oportunidad ay nagbago sa larangan ng modernong pagpaplano, pangangailangan sa

virtual working at pagsasaalang-alang sa paggawa ng mga natatanging disenyo.

Lokal

Sa pag-aaral na “Analysis of Influential Factors Affecting the Workers’

Productivity on Highway Construction Projects during COVID-19 Pandemic in Cagayan

Valley Region, Philippines” nina Quezon, E. at Ibanez, A. (2021), nakasaad na nagkaroon

ng malaking pagkawala ng kita ang industriya ng konstrukyon dulot ng pandemya kung

saan lumitaw ang mga isyu sa seguridad pang-kalusugan at kaligtasan kung kaya’t

nilimitahan ang oras ng paggawa dahil na rin sa kakulangan ng manggagawa na dala ng

mahigpit na mga protokol ng quarantine sa lugar. Ang tanging naging diskarte ng mga

kontratista ay dagdagan ang araw ng paggawa upang makahabol at makasunod sa kanilang

orihinal na mga iskedyul. Makukuha mula sa kanilang naging pag-aaral na malaki rin ang

naging epekto nito sa ekonomiya ng Pilipinas, sa kabuuan, sa kadahilanang ang mga

proyekto na nakaplanong itayo upang magpasok ng karagdagang kita sa bansa ay sya ring

nag-antala at nagdulot pa nga ng pagkalugi at pagkawala ng kita dahil sa kasalukuyang

pandemya. Sa tulong ng ideyang ito, mas mabibigyang pansin at kabuluhan ang

pangangailangan na maipagpatuloy ang paggawa sa industriya ng konstruksyon kahit pa

sa gitna ng pandemya kung kaya’t kailangang magpatupad ng mga komprehensibong

hakbang kung paano ito matiwasay na maisasagawa ng hindi masusuway ang mga protokol

pang-kalusugan upang masiguro na mananatiling ligtas ang bawat manggagawa sa

industriya mula sa COVID-19.


26

Sa pananaliksik nina Quezon, E. T. at Ibanez, A. na pinamagatang “Effect of

COVID-19 Pandemic in Construction Labor Productivity: A Quantitative and Qualitative

Data Analysis” ay tinalakay nila ang mga baryabol at kadahilanang nakaaapekto sa

pagiging produktibo ng mga manggagawang Pilipino sa industriya ng konstruksyon mula

Disyembre 9 taong 2020 hanggang Enero 31 ng kasalukuyang taon. Mula sa 63 na ikinalat

na talatanungan ay 55 lamang ang bumalik kung saan ang karamihan dito ay mula sa grupo

ng mga kontratista na nagpapahiwatig na malaking porsyento ng mga respondente ay

mayroong parehong persepsyon tungkol sa mga nakaaapekto sa pagiging mababa ng

pagka-produktibo ng mga manggagawa sa industriya. Ang kabuuang resulta ng kanilang

pag-aaral ay nagpakita na nangunguna sa mga rason ang kawalan ng manggagawang

pangkalusugan (health workers) sa construction sites na sinundan naman ng kawalan o

kakulangan ng Safety Engineer sa mismong lugar ng paggawa. Bilang konklusyon ng pag-

aaral, inilahad nila na ang COVID-19 ay mayroong makabuluhang epekto sa mga salik na

nakaaapekto sa mababang labor productivity ng industriya ng konstruksyon ngayong

panahon ng pandemya.

Sa pananaliksik nina Castelo, R., Delos Santos, M. J. at Ruadap, P. J. na

pinamagatang “Guidelines of Mid-rise Building Construction Works on Project Quality

and Employees’ Productivity Amidst Pandemic Period” ay nagsagawa sila ng pagsusuri sa

kamalayan ng mga manggagawa sa konstruksyon at mga Inhinyero sa mga patnubay na

ibinigay sa paggawa sa konstruksyon (construction work guidelines) at sa pagiging

epektibo ng mga patnubay na ito sa Pilipinas gayong kasalukuyan itong nakasailalim sa

pandemya. Nakapokus ang kanilang pag-aaral sa pagkalap ng datos mula sa mga

kasalukuyang patnubay sa paggawa sa konstruksyon, mga posibleng pagbabago


27

(adjustments), at pagbabago sa mga patnubay sa paggawa na magdudulot ng mas mahusay

na operasyon ng mga proyektong pang-konstruksyon na nakasunod sa mga kaligtasang

pang-konstruksyon at prinsipyo ng kalusugan.

Ayon sa pananaliksik nina Shinozaki, S. at Nagraj Rao, L. (2021) na pinamagatang

“COVID-19 Impact on Micro, Small, and Medium-Sized Enterprises under the Lockdown:

Evidence from a Rapid Survey in the Philippines” ay kanilang inilahad ang malakihang

pagbaba o pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas na isa din sa dahilan kung bakit nagmahal

ang mga bilihin sa bansa. Dagdag pa nila, matapos ang anim na buwan mula nang

maipatupad ang lockdown sa bansa ay unti-unti ng nakakabangon ang Pilipinas ngunit

nagpatuloy pa rin ang pagbagsak ng kita at pangangailangan (demand) ng mga sobrang

liliit (micro), maliliit (small), at medyo kalakihan (medium-sized), at malalaking negosyo

(enterprises) o MSMEs sa bansa. Sinuri nila sa kanilang pag-aaral ang naging impak sa

MSMEs ng ECQ at lockdown measures gamit ang mabilisang pambansang sarbey na

isinagawa sa huling linggo ng Marso hanggang sa kalagitnaan ng Abril noong taong 2020.

Maaaring ang ilan sa mga negosyong natukoy sa kanilang pag-aaral ay may kinalaman sa

konstruksyon gaya ng mga kumpanya ng konstruksyon (construction firms) o kaya naman

ay mga nagbebenta o suppliers ng mga materyales pang-konstruksyon. Mula rito,

mahihinuha na ang pandemya ang naging pangunahing sanhi ng pagkahinto ng ilang

gawaing pang-konstruksyon sa maraming lugar sa Pilipinas.

Ayon sa pananaliksik ni Lim, J. A. (2020) na pinamagatang “The Philippine

Economy During the COVID Pandemic” ay nasa 90 porsyento, tinatayang pinakamataas

na unemployment rate at pagbagsak na nangyari sa GDP (Gross Domestic Product) ng

Pilipinas, na ang nawalan ng trabaho sa Pilipinas na nagsimula sa kalagitnaan ng taong


28

2020 kung saan ang pangunahing dahilan ay ang COVID 19 Pandemic at mga

pamantayang ipinatupad gaya ng lockdown o ECQ sa maraming parte ng bansa. Ipinakita

sa kanyang pag-aaral na ang 90 porsyento ng paggawa sa bansa ay lubos na tinamaan at

naapektuhan ng nasabing pandemya at malaking parte nito ang sektor ng konstruksyon

gayong ito ang pangunahing gumagawa at nagbabahagi ng mga produkto at serbisyo na

pinagkukunan ng pantustos sa buong bansa.


29

PAMAMARAAN AT METODOLOHIYANG GINAMIT SA PAG-AARAL

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral ay gagamit ng kombinasyon ng kwantitatibo at kwalitatibong

disenyo ng pananaliksik kung saan ang talatanungan (survey questionnaire) ay ilalagay sa

Google forms upang mahusay na maipakalat at makarating sa mga target na tagatugon ng

pananaliksik dahil ito ay isinasagawa sa panahon ng pandemya kung saan online platforms

lamang ang natatanging paraan ng pagkalap ng datos.

Ang kwantitatibong bahagi ang susukat sa demograpikong datos ng mga

respondente gayon din sa kabuuang epekto ng pandemya sa industriya ng konstruksyon sa

lalawigan ng Nueva Ecija. Kasama na rin sa makakalap na datos sa bahaging ito ang

magiging sagot sa katanungan ng saliksik tungkol sa mga naging epekto ng pandemya, at

kahalagahan ng pagbibigay-pansin, sa suplay ng mga materyales pang-konstruksyon at

kung paano nakaapekto ang mga panlalawigang panuntunan na dulot ng pandemya sa

kabuuang produksiyon ng mga materyales sa lalawigan.

Ang kwalitatibong bahagi naman ang maglalarawan ng mga naging solusyon ng

mga nasa industriya ng konstruksyon sa mga naging suliraning kaakibat ng pandemya na

ibabatay sa magiging kasagutan ng mga tagatugon kung saan sila ay magbibigay ng isang

konkretong halimbawa ng kanilang isinagawa, naobserbahan o naranasan sa loob ng

construction sites.

Ang kombinasyon ng kwantitatibo at kwalitatibong metodolohiya ang

pinaniniwalaan ng mga mananaliksik na pinakaangkop sa pag-aaral na ito upang makolekta

ang mga kinakailangang impormasyon na magbibigay ng tapat na mga tugon na siyang


30

magpapatibay at magbibigay kasagutan sa mga suliraning inilahad sa panimulang bahagi

ng saliksik.

Lokasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral ay isinasagawa sa lalawigan ng Nueva Ecija, isang probinsya sa

Rehiyon 3, Gitnang Luzon. Ang Nueva Ecija ay binubuo ng limang (5) lungsod at

dalawampu’t-pitong (27) munisipalidad. Ayon sa nakalap na impormasyon ng mga

mananaliksik, sa kasalukuyan ay may 54 na construction firms, 111 na tagatustos

(suppliers) ng mga materyales, at anim (6) na pangunahing pampublikong proyekto sa

lalawigan.

Pigura 1: Mapa ng Lalawigan ng Nueva Ecija

Mga Respondente ng Pag-aaral

Ang sampling technique na gagamitin sa pag-aaral ay purposive sampling na

nakailalim sa non-probability sampling method kung saan ang magiging respondente ng

saliksik ay ang mga Inhinyero, kontratista, mga nagmamay-ari ng kumpanyang pang-

konstruksyon o construction firms, nagbebenta ng mga materyales pang-konstruksyon, at

iba pang taong may kinalaman at kamalayan sa konstruksyon na kasalukuyang naninirahan


31

o nagtatrabaho sa lalawigan ng Nueva Ecija. Sila ang piling mga tagatugon sapagkat sila

ang may karanasan sa pagsasagawa ng mga proyektong pang-konstruksyon, kamalayan sa

paggalaw ng presyo at pagbabago ng suplay ng mga materyales pang-konstruksyon sa

lalawigan, at kaalaman sa iba pang bagay na konektado sa konstruksyon. Isandaang (100)

respondente ang kukunin ng pag-aaral upang magrepresenta sa kabuuang target na

populasyon ng pananaliksik upang masabing ang makakalap na datos at resulta ay sapat na

basehan para maging epektibo at kapani-paniwala o credible ang gagawing pangangalap

ng datos ng saliksik.

Instrumento ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng talatanungan o survey questionnaire bilang

instrumento sa pagkalap ng datos na kailangan sa pag-aaral. Ang talatanungan ay nahahati

sa dalawang parte: ang kwantitatibong bahagi at ang kwalitatibong bahagi. Ang unang

parte, ang kwantitatibong bahagi, ay binubuo ng dalawampung (20) katanungan na

naglalaman ng (1) demograpikong datos ng mga respondente, (2) mga katanungang

tumutukoy sa mga epekto ng pandemya sa mga proyekto (10 tanong) at sa suplay ng

materyales pang-konstruksyon (5 tanong), at (3) pagtukoy sa epekto ng mga panlalawigang

panuntunang dulot ng pandemya sa kabuuang produksyon ng mga materyales pang-

konstruksyon sa lalawigan (5 tanong) kung saan pipili ang mga tagatugon sa ibinigay na

Likert Scaling ng mga mananaliksik. Ang ikalawang parte ay ang kwalitatibong bahagi na

naglalaman ng isang katanungan sa pormat ng maikling sanaysay na naglalayong matukoy

ang mga naging solusyon ng mga nasa industriya ng konstruksyon sa naturang mga
32

suliraning dulot ng pandemya sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang konkretong aksyon

na kanilang isinagawa o naobserbahan sa kani-kanilang kumpanya o lugar ng trabaho.

Ang nilalaman ng Teybol 1 at ng aytem 1 – 10 sa Teybol 2 ay nakuha sa naunang

pag-aaral nina Gamil, Y. at Alhagar, A. (Hulyo, 2020) na pinamagatang “The Impact of

Pandemic Crisis on the Survival of Construction Industry: A Case of COVID-19” at ang

ibang mga katanungan naman ay sariling gawa ng mga mananaliksik upang epektibong

matukoy ang mga kinakailangang datos para sa mga baryabol ng pag-aaral. Ang

talatanungan ay makikita sa Apendise kasama ng liham ng pahintulot (consent form).

Pamamaraang Gagamitin sa Pag-aaral

Dahil sa kasalukuyang pandemya na naglilimita sa personal na pakikipag-ugnayan,

ang mga mananaliksik ay magbibigay o magpapakalat ng talatanungan o survey

questionnaires gamit ang Google forms upang maabot ang mga tagatugon sa online na

pamamaraan. Sa pamamagitan nito, ang pagkalap ng datos ay magiging mas madali,

mabilis, at ligtas para sa mga mananaliksik at respondente ng pag-aaral.

Ang survey questionnaire ay ipo-post sa social media platforms gaya ng Facebook

o kaya naman ay personal na ipadadala sa iba-ibang messaging platforms gaya ng E-mail

at FB Messenger kung saan kalakip din ng link na ibibigay ang liham ng pahintulot (consent

form) para sa mga piling tagatugon ng pag-aaral. Upang masiguro na magiging tapat at

makatotohanan ang datos na makukuha mula sa mga respondente, sila ay bibigyan ng sapat

na panahon upang punan ang survey questionnaire na ipadadala ng mga mananaliksik na

maaari nilang sagutan kung kailan sila maginhawa o libre.


33

Paraan ng Pag-aanalisa ng Datos

Ang mga gagamiting paraan ng pag-aanalisa ng datos ay ang mga sumusunod:

(a) Sa paglalarawan ng demograpikong datos ng mga respondente, pagkalkula ng dalas

(frequency) at mga porsyento (percentages) ang gagamitin;

(b) Sa pagtukoy sa mga naging epekto ng pandemya sa sektor ng industriya ng

konstruksyon, partikular sa mga proyekto at suplay ng materyales pang-

konstruksyon, pagkalkula ng means at paggamit ng standard deviations ang

gagamitin. Ang modelong Likert Scale ang gagamitin sa pagpapaliwanag ng

resultang makakalap sa bahaging ito ng pag-aaral;

Lebel ng Epekto ng Pandemya sa mga Proyekto at Suplay


Means
ng Materyales Pang-konstruksyon

1.00 – 1.49 Walang Epekto

1.50 – 2.49 Bahagyang Epekto

2.50 – 3.49 Neutral

3.50 – 4.49 Malaking Epekto

4.50 – 5.00 Sobrang Laking Epekto

(c) Sa pagtukoy sa naging epekto ng mga panlalawigang panuntunan sa kabuuang

produksyon ng mga materyales pang-konstruksyon sa lalawigan, means at standard

deviations din ang kakalkulahin at ipaliliwanag ang makukuhang resulta gamit ang

modelong Likert Scaling;


34

Sukat ng Epekto ng mga Panlalawigang Panuntunang


Means dulot ng pandemya sa kabuuang Produksyon ng mga
Materyales Pang-konstruksyon

1.00 – 1.49 Walang Epekto


1.50 – 2.49 Bahagyang Epekto

2.50 – 3.49 Neutral


3.50 – 4.49 Malaking Epekto
4.50 – 5.00 Sobrang Laking Epekto
at

(d) Sa pagtukoy ng mga solusyong isinagawa ng mga nasa industriya ng konstruksyon

sa mga naturang suliraning dulot ng pandemya, ang pamamaraang inductive

reasoning ang gagamitin sa pagpapaliwanag kung saan bubuo ng pangkalahatang

resulta (generalizations) ang mga mananaliksik mula sa mga makakalap na tugon

ng mga respondente sa kwalitatibong bahagi na ito ng pag-aaral.

Teoretikal na Balangkas

Ang pananaliksik na ito ay nakaangkla sa dalawang teorya: ang Industrial

Organization Theory at Transaction Cost Theory. Ang unang teorya, ang Industrial

Organization Theory, ay ipinapaliwanag ang kalikasan ng kalamangan sa pagmamay-ari

na nanggagaling sa (1) pagmamay-ari ng partikular na intangible assets o assets

advantages, at (2) kakayahan ng kumpanya na makipag-ugnay sa maramihan sa mga

aktibidades kung saan sila ay makakukuha ng kalamangang mula sa paiba-ibang peligro

(risk) na kaakibat ng nasabing mga aktibidades – transaction cost minimizing advantages.

Nakasailalim sa Industrial Organization Theory ang SCP Paradigm na naimbento ni Bain,

J. Jr. (1959) kung saan ipinapakita na maraming aspeto ang nakaaapekto at


35

nakaiimpluwensya sa mga desisyon at pagkilos ng isang kumpanya base sa palagay ni

Brown (2002) na ang pag-uugali (ng isang tao, samahan, o mga kumpanya) ay nakasalalay

sa konteksto kung saan nangyari ang partikular na pag-uugali.

STRUCTURE CONDUCT PERFORMANCE


(ISTRAKTURA) (PAG-UUGALI) (KAGANAPAN)

Pigura 2: Structure-Conduct-Performance Paradigm

Ipinapakita ng Pigura 1, ang Paradigma ng SCP, na may sanhing linear na ugnayan

ang structure at performance na ang ibig sabihin ay direktang naaapektuhan ng estraktura

ng merkado ang magiging kalalabasan o kaganapan ng isang kumpanya ngunit ang conduct

at performance naman nito ay walang epekto sa estraktura ng merkado (market structure).

Sa pag-aaral ni Raible, M. (2013) ay ipinaliwanag niyang mabuti ang kahulugan ng bawat

konseptong ginamit sa modelong SCP. Ayon sa kanya, ang unang dimensyon ng salik na

estruktura (structure) ay ang konsentrasyon ng nagbebenta sa indibidwal na industriya

gayong ang konsentrasyon ng mga kumpetensyang kumpanya ay may impluwensya sa

istratehiya (Bain, 1968, p. 113; Caves, 1980, p. 64). Ang konsentrasyon ng merkado ay

nakaayon sa bilang ng nagbebenta at ang mas mataas na pokus ay nangangahulugang mas

lumalapit ang merkado sa pagiging isang monopolyong estraktura kung saan kaakibat nito

ang pagkawala ng kumpetisyon (Mohamed, Shamsudin, Latif & Mu’azu, 2013, p. 1457).

Ang baryabol na conduct naman ay tumutukoy sa paggamit ng mga kumpanya sa kanilang

sariling pinagkukunan at madiskarteng pag-uugali na nakabase sa estruktura ng merkado.

Ito ang mga pag-uugali at diskarteng isinasagawa ng isang kumpanya para makamit ang

mga layunin ng organisasyon nito gaya na lamang ng mga kasanayan sa pagpepresyo, pag-
36

aalok, pamumuhunan, at pananaliksik at pagpapaunlad. Ang aspetong ito ay direktang

apektado ng estraktura ng merkado dahil ang mga aktibidades o paggawa ng mga

kumpanya (firms) ay dapat na nakaayon sa uri at kondisyon ng kapaligiran nito upang

maging matagumpay at kapaki-pakinabang. Dito rin papasok ang kasalukuyang kalagayan

ng ating bansa na isang malinaw na halimbawa na apektado ang conduct o pag-uugali ng

mga negosyo at kumpanya, partikular ang industriya ng konstruksyon, dahil apektado ng

pandemya ang kabuuang market structure ng bansa. Bilang resulta naman ng market

structure at firm’s conduct, ang performance ay nauuri sa mga sumusunod: kahusayan sa

produksyon, makabagong teknolohiya, kalidad ng produkto, at profit rate (Tung et al.,

2010, p. 1119).

Mula sa modelong ito, pinahaba at dinagdagan naman nina Carlton at Perloff (2000)

ang konsepto ng SCP Paradigm sa pamamagitan ng pagsasama ng iba pang aspeto na

nakaaapekto sa kabuuang proseso. Ipinakita nila sa kanilang Extended Structure-Conduct-

Performance Model na may papel din ang ilang mga puna o feedbacks kung saan

nagbibigay ng reaksyon, opinion, o rekomendasyon ang mga gumagamit o nakikinabang

sa mga produkto at serbisyong ipinapakilala ng mga kumpanya sa publiko o partikular na

grupo ng tao. Ang feedbacks ang nagsisilbing batayan para sa pagpapabuti ng mga

produkto at serbisyo ng isang negosyo, kumpanya, o organisasyon. Kanila ring idinagdag

ang baryabol ng basic conditions (pangunahing kondisyon) at government policies (mga

batas ng gobyerno) sa mga aspetong nakaaapekto sa structure-conduct-performance. Ito

ay ipapakita sa pigura sa ibaba:


37

Pigura 3: Extended Structure-Conduct-Performance Model

Ang mga pangunahing kondisyon (basic conditions) ay nakaaapekto sa anumang

partikular na industriya at kabilang na dito ang sektor ng konstruksyon. Ito ay nahahati sa

dalawa: consumer demand factors at production factors. Ang mga kabilang na katangian

nito ay sikolohikal, teknolohikal, heograpikal, at institutional factors. Ang baryabol na

government policies naman ay tumutukoy sa mga interbensyon ng pamahalaan sa merkado

gaya na lamang ng mga batas, patakaran o protokol na ipinapatupad ukol sa partikular na

isyu tulad ng pandemya. Ang mga polisiya ng gobyerno ay may epekto sa kabuuang

ekonomiya ng bansa kung kaya’t naaapektuhan din nito ang dimension ng SCP Paradigm

(Carlton & Perloff, 2000, p. 4). Ang ambisyon ng gobyerno ay nahahati sa tatlo: (1)

policing conduct o ang pagpigil sa mga kumpanya na mag-usap upang imanipula o ipirmi
38

ang presyo ng partikular na produkto o serbisyo na maaaring magdulot ng pagkapigil sa

kalakalan sa anumang paraan, (2) pagpapanumbalik ng mapagkumpetensyang kundisyon

sa itinatag na malapit na monopolyo at mahigpit na oligopolyo, at (3) pagpigil sa

pagkakaroon ng bagong monopolyong estraktura sa pamamagitan ng pagsasama o pag-

merge ng mga kumpanya (Shepherd & Wilcox, 1979, p. 98). Ilan sa halimbawa ng mga

polisiya ng gobyerno na nakaaapekto sa lahat ng dimension ay ang Regulation, Antitrust,

Taxes, at subsidiaries (Carlton & Perloff, 2000, p. 4). Isang konkretong halimbawa ng

impluwensya ng government policies sa market structure ng bansa ay ang kasalukuyang

kaganapan kung saan ang mga ipinatupad na patakaran o mga protokol pangkaligtasan

bilang pansamantalang solusyon sa pandemya ay naapektuhan lahat ng aspekto sa bansa

lalo na ang sektor ng industriya kung saan nakailalim ang produkyon at konstruksyon.

Ang isa pang teoryang may kaugnayan sa pag-aaral na ito ay ang Transaction Cost

Theory ni Williamson (1979) na nagpapaliwanag na ang pinakamainam na estraktura ng

organisasyon ay ang isa kung saan nakakamit ang kahusayan sa ekonomiya gamit ang

diskarte ng pagpapaliit sa presyo ng palitan. Sinasabi ng teoryang ito na bawat uri ng

transaksyon ay nakagagawa ng koordinasyon sa halaga ng pagsubaybay, pagkontrol, at

pamamahala ng mga transaksyon (Young, 2013). Tinukoy ng malawakan ni Williamson

ang transaction cost bilang gastos ng pagpapatakbo ng sistemang ekonomiya ng mga

kumpanya o firms. Dagdag pa niya, ang transaction cost ay iba pa at hindi dapat ibilang sa

production cost at ang gastos ang pangunahing baryabol na basehan ng pagpapasya ng

isang kumpanya. Narito ang modelo ng Transaction Cost Theory upang mas malinaw na

maintindihan ang iba pang mga baryabol na nakaaapekto sa gastos, partikular sa

transaction cost.
39

Pigura 4: Transaction Cost Theory Model

Ipinapakita sa Pigura 3 na may dalawang baryabol na nakaaapekto sa gastos at ito

ay ang may hangganan na katuwiran (bounded rationality) at pagiging oportunista

(opportunism). Ang bounded rationality na ipinakilala ni Simon (1982) ay tumutukoy sa

katuwiran (rationality) ng tao na may hangganan dahil sa limitadong kakayahan sa pag-

iisip, magagamit na impormasyon, at panahon. Ang pagiging oportunista (opportunism)

naman ay tumutukoy sa pagsasamantala ng mga pangyayari ng may maliit na

pagpapahalaga sa prinsipyo at maaari nitong maging epekto sa iba. Ito ang agad na pagkuha

sa anumang oportunidad sa oras ng paglitaw nito ng walang maayos na deliberasyon at

pagpaplano na kadalasan ay dulot ng pansariling interes at kapakinabangan. Sa kabilang

banda naman kung saan nakalagay ang antas ng epektong dulot ng mga nabanggit na
40

baryabol ay nakailalim ang frequency (dalas), uncertainty (kawalan ng katiyakan), at asset

specificity (pagtitiyak ng asset).

Gamit ang teoryang ito, mauunawaan ng mas malinaw ang ipinagpapalagay na

pagkakaroon ng pagbabago sa presyo ng mga materyales pang-konstruksyon gayong ang

bansa ay kasalukuyang nakasailalim sa pandemya na maaaring makita ng ibang negosyante

o mga tagapagtustos (suppliers) bilang isang oportunidad na nakaayon sa kanilang

pansariling interes dulot na rin ng mahirap na sitwasyon. Ito ay isang halimbawa ng

baryabol na opportunism kung saan ang pagbabago sa presyo at bilang ng suplay ng

materyales pang-konstruksyon, na maaaring lumabas na ilan sa mga epekto ng pandemya,

ay dulot ng pagiging oportunista ng ilang indibidwal, kumpanya, o organisasyon. Subalit,

ang ideyang ito ay isa lamang halimbawa at hindi na sakop ng layunin ng pag-aaral na ito

at ginamit lamang upang mas malinaw na maipaliwanag ang koneksyon at kaugnayan ng

nabanggit na teorya sa pananaliksik.


41

Konseptwal na Balangkas/Paradigma ng Pag-aaral

Pigura 5: Paradigma ng Pag-aaral


42

Ang Unang Yugto ng pananaliksik ay naglalahad ng persepsyon ng mga tagatugon

tungkol sa mga epekto ng pandemya sa Industriya ng Konstruksyon, partikular sa mga

proyekto at suplay ng materyales pang-konstruksyon, sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Sa Ikalawang Yugto ay inilalarawan ang mga ugnayan sa pagitan ng

demograpikong datos ng mga tagatugon na ipinagpapalagay na makaaapekto o

makaiimpluwensya sa kanilang pananaw sa mga naging epekto ng pandemya sa Industriya

ng Konstruksyon sa lalawigan ng Nueva Ecija. Ang mga demograpikong datos ng pag-

aaral ay pangalan, uri ng organisasyong kinabibilangan, kategorya ng organisasyon, papel

ng respondente sa organisasyong kinabibilangan, pinakamataas na lebel ng edukasyon, at

taon ng karanasan.

Ang Ikatlong Yugto ay tumutukoy sa paglalahad ng mga naging solusyon ng mga

nasa industriya ng konstruksyon sa mga naging suliraning kaakibat ng pandemya. Ang

kwalitatibong datos na makokolekta ay susuriin at ipaliliwanag gamit ang pasaklaw na

pangangatuwiran o inductive reasoning. Ang mga resulta ng naturang pag-aaral ay

naglalayong mapahusay ang mga hakbang sa kahandaan at panlalawigang panuntunan na

isinasaalang-alang ang kabuuang produksiyon ng mga materyales sa lalawigan ng Nueva

Ecija.
43

SANGGUNIAN

Albert, A., Alsharef, A. et al., (2021). Early Impacts of the COVID-19 Pandemic on the
United States Construction Industry. International Journal of Environmental Research
and Public Health, EISSN 1660-4601. Inilathala ng MDPI. Nakuha noong 10 Mayo
2021 sa: https://doi.org/10.3390/ijerph18041559

Anonymous (2019, Pebrero 20). Kahalagahan ng Sektor ng Industriya sa Ekonomiya.


Blogger. Nakuha noong 11 Mayo 2021 sa:
https://romaandbautista.blogspot.com/2019/02/ang-sektor-ng-industriya-ay-may.html

Anonymous (2020). COVID-19 Pandemic: The Impact of COVID-19 on the Construction


Industry (According to business owners). The Contractors Health and Safety Assessment
Scheme (CHAS) News. Nakuha noong 11 Mayo 2021 sa:
https://www.chas.co.uk/blog/covid-impact-on-construction-industry/

Anonymous (2020, Disyembre 2). Protecting our own construction industry.


BusinessMirror Editorial. Nakuha noong 10 Mayo 2021 sa:
https://businessmirror.com.ph/2020/12/02/protecting-our-own-construction-industry/

Anonymous (2021). Can large-scale building projects fuel the Philippines' recovery?.
Oxford Business Group. Nakuha noong 11 Mayo 2021 sa:
https://oxfordbusinessgroup.com/overview/foundation-works-sector-offers-platform-
national-economic-recovery

Anonymous (2021, Mayo 8). PH construction to spearhead economic recovery. Manila


Standard. Nakuha noong 10 Mayo 2021 sa: https://manilastandard.net/home-
design/construction/353880/ph-construction-to-spearhead-economic-recovery.html

Anonymous (n.d.). Sektor ng Industriya. TakdangAralin.ph. Nakuha noong 11 Mayo 2021


sa: https://takdangaralin.ph/sektor-ng-industriya/

Bailey, J., Bouchardie, N., & Madalena, I. (2020, 14 April). Covid-19: The Current Impact
on Construction and Engineering Projects. White&Case. Nakuha noong 11 Mayo 2021
sa: https://www.whitecase.com/publications/alert/covid-19-current-impact-
construction-engineering-projects

Castelo, R., Delos Santos, M. J. & Ruadap, P. J. (2021). Guidelines of Mid-rise Building
Construction Works on Project Quality and Employees’ Productivity Amidst Pandemic
Period. Easy Chair. Nakuha sa: file:///C:/Users/admin/Downloads/EasyChair-Preprint-
5065.pdf

Construction Materials Retail Price Index (CMRPI). Philippine Statistics Authority, P.O.
Box 779, Manila, Philippines. Nakuha noong Mayo 2021 sa:
44

https://psa.gov.ph/sites/default/files/attachments/itsd/specialrelease/Construction%20M
aterials%20Retail%20Price%20Index%20Primer_0.pdf]

Construction Materials Retail Price Index in the National Capital Region (2012=100):
March 2021., Philippine Statistics Authority, RN: 2021-160, 16 Abril 2021. Nakuha
noong Mayo 2021 sa: Philippine Statistics Authority | Republic of the Philippines
(psa.gov.ph)

De Vera, B. (2020, Hulyo 21). Pandemic impact felt in construction, too, as projects fall in
number, value. Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 23 Abril 2021 sa:
https://business.inquirer.net/303142/pandemic-impact-felt-in-construction-too-as-
projects-fall-in-number-value

Dela Cruz, K.C., Pesigan, S., at Rosela, M. (2017, Pebrero 12). Ang Sektor ng Industriya.
wecareforphileconomy. Nakuha noong 22 Abril 2021 sa:
https://wecareforphileconomy.wordpress.com/2017/02/12/ang-sektor-ng-industriya/

Development Bank of the Philippines (2018, November 13). DBP lends P1.3-B for infra,
dev’t projects in Nueva Ecija. DBP. Nakuha noong 24 Abril 2021 sa:
https://www.dbp.ph/newsroom/dbp-lends-p1-3-b-for-infra-devt-projects-in-nueva-
ecija/

Fernando, J. (2021). Law of Supply and Demand. Introduction to Economics. Nakuha


noong Mayo 2021 sa: https://www.investopedia.com/terms/l/law-of-supply-demand.asp

Fritsch D. (2016, Oktubre 7). Overview of the Construction Materials Industry. Nakuha
noong 05-12-21 sa: https://www.eazystock.com/blog/building-business-construction-
materials/#Overview_of_the_Construction_Materials_Industry

Gamil, Y. & Alhagar, A. (2020). The Impact of Pandemic Crisis on the Survival of
Construction Industry: A Case of COVID-19. Mediterranean Journal of Social Sciences,
11(4), 122. Nakuha noong 11 Marso 2021 sa: https://doi.org/10.36941/mjss-2020-0047

Hassan, D., Shakir, N. at Shinabi, A. (2020). The Effects of Pandemic on Construction


Industry in the UK. Mediterranean Journal of Social Sciences, Vol. 11, No. 6. Nakuha
noong 10 Mayo 2021 sa: https://doi.org/10.36941/mjss-2020-0063

Ibanez, A. & Quezon, E.T. (2021). Analysis of Influential Factors Affecting Workers’
Productivity on Highway Construction Projects during COVID-19 Pandemic in Cagayan
Valley Region, Philippines. Global Journal of Engineering and Technology Advances,
2021, 06(02), 074–089. Nakuha noong 11 Marso 2021 sa:
https://papers.ssrn.com/sol3/papers.cfm?abstract_id=3791601

Lagasca, T. (2012, Hunyo 30). Build! Build! Build! (BBB) Program. Nakuha noong 10
Mayo 2021 sa: https://cpbrd.congress.gov.ph/2012-06-30-13-06-51/2012-06-30-13-36-
50/982-ff2019-07-build-build-build-bbb-program#
45

Lim, J. A. (2020). The Philippine Economy During the COVID Pandemic. Working Paper
no.2020-16. Department of Economics, Ateneo de Manila University. Nakuha noong 08
Setyembre 2020 sa: http://ateneo.edu/sites/default/files/downloadable-
files/ADMU%20WP%202020-16.pdf

MacLean, C. (2017). Investing in Transportation Infrastructure in the Philippines:


Financial Innovations Lab® Report. Milken Institute. Nakuha noong 24 Abril 2021 sa:
https://milkeninstitute.org/sites/default/files/reports-pdf/112817-Philippines-
Infrastructure-FIL.pdf

Pena, J. (2020, Oktubre 21). Filipino construction materials manufacturers converge,


advocate “buy local”. Philippine Information Agency. Nakuha noong 10 Mayo 2021 sa:
https://pia.gov.ph/news/articles/1056648

Quezon, E. T. & Ibanez, A. (2021). Effect of COVId-19 Pandemic in Construction Labor


Productivity: A Quantitative and Qualitative Data Analysis. American Journal of Civil
Engineering and Architecture, Vol 9 (No. 1), 23-33. Nakuha noong 29 Marso 2021 sa:
https://papers.ssrn.com/sol3/papers.cfm?abstract_id=3813908

Raible, M. (2013). Industrial Organization theory and its contribution to decision-making


in purchasing. University of Twente, Faculty of Management and Governance. Nakuha
noong 7 Mayo 2021 sa: https://essay.utwente.nl/64302/1/Max%20Raible.pdf

Shinozaki, S. & Nagraj Rao, L. (2021). COVID-19 Impact on Micro, Small, and Medium-
Sized Enterprises under the Lockdown: Evidence from a Rapid Survey in the
Philippines. ADBI Working Paper 1216. Nakuha noong 18 Marso 2021 sa:
https://papers.ssrn.com/sol3/papers.cfm?abstract_id=3807080

Strategic Management: Formulation and Implementation (n.d.). Nakuha noong 7 Mayo


2021 sa: https://applications-of-strategic-management.24xls.com/en127

Valencia, C. (2021). Retail prices of building materials continue to rise. Philippines: The
Philippine Star. Nakuha noong 11 Marso 2021 sa:
https://www.philstar.com/business/2021/01/01/2067416/retail-prices-building-
materials-continue-rise

Young S. (2013) Transaction Cost Economics. In: Idowu S.O., Capaldi N., Zu L., Gupta
A.D. (eds) Encyclopedia of Corporate Social Responsibility. Springer, Berlin,
Heidelberg. https://doi.org/10.1007/978-3-642-28036-8_221
46

APENDISE

Liham ng Pahintulot (Consent Form)

Central Luzon State University


Science City of Muñoz, Nueva Ecija

Mayo 24, 2021

Para sa mga tagatugon,

Ang grupo ng mga mag-aaral sa ikalawang taon ng kolehiyo ng inhinyerya ng Pamantasan


ng Central Luzon ay magsasagawa ng isang pananaliksik na pinamagatang “Epekto ng
Pandemya sa Industriya ng konstruksyon sa Probinsya ng Nueva Ecija”. Ang pag-
aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga naging epekto ng nagaganap na pademya sa
industriya ng konstruksyon sa Nueva Ecija upang mabigyan ng karampatang atensyon at
gabay sa pagpapatuloy at pagbangon nito sa kabila ng mga suliraning kinaharap at
kasalukuyan pang kinakaharap ng industriya. Bilang isa sa mga piling tagatugon ng mga
katangungang inihanda ng mga mananaliksik, inaasahan ang iyong pagsagot ng patas at
may katotohanan. Ang lahat ng iyong magiging kasagutan sa talatanungan ay asahang
magiging pribado at ituturing na kumpidensyal.

Maraming salamat at nawa’y manatiling ligtas ang lahat.

Lubos na gumagalang, Ikinumpirma ni:

Del Rosario, Kristine Valerie M. Judith R. Angeles, Ph.D.


Badua, Aaron Jay B. Guro sa FILDIS 1110
Mateo, Laira Mariez B.
Niegos, Roland Jr. M.
Paguibitan, Sally P.
Rayo, Johndel S.
Reyes, Justin Aliezandre
Suncuaco, John Matthew V.
Tintero, Ken Yrel B.
Vendivil, Joshua L.
Mga Mananaliksik
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
47

Liham ng Pagpapahintulot

Pamagat ng Pananaliksik: “Epekto ng Pandemya sa Industriya ng Konstruksyon sa


Probinsiya ng Nueva Ecija”
Mga Mananaliksik: Del Rosario, Kristine Valerie M., Badua, Aaron Jay B., Mateo, Laira
Mariez B., Niegos, Roland Jr. M., Paguibitan, Sally P., Rayo,
Johndel S., Reyes, Justin Aliezandre, Suncuaco, John Matthew V.,
Tintero, Ken Yrel B., Vendivil, Joshua L.
Contact Number / E-mail address: 09474679955 / delrosario.kristine@clsu2.edu.ph

Ako ay kusang-loob na sumasang-ayon na makilahok sa pagkuha ng aking datos at


impormasyon sa pananaliksik na ito. Aking naiintindihan na anumang datos na aking
ibabahagi ay hindi makaaapekto sa aking katayuan sa aking/aming kumpanya.

Taos-puso kong iniaalay ang aking oras sa (petsa at araw ng pagsagot)


_________________________ para sa pagtugon sa talatanungan na ipinadala ng mga
mananaliksik. Akin ding nauunawaan na ako ay inaatasang magsagot ng mga katanungang
may kaugnayan sa epekto ng kasalukuyang pandemya sa industriya ng konstruksyon.
Aking ipinapangako na aking susundin ang lahat ng mga paalala at alituntunin na ihahayag
ng mga mananaliksik sa kanilang ibibigay na talatanungan.

___________________________ ________________
E-mail address ng respondente Petsa
(ito ang magsisilbing pirma ng mga tagatugon)
48

Talatanungan (Survey Questionnaire)

Unang Parte.

Kwantitatibong Bahagi: Pagkalap ng demograpikong datos at pagtukoy sa epekto ng pandemya sa


mga baryabol ng pag-aaral.

Teybol 1: Demograpikong datos ng mga respondente ng pag-aaral.

Pangalan (Opsyonal): _____________________________

Kategorya Pamimilian

Consultant

Kontratista
Uri ng Organisasyong kinabibilangan
Kliyente

Ibang Partido

Pag-aari ng Gobyerno

Kategorya ng Organisasyon Pribado

Iba pang Kategorya

Director ng Kumpanya

Tagapamahala ng Proyekto

Papel ng respondente sa Organisasyong Arkitekto o Taga-disenyo


kinabibilangan Inhinyero ng Proyekto

Site Engineer

Iba pang mga tungkulin

Diploma

Degree
Pinakamataas na lebel ng edukasyon
Master

PhD

0 – 10 taon

11 – 20 taon
Taon ng karanasan
21 – 30 taon

Higit pa sa 31 taon
49

Teybol 2: Pagtatasa ng Epekto ng Pandemya sa mga Proyekto at Suplay ng Materyales Pang-konstruksyon

Panuto: Basahin, unawain, at tukuyin ang angkop na dalas ng lebel ng epekto ng naturang pandemya
sa bawat pahayag.

Dalas ng Lebel ng Epekto

Mga natukoy na Hindi Bahagyang Sobrang Lubhang


Neutral
posibleng epekto naapektuhan naapektuhan naapektuhan naapektuhan
(3)
(1) (2) (4) (5)

Sa mga Proyektong Pang-konstruksyon

1. Suspensyon ng
proyekto

2. Paggawa (hal.
kakulangan sa lakas-
paggawa)

3. Time overrun

4. Cost overrun

5. Epektong pinansyal

6. Pagpaplano at pag-
iiskedyul

7. Legal na mga isyu


(hal. pagkatigil ng
kontrata)

8. Sosyo-ekonomikong
epekto (hal. pagdami
ng populasyon)

9. Epekto sa umiiral na
nagawang mga
aktibidades/proyekto

10. Kakulangan sa suplay


ng materyales

Sa Suplay ng Materyales Pang-konstruksyon

11. Daloy ng suplay (hal.


pagdating sa tamang
oras at iskedyul)

12. Availability sa
merkado

13. Presyo (gawing


basehan ang presyo
bago magsimula ang
pandemya, hal. presyo
50

ng materyales noong
Enero-Marso taong
2020)

14. Bilis ng pagtugon sa


pangangailangan sa
suplay

15. Pamantayan o
standard ng mga
materyales

Teybol 3: Pagtukoy sa epekto ng mga Panlalawigang Panuntunang dulot ng pandemya sa kabuuang


Produksyon ng mga Materyales Pang-konstruksyon

Panuto: Basahin, unawain, at tukuyin ang angkop na antas ng iyong pagsang-ayon sa bawat pahayag.
Lubos na
Hindi Lubos na
hindi Sumasang-
sumasang- Neutral sumasang-
sumasang- ayon
ayon ayon
ayon (3)
(4)
(2) (5)
(1)

16. Nahinto ang kabuuang


produksyon ng materyales
dahil sa pagkakaroon ng
lockdown o community
quarantine sa lalawigan.

17. Nagkulang sa tao at lakas-


paggawa ang mga
pagawaan ng materyales
dahil sa travel ban at
mahigpit na checkpoints.

18. Bumagal ang paggawa ng


mga materyales dahil sa
patuloy na pag-oobserba
ng social distancing,
pagsusuot ng face mask at
face shield sa oras ng
trabaho.

19. Nagkaubusan ng mga


hilaw na materyales dahil
sa pagpapahinto sa
paggawa sa sektor ng
industriya.

20. Naantala ang iskedyul ng


paghahatid ng suplay ng
mga materyales dahil sa
masusing inspeksyon at
51

mga lalawigang
panuntunan.

Ikalawang Parte.

Kwalitatibong Bahagi: Pagbibigay ng konkretong halimbawa ng mga naging solusyon ng mga nasa
industriya ng konstruksyon sa mga naging suliraning kaakibat ng pandemya.

Panuto: Sagutin ng buong katapatan ang katanungan sa ibaba base sa iyong sariling karanasan o
obserbasyon.

1. Paano nasolusyonan ng inyong kumpanya ang mga naturang suliraning dulot ng pandemya?

Magbigay ng isang konkretong aksyon.

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

You might also like