You are on page 1of 10

CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS (STEM)

Kabanata I

ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO

Introduksyon

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang mayaman sa iba’t ibang

larangan sa kultura at isa sa mga bansang kinikilala na ang kultura ay

nagmula sa mga ninuno. Buhat na rin sa mga dayuhang mananakop kaya

tayo ay naimpluwensiyahan din at ito’y ating nakagisnan sa pang-araw-

araw na pamumuhay. Ang pagdating ng mga mananakop na Kastila at

pamumuno nila sa bansa sa mahigit tatlong daang taon ay lubhang

nakaimpluwensiya at nagbigay kontribusyon sa kultura ng mga Pilipino,

gaya na lamang ng wikang Filipino na maraming hiniram mula sa salitang

Kastila, ang Kristyanismo, at marami pang iba. Bukod sa mga Kastila ay

sinakop din tayo ng mga Amerikano at Hapon.

Ang kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao na

naninirahan sa isang lipunan na nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, mga

sining, sistema ng edukasyon, musika at pamahalaan. Ang kultura ay

nagpapakita ng pagkakakilanlan ng bawat grupo o pangkat-etniko. Dito rin

naipapakita ang pagkakaiba at pagkakatulad ng bawat pangkat. May kani-

kanila silang orihinal na talento sa iba’t ibang larangan. Ang mga

paniniwala, kaugalian at tradisyon ay bahagi lamang ng napakalawak na

paksang kultura. Ang mga paniniwala, kaugalian at tradisyon ay kalipunan

ng mga opinion, pamantayang panlipunan,gawain, okasyon at iba pang


CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS (STEM) 2


madalas isinasagawa o kung minsan ay sa isang partikular na

pagkakataon. Ang paniniwala ay maaring pamanhiin tungkol sa mga

bagay-bagay, pangyayari o mga gawain na nagpasalin-salin sa mga

sumusunod na henerasyon. Ang kaugalian naman ay mga gawaing may

kaugnayan sa mga pagpapakatao o mabuting pag-uugali ng isang tao.

Sa ating Baranggay na ginagalawan, mayroon tayong mga

isinasagawang na natatangi sa iba’t ibang okasyon na nagbubuklod sa

bawat mamamayan.

Ang kasal ay isa sa mga okasyong ipinagdiriwang ng mga Pilipino

na alam natin na may iba’t ibang paniniwala, kaugalian at tradisyon na

isinasagawa.

Sa pag-aaral na ito, nais ng mga mananaliksik na pag-aralan ang

mga kaugalian, paniniwala at tradisyon ng mga mamamayan ng

Baranggay Butong bago ang kasal, sa araw ng kasal at pagkatapaos ng

kasal.

Batayang Teoretikal

Ang tradisyon, paniniwala at kaugalian ay sumisimbolo sa buhay

nating mga Pilipino, mga kultura na nakikita sa mga gawain, pasalita

maging sa ating pag-iisip. Ngunit sa pag-usbong ng makabagong

panahon at pag-usbong narin ng teknolohiya kung kaya ang mga

iniingatan tradisyon, paniniwala at kaugalian nating ay nalulusaw o

nawawala na. Kung kaya nakabatay sa pagbabagong ito sa kung paano


CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS (STEM) 3


makisalamuha at maki-angkop ang isang tao sa mga hindi niya kasama

sa isang partikular na grupo. Sa puntong ito gagamitin ng mga

mananaliksik ang teoryang sosyolisasyon. Ito ay ang proseso ng

pagkatuto ng isang lipunan bilang pagsang-ayon sa mga pamantayan at

paniniwala ng isang grupo, pakikibahagi sa kanila, pagkamit ng katayuan

at paggawa ng mga nakatagang gawain o papel sa kultura na iyon. Sa

madaling sabi, ang pakikisalamuha at pakikihalubilo sa iba ay pagtanggap

na rin ng kultura ng iba.

Paradima ng Pag-aaral

Sa patuloy na pagdaloy ng mga panahon, sumasabay rin dito ang

pagbabago ng mga paniniwala, tradisyon at kaugalian na siklo ng buhay

ng mga taga-Butong sa okasyong kasal. Sa pagdiriwang ng kasal

mayroong mga tiyak na hakbang o proseso sa pagsasagawa nito.

Pinaniniwalaan ng mga mananaliksik na sa bawat hakbang na tinutukoy

nito ay kakikitaan ng mga materyal o kagamitan na ginagamit bago, sa

oras at pagkatapos ng pagsasagawa nito upang makatulong ng lubos sa

mga mananaliksik. Malaki rin ang paniniwala na may nalulusaw at nabago

sa dating nakagawian ng mga taong sasalang sa kasal. Subalit mayroon

ding mga tradisyunal na okasyon ang nananatili pa rin sa kasalukuyan, na

siya namang inalam sa pag-aaral na ito (Santiago, 2013).


CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS (STEM) 4

INPUT PROSESO AWTPUT

Pagbuo ng paksang Ang makabuo ng Akdang


Demograpikong profayl tatalakayin sa pag-aaral Pampanitikang Epiko na
ng mga respondente sumasalamin sa tradisyon,
batay sa Baranggay Paggawa ng sarbey paniniwala at kaugalian ng
Butong: talatanungan na gagamitin mga mamamayan ng
1.1 Kasarian sa pag-aaral baranggay Butong Lungsod
1.2 Kalagayan sa Buhay ng Cabuyao
1.3 Natapos na pinag- Pagsulat ng liham sa
aralan kapitan ng baranggay at
pag papaperma bilang
Alamin ang paniniwala, indikasyon na pumayag
tradisyon at kaugalian na ang kaipitan
patuloy pa ring
isinasagawa ng mga Pagpapabalidita ng mga
mamamayang katoliko ng nagawang talatanungan
mga taga-barangaay
Butong ukol sa okasyong Pagsasagawa ng sarbey
kasal sa napiling baranggay

Aalamin kung Paano Pag-aanalisa ng mga


sinang-ayunan ng mga impormasyong nakalap
guro sa Filipino ang
nabuong Akdang Paglalahad at
Pampanitikang Epiko pagpapakahulugan ng mga
batay sa : nakalap na datos
3.1. Nilalaman
3.2. Banghay ng Pagsulat ng akdang
Maikling Kwento pampanitikang Epiko na
3.3. Pagkakalapat ng sumasalamin sa kaugalian,
tradisyon, paniniwala at tradisyon at paniniwala ng
kaugalian sa akda mga taga-Butong ukol sa
kasal

FIDBAK

Fig. 1 Ang Paradima ng Pag-aaral

Inilahad sa pigura bilang isa ang paradimang pag-aaral

na siyang magiging batayan ng mga kakailanganing hakbang sa

pagsusuring ito. Sa unang kahon na kinasusulatan ng input ay

nakapaloob ang mga suliranin na kailangang masagutan ng mga

mananaliksik sa pag-aaral na isinasagawa. Sa pangalawang kahon


CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS (STEM)


5
naman ay ang proseso kung saan nakasaad ang mga hakbangin sa

pagkalap ng datos upang masagot ang mga katanungan at ang panghuli

ang awtput, kung saan kinakailangan ng mga mananaliksik upang

makabuo ng apat na akdang pampanitikang epiko upang maging

kontribusyon sa lokal na panitikan ng Cabuyao.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pagsasagawa ng pag-aaral na ito ay

nagmumungkahi o may layunin na makagawa at makalikha ng akdang

pampanitikang epiko na kung saan malilinang ang kaalaman patungkol

sa iba't ibang tradisyon, paniniwala at kaugalian ng mga mamamayan ng

Baranggay Butong sa Lungsod ng Cabuyao sa okasyong kasal sa

pamamagitan ng talatanungan. Gabay sa isinagawang pag-aaral ng

akdang pampanitikan ay ang mga sumusunod na katanungan na may

layuning masagot:

1. Ano ang demograpikong profayl ng mga respondente sa Baranggay

Butong batay sa :

1.1 Kasarian

1.2 Kalagayan sa Buhay

1.3 Natapos na pinag-aralan

2. Gaano kadalas na isinasagawa ng mga mamamayang katoliko sa

Baranggay Butong ang mga kaugalian, tradisyon at paniniwala ukol sa

okasyong kasal?
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS (STEM) 6

3. Paano sinang-ayunan ng mga guro sa Filipino ang nabuong Akdang

Pampanitikang Epiko batay sa :

3.1. Nilalaman

3.2. Banghay ng Kwento sa epiko

3.3. Pagkakalapat ng tradisyon, paniniwala at kaugalian sa akda

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pagsasagawa ng pag-aaral na ito ay naglalayong

mapag-aralan ang mga trdisyon, paniniwala at kaugalian ng mga

mamamayan ng Baranggay Butong at makabuo ng akdang pampanitikang

epiko na sumasalamin sa paniniwala, tradisyon at kaugalian ng

baranggay. Naniniwala ang mga mananliksik na ang saliksik na ito ay

makatutulong at magdudulot ng kapakinabangan sa mga sumusunod:

SA LUNGSOD NG CABUYAO. Magiging makabuluhan ang pag-aaral na

ito dahil sa mga epikong nabuo ng mananaliksik na makakapag-ambag sa

lokal na panitikan ng lungsod ng Cabuyao.

SA MGA AWTOR NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN. Makakatulong

ito sapagkat ang mga epikong mabubuo mula sa pag-aaral ay maaari

nilang magamit at pagbatayan sa pagbuo ng kanilang sariling akda.

Magkakaroon din sila ng kaalaman sa mga paniniwala, tradisyon at

kaugalian na umiiral sa Baranggay Butong sa lungsod ng Cabuyao sa

okasyong kasal na maaari nilang magamit sa kanilang mga susunod pang

akdang gagawin.
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS (STEM) 7


SA MGA GURO NG ASIGNATURANG FILIPINO. Maaari nilang magamit

ang mga epikong nabuo upang ibahagi at ituro sa mga mag-aaral ang

mga paniniwala, tradisyon at kaugalian na patuloy pa ring umiiral sa

Baranggay Butong sa okasyong kasal.

SA MGA SUSUNOD PANG MANANALIKSIK. Makakatulong ang pag-

aaral na ito sa mga nagsisikap pang pag-aralan ang paniniwala, tradisyon

at kaugalian ng iba pang bayan. Magsisilbing gabay ang pag-aaral na ito

upang makasagawa rin sila ng iba pang saliksik na nakapokus sa pag-

aaral ng mga paniniwala, tradisyon at kaugalian sa okasyong kasal ng iba

pang Baranggay o bayan at makabuo ng akdang pampanitikan na

sumasalamin sa paniniwala, tradisyon at kaugalian sa okasyong kasal.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pagsusuring ito ay nakatuon sa paniniwala,

tradisyon at kaugalian ng mga mamamayan ng Baranggay Butong sa

Lungsod ng Cabuyao. Sa paraan ng pagbuo o paglikha ng akdang

pampanitikan ay tinukoy muna ng mga mananaliksik ang tiyak na

populasyon na mayroon ang piling look. Isinimulan ang pag-aaral na ito sa

pagsagawa ng sarbey sa mga residente ng baranggay. Mula sa

Baranggay Butong na may 7,500 na bilang ng populasyon. Kumuha

lamang ang mananaliksik ng isandaang (100) respondente na sasagot sa

sarbey. Kumuha rin ang mga mananaliksik ng kabuuang sampung (10)

guro ng Filipino sa Cabuyao Integrated National High School at Cabuyao

Central Elementary School.Saklaw sa pag-aaral na ito ang mga taong


CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS (STEM) 8


naninirahan o residente ng Baranggay na ikinasal na sa simbahang

katoliko na may edad labing-walo (18) pataas. Saklaw parin sa pag-aaral

na ito ay ang mga taong naninirahan lamang sa Baranggay Butong at

mga taong pawang ikinasal lamang sa simbahang katoliko. Saklaw pa rin

sa pag-aaral na ito ang makabuo ng Akdang Pampanitikang Epiko na

sumasalamin sa paniniwala, tradisyon at kaugalian ng mga mamamayan

ng Baranggay Butong sa okasyong kasal. Saklaw parin ng pag-aaral na

ito ang mga guro ng Filipino sa Cabuyao Integrated National High School

at Cabuyao Central Elementary School. Hindi naman saklaw sa pag-aaral

na ito ang mga mag-asawang hindi kasal at mga taong hindi katoliko. Isa

pa rin sa hindi saklaw ng pag-aaral na ito ay yung mga mag-asawang

kinasal lamang sa huwes.

Kahulugan ng mga katawagang ginamit

Ang bahagi itong ang pagbibigay kahulugan sa mga

salitang ginamit ng mga mananaliksik, upang mas maunawaan at

maintindihan ang mga salita.

Argumentati. uri ng tekstong naglalahad ng

Arranged Marriage. Ito ay ang pagpili ng taong mapapangasawa ay

umaayon sa sariling kagustuhan ng taong nais niyang mapangasawa


CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS (STEM) 9


Bride Price. Ito ay ang pagbibigay ng lalake sa pamilya ng babae ng pera

o mga product ito ay kadalasang hinihiling ng pamilya ng babae para na

din sa karapatan ng babae at ng kanilang mga anak.

Bridesmaid. Ito ay ang umaagapay sa babaeng ikakasal

Deskriptiv. tekstong nagtataglay ng kauukulang impormasyon sa

katangiang pisikal ng isang tao, lugar, bagay o pangyayari.

Eksposisyon. uri ng tekstong nagbibigay impormasyon tungkol sa mga

analysis ng mga konsepto. Sinasagot ang tanong na paano.

Epiko. Ito ay Akdang pampanitikan na karaniwa'y tungkol o

kinapapalooban ng mga pangyayaring patungkol sa kabayanihan at

kathang isip lamang.

Extended Family. Ito ay angpagkakaroon ng desisyon para sa

kapakanan ng miyembro ng pamilya ay nasa loob lamang ng kanilang

pamilya.

Genesis. Ito ay ang unang bahagi ng lumang tipan sa Bibliya..

Informativ.uri ng tekstong nagbibigay ng bagong kaalaman, pangyayari,

paniniwala, at impormasyon.

Kasal. Isang itong okasyon na magtatali sa mag-asawa.

Matrimonyo. Ibang katawagan sa kasal.

Narativ. naglalahad o nakgukuwento ng pangyayari ayon sa kronolohikal

na ayos.

Nareysyon. uri ng tekstong sumasagot sa tanong na paano at kailan


CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS (STEM) 10

Nuclear Family. Ito ay ang magulang at kanilang mga anak nakatira

lamang sa iisang tahanan..

Payak.Salitang-ugat lamang.

Pharaoh. Ito ay ang isang Mayamang babae na tinuturing na diyos sa

ehipto.

Polyandry. Ito ay ang ang babae ay may dalawa o higit na asawa.

Polygamy. Ito ay ang mayroong dalawa o higit na asawa.

Polygyny. Ito ay ang lalaki ang may dalawa o higit na asawa.

Prosidyural. ang isang uri ng tekstong nagsasaad ng pagkakasunod-

sunod ng mga partikular na hakbang upang maisakatuparan ang

anumang gawain.

Reperensyal. uri ng tekstong naglalahad ng pinaghanguan ng mga

kaalaman

Tambalan. Dalawang salitang pinag-sama at may bagong kahulugan .

You might also like