You are on page 1of 9

CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS (STEM)

Kabanata 5

LAGOM, KONKLUSYON at REKOMENDASYON

Lagom

Ang mga datos na nakalap mula sa mga mamamayan ng

Baranggay Butong at mga guro sa Filipino sa Cabuyao Integrated

National High School at Cabuyao Central Elementary School ang naging

batayan upang mapag-aralan ng mga mananaliksik ang mga tradisyon,

kaugalian at paniniwala ng mga taga-Baranggay Butong sa okasyong

kasal at makabuo ng Epiko na sumasalamin sa mga ito.

Inilahad sa kabanatang ito ang lagom, konklusyon at

rekomendasyon tungkol sa isinagawang pag-aaral.

Buod ng Pagsusuri

Ang bahaging ito ay ang buod ng mga katugunan sa bawat

suliraninng inilahad ng mga mananaliksik:

1. Ang demograpikong profayl ng mga respondente ayon sa:

Kasarian. Sang-ayon sa datos na nakalap, sa kabuuang isang

daang (100) respondente, limampung bahagdan (50%) o kalahati sa mga

ito ay lalaki at ang natitirang limampung bahagdan (50%) ay babae.

Natapos na Pinag-aralan. Animnapu’t dalawa (62) o animnapu’t

dalawang bahagdan (62%) ng mga respondente ay sekondarya ang

natapos na pinag-aralan at ang mga respondenteng nakapagtapos

kolehiyo at elementarya ay may tig-labinsiyam na bahagdan (19%).


CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS (STEM)


57
Kalagayan sa buhay. Walumpu’t walo (88) o walumpu’t walong

bahagdan (88%) ng mga respondente ay sinasabing sila ay may kaya o

katamtaman ang kalagayan sa buhay at ang natitirang labindalawa (12) o

labindalawang bahagdan (12%) naman ng mga respodente ay

nagsasabing sila ay mahirap.

2. Gaano kadalas isinasagawa ng mga mamamayang katoliko sa

Baranggay Butong ang mga kaugalian, tradisyon at paniniwala ukol sa

okasyong kasal.

Ang mga paniniwala na kadalasang isinasagawa ng mga

mamamayan ng Baranggay Butong sa okasyong kasal ay ang mga

sumusunod : Paghahagis ng bouquet upang malaman kung sino ang

susunod na ikakasal ,Pag-iwas sa sukob dahil magkakaroon ng

kompetensya sa pamumuhay ng magkapatid, Pagdating ng groom ng

mas maaga upang hintayin ang bride upang hindi maging under de saya

si mister, Paghahanda ng maraming pagkain sa reception upang maging

masagana ang buhay ng mag-asawa at Pag-iingat na huwag mahulog

ang belo at aras lalo ang mga singsing upang hindi malasin ang buhay ng

bagong mag-asawa.

Ang mga tradisyon na kadalasang isinasagawa ng mga

mamamayan ng Baranggay Butong sa okasyong kasal ay ang mga

sumusunod: Paghahanap ng simbahan upang dausan ng kasal,

Paghahanap ng magiging ninong at ninang, Paghahanap ng pari upang

manguna at magmisa sa kasal, Paghahanap sa mga magiging parte ng


CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS (STEM) 58


kas.al (hal. Ring bearer, flower girl, bride’s maids, etc), Pagsasaayos para

sa ihahandang pagkain para sa reception, Paglalakad ng babaeng

ikakasal papunta sa altar kasama ang kaniyang ama o ama-amahan nito,

Pagmimisa ng pari upang mapakinggan ang aral ng Diyos ukol sa pag-

aasawa, Pagsusuot ng singsing ng kinakasal sa kani-kanilang palasing-

singang daliri, Paglalagay ng belo sa ulo ng babaeng kinakasal at sa

balikat naman sa lalaki, Paghalik ng kinakasal, patunay na sila ay mag-

asawa na, Pagpunta ng bagong kasal sa reception kasama ang mga bisita

nito, Pagsusubuan ng cake ng bagong kasal, Pagbibigay ng mensahe

mula sa mga mahal nila sa buhay, Paghahagis ng bouquet ng babaeng

ikinasal at Pagsasayaw ng bagong kasal.

Ang mga kaugalian na kadalasang isinasagawa ng mga

mamamayan ng Baranggay Butong sa okasyong kasal ay ang mga

sumusunod: Paninilbihan sa loob ng ilang buwan/ taon,Pagrespeto at

karangalan sa magulang ng babaeng papaksalan,Pagkakasunduan sa

araw/panahon kung kalian o saan gaganapin ang kasal,Para sa dalawang

taong ikakasal, pag-uusapan nila ang lahat ng bagay ukol sa kanila.

Nagpapakita ito ng katapatan at tiwala sa isat isa,Ukol sa dalawang

ikakasal, pagpapaalam sa kani-kanilang magulang na sila ay ikakasal

nagpapakita ng paggalang,Marahang paglakad ng bride papunta sa altar,

pagpapakita ng solemnya ng kasal,Magalang na pagtanggap ng groom sa

kamay ng bride, pagpapakita ng pagrespeto at mataas na paggalang sa

ama o ama-amahang kasamang maglakad ng bride sa altar,Pagiging


CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS (STEM) 59


solemnya at maayos mula sa simula hanggang pagkatapos ng

kasal,Pakikinig sa pagmimisa ng pari ukol sa kasal, pagpapakita ng

kabanalan,Pagiging masaya ukol sa kinakasal, pagpapakita ng

pagtanggap sa kanilang pag-iibigan,Magiliw na pagtanggap ng bagong

kasal sa mga dumalo sa kanilang kasal,Pagiging maingat sa pagbibigay

ng mensahe ukol sa bagong kasal,Pagsabi ng "congratulations " o

"maligayang bati" sa bagong kasal,Pagmamano ng bagong kasal sa

kanilang naging ninong at ninang pati na rin sa kani-kanilang mga

magulang at Pagkakaroon ng disiplina sa mga oras ng pagsasaya at

pagkakainan sa panahon ng reception.

3. Paano sinang-ayunan ng mga guro sa Filipino ang nabuong

Akdang Pampanitikang Epiko batay sa :

Nilalaman. Ang lahat ng mga kraytirya tungkol sa nilalaman ng epiko ay

lubos na sinang-ayunan ng mga guro: Pumapaksa sa interes ng mag-

aaral (weighted mean 4.40), Naaabot ang lebel ng mga mag-aaral

(weighted mean 4.30),May pagkakasunod-sunod na ideya (weighted

mean 4.40),Akda ay humahamon sa kamalayan ng mga mag-aaral

(weighted mean 4.50),Kawili-wili ang mga pangyayari/lumilinang sa

kagandahang-asal (weighted mean 4.40). Ang lahat ng ito ay may

kabuuang weighted mean na 4.40 na nangangahulugang lubos na

sumasang-ayon ang mga guro sa nilalaman ng epiko.

Banghay ng Maikling Kwento. Ang lahat ng mga kraytirya tungkol sa

elemento ng banghay ng kwento ay lubos na sinang-ayunan ng mga guro:


CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS (STEM)


60
Nakikita sa panimulang pangyayari ang tauhan at tagpuan (weighted

mean 4.70),Makikita sa akda ang pataas na aksyon (pagharap sa

suliranin ng pangunahing tauhan) ( weighted mean 4.60),Makikita sa akda

ang tunggalian o ang mataas na emosyon ng mga tauhan sa kasukdulan

(weighted mean 4.40),Ang pababang aksyon sa akda ay sumasagot sa

pagbibigay-linaw at pagkakaroon ng kakalasan (weighted mean 4.60),

Makikita sa wakas ng akda ang kahihinatnan ng buong pangyayari

(weighted mean 4.70). Ang lahat ng ito ay may kabuuang weighted mean

na 4.60 na nangangahulugang lubos na sumasang-ayon ang mga guro na

ang epiko ay kakikitaan ng elemento ng banghay ng kwento.

Pagkakalapat ng tradisyon, paniniwala at kaugalian sa akda. Ang

lahat ng mga kraytirya tungkol sa paglalapat ng paniniwala, tradisyon at

kaugalian sa epiko ay lubos na sinang-ayunan ng mga guro: Sa tagpuan

makikita ang partikular na ngalan ng tao at lugar sa isang barangay

(weighted mean 4.60),Masasalamin sa pataas na aksyon ang mga

karaniwang suliranin sa isang barangay (weighted mean 4.40)Makikita sa

kasukdulan ng akda ang karaniwang paghaharap ng mga tao sa barangay

kung paano ilabas ang kanilang saloobin (weighted mean 4.30),Sa

pababang aksyon, makikita kung paano nasolusyunan ang suliranin

(weighted mean 4.40),Ang wakas ng akda ay naglalaman ng tradisyon,

paniniwala at kaugalian ng isang barangay (weighted mean 4.40). Ang

lahat ng ito ay may kabuuang weighted mean na 4.42 na


CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS (STEM) 61


nangangahulugang lubos na sumasang-ayon ang mga guro na ang epiko

ay nalapatan ng mga paniniwala, tradisyon at kaugalian.

Konklusyon

Ang mga sumusunod na konklusyon ay nabuo mula sa mga

resulta ng pagsusuri:

1. Na sa kabuuan ng respondente, kalahati sa mga ito ay babae gayundin

sa lalaki, karamihan sa mga ito ay sekondarya ang natapos na pinag-

aralan at ang iba naman ay nakatapos ng kolehiyo at ang iba ay

hanggang elementarya. Karamihan din sa kanila ay may kaya o may

katamtamang kalagayan sa buhay at ang iba ay nagsasabing sila ay

mahirap.

2. Na bihira lamang isinasagawa ng mga respondente ang mga

paniniwala sa okasyong kasal batay sa kabuuang weighted mean nito na

2.17 samantala ang mga tradisyon (4.72) at kaugalian (4.76) sa okasyong

kasal ay lumabas na madalas itong isinasagawa ng mga respondente sa

okasyong kasal batay sa kabuuang weighted mean nito.

3. Na lubos na sumasang-ayon ang mga guro tungkol sa ebalwasyon ng

nabuong akdang pampanitikang epiko sa lahat ng kraytirya ( Ebalwasyon

ng mga guro ayon sa nilalaman ng epiko,Ebalwasyon ng mga guro ayon

sa elemento ng banghay ng kwento sa epiko, Ebalwasyon ng mga guro

ayon sa paglalapat ng paniniwala, tradisyon at kaugalian sa akda) dahil

inilarawan ng kabuuang weighted mean na 4.47.


CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS (STEM) 62

Rekomendasyon

Batay sa resulta ng pananaliksik narito ang mga nabuong

rekomendasyon na nagmumungkahing:

SULIRANIN 1

1. Magsagawa ng pananaliksik na nakapokus naman sa ibang

baranggay sa Cabuyao na kaparehong paksa.

2. Magkaroon ng pag-aaral na nakapokus naman sa dalawang

baranggay sa kaparehong paksa.

3. Magkaroon ng mga pag-aaral na nakapokus naman sa mga

mamamayan ng anumang barangay sa Cabuyao na hindi ikinasal

sa Simbahang katoliko.

SULIRANIN 2

1. Magsaliksik na naglalayong malaman ang mga sanhi ng hindi

pagsasagawa ng mga Tradisyon, Paniniwala at Kaugalian sa

okasyong Kasal.

2. Magsagawa ng saliksik ukol sa mga makabago/modernong

Tradisyon, Paniniwala at Kaugalian sa okasyong kasal.

3. Pag-aralan ang mga dahilan nang pagpapanatili sa pagsasagawa

ng mga Kaugalian, Paniniwala at Tradisyon sa okasyong kasal.

SULIRANIN 3

1. Magsagawa ng isang saliksik sa kaparehong paksa at makabuo ng

iba pang akdang pampanitikan bukod sa epiko.


CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS (STEM) 63


2. Gamitin ng mga guro ang nagawang akdang pampanitikang epiko

sa kanilang pagtuturo.

3. Mailimbag ang mga nabuong akdang epiko ng mga mananaliksik.


CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS (STEM)

You might also like