You are on page 1of 7

Kabanata V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Inilalahad sa kabanatang ito ang lagom ng saliksik, kinalabasan, nabuong

konklusyon at mga rekomendasyong iminumungkahi ng mga mananaliksik.

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa Mga Katangian ng mga Magiging Guro sa

Pilipinas.

May mga ispisipikong katanungan na sasagutin sa pag-aaral at ito ay ang mga

sumusunod:

1. Ano ang demograpikong kalagayan ng mga respondente batay sa:

a. Kasarian

b. Programa

c. Espesyalisasyon

d. Buwanang kita ng pamilya

2. Paano mailalarawan ang mga katangian ng mga respondente batay sa katangiang:

2.1 personal

2.2 propesyunal

3. Mayroon bang signipikanteng kaugnayan ang demograpikong kalagayan at

katangian ng mga respondente?

43
4. Batay sa kinalabasan ng pananaliksik, ano ang maimumungkahing gawain upang

lalong malinang ang mga personal at propesyunal na katangian ng mga magiging

guro?

Sa pag-aaral na ito ang mga napiling respondente ay ang mga mag-aaral sa ikaapat na

taon ng mga Pilipinong gurong mag-aaral na kumukuha ng “Field Study 6 Courses”, ano

man ang espesyalisasyon. Ang mga respondente ay may kabuuang bilang na isang daan

at labing apat. Ginamit ang serbey-kwestyuner bilang pangunahing instrumento sa

pagkalap ng datos samantalang ang bilang at bahagdan, at ranking, weighted mean, at

chi-square ang istadistikang ginamit sa pagsusuri ng mga datos upang masagot ang mga

nakalahad na tanong.

Kinalabasan

Ang mga datos na nakalap ay sumailalim sa masusing pagsusuri at pagbibigay ng

karampatang interpretasyon. Ang mga sumusunod ay ang mga natuklasan sa pag-aaral ng

mga mananaliksik.

1. Mula sa 114 na mga respondente;

a. Kasarian

Ang 91 o 80 na bahagdan ay ang mga respondenteng babae at ang natitirang

23 o 20 na bahagdan ay ang mga respondenteng lalaki.

b. Programa

44
Ang nakakuha ng 95 bilang o 83 bahagdan ay ang mga respondenteng

kumukuha ng Batsilyer ng Edukasyong Pansekundarya samantalang 19 o 17

bahagdan ang mga respondenteng gurong mag-aaral na nasa Batsilyer ng

Edukasyong Pang-elementarya.

c. Espesyalisasyon

Ang mga respondenteng ang espesyalisasyon ay Filipino at Mapeh ay

pawang may bilang na 14 o 12 na bahagdan, 15 o 14 na bahagdan naman ang

mga kumukuha ng English, habang 8 o 7 na bahagdan naman ang mga kumukuha

ng Mathematics, habang ang mga kumukuha ng Biological Science naman ang

nakakuha ng 7 o 6 na bahagdan na siyang pinakamababa, nakamit naman ng mga

respondenteng ang espesyalisasyon ay Social Study ang bilang na 24 o 21

bahagdan na siyang pinakamataas, habang 13 o 11 na bahagdan naman ang mga

kumukuha ng TLE, at 19 o 17 na bahagdan naman ang lahat ng kumukuha ng

Content Courses.

d. Buwanang kita ng pamilya

Ang may mataas na kita sa buwanang kita ay nagkamit ng bilang na 26 o

23 na bahagdan, habang ang may pinakamataas na bilang at bahagdan ng

buwanang kita ng pamilya ay nasa katamtamang kita na may bilang na 82 o 72 na

bahagdan, at ang mababang kita ang siyang nakakuha ng pinakamababang bilang

na 6 o 5 na bahagdan.

45
2. Katangian ng mga Magiging Guro

Personal na Katangian

Ayon sa persepsyon ng mga magiging gurong tagasagot, ang aytem 1 na “may

positibong pananaw sa buhay na kanyang mapagtagumpayan ang lahat ng gawain” ang

nagkamit ng pinakamataas na mean score na 3.94 na may interpretasyong “Lubos na

Sumasang-ayon” na sinundan ng aytem 2 at 3 na parehong may mean score na 3.91 at

interpretasyong “Lubos na Sumasang-ayon” sumunod ang aytem 3 at 10 na kapwa may

mean score na 3.84 na may interpretasyong “Lubos na Sumasang-ayon” na sinundan ng

aytem 8 na may mean score na 3.82 at interpretasyong “Lubos na Sumasang-ayon”

sumunod ang aytem 5 na may mean score na 3.75 at interpretasyong “Lubos na

Sumasang-ayon” habang ang aytem 6 naman ay may mean score na 3.69 at may

interpretasyong “Lubos na Sumasang-ayon” sinundan ng aytem 4 na may mean score na

3.68 ay may interpretasyong “Lubos na Sumasang-ayon” at ang pinakahuli ang aytem 7

na may mean score na 3.63 at may interpretasyong “Lubos na Sumasang-ayon”.

Propesyunal na Katangian

Ayon sa persepsyon ng mga magiging gurong tagasagot, ang aytem 7 at 5 ang

nagkamit ng pinakamataas na mean score na 3.85 at interpretasyong “Lubos na

Sumasang-ayon” na sinundan ng aytem 6 at 10 na may mean score na 3.83 at

interpretasyong “Lubos na Sumasang-ayon” sumunod ang mga aytem 1, 8 at 5 na may

mean score na 3.82 at may interpretasyong “Lubos na Sumasang-ayon” sumunod ang

aytem 4 na may mean score na 3.81 at interpretasyong “Lubos na Sumasang-ayon”

46
sumunod ang aytem 2 na may mean score na 3.80 at may interpretasyong “Lubos na

Sumasang-ayon” at ang pinakahuli at nagkamit ng pinakamababang mean score ay ang

aytem 3 na may mean score na 3.75 at may interpretasyong “Lubos na Sumasang-ayon”.

Konklusyon

Batay sa mga natuklasang nabanggit na datos sa itaas, ang mga sumusunod ang

nabuong konklusyon:

1. Karamihan sa mga respondente tagasagot ay mga gurong mag-aaral na babae

na kumukuha ng programang Batsilyer sa Edukasyong Pansekundarya at ang

may espesyalisasyong Social Study, Content Course, English, Filipino,

MAPEH, TLE, Mathematics at ang pinakahuli ang kumukuha ng

espesyalisasyong Biological Science.

2. Ang nangunang personal na katangian ay ang aytem bilang 1 na “may

positibong pananaw sa buhay na kanyang mapagtagumpayan ang lahat ng

gawain” at ang huli ay ang aytem bilang 7 na “tumutupad sa

pinag-usapan/pinagkasunduan o may isang salita. Samanatalang ang

nangunang propesyunal na katangian naman ay ang aytem bilang 5 at 7 “ may

kakayahang makipagkomunikasyon sa Ingles at Filipino, pasalita man o

pasulat” at “iniingatang pribado ang tala at personal na buhay ng mga mag-

aaral na ibinabahagi” habang ang pang-huli naman ay ang aytem 3

“nakakagamit at nakapagaangkop ng ibat ibang estratehiya sa pagtuturo”.

47
3. May kabuluhan o signipikanteng kaugnayan ang lahat ng nabanggit na

baryabol batay sa katangiang personal at propesyunal ng mga respondente.

Lahat ng baryabol ay nagkakaiba sa kompyuted balyu at magkakapareho

naman ang kinalabasan na tabyular balyu na 0.000 at ang hypothesis ay “null”

kaya’t ang lumabas na interpretasyon sa lahat ng baryabol ay kapwa

makabuluhan.

Mga Rekomendasyon

Ang mga sumusunod ang mga iminumungkahi ng mga mananaliksik batay sa

nabuong konklusyon:

1. Iminumungkahi sa Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro ang pagsasagawa o

pagpapatupad sa mga mungkahing gawain na nabanggit na ng mga mananaliksik sa

Kabanata IV. Kakailanganin ang suporta ng dekana ng Kolehiyo sa pagpapatupad sa mga

mungkahing gawain ng mga mananaliksik na labis na makatutulong hindi lamang sa

pagpapayabong ng kasanayan ng mga mag-aaral at pagpapaunlad ng kanilang naturang

katangian kundi pati na rin ng mga guro sa Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro.

2. Inirerekomenda na mabigyang tuon at malaanan ng panahon ang pagbabasa ng

mga aklat na naglalaman o makatutulong upang mapayabong ang mga Katangiang

Personal at Propesyunal at magamit ang mga ito sa larangan ng pagtuturo ng mga gurong

mag-aaral sa hinaharap.

3. Inirerekomenda din na magkaroon ng mga naturang obserbasyon sa isang klase

upang mas mapaunlad pa ang mga Katangiang Personal at Propesyunal, at magandang

48
pakikipag-ugnayan sa Resource Teacher o Cooperating Teacher. Lubos na

makakatulong ito para sa isang gurong mag-aaral hinggil sa kanyang tatahaking

propesyon.

4. Magkaroon pa ng mga susunod na saliksik na makatutulong sa pagpapaunlad ng mga

katangiang dapat na taglayin ng isang gurong mag-aaral Personal man o Propesyunal.

Iminumungkahi sa mga susunod pang mga mananaliksik ang pag-aaral patungkol sa

katangian ng mga magiging guro sa Pilipinas gamit ang iba pang mga baryabol at mga

pamamaraan.

49

You might also like