You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA REGION
Linapacan District
PANGARAYCAYAN ELEMENTARY SCHOOL
Linapacan, Palawan

NAME MIKEE M. RODRIGUEZ LEARNING AREA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO


SCHOOL PANGARAYCAYAN ELEMENTARY SCHOOL QUARTER 2
SCHOOL YEAR 2023-2024 WEEK 6
GRADE LEVEL GRADES 5 AND 6 DAY 2
Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagan ng pakikipagkapwa-tao na
Pangnilalaman pakikipagkapwa-tao at pagganap ng mga inaasahang hakbang, may kaakibat na paggalang at responsibilidad
pahayag at kilos para sa kapakanan at ng pamilya at kapwa
Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ang inaasahang hakbang, kilos at pahayag na may Naisasabuhay ang pagkakaroon ng bukas na isipan at kahinahunan sa
paggalang at pagmamalasakit para sa kapakanan at kabutihan ng pagpapasiya para sa kapayapaan ng sarili at kapwa
pamilya at kapwa
Kompitensi Nakapagpapaubaya ng pansariling kapakanan para sa kabutihan ng Nakapagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapwa
kapwa EsP6P- IId-i-31
EsP5P – IIf – 26
MELCS Nakapagpapaubaya ng pansariling kapakanan para sa kabutihan ng Nakapagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestyon ng kapwa
kapwa
Unang Araw
Layunin ng Aralin Makapagpapaubaya ng pansariling kapakanan para sa kabutihan ng Makapagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestyon ng kapwa.
kapwa.
Paksang Aralin Pagpapaubaya ng pansariling kapakanan para sa kabutihan ng kapwa Paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapwa
Kagamitang Panturo TM, TG, BOW, (others)

Pamamaraan Teaching, Learning and Assessment Activities


T
Guro: May babasahin tayong parabula o parable.
Sino sa inyo ang may ideya kung ano ang parabula?

Mag-aaral: ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya na maaaring nasa anyong patula o prosa.

Guro: Sino sa inyo ang Kristiyano o Katoliko dito?

Mag-aaral: Ako po/Kami po.

Guro: Kayo ba ay nagbabasa din ng Bibliya/Bible o di kaya ay Nagsisimba?

Mag-aaral: Opo/Hindi po.

Guro: Dapat habang bata pa kayo ay isabuhay niyo na ang mga turo ng ating Panginoon dahil isa ito sa mga hakbang upang tayo ay maging
mabuting tao. Pero bago natin simulan ang pagbabasa nais ko magkaroon tayo ng paghahawan ng mga balakid.

Panuto: Hanapin sa mga sumusunod ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit na salita.

1. Ang tao ay mula sa Jerusalem patungong Jerico.


a. paalis b. papunta c. palayo

2. Isang gabi, habang siya ay nagpapahinga, siya ay tinambangan ng isang grupo ng mga tulisan.
a. humarang b. bumati c. sumama

3. Nakita niya ang kawawang Hudyo na noon ay halos hindi na umiimik sa kanyang pagkakahandusay.
a. nakahiga b. nakaupo c. nakatayo

4. Napansin din niya ang dumadaing na Hudyo.


a. tumatawa b. nalulungkot c. umaaray

5. Namalagi sa bahay-panuluyan ang kawawang Hudyo hanggang sa gumaling nang lahat ng kanyang sugat.
a. umalis b. nanatili c. nagbakasyon

ANG MABUTING SAMARITANO


Lucas 10:25-37
May isang Hudyo na naglalakbay mula Jerusalem patungong Jerico. Isang gabi, habang siya ay nagpapahinga, siya ay tinambangan ng isang
grupo ng mga tulisan. Kinuha ng mga masasamang-loob ang lahat ng kanyang dala, pati na rin ang kanyang damit na suot. Pagkatapos pagnakawan
ay binugbog pa ng mga tulisan ang Hudyo at iniwan sa gilid ng daan na halos wala nang buhay.
Ilang minuto pagkatapos maiwan ang kawawang nilalang, may isang paring Hudyo na dumaan. Nakita nito ang taong nakahandusay sa lupa.
Nagmamadaling lumihis ang pari na parang walang nakita. Mabilis siyang naglakad papalayo.
Hindi nagtagal ay isang Levita naman ang dumaan. Napansin din niya ang dumadaing na Hudyo. Tulad ng pari, mabilis ring lumihis nang
daan ang Levita at nagpatuloy sa kanyang paglalakbay.
Matapos ang matagal na panahon, may napadaang isang Samaritano. Nakita niya ang kawawang Hudyo na noon ay halos hindi na umiimik
sa kanyang pagkakahandusay. Dali-daling lumapit ang Samaritano at tinulungan ang lalaking makaupo. Binuhusan nito ng langis at alak ang mga
sugat ng biktima. Nang malinis na ang mga sugat nito, marahang binendahan ng Samaritano ang mga sugat. Isinakay nito ang Hudyo sa
kanyang asno at inihatid sa isang malapit na bahay-panuluyan. Duon ay hiningi ng Samaritano sa may-ari na pakainin at painumin ang kawawang
biktima.

Kinabukasan, bago umalis ang Samaritano upang magpatuloy sa kanyang paglalakbay, binigyan niya ang may-ari ng bahay ng dalawang
pirasong pilak at sinabing alagaan nito ang kawawang lalaki. Dinagdag pa nito na kung lalabis ang magagastos ng may-ari sa pag-aalaga sa lalaki ay
kanya itong babayaran sa kanyang pagbabalik. Namalagi sa bahay-panuluyan ang kawawang Hudyo hanggang sa gumaling nang lahat ng kanyang
sugat.

Mga Katanungan:
1. Ano ang ginawa ng mga tulisan sa manlalakbay?
Sagot: Tinambangan ang Hudyo ng mga tulisan
2. Sino sa tatlo ang naging tunay na kapwa sa taong nasaktan? Bakit?
Sagot: Ang tunay na kapwa ay ang Samaritano. Dahil tinulungan niya ang Hudyo kahit hindi niya ito kilala.
3. Ano ang natutunan natin sa kuwento?
Sagot: Natutunan ko pong magmalasakit sa iba kahit hindi ko sila kilala. Dahil ang pagmamalasakit sa iba nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos.

Guro: Mahusay! Ang pagmamalasakit sa kapwa ay nagpapakita na minamahal at iginagalang natin sila at ito ay kalugod-lugod sa mata ng Diyos.
Kayo ba ay nagmamalasakit din sa inyong kapwa?

Mag-aaral: Opo.

Guro: Tama! Hindi lang dapat kapwa tao ang pinamamalasakitan natin gayun din ang mga hayop, ang ating kalikasan at lalong higit ang ating
kultura.
(Ipapakita ang larawan ng Barong Tagalog at Saya, Katutubong Sayaw na Tinikling, Cari~
n osa at Pandanggo sa Ilaw.)

Guro: Ano ang napapansin ninyo sa mga larawan? Anong suot nila? Ano ang mga ginagawa nila?

Mag-aaral: Katutubong kasuotan ang Barong Tagalog at Saya


Katutubong sayaw na Tinikling, Cari~
n osa at Pandanggo sa Ilaw.

Guro: Mahusay! Naranasan niyo narin ba magsuot ng barong tagalog at saya at pagsayaw ng ating katutubong sayaw?

Mag-aaral: Hindi pa po
Opo.

Guro: Tayo ba dito sa Pangaraycayan Pangaraycayan o sa Linapacan ay may katutubong sayaw o kasuotan?

Mag-aaral: Meron po
Opo.
Guro: Sa pamamagitan ng pagpapanatili at pagsasabuhay sa paggamit ng ating pambansang damit at pagsayaw ng ating katutubong sayaw ay
nagpapakita ng pagmamalasakit sa ating kultura bilang isang Pilipino. Kaya maging proud kayo o ipagmalaki nindo na indong lahi ay Pilipino, na
kamo ay kuyunon, Bisaya o Ilonggo.
GW T

Guro: Hahatiin ko sa dalawa ang inyong pangkat. Paki tignan po ang Guro: Bawat isa ay may iba’t ibang kaalaman, karunungan, kahusayan
likod ng inyong mga crown. Makakakita kamo sa likod y number. Ang at kaisipan kaya mayroon tayong pagkakataon na magbigay ng sariling
numbers 1,3,5,7,9 ay ang pangkat Cardiovascular System which those ideya /suhestiyon sa ating kapwa.
numbers are odd numbers at ang 2,4,6,8,10 ang pangkat Respiratory
System na categorize as even numbers. Naiintindihan po ba? Gawain: Pagbibigay ng Opinyon
Mag-aaral: Yes, po ma’am. Direksyon:

Guro: Ngayon sino ang mga pangkat Cardiovascular System?


Ang Respiratory System? 1. Bibigyan ko kayo ng pamaypay na gawa sa papel. Isulat ang
iyong pangalan sa unang tupi.
Mag-aaral: Kami po (All)
2. Kapag narinig ang musika, ipapasa ang iyong papel. Kapag
Guro: Ano nga po ang trabaho ng Cardiovascular System? Ang huminto ang musika, susulatan mo ang isang tupi ng papel
Respitory System sa ating katawan? na hawak mo ng iyong opinyon o ideya tungkol sa may – ari
ng papel.
Mag-aaral: Ang cardiovascular system ang dahilan kaya maayos ang
daloy ng dugo sa iba’t ibang parte ng ating katawan. 3. Ipapasang muli ang papel kapag tumugtog ang musika at
Ang respiratory system ang dahilan kung bakit tayo uulitin ang proseso nang tatlong beses hanggang masulatan
nakakahinga. ang bawat tiklop ng papel.

Guro: Mahusay ngayon simulan na natin ang ating group activity. 4. Kapag natapos ang musika, kokolektahin ko ang mga papel
Bibigyan ko lamang kayo ng 8 mins. (sasabihin ang mga paalaala) upang ibigay sa may – ari nito.

Panuto: Pagsusuri ng kasulatan mula sa Bibliya.

Pangkat Cardiovascular System: Kawikaan 11:24-25


Ang mga taong mapagbigay ay lalong yumayaman, ngunit ang mga
taong sakim ay hahantong sa kahirapan. Ang taong matagumpay sa
buhay; ang taong tumutulong ay tiyak na tutulungan.
(ipresenta ang gawain sa pamamagitan ng pagguhit)

Pangkat Respiratory System: Mateo 6:3-4


Sa halip, kapag nagmamalimos ka, huwag mon ang ipaalam ito sa
pinakamatalik mong kaibigan. Gawin mong lihim ang iyong paglilimos
at ang iyong Ama na nakakakita ng kabutihang ginagagawa mon ang
lihim ang siyang magbibigay ng gantimpala.
(Ipresenta ang gawain sa pamamagitan ng awit o chant)

Ilalahad ang Rubriks


IL
T IL

A. Ipabahagi ang natapos na gawain ng bawat grupo. Guro: Basahin ang isinulat ng iyong mga kaklase. Gamit ang graphic
Pangkat Cardiovascular System: Mcdo Clap organizer isulat kung paano ka inilarawan ng iyong mga kaklase.
Pangkat Respiratory System: Wow Clap Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na tanong sa ibaba nito.

B. Itanong:
1. Bakit mas yumayaman ang taong tumutulong o
nagmamalasakit sa kapwa?
Sagot:Yumayaman ang taong tumutulong o nagmamalasakit
sa kapwa dahil kinalulugdaan sila ng Diyos. Sabi nga kapag
magbibigay ka doble pa doon ang makukuha mong biyaya.
2. Kailangan bang ipagsigawan/ipaalam sa mga tao ang lahat
ng mga gianagawang pagmamalasakit sa kapwa?

Sagot: Hindi. Dahil ang Diyos lang ang dapat makaalam ng


mabubuti mong ginagawa sa kapwa mo. Mga Tanong:
3. Paano mo maipakikita na ikaw ay may malasakit sa iyong
kapwa? 1. Ano ang naramdaman mo nang mabasa ang hindi magagandang
Sagot: Sa pamamagitan ng pagbabahagi sa aking kapwa ng opinyon sa iyo ng iyong mga kaklase?
mga biyayang na natatanggap ko.
2. Paano mo tatanggapin ang negatibong opinyon ng iyong mga kamag-
aral?

3. Bakit mahalaga ang pakikinig at paggalang sa opinyon ng ibang tao?

Panuto: Gumuhit ng isang malaking puso, sa loob nito ay gumawa ng Guro: Hahatiin ko sa dalawa ang inyong pangkat. Paki tignan po ang
limang (5) pangako sa pagmamalasakit sa kapwa. likod ng inyong mga crown. Sa likod indong korona ay maydyang
carpentry tools. Kapag cutting tools o pangputol/hati kamo ay kay
Pangkat Lapu-Lapu at kapag hand tools or pamukpok kamo ay Pangkat
Ang Aking Pangako Magellan. Naintindihan ba?

Mag-aaral: Yes, po ma’am.


Guro: Ngayon, Kilala niyo ba si Lapu-Lapu at Magellan?

Mag-aaral: Opo. Si Lapu-Lapu ay isang Datu ng Mactan Cebu na


lumaban sa grupo ni Magellan.
Opo. Si Magellan ay isang eksplorer na Portuges na
naglayag para sa Espanya. Siya ang pinakaunang nakarating sa Pilipinas.

Guro: Magaling! Simulan na natin ang inyong pangkating gawain.


Bibigyan ko lamang kayo ng 8 mins. (sasabihin ang mga paalaala)

Panuto: Magsulat ng sanaysay tungkol sa sitwasyon at magpasya kung


ano ang iyong gagawin.

Pangkat Lapu-Lapu:

1. Sa kasalukuyan ay talamak na ang polusyon saan man dako, bilang


pagtugon dito ay ipinagbawal na sa karamihang lugar ang paggamit ng
iba’t-ibang uri ng plastik. Ano ang iyong gagawin o ano ang iyong
magiging saloobin?

2. Ang inyong Punong Barangay ay nagtatag ng isang ordinansa na


naglalayong lahat ng mga alagang hayop ay hindi na maaaring
magpakalat kalat sa inyong Barangay. Ano ang gagawin mo?

Pangkat Magellan:

1. Sa pagtatapos ng flag ceremony ay nag- anunsiyo ang inyong


punong-guro na tatanggalin na sa kantina lahat ng mga panindang hindi
masustansiya gaya ng junkfood, soft drinks at marami pang iba. Alam
mo sa sarili mo na ito ay ilan lamang sa mga paborito mang kinakain
tuwing recess. Ano ang gagawin mo?

2. Sa pagpupulong ng grupong sinalihan mo, hindi nila sinang-ayunan


ang opinyon mo sa isang bagay na pinaplano ng grupo, ano ang gagawin
mo?
G
Ilalahad ang Rubriks
Iuulat ng dalawang grupo ang kanilang ginawa.
Pangkat Lapu-Lapu: Angel Clap
Pangkat Magellan: Ang Galing Clap

A. 1,2,3…Go! Ipalaro ang Fact or Bluff sa mga bata.


B. Babasahin ko ang pahayag/sitwasyon. Pagkatapos ko sabihin ang 1,2,3 go ay tumayo sa tapat ng FACT kung tama ang pahayag/sitwasyon
at tumayo sa sa tapat ng BLUFF kung mali.
C. Ang mag-aaral na tama ang sagot ay patuloy na maglalaro at ang nagkamali ay tatanggalin sa laro. Ang mananalong bata ay ang
makakakuha ng 10 puntos o pinakamataas na puntos sa larong ito.

1. Ang taong gumagawa ng kabutihan sa kapwa ay hindi humihingi ng ka palit.


2. Ang pagpapakita ng kabutihan sa kapwa ay nagpapakita na ikaw ay mayaman.
3. Ang mga taong mayayaman lamang ang puwedeng tumulong sa mga taong nangangailangan ng tulong.
4. Masasabing tunay na kapwa ang taong nagbibigay ng tulong sa taong nasasaktan.
5. Ipapaubaya ang sariling kapakanan para sa kabutihan ng kapwa.
6. Tanggapin nang maluwag sa kalooban ang opinyon ng kapwa.
7. Huwag pakinggan ang opinyon/suhestiyon ng kapwa dahil ito ay makasisisra sa iyong buhay.
8. Ang mabuting lider ng isang Club ay tumatanggap at iginagalang ang suhestiyon ng mga kasama.
9. Pagtawanan ang suhestiyon/opinyon ng kamag-aral sa klase.
10. Sundin lahat ng maling opinyon/suhestiyon ng kapwa.
A Guro: Paano ninyo naipakikita ang inyong paggalang at pagmamalasakit sa inyong kapwa?
VE
Mag-aaral: Sa pamamagitan ng pagtulong sa nangangailangan
Pagmamahal at pagrerespeto sa ating kapwa.

Guro: Ang pagmamalasakit at paggalang sa kapwa ay nagpapakita na iniibig natin ang Diyos at ang ating kapwa. Ito ay nagdudulot sa kapaligiran
ng katiwasayan, katahimikan, at kaayusan sa pamayanan at higit sa lahat ay nagbibigay ng kagaanan ng ating kalooban. Nagpapasalamat ako na
naiintindihan ninyo ang mga bagay na ito at hinihiling ko sa inyong lahat na isabuhay ang ganitong gawain.

A. Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang pangungusap ay Panuto: Isulat ang TAMA kung ang diwa ng pangungusap ay wasto at
naglalahad ng wastong kaisipan at malugkot na mukha naman
MALI naman kung hindi.
kung hindi.

________1. Si Juan ay nakakita ng isang batang dukha. Binigyan niya _________ 1. Ang hindi pagsang-ayon nag hindi nailalahad ang mga
ito ng makakain at mga damit na hindi na niya ginagamit. dahilan ay nagpapakita ng paggalang sa suhestiyon ng iba.
_________ 2. Kailangang isaisip na hindi lahat ng tao ay magkakatulad
________2. Nakakita si Pedro ng isang sugatang lalaki. Pinanood niya
lamang ito at nagpatuloy sa paglalakad. ng suhestiyon o opinyon.
________3. Gumuho ang bahay ng iyong kapitbahay dahil sa malakas _________ 3. Isa sa mga hakbang upang igalang ang opinyon ng iyong
kapwa ay ang pag-unawa nang mabuti sa kanyang layunin.
na ulan. Wala silang matitirhan kaya tinawag mo sila at pinatulog sa
inyong bahay kahit masikip ito. _________ 4. Nagpapakita ng paggalang ang hindi pagtingin sa kausap
________4. May kapitbahay kang hirap sa buhay at maysakit ang habang ikaw ay naglalahad ng iyong saloobin tungkol sa iyong mga
suhestiyon.
kanyang anak. Nangangailangan siya ng tulang upang ipambili ng gamot
_________ 5. Upang mabigyang linaw sa isang suhestiyon, maaring
kaya’t siya ay nanghiram ng pera. Pinahiraman mo siya na mabigat sa
iyong kalooban. magtanong ng mga detalye sa gumawa nito.
________5. Nakakita ka ng isang matanda na may bitbit na sako ng _________ 6. Hindi mo responsibilidad ang pagbigay ng suhestiyon sa
iba.
kamote. Nagmamadali ka dahil mahuhuli ka sa klase ngunit tinulungan
_________ 7. Ang paggalang sa suhestiyon ng iba ay nababatay sa
mo ang matanda dahil nabibigatan siya.
katayuan sa buhay.
B. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI kung _________ 8. Ang paggalang sa suhestiyon ay nakabase sa kung sino
mali. ang kaharap mo.
_________9. Mahirap tanggapin ang suhestiyon ng kapwa.
________1. Umuunlad ang taong tikom ang kamay at naghihgirap ang ________10. Sa pagbibigay ng suhestiyon, dapat ay may malasakit at
taong nagmamalasakit sa kapwa. pagmamahal ka sa iyong kapwa.
________2. Ipaubaya ang sariling kapakanan para sa kabutihan ng
kapwa.
________3. Ipaalam sa kapwa ang nagawang kabutihan sa kapwa.
________4. Ipamigay sa mga nangangailangan ang hindi ginagamit na
mga damit.
________5. Ang pagmamalasakit sa kapwa ay nakagagaan ng kalooban.

Mga Tala

Prepared by: Checked by:

MIKEE M. RODRIGUEZ SCARLIT M. BUELOS


Teacher I Teacher-In-Charge

You might also like