You are on page 1of 27

MALIGAYANG

ARAW!
MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA
PAGSASAGAWA NG MGA KULTURA,
TRADISYON, AT KAUGALIANG
PILIPINO NG MGA MAG-AARAL NG
BATANGAS EASTERN COLLEGES
PANIMULA
Ang mga Pilipino ay kilala sa kanilang mga tradisyon, kultura, at kaugalian dahil ito ay
sumasalamin bilang ating pagkakakilanlan. Bilang isang Pilipino, ang bawat pamilya ay
mayroong mga kaugalian at paniniwala na hindi natin maiitanggi dahil bahagi na ito ng ating
buhay bilang mga Pilipino.

Maraming mga pagbabago sa mga tao dulot ng makabagong panahon, halos lahat ay
takot na maiwan at manatili bilang isang kasaysayan kung kaya sila ay umiiwas sa mga dati
na nating nakasanayan. Sa kabilang banda, ang mga Pilipino ay likas pa ring makabayan
sapagkat nagagawan pa rin nila ng paraan ang pagpapanatili sa kasaysayan at maging
kahalagahan ng ating mga iniingatang kultura, tradisyon at mga kaugalian. Marahil ay
napapa angat muli natin ang mga kasanayang ito dahil na rin sa ating pinagmulang pamilya,
maaari ring dahil sa ating mga nagiging kaibigan, o kaya naman ay ng dahil sa makabagong
teknolohiya.
RASYONAL
Ang pananaliksik na ito ay nagnanais na magkaroon ng panibagong kaalaman ukol sa

mga Salik na Nakakaapekto sa Pagsasagawa ng mga Kultura, Tradisyon at mga

Kaugaliang Pilipino ng mga Mag-aaral ng Batangas Eastern Colleges. Sa pananaliksik na

ito, malaki ang kagampanan ng mga estudyante o mag-aaral ng Batangas Eastern Colleges

na nasa ika-labing isa at ika-labing dalawang baitang dahil sila ang tumatayong

tagapagpahayag ng kanilang mga saloobin o opinyon tungkol sa usaping ito. Dito

malalaman at matutunghayan ang mga salik na nakakaapekto sa pagsasagawa ng mga

kultura, tradisyon at kaugaliang Pilipino. Sa pamamagitan nito ay mas lalo nating

mapapalawak ang ating isipan at mas lalo pa nating mapapaghusay ang pagtuklas sa

usaping ito.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong sagutin ang mga katanungan tungkol sa “Mga Salik na Nakakaapekto sa
Pagsasagawa ng mga Kultura, Tradisyon, at mga Kaugaliang Pilipino ng mga Mag-aaraal ng Batangas Eastern
Colleges”

Ang mga sumusunod na tanong ay kailangang sagutin at lutasin:

1. Paano nakakapekto ang mga sumusunod na salik upang mas bigyang pansin ang Kultura, Tradisyon at
Kaugaliang Pilipino?

1.1Pamilya

1.2Impluwensya ng Kaibigan

1.3Makabagong Teknolohiya

2. Alin sa mga salik ng ito ang higit na nakakaimpluwensya sa pagsasagawa ng mga Kultura, Tradisyon at mga
Kaugaliang Pilipino?

3. Ano ang mga epekto sa buhay ng mga Pilipino ng pagsasagawa ng mga kultura, tradisyon at kaugaliang Pilipino.
RESULT
A
1. Paano nakakaapekto ang mga sumusunod na salik upang mas bigyang pansinang Kultura,
Tradisyon at Kaugaliang Pilipino?
Sa bahaging ito, nakalahad ang mga datos tungkol sa mga salik na nakakaapekto upang mas
bigyang pansin ang Kultura, Tradisyon at Kaugaliang Pilipino.
Talahanayan 1.1
1.1 Pamilya Weighted Berbal na Interpretasyon Ranggo
Mean
1. Likas na sa aming pamilya ang pagdiriwang ng mga okasyon tulad ng   Lubos na Sumasang-ayon 1
pasko, bagong-taon at piyesta bilang parte ng ating tradisyon. 3.77
2. Dahil sa aking pamilya mas nahihikayat akong makiisa sa mga pagdiriwang 3.53 Lubos na Sumasang-ayon 5
na isinasagawa sa aming lugar bilang tanda ng pagkakakilanlan bilang isang
Pilipino.
3. Dahil sa aking pamilya mas naiintindihan ko ang kahalagahan ng 3.57 Lubos na Sumasang-ayon 4
pagsasagawa ng mga tradisyon, kultura at kaugaliang Pilipino na mayroon
tayo.
4. Dahil sa aking pamilya natutunan ko ang pagsunod sa mga paniniwala at 3.60 Lubos na Sumasang-ayon 2.5
pamahiin bilang bahagi ng ating kultura at kaugalian.
5. Dahil sa aking pamilya mas binibigyan ko ng pansin at halaga ang 3.60 Lubos na Sumasang-ayon 2.5
pagsasagawa ng mga kultura, tradisyon at kaugaliang Pilipino.
Composite Mean 3.61 Lubos na Sumasang-ayon
Nangunguna ang pahayag na “Likas na sa aming pamilya ang pagdiriwang ng mga
okasyon tulad ng pasko, bagong-taon at piyesta bilang parte ng ating tradisyon”
bilang impluwensya ng pamilya sa pagsasagawa ng mga tradisyong Pilipino.

Lahat ng aytem sa bahaging ito ay nakakuha ng berbal na interpretasyo na “


Lubos na Sumasang-ayon”
Talahanayan 1.2

1.2 Impluwensya ng Kaibigan Weighted Berbal na Interpretasyon Ranggo


Mean

1. Ginagaya ko ang mga kinagisnang kaugalian at mga paniniwala ng aking 2.80 Sumasang-ayon 5
mga kaibigan.

2. Nakikiisa ako sa mga pagdiriwang na ginagawa ng aking mga kaibigan 3.27 Lubos na Sumasang-ayon 3
bilang tanda ng aking pagrespeto sa kanilang mga tradisyon.

3. Nahihikayat akong makisali at makiisa sa nakasanayang tradisyon ng aking 3.30 Lubos na Sumasang-ayon 1.5
mga kaibigan.

4. Dahil sa aking mga kaibigan natutunan ko ang kahalagahan ng 3.23   4


pagsasagawa ng mga kultura, tradisyon at kaugaliang Pilipino. Sumasang-ayon

5. Dahil sa aking mga kaibigan nagiging pamilyar ako sa mga bagay na may 3.30 Lubos na Sumasang-ayon 1.5
kinalaman sa pagpapa-angat ng antas ng aking kaalaman tungkol sa kultura,
tradisyon at kaugaliang Pilipino.

Composite Mean 3.18 Sumasang-ayon


Nangunguna ang mga pahayag na “Nahihikayat akong makisali at makiisa sa nakasanayang
tradisyon ng aking mga kaibigan” at “Dahil sa aking mga kaibigan nagiging pamilyar ako sa mga
bagay na may kinalaman sa pagpapa-angat ng antas ng aking kaalaman tungkol sa kultura, tradisyon
at kaugaliang Pilipino” bilang dahilan ng impluwensya ng kaibigan sa pagsasagawa ng mga kultura,
tradisyon at kaugaliang Pilipino ng mga mag-aaral.

Ang talahanayang ito ay nakakuha ng composite mean na may kabuuang 3.18 at may berbal na
interpretasyong sumasang-ayon.
Talahanayan 1.3

1.3 Makabagong Teknolohiya Weighted Berbal na Ranggo


Mean Interprtetasyon
1. Dahil sa teknolohiya mas naging aktibo ako sa pagsasagawa ng mga kultura,
tradisyon at kaugaliang Pilipino. 3.20 Sumasang-ayon 4.5

2. Dahil sa teknolohiya nakapangangalap ako ng mga impormasyong


nakatutulong sa akin upang mas pahalagahan ang ating mga nakasanayan. 3.47 Lubos na sumasang- 1
ayon
3. Dahil sa social media nahihikayat akong bigyang pansin ang pagsasagawa ng
ating mga kultura, tradisyon at mga kaugalian. 3.43 Lubos na Sumasang- 2
ayon
4. Dahil sa impluwensya ng teknolohiya mas nagiging epektibo at madali para sa
akin ang pagsabay sa makabagong pamamaraan ng pagpapakilala ng ating 3.33 Lubos na Sumasang- 3
mga kinagisnang kultura. ayon

5. Dahil sa makabagong teknolohiya naeengganyo akong makiisa sa


pagsasagawa ng mga kaugaliang Pilipino na namana pa sa atin ng ating mga 3.20 Sumasang-ayon 4.5
ninuno tulad ng paniniwala sa mga pamahiin at mga kasabihan.
Composite Mean 3.33 Lubos na Sumasang-
ayon
Nangunguna ang pahayag na “Dahil sa teknolohiya nakapangangalap ako ng mga impormasyong
nakatutulong sa akin upang mas pahalagahan ang ating mga nakasanayan” bilang bunga ng
impluwenysa ng makabagong teknolohiya sa pagsasabuhay ng mga kultura, tradisyon at kaugaliang
Pilipino.

Ang talahanayan na ito ay nakapagtala ng composite mean na 3.33 na may berbal na interpretasyong
“ Lubos na Sumasang-ayon”.
2. Alin sa mga salik na ito ang higit na nakakaimpluwensya sa pagsasagawa ng mga
Kultura, Tradisyon at mga Kaugaliang Pilipino?

Ipinapakita sa talahanayan 1.1, 1.2 at 1.3 ang malalim na pagsusuri ng datos tungkol sa
mga salik na nakakaapekto sa pagsasagawa ng kultura, tradisyon at kaugaliang Pilipino. Ang
salik na nakakuha ng pinakamataas na general weighted mean na may kabuuang 3.61 at may
descriptive rating na lubos na sumasang-ayon ay ang salik na pamilya.

Lumalabas sa bahaging ito na ang salik na higit na nakakaimpluwensya sa pgsasagawa


ng mga kultura, tradisyon at kaugaliang Pilipino ay ang salik na Pamilya.
3. Ano ang mga epekto sa buhay ng mga Pilipino ng pagsasagawa ng mga kultura, tradisyon at kaugaliang pilipino?
Sa bahaging ito, nakalahad ang mga datos na may kinalaman sa epekto ng pagsasagawa ng mga Kultura, Tradisyon at
mga Kaugalian sa buhay ng mga Pilipino.
Talahanayan 2
Epekto sa buhay ng mga Pilipino ng pagsasagawa ng mga kultura, tradisyon at Weighted Berbal na Ranggo
kaugaliang pilipino Mean Interpretasyon
1. Nakatutulong ito upang muling ipakilala sa mga tao ang kahalagahan ng ating
kultura, tradisyon at mga kaugalian. 3.73 Lubos na Sumasang- 2.5
ayon
2. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga kultura, tradisyon at kaugaliang Pilipino
nalalaman ng mga tao ang mabuting naidudulot nito sa ating pamumuhay bilang 3.70 Lubos na Sumaang- 4
isang Pilipino. ayon

3. Nakapagbibigay-aliw ito sa mga tao at nagiging inspirasyon upang ipagpatuloy ang


mga kaugaliang ito. 3.67 Lubos na Sumasang- 5
ayon
4. Ito ay magsisilbing gabay sa mga Pilipino at magbubuklod sa atin sa kabila ng ating
pagkakaiba-iba. 3.77 Lubos na Sumasang- 1
ayon
5. Mapaangat nito ang antas ng pag-iisip ng mga Pilipino tungkol sa mga kultura,
tradisyon at kaugaliang ating patuloy na binubuhay. 3.73 Lubos na Sumasang- 2.5
ayon
Composite Mean 3.72 Lubos na Sumasang-
ayon
Sa bahaging ito ay nangunguna ang pahayag na “Ito ay magsisilbing gabay sa mga Pilipino at magbubuklod
sa atin sa kabila ng ating pagkakaiba-iba” bilang epekto ng pagsasagawa ng mga kultuira, tradisyon at
kaugalian sa buhay ng mga Pilipino.

Lahat ng pahayag sa bahaging ito ay nakakuha ng berbal na interpretasyong “ Lubos na Sumasang-aayon”.


PAGLALAGOM,
KONKLUSYON AT
REKOMENDASYON
PAGLALAGOM
• Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pag-aaral na naglalayong alamin ang mga
salik na nakakaapekto sa pagsasagawa ng mga kultura, tradisyon at kaugaliang
Pilipino ng mga mag-aaral ng Batangas Eastern Colleges. Inalam din sa papel na ito
ang mabuting epekto ng pagsasagawa ng mga ito sa buhay ng mga Pilipino. Ang pag-
aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga mag-aaral sa senior high school department
ng Batangas Eastern Colleges. Ang disenyong ginamit sa pananaliksik na ito ay ang
disenyong kuwantitatibo. Dito, ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga
estadistikong pamantayan sa pagsasagawa ng pag-aaral. Ang paraang ginamit sa
pagpili ng mga respondente ay ang simple random sampling, na kung saan ay
malayang pumili ang mga mananaliksik ng mga respondente sa kanilang target na
populasyon. Ang mga talatanungan ay ipinamahagi gamit ang google forms. Ito ang
napagpasyahan ng mga mananaliksik dahil ito ang naisip na pinakamabisang paraan sa
pagbabahagi ng mga talatanungan sa panahon ng pandemya. Ang pag-aaral na ito ay
isinagawa sa taong- akademiko 2020-2021.
KINALABASAN NG PAG-AARAL
• Ang mga mag-aaral ay nagbahagi ng mga pananaw ukol sa salik na nakakaapekto sa
pagsasagawa ng kultura, tradisyon at kaugaliang Pilipino. Ang mga salik tulad ng pamilya,
impluwesya ng kaibigan at makabagong teknolohiya ay may kaniya-kaniyang mga epekto
upang patuloy na buhayin ng mga Pilipino ang ating mga kultura, tradisyon at mga
kaugalian. Base sa mga naging tugon ng mga respondent ukol sa mga pahayag na may
kinalaman sa pamilya sila ay patuloy pa ring naaapektuhan ng kanilang sariling pamilya
upang ipagpatuloy ang mga nakasanayan na nilang tradisyon at mga kaugalian na parte na
ng kanilang pamumuhay. Sa kabilang banda, ang salik naman na impluwensya ng
kaibigan ay nakatutulong sa mga mag-aaral upang ipagpatuloy ang mga nakasanayan na
nilang kultura at tradisyon at nagiging instrumento ang kanilang mga kaibigan upang
mahikayat sila na makiisa sa pagsasagawa ng mga umiiral na tradisyon sa kanilang lugar.
Ang salik naman na makabagong teknolohiya ay nakatutulong rin sa mga mag-aaral
upang makapangalap ng mga impormasyon na makatutulong upang pahalagahan ang mga
nakasanayan ng kultura, tradisyon at kaugaliang Pilipino ng mga mag-aaral.
KINALABASAN NG PAG-AARAL
• Natukoy sa pananaliksik kung alin sa mga salik na ito ang pinaka-
nakakaapekto sa pagsasagawa ng kultura, tradisyon at kulturang
Pilipino. Nagbigay ng pinakamataas na composite mean na may
kabuuang 3.61 at interpretasyong lubos na sumasang-ayon ang
salik na pamilya. Napatunayan dito na ang pamilya pa rin ang
pinaka-nakakaapekto kung bakit patuloy na isinasagawa ng mga
mag-aaral ang mga kultura, tradisyon at kaugalian na mayroon
tayo sa kasalukuyang panahon. Ang pamilya din ang nagsisilbing
gabay sa pagpapalawak ng kaaalaman ng mga mag-aaral tungkol
sa kahalagahan ng pagsasagawa ng mga kasanayang ito sa
pamumubay ng mga Plipino.
KINALABASAN NG PAG-AARAL
• May iba’t-ibang epekto sa buhay ng mga Plipino ang pagsasagawa ng
mga kultura, tradisyon at kaugaliang Pilipino, ito ay nakatutulong
upang ipakilala muli sa mga tao ang kahalagahan ng ating mga
kasanayan pagdating sa pagsasagawa ng mga kultura, tradisyon at mga
kaugalian. Sa pamamagitan rin nito ay nalalaman ng mga tao ang
mabuting naidudulot nito sa pamumuhay ng bawat Pilipino, mayroon
ring mga pagkakataon na nakapagbibigay ng kasiyahan sa mga tao ang
pagsasagawa ng mga ito at nakakatulong upang maibsan ang kanilang
mga pinagdadaanan sa buhay at ang higit pa sa lahat ng epekto nito sa
buhay ng mga Pilipino ay ito ay nagsisilbing gabay ng mga Pilipino
upang magbuklod-buklod sa kabila ng ating mga pagkakaiba.
KONKLUSYON
• Sa pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik tungkol sa
mga salik na nakakaapekto sa pagsasagawa ng mga kultura,
tradisyon at kaugaliang Pilipino ng mga mga mag-aaral ng
Batangas Eastern Colleges, nangalap ang mga mananaliksik ng
impormasyon hinggil dito sa pamamagitan ng pagsusurbey sa
mga respondente. Ang mga talatanungan ay ipinamahagi sa
tatlumpung (30) respondente na mag-aaral sa Batangas Eastern
Colleges. Ang mga nakalap na impormasyon mula sa mga
respondente ay naghatid sa mga mananaliksik ng angkop na
kasagutan sa kanilang pananaliksik na isinagawa.
KONKLUSYON
1. Nakakaapekto ang mga salik na pamilya, impluwensya ng kaibigan at
makabagong teknolohiya sa pagsasagawa ng mga kultura, tradisyon at kaugaliang
Pilipino sa mga mag-aaral ng Batangas Eastern Colleges. Ang pamilya ay may
malaking impluwensya dahil likas na sa pamilya ng mga respondent ang
pagdiriwang ng mga okasyon ulad ng pasko, bagong-taon at piyesta bilang parte
ng kanilang tradisyon sa buhay. Samantalang ang impluwensya naman ng
kaibigan ay nakakaapekto sa mga respondente dahil nahihikayat silang makisali at
makiisa sa nakasanayan ng tradisyon ng kanilang mga kaibigan at dahil sa
impluwensya ng kaibigan ay nagiging pamilyar sila sa mga bagay na may
kinalaman sa pagpapa-angat ng antas ng kanilang kaalaman tungkol sa kultura,
tradisyon at kaugaliang Pilipino. Ang huling salik naman na makabagong
teknolohiya ay nakatutulong rin upang makapangalap ng mga impormasyon
upang mapahalagahan ang mga nakasanayan nang gawain ng mga Pilipino.
KONKLUSYON
2. Ang salik na higit na nakakaimpluwensya sa pagsasagawa
ng mga kultura, tradisyon at kaugaliang Pilipino ay ang
pamilya. Ipinapakita ng pananaliksik na ito ang makabuluhang
impluwensya ng pamilya sa mga mag-aaral upang patuloy na
buhayin at isagawa ng mga ito ang mga tradisyon na mayroon
ang ating bansa, mga kultura na pilit binubuhay at mga
kaugaliang sumisimbulo sa ating pagka-pilipino.
KONKLUSYON
3. Natuklasan sa pananaliksik na ito ang epekto ng pagsasagawa ng
mga kultura, tradisyon at kaugalian sa buhay ng mga Pilipino. Ang
nasabing mga kasanayan ay nagsisilbing gabay sa mga Pilipino at
nagbubuklod sa atin sa kabila ng pagkakaiba-iba ng pangkat na ating
pinagmulan. Ang magandang epektong ito ay magagamit upang
maiugnay an gating mga sarili sa mga gawaing pangpamayanan na
mag-aangat sa antas ng ating pagka-Pilipino at magiging basehan ng
ating pagkakakilanlan. Bilang karagdagan, ito ay makatutulong rin
upang mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa mga
epekto ng pagsasagawa ng kultura, tradisyon at kaugaliang Pilipino
at magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao.
REKOMENDASYON
1. Nararapat na bigyang pansin ng institusyon ang pagpapatupad
ng pagtuturo ng kahalagahan ng pagsasagawa ng mga kultura,
tradisyon, at kaugaliang Pilipino sa mga paaralan upang mas
umangat ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral.
2. Nararapat na bigyang-pansin ang pag iimpluwensya ng
pamilya sa kanilang mga anak upang mas higit na maunawaan
ang mga kultura, tradisyon at kaugaliang Pilipino.
3. Ang paaralang Batangas Eastern Colleges ay nararapat na
magkaroon ng pag-aaral na pumapatungkol sa ating
kinagawiang mga kultura, tradisyon, at kaugaliang Pilipino.
REKOMENDASYON
4. Ang mga mag-aaral ng paaralang Batangas Eastern Colleges ay
nararapat na huwag ipagsawalang bahala ang ganitong usapin lalo
na at ito ay malaking parte ng ating pagkatao.
5. Nararapat na magsagawa pa ang mga susunod na mananaliksik ng
mas malawak na pananaliksik na pumapatungkol sa mga salik na
nakakaapekto sa kultura, tradisyon, at kaugaliang Pilipino.
6. Hinihikayat ng mga mananaliksik na magbasa, manood, at makinig
ang mga mag-aaral ng mga impormasyon na pumapatungkol sa
usaping kultura, tradisyon, at kaugaliang Pilipino. Sapagkat
makakatulong ito upang mas mabigyang-linaw pa ang paksang ito.
MARAMING SALAMAT PO!
INIHANDA NG PANGKAT 2
KARL MARX

Carandang, Gene Alfon P.


Flores, Justin G.
Pera, Aira Cherise B.
Sebuc, Cyrine V.
Tejada, Angel Joseph N.

You might also like