You are on page 1of 2

Grade 3/ Araling Panlipunan, SY 2020-2021

Dates and Week # Peb22-26, 21, week no. Inihanda ni: Bb. Jesica L. Decalan

Mga Kultura at Kaugaliang Pilipinong Nananatili


sa Aming Lalawigan at Rehiyon
Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
• Naibibigay ang kahulugan ng kultura
• Nailalarawan ang pagkakakilanlang kultura ng kinabibilangang lalawigan at rehiyon
• Naihahambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga kaugalian, paniniwala, at tradisyon sa
sariling lalawigan
• Affective Objective: Integrity - Sa kabila ng pagkakaiba ng mga pagkakaiba sa mga
kinagisnang kultura at kaugalian maging grupong kinagisana ang mga tao ay nanatili paring
buo o hindi watak-watak. Ito rin ay tumutukoy sa paggalang sa kinagisnang kultura at
kaugalian ng isang tao.

Paraan ng Pagkatuto:

Synchronous

Oras:

Synchronous–inaasahang ang nasabing talakayan sa pamamagitan ng video conferencing ay tatagal ng


hindi lalagpas sa 30 minuto
Asynchronous – inaasahan ng guro na matatapos ng mga mag-aaral ang mga learning kit sa loob ng 3-
4 na araw

Kagamitan at Sanggunian:

• Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 3 -Ikalawang Edisyon (Pahina 269-284)


• Link: https://www.google.com/search?
q=mga+magagandang+kaugalian+ng+pilipino&sxsrf=ALeKk03A2pLvp-
BA1l22hxftovy4MlXEVA
%3A1616730606551&source=hp&ei=7lldYNy7HpKxmAWHnouQAg&iflsig=AINFCbYAAAAAY
F1n_hSS9-

Procedure

I. Prelection

Sisimulan ang klase sa isang dasal bilang paghingi ng gabay sa talakayan. Susundan ito ng pagbati sa
mga mag-aaral, pag-awit ng mga awitin na may kinalaman sa talakayan at kaunting ehersisyo,
gayundin ang pagsusuri kung ang kanilang mikropono at kamera ay gumagana at ang pinakahuli ang
pagpapaalala sa mga mag-aaral na makibahagi sa talakayan.
Grade 3/ Araling Panlipunan, SY 2020-2021
Dates and Week # Peb22-26, 21, week no. Inihanda ni: Bb. Jesica L. Decalan
II. Lesson Proper

A. Prior Knowledge Check

Synchronous: Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral patungkol sa mga kultura at magagandang kaugaliang
Pilipino na maaaring alam nila.

B. Lesson Input/Study Guide

Ang nasabing aralin ay maaaring makita o malaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng


“synchronous” na pamamaraan. Babasahin muna ng guro ang kahulugan ng kultura at ipapaliwanag
ito sa mga mag-aaral. Ipapaliwanag rin ng guro kung ano ang kaibahan ng kultura, kaugalian at
tradisyon. Tatalakayin ng guro ang kulturang Pilipino: Ang mga mabubuting kultura, kaugalian at
pagpapahalagang Pilipinong nakakatulong sa ating pag-unlad maging ang mga negatibong kaugaliang
Pilipino na nakahahadlang sa ating pag-unlad at kung bakit natin itong iwasan.

Aklat:Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 3 (Ikalawang Edisyon) Pahina 269-284

Link: https://www.google.com/search?q=mga+magagandang+kaugalian+ng+pilipino&sxsrf=ALeKk03A2pLvp-
BA1l22hxftovy4MlXEVA
%3A1616730606551&source=hp&ei=7lldYNy7HpKxmAWHnouQAg&iflsig=AINFCbYAAAAAYF1n_hSS9-

III. Evaluation
• Pagsagot sa mga gabay na tanong (20 puntos)
1. Ano ang kultura?
2. Bakit mahalagang mapanatili natin ang mga mabubuting kultura at kaugaliang Pilipino?
3. Anu-ano ang mga mabubuting kaugaliang Pilipino ang magpapakilala sa iyong pagka-pilipino?
4. Ano-ano ang mga negatibong kaugaliang nakakahadlang sa ating pag-unlad.
5. Bakit dapat iwasan ang mga ugaling nakakahahadlang sa ating pag-unlad?

Pamantayan:
4 – Nasagutan ng mag-aaral ang katanungan ng tama at kumpleto. Ang mag-aaral ay nagpakita ng aplikasyon
ng kanyang natutunan sa pagsagot sa mga tanong
3 – Ang mag-aaral ay sinagot ang katanungan gamit ang kanyang mga natutunan sa aralin. Subalit, hindi
gumamit ng mga salita na maaaring makapagbigay ng kaugnayan sa naturang aralin
2 – Ang mag-aaral ay sinubukan na sagutin ang tanong subalit hindi nagpakita ng pagkaunawa sa aralin
1 – Ang mag-aaral ay nagsabi na hindi niya kayang sagutin ang tanong.

IV. Synthesis
Ang kultura ay paraan ng pamumuhay ng mga tao. Tayong mga Pilipino ay nagtataglay ng iba’t-
ibang mabubuting kaugalian at kulturang nagpapakilala sa ating pagka-pilipino na nakatutulong sa
ating pag-unlad. Subalit, may mga negatibong kaugalian rin tayong tinataglay na dapat iwasan dahil ang
mga ito ay nakakahadlang sa ating pag-unlad.

You might also like