You are on page 1of 21

3

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Nakikilala Kami sa Aming Kultura
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Nakikilala Kami sa Aming Kultura
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ime Joy O. Tabay

Editor: Pamela L. Edisane, Riva P. Palma, Grace C. Sapini

Tagasuri: : Archie E. Año, Maricel M. Jamero, Edgardo D. Pamugas III

Tagaguhit: Cris A. Aquino, Aiza Lou A. Bernaldez, Cherie Mae A. Caduyac,


Eduardo Jr. A. Eroy, Jules Bernard G. Guinita, Marvin P. Linogao,
Edieson John C. Mag-aso, Sharon C. Marimon, Ryan R. Padillos, Nylle
Ernand D. Silayan

Tagalapat: Alpha Amor G. Manglicmot, Patrick John P. Presores

Tagapamahala: Allan G. Farnazo Neloson C. Lopez


Mary Jeanne B. Aldeguer Cheerylyn A. Cometa
Analiza C. Almazan Christopher P. Felipe
Danilo R. Dohinog Liza Leonora D. Dacillo
Ma. Cielo D. Estrada Alicia I. Ayuste

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City


Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
3

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Nakikilala Kami sa Aming Kultura
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa
tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila
upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat
ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong
mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang
SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan.
Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad
sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Ang ating rehiyon ay kilala sa iba’t ibang kultura. Sa araling


ito ay pag-aaralan natin ang iba’t ibang kultura ng ating rehiyon
na kung saan dito tayo kilala.

Sa araling ito, inaasahang:

1. Nailalarawan ang pagkakakilanlang kultural ng


kinabibilangang rehiyon (AP3PKR- IIIb-c-3);
2. naitatala ang kilalang kultura sa ating sariling lalawigan at
rehiyon; at
3. napahahalagahan ang bawat kultura ng ating lalawigan
at rehiyon.

1
Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang


papel.

1. Sino ang tanyag na eskultor na gumawa sa mga


naglalakihang eskultora sa People’s Park?
A. Alexander Calder
B. Constantin Brancusi
C. Fernando Botero
D. Kublai Millan
2. Kilala ang Mandaya sa paghahabi, ano ang tawag sa telang
kanilang ginagamit?
A. Dagmay
B. Koton
C. Naylon
D. Seda
3. Ang Davao ay nagdiriwang taon-taon ng ________________.
A. Bulawan Festival
B. Gaginaway Festival
C. Kadayawan Festival
D. Kadig’aran Festival
4. Ano ang kilalang pagkaing prutas sa Davao City?
A. Durian
B. Lansones
C. Rambotan
D. Saging
5. Ano ang kilalang produkto ng rehiyon?
A. Isda
B. Marang
C. Niyog
D. Saging

2
Aralin
Nakikilala Kami Sa Aming
1 Kultura
Ang Davao Region ay may iba’t ibang kaugalian, tradisyon,
at pagkain. Maliban pa riyan, maipagmamalaki rin natin ang
ating sining, produkto, katangian, at mga pagdiriwang. Maraming
turista ang dumadagsa sa rehiyon makita lamang ang ating
pagdiriwang, matikman ang mga pagkain, at makisalamuha sa
mga tao.

Balikan

Sa nakaraang aralin, marami ka nang natutuhan tungkol sa


kultura ng iyong lalawigan at rehiyon. Nagkaroon ka na rin ng
dagdag na mga impormasyon tungkol sa mga sining, wika,
pagdiriwang, makasaysayang lugar, at iba pang kultura na
nagpakikilala sa iyong lalawigan at rehiyon.

Tuklasin

Panuto: Basahin ang mga nakasulat sa ibaba.

Ang Ating Kultura


Kilala ang ating rehiyon sa iba’t ibang pangkat-etniko na
kung saan ibinibida tuwing buwan ng Agosto ng taon sa
pagdiriwang ng mga Dabawenyo ng Kadayawan Festival.

3
Kadayawan Festival ng Davao City
Ang Kadayawan Festival sa
Davao City ay ang pagtitipon ng
mga kinatawan ng iba’t ibang
pangkat-etnikong katutubo katulad
ng Ata, Matigsalog, Uvu-Manuvo,
Tagabawa, at Klata-Guiangan.
Gayundin ng mga pangkat-
etnikong Moro katulad ng Kagan,
Iranun, Maguindanao, Maranao,
Sama, at Tausug. Maraming
mamamayan ng lungsod at turista
ang dumarayo upang
masaksihan ang mayaman at makahulugang
kultura ng mga katutubo ng Davao.

Paghahabi ng Mandaya

Photo Credits: Davao Tribal Culture

4
Ang mandaya ay nangangahulugang “the first people in
upstream” . Sila ay nakikita sa Probinsya ng Davao Oriental.
Pinaniniwalaan na ang paghahabi ng dagmay ay banal at
kailangan nila na magdasal bago maghabi.
Ang tawag sa tela na hinahabi ng mga Mandaya ay
dagmay. Ang tanging makakapaghabi lamang sa kanila ay ang
mga babaeng taga-tribu batay sa kanilang panaginip.

Kaugalian ng mga Mansaka


Tayo ay maraming mga kaugalian tulad nalang ng
kaugalian ng mga Mansaka sa pagbubuklod ng kanilang pamilya
ay gumagamit ng iba’t ibang katawagan tulad ng:
Ama - father
Ina - mother
Anakun - niece o nephew
Arrayon – parents o relatives
Babo – aunt
Igagaw – cousin
Bana – husband
Asawa – wife
Kimod – bunsong anak
Bayaw at Hipag – sister in law
Ilan lamang ito sa mga paniniwala at kaugalian ng ating
rehiyon.

Wikang Cebuano
Maraming salita ang ginagamit ng mga Dabawenyo tulad
na lamang ng Cebuano, Tagalog, Ilokano, at Ilonggo na kilala sa
ating rehiyon. Ang wikang Cebuano ang mas higit na kilala
sapagkat karamihan sa ating rehiyon ay ito ang ginagamit sa
pagsasalita.

5
Pamamanhikan o Panunuyo sa Kasal
Maraming mga paniniwala ang ating rehiyon isa narito ang
Pamamanhikan o panunuyo sa kasal.
May apat na bahagi ang kasal o panunuyo para sa kanila:
1. PAKASAYOD- sa bahaging ito ay binibisita ng mga magulang
ng lalaki ang babaeng mapapangasawa ng
kanilang anak upang makilala.
2. PAMUKU- muling magkikita ang pamilya ng magkabilang panig
upang pag-usapan ang halaga ng dore.
3. PAGTAWAN- ang lalaki ay maninilbihan na sa mga magulang
ng babae.
4. KASAMONGAN- magpapasya na ang mga magulang tungkol
sa kasal. Kung payag na ang magkabilang
panig, itatakda na ang araw ng kasal at
paghahandaan ito.

Hospitable
Ang pagiging hospitable o
pagiging magiliw sa mga bisita
ang isa sa mga katangian ng
mga Pilipino. Kilala ang mga
Pilipino sa mabuti at magiliw na
pagtanggap. Ibig ng mga
Pilipino na maging maginhawa
ang kanilang mga panauhin,
nagsisilbi sila ng pinakamasarap na Photo Credits: Greg Mitchell

pagkaing kanilang makakaya at

6
naghahanda ng maayos na
tulugan para sa mga bisita.
Nagbibigay pa sila kung
minsan ng mga regalo kapag
paalis na ang kanilang mga
panauhin.
Kaya naman ito rin ay
mas nakilalang katangian ng
ating rehiyon. Dito higit tayong
Photo Credits: Greg Mitchell nakikilala dahil tinatrato nating
espesyal ang ating mga bisita.

Kublai Millan
Si Kublai Milan ay isang tanyag
na eskultor. Siya ang gumawa ng
mga naglalakihang mga eskultura
ng mga katutubo, durian, at agila sa
“People’s Park” na matatagpuan sa
Davao City na tanging sa ating
rehiyon lamang makikita.
Nakilala siya sa kanyang
naglalakihang obra na may tema
ukol sa pagkakaisa at pagkakaiba
iba sa buhay ng mga katutubo.

Photo Credits: poncesuitsgalleryhotel

7
Niyog at Durian
Isa sa mga pangunahing produkto at prutas ng rehiyon ay
ang niyog at durian.
Ang durian ay isang uri ng prutas na kilala
sa Davao City. Ito ay kilala rin sa pagiging
malaki, matinding amoy at may matinik na
balat ngunit masarap ang laman nito.

Photo Credits: Rechel Sosas

Ang niyog ay isa ring uri ng tanim na kilalang


produkto ng Davao del Sur. Kilala ang niyog sa
pandaigdigang produkto nito, ang kopra. Ito ang
pinatuyong bunga ng niyog. Sumunod dito ang
langis o coconut oil na nakukuha rito matapos
gilingin ang kopra.

Photo Credits: Ime Joy Tabay

Suriin

Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat ang sagot sa


kuwaderno.
1. Ano ang ipinagdiriwang ng Davao City taon-taon?
2. Ano-ano ang kilalang kultura ng bawat lalawigan ng ating
rehiyon?
3. Paano mapepreserba ang ating kultura?
4. Bakit kailangang bigyang pansin ang ating mga kultura?
5. Paano mo maipagmamalaki ang ating kultura?

8
Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Isulat sa loob ng tsart ang mga kilalang kultura ng
ating rehiyon.

Mga Kilalang Kultura ng Davao Region

1.WIKA

2. SINING

3.TAO

4.PRUTAS

5.PRODUKTO

6.KATANGIAN

7.PAGDIRIWANG

8.KAUGALIAN

9.PANINIWALA

Gawain 2
Panuto: Gumawa ng isang simpleng pananaliksik sa sarili mismong
bahay. Magtanong kung anong mga pagdiriwang, paniniwala,
tradisyon, at mga kaugalian ang makikita pa sa lalawigan o buong
rehiyon. Isulat sa patlang ang mga sagot.

Aspekto ng Kultura

1. Wika

9
2.Pagdiriwang

3.Paniniwala

4. Tradisyon

________________________________________________________________
________________________________________________________________
5. Kaugalian
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Gawain 3
Panuto: Gumawa ng isang sanaysay na may 3 hanggang 5
pangungusap kung paano pahahalagahan ang
sariling kultura. Isulat ito sa patlang.
___________________________________________________________
___________________________________________________________.____
________________________________________________________________
______________._________________________________________________
_______________________________________.________________________
__________________________________________________._____________
________________________________________________________________
__________________.

10
Isaisip

Panuto: Isulat sa patlang ang sagot.

1. Bakit mahalaga ang bawat kultura ng ating rehiyon?

Mahalaga ang bawat kultura ng ating rehiyon sapagkat ito


ay ang ating kasaysayan o ang nagpasalin-salin na kaugalian,
____________, ____________, selebrasyon, _________, awit, sining, at
pamumuhay ng mga tao sa isang lugar na kung saan tayo ay
nakilala. Ito ay binubuo at tumutukoy sa ating uri, ______, at
_________ ng bawat tao sa ating rehiyon.

11
Isagawa

Panuto: Pumili ng mga salita sa kahon at isulat sa angkop na


kulom sa ibaba.

pamuku pakasayod madamot


niyog asawa Kublai Millan
mais pagtawan matulungin
bana Cebuano babo
igagaw durian hospitable
anakun bayaw at hipag arrayon
paghahabi ng Mandaya Kadayawan Festival
Ati-atihan Festival

Pagdiriwang Paniniwala Wika Tradisyon Kaugalian

12
Tayahin

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang wastong sagot.

1.

2.
Ibigay ang apat na bahagi ng panunuyo sa kasal.
3.

4.

5. Magbigay ng dalawang katawagan sa pagbubuklod ng pamilya

6. ng mga Mansaka.

7. Ano ang tawag sa pagdiriwang ng Davao City?

8. Ano ang mas kilalang wika na ating ginagamit sa pagsasalita?

9. Ano ang katangian ng mga dabawenyo?

10.Saan kilala ang mga Mandaya?

13
Karagdagang Gawain

Panuto: Magtanong sa mga magulang at kapatid kung


anong mga sining, katangian at pagdiriwang ang
nakikita pa sa lalawigan. Isulat ang mga sagot sa
loob ng Data Retrieval Chart na nasa ibaba. Batay
sa kanilang sagot, magbigay ng paliwanag kung
bakit pa ito pinahahalagahan ng mga tao o hindi
na ginamit. Isulat sa loob ng chart.

Paliwanag
Kultura Pinahahalagahan Hindi na gamit
1.Sining

2. Katangian

3.Pagdiriwang

14
15
Subukin Pagyamanin Tayahin
1. D Gawain 1 1-4 (pakasayod,
2. A pamuku, pagtawan ,
3. C 1. Cebuano kasamongan)
4. A 2. Paghahabi ng 5-6 (ama, ina, anakun,
5. C Mandaya arrayon, babo, igagaw,
3. Kublai Millan kimod, bayaw at
4. Durian hipag)
5. Niyog 7. Kadayawan Festival
6. Hospitable 8. Cebuano
7. Kadayawan 9. hospitable
Festival 10. paghahabi
8. Kaugalian ng
mga Mansaka
9. Pamamanhikan
o Panunuyo sa
Kasal
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Greg Mitchell
Rechel Sosas
Ime Joy Tabay
https://www.slideshare.net,
https://poncesuitesgallery.wordpress.com/2015/02/27/kublai-
millan-davaos-best-kept-secret-no-more/
https://dabawenyonglumad.files.wordpress.com/2012/08/expert-
weaving1.jpg
https://www.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/region-11-
davao-region
https://www.pinoyweekly.org/2012/08/paghahabi-mula-sa-
panaginip/
https://translate.google.com/translate?hl=fil&sl=en&u=https://en.
wikipedia.org/wiki/kublai_millan&prev=search
http://www.seasite.niu.edu/tagalog/modules_in_tagalog/mga_ka
tangian_ng_pilipino.htm

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like