You are on page 1of 17

3

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Nakikilala ang Kultura ng Aking
Rehiyon sa Aming
Makasaysayang Lugar
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Kwarter 3 – Modyul 4: Nakikilala ang Kultura ng Aking Rehiyon sa Aming
Makasaysayang Lugar
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ruby Jean O. Panagsagan
Editor: Grace C. Sapini, Hannie P. Zamora, Francis Maye O. Daya
Tagasuri: Jean Christi P. Rivera, Romeo A. Mamac, Jessel C. Marqueda
Tagaguhit: Cris A. Aquino, Khristely V. Ang, Aiza Lou A. Bernaldez, Cherie Mae A.
Caduyac, Eduardo, Jr. A. Eroy, Jules Bernard G. Guinita, Marvin P.
Linogao, Edieson John C. Mag-aso, Sharon C. Marimon, Ryan R. Padillos,
Nylle Ernand D. Silayan

Tagalapat: Alpha Amor G. Manglicmot, Patrick John P. Peresores


Tagapamahala: Allan G. Farnazo Nelson C. Lopez
Mary Jean B. Aldeguer Cheerylyn A. Cometa
Analiza C. Almazan Christopher P. Felipe
Danilo R. Dohinog Leonora Liza D. Dacillo
Ma. Cielo D. Estrada Alicia I. Ayuste

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City


Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
3

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Nakikilala ang Kultura ng Aking
Rehiyon sa Aming
Makasaysayang Lugar
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa
tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila
upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat
ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong
mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang
SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan.
Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad
sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin
Sa araling ito, matutuhan mo ang mga makasaysayang
lugar sa iyong lalawigan at rehiyon na nagpapakilala rin ng iyong
kultura. Sa pamamagitan ng pagtuklas sa mga makasaysayang
lalawigan at rehiyon, magkakaroon ka ng dagdag na
impormasyon upang ipakikilala ang kultura ng iyong lalawigan at
karatig na mga lalawigan sa rehiyon.
Sa araling ito, inaasahang:
1. maipaliliwanag ang kahalagahan ng mga makasaysayan
lugar at ang mga saksi nito sa pagkakakilanlang kultura ng
sariling lalawigan at rehiyon (AP3PKR- IIId-4);
2. matutukoy ang ilang makasaysayang pook ng lalawigan at
rehiyon; at
3. masasabi ang kahalagahan ng mga makasaysayang pook
upang makilala ang kultura ng kinabibilangang lalawigan
at rehiyon.

1
Subukin
Pagtapat-tapatin ang Hanay A at Hanay B. Ang mga nasa
Hanay A ay mahahalagang impormasyon ukol sa mga
makasaysayang pook o bantayog na nasa Hanay B. Isulat sa papel
ang tamang sagot.
Hanay A Hanay B
1. Kilalang simbahan na matatagpuan a. Cape of San
sa Caraga, Davao Oriental Agustin
2. Pinakamatandang simbahan b. Davao Battle
sa Davao Region Memorial
3. Sinasabing pinagdausan ng misa c. Osmeña Park
ng Santong si Francis Xavier
4. Dito nangyari ang pinakamahaba d. San Salvador
at madugong sagupaan ng mga del Mundo
Hapones at sundalong Amerikano Church
at Pilipino.
5. Matatagpuan ang dambana ng e. San Pedro
unang pamayanan sa Lungsod Cathedral
ng Davao.

2
Aralin Nakikilala ang Kultura ng

1 Aking Rehiyon sa Aming


Makasaysayang Lugar

Balikan

Ano-ano ang
kilalang kultura ng
bawat lalawigan ng
ating rehiyon?

Paano mo
maipagmamalaki ang
ating kultura?

Tuklasin

Mga Makasaysayang Lugar sa Aming Rehiyon


Ang Davao Region ay mayaman din sa mga makasaysayang
pook at mga pangyayari na lalong nagpakilala sa mga lalawigan,
lungsod, at bayan ng rehiyon.

3
San Salvador del Mundo
Ang simbahan ng
San Salvador del Mundo
na 128 taon na ay
matatagpuan sa Caraga,
Davao Oriental. Ang
simbahang ito ay isa sa
mga panibagong
karagdagan sa mga
makasaysayang lugar ng
bansa na kinilala ng National Historical Commission of the
Philippines (NHCP).
Sa ngayon, ang San Salvador del Mundo ang itinuturing na
pinakalumang simbahan sa buong rehiyon. Ito rin ang tahanan ng
kampanaryong dinala ng mga Kastila noong labinwalong dantaon.
Parola sa Cape of San
Agustin
Sa Governor
Generoso, Davao Oriental
naman mata- tagpuan
ang Parola (lighthouse)
Cape of San Agustin. Ito
ay ang lugar na
pinagdausan ng misa ni
St. Francis Xavier. Ito ay
naging isa sa mga
pinakamahalagang
lugar dahil sa kinalalagyan nito noong panahon ng mga Kastila at
sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa kasalukuyan,
mahalaga ito sa turismo ng Davao Oriental.

4
Davao Battle Memorial
Matatagpuan sa
Mintal, Tugbok District,
Davao City ang Davao
Battle Memorial na naging
saksi sa mahaba at
madugong labanan ng
mga sundalong Hapones
at pinagsamang puwersa
ng sundalong Amerikano Photo Credits: National Historical Commission of the Philippines

at Pilipino noong panahon


ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Sa kasalukuyan, maraming beterano at maging si Heneral
Douglas MacArthur ay pumunta rito upang sariwain ang
mahalagang labanang kanilang ginawa para sa bayan.
Samantala, ang Japanese Peace Memorial Shrine
na naging libingan ng mga
Hapones ay matatagpuan
sa Catalunan, Davao City.
Ang sementeryong ito ay
isang pilgrimage site ng mga
kaanak ng mga
namayapang Hapones.

Photo Credits: yellow-pages.ph

San Pedro Cathedral


Ang San Pedro Cathedral ay ang
pinakamatandang simbahan ng Davao
City. Ito ay itinayo noong 1847 nang
dumating ang Kastilang mananakop sa
na si Don Jose Uyanguren. Sa ngayon,
moderno na ang simbahang ito.

5
Osmeña Park
Ang dambana ng unang pamayanan sa Davao City ay
matatagpuan sa Osmeña Park
na nasa kanto ng Kalye Claro M.
Recto at Kalye San Pedro.
Ang pamayanan ay
pinamunuan ni Datu Bago. Ang
kabahayan ay sinunog ng mga
Kastila sa pamumuno ni Don
Jose Uyanguren noong 1847.

Suriin

Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Ano-ano ang makasaysayang lugar sa mga lalawigan ng
Davao Region?
2. Paano naipakikita ng mga makasaysayang lugar ang kultura ng
mga naninirahan sa mga lalawigan ng Davao Region?
3. Paano mo mapahahalagahan ang mga makasaysayang lugar
na nabanggit?
4. Bukod sa nabanggit, ano pa ang maituturing mong
makasaysayang gusali, lugar, o bantayog sa iyong lalawigan?
Paano ito naging saksi ng kasaysayan ng iyong lalawigan?

6
Pagyamanin

Gawain 1:
Gawin ang sumusunod:
1. Pumili ng isang makasaysayang lugar sa iyong lalawigan.
Ikuwento ang mga pangyayari hinggil dito. Gawing gabay ang
mga tanong.
A. Saan ito makikita?
B. Ilarawan ito.
C. Paano ito naging bahagi ng kasaysayan?
2. Bakit mahalagang mapangangalagaan ang mga
makasaysayang pook sa iyong lalawigan at rehiyon?
3. Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa mga
makasaysayang lugar sa iyong lalawigan at rehiyon?

Gawain 2:
Naatasan ka ng Kagawaran ng Turismo na gumawa ng
patalastas tungkol sa isang makasaysayang lugar sa iyong
lalawigan. Paano mo ito maipakikita upang maakit ang mga
turistang pumunta sa iyong lugar? Gawing batayan ang
sumusunod na tanong.
1. Ano ang makasaysayang lugar nito?
2. Ano ang maiaambag nito sa kasaysayan ng iyong lalawigan?
3. Bakit mahalagang mapangalagaan ang makasaysayang
lugar na ito?
4. Paano ito nakatutulong sa turismo at kabuhayan ng mga tao
sa iyong lalawigan?
5. Anong islogan ang gagamitin mo upang mahikayat ang mga
turista na bisitahin ang mga makasaysayang lugar na ito?

7
Isaisip
Punan ang patlang ng mga salita upang mabuo ang
konsepto. Piliin mula sa kahon ang angkop na mga salita.
Kasaysayan kultura lugar turismo pagpapaunlad
Ang mga makasaysayang _____ sa ating rehiyon ay nararapat
nating ipagmalaki. Tunay na mahalaga ang mga ito dahil sa
pamamagitan nito malalaman natin at ng iba pang mga tao ang
_________ at ________ ng ating rehiyon. Mahalaga na
pangangalagaan natin ito. Nakatutulong din ito sa __________ ng
ating _________.

Isagawa

Sagutin ang sumusunod na mga tanong.


1. Bakit nilalagyan ng bantayog ang isang
makasaysayang pook?

2. Paano mo ipakikita ang pagpapahalaga sa mga


bantayog o makasaysayang pook sa
iyong lalawigan.

8
Tayahin
Isulat sa sagutang papel ang wastong sagot.
1. Ano ang kilalang simbahan na matatagpuan sa Caraga,
Davao Oriental?
A. San Isidro Church
B. San Pedro Cathedral
C. San Salvador del Mundo
D. Laguna Catholic Church
2. Saan matatagpuan ang Davao Battle Memorial?
A. Davao City
B. Davao del Sur
C. Davao Oriental
D. Davao Occidental
3. Ano ang tawag sa naging libingan ng mga Hapones na
matatagpuan sa Catalunan, Davao City?
A. Osmeña Park
B. Heritage Park
C. Davao Battle Memorial
D. Japanese Peace Memorial Shrine
4. Ano ang pinakamatandang simbahan ng Davao City?
A. San Pedro Cathedral
B. Sacred Heart Chapel
C. Merry Mediatrix Cathedral
D. San Salvador del Mundo Church
5. Anong taon itinayo ni Don Jose Uyanguren ang San Pedro
Cathedral?
A. 1847
B. 1849
C. 1851
D. 1852

9
Karagdagang Gawain

Sagutin ang tanong at isulat sa isang buong papel.


A. Sa paanong paraan mo maipapakita ang pagpapahalaga
sa mga makasaysayang lugar sa iyong lalawigan at rehiyon?

B. Sa paanong paraan mo matutulungan ang turismo ng iyong


lalawigan?

10
11
Tayahin Pagyamanin Subukin
1. C 1. 1. D
2. A 2. 2. E
3. D 3. 3. A
4. A 4. 4. B
5. B 5. 5. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Pinagkunan ng Image:

Año, Archie E.

Pontillas, Grace D.

Amboni, M. R., Año, A. E., Castor, R. G., Gerodias, M. A., Realino, R.


T., Gudmalin, M. E., . . . Dacillo, L. D. (2009) Araling Panlipunan 3 –
Kagamitan ng Mag-aaral Rehiyon XI. Studio Graphics Corp.

Antonio, D., Banlaygas E. and Lagarto J. 2015.Kayamanan:


Rehiyon ng Davao. Rex Bookstore

https: //en.m. Wikipedia. org./wiki/ Davao City retrieved on Jan.


13, 2021 @ 9:00 PM

https://www.google.com/search?q=japanese+peace+memorial+
shrine retrieved on March 3, 2021 @ 3:50 AM

12
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like