You are on page 1of 9

DAILY LESSON LOG Paaralan: LLANO ELEMENTARY SCHOOL Baitang/ Antas: G5

(Pang-araw-araw na Tala sa Pagtuturo) Guro: SHELLA T. VERI Asignatura: Araling Panlipunan


Petsa: Markahan: Una, Week 8

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa kasanayang
pangheograpiya, ang mga teorya sa pinagmulan ng lahing Pilipino upang mapahahalagahan ang konteksto
ng lipunan/pamayanan ng mga sinaunang Pilipino at ang kanilang ambag sa pagbuo ng kasaysayan ng
Pilipinas

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagmamalaki sa nabuong kabihasnan ng mga sinaunang Pilipino
gamit ang kaalaman sa kasanayang pangheograpikal at mahahalagang konteksto ng kasaysayan ng
lipunan at bansa kabilang ang mga teorya ng pinagmulan at pagkabuo ng kapuluan ng Pilipinas at ng lahing
Pilipino

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Naipaliliwanag ang mga sinaunang paniniwala at tradisyon at ang impluwensiya nito sa pang-araw-araw na
(MELCS)
buhay AP5PLP-Ig-8

D. CSE Standard CSE Integration


Identify the key responsibility in romantic relationship, long term relationships, marriage and parenting. K3A1b
E. Tiyak na Layunin 1. Maiisa-isa ang ang mga sinaunang paniniwala, kaugalian at tradisyon ng kasal sa mga Katutubong Pilipino
2.Maipaliliwanag ang mga sinaunang paniniwala at tradisyon at ang impluwensiya nito sa pang-araw-araw na
buhay.
3. Napahahalagahan ang tungkulin ng bawat ng mag-asawa o magkarelasyon anuman ang kasarian para sa
maayos at pangmatagalang pagsasama
II. NILALAMAN Mga Kaugalian at Tradisyon ng Kasal sa mga Katutubo sa Luzon, Mangyan, Ifugao, Ilonggo at Ibaloy/ Ibaloi

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian:
1.Mga Pahina sa Gabay ng CSE Reader Grade 5
Guro "Mga Kaugalian at Tradisyon ng Kasal sa mga Katutubo." Mga Kaugalian at Tradisyon ng Kasal sa mga
Katutubo sa Luzon, 6 May: 1. Lorenzo, Vergel Jhon B. 2014.

2.Mga Pahina sa Kagamitang


Pang-Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk

4.Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng Learning
Resource
B. Iba Pang Kagamitang Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral Viewing Balitaan https://youtu.be/L8dUy268G-M ( Oras 1.24 minuto )

Bilang ng mga babaeng kasal noong 2022 pinakmababa sa loob ng 30 taon –PSA | 24 Oras GMA Integrated News
Pamprosesong Tanong
1.Bakit dumarami ang bilang ng kababaihan na hindi nagpapakasal ngunit nagsasama na sila ng kanyang
karelasyon bilang mag-asawa?
2.Tanggap na ba sa lipunan o kumunidad ang ganitong uri ng pagsasama? Sanga-ayon ka ba sa ganitong
pagsasama na tinatawag na live-in?
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin 1. Maiisa-isa ang ang mga sinaunang paniniwala, kaugalian at tradisyon ng kasal sa mga Katutubong Pilipino
2. Maipaliliwanag ang mga sinaunang paniniwala at tradisyon at ang impluwensiya nito sa pang-araw-araw na
buhay.
3. Napahahalagahan ang tungkulin ng bawat ng mag-asawa o magkarelasyon anuman ang kasarian para sa
maayos at pangmatagalang pagsasama.
C. Pag-uugnay ng mga Play and decide. Magbibigay ng pagpipilian ang guro. Gagawa ng hanay o pila ang mga mag-aaral ayon sa
Halimbawa sa Bagong Aralin kanyang pagpapahalaga. Hintayin ang signal na GO bago pumili at pumunta sa tamang hanay. Tanungin
ang mag-aaral sa dahilan ng kanyang napiling desisyon o pagpapahalaga.
Pagpapaksal
Pagpapaksal sa Huwes o sa Live In Pagpapakasal
sa simbahan Mayor

Matagalang
Fixed Pinili ng puso Mabilisang
engagement at
Marriage mo engagement at
pagpapakasal
pagpapakasal

PAMPROSESONG TANONG
Sa iyong napiling pagpapahalaga sa pagsasama sa isang karelasyon o asawa , ano ang iyong batayan sa
naging kasagutan. Bigyang katwiran ang sagot.
a. Tradisyon at kaugalian sa pagpapaksal o pagsasama ng pamilya
b. Nakikita sa komunidad tulad ng nauusong pagsasama
c. Sariling desisyon at pagpapahalaga sa pagsasama

Matapos ang gawain, ating basahin at unawain ang Mga Kaugalian at Tradisyon ng Kasal sa mga Katutubo
PAGBASA AT PAGTALAKAY SA CSE READER
D. Pagtalakay ng Bagong
Konsepto at Paglalahad ng Mga Kaugalian at Tradisyon ng Kasal sa mga Katutubo
Bagong Kasanayan #1
Pangkat-etnolingwistiko Mga Kaugalian at Tradisyon ng Kasal
1. Mangyan Ang bawat tribu ng Mangyan ay may kanya-kanyang kultura sa pag-asawa, katulad ng mga
tribung alangan. Maliit pa lamang ang anak na babae ay meron nang nakatakda na
mapapangasawa, kahit na matada ang lalaki, ito ang tinatawag sa kanila na dugayan.

Unang araw ng pagtulog ng mga ikakasal. Pangalawang araw ng kanilang kasal ay ang ikakasal
na lamang ang magkatabi sa higaan. Pangatlong araw sila ay lilipat na sa bahay ng magulang ng
lalaki upang doon uli matulog. Hanggang sa prosesong iyan sila ay magiging tunay ng mag-
asawa.

Mangyan na irayan naman ay magtatakda ng araw para sa pagbabasbas ng mga kuyay, ibig
sabihin ay basbas ng mga matatanda at mga magulang , at kailangan ay ipagbigay alam sa
kanilang Apo Iraya na ang ibig sabihin nito ay ang Panginoong Diyos. At kapag natapos na ang
pagbabasbas kailangan nilang matulog gabi-gabi sa mga bahay ng kamag-anak ng babae at ng
lalaki at kapag lahat ay natulugan na nila ang mga bahay, sila ay ganap nang mag-asawa.

2. Ifugao Ang kakaibang kaugaliang ito sa Northern Mountain tribes ay kilala rin sa katawagang Ebgan
(kalinga) o Pangis (Tingguian) na nagaganap sa The Bethrotal House. Para sa mga Igorot, noon pa
man ay nakagawian na nila ang live in o trial marriage, mga pagsubok na pagdadaanan bago pa
man ang aktuwal na pagpapakasal. May mga Olog o Agamang (communal house) ang bawat
baryo ng mga Igorot kung saan natutulog ang mga kababaihan.

Ato naman ang lugar na tinutulugan ng mga kalalakihan . Ito ay tila isang bahay na yari sa Nipa
na may iisang lagusan. Sa Olog naninirahan ang mga kadalagahan kung saan dito rin sila
dinadalaw ng kanilang mga manliligaw. Dito nagaganap ang Ca-i-sing, ang unang estado ng
pagliligawan na mahigpit na binabantayan ng mga namumuno sa Olog. Kapag dumating ang
sandaling nagkakagustuhan na ang dalaga at binata ay maari na silang magtabi sa pagtulog sa
loob ng Olog. Subalit hindi pa sila maaaring magpakasal hangga't hindi pa nagdadalang-tao ang
babae. Ang pagbubuntis ng babae ang siyang senyales na maaari na silang magpakasal ng
lalaking kanyang iniirog.

3. Ilonggo Ang "Pagbati" o "Testing the Waters" ay kung saan aalamin ng pamilya ng lalaki kung ang babae
ay napangakuan na ng kasal.

Ang "Pabalayon" o "Pamalaye ay kung saan ang lalaki at ang kanyang pamilya ay manliligaw sa
pamilya ng babae. Ginagawa pa rin ng ibang Ilonggo ang mga tradisyon at kasanayan sa kasal
noong panahon tulad ng pagbibigay ng maraming regalo sa ikakasal na babae, at ang
mahinang pag-ulan ay nagkakahulugan sa kaligayahan at kasaganahan. Ang maaraw na
panahon naman ay nangangahulugan napakaligayang pagsasama Pag hagis ng bigas naman
ay nangangahulugang pagbibigay ng kasaganahan sa bagong kasal.

4. Ibaloy Kaugalian nila na magkaroon ng mga intermarriages. Binibigyang importansiya nila ang kanilang
mga ninuno kung kaya’t mayroon silang konsepto ng clan o angkan.

Magbigay ng kaunay na salita o mga salita upang higit pang maunawaan ang aralin
a. Fixed marriges
b. Live In relationship o trial marriage
c. Wedding engagement o pangako ng pagtatakda ng pagpapakasal
d. Intermarriages

E. Pagtalakay ng Bagong Bawat lugar ng bansa ay may kani-kanilang tradisyon, pinaniniwala o nakagawiang gawain na ipinamana ng
Konsepto at Paglalahad ng kani-kanilang mga ninuno. Ang mga Pilipino ay tinaguriang mayaman sa iba’t ibang larangan sa kultura at
Bagong Kasanayan #2
tradisyon. Kahit tayo ay sinakop ng mga iba’t-ibang dayuhan, nananatili pa rin ang ating makulay na
paniniwala at tradisyon na ginagawa at sinusunod hanggang sa kasalukuyan. Ang mga sinaunang Pilipino ay
mayroong malalim na respeto sa mga ninuno kaya makikita hanggang ngayon ang impluwensya nila at ito’y
ating ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.

May iba’t-ibang sistema ang ating pangkat etnolingwistiko ng kasalan o pag-iisang dibdib ng ikakasal
ang ating mga sinaunang Pilipino sa bawat kapuluan. Sa bahay ng Datu o pinuno ng bawat tribu ang tagpuan
ng mga kamag-anak ng ikakasal. May mga pangkat-etnolingwistiko na ang nagtatakdang pag-iisang dibdib
ay ang kanilang babaylan o katalonan.
Ang kultura, tradisyon at paniniwala ng permanenteng relasyon o ugnayan ay isa sa mga yaman na
nanggaling sa ating mga ninuno na kahit saan man mapunta ginagawa parin at ipinamana ang mga
kaugalian ng isang mamamayang Pilipino.
F. Paglinang sa Kabihasaan Mayaman ang lipunang Pilipino sa kultura at tradisyon bunsod ng mayaman nitong kasaysayan at iba' t
ibang pangkat etnolingwistiko. Makikita ito hindi lamang sa makukulay na kasuotan kundi maging sa iba't
ibang kaugalian at tradisyong nagpayabong sa ugnayan ng bawat isa. Natural sa ugnayang ito ang mga
tradisyong may kinalaman sa pagpapaksal o pag-aasawa. Bawat pangkat-etnolingwistiko ay may kani-
kaniyang paraan ng pagpapahayag nito na sumasalamin sa pagkakakilanlan. Magkakaiba man ang
tradisyon, iisa lang ang ipinapakita nito, ang pagkakaroon ng pagpapahalaga sa permanenteng relasyon o
ugnayan.

Pamprosesong Tanong
1. Ano-anong mga tradisyon ng katutubong Pilipino tungkol sa pagpapakasal ang tinalakay sa artikulo?
Magbigay ng halimbawa at ipaliwanag.
2. Mayroon bang mga tradisyong nabanggit na nararapat na isagawa ng nakakaraming Pilipino? Kung
mayroon, ay ano ito at ipaliwanag.
3.Kung ikaw ang tatanungin, nararapat ba na ipagpatuloy ang mga nasabing tradisyon? Pangatuwiranan
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang- Gumawa ng #hashtag tungkol sa iyong pagpapahalaga pag-aasawa o pakikipagrelasyon sa darating na
araw-araw na Buhay takdang panahon
Halimbawa
#kasalkasalopanalo
H. Paglalahat ng Aralin Bigyang-diin na mailarawan o maipaliwanag kung paano ipinapakita ang pagkakapantay sa tungkulin ng
bawat babae, lalaki at LGBTQplus sa pagpapanatili ng relasyon at pangmatagalang pagsasama.

I. Pagtataya ng Aralin Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B ayon sa Kaugalian at Tradisyon ng Pagpapakasal ng mga Katutubo.

HANAY A HANAY B
1. Ifugao - Para sa mga Igorot, noon pa man ay A. Pagsasagawa ng Fixed Marriages o
nakagawian na nila ang live in o trial marriage, mga pagtatakda ng magulang sa mapapangawa
pagsubok na pagdadaanan bago pa man ang ng anak.
aktuwal na pagpapakasal. B. Pagkakaroon ng engagement o pangako sa
pagtatakda ng pagpapaksal
2.Ibaloy - Kaugalian nila na magkaroon ng mga
C. Pagpapaksal sa ibang angkan o kalahi upang
intermarriages.
mapalawak pa ang kanilang angkan
3.Mangyan - Maliit pa lamang ang anak na babae D. Pagsasama ng walang basbas ng kasal sa
ay meron nang nakatakda na mapapangasawa, simbahan o sa Huwes. Walang pinirmahang
kahit na matada ang lalaki, ito ang tinatawag sa kontra ng kasal.
kanila na dugayan.

4. Ilonggo - Ang "Pagbati" o "Testing the Waters" ay


kung saan aalamin ng pamilya ng lalaki kung ang
babae ay napangakuan na ng kasal.

J. Karagdagang-Gawain Sa kasalukuyan maraming dating Apps sa social media, mas mabilis na nakapopili ang mga kalalakihan at
kababaihan at LGBTQ plus ng kanilang partner o katuwang sa buhay. Marami na rin ang gumagamit ng ibang
social media account tulad ng chat room, facebook bilang pakikipag-unayan. May posibilidad ba na
makakatagpo ng mamahalin at makaksama sa habang buhay sa mga ganitong uri ng pagtatagpo ayon sa
pagpapahalaga? Pangatwiranan ang iyong sagot.
V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na
magreremediation
C. Nakatulong ba ang remediation?
Bilang ng mga mag-aaral na
nakaunawa ng aralin?
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapauloy ng remediation
E. Istratehiyang Pagtuturo na
nakatulong ng lubos.
Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan


na nasolusyunan sa tulong ng aking
punong-guro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong ibahagi
sa aking kapwa guro.

Assessment Performance Chart

Highest Possible Score:_________ Highest Possible Score:_________ Highest Possible Score:_________

Section N F % Remarks Section N F % Remarks Section N F % Remarks

Prepared by:
SHELLA TAYCO - VERI
MASTER TEACHER I
LLANO ELEMENTARY SCHOOL

Checked By:

MARITES B. CRUZ PhD


Principal IV

MARITES B. DIRECTO
Education Program Supervisor in Araling Panlipunan

You might also like