You are on page 1of 11

Paaralan: Santiago City National Baitang: Grade 10

DETALYADONG High School


BANGHAY ARALIN Guro: Mark Lester V. Maata Asignatura: Araling Panlipunan
SA ARALING Petsa: Abril 11, 2023 Markahan: Ikatlong Markahan
PANLIPUNAN Oras: 60 minuto Sinuri ni: G. Joy Concepcion

I. Layunin Sa loob ng anim napung minute (60) na


talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Pamantayang Nilalaman Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa
kahalagahan ng pagtanggap at paggalang sa
iba’t ibang perspektibo na may kaugnayan sa
samu’t saring isyu sa gender.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng
dokyumentaryo na nagsusulong ng paggalang
sa Karapatan ng mga mamamayan sa pagpili
ng kasarian at sekswalidad.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto a. natutukoy ang mga dahilang
ginamit ng mga tao na sumasang-
ayon at di sumasang- ayon sa
same-sex marriage;
b. nakapagbibigay ng sariling
pananaw ukol sa same-sex
marriage;
c. nakabubuo ng repleksiyong papel
gamit ang mga gabay na
pangungusap na may kinalaman sa
same-sex marriage.
II. Nilalaman Modyul 4: Mga Hakbang na Nagsusulong ng
Pagtanggap at Paggalang sa Kasarian na
Nagtataguyod ng Pagkapantay-pantay;
Paksa 3: Ang Same-sex Marriage bilang
hakbang sa Pagkapantay-pantay
III. Mga Kagamitang Panturo
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag- LM: Araling Panlipunan Ikatlong Markahan
aaral 10 p.11-16
2. Iba pang Kagamitang Panturo Powerpoint Presentation, Laptop, at
Telibisyon
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
Isang maganda at pinagpalang umaga sa ating
lahat mga mag-aaral.

1|Page
Kumusta kayong lahat? Magandang umaga din po sir!

Mabuti at ok kayo. Masaya at maayos naman po kami.

2. Panalangin
Ngayon ay sisimulan natin ang ating klase sa
pamamagitan ng isang panalangin na ihahatid
sa atin ni _______ Tayong lahat ay manalangin. Panginoon kami
po ay nagpapasalamat sa araw na ito at sa
aming guro na magbabahagi ng kanyang
kaalaman. Patawarin mo po kami sa aming
3. mga pagkakasala. Gabayan mo po ang bawat-
isa at ipagkaloob mo po ang sapat na
katalinuhan upang mauunawaan po namin ang
aralin sa araw na ito. Ito po ang aming
dalangin sa matamis na pangalan ni Jesus
Amen.

Pagtatala ng liban sa klase


May lumiban ba sa inyong klase?

Okay, Mabuti kung ganon!

Mukhang handa na ngang makinig ang lahat


para sa ating talakayan sa araw na ito. Wala po sir!

4. Balik Tanaw
Sa nakaraang talakayan, ating napag- usapan
ang tungkol sa RH Law bilang hakbang sa
Pagpapahalaga sa Kababaihan.
Ano ang iyong natutunan sa paksang ito?

Yes _______.
Sir!
Natutunan ko po na sa pamamagitan ng
Reproductive Health Law, magkakaroon ng
Mahusay!
kabatiran at tamang edukasyon ang mga
Napakahalagang malawak ang kaalaman ng
mamamayan ukol sa pag-aanak.
mga mamamayan, lalo na ang kababaihan ukol
sa reproduction, maternal care at sex
education.

Meron pa ba?

Sa tulong ng RH Bill, maiiwasan ang hindi


planadong pagdadalantao at mapipigilan ang
overpopulation.

2|Page
Mahusay! Bigyan natin ng good job clap si
______.

Lahat ng inyong mga kasagutan ay tama.


Malaki din ang maitutulong nito lalo na sa
mga kababaihan upang mapangalagaan ang
kapakanan at kalusugan ng kababaihan at
maging mga anak nito.

B. Paglinang na Gawain
1. Pagganyak
Bago tayo dumako sa ating aralin sa araw
na ito, tayo ay magkakaroon ng isang
gawain.

Gawain: Larawan ko, Ideya mo!


May ipapakita akong larawan. Hulaan kung
tungkol saan ito at magbigay ng ideya kung
ano ang pagpapakahulugan mo dito.

KASAL

LGBTQ+

SAME-SEX MARRIAGE

2. Paglalahad
Mula sa mga larawang inyong binigyang
pagpapakahulugan, meron na ba kayong
ideya sa ating bagong aralin sa araw na ito?
Sir sa tingin ko po ito ay patungkol sa same-
sex marriage.

Tama! Ito ay konektado sa ating bagong


aralin ngayon: Ang Same-sex Marriage
bilang hakbang sa Pagkapantay-pantay.

3|Page
5. Pagtalakay
Bakit ng aba nagkakaroon ng
diskriminasyong pangkasarian?
Dahil maaring may ibang tao na hindi
tanggap ang kanilang pagkatao.
Ang homoseksuwalidad (homosexuality) ay
tumutukoy sa romantikong atraksiyon,
atraksiyong seksuwal, o gawaing seksuwal
ng mga kabilang, sa magkaparehong
kasarian. Isa sa mga ipinaglalaban o
hinihiling ng mga kasali sa LGBTQ+
community ay ang pagsasalegal ng Same-
sex marriage. Ang usaping ito ay
pinagdedebatehan sa ating bansa at hindi pa
legal dahil maraming tutol dito.

Maari mo bang basahin____? Maraming bakla at tomboy ang hindi bukas


sa paglaladlad o pag-amin ng kanilang
seksuwal na oryentasyon dahil sa
homophobia. Ganunpaman, palihim man o
hayagan, nais ng maraming bakla at tomboy
ang same-sex marriage.

Pamilyar na ba kayo sa usaping same-sex


marriage? Opo sir ito ang kasalan ng may
magkaparehong kasarian o same sex.

Mahusay! upang mas maunawaan natin ang


same-sex marriage ay ating bibigyang
pagpapakahulugan. Maaari mo bang Ano nga ba ang Same-sex Marriage?
basahin_____?
Mula mismo sa katawagan, ang same-sex
marriage ay ang kasalan o pag-iisang dibdib
ng dalawang taong may magkatulad na
kasarian. Ang isyu ukol sa same-sex
marriage, lalo na sa Pilipinas, ay lagi nang
isang malaki at sensitibong usapin.

May kani-kaniyang opinyon ang mga tao


ukol sa legalisasyon ng same-sex marriage
sa kani-kanilang mga bansa, at nagkaroon
na nga ng iba't ibang debate ukol dito.

Noong Hunyo 2015, naglabas ng


makasaysayang desisyon ang Korte
Suprema sa United States na kumikilala sa

4|Page
legal na karapatan ng mga same- sex couple
na magpakasal. Idineklara ng US Supreme
Court, sa botong 5-4, na legal na ang same-
sex marriage sa lahat ng 50 estado nito.
Ano nga ba ang dahilan? pakibasa_______

Ang isa sa mga idinahilan ng mga


mahistrado ng US Supreme Court para
payagan ang same-sex marriage ay ang patas
na karapatan at proteksiyon para sa lahat.
Ang pasiyang ito ng kanilang Korte Suprema
ay sinuportahan ng kanilang dating
presidente na si Barack Obama.
Sa Pilipinas, may petisyon ding inihain sa
Korte Suprema na humihiling sa mga
hukom na payagan ang same-sex union. Sa
petisyong inihain sa Korte Suprema noong
Mayo 2015, hiniling ni Jesus Nicardo Falcia
III na baguhin ang ilang bahagi ng family
code sa bansa.

Bilang reaksiyon, sinabi na noon ng dating


Pangulo ng bansa na si Benigno Aquino III
na iginagalang niya ang karapatan ng gay
couple na magpakasal subalit may
alinlangan daw siya sa usapin ng pag-
aampon ng mga ito ng anak.

Sa palagay ninyo, bakit ganito ang pananaw


ng ibang tao?
Ayon po sa iba, hindi pa handa ang mga
Pilipino para sa isang batas na pinapayagan
ang same-sex marriage. hindi lahat ng tao ay
tanggap ang lgbtq community.
Tama! kapag ganitong usapin, sinasabi na
ang ating bansa ay napakakonserbatibo at
maraming tutol dito dahil sa kanilang mga
paniniwala.

Meron na ba kayong kilalang bansa na


nagpapatupad ng same-sex marriage?

Opo sir! United States of America;


kamakailan lang ay dito nagpakasal ang sikat
na personalidad na si Vice Ganda at kanyang
nobyo na si Ion Perez, sa France at Canada
din po.

5|Page
Mahusay! Ganunpaman, unti-unti nang
pinapayagan sa iba't ibang bansa ang same-
sex marriage o kauri nito maari niyo bang
basahin? Netherlands (2000), Belgium (2003), Canada
(2005), Spain (2005), South Africa (2005),
Norway (2009), Sweden (2009), Iceland
(2010), Portugal (2010), Argentina (2010),
Denmark (2012). France (2013), Brazil
(2013), at United States of America (2015).

Sa inyong palagay, may diskriminasyon


parin bang nagaganap kahit legal na ang
same-sex marriage sa mga bansang Opo, dahil hindi lahat ng tao ay sang-ayon sa
nabanggit? same-sex marriage lalo na sa mga
relihiyosong tao.

Bagaman maraming bansa na sa iba't ibang


bahagi ng mundo ang nagpapatupad ng
same-sex marriage, maraming isyu pa rin
ang bumabalot sa ganitong uri ng kasal.

Ano/ sino sa palagay ninyo ang unang


tumututol sa ganitong uri ng kasalan? Ang isa sa mga pangunahing tumututol dito
ay ang Simbahang Katoliko.
Ayon sa iba, maaring maging sanhi ito ng
pagiging komplikado ng buhay ng mga
Pilipino lalo na sa usaping moralidad
sakaling ito ay pahintulutan sa bansa.

Bakit hindi kinikilala ng relihiyon ang Hindi kinikilala ng relihiyon ang


same-sex marriage? pagpapakasal sa parehong kasarian dahil
taliwas ito sa kanilang katuruan.

(Pagbibigay ng halimbawa) (Pope Francis)

Narito ang ilan sa mga dahilang ginagamit


ng mga taong nagmumungkahi ng
legalisasyon ng same-sex marriage sa
Pilipinas.

Maari mo bang basahin__________. 1. Naipakikita diumano ang kapantayan sa


kasarian sa pamamagitan ng same-sex
marriage. Palaging isinusulong ng mga tao
ang kanilang karapatan at ang tinatawag na
equality o pagkakapantay-pantay.

6|Page
Ayon sa mga nagsusulong ng same-sex
marriage, makakamtan ang pagkapantay-
pantay sa kasarian sa pagsasalegal ng same-
sex marriage.

Sa inyong palagay, may posibilidad ba itong


maging legal sa bansa?
Opo, dahil sa panahon ngayon mas liberal na
Sunod:
ang bansa at mas nagging open-minded na
ang mga tao.

Sir para saakin, hindi po sapagkat ang


pilipinas ay isang kristiyanong bansa at
labag sa batas ng pang relihiyon ang same-
sex marriage.

Salamat sa inyong mga opinion. 2. Ang same-sex marriage diumano ay hindi


nagdudulot ng pinsala kaninuman at sa
lipunan.

Pinaniniwalaan na ang pagtanggi na


payagan ang ganitong uri ng pag-aasawa ay
isang kaso umanong ng diskriminasyon sa
minorya.

Pakibasa ang susunod__________. 3. Ang legalisadong same-sex marriage ay


maaaring maging isang malaking tulong sa
mga bahay-ampunan.

Ang kawalan ng kakayahan ng mga same-


sex couple na magkaanak ay maaaring
magbunsod sa kanila sa pagkuha ng
aampuning bata.

Malaki ba itong tulong sa bansa? Para saakin sir, opo. upang makatulong sa
mga batang walang magulang at mabigyan
sila ng maayos na pamumuhay at mapag-aral
sila sa anong gusto nilang maging balang
araw.

Maari mo bang basahin___________.


4. Ngayon, ang homoseksuwalidad ay isa
nang tinatanggap na uri ng pamumuhay
(lifestyle).
Maraming produktibo at iginagalang na ng
mga tao sa lipunan (tulad ng mga pinuno,

7|Page
filmmaker, at iba pang mga nasa iba't ibang
larangan ng sining) ang nabibilang sa
LGBTQ. 5. Wala raw mali sa same-sex marriage kung
nagmamahalan naman ang dalawang tao
dahil ang pag-ibig umano ang
pinakamahalagang bagay na dapat isaalang-
alang sa pag-aasawa.

Kapag legal ang same-sex marriage, ang


pampolitika at pinansiyal na benepisyong
tinatamasa ng heteroseksuwal na mag-
asawa ay tatamasahin na rin ng same-sex
couple na tunay na nagmamahalan. 6. Ang same-sex marriage ay isang
(Pagbibigay halimbawa) karapatang pantao. Ang same-sex marriage
diumano ay hindi isang isyung panrelihiyon
kung hindi isang isyung may kinalaman sa
karapatang pantao.

Karapatan daw piliin ng isang tao kung sino


ang gusto niyang makaisang-dibdib anuman
ang kasarian nito. Kaya dapat umanong
ibigay ang karapatang ito sa mga
homoseksuwal upang sila man ay maging
maligaya at malayang makapamuhay.

Sa kabilang dako, ibinibigay ng mga taong


naninindigan sa tradisyonal na posisyon ang
mga kadahilanang ito laban sa same-sex
marriage.
Pakibasa_________. 1. Ang pagsasama ng magkaparehong
kasarian ay maaaring magdulot ng trauma at
kalituhan sa mga bata lalo na tungkol sa
papel ng kasarian (gender role,
reproduksiyon, at inaasahan ng lipunan
(societal expectation).

Para sa kapakanan ng mga bata, ang same-


sex marriage ay hindi marapat payagan
ayon sa mga tutol dito. 2. Ang unyong homoseksuwal at pagbuo ng
isang pamilya mula sa relasyong ito ay hindi
biologically natural

Ang mga same-sex couple ay hindi

8|Page
maaaring makabuo ng kanilang anak sa
natural na paraan. Naniniwala ang
karamihan sa tinatawag na “procreation”.

3. Ang panukalang pagsasalegal ng same-sex


marriage ay magpapahina sa kabanalan,
dangal, at prestihiyo ng pag-aasawa bilang
ing pangunahing institusyon.

Ayon kasi saating batas o sa the family code


of the Philippines, ang pamilya ay binubuo
lamang ng tatay, nanay at anak. kaya
pinaniniwalaan na maari itong magpahina
sa filipino values o lipunan. the family is
the first basic unit of the society.
4. Sisirain ng same-sex marriage ang
tradisyonal na kahulugan ng kasal at
pamilya.
Ano ng aba ang tradisyunal na kasal sa ating
bansa?
Ang pagkakasal na kinagisnan ay sa pagitan
ng isang lalaki at babae. Ang bumubuo
naman ng isang pamilya ay ama, ina, at mga
anak.

Marahil ay dahil pa rin sa paniniwalang


panrelihiyon, maraming Pilipino: ang
naniniwalang hindi mabuti ang idudulot ng
same-sex marriage sa mga anak. Sila rin ay
maaaring maging tampulan ng tukso ng
kanilang mga kakilala, kaklase, at iba pang
mga taong makasasalamuha nila.

Sa pagsasalegal ng same-sex marriage,


maraming magiging pagbabago sa
Konstitusyon.

3. Paglalahat
Okay class, sa ating naging talakayan, ano
ang mga natutunan mo sa araw na ito?

Yes________?
Natutunan ko po na kaya hindi ito
inaaprobahan sa ating bansa ay di pa handa
ang ating bansa para sa ganitong usapin.

9|Page
Mahusay!

Ano pa?
Magkakaiba man tayo ng pananaw sa same-
sex marriage, dapat may respeto parin.
Tama!

Mahusay! Lahat ng inyong mga kasagutan


ay tama! Bigyan naman natin sila ng tatlong
palakpak.

4. Paglalapat
Gawain: Ang Opinyon Ko!
Sa maikling paraan, sagutin ang
sumusunod na mga tanong sa bukod na
papel.

1. Magbigay ng sariling kadahilanan kung


bakit dapat o hindi dapat isulong ang
pagsasalegal ng same-sex marriage sa ating
bansa.

I. Pagtataya
Naunawaan Mo Kaya?
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Ano ang tinutukoy sa bawat bilang? Isulat ang
iyong mga sagot sa bukod na sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa romantikong atraksiyon, atraksiyong seksuwal, o gawaing


seksuwal ng mga kabilang sa magkaparehong kasarian.
2. Ito ay kasalan o pag- iisang dibdib ng dalawang taong magkatulad na kasarian.
3. Nagdeklara ang______ sa botong 5-4, na legal na ang same-sex marriage sa
lahat ng 50 estado nito.
4. Dating pangulo na nagsabi na iginagalang niya ang karapatan ng gay couple na
magpakasal subalit may alinlangan siya sa pag-aampon ng mga ito ng anak.
5. Sino ang pangunahing tumututol sa pagsasalegal ng same-sex marriage sa
bansa?
Enumeration

10 | P a g e
6-10. Mula sa labing- apat (14) na bansa na pinayagan ang same-sex marriage, magbigay ng
lima (5) mula sa mga nabanggit.

Mga Sagot:
1. Homoseksuwalidad/ Homosexuality
2. Same-sex marriage
3. US Supreme Court
4. Benigno Aquino III
5. Simbahang Katoliko
6-10. Netherlands, Belgium, Canada, Spain, South Africa, Norway, Sweden, Iceland,
Portugal, Argentina, Denmark, France, Brazil, USA

II. Takdang Aralin


1. Sa isang short bondpaper, magsulat ng isang maiksing sanaysay na pinamagatang
“kahalagahan ng karapatang pantao”.

KRITERYA SA PAGSUSULAT NG SANAYSAY


NILALAMAN 45%
KAUGNAYAN SA TEMA 30%
PAGGAMIT NG SALITA 25%
KABUUAN 100%

Inihanda ni: Iniwasto ni:

MARK LESTER V. MAATA JOY B. CONCEPCION T-III


Pre-Service Teacher Resource Teacher

11 | P a g e

You might also like