You are on page 1of 14

SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY

GUMACA CAMPUS
Gumaca, Quezon

Banghay Aralin
sa Kontemporaryong Isyu 10 na ginagamitan
ng Detailed 4A’s

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakakikilala sakonsepto ng kasarian at sekswalidad.
b. Naipapahayag ang kahalagahan ng gender equality sa pamamagitan ng pagsagot
sa tanong ng Guro.
c. Nakasusulat ng Slogan tungkol sa gender at sex sa pamamagitan ng pangkatang-
gawain.

II. Nilalaman
a. Paksa: Konsepto ng Kasarian at Sekswalidad
b. Sanggunian: Kontemporaryong Isyu - Ika-Sampung Baitang, Pahina 266-268
c. Kagamitan: Libro ng Kontemporaryong Isyu 10, Projector, Laptop, Mga larawan,
Kahon, Iba’t ibang kasuotan at mga larawan

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain/Tugon ng mga Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

a. Pagbati
Guro: “Magandang Umaga/Hapon sa inyong lahat” Mag-aaral: “Magandang Umaga/Hapon din
po”
b. Panalangin
Guro: “Ginoong Dante, Maaari mo bang pangunahan
ang pagdarasal para sa buong klase?”
Dante: “opo”

(Tumayo lahat para sa panalangin)

Dante: “Panginoon, maraming salamat po sa


ibinigay ninyong panibagong pagkakataon
upang kami ay matuto. Gawaran mo kami ng
isang bukas na isip upang maipasok namin
ang mga itinuturo sa amin at maunawaan ang
mga aralin na makatutulong sa amin sa
pagtatagumpay sa buhay na ito. Amen”

c. Pagsasaayos ng silid
Guro: “Bago umupo ang lahat ay marapat na ayusin
muna ang mga bangko at pulutin ang mga nakikitang (Inayos ng bawat mag-aaral ang kanilang
kalat sa ilalim o gilid ng inyong mga upuan at iwasan mga upuan at pinulot ang mga basura sa
ang pagtatapon at pagkakalat sa loob ng ating silid kanilang paligid)
habang nagkklase at pansamantalang itago muna sa bag
ang mga nakuhang basura at itapon ito sa tamang
basurahan pagkatapos ng klase”

d. Pagtatala ng lumiban
Guro: “Bago tayo magsimula, Bb. Raquepo (kalihim
ng klase) maaari mo bang banggitin ang mga pangalan Bb. Raquepo: (babanggitin ang mga lumiban
ng lumiban at mga hindi pa dumarating sa ating at hindi pa dumarating sa klase)
klase?”

e. Balitaan
Guro: “Kamusta ang lahat? Nakakain ba ng maayos?” Mag-aaral: “Mabuti naman po, nakakain
naman po kami ng maayos.”
Guro: “Bago tayo magsisimula ay nais ko muna kayo
tanungin ng “Open-minded ka ba?”. Taas ng kamay
kung sino-sino dito ang mga open-minded.”
(Magtataas ng kamay ang mga open-minded)

Guro: “Ngayon na nalaman ko na ang karamihan sa


inyo ay Open-minded ay lubos ko ring inaasahan ang
inyong malawak na pang-unawa sa mga usaping ating (magtataas ng kamay ang mga gustong
pag-aaralan ngayong araw, pero bago yan ay tatanungin magbahagi ng kanilang mga napanuod na
ko muna kayo patungkol sa mga kasalukuyang balita na may kinalaman sa usaping
nababalitaan nyo na may kinalaman sa usaping pangkasarian)
pangkasarian o LGBT. Sinong gusto magbahagi ng
kanilang napanuod na balita?

Guro: “Bb/G.______, maaari mo bang sabihin at Mag-aaral: “ang napanuod ko pong balita ay
ibahagi samin ng kauntian ang iyong mga napanuod na tungkol sa mga trans na nakasuot ng
balita?” pambabaeng uniporme at ayaw po silang
papasukin sa gate ng kanilang paaralan”

Guro: “Maraming salamat sa iyong pagbabahagi,


dagdag pa rito. Kamakailan rin ay nabalita sa
Kapamilya Channel ang 17 taong gulang na trans senior
high-school student ng Leyte National High School sa
Tacloban City. Sa isang mahabang post sa kanyang
social media account, pinasalamatan ni Sessy
Maravillo ang kanyang paaralan dahil pinapayagan ang
mga tulad niyang makapili kung ano masusuot base sa
gender identity ng estudyante ngunit may may mga
paaralan parin talaga na hindi ito pinapayagan”

f. Pagbabalik-aral
Guro: “Bago tayo dumako sa ating bagong aralin ay
magkaroon muna tayo ng isang pagbabalik-aral
tungkol sa ating natalakay kahapon. Sino ang gustong
sumagot?” (magtataas ng kamay ang mga gustong
sumagot)

Guro: “Sige nga, Bb/G.______, tungkol saan ang Mag-aaral: “Ma’am ang tinalakay po natin
tinalakay kahapon?” kahapon ay tungkol sa Kasarian sa Iba’t
ibang Lipunan”
Guro: “Mahusay! Ang tinalakay natin kahapon ay
tungkol sa sa Kasarian sa Iba’t ibang Lipunan. Sino
naman ang gustong magbahagi ng kanilang natutunan
at mga nalaman patungkol sa Kasarian sa Iba’t ibang (Magtataas ng kamay ang gustong
Lipunan? Itaas lamang ang kanang kamay ng gustong magbahagi)
magbahagi”

Guro: “Sige, ikaw Bb/G.______”


Mag-aaral: “Ma’am ang natutunan ko po ay
noong unang panahon, ang lalaki ang
karaniwang inaasahang bumuhay sa kaniyang
pamilya. Sa madaling salita po ay ang lalaki
lamang ang inaasahan sa mga mabibigat na
gawain samantalang ang mga kakabaihan
naman po ay taong bahay lamang, taga luto,
taga linis at taga pag-alaga ng kanilang mga
anak”

Guro: “Magaling! Ngayon ay naman ay dumako na


tayo sa bagong aralin na may kinalaman parin sa
Kasarian.”
B. Aktibiti
“Kilalanin mo ako!”

(Bago magsimula ang nasabing Aktibiti, Ang guro ay


may nakahanda ng mga salita na nakadikit na sa pisara.
Magtatanong ang Guro kung sino ang gustong
magboluntaryo sa unahan. Anim na estudyante na
pupunta sa unahan at bubunot ng isang larawan
pagkatapos ay pupwesto sa kung anong uri ito ng
konsepto, kung ito ba ay sa konsepto ng kasarian o
konsepto ng seksuwalidad ba ito kabilang. Matapos
pumwesto, magbabahagi ang mga mag-aaral ng
kanilang ideya at naiisip patungkol sa hawak nilang
larawan at kung bakit ito kabilang sa nasabing konsepto
ng kasarian)

Guro: “Para sa ating panimulang gawain, sino ang


gustong magboluntaryo at gustong lumahok sa ating
aktibi. Kailangan ko ng walong na estudyante para
bumunot ng larawan, pagkatapos bumunot ay pupunta
sa unahan at tumapat sa kung anong uri ito ng konsepto,
kung ito ba ay sa konsepto ng kasarian o konsepto ng
seksuwalidad ito kabilang. Hawakan ng maayos ang
larawan at ipakita sa buong klase. Pagkatapos
pumwesto ay pansamantala munang tumayo sa unahan
para sa mga nakahandang katanungan. Magtaas lamang
ng kanang kamay gustong lumahok.”

(Ang mag-aaral ay bubunot at magsisimula


na itong pumwesto sa pisara)
(Sex)
Male-

Female –

(Gender) o Gender Identity

Lesbian-

Gay-

Bisexual-
Transgender-

Transexual-

Asexual-

Guro: “Mahusay! Ngayon naman ay dadako na tayo sa


kaunting tanungan tungkol sa inyong mga hawak na
larawan. Katanungan para sa may hawak ng Dalawang
Simbolo, Ano ang inyong hawak at bakit ito nakalagay
sa Konsepto ng Sex?”
Mag-aaral 1: “Ang hawak ko po ay simbolo
para sa babae, ito po ay nasa konsepto ng sex
dahil ang sex ay tumutukoy lamang sa
dalawang biyolohikal na kasarian.”

Mag-aaral 2: “Ang hawak ko po ay simbolo


para sa lalaki, gaya po narin po ng sinabi ng
aking kamag-aral, ito rin po ay nabibilang sa
ating biyolohikal na kasarian noong tayo ay
ipinanganak.”
Katanungan para sa may hawak ng anim na kilalang
mga personalidad at isang simbolo: Sino ang hawak
mo? ano ang kaniyang Gender Identity at bakit sya
kabilang sa Konsepto ng Gender? Ipaliwanag.” Mag-aaral 3: “Ang hawak ko po ay si Vice
Ganda, siya po ay nabibilang sa konsepto ng
gender dahil sya po ay isang bakla.”

Mag-aaral 4: “Ang hawak ko po ay isang


content creator sa tiktok, hindi ko po maalala
ang pangalan nya pero sigurado po ako na
bisexual sya.”

Mag-aaral 5: “Siya po ay nagviral noon sa


Tiktok dahil sa mga sayaw nya na panlalaki na
hindi naman tugma sa kaniyang kasarian. Siya
po ay isang Tomboy kaya siya ay nabibilang
sa konsepto ng Gender.”

Mag-aaral 6: “Siya po si Aiza Seguerra, at


kilala po siya bilang Transgender dahil ito ay
sinabi niya sa kaniyang interview noon kay
Boy Abunda”
Mag-aaral 7: “Siya po si Charice pero ngayon
ay mas kilala siya sa pangalang Jake Cyrus at
siya po ay Transexual dahil siya ay
nagpaopera na.”

Mag-aaral 8: “Ang hawak ko po ay simbolo


Guro: “Maraming salamat sa anim na mahuhusay para sa mga Asexual, ang Asexual po ay mga
kong estudyante, maaari na kayong bumalik sa taong hindi nakakaramdam ng atraksiyon sa
kaniya-kaniya ninyong mga upuan.” kahit anong kasarian.”
C. Analisis

Guro: “Ngayon naman ay mas palalimin pa natin ang


inyong kaalaman sa Konsepto ng Sex at Konsepto ng
Gender. Bb/G._______, maaari mo bang basahin ang
kahulugan ng Konsepto ng Sex?” Mag-aaral: “Ang Konsepto ng Sex ay
tumutukoy sa biyolohikal na kasarian. At
Tinutukoy kung ano ang pisikal na kasarian
noong tayo ay ipinanganak. Halimbawa,
Lalaki at Babae”
Guro: “Maraming salamat, maaari ka ng umupo. Gaya
ng aktibi ninyo kanina ang konsepto ng sex ay mayroon
lamang na dalawang biyolohikal na kasarian at walang
iba kundi ang Lalaki at Babae. Ito ay tumutukoy sa
biyolohikal na kasarian noong tayo ay ipinanganak.
Ano naman kapag konsepto ng Gender? Bb/G._____- Mag-aaral: “Ang Konsepto ng Gender ay
__, makikibasa ang nakatala sa PPT.” tumutukoy sa mga gampanin, pag-uugali, kilos
at gawain na itinakda ng lipunan para sa mga
babae at lalaki. Halimbawa, Babae, Lalaki,
Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender at
Transexual”

Guro: Maraming salamat, maaari kana din umupo. Sa


madaling salita ang Konsepto ng Gender ay tumutukoy
sa ating madalas na gustong gawin o mga gawi, pag
uugali na mayroon tayo na patuloy na nahuhubog sa
lipunang ating ginagalawan maging sa ating pananamit,
kilos at pananalita.
Sige nga, kapag sinabi nating pagtukoy sa lalaki at
babae ito ay konsepto ng ________?
Mag-aaral: “Konsepto ng Seksuwalidad po.”

Guro: “Magaling! ano naman kapag sinabing pagtukoy


sa mga gampanin, pag-uugali, kilos at gawain na
itinakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki?
Bb/G._______, maaari kabang tumayo at sabihin ang
sagot?”

Mag-aaral: “Konsepto ng Kasarian po.”

Guro: “Mahusay! Ngayon naman ay pag-usapan naman


natin ang Kategorya ng Sex at Kategorya ng Gender.
Ano-ano nga ba ang mga nakapaloob dito?
Bb/G._______, maaari mo bang basahin ang mga
kategorya?” Mag-aaral: “Ang Kategorya ng Sex ay
tumutukoy sa Lalaki at Babae. Samantalang sa
Kategorya ng Gender ay tumutukoy sa
Feminine at Masculine”
Guro: “Maraming salamat sa mahusay na pagbasa at
maaari ka ng maupo Ang sex ay mayroong dalawang
kategorya, ang lalaki at babae. Gaya nga ng nabanggit
ko kanina, kapag sinabing sex ito ay tumutukoy sa
biological na bahagi natin na makikita sa ating katawan.
Sige nga, magbigay sakin ng pagkakaiba ng Lalaki at
Babae. Kapag lalaki sila ay may_________? Mag-aaral: “Adams Apple at Malalaking
Muscle”
Guro: “Magaling! Bukod dito, ano pa?”
Mag-aaral: “Bigute at Testes”
Guro: “Tumpak! Ano naman ang mayroon sa babae na
wala sa lalaki?”

Mag-aaral: “Hymen at Dede”


Guro: “Maraming salamat sa mga sumagot, isa ring
halimbawa ng pagkakaiba ay kung paano nadedevelop
ang kanilang pangangatawan. Ang babae ay
nagkakaroon ng pagbabago sa dibdib at nahuhubog ang
katawan. Samantalang ang lalaki naman ay
nagkakaroon ng adam’s apple at lumalaki ang muscle
at kadalasan tinutubuan ng buhok sa binti o braso. Isa
rin sa halimbawa ang pagkakaiba ng genitalia (ari) ng
mga lalaki at babae. Ngayong alam na natin kung ano
ang Kategorya ng Sex ay alamin naman natin ang
Kategorya ng Gender at dito papasok ang Feminine at
Masculine. Anon nga ba ang pagkakaiba ng Feminine
at Masculine?”

Guro: “Oh sige ikaw Bb/G._______, Ano ang (Magtataas ng kamay ang gustong sumagot)
pagkakaiba ng Feminine at Masculine?”

Mag-aaral: “Ang Feminine ay katangian, asal


o pag-uugali, mga gampanin at kilos na
pangkalahatang may kaugnayan sa mga
babae. Samantalang ang Masculine naman ay
katangian, asal o pag-uugali, mga gampanin
Guro: “Mahusay! Sa madaling salita ang Feminine ay at kilos na pangkalahatang may kaugnayan sa
nagpapakita ng asal o kilos na may kinalaman sa babae mga lalaki.”
samantalang ang Masculine naman ay nagpapakita ng
kilos o asal ng isang lalaki”

Guro: “At ngayon ay dumako naman tayo sa


Oryentasyong Sekswal at Gender Indentity.
Bb/G._______ maaari mo bang basahin ang kahulugan Mag-aaral: “Ang Oryentasyong Sekswal ay
ng Oryentasyong Sekswal?” tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na
makaranas ng malalim na atraksiyong
apeksyonal, emosyonal, sekswal at malalim na
pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay
maaaring katulad o iba ng sa kaniya.”

Guro: “Maraming Salamat sa mahusay na pagbasa. Sa


madaling salita ang Oryentasyong Sekswal ay
tumutukoy sa atraksiyong nararanasan at
nararamdaman ng isang tao maging sa katulad o
kasalungat niyang kasarian. Ang Oryentasyong
Sekswal ay may tatlong uri, Heterosexual, Homosexual
at Bisexual.”

(Ipapakita ng Guro ang larawan sa pamamagitan ng


PPT)

Guro: “Ano ang napapansin nyo sa larawan?”


Mag-aaral: “May nagkiss po.”

Mag-aaral: “Hinalikan po nung babae si Lee


Min-Ho”
Mag-aaral: “Ang mga tauhan sa larawan po
ay nagpapakita ng atraksyon sa isa’t isa”

Mag-aaral: “Pinapakita po sa larawan na


gusto nila ang isa’t isa. Sanaol minahal”

Guro: “Mahusay! Dito naman, ano ang napapansin


nyo?” Mag-aaral: “Nagkiss din po pero sa lalaki-
lalaki at babae-babae na.”

Guro: “Tumpak! Ano naman ang larawang ipinapakita


sa Bisexual?”
Mag-aaral: “Muntik na magkiss, kaso hindi
po natuloy”

Mag-aaral: “Ipinapakita po ang atraksyon sa


parehas na kasarian”

Mag-aaral: “Pagkakaroon po ng pagkagusto


sa lalaki at babae”

Guro: “Mahusay kayong lahat! Ngayon ay alamin


naman natin kung ano ang kahulugan ng mga ito.
Bb/G._______ maaari mo bang basahin ang kahulugan
ng Heterosexual?” Mag-aaral: “Ang Heterosexual ay mga taong
nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng
kabilang kasarian, mga lalaki na gustong
makatalik ay babae at mga babaeng gusto
naman ay lalaki.”
Guro: “Salamat Bb/G._______ maaari ka ng umupo.
Ibig sabihin ang Heterosexual ay tumutukoy sa mga
straight na babae at straight na lalaki na walang ibang
gustong makarelasyon ay ang kasalungat nilang
kasarian. Sa madaling salita ito ay tumutukoy sa
atraksyong Lalaki at Babae lamang.

Guro: “Ano naman ang ibig sabihin kapag


Homosexual? Bb/G._______ maaari mo bang basahin
ang kahulugan ng Homosexual?” Mag-aaral: “Ang Homosexual ay mga taong
nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa
mga taong nabibilang sa katulad na kasarian,
mga lalaking mas gustong lalaki ang
makakatalik at mga babaeng mas gusto ang
babae bilang seksuwal na kapareha.”
Guro: “Salamat Bb/G._______ maaari ka ng umupo.
Ibig sabihin ang Homosexual ay tumutukoy sa mga
taong nakakaramdam ng atraksyon o pagnanasa sa
kaparehang kasarain. Halimbawa nito ang Babae sa
Babae o mga Babae na ang gusto rin makarelasyon ay
Babae at Lalaki sa Lalaki o mga lalaking ang gusto rin
makarelasyon ay kapuwa nila lalaki.”

Guro: “At panghuli ay ang Bisexual. Bb/G._______ Mag-aaral: “Ang Bisexual po ay ang mga
maaari mo bang ibigay ang kahulugan ng Bisexual taong nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa
batay sa iyong sariling pagkaunawa?” sa dalawang kasarian o nagkakaroon ng
atrasyon maging sa lalaki o sa babae.”

Guro: “Magaling! Pero bago tayo magpatuloy


magsasagawa muna tayo ng pampasiglang gawain na
may kinalaman sa Gender Identity.”

(Ipapakita ng Guro ang larawan sa pamamagitan ng


PPT)

Guro: “Kailangan ko ng apat na estudyante na


boluntaryong sasali. Dalawang babae at dalawang
lalaki. Maaaring itaas ang kamay ng gustong sumali.”

(Magtataas ng kamay ang gustong sumali)


(Sa mga nagtaas ng kamay, pipili ang guro ng dalawang
lalaki at dalawang babae)

Guro: “Ngayong kompleto na kayo ay makinig sa akin


ng mabuti para sa panuto. Bago kayo magsimula ay
bigyang pansin ang papel na nasa loob ng mga kahon
na ibibigay ko sa inyo. Sa papel na iyon nakasulat ang
karakter na inyong iaakto. Kayong apat ay may
tatlumpong sigundo hanggang isang minuto para mag-
perform at sabayan ang musika na aking inihanda. Ang
mga kalahok ay magpapagalingang sumayaw,
rumampa, o magpakita ng kahit anong klase ng galaw
o pagkilos batay sa kanilang karakter na gagampanan.
Kayo ay makakarinig ng hudyat ng pagsabog para sa
pag-uumpisa at paghinto. Ang pagkakasunod-sunod ng
pagtatanghal ay nakadepende sa numero ng kahon na
ibibigay ng guro. At pagkatapos ng pagtatanghal ay
magtatanong ako sa ating mga manunuod kung anong
Gender Identity ang ipinakita ng mga nagtanghal sa
unahan. May gusto paba kayong itanong?” Mag-aaral: “wala na po”

Guro: “Handa naba kayo?” Mag-aaral: “opo.”

Guro: “Sige ngayon ay maaari na kayong pumwesto


batay sa pagkakasunod ng mga numero sa inyong
kahon at umpisahan na natin ang pasiklaban.” (Ang mga kalahok ay nag-umpisa ng
pumwesto)

(Uumpisahan ng patugtogin ang musika)


(Sunod-sunod na magpapakitaang gilas sa
pagsayaw/pagrampa ang mga kalahok base sa
kanilang karakter na gagampanan.)

Guro; “Mahusay kayong lahat! Bigyan naman natin sila (Papalakpak ang lahat ng mag-aaral)
ng masigabong palakpakan”

Guro: “Lubos akong nagagalak sa mga ipinakita


ninyong lahat. Ngayon naman ay dumako na tayo sa
tanungan, magtaas lamang ng kamay ang nagnanais na
sumagot kung anong uri ng Gendery Identity ang
ipinakita ni Bb. Anna.” (Magtataas ng kamay ang gustong sumagot)

Guro: “Oh sige, ikaw Bb/G._______” Mag-aaral: “Ma’am ang Gender Identity po na
ipinakita ni Anna ay babae dahil siya ay
rumampa sa unahan gaya ng isang Beauty
Queen.”

Guro; “Magaling! Anong uri naman ng Gender Identity Mag-aaral: “Lalaki po.”
ang ipinakita ni Ginoong Bayabay?”

Guro: “Paano mo nasabi na Lalaki ang Gender Identity Mag-aaral: “Dahil ipinakita niya po ang
na kaniyang ipinakita?” pagiging isang matcho dancer na kung saan
ay mga lalaki ang gumagawa.”

Guro: “Mahusay! Ngayon ay alamin naman natin ang Mag-aaral: “Lesbian po, dahil madalas ganon
ipinakitang karakter ni Bb. Cawas. Anong uri kaya ng lang po ang galaw ng mga lesbian.”
Gender Identity ito at bakit?”

Guro: “Okay sige. At panghuli, ano naman kaya ang Mag-aaral: “Walang duda ang ipinakita po ni
karakter na ipinakita ni Ginoong Geraban at bakit?” Ginoong Geraban na Gender Identity ay
isang Bakla dahil ang kilos niya ay malambot
at ang damit niya ang pambabae.”

Guro; “Ngayon ay mas palalimin pa natin ang inyong Mag-aaral: “Ang Gender Identity ay Kinikilala
kaalaman sa Gender Identity at kung ano ang mga bilang malalim na damdamin at personal na
nakapaloob dito. Bb/G._______ maaari mo bang karanasang pangkasarian ng isang tao na
basahin ang kahulugan ng Gender Identity?” maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa
sex niya noong siya ay ipinanganak, kabilang
ang personal na pagturing niya sa sariling
katawan na maaaring mauwi kung malayang
pagpili, pagbabago ng anyo o kung ano ang
gagawin sa katawan sa pamamagitan ng
pagpapaopera, pag-inom ng mga gamot at iba
pa. Ito rin ay tumutukoy sa mga ekspresyon ng
kasarian gaya ng pananamit, pagsasalita at
pagkilos.”
Guro: “Maraming salamat sa mahusay na pagbasa at
maaari ka ng maupo. Ngayong alam na natin kung ano
ang kahulugan ng Gender Identity, tukuyin naman natin
kung ano-ano ang mga halimbawa nito. Bb/G._______
maaari ma bang basahin ang unang apat na halimbawa
ng Gender Identity?”

Mag-aaral: “Babae, Lalaki, Bakla at Tomboy


po.”
Guro: “Maraming salamat, maaari ka ng umupo. Kapag
sinabi nating Lalaki ito ay tumutukoy sa mga lalaki na
ang kilos at damdamin ay tugma sa kanilang
biyolohikal na kasarian. Samantalang ang Babae
naman ay tumutukoy sa mga babaeng ang kilos at
damdamin ay tugma rin sa kanilang biyolohikal na
kasarian. Bb. Anna, maaari mo rin bang sabihin kung
ano-ano ang mga katangian, hilig o kilos na mayroon Bb.Anna: “ Ang mga babae po ay mahilig sa
ang isang babae at lalaki?” pink at mahinhin ang kilos. Samantalang ang
mga lalaki naman ay mahilig sa basketball.”
Guro: “Salamat, maaari ka ng maupo. Bb/G._______
maaari mo bang sabihin kung ano ang Tomboy at Mag-aaral: “Ang Tomboy po ay babae na
Bakla?” panlalaki ang kilos samantalang ang Bakla po
ay lalaki na ang kilos ay pambabae.”

Guro: “Mahusay! At bukod dito meron din tayong


tinatawag na Bisexual at Asexual. Sige nga, Mag-aaral: “Ang Bisexual po ay tumutukoy sa
Bb/G._______ ano ang pagkakaiba ng Bisexual at mga taong nakakaranas ng atraksyon sa
Asexual?” dalawang kasarian. Samantalang ang Asexual
po ay walang atraksyong nararamdaman
Guro: “Magaling! At panghuli, ano naman ang maalin sa mga kasarian.”
pagkakaiba ng Transgender at Transexual? Magtaas ng
kamay ang gustong sumagot.”

(Magtataas ng kamay ang gustong sumagot)

Guro: “Oh Sige, Ikaw Bb/G._______”


Mag-aaral: “Ang Transgender po ay
inilalalarawan ng pagkilos ng isang tao na
taliwas sa kanyang kasarian. Samantalang
ang Transexual naman po ay ang mga taong
sumailalim sa operasyon. Halimbawa po ay
ang pagpapapalit ng kanilang ari.”

Guro: “Bukod sa mga halimbawang ito, may mga


naiisip paba kayo na ibang halimbawa na nauugnay sa Mag-aaral: “Crossdresser”
Gender Identity?”

Guro: “Tumpak! Maaari mo bang ipaliwanag ang


iyong sagot kung bakit ang Crossdresser ay nauugnay Mag-aaral: “Ang Crossdressers po ay
rin sa Gender Indentity?” tumutukoy sa kaugalian ng pagsuot
ng damit at iba pang mga bagay na
karaniwang hindi nauugnay sa kasarian ng
isang indibiduwal”
Guro: “Napakahusay! Ang Crossdressers ay pasok sa
halimbawa ng Gender Identity dahil ito ay tumutukoy
sa kaugalian ng pagsuot ng damit na karaniwang hindi
kaugnay sa kasarian ng indibiduwal. Isa pang
halimbawa dito ay yung tinatawag nating “Boyish”
mga babae na mas komportable sa pagsusuot ng mga
panlalaking damit. May mga Crossdressers din na hindi
natin pwedeng tawagin na Lesbian/Tomboy o Bakla
dahil may iba na literal na Crossdresser lang. At ngayon
naman ay pag-usapan natin ng bahagya ang
Stereotyping. Sino sa inyo ang may ideya kung ano ang
Stereotyping? Magtaas lamang ng kamay.”
(Magtataas ng kamay ang gustong sumagot)
Guro: “Oh Sige, Ikaw Bb/G._______”

Mag-aaral: “Ang stereotyping po ay


tumutukoy sa pagbibigay ng pagkakakilanlan
sa isang tao o bagay base sa kanilang
paniniwala.”
Guro: “Tama! Halimbawa: Ang mga kalalakihan sa
Gumaca, Quezon ay mahilig sa basketball. Pero kung
iisipin nating mabuti, hindi lahat ng kalalakihan dito ay
mahilig sa magbasketball, dahil may ibang kalalakihan
na mas gusto sumali sa pageant kumpara sa paglalaro
ng basketaball dahil hindi lang naman para sa babae ang
pageant diba?” Mag-aaral: “Opo”

Guro: Bb/G._______ maaari mo bang basahin ang


kasunod na halimbawa?” Mag-aaral: “Ang mga babaeng may anak na
ay dapat nasa bahay lang nagluluto at nag-
aalaga ng mga anak.”
Guro: “Maraming salamat, ikaw naman Bb/G._______
sang-ayon kaba sa pahayag na ito?” Mag-aaral: “Hindi po, dahil base sa pahayag
ay tinatanggalan na ng karapatan ang mga
Guro: “Mahusay! At gayun din sa huling halimbawa na babae na gawin kung ano ang gusto nila.”
nagsasabing ang mga bakla ay salot sa lipunan at hindi
daw ito dapat payagan ng ating gobyerno. Hindi naman
makatarungan kung hahadlangan nila ang mga bagay
na dapat ay nagagawa rin nila bilang isang mamamayan
dito sa ating bansa. Ang bawat isa ay may karapatan na
gawin ang mga bagay na gusto nila ng walang nilalabag
na batas. At mayroon din tayong tinatawag na Sogie
Bill. Sino sa inyo ang may ideya kung ano ang Sogie
Bill? Itaas lamang ang kanang kamay ng gustong (Magtataas ng kamay ang gustong sumagot)
sumagot”

Guro: “Oh Sige, Ikaw Bb/G._______”


Mag-aaral: “Ma’am ang Sogie Bill po ay ang
isinusulong ni Senator Pangilinan upang
maiwasan ang diskriminasyon pagdating sa
Guro: “Mahusay! Kung ito man ay maisasabatas, Gender Identity.”
masasabi kong lubos na makakatulong ito sa bawat isa
sa atin upang maiwasan ang diskriminasayon dito sa
Pilipinas at sabay-sabay tayong mamuhay ng payapa.
Para sa Trivia sa araw na ito, Ayon sa U.S. News and
World Report, 33 ang bilang ng mga bansa na
pinapayagan ang same sex marriage at kabilang na dito
ang Germany, Mexico, Spain, Canada, Las Vegas at
Netherlands. Sa katunayan nga ay ikinasal si Vice
Ganda at Ion Lopez sa Las Vegas nitong October 19,
2021. At alam nyo rin ba na ang Netherlands ang
pinakaunang bans ana ginawang ligal ang Same Sex
Marriage noong December 2000.”
D. Abstraksyon

Guro: “Bilang mag-aaral, bakit mahalagang malaman


ang pagkakaiba ng Gender at Sex?” Mag-aaral: “Mahalaga po na matutunan natin
ang pagkakaiba ng sex at gender upang
maunawaan natin ang mga konseptong
kaakibat nito dahil sa panahon po ngayon,
maraming isyu ang may kaugnayan sa sex at
gender sapagkat maraming tao ang hindi alam
ang kahalagahan at pagkakaiba nito.”

Mag-aaral: “Mahalaga pong malaman ang


pagkakaiba ng Gender at Sex dahil kung alam
natin ang pagkakaiba ng dalawang
ito,matutulungan nito ang ating sarili na mas
magkaroon ng simpatya sa ating kapwa, lalo
na sa mga LGBT. Maraming tao ang hindi
sang ayon sa kanila sapagkat hindi nila
naiintindihan ang mga bagay na
ipinaglalaban nila.”

Guro: “Mahalaga ba na malaman natin o matukoy


kung anong kasarian tayo nabibilang? Bakit?”
Mag-aaral: “Mahalaga po na malaman natin
o matukoy kung anong kasarian tayo
nabibilang dahil dito po ay mas nakikilala
natin kung sino ba talaga tayo, kung baga ay
nakikita natin kung ano ang tunay nating
kulay. Mahalaga din na bigyan natin ng
respeto ang bawat isa sa atin dahil tayo ay
mga tao na nabubuhay at marunong
makiramdam.”

Mag-aaral: “Mahalaga po na malaman natin


dahil sa paraang ito mas matutukoy natin kung
ano at sino nga ba tayo at kung ano ang gusto
natin sa buhay at kung ano ang ating
pagkakakilanlan sa ating kasarian at para
hindi natin maramdaman na hindi tayo naiiba
at hindi kabilang sa iba.”

Guro: “Magaling! Maraming salamat sa napakahusay


na pagsagot, ngayon ay nalaman na natin ang
kahulugan at kahalagahan ng pagkilala sa Konsepto ng
Gender at Sex. May mga katanungan ba kayo hindi
naintindihan sa ating mga natalakay?” Mag-aaral: “wala po”
E. Aplikasyon

Guro: “Ngayon naman ay subukin natin ang inyong


mga natutunan at natandaan patungkol sa Konsepto ng
Gender at Sex at kahalagahan ng kamalayan sa mga
ito.”

Guro: “Bago natin simulan ang pangkatang gawain ay


hahatiin ko kayo sa apat na Grupo. Hindi nyo na
kailangan pang lumipat ng mga upuan dahil ang Ang
row 1 ang Unang Pangkat, Ang row 2 ang Pangalawa
Pangkat, Ang row 3 ang Pangatlong Pangkat at ang row
4 ang Pang-apat na Pangkat. Bawat pangkat ay
bibigyan ko ng tig-iisang papel at dito isusulat ang
nabuo ninyong Slogan na dapat ay naglalahad ng
paggalang, pagpapahalaga at pagkakapantay-pantay sa
karapatan ng lahat ng kasarian tungo sa kaunlaran.
Ibilog ninyo ang inyong mga upuan at humarap sa
inyong kagrupo. Gawin ito sa loob ng limang minuto at
huwag kalimutan ang pagpalakpak pagkatapos
magsalita ng kumakatawan sa bawat grupo.”

(Ibibilog ang mga upuan at magsisimula ng


pag-usapan ang kanilang gagawing slogan)

Guro: “Mahusay kayong lahat! Lubos akong nagagalak


dahil naipakita nyo at nailahad ang mga pagpapahalaga
na dapat meron ang lipunan para sa iba’t ibang
kasarian. Binabati ko kayo dahil Nakita ko ang inyong
kamalayan at malawak na pang-unawa lalo na sa mga
ganitong usapin.”
(Sunod-sunod ang magiging presentasyon ng
bawat pangkat, mula pangkat 1-4)
F. Paglalahat
(Ipapakita ng Guro ang Graphic Organizer sa
pamamagitan ng PPT)

BABAE LALAKI

Ang SEX ay
tumutukoy
sa?

KONSEPTO NG KASARIAN

Ang GENDER
ay tumutukoy
sa?

SEXUAL ORIENTATION GENDER IDENTITY

IBIGAY ANG IBIGAY ANG MGA


TATLONG URI HALIMBAWA

Guro: “Base sa graphic organizer na inyong nakikita


ano ang Konsepto ng Sex at ibigay ang mga sangay
nito. Magtaas ng kamay ang gustong sumagot.”
(Magtataas ng kamay ang gustong sumagot)

Guro: “Oh Sige, Ikaw Bb/G._______”


Mag-aaral: “Ang sex po ay tumutukoy sa
kasarian natin pagkapanganak. Ito ay dalawa
lamang: lalaki o babae. Ang biological na
bahagi natin na makikita sa ating katawan ay
tumutukoy sa sex.”
Guro: “Mahusay! Ano naman kapag Konsepto ng
Gender? Ibigay rin ang mga sangay at nilalaman nito
base sa nakikita sa graphic organizer. Magtaas ng
kamay ang gustong sumagot.”
(Magtataas ng kamay ang gustong sumagot)

Guro: “Oh Sige, Ikaw Bb/G._______”


Mag-aaral: “Ang Kasarian o Gender naman
ay ang kaisipan ng lipunan tungkol sa
kasarian. Ito ay maaaring maimpluwensyahan
ng ibang tao. Tayo ay may kakayahang mamili
ng gender identity o pagkakakilalan na
mayroon tayo. Ang mga halimbawa ng gender
ay babae, lalaki, lesbian, gay, bisexual at
transgender. Ito rin ay ang pananaw natin sa
ating kasarian at maaaring magbago
pagdating ng panahon. Samantalang ang
tatlong uri naman po ng Sexual Orientation ay
Homosexual, Herosexual at Bisexual.”
Guro: “Mahusay! tama ang iyong sagot.”
G. Ebalwasyon

Guro: “Ngayong lubos nyo ng nauunawaan ang


konsepto ng kasarian at seksuwalidad ay magkakaroon
tayo ng isang maikling pagsusulit. Itabi ang mga gamit
sa ibabaw ng inyong sulatan at kumuha ng kalahating
bahagi ng papel at tahimik na sagutan ang mga tanong
na makikita sa PPT. Ang bawat tanong ay may
katumbas na isang puntos, sagutan ito sa loob ng
limang minuto”

1. Ito ay tumutukoy sa mga gampanin, pag-uugali,


kilos at gawain na itinakda ng lipunan para sa mga
babae at lalaki.
Sagot: Gender
2. Ito ay tumutukoy lamang sa biyolohikal na kasarian
na kung saan ay tinutukoy nito kung ano ang ating
pisikal na kasarian noong tayo ay ipinanganak,
halimbawa na nga nito ay ang Babae at Lalaki.
Sagot: Sex
3. Tumutukoy sa mga taong nakakaramdam ng
atraksyon sa dalawang kasarian.
Sagot: Bisexual
4. Mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki.
Sagot: Lesbian/ Tomboy
5. Isang uri ng Oryentasyong Seksuwal na mayroong
seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa
katulad na kasarian.
Sagot: Homosexual

(Ipapasa ng mga mag-aaral ang kanilang mga


papel paunahan)
H. Takdang Aralin

Guro: “Para sa inyong takdang aralin, kunin ang inyong


kuwaderno o kahit ekstrang papel at isulat ang aking
babanggitin.”
(kukuha ang mga mag-aaral ng
papel/kuwaderno)

Guro: “Narito ang panuto. Sa isang buong papel,


sumulat ng maikling sanaysay na hindi lalagpas sa
sampong pangungusap at sagutin ang tanong sa ibaba.
Ipasa ang takdang-aralin sa kasunod na araw bago
magsimula ang klase.

Tanong: Matatawag mo ba akong straight na babae


kung mas naaakit ako sa bakla kaysa straight na lalaki?
Sa iyong palagay, bakit mahalaga na malaman natin
kung saang konsepto ng kasarian tayo nabibilang?
Ipaliwanag ang iyong sagot.”

Inihanda ni:
Janna C. Alpuerto
BSED – Social Studies III

Para sa subject na:


SSE20 - Teaching Approaches in Secondary Social Studies

You might also like