You are on page 1of 10

CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

I
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

II

”PAG-AARAL NG IBA’T IBANG TRADISYON, PANINIWALA AT

KAUGALIAN NG MGA MAMAMAYAN NG BARANGGAY

BUTONG SA LUNGSOD NG CABUYAO SA

OKASYONG KASAL TUNGO SA

PAGBUO NG EPIKO”

BERNADETTE BAGACINA

MARK DANIEL LAMPA

GERALDINE GALUPO

ANGELICA ANTONIO

MELVIN MENDOZA

MARSO 2018
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

III

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang isang bahagi ng mga gawaing kailangan sa pagkumpleto ng mga

kinakailangan para sa asignaturang Pagbasa at Pagsulat sa Wika at Pananaliksik,

ang proyektong ito ay pinamagatang ”Pag-aaral ng iba’t ibang Tradisyon,

Paniniwala at Kaugalian ng mga mamamayan ng baranggay Butong sa Cabuyao

citysa okasyong Kasal tungo sa pagbuo ng Epiko” ay inihanda nina:

Galupo, Geraldine M.

Antonio, Angelica B.

Bagacina, Bernadette

Mendoza, Melvin P.

Lampa, Mark Daniel L.

Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Sekondarya ng Edukasyon,

Pampublikong Paaralan ng Cabuyao Integrated National High School, bilang isa

sa mga pangangailangan sa Pagbasa at Pagsulat sa Wika at Pananaliksik.

G. Niño Cansicio

Guro sa Filipino
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

IV

Pasasalamat

Nais pasalamatan ng mga mananaliksik ang mga taong walang sawang

nagbigay ng suporta upang maging matagumpay ang kanilang pag-aaral.

Kay G. Niño Cansicio, sa walang sawang paggabay at pagtulong upang

maging maayos at makabuluhan ang pananaliksik na ito.

Sa mga kamag-aral at kaibigang hindi nagsawang magbigay ng lakas ng

loob sa mga mananaliksik. At mga taong nakibahagi o nakaisa dito.

Sa mga magulang ng mga mananaliksik na walang sawang sumuporta sa

aspetong pinansyal, moral at ang kanilang pag-intindi upang makumpleto ng

maayos ang pag-aaral na ito.

Sa pamilya Antonio na hinayaang gawin at tapusin ng mga mananaliksik

ang pag-aaral na ito sa kanilang tahanan at sa walang sawang paghahanda ng

makakain para mabigyan ng sigla ang utak ng mga mananaliksik.

Sa Diyos Amang nasa langit, sa kanyang walang sawang paggabay sa

tamang landas na tinatahak ng mga mananaliksik at sa pagbigay Iiwanag sa

kanilang pag-iisip.

Mga Mananaliksik
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

TALAAN NG NILALAMAN

PAUNANG DAHON

Pahina Ng Pamagat…………………………………………………II

Dahong Pagpapatibay………………………………………………III

Pasasalamat o Pagpapakilala……………………………………..IV

Talaan ng Nilalaman………………………………………………..V

Talaan ng Talahanayan…………………………………………….VII

MGA KABANATA

Kabanata 1: ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO

Panimula ……………………………………………………...1

Batayang Teoritikal…………………………………………………2

Balangkas Konseptwal…………………………………………….3

Paglalahad ng Suliranin……………………………………………5

Kahalagahan ng Pag-aaral………………………………………..6

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral………………………………7

Kahulugan Ng Mga Katagang Ginamit…………………………..8

Kabanata 2: KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

A.Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral……………………..11

B.Sintesis……………………………………………………………31

Kabanata 3: METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Disenyo Ng Pananaliksik………………………………………….33

Mga Tagasagot/Respondente…………………………………….33
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

VI

Instrumentong Ginamit……………………………………………34

Balidity ng Instrumento……………………………………………34

Paraan Ng Pagpapalaganap Ng Datos…………………………35

Pagsusuring Istatistikal……………………………………………36

Kabanata 4: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA

DATOS

Paglalahad Ng Datos……………………………………………….38

Pagsusuri Ng Datos…………………………………………………38

Pagpapakahulugan Ng Datos………………………………………38

Kabanata 5: LAGOM, KONKLUSYON at REKOMENDASYON

Lagom………………………………………………………………..56

Konklusyon…………………………………………………………..61

Rekomendasyon…………………………………………………….62

Talasanggunian…………………………………………………………….64

Appendiks…………………………………………………………………..66

Mga liham pahintulot

Talatanungan

Impormasyong Pansarili………………………………………………….....73

Nabuong Akdang Pampanitikang Epiko…………………………………..78


CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

VII

TALAAN NG TALAHANAYAN

Bilang ng talahanayan PANGALAN PAHINA

1.1 Demograpikong profayl ng mga respondente 36


ayon sa kasarian.

1.2 Demograpikong profayl ng mga respondente 39

ayon sa natapos na pinag-aralan.

1.3 Demograpikong profayl ng mga respondente 39

ayon sa kalagayan sa buhay.

2.1 Distribusyon ng mga kasagutan at weighted 40

mean ng paniniwala sa okasyong kasal.

2.2 Distribusyon ng mga kasagutan at weighted 44


mean ng mga tradisyon sa kasal.

2.3 Distribusyon ng mga kasagutan at weighted 47

mean ng mga kaugalian sa kasal.

3.1 Ebalwasyon ng mga guro ayon sa nilalaman 51


ng epiko

3.2 Ebalwasyon ng mga guro ayon sa elemento 52

ng banghay ng kwento sa epiko

3.3 Ebalwasyon ng mga guro ayon sa paglalapat 53


ng paniniwala, tradisyon at kaugalian sa
akda.

3.4 Ang kabuuang weighted mean ng lahat ng 54

kraytirya
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

VIII

Pamagat : PAG-AARAL NG IBA’T IBANG TRADISYON, PANINIWALA


KAUGALIAN NG MGA MAMAMAYAN NG BARANGGAY
BUTONG SA LUNGSOD NG CABUYAO SA OKASYONG
KASAL TUNGO SA PAGBUO NG EPIKO.

Mga mananaliksik: ANGELICA B. ANTONIO, BERNADETTE BAGACINA


GERALDINE M. GALUPO, MARK DANIEL L. LAMPA
MELVIN P. MENDOZA

Institusyon: Cabuyao Integrated National High School

Taon : Marso, 2018

Abstrak:

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay pag-aralan ang mga


paniniwala, kaugalian at tradisyon ng mga taga-Baranggay at makabuo ng
akdang pampanitikang epiko na sumasalamin sa mga ito.Tinukoy rin pag-
aaral na ito ang demograpikong profayl ng mga respondent sa Baranggay
Butong. Bukod dito inalam din ng mga mananaliksik kung paano sinang-
ayunan ng mga guro sa Filipino ang mga nabuong epiko.
Ginamit sa pananaliksik na ito ang pamamaraang Kwantitatibong
Etnograpikong Pananaliksik at R and D (Research and Development
Method) sa pag-aaral ng mga paniniwala, kaugalian at tradisyon sa
okasyong kasal ng mga respondent at sa pagbuo ng akdang
pampanitikang epiko.
Upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito, tatlong hakbang ang
sinunod ng mga mananaliksik. Una,pagsasaliksik ng mga
tradisyon,paniniwala at kaugalian sa okasyong kasal at pagbuo ng
talatanungan kaugnay dito, pagbabasa ng mga kaugnay na pag-aaral at
literatura. Pangalawa, pagbalideyt ng mga guro sa nabuong talatanungan,
pag-sasarbey, pag-kompyut at pagpapakahulugan sa mga ito, pagbuo ng
epiko. At ang panghuli, pagbalideyt ng mga guro sa Filipino sa nabuong
epiko at pagbibigay ng ebalwasyon dito.
Isinama ng mga mananaliksik ang demograpikong profayl ng mga
respondente at minumungkahi sa mga susunod pang mananaliksik na
magsagawa ng pananaliksik na nakapokus naman sa ibang barangay sa
Cabuyao na kaparehong paksa,magkaroon ng pag-aaral na nakapokus
naman sa dalawang barangay sa kaparehong paksa at magkaroon ng
mga pag-aaral na nakapokus naman sa mga mamamayan ng anumang
barangay sa Cabuyao na hindi ikinasal sa Simbahang katoliko.
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

IX

Batay sa resulta ng pananaliksik, ang mga tradisyon at kaugalian


sa okasyong kasal ay madalas paring isinasagawa ng mga respondenteat
ang mga paniniwala ay bihira lamang isinasagawa. Iminumungkahi ng
mga mananaliksik sa mga susunod pang mananaliksik na magsagawa ng
saliksik na may layuning malaman ang mga sanhi ng hindi pagsasagawa
ng mga Tradisyon, Paniniwala at Kaugalian sa okasyong kasal,
magsaliksik ukol sa mga makabago/modernong Tradisyon, Paniniwala at
Kaugalian sa okasyong kasal at pag-aralan ang mga dahilan nang
pagpapanatili sa pagsasagawa ng mga Kaugalian, Paniniwala at
Tradisyon sa okasyong kasal.
Batay sa ebalwasyong ginawa ng mga guro sa nabuong epiko ay
lubos na sumasang-ayon ang mga guro dito batay sa mga kraytiryang
ibinigay. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na magsagawa ng isang
saliksik sa kaparehong paksa at makabuo ng iba pang akdang-
pampanitikan bukod sa epiko, gamitin ng mga guro ang nagawang
akdang pampanitikang epiko sa kanilang pagtuturo at mailimbag ang mga
nabuong akdang epiko ng mga mananaliksik.
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

You might also like