You are on page 1of 44

Pamantasan ng Cabuyao

Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 1

“PAGPAPAHALAGA AT PAGKAWILI SA AKDANG PAMPANITIKANG TULA SA

PANAHONG DIGITAL MULA SA MGA MAG-AARAL NA NAGPAPAKADALUBHASA

SA ASIGNATURANG FILIPINO SA PAMANTASAN NG CABUYAO”

Isang Sulating Pananaliksik na

Iniharap sa Kolehiyo ng

Pagtuturo, Sining at Agham

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa Pangangailangan ng Asignaturang:

Introduksyon sa Pananaliksik Wika at Panitikan

Ipinasa nina:

DE GUZMAN, ERIKA GIN M.

GIME, JAMIE

JASTILLANA, JOCEN S.

PAGADUAN, MA. CRISTINA

REFREA, MICAELLA B.

HUNYO 2022
Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 2

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Sa pag-usbong ng panahong digital sumulpot ang iba’t ibang pamamaraan sa pagpapahayag

ng mga damdamin sa tulong ng mga kagamitang elektroniko at teknolohiya. Ang tula ay isang

akdang pampanitikan na isang paglalarawan ng buhay na hinango sa guni-guni, pinararating sa

damdamin ng mga mambabasa o mga makikinig, ipinahahayag sa mga piling pananalita at

nagtataglay ng magandang diwa. Ang tula ay maaaring tradisyunal na tula na may sukat at tugmaam

at maaari namang nagtataglay ng malayang taludturan. Ang tula, may tugma at sukat o malaya ay

kailangang nagtataglay ng magandang diwa at sinig ng pagpapahayag.

Mababatid na sumasabay ang mga akdang pampanitikang tula sa modernisasyon ng mundo

sa pabago-bagong aspekto sa panahong digital. Ang modernisasyon na ito ang nagluwal sa mga

makabagong anyo at pamamaraan ng pagtula, pagkukuwento at iba pang anyo o estilo ng pagtula.

Dahil sa napapanahong nagaganap sa ating mundo ay mas naging malapit narin ang panitikan sa

paglimbag, pagsulat, paggawa ng kaisipan gamit ang social media, at pagbabasa ng mga akdang

pampanitikang tula.

Kapansin-pansin ang mga pagbabagong nagaganap sa paraan ng pagsulat at interes ng

pagbasa ng mga mag-aaral at manunulat marahil ay dulot ng kontemporaryong panahon. Isa ang tula

na naging malapit sa mambabasa dahil sa malawak na saklaw ng internet katulad na lamang ng mga

tulang limbag sa iba’t ibang uri ng social media platforms na likha ng mga Pilipinong manunulat na
Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 3

kalaunan ay naililimbag bilang aklat. Nakilala rin ang mga battle rap na pinabantog ng Flip Top Battle

League na itinuturing na makabagong anyo ng balagtasan. Naging tanyag din ang mga maiikling tula

na mabilis basahin at spoken word poetry na nagpapahayag ng damdamin at emosyon ng mga

Pilipino. Pati na ang mga tulang isinulat na nasa anyo ng isang bidyo na may kaagapay na musika

habang binabasa. Ayon pa kay Danton Remoto (The Philippine Star, 2017) sa kasalukuyan ang

internet ay lumikha sa mga manunulat sa Pilipino na maiwasan ang pagiging makaluma.

Binigyang tuon ng mga manunulat na Pilipino at iskolar ang bagong gampanin ng teknolohiya

sa pagtataguyod ng literatura sa naganap na pagpupulong, 2017 “International Conference on

Education, Literatures, and Creative Writing” sa UST noong Abril 2022. Ang kabataang manunulat

ay naeengganyo sa paglilimbag gamit ang online, pagsulat at pagbasa. Sa kasalukuyan, sinasalin ang

mga akdang pampanitikang tula hindi lamang sa mga pahayagan, magazine at aklat, hindi lamang sa

anyo ng pelikula, palabas pantelebisyon o kaya’y programang panradyo kundi sa pamamagitan din

ng internet. Dahil sa internet nagkaroon ng blogging, video clipping at audio airing na patuloy

nabumubuhay sa panitikan hindi lang ng Filipino kundi ng ibang lahi.

Patuloy na dumarami ang mga manunulat na Pilipino sa iba’t ibang anyo at uri ng panitikan

gamit ang iba’t ibang media dahil sa mga inumpisahang kurso sa mga unibersidad at kolehiyo at

pangangasiwa ng gobyerno ng mga pagsasanay sa mga kinakikitaang husay na mga mamamayan.

Ngunit ang kasiglahan ng panitikan ay hindi magiging buo kung aasahan lamang ang pagdami at pag-

usbong ng mga manunulat, kailangan din ang pagpapahalaga at pagmamalasakit ng mga mambabasa

nakatuwang sa pagtaguyod ng panitikan ng lahi.


Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 4

Batayang Teoretikal

Sa kahandaan o (Law of Readiness), isinaalang-alang sa bahaging ito ang kahandaan sa kaisipan ng

bawat mag-aaral na babasa ng isang akdang pampanitikan tulad ng tula, na itaya ang kanilang

kahandaan at magsilbing tagapatnubay upang mapadali ang kanilang paglinang sa kanilang

kakayahan sa paglikha o pagbuo at pagsusuri ng isang akdang pampatinikang tula upang maipakita

ang pagpapahalaga at ang pagkawili sa isang akdang pampanitikang tula.

Sa paglalahad ng pagsasanay (Law of Exercise), kinakailangan na ang mga mag-aaral ay sanayin na

malinang ang kanilang pag-unawa sa binasang katha ukol sa isang akdang pampanitikang tula upang

masuri nila nang maayos ang nabasa, at ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga at pagkawili sa akdang

pampanitikang tula.

Ang kinalabasan naman o (Law of Effect), sa bahagi namang ito malalaman ng mga mananaliksik

ang bunga ng bawat pag-aaral. Sa teoryang ito nasusukat ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral

sa pagsusuri ng isang akdang pampanitikang tula at kung ito ba ay naiaangkop nila sa kanilang tunay

na buhay na nagbibigay pagpapahalaga at pagkawili sa akdang pampanitikang tula.

Ang Connectivism ay isang teorya sa pag-aaral na nagmumungkahi na dapat pagsamahin ng mga

mag-aaral ang mga kaisipan at pangkalahatang impormasyon sa isang kapaki-pakinabang na paraan.


Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 5

Tinatanggap nito na ang teknolohiya ay isang pangunahing bahagi ng proseso ng pag-aaral at na ang

aming patuloy na pagkakakonekta ay nagbibigay sa amin ng mga pagkakataon upang gumawa ng

mga pagpipilian tungkol sa aming pag-aaral. Itinataguyod din nito ang pakikipagtulungan at

talakayan ng grupo, na nagbibigay-daan para sa iba't ibang mga opinyon at pananaw pagdating sa

paggawa ng desisyon, paglutas ng problema, at pagbibigay kahulugan sa impormasyon. Itinataguyod

ng connectivism ang pag-aaral na nangyayari sa isang indibidwal, tulad na lamang sa pamamagitan

ng social media, online network, blog, o mga database ng impormasyon.

Ayon sa connectivism, ang pag-aaral ay higit pa sa ating sariling panloob na konstruksyon ng

kaalaman. Sa halip, ang maaari nating maabot sa ating mga panlabas na network ay itinuturing din

na natututo. Mula sa teoryang ito, dalawang termino—mga node at link—ay karaniwang ginagamit

upang ilarawan kung paano tayo nakakakuha at nagkokonekta ng impormasyon sa isang network.

Sa connectivism, ang mga mag-aaral ay nakikita bilang "mga node" sa isang network. Ang isang

node ay tumutukoy sa anumang bagay na maaaring ikonekta sa isa pang bagay, tulad ng isang libro,

webpage, tao, atbp. Ang koneksyon ay batay sa teorya na natutunan natin kapag gumawa tayo ng

mga koneksyon, o "mga link," sa pagitan ng iba't ibang "node" ng impormasyon, patuloy kaming

gumagawa at nagpapanatili ng mga koneksyon upang bumuo ng kaalaman.


Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 6

Konseptwal na Balangkas

Sa balangkas ng pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay lumilikom ng mga impormasyon at datos

na siyang sususkat sa antas ng pagpapahalaga at pagkawili ng mga mag-aaral sa akdang

pampanitikang tula sa panahong digital. Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-

aaral ng Pamantasan ng Cabuyao na nagpapakadalubhasa sa Asignaturang Filipino.

1. Ang demograpikong propayl ng


mga mag-aaral batay sa mga
sumusunod:
1.1 Edad
1.2 Kasarian

Pagpapahalaga sa Akdang Pagkawili sa Akdang


Pampanitikang Tula sa Pampanitikang Tula sa
Panahong Digital Panahong Digital

Planadong Aksyon
Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 7

Paradima ng Pag-aaral

Sa bahaging ito ay ipinakita ang ugnayan ng baryabol na nakapag-iisa (cause/independent variable)

at baryabol na hindi nakapag-iisa (effect/dependent variable). Makikita mula sa konseptwal na

balangkas na ang baryabol na nakapag-iisa ay ang demograpikong propayl ng mga mag-aaral sa

Kolehiyo ng Pagtuturo na nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino.

Ang antas ng pagpapahalaga at pagkawili ng mga mag-aaral ay masasabing hindi nakapag-iisang

baryabol (effect/dependent variable) dahil nakadepende lamang ito sa demograpikong propayl ng

mga respondante; edad at kasarian.

Paglalahad ng Layunin

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay tukuyin ang Pagpapahalaga at Pagkawili sa

Akdang Pampanitikang Tula sa Panahong Digital mula sa mga mag-aaral na Nagpapakadalubhasa sa

Asignaturang Filipino sa Pamantasan ng Cabuyao.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tugunan ang mga sumusunod na mga suliranin:

1. Ano ang demograpikong propayl ng mga mag-aaral batay sa mga sumusunod:

1.1 Edad

1.2 Kasarian

2. Ano ang antas ng pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa akdang pampanitikang tula sa panahong

digital?

3. Ano ang antas ng pagkawili ng mga mag-aaral sa akdang pampanitikang tula sa panahong digital?
Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 8

4. May signipikong pagkakaiba ba ang antas pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa akdang

pampanitikang tula sa panahong digital ayon sa demograpikong propayl?

5. May signipikong pagkakaiba ba ang antas ng pagkawili ng mga mag-aaral sa akdang

pampanitikang tula sa panahong digital ayon sa demograpikong propayl?

6. May signipikong ugnayan ba ang antas ng pagpapahalaga at antas ng pagkawili ng mga mag-aaral

sa akdang pampanitikang tula sa panahong digital?

7. Batay sa kinalabasan ng pananaliksik, anong planong aksyon ang maiimungkahi sa pagpapahalaga

at pagkawili sa akdang pampanitikang tula sa panahong digital ng mga mag-aaral sa Pamantasan

ng Cabuyao.

Paglalahad ng Haypotesis

Batay sa mga nakalahad na suliranin na may kaugnayan sa pananaliksik na ito, narito ang ilan sa

mga hinuhang kasagutan:

HO11: Walang signipikong pagkakaiba ang antas ng pagpapahalaga sa akdang pampanitikan na

tula ngayong panahon ng digital

HO2: Mayroong signipikong pagkakaiba ang antas ng pagkawili sa akdang pampanitikan na tula

ngayong panahon ng digital

HO3: Walang signipikong pagkakaiba ang antas ng pagkawili batay sa demograpikong propayl
Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 9

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magagamit upang malaman ang Pagpapahalaga at Pagkawili sa

Akdang Pampanitikang Tula sa Panahong Digital ng mga mag-aaral ng Pamantasan ng Cabuyao.

Ipinapalagay ng mga mananalisik na ang pag-aaral na ito ay labis na kapaki-pakinabang sa mga

sumusunod:

Sa mga Pinuno ng Kolehiyo ng Pagtuturo

Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay magbibigay impormasyon sa mga pinuno ng kolehiyo

ng pagtuturo upang magbigay estratehiya sa mga guro ang mabisang paglinang ng panitikan sa gamit

ng teknolohiya batay sa kanilang kawilihan sa panahong digital.

Sa mga Guro ng Panitikan

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay pamulat mata sa mga guro ng panitikan kung ano ang mga

kailangang isaalang-alang sa pagtuturo ng panitikan batay sa mga hilig ng mag-aaral at kagamitang

mas mabilis makakapukaw ng kanilang atensyon sa pagkatuto.

Sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo

Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay maglalahad ng pagpapaunlad ng kurso sa pagtuturo

upang linangin ang panitikan gamit ang mga digital.


Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 10

Mananaliksik sa Hinaharap

Ang pananaliksik na ito ay maaring magsilbing hanguan ng mga datos at mabigyan ng sapat na

kaalaman na tutulong sa kanilang pag-aaral.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang Pananaliksik na ito ay ukol sa “Pagpapahalaga at Pagkawili sa mga Akdang

Pampanitikang Tula sa Panahong Digital mula sa mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa

Asignaturang Filipino sa Pamantasan ng Cabuyao”.

Naglalayong makakuha ang mga mananaliksik na may kabuuang bilang na ginamit sa pag-

aaral ay isang daan (100) na mag-aaral mula sa Pamantasan ng Cabuyao na nagmemedyor ng kursong

Filipino na may panuruang taon 2021-2022. Upang makuha ang bilang ng mga respondente ang mga

datos ay pananatilihing kompidensyal at ang limitadong access ay para lamang sa mga awtorisadong

tao.

Katuturan ng mga Salitang Ginamit

Ang mga sumusunod na terminolohiya ay binigyang kahulugan ng mga mananaliksik batay

sa kung paano ito ginagamit sa pananaliksik upang lubos itong maunawaan ng mga mambabasa.

Akdang Pampanitikan. Ito ay tumutukoy sa mga akda o mga sulatin katulad ng mga tula, maikling

kwento, pabula, parabula, at iba pa.

Digital. Ito ang panahon kung saan nauugnay ang paggamit ng mga digital na teknolohiya.
Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 11

Tula. Ito ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa

malayang pagsusulat. Binubuo ang tula ng saknong at taludtod.

Panitikan- Ito ay isang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang tao.

Nagpapakita ito ng ating panlipunan at panlahing pagkakakilanlan. Nasasalamin dito ang pinagmulan

ng isang lahi.

Flip-Top Battle. Ang fliptop ay isang paligsahan ng mga rapper o mga taong gumagamit ng rap sa

pagsasalita. Ito ay may dalawang panig, bawat isa ay kailangang mag-rap sa loob ng isang minuto.

Sarisaring panlalait, pang-aasar at pang-iinsulto ang laman ng rap na binabanggit ng mga kalahok.

Spoken Word Poetry. Ito ay isang anyo ng tula kung saan ang may-akda ay naglalahad ng tula sa

madlang tao sa pamamagitan ng pagsasalaysay o "narration" sa Wikang Ingles.

Social Media. Ito ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay

lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na

komunidad at mga network.

Internet. Ito ay isang sistema ng mga network na magkakaugnay sa pamamagitan ng iba't ibang

mga protocol na nag-aalok ng isang mahusay na pagkakaiba-iba ng mga serbisyo at mapagkukunan.


Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 12

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

LOKAL NA PAG-AARAL

I. AKDANG PAMPANITIKANG TULA

Ayon kay Almario (2018), ang tula ay hindi isang koleksyon lamang ng magsisintunog na titik at

makahulugang salita. Dapat itong maging isang buong pangungusap; ang mga titik at salitang dapat

isaayos tungo sa isang makabuluhang balangkas ng pagpapabatid ng diwa, damdamin, pangyayari,

larawan o kakintalan. Magkakatulad kaya ang nagiging pagtingin ng lahat ng makata sa isang bagay

maging anuman ang kanyang lahi. Magkakatulad kaya ang kanilang paraan ng pagpapahayag ng

damdamin sa isang inspirasyon.

Ayon sa pag-aaral nina Lopez et al. (2019) lumabas sa kanilang pag-aaral na ang bawat tula ng

iba’t ibang manunulat ay may iba’t ibang katangian ayon sa uri, kayarian, haba at paksa. Nagtataglay

din ang mga tula ng pagpapahalagang pandamdamin, pangkaisipan at pang-kaasalan sa mga

tagapakinig o mambabasa sapagkat ang mga tulang sinuri ng mga mananaliksik ay kinapapalooban

ng mga temang nakapupukaw at nakaantig sa damdamin ng sinumang babasa nito, gayundin naman

ang mga sitwasyong nakakaimpluwensya sa mga mambabasa upang mamulat sila sa katotohanan ng

mganangyayari sa buhay at lipunan at nagbibigay ng iba’t ibang uri ng kaasalan na makapagpapabago

sa pananaw ng bawat tagapakinig o mambabasa.


Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 13

II. TULA SA PANAHONG DIGITAL

2.1 INTERNET

Ayon kay T. Santos (2017), mababatid na sumasabay ang panitikan sa modernisasiyon ng

mundo—sa pabago-bagong aspekto ng teknolohiya at internet. Ang modernisasiyon na ito ang

nagluwal sa mga makabagong anyo at pamamaraan ng pagtula, pagkukuwento at iba pang anyo ng

panitikan. Dahil din sa internet, mas naging malapit o accessible ang mga akda, tula at sulatin ng mga

manunulat sa maraming mambabasa. Subalit Internet din ang tinutukoy na isa sa mga dahilan ng

kawalan ng interes ng mga milenyal sa panitikang Filipino dahil mas nahuhumaling ang mga

mambabasa ngayon sa mga banyagang akda at ibang anyo ng panitikan.

Ayon pa sa pag-aaral ni Gonzales (2017), mayroon nang nagaganap na pagbabago sa dami

ng nagbabasa sa internet dahil sa patuloy na lumalago at lumalaki ang saklaw ng mga bumibisita sa

mga internet sites na naglalaman ng makabagong mga lathalain. Nabanggit din ang kaibahan ng

interes ng mga mambabasa partikular na ang mga kabataan sa iba’t ibang uri ng panitikan. Tinatayang

apat (4) sa bawat (sampung) 10 mga kabataan ang mas interesadong magbasa kung ang akda ay mula

sa mga sikat na mga manunulat sa wattpad o di naman kaya ay gumagamit ng mga modernong salita

kung saan ay nakakasabay ang mga mambabasa.

LOKAL NA LITERATURA

Ayon kina Elizabeth Morales-Nuncio, Rhoderick V. Nuncio, Jean Marie De alino-Gragasin,

Rogelio F. Valenzuela, Vilma Alcantara-Malab Uyoc (2017) sa kanilang pag-aaral na inakma ang
Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 14

Makabagong Filipino sa Nagbabagong Panahon: Batayang Aklat sa Kapaki-pakinabang na

Komunikasyon sa Ika-21 Siglo (Filipino 1) sa mga pagbabagong nagaganap sa kasalukuyang

panahon hatid ng mass media at makabagong teknolohiya lalong-lalo na ang malaganap na paggamit

ng cellphone, iPad, at tablet ng mga kabataan at ng maraming tao hindi lang sa Pilipinas kundi sa

buong mundo. Inihahanda ng batayang aklat na ito ang mga estudyante sa realidad ng pagbabagong

ito at sa kahalagahan ng mabisa, matalino, at kapaki-pakinabang na komunikasyon sa ika-21 siglo.

2.2 SOCIAL MEDIA

Ayon kay Phillip Yerro Kimpo Jr. (2018), isa sa layunin ng tulaan sa facebook ay ang paghikayat

sa kabataan na ipadinig ang boses sa lipunan. Ang patimpalak ay tumulong sa pagbibigay-sibol sa

mga nagsisimulang makata at manunulat. At dahil hindi naman lahat ng may gustong ilahad na

opinyon ay nais maging makata, ang isa pang layunin ay ang paghimok sa kabataan na maging mga

epektibong komunikador at proaktibong mamamayan ng lipunan gamit ang kapangyarihan ng

salita—sa pagiging mamamayahag, sa pakikisangkot sa mga online forum at blog, sa

pakikipagtalastasan sa debate o kaya naman ay fliptop, sa pagsulat ng nobelang maglalahad ng kanser

ng lipunan, at marami pang ibang pamamaraan.

Tampok sa tulaan sa facebook ang paggamit ng “diona,” isang tradisyunal na anyo ng pagtutula na

binubuo ng isang tulang may iisang saknong, may isahang tugma, binubuo ng tatlong taludtod, at

may pitong pantig sa bawat taludtod. Ayon kay Sanchez (2017), ang patimpalak na ito ay isang

“pagsunod sa agos ng samahan” upang maibahagi ang tula sa higit na nakararaming tao, sa
Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 15

pamamagitan ng social networking sites. Bagay na bagay sa kaiklihan ng plataporma ng facebook

ang ating katutubong anyo sapagkat muling naibabalik ang pagkakakilanlan ng katutubong anyong

ito, na kahit sumasagitsit ang teknolohiya ay totoong nakasasabay.

Ayon sa isang pag-aaral sa Universidad ng Bicol (2018), ang pag-usbong nito ay dala ng mabilis

na pag-unlad ng modernong teknolohiya. Iba’t ibang aspeto na ng ating buhay ay unti-unting naiiba

at napapadali dahil sa modernisasyon gaya na lamang ng aspeto ng pagbabasa. Kung dati-rati,

makakapal na aklat ang ginagamit, ngayon pwede na tayong magbasa sa ating mga kompyuter,

laptop, tablet at maging sa ating mga cellphone. Sa pagdownload ng mga ebooks at mga applications,

maaari na rin tayong makapagbasa ng iba’t ibang klase ng mga libro online. At kung dati, mahirap

para sa mga taong naghahangad na maging manunulat ang mailathala ang kanilang naisulat, ngayon

ay mas napadali na gawa ng mga online writing communities.

III. MGA BAGONG ESTILO SA PAGTULA

3.1 Flip-Top Battle

Ngayong dekada lang na ito nagsimula ang mga fliptop battles sa ating bansa, pagkatapos ng ilang

taong nang sumikat at maitatag ang rap sa Pilipinas. Dito unang sumikat ang mga local rappers gaya

ni Abra, ang kumanta ng ‘Gayuma’, at ni Basilyo, ‘Lord Patawad’. May mga rappers din namang

hindi nagsimula sa fliptop battles gaya nina Francis Magalona at Gloc-9 ngunit dahil sa pag-usbong

ng fliptop, nagkaroon ng panibagong mukha ang rap at mas maraming mga rappers ang nakilala.
Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 16

Dahil nga postmoderno, mayroong mga binago ang fliptop battles na siyang nagbigay ng

modernong elemento dito. Sa pananamit pa lang, ang fliptop ay umangkop na sa kanluraning

pinagmulan nito. Ikalawa, sa sinaunang balagtasasan, ang madalas na paksang pinag-uusapan ay mas

seryoso kumpara sa fliptop. Madalas, mga isyung pampulitika o hinggil sa pagiging Pilipino ang

paksa sa balagtasan. Sa fliptop naman, walang pinag-uusapang seryosong paksa o isyung pulitikal.

Madalas, puro pagmumura at pambabatikos sa panlabas na anyo at kakayahang mag-isip ng kalaban

ang laman ng mga ‘banat’ ng mga lumalahok sa fliptop battles. Itong aspekto naman ng fliptop ang

wala sa balagtasan; bawal ang pagkakaroon ng personal na komento patungkol sa kalaban at

pagmumura, dapat ang mga argumento ay nakabase lamang sa paksang pinag-uusapan. Ngunit dahil

nga walang tiyak at seryosong pinag-uusapan ang fliptop, madalas ay nakakiling lamang sa personal

na aspekto ng kalaban ang mga ‘banat’ dito.

3.2 Spoken Word Poetry

Ang spoken word poetry ay sinaunang liriko o awit sa Gresya na inilalarawan bilang isang

maiksing katha na may tugmaan sa bawat saknong at taludtod. Ayon kay Banales M. (2018)

umusbong ang konseptong spoken word poetry sa unang tawag nitong Slam poetry noong 1980 sa

Chicago, Illinois. Sinimulan ng isang ordinaryong manunula na si Marc Kelly Smith ang ganitong

konsepto ng panulaan upang manumbalik ang hilig at damdamin ng mga kabataan sa bagong

henerasyon nitong panulaang larangan.


Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 17

Sinasabing ang modernong panulaan ay lihis sa mga itinuturing na estraktura ng ordinaryong tula at

winawasak ang sukat na kumakatawan dito. Ngunit ayon sa pag-aaral ni Rodriguez (2020) hango sa

paniniwala ni Juan Miguel Severo na ang spoken word poetry ay mataas paring maituturing kumpara

sa ordinaryong paggamit ng wika sa isang diskurs at pagtatanghal. Nakapaloob parin ang sining at

kapangyarihan ng wika na siya ring inaayos sa karikitan ng tula.

BANYAGANG LITERATURA

I. AKDANG PAMPANITIKANG TULA

Ayon kay John Ruskin (2019), ang tula ay tahasang pagpapahiwatig, sa tulong ng guniguni at

nag-aalimpuyong gunamgunam, at matibay na saligan para sa mararangal na damdamin. Na ang ibig

kong ipakahulugan sa marangal na damdamin ay ang apat na pangunahing nagdudulot ng simbuyo

ng kalooban na gaya ng pag-ibig, paghanga, pagsamba na ang kasalungat: pagkamuhi, pag-kapoot,

pagkasindak, at hindi madalumatna kalungkutan.

Ayon kay Terry Eagleton (2018), maraming mga paraan para bigyang kahulugan ang panitikan.

Unang-una, maaari itong ituring na isang likhang-isip gamit ang mga malikhaing salita o talinghaga.

Ito ang tinatawag na “fiction”. Subalit nagbigay siya ng argumento na hindi lahat ng malikhaing akda

ay matatawag na panitikan. Kabilang dito ang mga komiks, pelikula, telebisyon, at pocketbooks

(romance novels) nabunga ng isang malikhaing pag-iisip subalit hindi itinuturing na panitikan.

Ikalawa, maaaring bigyang kahulugan ang panitikan dahil sa paggamit nitong wika sa kakaibang

paraan. Batay sa argumentong ito, ang panitikan ay isang uri ngpagsulat kung saan kumakatawan ng
Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 18

isang maayos na pagwasak sa karaniwang anyo ngpagsasasalita. Binabagong-anyo at pinapasidhi ng

panitikan ang karaniwang wika, sistematikong lumilihis sa pang-araw-araw na pananalita.

Ayon kay Percy Bysshe Shelley (2020), ang panulaan ay instrumento ng guni-guni. Hindi

madaling unawain ang isang tula, gayundin, hindi madali ang paglikha nito. Upang malinang ang

ating ugnayan sa tula nangangailangan ito sikap at tiyaga. Gayundin ang panahon sa pagkatha, upang

maunawaan natin ang isang katha, kailangan nating maglaan ng oras sa pagpapalabas ng diwa nito.

Walang sinuman makapagsasabi.

Ayon kay Charles Mills Gayley (2018), ang tula ay isang pagbabagong-anyo sa buhay, o isang

paglalarawan ng buhay na ang kagandahan ay hinahango sa guniguni na pinaparating o inihahatid sa

ating mararangal na damdamin at ipinahayag sa pamamagitan ng masinop ng pangugusap at nag-

aagkin ng namumukod na kariktang pinatitingkad ng tumpak na aliw-iw, na lalong gumaganda kung

gumagalaw sa mga may sukat.

Ayon sa framework ni Ofsted (2019), sinasabi nito na ang pag- unlad ay nangangahulugan ng pag-

alam at pagtanda pa ng mas marami. Habang tumataas ang lebel ng pagkatuto ng isang mag- aaral ay

dapat na makasabay ang mga wika at gramatikang natutuhan nito para lamang sa gayon ay mas

maging makabuluhan ang proseso ng pagkatuto.


Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 19

BANYAGANG PAG-AARAL

II. TULA SA PANAHONG DIGITAL

Ayon kay Hayles at Pressman 2013, ang pagpapalawak ng tula bilang isang genre ay maaaring

ipaliwanag bilang tugon sa digitalization at social media sa "panahon ng postprint", na nananawagan

para sa mga estetik na karanasan na makabuluhang lumilihis mula sa tradisyonal na skrip at kultura

ng libro. Ang mga makata ay tumutugon sa pamamagitan ng paggamit ng isa sa dalawang estratehiya:

Alinman ay pinagtitibay nila ang gayong mga pag-unlad sa pamamagitan ng pag-angkop sa

teknolohiya ng media at mga bagong pormat ng kaganapan, o nananatili sila sa kanilang itinatag na

domeyn at ipinakita ang kanilang mga gawa ng siksik na wika bilang eksklusibo at katangi-tangi.

Ang parehong mga diskarte ay mukhang matagumpay. Halimbawa, may mga iginagalang na

klasikong makata tulad ni Jan Wagner, na naglalathala ng isang aklat ng tula kada dalawa hanggang

tatlong taon at naging tumatanggap ng pinakaprestihiyosong mga parangal sa panitikan ng Germany.

2.1 TULA SA PAGTATANGHAL

Isa sa pinakatanyag na pormat sa pagtatanghal ng tula ay ang pasalitang anyo sa pagbigkas ng

bawat salita sa isang tula. Ang pasalitang anyo ng tula na kung saan ay binibigkas ng isang makata

ang kanyang tula ay sinasabing isa sa mga orihinalidad na konsepto ng tula bago pa lamang mauso

ang mga pasulat na anyo. Binibigyang pansin ni Königshausen & Neumann, (2019) ang live
Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 20

performance ng mga makata sa harap ng awdyens na ang pagtatanghal ay isang tunay na pagpapakita

ng tula, hindi isang hinangong bersyon ng isang nakasulat na tula.

Ayon kay Königshausen at Neumann 2019, ang pagrerekord ng mga tula ay kasalukuyan nang

makikita sa isang CD format, pandagdag sa mga librong tula, o bilang mga audio o video file sa

internet. Ang ‘Audio poetry’ ay ginagawa sa isang istudyo na partikular lamang para sa auditory

reception. Ito ay mula sa mga kumbensyonal na tula na binibigkas ng may-akda hanggang sa mga

eksperimentong akdang tunog-tula. Ang “Audio-literariness” ay tumutukoy sa mga teksto kung saan

ang nakasulat at pandinig na nilalaman ay nauugnay sa paraang ang intermedial na paggalaw nito ay

lumilikha ng kahulugan.

III. MGA BAGONG ESTILO SA PAGTULA

3.1 Spoken Word Poetry

Marami-rami na rin ang mga nag-kontribyut sa pagbibigay kahulugan sa Spoken Word Poetry at

kapansin-pansin din ang pagkaka-pareho ng kanilang mga persepsyon patungkol dito. Tulad na

lamang ni Christa Penning, kung saan inilarawan niya ito bilang isang porma ng panulaan kung saan

isinasaad ng may gawa ang kanyang sariling mga pananaw at mga karanasan sa kanyang obra.

Ayon naman sa pag-aaral nina Weinstein at West (2018), kung saan inilahad niya dito na ang

Spoken Word Poetry ay hindi lamang tungkol sa sining nugnit ito’y tungkol sa paghasa ng indibidwal
Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 21

na sining na kabilang ang kapaligiran o ang pangaraw-araw na pamumiuhay ng isang indibidwal at

ang tunay na paglalahad niya ng kanyang mga sariling karanasan.

Isa pang pag-aaral ang nabanggit na mayroong kaugnayan sa Spoken Word Poetry na isinagawa

ni Escoto (2017), inilarawan niya ang uri ng panulaang ito bilang “a means to heal oneself”. Ibinase

niya nag kanyang paglalarawangito sa kanyang naging pakikipanayam sa isang binate nanggaling sa

isang juvenile detention center. Nalaman niya ang Spoken Word Poetry ay nagsilbi bilang isang

paraan ng paglalabas ng tension o upang ipahayag ng mga kabataaan ang kanilang mga

nararamdaman sa kanilang mga nagiging karanasan. Dagdag pa ni Escoto, ito raw ay isang porma

din ng aktibismo upang maipahayag ng isang indibidwal ang kanyang mga personal na karanasan.

Ayon naman sa awtor ng librong Journal of Popular Culture na si Rebecca Ingalls (2019),

inilarawan niya ang uri ng panulaang bilang isang mahusay na pagtatanghal kung saan hindi lamang

ito nakabubuti para sa awdyens ngunit pati na rin sa nagtatanghal, sa madaling salita ay mayroong

nakukuhang benepisyo ang dalawang pangunahin.

Sintesis ng mga Kaugnayan ng Literatura at Pag-aaral

Sa naunang lokal at banyagang pag-aaral, inilahad na ang tula ay hindi isang koleksyon lamang ng

magsisintunog na titik at makahulugang salita. Subalit ayon naman sa isang pag-aaral, lumabas na

ang bawat tula ng iba't ibang manunulat ay mayroong iba't ibang katangian ayon sa uri, kayarian,

haba at paksa. Nagtataglay din ang mga tula ng pagpapahalagang damdamin, pang- kaisipan at pang
Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 22

kaasalan sa mga tagapakinig. Bukod pa rito inihayag rin ang pagpapalawak ng tula bilang isang genre

na maaring ipaliwanag bilang tugon sa digitalization at social media sa "panahon ng postprint".

Bilang paglalahad sa banyang pag-aaral, isa sa pinakatanyag na pormat sa pagtatanghal ng tula ay

ang pasalitang anyo sa pagbigkas ng bawat salita sa isang tula. Ang pasalitang anyo ng tula na kung

saan ay binibigkas ng isang makata ang kanyang tula ay sinasabing isa sa mga orihinalidad na

konsepto ng tula bago pa lamang mauso ang mga pasulat na anyo. Bukod pa rito ang pagrerekord ng

mga tula ay kasalukuyan nang makikita sa isang CD format, pandagdag sa mga librong tula, o bilang

mga audio o video file sa internet. Ang ‘Audio poetry’ ay ginagawa sa isang istudyo na partikular

lamang para sa auditory reception. Ito ay mula sa mga kumbensyonal na tula na binibigkas ng may-

akda hanggang sa mga eksperimentong akdang tunog-tula. Ang “Audio-literariness” ay tumutukoy

sa mga teksto kung saan ang nakasulat at pandinig na nilalaman ay nauugnay sa paraang ang

intermedial na paggalaw nito ay lumilikha ng kahulugan.

Samantala, bilang paglalahad sa lokal na literatura, ang tula ay hindi isang koleksyon lamang ng

magsisintunog na titik at makahulugang salita. Dapat itong maging isang buong pangungusap; ang

mga titik at salitang dapat isaayos tungo sa isang makabuluhang balangkas ng pagpapabatid ng diwa,

damdamin, pangyayari, larawan o kakintalan. Magkakatulad kaya ang nagiging pagtingin ng lahat

ng makata sa isang bagay maging anuman ang kanyang lahi. Magkakatulad kaya ang kanilang paraan

ng pagpapahayag ng damdamin sa isang inspirasyon. Habang sa paglalahad ng banyagang literatura

sinasabing ang panulaan ay instrumento ng guni-guni. Hindi madaling unawain ang isang tula,

gayundin, hindi madali ang paglikha nito. Upang malinang ang ating ugnayan sa tula
Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 23

nangangailangan ito sikap at tiyaga. Gayundin ang panahon sa pagkatha, upang maunawaan natin

ang isang katha, kailangan nating maglaan ng oras sa pagpapalabas ng diwa nito.

Sa paglalahat, ang kabanatang ito ng pananaliksik ang siyang magiging gabay ng mga mananaliksik

sa higit na pagpapatibay sa pag-aaral na pumapatungkol sa " Pagpapahalaga at Pagkawiki sa Akdang

Pampanitikang Tula sa Panahong Digita Mula sa mga Mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa

Asignaturang Filipino Sa Pamantasan ng Cabuyao". Nagamit ng mga mananaliksik ang iba't-ibang

pananaw at pagtingin ng ibang mga manunulat patungkol sa paksa ng mga mananaliksik na lalo pang

magbibigay ng kabisaan nito.


Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 24

KABANATA III

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ng pananaliksik ay naglalaman ng mga disenyo ng pananaliksik,

respondente ng pananaliksik, instrumentong gagamitin, pamamahagi at paglilikom ng datos, uri ng

estatiskang ginamit, at pormulang gagamitin. Ito ay mga paraan, estratehiyang ginagamit ng mga

mananaliksik upang mapatunayan ang mga suliranin ng pag-aaral.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik.

Napili ng mga mananaliksik na gamitin ang “Descriptive Survey Research Design”, na gumagamit

ng talatanungan (survey questionnaire) para makalikom ng mga datos. Sa paggamit ng ganitong

disenyo, maaaring maging abstract o concrete ang paglalarawan. Concrete kung makikita mismo sa

mga datos ang kaugnayan ng pag-aaral sa tiyakang paksa ng pag-aaral. Samakatuwid, ang Abstract

naman ay kung walang katiyakang sagot sa mga suliranin ng paksa. Ito ang pag-aaral na maaaring

magbago ang mga inaasahang tugon.

Ang mga mananaliksik ay naniniwala na magiging mabisa ang paggamit ng disenyong

paglalarawan o deskriptibo sa pagkalap ng datos at impormasyon para sa isinasagawang

pananaliksik.
Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 25

Kaligiran o Lokal ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay tutugunan ng mga mag-aaral ng Pamantasan ng Cabuyao mula sa

Kolehiyo ng Edukasyon, Sining at Agham na nagpapakadalubhasa sa Asignaturang Filipino taong

panunuran 2021-2022. Ito ay isinagawa sa ikalawang semestre ng taong panuruan sa Pamantasan ng

Cabuyao na matatagpuan sa Katapatan Homes, Barangay, Banay banay City of Cabuyao, Laguna. Sa

kabuuan, ang bilang ng mga respondente ay isang daan (100). Ito ay nakatuon lamang sa mga mag-

aaral ng Pagtuturo na nagpapakadalubhasa sa Asignaturang Filipino na nasa unang taon hanggang

apat na taon ng Pagtuturo.

Respondente ng Pananaliksik

Sa pananaliksik na ito, ang mga mananaliksik ay napiling kumuha ng mga respondente mula

sa Pamantasan ng Cabuyao na nagmemedyor sa kursong Filipino. Ang kabuuang bilang ng mga

respondente ay isang daan (100). Ito ay kinabibilangan ng 100 na taga-tugon na maaaring sumagot

sa bawat talatanungan na ipapamahagi ng mga mananaliksik.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng digital na talatanungan sa tulong ng Google Forms

upang maisakatuparan ang layunin ng pangangalap ng impormasyon patungkol sa mga tumugon sa

talatanungan.
Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 26

Sa huling bahagi ng talatanungan ay ang tseklist (Likert Scale) patungkol sa antas ng

pagpapahalaga at pagkawili ng mga mag-aaral sa akdang pampanitikang tula sa panahong digital

mula sa Kolehiyo ng Pagtuturo na nagpapakadalubhasa sa Filipino.

Pamamahagi at Paglikom ng mga Datos

Ang datos ng pananaliksik ay nakalap gamit ang talatanungan sa Google Forms. Ang

talatanungan ay binuo gamit ang mga angkop na mga katanungan na pinaunlad mula sa kaugnay na

pananaliksik na nilikga at ipinamahagi ng mga mananaliksik sa Messenger partikular na Facebook

page.

Ang mga mananaliksik ay naghanda ng liham kahilingan sa Opisina ng Registrar sa

Pamantasan ng Cabuyao upang magkaroon ng mga paunang impormasyon at datos sa mga tutugon

sa pananaliksik.

Uri ng Estadistikang Ginamit

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga software na Google Spreadsheet at Microsoft

Excel upang maisaayos ang mga nakalap na tugon. Matapos nito ay ang pagsasalin ng mga datos sa

talaan at pagproseso nito gamit ang pormula ng dalas (frequency), bahagdan (percentage), at mean.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng pormula ng dalas (frequency) at bahagdan

(percentage) upang makuha ang pinal na dalas at bahagdan ng mga tugon sa mga katanungan hinggil

sa: a) edad at b) kasarian at mga sumusunod na suliranin.


Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 27

Ang ANOVA ay isang istatistikal na pamamaraang ginagamit para sa pag-aaral ng relasyon

ng dalawang grupo o ang mga baryabol na inihahalintulad. Ito ay isa ring pagsusuri na ginagamit

upang alamin ang bisa ng isang teorya ayon sa eksperimental na datos. Kaakibat ng pag-aaral na ito,

ang mga mananaliksik ay gumamit ng two-way variance of analysis o ANOVA upang ipresenta at

ipakita ang signipikong pagkakaiba ng antas ng pagpapahalaga at pagkawili ng mga mag-aaral sa

akdang pampanitikang tula sa panahong digital ayon sa kanilang demograpikong propayl.

Ang Pearson correlation coefficient ay ang pormulang ginagamit sa pagitan ng mga

nakolektang datos at mga nilalaman ng mga kontekstong sumusukat sa saklaw na relasyon ng

dalawang baryabol. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Pearson correlation upang makita ang

signipikong ugnayan ng antas ng pagpapahalaga at antas ng pagkawili ng mga mag-aaral sa akdang

pampanitikang tula sa panahong digital.

Mga Pormulang Ginamit

Upang pag-aralan at bigyang-kahulugan ang mga datos na nakalap mula sa talatanungan na

pinasagutan sa mga respondente ng pananaliksik galing sa iba’t-ibang antas ng pagtuturo, gumamit

ang mananaliksik ng mga sumusunod na tools ng istastika.

Pormula ng Bahagdan

𝚺fx

Kung saan ang:


Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 28

P= Percentage o bahagdan

∑f = Frequency o dalas/bilang ng mga tagatugon

N= kabuuang bilang ng mga tagatugon

Ang pormula ng mean ginamit ng mga mananaliksik matapos isaayos ang mga datos na sumasagot

sa tseklist (Likert Scale). Ginamit ito upang masukat ang antas ng kasiyahan ng mga tagatugon hinggil

sa kanilang edad at kasarian.

Pormula ng Mean

x̅= 𝚺fx 𝑵

Kung saan:

Weighted mean= x̅

∑f = Pinagsamang dagup ng f at x,

Kung saan ang f ay dalas ng bawat bilang ng iskor

Iskor at x ay ang weighted ng bawat iskor

N= kabuuang bilang ng mga tagatugo

Analysis of Variance (ANOVA) ay makatutulong upang magkaroon ng paghahambing sa iba’t

ibang nakuhang weighted mean at magkaroon ng magkakaibang result ana pagkukunan ng

prediksyon o interprestasyon.

1. Ang una ay kunin ang kabuuan ng mga square ng weighted means.

2. Ikalawa, hanapin ang squares sa pagitan ng mga haligi.


Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 29

3. Ikatlo, kunin ang kabuuan ng mga square sa pagitan ng mga haligi.

4. Upang makumpleto ang talahanayan ng ANOVA, kunin ang mean ng mga kabuuan ng nakuhang

squares.

Pearson correlation coefficient

r = Pearson Coefficient
n= number of the pairs of the stock
∑xy = sum of products of the paired stocks
∑x = sum of the x scores
∑y= sum of the y scores
∑x2 = sum of the squared x scores
∑y2 = sum of the squared y scores
Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 30

KABANATA IV

PRESENTASYON NG MGA DATOS, ANALISIS AT INTERPRETASYON

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng naging resulta ng mga pagsusuring isinagawa sa pagsusuri

ng Pagpapahalaga at Pagkawili ng mga mag-aaral mula sa mga respondente ng mga mag-aaral sa

Kolehiyo ng Edukasyon, Sining, at Agham na nagpapakadalubhasa sa Asignaturang Filipino ng

Lungsod ng Pamantasan ng Cabuyao.

Suliranin 1: Ano ang demograpikong propayl ng mga mag-aaral batay sa mga sumusunod:

1.1.Edad

Talahanayan bilang 1

Propayl ng mga tagatugon batay sa Edad


EDAD BILANG BAHAGDAN
18 1 1%
19 11 11%
20 34 34%
21 36 36%
22 15 15%
23 3 3%
KABUUAN 100 100%

Ipinakita sa talahanayan 1 ang bilang at pagbabahagi ng bahagdan ng mga tagasagot batay sa kanilang

edad. Ang edad ng mga respondenteng mag-aaral ay naaangkop sa hangganan na 18-23 na taon. Ang

nakalikom ng pinakamataas na bilang ng mga respondante ay nasa taong 21 na may bahagdang 36%.

Samantala, ang nakalikom ng pinakamaliit na bilang mula sa mga respondente ay nasa taong 18 na

may bahagdang 1%. Tulad ng iprinisinta, sa 100 na tagatugon, ipinapakita nito na sa Kolehiyo ng
Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 31

Pagtuturo na Nagpapakadalubhasa sa Filipino na habang umeedad ang isang tao ay nawawalan na ng

kawilihan at pagpapahalaga sa akdang pampanitikang tula sa panahong digital.

Ayon sa pag-aaral ni Machtinger (2019) na nagsasabi na ang edad at aspeto ng mga mag-aaral hinggil

sa kanilang kognitibong kakayahan ay may pagkakaugnay. Ang edad ng mga mag-aaral ay maaring

makaapekto sakanilang kakayahan na umintindi ng isang klase ng tula sa kahit na anong larangan.

Suliranin 1: Ano ang demograpikong propayl ng mga mag-aaral batay sa mga sumusunod:

1.2 Kasarian

Talahanayan bilang 2

Profayl ng mga tagatugon batay sa Kasarian

KASARIAN BILANG BAHAGDAN


Babae 64 64%
Lalaki 36 36%
KABUUAN 100 100%

Ang propayl ng kasarian ng mga respondenteng lalaki ay umabot sa 36 o 36% na bahagdan at ang

mga babae naman ay umabot sa 64 o 64% na bahagdan. Ipinapakita ng datos na karamihan sa bilang

ng mga lumahok sa pag-aaral na isinagawa ay relatibong mga kababaihan.

Ayon sa pag-aaral ni Sibayan (2018) ay nagsasabing ang mga lalaki at babae ay higit ang

pagkakahawig kaysa pagkakaiba ng kanilang pagkakawili at at pagpapahalaga sa tula. Dagdag pa,

ang iba pang salik tulad ng konteksto at paksa ay may malaking impluwensiya sa estilong pag-uusap

kaysa sa kasarian. Sa kanya ding pahayag, pinatunayan din niya na may pagkakaibang leksikal

sapagitan ng mga lalaki at babae, kalimitan dito ay ayon sa dami at sa uri.


Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 32

Suliranin 2: Ano ang antas ng pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa akdang pampanitikang tula

sa panahong digital?

Talahanayan bilang 3

Antas ng Pagpapahalaga ng mga Mag-aaral sa Akdang Pampanitikang Tula sa Panahong Digital

Berbal na
Pahayag Mean
Interpretasyon
Ako ay…
Nakalilikha ng isang masining na tula sa panahong digital. 3.25 PINAPAHALAGAHAN

Nakakapagsuri ng mga uri ng tula na nakikita o nababasa sa 3.31 PINAPAHALAGAHAN


iba’t ibang online application sa panahong digital.
Nakikiisa sa mga patimpalak gamit ang social media 2.86 PINAPAHALAGAHAN
platforms sa paglikha ng isang tula sa panahong digital.
Nakapagbabahagi ng nais iparating ng tulang nabasa sa iba’t 3.27 PINAPAHALAGAHAN
ibang online application sa panahong digital.
Gumagamit ng mga matatalinhagang salita na aking nabasa 3.15 PINAPAHALAGAHAN
sa isang limbag na tula sa panahong digital.
Gumagawa ng isang tula sa makabagong pamamaraan tulad
ng spoken poetry o reverse spoken poetry sa panahong 3.36 PINAPAHALAGAHAN
digital.
Nagbibigay buhay sa isang tula sa pamamagitan ng tamang
pagbigkas ng mga salita na naayon sa tindig, diin at 3.31 PINAPAHALAGAHAN
pagkumpas ng kamay sa panahong digital.
Sumusuporta sa akdang pampanitikang tula sa pamamagitan
ng pagbabasa, pag-aanalisa, at pagbabahagi ng saloobin 3.43 PINAPAHALAGAHAN
mula sa tulang nabasa sa panahong digital.
Nanghihikayat ng bawat isa upang makabuo ng isang 3.23 PINAPAHALAGAHAN
masining na tula sa tulong ng panahong digital.
Tumatangkilik sa mga bagong estilo sa paggawa ng tula sa 3.42 PINAPAHALAGAHAN
panahong digital.
Composite Mean 3.26 PINAPAHALAGAHAN
Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 33

Leyenda Puna
Hindi Lubos na
1.00-1.50 Pinapahalagahan (HLP)
Hindi Pinapahalagahan
1.51-2.50 (HP)
Pinapahalagahan
2.51-3.50 (P)
Lubos na Pinapahalagahan
3.51-4.00 (LP)

Ang kabuuang mean ay 3.26 sa Talahanayan bilang 3, ipinakita rito na ang mga tagatugon ay

pinapahalagahan ang akdang pampanitikang tula sa panahong digital. Ang pinakamataas na

bahagdan na nakakuha ng 3.43 ay sinasabing sinusuportahan ang akdang pampanitikang tula sa

pamamagitan ng pagbabasa, pag-aanalisa, at pagbabahagi ng saloobin mula sa tulang nabasa sa

panahong digital. Samantala, ang pinakamaliit na bahagdan na nakakuha ng 2.86 ay sinasabing hindi

sila gaanong nakikilahok sa mga patimpalak gamit ang social media platforms sa paglikha ng isang

tula sa panahong digital.

Ayon sa pag-aaral nina Lopez et al. (2019) lumabas sa kanilang pag-aaral na ang bawat tula ng iba’t

ibang manunulat ay may iba’t ibang katangian ayon sa uri, kayarian, haba at paksa. Nagtataglay din

ang mga tula ng pagpapahalagang pandamdamin, pangkaisipan at pang-kaasalan sa mga tagapakinig

o mambabasa sapagkat ang mga tulang sinuri ng mga mananaliksik ay kinapapalooban ng mga

temang nakapupukaw at nakaantig sa damdamin ng sinumang babasa nito, gayundin naman ang mga

sitwasyong nakakaimpluwensya sa mga mambabasa upang mamulat sila sa katotohanan ng


Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 34

mganangyayari sa buhay at lipunan at nagbibigay ng iba’t ibang uri ng kaasalan na makapagpapabago

sa pananaw ng bawat tagapakinig o mambabasa.

Suliranin 3: Ano ang antas ng pagkawili ng mga mag-aaral sa akdang pampanitikang tula sa

panahong digital?

Talahanayan 4

Antas ng Pagkawili ng mga Mag-aaral sa Akdang Pampanitikang Tula sa Panahong Digital

Pahayag Mean Berbal na Interpretasyon


Ako ay…

Nakabibili ng mga limbag na tula sa panahong digital. 2.86 KAWILI-WILI


Nakapaglilimbag ng sariling tula gamit ang social
3.16 KAWILI-WILI
media platforms sa panahong digital.
Naglalaan ng oras sa pagsusuri, pagbabasa at panonood
3.08 KAWILI-WILI
ng mga tula sa panahong digital.
Nahuhumaling sa bagong pamamaraan ng balagtasan
3.19 KAWILI-WILI
tulad ng Flip Top Battle sa panahong digital.
Nakapanonood ng spoken poetry at reverse spoken
3.32 KAWILI-WILI
poetry sa panahong digital.
Sumasali sa mga patimpalak na nagpapahayag ng
damdamin sa pamamagitan ng tula sa pasulat man o 3.04 KAWILI-WILI
pasalitang anyo sa panahong digital.
Nakakikilala ng mga manunulat sa panulaang Pilipino
3.20 KAWILI-WILI
sa modernisadong panahon sa panahong digital.
Nalilibang sa pagbabahagi ng tula sa pamamagitan ng
3.30 KAWILI-WILI
online application sa panahong digital.
Nagaganyak magbasa o gumawa ng tulang malaya sa
3.26 KAWILI-WILI
panahong digital.
Gumagawa ng sariling page/website upang mailimbag
2.90 KAWILI-WILI
at makilala ang ginawang tula sa panahong digital.

Composite Mean 3.13 KAWILI-WILI


Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 35

Leyenda Puna
Hindi Lubos na Kawili-wili
1.00-1.50 (HLK)
Hindi Kawili-wili
1.51-2.50 (HW)

2.51-3.50 Kawili-wili (K)

3.51-4.00 Lubos na Kawili-wili (LK)

Inilahad ng mga tagatugon sa talahanayan bilang 4 na kawili-wili ang akdang pampanitikang tula sa

panahong digital. Sa 100 na mga tagatugon, 3.13% sa kabuuang bahagdan ang nagsasabing kawili-

wili ang paggawa ng tula sa pasalita o pasulat na anyo gayon din ang panonood sa akdang

pampanitikang tula sa panahong digital. Ang pinakamataas na bahagdan na nakakuha ng 3.32% ay

sinasabing nawiwili ang mga mag-aaral sa panonood ng spoken poetry at reverse spoken poetry sa

panahong digital. Samantala, ang nakakuha ng may pinakamaliit na bahagdan na 2.86 ay sinasabing

ang mga tagatugon ay hindi gaaanong nakakabili ng mga limbag na tula sa panahong digital.

Ayon sa isang pag-aaral sa Universidad ng Bicol (2015), ang pag-usbong nito ay dala ng mabilis na

pag-unlad ng modernong teknolohiya. Iba’t ibang aspeto na ng ating buhay ay unti-unting naiiba at

napapadali dahil sa modernisasyon gaya na lamang ng aspeto ng pagbabasa. Kung dati-rati,

makakapal na aklat ang ginagamit, ngayon pwede na tayong magbasa sa ating mga kompyuter,

laptop, tablet at maging sa ating mga cellphone. Sa pagdownload ng mga ebooks at mga applications,

maaari na rin tayong makapagbasa ng iba’t ibang klase ng mga libro online. At kung dati, mahirap

para sa mga taong naghahangad na maging manunulat ang mailathala ang kanilang naisulat, ngayon

ay mas napadali na gawa ng mga online writing communities.


Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 36

Suliranin 4: May signipikong pagkakaiba ba ang antas ng pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa

akdang pampanitikang tula sa panahong digital ayon sa demograpikong propayl?

Ipinapahayag ng mga talahanayang ito ang kaugnayan ng propayl ng mga tagasagot sa pagpapahalaga

ng akdang pampanitikang tula sa panahong digital.

Talahanayan 5

BARYABOL Percentage Significant Remarks Decision


ANTAS NG
PAGPAPAHALAGA
NG MGA MAG- Edad 1.821 0.036 Significant Reject Ho
AARAL SA
AKDANG
PAMPANITIKANG
TULA SA Kasarian 1.298 0.211 Not Significant Accept Ho
PANAHONG
DIGITAL
Correlation is significant at the 0.05 level (2-tailed).

Buhat sa tabulasyon, makikitang may kinalaman o nakakaapekto ang edad sa pagpapahalaga ng mga

mag-aaral sa akdang pampanitikang tula sa panahong digital, ito ay marahil hindi na nagiging aktibo

ang mga taong umeedad batay sa kanilang pagpapahalaga sa tulang akda sa paggawa man ng pasulat

o pasalitang anyo at panonood nito. Samantala, makikitang walang kinalaman ang kasarian sa

pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa akdang pampanitikang tula sa panahong digital, ito ay dahil

hindi nasusukat ang kasarian sa pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa akdang pampanitikang tula sa

panahong digital.
Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 37

Ayon sa Pag-aaral ni Ofsted (2019) walang kinalaman ang edad sa pagpapahalaga ng isang akdang

pampanitikan gaya ng tula ganon din sa kasarian ng isang indibidwal dahil pinapakita na ang

pagpapahalaga sa isang akdang pampanitkan ay umuusobong padin magpa-hanggang ngayon.

Suliranin 5: May signipikong pagkakaiba ba ang antas ng pagkawili ng mga mag-aaral sa akdang

pampanitikang tula sa panahong digital ayon sa demograpikong propayl?

Ipinapahayag ng mga talahanayang ito ang kaugnayan ng propayl ng mga tagasagot sa pagkawili ng

akdang pampanitikang tula sa panahong digital.

Talahanayan bilang 6

Baryabol Prikwensiya Kahalagahan Puna Desisyon


ANTAS NG
PAGKAWILI NG Edad 1.146 0.326 Not Significant Accept Ho
MGA MAG-
AARAL SA
AKDANG
PAMPANITIKANG
TULA SA Kasarian 1.358 0.176 Not Significant Accept Ho
PANAHONG
DIGITAL
Correlation is significant at the 0.05 level (2-tailed).

Buhat sa tabulasyon, ipinahayag sa talahanayang ito na walang kinalaman ang edad at kasarian sa

antas ng pagkawili ng mga mag-aaral sa akdang pampanitikang tula sa panahong digital, ito ay

marahil ang teknolohiya ay laganap sa atin na maaaring nakapupukaw sa kahit anu mang kasarian at

edad. Ayon sa pag-aaral ni Banales (2018) sinasabi na ang edad ng isang indibidwal ay nakaka apekto

sa pagkawili at pagpapahalaga nito sa tula dahil makikita na kapag umeedad na ang isang tao ay
Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 38

nawawalan na ito minsan ng gana mag-basa. Samantalang, ang kasarian naman ay nagpapakita ng

walang kaugnayan sa pagtangkilik ng isang manunulat at mambabasa sa isang tula.

Suliranin 6: May signipikong ugnayan ba ang antas ng pagpapahalaga at antas ng pagkawili ng

mga mag-aaral sa akdang pampanitikang tula sa panahong digital?

Talahanayan 7

Baryabol Mean r value P value Puna Desisyon


Antas ng Pagkawili 3.26
.655** 0.000 Significant Reject Ho
Antas ng Pagpapahalaga 3.13
Correlation is significant at the 0.01 level (2-tailed).

Buhat sa tabulasyon, makikitang may signipikong ugnayan ang antas ng pagpapahalaga at antas ng

pagkawili sa akdang pampanitikang tula sa panahong digital. Ito ay marahil sa pagpapahalaga ng

mga mag-aaral sa akdang pampanitikang tula sa panahong digital ay nagbibigay daan upang

magkaroon ng malawak na interes sa mga akdang pampanitikang tula sa panahong digital.

Ayon kay Galvez 2018, malaki ang naitutulong ng panitikan o tula sa ating mga indibidwal na buhay,

at sa buhay ng ating lipunan. Nagbibigay ang panitikan ng isang magandang pagtakas sa realidad at

ibinabahagi nito ang isang uri ng libangan para sa mga tao. Sa pagtuklas ng teknolohiya ay mas lalong

umusbong ang interes ng mga tao sa panulaan sa pasalita man o pasulat na anyo at dahil dito

nagkakaroon ng kahalagahan at patuloy na nabubuhay ang panulaang pilipino sapagkat naibabahagi

ito at naisasakatuparan magpa-hanggang ngayon.


Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 39

Iminungkahing Planadong Aksyon


A. Pagpapaunlad ng Akdang Pampanitikang Tula sa Panahong Digital gamit ang Website
“Tula mo, ilimbag mo”

Papaunlarin Layunin Mga taong Takdang Pondo Inaasahang Indikasyo


kasangkot Panahon Bunga n ng
Tagumpa
y
Kakayahan Nadadagdagan Mga mag- Mula Hindi Makikilahok Nagkakaro
ng mga mag- ang kanilang aaral na Hunyo kailangan ang 80% ng on ng
aaral sa pundasyonsa nagpapakad ng pondo mga mag- pagpapaun
pagsusuri ng pagsusuri ng alubhasa sa aaral at higit lad ng
akdang mga akdang asignaturan na kaalaman
pampanitikan pampanitikang g Filipino napapayabon sa
g tula sa tula sa g ang larangan
panahong panahong kanilang ng
digital digital. kaalaman at akademiko
Napapalawak maging ang ng
ang kanilang kanilang Filipino.
kaalaman sa pagpapahalag
nasabing a at pagkawili
larangan. sa akdang
pampanitikan
g tula sa
panahong
digital.
Paghikayat sa Napagbubuti Mga mag- Mula Hindi Makikilahok Nagkakaro
mga mag- ang kanilang aaral na Hunyo kailangan ang 60% na on ng
aaral sa kasanayan sa nagpapakad ng pondo mga mag- pagkakakil
paglilimbag paggawa ng alubhasa sa aaral at higit anlan mula
ng mga tulang isang tula. asignaturan na sa mga
gawa sa Napapataas g Filipino mapagyayam manunulat
pasulat man o ang kanilang an ang gayon din
pasalitang kognitibong bokabularyo ang
anyo. kakayahan. at kanilang bagong
tutugma sa talasalitaan. kaalaman
isang tula. na
bubusog sa
kanilang
isipan.
Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 40

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Inilalahad ng kabanatang ito ang buod ng mga natuklasan, konklusyon at rekomendasyon ng

pagtukoy sa Pagpapahalaga at Pagkawili sa Akdang Pampanitikang Tula sa Panahong Digital Mula

sa mga Mag-aaral na Nagpapakadalubhasa sa Asignaturang Filipino sa Pamantasan ng Cabuyao.

Lagom

Ang demograpikong propayl batay sa edad na 21 ay nakakuha ng pinakamataas na bilang na may

bahagdan na 36% habang ang edad naman na 18 ay nakakuha ng bahagdan na 1%. Samantala, ang

kasarian batay sa tumugon na babae ay may bilang na 64 o 64% na bahagdan habang ang mga

tumugon na lalaki ay may bilang na 36 o 36% na bahagdan. Sa usaping antas ng pagpapahalaga ng

mga mag-aaral sa akdang pampanitikang tula sa panahong digital ang may pinakamataas na bilang

ay ang sumusuporta sa akdang pampanitikang tula sa pamamagitan ng pagbabasa, pag-aanalisa, at

pagbabahagi ng saloobin mula sa tulang nabasa sa panahong digital na umabot sa mean 3.43 na ang

berbal interpretasyon ay pinapahalagahan. Sa antas naman ng pagkawili ng mga mag-aaral sa akdang

pampanitikang tula sa panahong digital ang may pinakamataas na bilang ay nakapanonood ng spoken

poetry at reverse spoken poetry sa panahong digital na umabot sa mean 3.32 na may berbal na

interpretasyong kawili-wili. Samantala, pagdating sa signipikong pagkakaiba ng antas ng

pagpapahalaga sa ng mga mag-aaral sa akdang pampanitikang tula sa panahong digital sa

demograpikong propayl na sinasabing may signipikong pagkakaiba ang pagpapahalaga sa akdang

pampanitikang tula sa panahong digital batay sa kanilang edad habang ang kinalabasan batay sa
Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 41

kasarian ay nagreresulta ng walang signipikong pagkakaiba. Habang ang signipikong pagkakaiba

naman ng antas ng pagkawili ng mga mag-aaral sa akdang pamapanitikang tula sa panahong digital

ayon sa demograpikong propayl ay nagreresulta ng walang signipikong pagkakaiba sa dalawalang

demograpikong proyal: edat at kasarian. Sa signipikong ugnayan ng antas ng pagpapahalaga at

pagkawili ng mga mag-aaral sa akdang pampanitikang tula sa panahong digital ay nagreresulta ng

signipikong ugnayan.

Konklusyon

Konklusyon batay sa mga datos na sinuri at pinakahulugan ng mga mananaliksik, nakita ang mga

sumusunod:

1. Pinakamarami sa aming tagatugon o respondente ay nasa edad na 21, ito ay umabot sa 36%

na bahagdan samantalang ang pinakakaunti na bilang ay nasa edad na 18 na may 1% bahagdan

lamang.

2. Ipinakita na ang mga tagatugon ay may pagpapahalaga sa akdang pampanitikang tula sa

panahong digital, ang pinakamataas na bahagdan ay umabot sa mean na 3.43 kung saan

sinasabing sinusuportahan ang akdang pampanitikan tula sa pamamagitan ng pagbabasa, pag-

aanalisa at pagbabahagi ng saloobin mula sa tulang nabasa sa panahong digital.

3. Ipinakita rin na ang mga tagatugon ay may pagkawili sa akdang pampanitikang tula sa

panahong digital, ang pinakamataas na bahagdan na nakuha ay umabot sa mean na 3.32 na

nagsasabing nawiwili ang mga mag-aaral sa panonood ng spoken poetry at reverse spoken

poetry sa panahong digital.


Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 42

4. Malaki ang kinalaman ng edad sa pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa akdang pampanitikang

tula sa panahong digital dahil marahil hindi na nagiging aktibo ang mga taong nagkakaedad

na. Samantala, wala namang kinalaman ang kasarian sa pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa

akdang pampanitikang tula sa panahong digital dahil hindi nasusukat ang kasarian batay sa

pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa akdang pampanitikang tula sa panahong digital gayon

din

5. Pinatunayan na walang kinalaman ang edad at kasarian sa antas ng pagkawili ng mga mag-

aaral sa akdang pampanitikang tula sa panahong digital.

6. Pinatunayan na may signipikong ugnayan ang antas ng pagpapahalaga at antas ng pagkawili

sa akdang pampanitikang tula sa panahong digital. Dahil ang sa pagpapahalaga ng mga mag-

aaral sa akdang pampanitikang tula sa panahong digital ay nagbibigay daan upang magkaroon

ng pagkawili sa mga akdang pampanitikang tula sa panahong digital.

7. Napagkasunduan ng mga mananaliksik na magkaroon ng dalawang planadong aksyon na

maiimungkahi sa pagpapahalaga at pagkawili sa akdang pampanitikang tula sa panahong

digital ng mga mag-aaral sa Pamantasan ng Cabuyao.

Rekomendasyon

1. Ayon sa mga nakalap na resulta ng mga mananaliksik, ang bilang ng tagatugon ay sapat

lamang sa kabuuang bilang ng mga mag-aaral na nagpapakadaluhasa sa asignaturang Filipino

mula sa unang antas haggang sa ikaapat na antas, taong panuruan 2021- 2022. Kung kaya't
Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 43

imunumungkahi ng mga mananaliksik na mas paigtingin pa ang pagpapahaga at pagkawili ng

mga mag-aaral sa akdang pampanitikang tula.

2. Batay sa mga datos na nakalap ng mga mananaliksik, ipinapakita rito na ang kinalabasan ng

pag-aaral ayopn sa mga tagatugon ay pinapahalagahan ang akdang pampanitikang tula sa

panahong digital. Kung kaya't imunumungkahi ng mga mananaliksik na patuloy na

sumuporta sa akdang pampanitikang tula sa pamamagitan ng pagbabasa, pag-aanalisa, at

pagbabahagi ng saloobin mula sa tulang nabasa ngayong panahon ng digital.

3. Ayon sa antas ng pagkawili, inilahad ng mga tagatugon ang talahanayan bilang 4 na kawili-

wili ang akdang pampanitikang tula sa panahong digital. Kung kaya't imunumungkahi ng mga

mananaliksik na kilalanin sa bagong pamamaraan ng balagtasan tulad ng Flip Top Battle sa

panahong digital.

4. Mula sa mga nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik sa mga tagatugon ay malaki ang

bahagdan ng pagpapahalaga at pagkawili ng mga mag-aaral sa akdang pampanitikang tula sa

panahong digital. Kung kaya't imunumungkahi ng mga mananaliksik na gawing libangan o

hobby ang paggawa ng sariling facebook page upang mas lalong makilala ang mga tulang

gawa ng mga mag-aaral.


Pamantasan ng Cabuyao
Katapatan Subd., Banay-banay, City of Cabuyao

KOLEHIYO NG EDUKASYON, SINING AT AGHAM 44

You might also like